Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG ANIM NA MAKABAGONG PAGKAKAMALI TUNGKOL SA MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 15 SA MULING PAGKABUHAY)

SIX MODERN ERRORS ABOUT REVIVAL
(SERMON NUMBER 15 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-16 ng Nobiyembre taon 2014


Ang pagksa ko ngayong gabi ay ang “Anim na Makabagong Pagkakamali Tungkol sa Muling Pagkabuhay.” Ako’y unang naging interesado sa muling pagkabuhay noong taong 1961. Binili ko ang isang maliit na aklat sa Silid ng mga aklat ng Biola tungkol sa Unang Dakilang Pagkagising. Naglalaman ito ng mga sipi mula sa Talaarawan ni John Wesley, at nailimbag ng Moody Press. Pinag-iisipan ko ang tungkol sa muling pagkabuhay, at nananalangin para rito, sa loob ng limampu’t tatlong taon. Ito’y pribilehiyo ko na makaranasan ng dalawang di pangkaraniwang muling pagkabuhay sa mga Bautistang simbahan Ang mga ito ay hindi mga ebanghelistikong pagpupulong, o “karismatikong” pagpupulong. Ang mga ito ay ang uri ng muling pagkabuhay na ating mababasa sa mga aklat ng Kristiyanong kasaysayan. Nakito ko rin ang ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay sa loob ng “Kilusan ni Hesus” noong mga huling bahagi ng mga taong 1960 at maagang bahagi ng mga taong 1970.

Pagkatapos ng limampu’t tatlong taon ng pagbabasa at pag-iisip tungkol sa paksang ito, hindi ko maisaalang-alang ang aking sariling may awtoridad tungkol sa muling pagkabuhay. Nagsisimula ko palang maintindihan ang ilang mga mahahalagang mga katotohanan patungkol sa muling pagkabuhay.

Gumawa ako ng mga pagkakamali tungkol sa muling pagkabuhay sa nakaraan. Sa loob ng maraming taon ako’y nailigaw ng mga pagsusulat ni Charles G. Finney. Kahit ngayon hindi ako tiyak na naiintindihan ko ang paksa ng lubos,

“Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin [na madilim]” (I Corinthians 13:12) – [KJV].

Ngunit ngayong gabi ibibigay ko ang anim na mga pagkakamali tungkol sa muling pagkabuhay, mga bagay na aking nagawang tanggihan. Umaasa ako na ang mga puntong ito ay makatutulong sa iyong habang ika’y nananalanagin para sa Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay sa ating simbahan.

I. Una, ang pagkakamali na hindi maaring magkaroon ng muling pagkabuhay ngayon.

Hindi ako gugugol ng maraming oras sa rito, ngunit dapat ko itong banggitin dahil marami ang naniniwala rito. Nagsasabi sila ng mga bagay na, “Ang dakilang mga araw ng muling pagkabuhay ay tapos na. Tayo ay nasa huling mga araw na. Hindi maaring magkaroon ng muling pagkabuhay.” Ang mga iyan ay mga karaniwang mga pag-iisip sa maraming mga nananampalatayang mga Kristiyano ngayon.

But I believe this to be a mistake for three reasons:

(1) Sinasabi ng Bibliya, “Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya” (Mga Gawa 2:39). Sinabi iyan ng Apostol Pedro tungkol sa dakilang muling pagkabuhay sa Pentekostes, na magkakaroon ng pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos sa katapusan ng panahong ito!

(2) Ang pinaka dakilang muling pagkabuhay sa lahat ay darating sa gitna ng Dakilang Tribulasyon, sa ilalim ng Anti-Kristo, sa pinaka katapusan ng panahong ito (pinagkunan Apocalipsis 7:1-14).

(3) Ang pinaka matinding muling pagkabuhay sa buong kasaysayan ng Malayong Silangan ay nangyayari ngayon, ngayong gabi, sa Republika ng mga Tao ng Tsina, at ibang mga bansa sa Ika’tlong Mundo. Ang pinaka malaking muling pagkabuhay ng makabagong panahon ay nangyayari ngayon doon ngayon!


Ito’y isang teribleng pagkakamali upang isipin na hindi maaring magkaroon ng muling pagkabuhay ngayon!

II. Pangalawa, ang pagkakamali na ang muling pagkabuhay say nakasalala sa ating ebanghelisiktong gawain.

Ito’y isang karaniwang pagkakamali sa mga Tagatimog na mga Bautista at iba pa. Ang kaisipan na ito ay nasala sa kanila pababa mula kay Charles G. Finney. Sinabi ni Finney, “Isnag muling pagkabuhay ay isang natural na resulta ng paggamit ng nararapat na mga pamamaraan gaya na ang isang ani ay ginamit sa nararapat nitong pamamaraan” (Isinalin mula kay C. G. Finney, Mga Aral sa Muling Pagkabuhay [Lectures on Revival], Revell, n.d., pah. 5). Maraming mga simabahan ay inaanunsyo ang “isang muling pagkabuhay” upang magsimula ng isang partikular na araw – at magtapos sa isang tiyak na araw! Ito’y purong Finneyismo! Ang Muling pagkabuhay ay hindi nakasalalay sa ating ebanghelisitko at nagtatagumpay ng mga kaluluwang gawain!

Pakinggan ang Mga Gawa 13:48-49,

“At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan. At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.”

Sa tinggin ko ang dalawang mga berso na iyan ay pinalilinaw ang ideya na ang muling pagkabuhay ay nakasalalay sa ating ebanghelistikong mga gawain. Kahit na ang Ebanghelyo ay “nailimbag sa buong rehiyon” iyon lamang “itinalaga sa buhay na walang hanggan” ang nagsisampalataya.

Oo, tayo ay nasabihan na “inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15) – ngunit hindi bawat nilalang ang maniniwala! Sa mga panahon ng muling pagkabuhay mas marami pang mga tao ang maniniwala kaysa ibang mga panahon – ngunit ito’y malinaw na ang muling pakgkabuhay ay hindi nakasalalay sa ating ebanghelisitkong gawain lamang.

III. Pangatlo, ang pagkakamali na ang muling pagkabuhay ay nakasalalay sa dedikasyon ng mga Kristiyano.

Alam ko na maraming mga tao ay isinisipi ang II Chronicles 7:14. Ngunit mukhang di pangkaraniwan na hindi sila nagsisipi ng Bagong Tipang berso upang suportahan ang kanilang teyorya na ang muling pagkabuhay ay nakasalalay sa mga Kristiyanong “naitatama ito sa Diyos.” Bakit ang bersong ito, na ibinigay kay Haring Solomon, ang gamitin bilang isang pormula para sa muling pagkabuhay sa Bagong Tipan na simbaha? Wala na akong makitang ibang dahilan upang gawin iyan para sa isang mangangaral na magpadala ng mga barko mula sa kanyang simabahan, “nagsisipagdala ng ginto, at pilak, garing, at mga ungoy, at mga pabo real,” gaya ng ginawa ni Solomon sa II Kroniko 9:21, dalawang kapitulo lamang maya maya!

Sinabi ni Iain H. Murray, patungkol sa II Kroniko 7:14, “Ang unang bagay na sabihin ay tiyak na ang ipinangako ay hindi [Bagong Tipang] muling pagkabuhay, dahil ang pangako ay dapat intindihin, sa unang pagkakataon, na kaugnay sa panahon kung kailan ito ay ibinigay. Ito’y sa Lumang Tipang Israel at kanyang lupain kung saan ang pagpapagaling rito ay itinukoy” (Isinalin mula kay Murray, ibid., pah. 13). Ang ideya na ang muling pagkabuhay ay nakasalalay sa dedikasyon ng mga Kristiyano ay mula kay Finney.

Isinulat ni Winston Churchill minsan sa kanyang batang apong lalake, nagsasabi sa kanyang pag-aralan ang kasaysayan, dahil ang kasaysayan ay nagbibigay ng pinaka mainam na paraan ng paggagawa ng matatalinong hula tungkol sa hinaharap. Sinusundan ang dictum ni Churchill, “Pag-aralan ang kasaysyan,” matatagpuan natin na ang ideya ng muling pagkabuhay ay nakasalalay sa “lubos na dedikasyon” ng mga Kristiyano ay hindi totoo. Ang propetang si Jonah ay hindi lubos na dedikado sa Diyos. Basahin ang huling kapitulo ng Jonah, at makikita mo ang kanyang mga pagkakamali at pagkakulang ng pananampalataya. Hindi, ang pinka dakilang muling pagkabuhay sa mga Gentil sa Lumang Tipan ay hindi nakasalalay sa “lubos na pagsuko” o “perpeksyon” ng propeta. Si John Calvin ay isang mas kaunti sa perpektong tao. Mayroon siyang taong pinasunog sa isang poste dahil sa erehiya – hindi nagpapakita ng isang Bagong Tipang kaugalian! Gayon nagpadala ang Diyos ng muling pagkabuhay sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, at sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Si Luther ay mayroong napakasamang pagpipigil paminsan, at minsan ay nagsabi na ang mga sinagoga ng mga Hudyo ay dapat masunog. Gayon sa kabila ng minsang malupit, makasalanang anti-Semitismo ni Luther, nagpadala ang Diyos ng muling pagkabuhay sa ilalim ng kanyang pangangasiwa. Pinapatawad natin sina Calvin at Luther dahil natantanto natin na sila’y mga medibal na mga kalalakihan, na naimpluwensyahan pa rin sa mga bagay na ito ng Katolisismo. Gayon, sa kabila ng kanilang pagkakamali, ang Diyos ay nagpadala ng makapangyarihang Repormasyong muling pagkabuhay sa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Nakikita natin mula sa mga halimbawang ito sa kasaysayan, na ang mga di perpektong mga kalalakihan, mga kalalakihan na hindi kasing banal o dedikado na dapat sila, ay makapangyarihang ginamit ng Diyos sa mga panahon ng muling pagkabuhay. Dapat nating ipalagay na si Finney at kanyang mga tagasunod ay mali kapag sinasabi nila na ang muling pagkabuhay ay nakasalalay sa mga Kristiyanong nagiging lubos na dedikado. Sinasabi ng Apostol Pablo sa atin,

“Nguni't taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili” (II Mga Taga Corinto 4:7).

Isasara ko ang puntong ito sa pagtutukoy sa pangaral ni Esteban sa Sanhedrin. Tayo ay tiyak na sinabihan ni Esteban na “puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao” (Mga Gawa 6:8). Gayon hindi nakita ni Esteban na dumating ang muling pagkabuhay mula sa kanyang pangangaral. Imbes, siya ay pinatay sa pagbabato. Siya ay banal at makatuwirang tao, ngunit hindi ito nagbunga ng isang muling pagkabuhay na awtomatik sa kanyang pangangasiwa. Maari tayong mag-ayuno at manalangin, at maging tunay na nakamamanghang mga Kristiyano, ngunit hindi natin mapupuwersa ang Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay. Bakit? Ibinibigay ng Apostol Pablo ang sagot,

“Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago” (I Mga Taga Corinto 3:7).

 

Oo, dapat tayo laging manalangin, at minsan ay mag-ayuno, para sa muling pagkabuhay, at sa parehong beses, laging tandaan, “kundi ang Dios na nagpapalago” (I Mga Taga Corinto 3:7). Ito’y ang makapangyarihang lakas ng Diyos lamang na nagbubunga ng tunay na muling pagkabuhay!

IV. Pang-apat, ang pagkakamali na ang muling pagkabuhay ay ang karaniwalang kalagayan na dapat nating asahan ang simabahan.

Ang Banal na Espiritu ay ibinuhos sa mga Apostol sa Pentekostes. Nangaral sila sa mga tao sa kanilang sariling wika, at tatlong libo ang napagbagong loob sa makapangyarihang muling pagkabuhay na ito, nakatala sa Mga Gawa, kapitulo dalawa. Ngunit matatagpuan natin na kinailangan nilang mapuno ng Banal na Espiritu muli, gaya ng naitala sa Mga Gawa 4:31,

“At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios” (Mga Gawa 4:31).

Ipinapakita nito na mayroong mga panahon ng muling pagkabuhay sa maagang simbahan, di pangkaraniwang mga panahon ng muling pagkabuhay. Ngunit mayroong mga panahon kapag ang gawain ng simbahan ay nagpatuloy sa karaniwan nitong pang-araw-araw na pamamaraan. Sa tinggin ko ito ang ibig sabihin ng Apostol Pablo noong sinabi niyang, “Magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan” (II Ni Timoteo 4:2). Ibig nitong sabihin na dapat tayong magpatuloy na mangaral at manalangin at sumaksi magkaroon man ng muling pagkabuhay o hindi. Tinatawag tayo ni Kristo upang sundan ang Dakilang Comisyon (Mateo 28:19-20), at “inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15) magkaroon man ng muling pagkabuhay o hindi! Ang ilan ay mapagbabagong loob kahit na walang di pangkaraniwang pagkilos ng Diyos.

Kung iniisip natin na ang muling pagkabuhay ay ang karaniwang paraan na ang Diyos ay kumikilos, tayo ay magiging mapaghihinaan ng loob. Sinabi ni Iain H. Murray,

Ito’y dahil sa puntong ito na kinailangan ni George Whitefield na bigyang babala ang kanyang kaibigang si William McCulloch, isang tagapangasiwa ng Cambuslang [Scotland]. Noong 1749 si McCulloch ay napanghinaan ng loob dahil hindi na niya nakita ang kanilang nasaksihan sa paggigising ng taong 1742. Ang tugon ni Whitefield ay ang paalalahanan siya na ang taong 1742 ay hindi ang pangkaraniwan ng simbahan: “Dapat akong maligayahang madinig ang [isa pang] muling pagkabuhay sa Cambuslang; ngunit mahal na Mister, nakakita ka na ng mga ganoong mga bagay na bihirang makita higit sa isang beses sa isang siglo.” Si Martyn-Lloyd-Jones ay tumutukoy sa isang parehong pagkakataon sa kalagayan ng isang Welsh na ministro na “ang buong pangangasiwa ay nasira,” dahil sa kanyang palaging pagtitingin sa kung anong nakita niya at naransan niya sa muling pagkabuhay sa taong 1904: “Noong ang muling pagkabuhay ay natapos…kanya pa ring inaasahan ang di pangkaraniwan; at ito’y di nangyari. Kaya siya ay naging malungkot at iginugol ang halos apat na pung taon ng kanyang buhay sa isang kondisyon ng pagkatuyo, pagkalungkot at pagkawalang silbe” (Isinalin mula kay Iain H. Murray, ibid., pah. 29).

Kung ang Diyos ay di magpapadala ng muling pagkabuhay, huwag dapat tayo nitong panghinaan ng loob. Dapat tayong magpatuloy, “sa kapanahunan, at sa di kapanahunan,” dinedeklara ang Ebanghelyo, at pinangungunahan ang mga makasalanan kay Kristong isa isa. Ngunit sa parehong beses, dapat tayong magpatuloy na manalangin para sa Diyos na magpadala ng isang espesyal na panahon ng paggigising at muling pagkabuhaya. Kung ang Diyos ay magpapadala ng muling pagkabuhay, tayo ay mapupuri. Ngunit kung hindi Siya magpapadala ng muling pagkabuhay, tayo ay magpapatuloy sa pagdadala ng mga kaluluwa kay Kristo isa isa! Hindi tayo mapanghihinaang loob! Hindi tayo susuko! Tayo ay magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan!

V. Panlima, ang pagkakamali na walang mga kondisyon anuman na konektado sa muling pagkabuhay.

Ang mga Kasulatan at ang kasaysayan ay parehong nagpapakita sa atin na ang muling pagkabuhay ay hindi nakasalalay sa makataong ebanghelistikong gawain o sa lubos na dedikasyon ng mga Kristiyano.. Ngunit mayroong mga tiyak na kondisyon na dapat matupad. Ang mga ito ay unang-unang, tamang mga doktrina, at panalangin. Dapat tayong manalangin para sa muling pagkabuhay, at dapat tayong magkaroon ng tamang doktrina patungkol sa kasalanan at kaligtasan.

Sa kanyang aklat na, Muling Pagkabuhay [Revival] (Crossway Books, 1992), si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay mayroong dalawang kapitulo na pinamagatang “Doktrinal na Pagkadumi” [“Doctrinal Impurity”] at “Patay na Ortodoksiya” [“Dead Orthodoxy”]. Sa dalawang kapitulong sinasabi sa atin ng taong ito na nakakita ng isang muling pagkabuhay sa kanyang maagang mga taon ng pangangaral, na mayroong tiyak na mga doktrina na dapat maipangaral at mapaniwalaan kung aasahan natin ang Diyos na magpadalang muling pagkabuhaya. Magbabanggit ako ng apat sa mga doktrina na ibinigay niya.


1. Ang Pagbagsak at pagkasira ng sangkatauhan – lubos na kasamaan.

2. Rehenerasyon – o bagong pagkapanganak – bilang gawain ng Diyos, hindi ng tao.

3. Pagpapatunay na pananampalataya kay Kristo lamang – hindi pananampalataya sa “mga desisyon” ng kahit anong uri.

4. Ang pagka-epektibo ng Dugo ni Kristo upang maglinis ng kasalanan – parehong personal at orihinal na kasalanan.


Ang apat na mga doktrina na ito ay sinalakay ni Charles G. Finney, at pinaliit o tinanggihan simula noon. Hindi nakapagtataka na napaka kaunting muling pagkabuhay ang nakita natin simula taong 1859! Hindi ako makapupunta sa detalye, gnunit ang mga ito ay mahahalagang doktrina, na dapat muli ay maipangaral kung umaasa tayong makakita ng muling pagkabuhay sa dumating sa ating mga simbahan. Ang ating mga simbahan ay naglalaman ng maraming nawawalang mga tao, na hindi kailan man magiging tunay na napagbagong loob hangga’t tayo’y mangaral patungkol sa mga paksang itong puwersahan at malakas – at paulit-ulit!

Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,

Tignan ang mga kasaysayan ng muling pagkabuhay, makahahanap ka ng mga kalalakihan at mga kababaihan na nakadaramang desperado. Alam nila na ang lahat ng kanilang kabutihan ay wala kundi mababahong trapo, at na lahat ng kanilang katuwiran ay walang halaga sa anumang paraan. At nariyan sila, nararamdaman na wala silang magawa, at sumisigaw sa Diyos para sa awa at para sa kompasyon. Ang pagpapatunay sa pananampalataya. Gawain ng Diyos. “Kung hindi ito gagawin ng Diyos,” ang sabi niya, “gayon kami ay nawawala.” At kaya [nararamadaman nila] ang kanilang lubos na kawalan na magawa sa harap Niya. Hindi sila nagbibigay atensyon, at walang ikinakabit na kahalagahan, sa kanilang sariling nakaraang pagkarelihyosi, at ang lahat ng kanilang pananampalataya sa pagpupunta sa simbahan, at maraming, maraming ibang mga bagay. Nakikita nila na ito’y hindi mabuti, kahit ang kanilang relihiyon ay walang halaga, walang anumang may halaga. Dapat patunayan ng Diyos ang masama. At iyan ang dakilang mensahe na lumalabas, kung gayon sa bawat panahon ng muling pagkabuhay (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, ibid., mga pah. 55-56).

“Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran” (Mga Taga Roma 4:5).

“Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:24-25).

VI. Pang-anim, ang pagkakamali na ang muling pagkabuhay ay nagsisimula sa ligaya at tawanan.

Ang tinatawag na “tawanang muling pagkabuhay” ay hindi tunay na muling pagkabuhay sa kahit anong diwa. Nakita ko ang isa sa kanilang pagpupulong kasama ang aking kaibigang si Dr. Arthur B. Houk. Ito’y isang malungkot na padaya ng tunay na muling pagkabuhay. Ito’y tumutugma sa kung anong iniisip ng mga tao ngayont kaligtasan. Sinabi ni Dr. John Armstrong, “Ang gusto [nila] ay kaligayahan, katuparan, at kaluguran” (Isinalin mula sa Tunay na Muling Pagkabuhay [True Revival], Harvest House, 2001, pah. 231) Hindi nila iniisip ang kanilang pangangailangn para sa kaligtasan mula sa kanilang kasalanan!

Ngunit iyan ay nagbabago sa tunay na pagbabagong loob, at tunay na muling pagkabuhay. Sa muling pagkabuhay, at sa indibidwal na pagbabagong loob, “Mga nabiyak na pusong, naka sentro kay Kristong pangungumpisal at pagsisisi ay maglalarawan sa isang tunay na pagkilos ng Espiritu. Ang mga tao ay…luluha sa ilalim ng pinaka malalim na impression ng kasalanan” (Isinalin mula kay Armstrong, ibid., pah. 63).

Ito’y aking karanasan na halos lahat na nakararanas ng tunay na pagbabagong loob ay lumuluha ng luha ng pagsisisi at pagdurusa para sa kanilang mga kasalanan. At iyan ay totoo sa maraming mga tao sa muling pagkabuhay na nakita ko bilang saksing personal. At iyan ay laging totoo sa klasikal na mga muling pagkabuhay sa nakaraan.

Panalangin namin para sa Banal na Espiritu na bumaba sa iyo! Panalangin namin na magawa ka Niyang magluksa at lumuha para sa iyong mga kasalanan laban sa Diyos. Panalangin namin na ika’y malilinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng mahal na Dugo ni Hesus! “Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.” (I Ni Juan 1:7). Amen. Dr. Chan, magpunta ka at manalangin para sa Diyos na magpadala ng ganoong uri ng muling pagkabuhay sa ating simbahan.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Zakarias 12:10; 13:1.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Ipanumbalik ang Iyong Gawain O Panginoong.” Isinalin mula sa
“Revive Thy Work, O Lord” (ni Albert Midlane, 1825-1909).


ANG BALANGKAS NG

ANG ANIM NA MAKABAGONG PAGKAKAMALI TUNGKOL SA MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 15 SA MULING PAGKABUHAY)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

(I Mga Taga Corinto 13:12)

I.   Una, ang pagkakamali na hindi maaring magkaroon ng muling pagkabuhay ngayon, Mga Gawa 2:39; Apocalipsis 7:1-14.

II.  Pangalawa, ang pagkakamali na ang muling pagkabuhay ay nakasalala sa ating ebanghelisiktong gawain, Mga Gawa 13:48-49; Marcos 16:15.

III. Pangatlo, ang pagkakamali na ang muling pagkabuhay ay nakasalalay sa dedikasyon ng mga Kristiyano, II Mga Kroniko 9:21;
II Mga Taga Corinto 4:7; Mga Gawa 6:8; I Mga Taga Corinto 3:7.

IV. Pang-apat, ang pagkakamali na ang muling pagkabuhay ay ang karaniwalang kalagayan na dapat nating asahan ang simabahan, Mga Gawa 4:31;
II Ni Timoteo 4:2; Marcos 16:15.

V.  Panlima, ang pagkakamali na walang mga kondisyon anuman na konektado sa muling pagkabuhay, Mga Taga Roma 4:5; 3:24-25.