Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG HINIHANGAN NG DIYOS NA AKLAT

THE GOD-BREATHED BOOK
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles,
Gabi ng Araw ng Panginon, Ika-30 ng Nobiyembre taon 2014

“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (II Ni Timoteo 3:16, 17).


Ako’y tinawag na “tagagising ng magulung pulutong ng mga tao” ng mga mangangaral na takot na tumayo para sa katotohanan. Ako’y tinawag na “panatiko” ng mga mangangaral na ang motibo ay mapanatili ang kanilang mga trabaho. Ako’y tinawag na “tagawa ng gulo” ng mga kalalakihan na ang nag-iisang layunin sa kanilang buhay ang mapasaya ang mga miyembro ng kanilang simbahan. At , oo, ako’y tinawag na “ekstremisto” ng mga pinuno ng simbahan na walang pakialam na kahit ano sa pagtatangol ng Banal na mga Kasulatan!

Ang aking katayuan sa Bibliya ay laging pareho. Lagi kong sinasabi na ang buong Bibliya, mula sa simula hanggang sa katapusan, ay ang Salita ng Diyos, ang bawat salita sa Hebreo at Griyego ay ibinigay “na kinasihan ng Diyos” (II Ni Timoteo 3:16). Ang mga Katimugang mga Bautista ay nagsabi sa akin na ako’y hihirang na hindi mainam, at hindi kailan man makakukuha ng isang simbahan, kung magpapatuloy ako sa pagsasabi niyan! Tapos ako’y naging isang pundamental na Bautista – at ang mga tinatawag na mga pundamentalista ay nagsimulang salakayin ako para sa pagsasabi ng parehong bagay na ang mga liberal na mga Katimugang Bautista ay gumanti laban sa!

Ang Rukmanismo ay ang paniniwala na ang mga salita ng Haring Santiagong Bibliya ay ibinigay ayon sa inspirasyon at walang pagkakamali sa Inlges. Ang ilan ay lumalayo pa nga sa pagsasabi na ang Ingles na mga salita sa KJV ay tama sa Griyego at Hebreo. Ang mga di pangkaraniwan at Satanikong mga ideya ay hindi kailan man pinaniwalaan ng kahit sino simula ng mga taong 1950, ngunit pinatanyag ni Dr. Peter S. Ruckman (1921-). Ang Rukmanismo ay nagsanhi ng maraming paghihiwalay at paghahati, lalo na sa pagitan ng mga independyenteng pundamentalistang mga Bautista. Nagsulat ako ng isang aklat tungkol rito na tinatawag na, “Rukmanismo Inilantad” [“Ruckmanism Exposed”], alin ay maaring makuha sa pamamagitan ng pagsusulat ng email sa akin sa rlhymersjr@sbcglobal.net. Ang mga pagsasalin ng Bibliya ay ginawa direkta mula sa KJV Ingles, kaysa mula sa Hebreo at Griyego, sa Espanyol, Korean, Russo at ibang mga wika, gayon nagtataguyod ng huwad at demonikong doktrina ng Rukmanismo sa buong mundo. Isang galit na matandang Rukmanayt ang nagpakansela sa akin mula sa pagsasalita sa isang Bautistang Bibliyang Kolehiyo, ng Springfield dahil sa pagsasabi niyan!

Isang galit na mangangaral sa Lungsod ng New York ay ipinakansela rin ako dahil sa pagsasabi niyan. Ang anak ng isang malapit na kaibigan ng ama ng aking asawa ay nagpunta sa simbahan ng taong ito. Siniraang puri niya ako at nginuya ng napaka sidhi na ang nalilitong bata ay lumisan sa simbahan sa pagkagulat at hindi ligtas hanggang sa araw na ito. Pinagdusahan ko ang mga tirador at mga pana ng parehong mga liberal at mga konserbatibo, mula sa lahat ng mga tabi, dahil sa pagtatayo sa makasaysayahang katayuan na ang Griyego at Hebreong mga salita ng Bibliya ay ibinigay ng ganap na berbal na inspirasyon, at isinalin sa Haring Santiagong Bersyon! Dinala ko ang KJV sa klase sa dalawang liberal na mga seminaryo, noong ang lahat ng mga ibang mag-aaral ay mayroong Binagong Basehang Bersyon [Revised Standard Version], isang liberal na pagsasalin. Hanggang sa araw na ito dinadala ko ang KJV sa pulpit at nangangaral mula rito sa bawat paglilingkod.

Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones na dapat tayong magkaroon ng bagong pagsasalin “…ay walang iba kundi lubos na walang kabuluhan!” Sinabi niya na ang mga tao ay hindi tumigil sa pagbabasa ng Bibliya “dahil hindi nila maintindihan ang wika, kundi dahil hindi nila ito pinaniniwalaan. Hindi nila ito pinaniniwalaan ang Diyos nito…Ang kanilang problema ay hindi sa wika at terminolohiyo; ito’y ang kondisyon ng puso” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Pagkaka-alam ng mga Panahon [Knowing the Times], The Banner of Truth Trust, 1989, mga pah. 112, 114).

Lagi kong itinuro na ang Hebreo at Griyego ay ibinigay ng ganap, na berbal na inspirasyon. Iyan ang saktong sinabi ng Apostol Pablo sa ating teksto,

“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (II Ni Timoteo 3:16, 17).

Ipinangaral ko iyan ng halos anim na pung taon, at wala akong intension na baguhin ito kailan man! Tangapin mo man ito o hindi! Iyan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sarili nito!

I. Una, naniniwala ako na ang Bibliya ay “kinasihan ng Dios.”

Ang Griyegong salitang “kinasihan” ay “theopneustos.” Ibig nitong sabihin ay “hinihangan ng Diyos.” Ang mga Banal na Kasulatan ay “ihininga ng Diyos.” Sinasabi ng Apostol Pedro sa atin na ang mga may-akda ng Kasulatan ay “nagsalita…na nangaudyokan ng Espiritu Santo” (II Ni Pedro 1:21). Ang Griyegong salitang isinaling “naudyok” ay mula sa “phero” at ibig nitong sabihin ay “buhatin.” Mula sa II Ni Timoteo 3:16 at II Ni Pedro 1:21 makikita natin na binuhat ng Banal na Espiritu ang mga isipan ng mga may-akda gayon din na isinulat nila ang mga ihininga ng Diyos na mga salita ng Bibliya. Halimbawa, sa Jeremias 1:9, mababasa natin,

“Sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig” (Jeremias 1:9).

Si Hesus Mismo ang naghula ng inspirasyon ng Bagong Tipan noong sinabi Niyang,

“Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas” (Marcos 13:31).

Hindi ito ang mga ideya sa Bibliya na ibinigay ng Diyos. Ito’y ang mga kaisipan sa Bibliya na ibinigay ng Diyos. Ito’y ang mga salita na ihininga ng Diyos! Ito’y ang mga salita na pinakulos ng Banal na Espiritung isulat! At ito’y rebelyon laban sa mga salita ng Bibliya na nagdadala ng paghahatol, “sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios” (Mga Awit 107:11).

Ang masamang Haring Jehoikaim ay tinanong si Baruch kung saan niya nakuha ang Aklat ng Jeremias. Sumagot si Baruch na ang propeta ay “Kaniyang sinalita ang lahat na salitang ito sa akin ng kaniyang bibig, at aking isinulat ng tinta sa aklat” (Jeremias 36:18). Huwag mong paniwalaan ang kahit sinong nagsasabi sa iyo na ang mga salita ay hindi kinasihan! Ang bawat salita sa Hebreong Lumang Tipan, at ang bawat salita sa Griyegong Bagong Tipan – ang bawat nag-iisang salita sa buong Bibliya – ay isang “inihingahan ng Diyos” na salita! “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” (II Ni Timoteo 3:16). At iyan ay nagdadala sa atin sa sunod nap unto.

II. Pangalawa, naniniwala ako na ang lahat ng Bibliya ay ibinigay ayon sa inspirasyon ng Diyos.

“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” (II Ni Timoteo 3:16).

Ibig nitong sabihin lahat ng Hebreo at Griyegong mga salita ng Bibliya, mula sa Genesis hanggang sa Apocalipsis, ay kinasihan ng Diyos, ihininga ng Diyos na mga salita. Tinatawag ito ng mga Eskolar na “ganap na berbal na inspirasyon ng Bibliya.” Ang ibig sabihin ng “berbal” ay na ang mga salita ay kinasihan. “Ganap” ay nangangahulugang “buo.” Ang buong Bibliya ay kinasihan, ibinigay ayon sa inspirasyon.

Si Dr. W. A. Criswell, ang dakilang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas, ay nagsabing,

“Ito’y ganap sa diwa na ang lahat ng ito, ang lahat ng kasulatan ay theopneustos, ang lahat ng ito ay ihininga ng Diyos. At ito’y berbal sa diwa na ang bawat tuldok at kudlit nito ay kinasihan…” (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Ang Bibliya para sa Mundo Ngayon [The Bible for Today’s World], Zondervan Publishing House, 1967 edisiyon, pah. 49).

Sinabi ni Hesus,

“Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan” (Mateo 5:18).

Ang isang “tuldok” ay tumutukoy sa pinaka maliit na Hebreong letra, alin ay isang koma, isang maliit na marka. Ang isang “kudlit” ay isang maliit na tuldok sa Hebreong letra. Kahit ang pinaka maliit na mga tuldik sa Hebreong mga salita ng Kasulatan ay naroon ayon sa higit sa natural na inspirasyon ng Makapangyarihang Diyos!

Kapag hinahawakan ko ang Bibliyang ito sa aking kamay, hinahawakan ko ang isang dakilang kayamanan. Ito’y ang salita-kada-salitang pagsasalin ng hininga ng Diyos na mga salita ng Panginoong ating Diyos! Hawak ko sa aking kamay ang salita kada salitang pagsasalin ng Salita ng Diyos! Kung gusto kong malaman kung anong iniisip ng Diyos patungkol sa isang paksa, hindi ko tinitignan ang naiisip ng mga pilosopo, o kung anong naiisip ng isang sekular na eskolar. Kung gusto kong malaman kung anong naiisip ng Diyos tungkol sa isang paksa, binubuksan ko ang aking Bibliya at binabasa ang berbal na kinasihang mga salita na ibinigay ng Diyos. At hindi ko dapat “baluktutin” ang mga salita. Dapat kong kunin ang mga ito sa simpleng kahulugan nito. Kapag ang Diyos ay tumutukoy sa isang puno, ang ibig Niyang sabihin ay isang puno. Kapag tumutukoy Siya ng isang altar, ang ibig Niyang sabihin ay isang altar.

Iyan ang nakapagpapagalit sa akin tungkol kay Dr. MacArthur. Marami siyang mga mabuting bagay na sasabihin. Ngunit tapos sasabihin niya, Ang dugo ay ginagamit bilang pampalit na salita sa kamatayan” (Isinalin mula sa Ang MacArthur na Pag-aaral na Bibliya [The MacArthur Study Bible]; sulat sa Mga Taga Hebreo 9:14). Sinasabi niya tungkol sa mga salita “Gaano pa kahigit na ang dugo ni Kristo…ay magpupurga ng iyong konsensya mula sa mga patay na gawain.” Ngunit dahil naniniwala ako sa berbal na kasihan ng Bibliya, alam ko na hindi siya maaring tama. Sinasabi niya na ang “dugo” ni Kristo ay “isang kapalit ng kamatayan.” O, mali! Ang kamatayan ni Kristo ay hindi nagpupurga ng ating konsensya. O, hindi! Ang dugo lamang ni Kristo ang makagagawa niyan! Ang kanyang pagkakamali ay nagpapakita kung gaano kahalaga itong malaman na ang bawat salita ng Bibliya ay ibinigay ayon sa inspirasyon – ipinadala mula sa Diyos, bawat tuldok at bawat kudlit! Ang Griyegong salita sa Hebreo 9:14 ay “haima.” Ibig nitong sabihin ay “dugo.” Nakuha natin ang Ingles na salitang “hemorrhage” (isang mas malaking paglabas ng dugo sa Ingles) mula sa Griyegong salitang ito. Ang “Hematology” sa medisina, ay tumutukoy sa pag-aaral ng dugo. Parehong Ingles na mga salita ay nanggagaling mula sa salitang “haima.” Malinaw na ipinapakita nito na si Dr. MacArthur ay mali kapag sinasabi niya na, “Ang dugo ay ginamit bilang kapalit na salita sa kamatayan.” Hindi – ang Griyegong salitang haima ay nangangahulugang dugo! Hindi ito maaring mangahulugang “kamatayan.” Ang Griyegong salita para sa kamatayan ay “thanatos.” Ang Griyegong salita ay nagpupunta sa Ingles na “euthanasia.” Ang bahaging “thana” sa Ingles na salita ay mula sa “thanatos” at ibig nitong sabihin ay “kamatayan.” “Eu” ay nangangahulugang “mabuti” sa Griyego. Kaya ang “euthanasia” ay literal na ibig sabihin ay “mabuting kamatayan.” Ganyan tukuyin ng mga liberal ang inasistang pagpatay sa sarili. Ang punto ay ito – “haima” ay nangangahulugang dugo. “Thanatos” ay nangangahulugang kamatayan. Si MacArthur ay mali sa pagsasabi na, “Ang dugo ay ginamit na kapalit para sa salitang kamatayan.” Ang ibig sabihin ni Apostol Pablo ay “dugo.” Kung ang ibig niyang sbaihin ay “kamatayan” ginamit niya sana ang Griyegong salitang “thanatos.” Sinasabi ng Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible], “Walang…maimahinatibong paraan na di pumapansin sa orihinal na pagpapakita ng kahuluguhan ng manununulat ang maaring nararapat” (isinalin mula sa sulat sap ah. 844, “Pag-iintindi sa Salita ng Diyos” [“Understanding God’s Word”]). Sa tinggin ko natutunan ni Dr. MacArthur na palitan ang salitang “dugo” sa “kamatayan” mula kay Colonel R. B. Thieme. Naroon ako noong taglagas ng taong 1961, at naging saksi. Nakit ko ang binatang si John MacArthur na isulat ang mga saktong mga salitang ito sa isang sulating papel habang sinabi ni Thieme ang mga ito, “Ang dugo ay ginamti bilang isang kapalit ng salita para sa kamatayan.” Siyempre, maraming mga eskolar ang nakaa-alam na si Colonel Thieme ay mali sa puntong ito. Si Colonel Thiem ay mukhang mayroong pag-aayaw, isang di pagkagusto, para sa Dugo ni Kristo. At ang kanyang pagkakamali ay dumarating sa atin sa pamamagitan ni Dr. MacArthur. Huwag dapat natin kailan man babaluktutin ang isang Griyegong salita upang magkahulugan ng iba pa, gayon ay di pinapansin ang “orihinal na paghahayag ng manunulat ng kahulugan” (Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [Reformation Study Bible], ibid.).

Ginamit ko ang Thieme/MacArthur na problema upang ipakita ang kahalagahan ng berbal na kasihan ng Bibliya, ang pagtuturo na ihininga ng Diyos ang bawat salita ng Bibliya sa Hebreo at Griyego.

Si Dr. Harold Lindsell ay isang dakilang eskolar, at isang dakilang tagapagtanggol ng walang pagkakamali ng Bibliya. Ang kanyang aklat na Ang Pakikipaglaban para sa Bibliya [The Battle for the Bible], ay walang duda isa sa pinaka mahalagang aklat para sa ating panahon. Sinabi ni Dr. Lindsell, “Ang inspirasyon ay umaabot sa lahat ng bahagi ng naisulat ng Salita ng Diyos at isinasama nito ang gumagabay na kamay ng Banal na Espiritu kahit na sa pagpipili ng mga salita ng Kasulatan” (Isinalin mula kay Harold Lindsell, Ph.D., Ang Pakikipaglaban para sa Bibliya [The Battle for the Bible], Zondervan Publishing House, 1978 edisiyon, pah. 31; pagdidiin sa akin). Siyempre si Dr. Lindsell ay itinukoy sa Hebreo at Griyegong mga salita, noong sinabi niya na ang Banal na Espiritu ay gumabay sa mga may-akda ng Bibliya “kahit sa pagpipili ng mga salita ng Kasulatan.” Sinabi ni Dr. Henry M. Morris na si Pablo ay gumawa ng “isang lumulubos na malakas na paninindigan ng berbal na inspirasyon” ng mga salita ng Kasulatan sa Galacias 3:16. Sinabi niya na ibinase ni Pablo ang kanyang argumento doon, “hindi lamang sa isang salita, kundi isang letra, ‘binhi’ imbes na “mga binhi’” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishing, 1995 edisiyon, pah. 1296; sulat sa mga Taga Galacias 3:16; pagdiin sa akin).

Lubos akong sumasang-ayon kay Dr. Lindsell at Dr. Morris. Kilala ko silang parehon, at pareho silang tama. Iyan ang dahilan na ako’y lubos na nag-aalala patungkol sa pahayag ni Dr. MacArthur na ang “Dugo ay ginamit bilang kapalit sa salitang kamatayan.” Huwag dapat natin kailan man gagawin iyan kung tayo’y tunay na naniniwala sa berbal na inspirasyon ng Kasulatan. Pinaninindigan ng Diyos ang sinasasabi Niya sa Bibliya. At maari kang maniwalang lubos sa sinsasabi ng Bibliya sa Hebreo at Griyegong mga Kasulatan. Sinasabi ni Hesus, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4; pagsisipi mula kay Kristo mula sa Deutronomio 8:3; pagdidiin sa akin).

Kapag binabasa mo ang Bibliya matitiyak mo na binabasa mo ang bawat Salita ng Diyos. Kapag binabasa mo ang mga salita, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka,” mapagkakatiwalaan mo ang sinasabi ng Diyos doon sa Mga Gawa 16:31. Kapag ikaw mismo ay “mananampalataya sa Panginoong Jesus” ika’y maliligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Anak ng Diyos. Kapag babasahin mo ang mga salita ni Hesus, “ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” matitiyak mo na hindi ka itataboy ni Hesus kapag magpunta ka sa Kanya (Juan 6:37). Kapag babasahin mo ang mga salita ni Hesus, “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin,” matitiyak mo na kapag magpupunta ka kay Hesus bibigyan ka Niya ng pahinga (Mateo 11:28). Kapag babasahin mo ang mga salita ni Hesus, “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan,” masisigurado ka na hindi ka mapapahamak, kundi magkakaroon ng walang hanggang buhay kapag mananampalataya ka sa Kanya (Juan 3:16). Kapag babasahin mo ang mga salitang, “nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan,” matitiyak mo na ang pinaka “dugo ni Hesus” ay makalilinis sa iyo “mula sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (II Ni Timoteo 3:16, 17).

Kung pinaniniwalaan mo ang mga salitang iyon sa Bibliya ay totoo, gayon bakit hindi magtiwala kay Hesus at maging ligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan Niya? Kung naniniwala ka sa sinasabi ng Diyos, gayon magpunta at pagkatiwalaan ang Kanyang Anak, na umiibig sa iyo at namatay sa Krus upang iligtas ka mula sa kasalanan, kamatayan at Impiyerno! Sabihin sa mga salita ng dakilang lumang himno,

Ako’y papunta na Panginoon!
   Papunta na sa Iyo!
Hugasan ako, linisan ako sa dugo
   Na umagos sa Kalbarayo.
(“Ako’y Papunta na Panginoon.” Isinalin mula sa
      “I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Ni Timoteo 3:12-17.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Alam Ko Ang Bibliya ay Totoo.” Isinalin mula sa
“I Know the Bible is True” (ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952).


ANG BALANGKAS NG

ANG HINIHANGAN NG DIYOS NA AKLAT

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (II Ni Timoteo 3:16, 17).

I.   Una, naniniwala ako na ang Bibliya ay “kinasihan ng Dios,”
II Ni Pedro 1:21; Jeremias 1:9; Marcos 13:31; Mga Awit 107:11;
Jeremias 36:18.

II.  Pangalawa, naniniwala ako na ang lahat ng Bibliya ay ibinigay
ayon sa inspirasyon ng Diyos, Mateo 5:18; 4:4;
Mga Gawa 16:31; Juan 6:37; Mateo 11:28; Juan 3:16;
I Ni Juan 1:7.