Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ARAW NG PASKONG PISTANG KAHANGALAN!CHRISTMAS HOLIDAY MADNESS! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay” (Ecclesiastes 9:3). |
Isinulat ni Haring Solomon ang Ecclesisates. Ito’y isang pagtatala ng mga iba’t-ibang mga karanasan na nagkaroon siya sa buhay. Sinubukan niya ang lahat upang makita kung anong magdadala ng kasiyahan sa kanyang kaluluwa. Sinubukan niya ang paghahabol sa kaalaman. Sinubukan niya ang kaluguran, Sinubukan niya ang pagkakamit ng mga kayamanan. Sinubukan niya ang relihiyon. Sinubukan niya ang katanyagan. Sinbukan niya ang moralidad. Sa wakas nakarating siya sa konklusyon na “lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala” (Ecclesiastes 1:14; 2:11, 17). Nakita na niya ang lahat, at nasubukan ang lahat, at mukhang ang lahat ng ito ay walang kabuluhan at walang laman. Ito’y nagdala sa kanya upang mahinuha, kasama ng Apostol Juan, na ang “ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Juan 2:17).
Ecclesiastes 9:3 ay isang napaka pesimistang teksto. Itinatanghal nito ang isang napaka negatibong pananaw ng sangkatauhan. Gayon naniniwala ako na si Haring Solomin ay saktong tama. Gumawa siya ng tatlong mga salaysay sa tekstong ito na napaka totoo, at magkatugma sa natitira ng Bibliya.
“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay” (Ecclesiastes 9:3).
I. Una, sinabi ni Haring Solomon, “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan.”
Ginawa niya itong malinaw sa iba pang berso, noong sinabi niyang,
“Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala” (Ecclesiastes 7:20).
“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan.” Hindi iyan ang pinaniniwalaan ng karamihan ng mga tao ngayon. Muli’t muli naririnig natin ang mga taong nagsasabi na, “Naniniwala ako na ang tao ay talagang mabuti.” Ngunit hindi iyan ang pananaw na sinosuportahan ng dahilan o ng Kasulatan! Ipinapakita ng dahilan na ang tao ay “puno ng kasamaan”! Basahin ang peryodiko. Panoorin ang balita sa telebisyon. Nakakikita tayo ng matinding kasamaan at napaka kaunting kabutihan. Kahit na ang mukhang “mabuti” ay sa katapusan ay nanggagaling mula sa pagkamakasarili o kayabangan, at gayon ay masama sa kamoralidan! Muli’t muli ipinapakita ng dahilan ang pagkamakatotohanan ng mga salita ni Solomon, “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan.”
Tapos basahin ang mga Kasulatan. Mula sa isang dulo ng Bibliya patungo sa isa tayo ay sinasabihan patungkol sa pagkamakasalanan ng kalikasan ng tao, ang kanyang lubos na pagkasama. Bago ng Baha,
“Nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).
Sa kanyang tanyag na sermon na “Orihinal na Kasalanan,” ang dakilang ebanghelistang si John Wesley (1703-1791), ay nagsabi na ang mga tao ay pareho ngayon gaya noon bago ng Baha. Sinabini John Wesley,
Ito’y lampas sa libo-libong taon na pagkatapos ng [Baha] na idineklara ng Diyo sa pamamagitan ni David, “[sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa,” Mga Awit 14:3; Mga Taga Roma 3:10]. At dito ay lahat ng mga Propeta ay saksi…Kaya [sinabi] ni Isaias, “Ang buong ulo ay may sakit, at buong puso ay mahina. Mula sa talampakan ng paa kahit na sa ulo ay walang kabutihan rito; kundi mga sugat, pasa, at nabubulok na mga sugat” [Isaias 1:5-6]. Ang parehong kwento ay ibinigay ng lahat ng mga Apostol. Mula sa lahat ng mga it, malalaman natin, patungkol sa tao sa kanyang natural na kalagayan…na “ang bawat imahinasyon ng kaisipan ng kanyang puso” ay masama pa rin, “kasamaan lamang,” at iyan ay “patuloy” (Isinalin mula kay John Wesley, M.A., “Ang Orihinal na Kasalanan” [“Original Sin,”] Ang Mga Gawain ni John Wesley [The Works of John Wesley], Baker Book House, 1979 inilimbag muli, kabuuan VI, mga pah. 57, 58).
Sinabi ng propetang Jeremias,
“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?” (Jeremias 17:9).
Gayon, makikita natin na ang Bibliya, mula sa isang dulo patungo sa isa pa, ay sumosuporta sa pahayag ni Solomon, “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan.” At nakikita natin iyan na nakukumpirma araw araw sa peryodiko at sa telebisyon. “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan.”
II. Pangalawa, sinabi ni Haring Solomon, “at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay.”
“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay” (Ecclesiastes 9:3).
Ang Hebreong salitang “kaululan” ay nanggagaling sa ugat na salita na nangangahulugang “hangal” (Isinalin mula kay Strong, #1984). Ang aktwal na salita ay “howlelah” at ibig sabihin nito ay “kaululan” (Isinalin mula kay Strong, #1947). Kaululan, kahibangan, diliryo, pagkasukal – iyan ang larawan! “Kaululan ang nasa kanilang puso habang sila’y nabubuhay.” Sinasabi ng Strong’s Concordance na ang ugat ng Hebreong salita ay nangangahulugang “upang gumawa ng isang palabas, upang maging hangal, upang magdiwang, upang magalit.” Sinabi ni Mathew Henry na ang mga tao “…ay ngayon ulol na mga tao, at lahat ng mga kagalakan na mukhang sila’y nabibiyayaan ay wala kundi tulad ng mga…panaginip at mga kahumalingan ng nagugulong [ulol] na tao: (Isinalin mula kay Kumentaryo ni Mathew Henry sa Buong Bibliya [Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible], Hendrickson Publishers, 1996 inilimbag muli, kabuuan 3, pah. 849; sulat sa Ecclesiastes 9:3).
Ang kaululan ng puso ng tao ay umaabot sa iba’t ibang anyo ng pagsasamba ng mga idolo. Sinabi ng propetang si Jeremias, “sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan” (Jeremias 50:38) – “at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay” (Ecclesiastes 9:3). Ang mga tao sa ating panahon ay “ulol dahil sa mga diosdiosan” – ang mga diosdiosan ng pornograpiya, materyalismo, makasalanang kagalakan, at ang dakilang idolo ng “tuwa.”
Ang “kapistahan” ay isang panahon ng taon kapag ang ulol na pagkadiliryo ng puso ng tao ay bukas na nagpapakita. Tuwing Pasko at Bagong Taon ang kauluan ng puso ng tao ay sumisiklab tulad ng isang pagsabog ng isang bulkan! Sinabi ni Dr. A. W. Tozer (1897-1963),
Ang uri ng kaululan ay kumakapit sa karamihan, at tapos ay nagsisimula iyang ulol na pagsubok ng lahat upang makapunta sa ibang lugar kaysa kung asaan man sila. Walang humihinto upang magtanong kung patungkol saan ang lahat ng mga ito, ngunit halos lahat na wala sa ospital o sa bilangguan ay sumasali sa pangkalahatang pagdadaluhong mula sa lahat ng lugar sa kung saan mang lugar at pabalik. Isang di maiwasang udyok ay pumupulot sa karamihan sa atin tulad ng mga butil ng alikabok na nadakip sa hangin, at umiikot at bumabati sa ating nahihilo at delikado… (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., “Gitnang Tag-init na Kaululan” [“Midsummer Madness,”] sa Sinasabi ng Diyos sa Tao Kung Sino ang May-Pakialam [God Tells the Man Who Cares], Christian Publications, 1970 edisiyon, pah. 127). Upang mabasa ang tungkol kay Dr. Tozer iklik ito.
Anong sinabi ni Dr. Tozer tungkol sa “Gitnang Tag-init na Kaululan” limampung taon noon, ngayon ay mailalagay ng kapantay lamang kung hindi mas higit pa, sa Tagsibol at Taglamig na “kapistahan” na kaululan! Ang mga tao ay magiging masukal “sa isang magdeliryong pagsubok” na magkaroon ng “tuwa” at “makapunta saan man kaysa sa kung saan man sila” tuwing Araw ng Pasasalamat, Pasko at Bagong Taon. Tuwing Araw ng Pasasalamat libo-libong mga tao ay naiipit sa mga erport, sumusubok na makabalik sa Silangan o pabalik sa Kanluran, para sa ilang oras ng tinatawag na “katuwaan.” Wala sa kanila ang nag-iisip na magpunta sa simbahan upang magbigay ng pasasalamat sa Diyos!
Ang “kapistahan na kaululan” ay nagsisimula sa Halloween. Isang dalaga na nagpunta rito sa simbahan ng ilang beses ay nagsabi kinailangan niyang makaligtaan ang simbahan upang magsimulang “magdamit” sa isang Halloween na kasuotan. Kinailangan niyang makaligtaan ang 10:30 am na Linggong paglilingkod upang magsimulang magdamit sa isang Hallowen na damit! Pagkatapos ng lahat, ang Halloween sa parti ay magsisimula ng 2:00 sa hapon, at kakailanganin niya ng maraming oras upang magdamit na tulad ng isang bruha o isang engkantada – o isang bampira – o anuman! Ano ito kundi kaululan – pyestang kauluan? “sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan” (Jeremias 50:38). “Kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay” (Ecclesiastes 9:3).
At ito’y lulubha pa! Sa ulol na pagkadeliryo ng “kapistahan,” ang mga tao ay magsisitakbo gaya ng sinabi ni Dr. Tozer, sa isang “pangkalahatang pagdadaluhong”… “upang makapunta sa ibang lugar kung [saan sila].” Karamihan sa mga tao ay hindi pa nga maiisip na manatili sa bahay at magpunta sa simbahan tuwing Pasko at Bagong Taon! “Isang di maiwasang udyok ay pumupulot sa [kanila] tulad ng mga butil ng alikabok na nadakip sa hanggin” – at iniikot silang hibang na hibang sa ibang lugar upang magpakabundat ang kanilang mga sarili hanggang sa sila’y magkasakit sa ulol na paghahabol sa idolo ng Amerikanaong – nagngangalang “katuwaan.”
Noong ako’y isang bata noong mga taong 1940 ang mga tao ay nanatili sa bahay at nagpunta sa simbahan sa loob ng mga “kapistahan.” Ngunit ngayon mukhang sila’y “nauulol” tuwing Araw ng Pasasalamat. Pasko at Bagong Taon. Ang “kaululan…sa kanilang mga puso” ay nagdadala sa kanila mula sa kanilang mga bahay at simbahan sa isang nadeliryong pagsubok upang yumukod sa harap ng dakilang idolo ng “katuwaan.” Hindi mo maasahan ang isang ulol na taong manatili sa simbahan tuwing Pasko at Bagong Taon, di ba? Ang pinaka kaisipan ay nakapasasama ng loob sa makabagong nabaliw sa katuwaang isipan ng tao.
Ako’y nasalakay bilang isang “legalistiko” isang maniniil – at mas malubha pa – para sa pagsasabi sa mga kabataan na maging nasa simbahan sa mga panahon ng mga “pagpipista.” Ngunit hindi ako sumusuko! Sinabi ni Kristo,
“Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao. Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta” (Lucas 6:22-23).
Sana ay bawat mangangaral ay mayroong lakas ng loob upang magsalita laban sa “pistang kaululan” gaya ng ginawa ni Dr. A. W. Tozer! Hindi ba panahon na upang ang mga mangangaral ay magsalita laban sa materyalismo, pagkalasing at kahayupan ng mga “pistang” ito? Hindi ba panahon na upang ang mga mangangaral na magsalita tulad ng ginawa ni Dr. Tozer? Kailangan natin ng mga propetikong tinig tulad ni Dr. Tozer upang iligtas ang ating mga tao mula sa nadeliryong “kamatayang sayawang” ito – habang ang ating ekonomiya ay nabibigo, at ating kultura ay gumuguho – ang ating mga tao ay sumisigaw para sa higit-higit pang mga maliliit na mga bagay, mga pamamasyal, mga “katuwaan,” mga kaganapang paglalaro, at mga droga – habang ang Amerika ay gumuguho tulad ng lumang Imperyo ng mga Taga Roma!
Ibagsak ang mga pamamasyal sa Las Vegas! Ibagsak ang pamamasyal sa San Francisco – at San Diego! Sodom at Gomorah, “ang mga bayang nasa palibot ng mga ito” (Judas 7), ay hindi mga lugar na pupuntahan tuwing Pasko o Bagong Taon! Iwasan ang “pistang” kaululan! Maging nasa simbahan, kasama ng mga tao ng Diyos, sinasamba si Kristo, kaysa ang dakilang idolo ng “katuwaan.” Sinasabi ng Bibliya,
“Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon” (II Mga Taga Corinto 6:17).
Tumiwalag mula sa darating na “kapistahang” kaululan! Tumiwalag! Tumiwalag! At maging kasama namin sa simbahan sa Pasko at Bagong Taon! Ngunit mayroong isang huling sugnay sa ating teksto.
III. Pangatlo, sinabi ni Haring Soloman, “pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay.”
Magsitayo at basahin ang Ecclesiastes 9:3 ng malakas.
“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay” (Ecclesiastes 9:3).
Maari nang magsi-upo. “Pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay.”
Kamatayan! Iyan ang dumarating pagkatapos ng kaululan ng buhay. Kamatayan! Ang pulos, malamig na katotohanan ng kamatayan ay hindi matatakasan sa pamamagitan ng nauulol na paghahabol sa Satanikong idolo ng “katuwaan.” Hindi, walang “katuwaan” sa Impiyerno! Sinasabi ng Bibliya,
“Namatay naman ang mayaman, at inilibing; At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata” (Lucas 16:22-23).
Sinabi ni Hesus, “At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay” (Ecclesiastes 9:3).
Sinabi Dr. John Gill ay nagsalita tungkol rito noong sinabi niyang,
Pagkatapos ng lahat ng kaululan ng kanilang mga buhay, sila’y namatay at nagpunta sa kalagayan ng kamatayan…nagpunta sila pababa sa impiyerno (Isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan IV, pah. 607; kumento sa Ecclesiastes 9:3).
Ang pinaka mahalagang bagay sa buhay ay hind ang paghahabol sa kasiyahan. “Pagkakaroon ng kasiyahan” ngayon ay walang kabuluhan sa kawalang katapusan, kung mamatay ka na di handa upang makaharap ang Diyos sa Huling Paghahatol. Dapat mong maramdamng makumbinsi ng iyong kasalanan. Dapat kang tumingin mla sa kasalanan kay Kristo. Dapat kang madala kay Kristo sa pamamagitan ng biyaya, at malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang Dugo! Sinabi ni Hesus, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).
Si Solomon ay isang matandang lalake na noong isinulat niya ang Ecclesiastes. Nagsasalita siya tulad ng isang ama sa kanyang mga anak. Ako mismo ay nabubuhay sa mundong ito ng halos 74 na mga taon. Ako’y nagsasalita sa iyo tulad ng isang matandang tiyo ngayong umaga. Gusto kong magtagumpay ka sa Krstiyanong buhay, at umaasa akong makikinig ka sa akin. Sa katapusan ng Ecclesiastes sinabi ni Solomon, “Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan” (Ecclesiastes 12:1). Ang kabtaan ay ang panahon upang pag-isipan ng masinsinan ang tungkol sa walang hanggan. Umaasa ako na kayong mga kabataan ay makinig sa akin dahil tulad ni Solomon, mayroong akong halos 74 na taon ng buhay. Alam ko kung gaano kahalaga ito para sa iyo na hanapin si KRisto at pag-isipan ang walang hanggan ngayon, habang ika’y bata pa. Pakinggan ang mga salita na kinanta ni Gg. Griffith kanina sa bago ng pangaral na ito.
Saan mo igugugol ang Walang Hanggan?
Ang tanong na ito ay dumarating sa iyo at ako;
Ano ang iyong magiging pangwakas na sagot?
Saan mo iguguol ang Walang Hanggan?
Walang Hanggan! Walang Hanggan!
Saan mo igugugol ang Walang Hanggan?
(“Saan Mo Igugugol ang Walang Hanggan.” Isinalin mula sa
“Where Will You Spend Eternity?” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
Seryosong pag-iisip tungkol sa walang hanggan ay makaliligtas sa iyo mula sa nakakokondenang pagkalito ng “pistang kaululan.” Ang seryosong pag-iisip tungkol sa Tagapagligtas na si Hesu-Kristo ay maaring makagising sa iyo mula sa kasalanan, at makagabay sa iyo sa kaligtasan sa Kanya. Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Maging seryoso tungkol kay Kristo! Magplano na ngayong maging narito sa simbahan para sa Paskong bangketa, at sa Bisperas ng Pasko, at Bisperas ng Bagong Taon din! Pagpalain kayo ng Diyos! Amen. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 16:19-26.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Saan Mo Iguguol ang Iyong Walang Hanggan.” Isinalin mula sa
“Where Will You Spend Eternity?” (ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
ANG BALANGKAS NG ARAW NG PASKONG PISTANG KAHANGALAN! by Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay” (Ecclesiastes 9:3). (Ecclesiastes 1:14; 2:11, 17; I Ni Juan 2:17)
I. Una, sinabi ni Haring Solomon, “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan,” Ecclesiastes 7:20; Genesis 6:5; Mga Awit 14:3;
II. Pangalawa, sinabi ni Haring Solomon, “at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay,” Jeremias 50:38; Lucas 6:22-23; Judas 7;
III. Pangatlo, sinabi ni Haring Soloman, “pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay,” Lucas 16:22-23; Mateo 25:46; Juan 3:7; Ecclesiastes 12:1. |