Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG DIYOS NG MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 14 SA MULING PAGKABUHAY)

THE GOD OF REVIVAL
(SERMON NUMBER 14 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-2 ng Nobiyembre taon 2014

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1-3).


Ang mga tao ng Israel ay nasa masamang kodisyon. Sila’y takot at nalulunkot. Ngunit ang propeta ay nanalangin para sa Diyos na sila’y ipanumbalik. Ipinaalala niya sa Diyos ang ginawa Niya para sa kanila sa nakaraan. Hiningi niya sa Diyos na gawin ito muli. Ang Diyos ay di kailan man nagbabago. Siya ay pareho kahapon, ngayon at magpakailan man. Ang ginawa Niya sa nakaraan magagawa Niya muli ngayon. Kung gayon, pinaalalahanan ng propeta ang Diyos,

“Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:3).

Mula sa tekstong ito makikita natin ang tatlong mga bagay.

I. Una, ang presensya ng Diyos ay ang ating nag-iisang pag-asa.

Nakita ito ni Isaias noong ipinalangin niya, sa unang berso, “Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba” (Isaias 64:1). Mas maagang kaunti kanina ipinalangin niya para sa Diyos na “Tumungo ka mula sa langit” (Isaias 63:15). Ngunit ang kanyang panalangin ay lumago. Nagsimula siya sa paghihingi sa Diyos na tumungo. Ngunit ngayon sumisigaw siya, na “bumaba.” Ngayon ipinalalangin niya ang Diyos na punitin ang langit sa dalawa – at bumaba mula sa Langt upang tulungan ang Kanyang mga tao.

Binukasan ni Kristo ang daan para sa atin na makapunta sa Diyos. Hindi Niya itinaas ang kurtina ng Templo. Hindi! Pinunit Niya ito sa dalawa, mula sa itaas hanggang sa ibaba. Kaya ang daan patungo sa Diyos ay naiwang bukas magpakailan man! Si Kristo ay umakyat sa pamamagitan ng mga bukas na langit patungo sa paraiso! At sa pamamagitan ng bukas na mga langit ang Banal na Espiritu ay bumaba sa bukas na mga langit sa Pentekostes

.

Dapat tayong manalangin para sa Espiritu ng Diyos na bumaba sa atin muli! Ngayon tayo at manalangin sa lahat ng ating puso para sa Diyos na bumaba at maging nasa ating piling! Ang aking matagal na panahong pastor sa Tsinong simbahan ay si Dr. Timothy Lin. Sinabi ni Dr. Lin,

     Sa Lumang Tipang mga panahon ang [kinakailangan] para sa mga tao ng Diyos na pagpalain ay magkaroon ng presensya ng Diyos…
     Isang mainam na halimbawa ay si Isaac. Sa kanyang [panahon] sa lupa ng mga Filistin kanyang naani ang makasandaan sa gitna ng diskriminasyon ng lahi at pag-uusig – dahil sa presensya ng Diyos… Kahit ang hari ng Filistin ay nagsabi sa kanya, “Malinaw na aming nakita, na ang Panginoon ay sumasaiyo” (Genesis 26:28)…
     Pareho ang totoo kay Jose. Sa pagkakabenta sa banyagang lupain bilang isang alipin…at di makatuwirang naibilanggo, si Jose ay ultimong nakapagtapon ng kanyang mga [damit] sa bilangguan para sa mainam na mga tela at maghari sa buong lupa ng Egipto. Ang [nag-iisang] dahilan para sa ganoong dramatikong kinalabasan ay ang presensya ng Diyos ay kasama niya. “ang Panginoo'y suma kay Jose; at ang kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon” (Genesis 39:23)…
     Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng presensya ng Diyos ay naging mas nakikita pa sa Mas maagang panahon ng Simbahan…ang sekreto ng paglago ng simbahan sa loob ng panahon ng Mas Maagang Simbahan ay ang presensya ng Diyos, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay tiyak na ebidensya ng Kanyang presensya. Ang Simbahan ng huling mga araw ay dapat magkaroon ng presensya ng Diyos kung gusto niyang lumago, o ang lahat ng paggagawa ay magiging walang halaga (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], FCBC, 1992, pah. 2-6).

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba...” (Isaias 64:1).

Ang presensya ng Diyos ay na kay Moses – at pinalaya ng Diyos ang Kanyang mga tao mula sa pagka-alipin sa Ehipto. Ang presensya ng Diyos ay kasama nila habang sila’y gumala sa kagubatan. Siya’y naroon sa poste ng ulap at ang post eng apoy na gumabay sa kanila sa kanila daan. Noong “Kasama natin ang Diyos” ay isinulat sa bandera ng Israel, sila’y nakapagsakop ng maraming lugar. Ngunit noong kanilang napadalamhati ang Diyos sila’y naging mahinag bansa. Sila’y dinala sa Babylonia bilang mga alipin. Ang presensya ng Diyos ang luwalhati ng Israel. Ngunit na wala ang presensya ng Diyos wala silang magawa.

Ang mga araw na ito ay madilim at teribleng mga araw. Ang ating mga simbahan ay mahina. Ang ating mga mangangaral ay walang kapangyarihan. Tayo ay narito sa puso ng dakila at malupit na lungsod – ang madilim at paganong Sodom ng Kanlurang mundo! Ang pinaka puwersa ng Impiyerno ay nagawa ang pinaka malubha upang pigilin tayo. Ngunit ang Diyos ay nakasama natin! Ngayon ang ating simbahan ay bayad na – kinailangan nito ng isang himala! Nakasama natin ang Diyos at ngayonang mga pangaral na ito ay nagpupunta sa Internet sa 80,000 na mga tao kada buwan! Ang Diyos ay kasama natin. Ngunit ngayon dapat tayong magdala ng maraming mga kabataan at itayo ang simbahan. Sinasabi mo, “Ito’y mukhang imposible.” Oo, alam ko ang pakiramdam. Ngunit ang pakiramdam na nangmumula sa lamang kalikasan at mula kay Satanas. Dapat nating tandaan kung anong ginawa ng Diyos para sa atin noong iniligtas Niya ang gusali ng ating simbahan. At, mga kabataan, dapat kayong manalangin na di niyo pa nagawa noon, para sa presensya ng Makapangyarihang Diyos sa ating ebanghelismo, at sa ating mga paglilingkod!

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba...” (Isaias 64:1).

Ang presensya ng Diyos ay ang ating nag-iisang pag-asa! Walang mananatili. Walang mapagbabagong loob. Walang magiging isang matatag na miyembro ng ating simbahan – hangga’t ang Diyos ay bumaba mula sa Langit sa gitna natin!

II. Pangalawa, ang presensya ng Diyos ay naglilikha ng mga sorpresa.

Sinasabi ng teksto, “Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba.” Ang mga makabagong bersyon ay isinasalin ang “terible” bilang “nakamamangha.” Wala akong pake-alam sa salitang iyan dahil ito’y nagamit na masayado. Maaring mas mabuting isipin na isipin ito bilang “[sosorpresang] mga bagay na hindi namin hinihintay.” Madalas sinabi ng mga Taga-Israel, “Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas” (Mga Awit 77:14).

Naiisip mo ba na inasahan ng mga Taga-Israel na lumakad sa gitna ng Pulang Dagat, na mayroong mga tubig na naitabi sa parehong tabi? Oo ginawa nila ito – at ang mga Taga -Ehipto na humahabol sa kanila ay nalunod noong ang mga tubig ay bumalik pababang magkasama muli. Sa tingin mo inasahan nila ang kanilang kampo sa kagubatan na maging nailawan bawat gabi ng mga ilaw na mas mainam pa kaysa sa ating mga dekuryenteng mga ilaw? Gayon ito’y nailawan ng isang umaapoy na poste bawat gabi. Noong sila’y nagugutom inasahan ba nilang kumain ng mana mula sa Langit? Noong sila’y nauuhaw inasahan ba nilang ang tubig na biglang bumuhos mula sa isang bato? Noong sila’y nagmartsa sa paligid ng Jericho inasahan ba nila ang mga pader ng lungsod na iyon na bumagsak noong sila’y umihip ng isang sungay ng isang lalaking tupa at sumigaw? Hindi, ang kasaysayan ng Israel ay puno ng terible, nakamamanghang-nakapupukaw ng mga bagay tulad niyan “na hindi natin hinihintay” kapag ang Diyos ay bumaba.

Sino kailan man ang umasa ang Diyos na bumaba sa pagkatao ni Kristo? Sinoman ang umasa na Siya’y mamamatay sa Krus “ang matuwid dahil sa mga di matuwid,” upang dalhin tayo sa Langit? (I Ni Pedro 3:18). Sinoman ang nag-isip na iyong mga natatakot na mga Disipolo, na nagtatako sa isang nakakandadong silid, ay kukunin ang Ebanghelyo ni Kristo sa buong Romanong mundo? Sinoman ang nakaisip na ang isang maliit, kawawang na-armas na isla, na pinangungunahan ng isang matandang lalake kinailangang gumamit ng isang tungkod, ay lalabanan si Hitler at ang kanyang makapangyarihang kawal – at magtagumpay? Sinoman ang nag-akala na ang mga Hudyo, na nakakalat sa buong mundo, ay babalik sa Israel pagkatapos ng dalawang libong taon na pagkakatapon? Sinoman ang nag-akala na ang maliit na bansa ng Israel ay makatatayo laban sa isang dagat ng mga panatikal na mga Muslim sa loob ng higit na anim na pung taon? Sinoman ang nag-akala na ilang kaunting mga Tsinong Kristiyano ay magpapatuloy ng higit sa kalahating siglo sa ilalalim ng matinding pag-uusig mula kay Mao Tse Tung at kanyang Pulang mga Guwardiya? Sinoman ang nag-akala na mula sa kanilang maliit na mga “bahay simbahan” ay lilitaw ang pinaka dakilang muling pagkabuhay sa kasaysayan ng mundo? Sinoman ang nag-akala na isang dakilang pagtitipon ng mga kaluluwa ay darating sa mga halos hubad, naninigarilyo ng drogang mga Hipi noong mga huling bahagi ng mga taon ng 1960 at maagang mga taon ng 1970? Sinoman ang nag-akala na tatlompu’t siyam na mga tao ay makapagsasama-sama ng labing anim na libong dolyares kada buwan sa loob ng dalawam pung taon upang bayaran ang gusaling ito? Sinoman ang nag-akala na padadalhan ako ng Diyos ng pinaka nakamamanghang asawa ng pastor sa buong mundo? Sinoman ang nag-akala na magkakaroon ako ng dalawang malakas na mga anak na lalake na kasama ko rito sa simbahan bawat Linggo? Sinoman ang nag-akala na padadalhan tayo ng Diyos ng isang taong na mayroong dalawang Ph.D., at isang medikal na doktor upang tumulong na pamunuan ang simbahan? At sinoman sa kanilang pinaka pambihirang pananginip, ang maka-iisip na ang aking kawawa, matanda, at talo, at malungkot na ina ay magiging katangi-tanging Kristiyano sa edad na walom pu?

“Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba…” (Isaias 64:3).

Kapag ang Diyos ay bumaba gumagawa Siya ng mga nakasosorpresang mga bagay na walang umaasa rito!

Aking Diyos, nakamamangha Ka,
Ang Iyong pagkabanal napaka liwanag;
Napaka ganda ang Iyong luklukan ng awa
Sa lalim ng nasusunog na ilaw,
Sa lalim ng nasusunog na ilaw!

Napaka nakamamangha, napaka ganda,
Ang pagkakakita sa Iyo siguro;
Ang Iyong walang katapusang karunugan,
Walang hanggang kapangyarihan,
At nakamamanghang kadalisayan,
At nakamamanghang kadalisayan!
   (“Aking Diyos, Napaka Nakamamangha Mo.” Isinalin mula kay
“My God, How Wonderful Thou Art” ni Frederick W. Faber, 1814-1863).

Bibigyan ko kayo ng ilan sa mga pangaral ni Spurgeon sa mga salita ni Isaias ngayong gabi. Ginagamit ko lamang ang kanyang balangkas at ilang kaunti ng kanyang mga kaisipan. Sinabi ng dakilang “Prinsipe ng mga Mangangaral”

Kapag ang Diyos ay bumaba sa gitna ng mga tao gumagawa Siya ng mga bagay na hindi natin hinahanap…Maliligtas Niya ang pinaka suwail; at dinadala ang mga humahadlang sa paa ni Hesus. [Manalangin] para sa Kanya na gawin ito (Isinalin mula kay . H. Spurgeon, “Banal na mga Sorpresa” [“Divine Surprises”], MTP, kabuuan XXVI, Pilgrim Publications, 1972 inilimbag muli, pah. 298).

III. Pangatlo, ang presensya ng Diyos ay sumusupil sa matitinding mga problema at balakid.

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:3).

Iyan ay isang nakamamanghang parirala, “ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.”

Noong ang Diyos ay bumaba sa Israel, makapangyarihang mga kalaban, na tumaas sa ibabaw nila tulad ng mga dakilang mga bundok ay nasupil, at ang mga bundok na ito ay bumaba dahil sa presensya ng Diyos. Kapag ang Banal na Espiritu ay bumaba sa muling pagkabuhay, ang mga tumigas na mga puso ay guguho sa harapan ng Diyos! Mayroong tayong mga tao na kasama natin na mayroong mga pusong kasing tigas ng mga bato. Nananalangin kami para sa kanila, nangangaral kami para sa kanila, ngunit walang nangyayari. Mukhang hindi sila kailan man mapagbabagong loob. Ngunit kapag ang Diyos ay bababa, ang pinaka matigas na mga puso ay mabibiyak. Kanilang biglang mararamdaman ang kanilang mga kasalanan. Kanilang biglang makikita na si Hesus lamang ang makaliligtas sa kanila. Kapag ang Diyos ay bababa mararamdaman nila ang pangangailangan nila sa Dugo ni Hesus upang linisan sila mula sa kanilang kasalanan. Mga luha ng kumbiksyon ay magpapalambot sa pinaka matigas ng mga puso. Kanila gayong malalaman kung anong ibig sabihin ng maikling tulang ito,

Natunaw sa Iyong awa, Bumagsak ako sa lupa,
At lumuha upang purihin ang awa na nahanap ko.

Iyan ang laging nangyayari sa muling pagkabuhay. Ibinigay ni Dr. Lloyd-Jones ang kahulugang ito ng muling pagkabuhay,

Ang Muling Pagkabuhay ay isang pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos…Ito ay ang pagbababa ng Espiritu sa mga tao.

Tapos tinukoy niya si Howell Harris, ang pinaka dakilang Welsh na mangangaral. Si Howell Harris ay napagbagong loob sa isang paglilingkod ng Komunyon. Siya’y dumadaan sa isang panloob na kaguluhan ng mahabang panahon. Sinusubukan ng Diablo na ugahin ang kanyang pananampalataya sa lahat. Ngunit noong nagpunta siya upang kunin ang Hapunan ng Panginoon “ang mga bundok ay gumuho sa […] harapan [ng Diyos.” Sinabi ni Howell Harris,

Ang pagdurugo ni Kristo sa krus ay palaging naitago sa harap ng aking mga mata; at ang lakas ay ibinigay sa akin upang maniwala na tumatanggap ako ng kapatawaran [para sa aking mga kasalanan] sa pananagutan ng dugong iyon. Nawala ko ang aking pamimigat; Umuwi akong tumatalon sa ligaya… Upang aking matandaan itong nagpapasalamat magpakailan man (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., “Howell Harris at Muling Pagkabuhay,” Ang Mga Puritano: Ang Kanilang Mga Pinanggalingan at mga Tagasunod, [“Howell Harris and Revival,” The Puritans: Their Origins and Successors,] Banner of Truth, 1996 edisiyon, mga pah. 289, 285).

Si Howell Harris ay naging isa sa pinaka makapangyarihan ginamit na mga mangangaral sa Unang Dakilang Pagkagising. Kung babasahin mo ang kanyang mga talaarawan, makikita mo, muli’t muli, kung paano dumating ang muling pagkabuhay. Ang mga nawawalang mga tao ay napagbagong loob noong ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kapangyarihan. Sinabi ni Harris, “Ang dakilang [malakas na hangin ng Espiritu] ay bumaba noong ipinakita ko ang sukdulang kamatayan ng ating Tagapagligtas.” “Ang Panginoon ay bumaba.” “Isang malakas na hangin ang bumaba noong ipinakita ko ang pagkadakila ng kaligtasan.” Ang simpleng taong ito ay nangaral at literal na libo-libo ang napagbagong loob sa Inglatera gayon din sa Wales.

Maari ba tayong magkaroon ng muling pagkabuhay? Oo, ngunit dapat talagang gustuhin natin ito. Aking binabasa ang isang nakamamanghang maliit na aklat ng isang Taga-Norway na babae na naging isang misyonaryo sa Tsina noong mga taon ng 1900 hanggang sa 1927. Nanalangin siya para sa muling pagkabuhay taon taon. Nag-ayuno siya at nanalangin. Noong taong 1907 nabasa niya ang tungkol sa dakilang muling pagkabuhay na nangyayari sa Korea. Gusto niya ang muling pagkabuhay na dumatin sa Tsina. Gusto niya talaga ng muling pagkabuhay. Dumating itong napaka biglaan, sa isang grupo ng mga Tsinong kababaihan. Tapos ito’y kumalat, at daan daan ang napagbagong loob, bago lang siya umalis ng Tsina at bumalik sa Norway.

Maari ba tayong magkaroon ng kaunti niyan rito sa ating simbahan? Oo, ngunit dapat tayong manalangin na tulad kailan man ng dati. Dapat tayong manalangin tulad ni Isaias sa unang berso.

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).

Kung ika’y hindi napagbagong loob, kami’y mananalangin para sa iyo. Mananalangin kami na kukumbinsihin ka ng Diyos ng iyong kasalanan, at ika’y kanyang dalhin kay Kristo.

Namatay si Kristo sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay at ay buhay sa itaas sa Ikatlong Langit, nananalanagin para sa iyo. Ngunit dapat kang magsisi at magtiwala sa Kanya upang maligtas mula sa iyong kasalanan.

Maari mong sabihin, “Hindi ako isang makasalanan. Ako’y mabuting tao.” Ngunit sinasabi ng Bibliya, “Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin” (I Ni Juan 1:10). Nananalangin kami na ang Espiritu ng Diyos ay magpapakita sa iyo ng iyong kasalanan, at tapos ay dalhin ka kay Hesus, para sa paglilinis ng Kanyang Dugo. Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Isaias 64:1-3.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Aking Diyos, Napaka Nakamamangha Mo.” Isinalin mula sa
“My God, How Wonderful Thou Art” (ni Frederick W. Faber, 1814-1863;
sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).


ANG BALANGKAS NG

ANG DIYOS NG MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 14 SA MULING PAGKABUHAY)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1-3).

I.   Una, ang presensya ng Diyos ay ang ating nag-iisang pag-asa,
Isaias 64:1; 63:15; Genesis 26:28; 39:23.

II.  Pangalawa, ang presensya ng Diyos ay naglilikha ng mga sorpresa,
Mga Awit 77:14; I Ni Pedro 3:18; Isaias 64:3.

III. Pangatlo, ang presensya ng Diyos ay sumusupil sa matitinding mga
problema at balakid, Isaias 64:3, 1; I Ni Juan 1:10.