Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ISANG PANALANGIN PARA SA MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 13 SA MULING PAGKABUHAY)

A PRAYER FOR REVIVAL
(SERMON NUMBER 13 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-2 ng Nobiyembre taon 2014

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan. Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!” (Isaias 64:1, 2).


Si Dr. John H. Armstrong ay ang pangulo ng Repormasyon at Muling Pagkabuhay na mga Pangangasiwa [Reformation and Revival Ministries]. Siya ang may-akda ng “Ang Padating na Ebanghelikal na Krisis” [The Coming Evangelical Crisis]. Sinabi ni Dr. Armstrong,

Ang pagbagsak ng lipunan sa Kanluran ay lampas sa seryosong katanungan.. Ating kasalukuyang nasasaksihan ang pagbagsak ng sibilisasyon na ating nakikilala. Ating…naiisip na ang kung paano ang mga bagay bagay ay maging ganoon palagi. Ating…nalimuatn na na sa ilang araw lang ang dating di magugupong “Bakal na Kurtina” ay bumagsak (Isinalin mula kay John H. Armstrong, Ph.D., Ang Tunay na Muling Pagkabuhay [True Revival], Harvest House Publishers, 2001, mga pah. 125, 126).

Ang ibig niyang sabihin ay ang ating sibilisasyon ay maaring magtapos na kasing bilis ng Komunisyon sa dating Sobyet Unyon – sa loob ng ilang araw lamang! Sa tingin ko ay maging ganito nga. Isinulat iyan ni Dr. Armstrong labin tatlong taon noon taong 2001.

Noong isang gabi nabasa ko ang isang nakagugulong artikulo sa Mundo [World] na magasin bago lang ako matulog. Habang ako’y papatulog, naisip ko, “Tayo na ngayon ay naroon. Ang ating sibilisasyon ay nasisira na ngayon. Maari itong mangayaring kasing bilis ng pagbagsak ng Sobyet Unyon.”

Hindi alam ng nawawalang mundo ito, ngunit ang Kristiyanismo ay ang “pandikit” na humahawak sa ating sibilisasyong sama-sama. Ngunit ang ating mga simbahan ay napaka hina na hindi na nila ito magawa. Ang ating paraan ng pamumuhay ay nagtatapos sa harap ng ating mga mata.

Narito tayo, sa isa sa pinaka kaunting mga simbahan na mayroon pa ring panggabing Linggong paglilingkod rito sa Los Angeles. At karamihan sa kanila ay hindi na nagkakaroon ng panggabing panalanging pagpupulong tuwing Miyerkules pati! Tulungan tayo ng Diyos! Kami ay nag-iisa at nararamadaman namin ito. Kami ay nag-iisa, at kami ay mahina. Ang aming mga kalaban ay napaka lakas at matabil. Nadirinig namin ang kanilang mga tinig araw-araw. Ito ba ang simula ng katapusan ng Kristiyanismo sa ating panahon? Mga madidilim na mga kaisipan ang dumadaan sa mga isipan ng lahat ng mga mapag-isip na mga Kristiyano ngayon. At nagtataka tayo anong magagawa natin. Nakikita natin ang mga simbahan at ang kanilang mga saksing gumuguho. Nakikita natin ang kahinahan at pagkamakamundo ng mga ebanghelikal. Iyan ay gumugulo sa atin higit sa kahit ano pa.

Ang mga matatandang mga Kristiyano ng mga taon ng 1950 ay patay na. Si Pangulong Reagan ay patay na. Si Francis Schaeffer ay patay na. Si John R. Rice ay patay na. Si Harold Lindsell, Bill Bright, W. A. Criswell, Jerry Falwell at Dr. Lloyd-Jones ay patay na. Si Billy Graham, sa edad na 96 na taong gulang ay nakaupong mag-isa sa isang upuang de gulong malayo sa itaas ng mga bundok ng Hilagang Carolina. Tayo ay nag-iisa – at walang malakas na taong magproprotekta sa atin habang ang gabi ay babagsak sa Kanlurang sibilisasyon.

Ganyan ang naramdaman ng propetang Isaias. Siya’y naudyok na hanapin ang Diyos. Sinabi niya

,

“Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan” (Isaias 63:16).

Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,

Ikaw at ako ay dapat magpunta sa presensya ng Diyos simpleng sa pangalan ng tradisyon…simpleng sa pangalan noong nagpunta bago natin. Wala akong pakealam kung sino sila, kung sila man ay mga Metodistang mga ama, o Puritano, o mga Taga-reporma. Hindi, hindi namin pinakamamaka-awa ang kanilang mga pangalan, Abraham, Jacob – hindi sa anumang paraan. “Ika’y aming Ama.” Ang mga Taga-reporma ay hindi makaliligtas sa atin, hindi tayo maliligtas ng mga Metodistang mga ama. Mayroong matinding panganib [ngayon] na tayo’y sasalalay sa ating mga ama. Hindi, ito’y ang Diyos. “Ikaw ang aming Ama,” at walang iba…Diyos, “ang iyong pangalan ay mula sa walang hangganan, “ at ito’y sa walang hangganan. Ang Diyos ay hindi Diyos ng patay, kundi ng nabubuhay, at Siya ang nabubuhay na Diyos (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, mga pah. 301, 302).

Natutuwa akong makita ang maraming mga Bautistang bumabalik sa mga Tagareporama. Ngunit kasing higit na iniibig ko ang mga Tagareporma, alam ko tulad ni Isaias, na ang mga Tagareporma at mga Puritano ay hindi makaliligtas sa atin! Hindi pa nga nila tayo matulungan! Ang ating sibilisasyon ay masyadong lumayo na, masyado nang makasalanan, masyado nang kasumpa-sumpa, upang maligtas ng teyolohiya ng mga kalalakihang mga iyon. Dapat tayong bumalik sa Diyos! Hindi tayo maaring bumalik sa mga Tagareporma, gaano man sila kapiga-pitagan at dakila. Dapat tayong bumalik sa Diyos! Ang Diyos lamang ang makatutulong sa atin!

Hindi tayo dapat magpunta sa Diyos at hingin sa Kanyang iligtas lamang ang ating bansa. O, hindi! Sa kabuuan, ang mga tao ng ating bansa ay hindi mga tao ng Diyos. Ayaw nilang magkaroon ng kahit anong kinalaman sa nabubuhay na Diyos! Sinabi ni Isaias,

Kami ay naging gaya ng hindi [niyong] mga pinagpunuan kailan man, gaya [nila] ng hindi nangatawag sa iyong pangalan” (Isaias 63:19).

Papuri sa pangalan ng Diyos! Ayaw namin, o hindi namin hahanapin ang “Moral na Karamihan” [Moral Majority], “Amerika Muna” [America First], ang Republikang Partido, o kahit anong makamundong braso upang sandalan! Huwag dapat nating sayangin ang ating mga panalangin sa mga ganoong di mahalagang kahumalingan! Dapat tayo ngayong magpunta upang sumandal sa braso ng Diyos lamang! “Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan” (Isaias 63:16).

Bago ang mga burol sa pagkakaayos ay tumayo,
   O ang lupa ay tinanggap ang kanyang pagkalikha,
Mula sa walang hangganan Ikaw ang Diyos,
   Hanggang sa walang katapusang mga taon ay pareho.

O libong mga panahon, sa Iyong paningin,
   Ay katulad ng isang gabing nawala;
Maikli tulad ng pagbabantay na nagtatapos sa gabi,
   Bago ng tumataas na araw.
(“O Diyos, Ang Aming Tulong sa mga Nakaraang mga Panahon.” Isinalin mula
sa “O God, Our Help in Ages Past” ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).

Ngayon tayo’y magpupunta sa ating teksto. Ito’y sa Diyos na ipinipihit patungo ang mukha ng propeta. Ito’y sa Diyos na nananabik siyang nagmamakaawa habang siya’y nananalangin,

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba…” (Isaias 64:1).

Ang mga tao ng Diyos ay nasa masamang kalagayan noong ang panalanging ito ay ibinigay. Sila’y nadala sa pinaka mababang lugar ng takot at pagdurusa. Ang propeta ay hindi nanalanagin para sa kanila na magkaroon ng pinansyal na prosperidad. Hindi siya nanalangin sa kanila upang magkaroon ng kapayapaan sa isipan. Hindi siya nanalangin para sa kanilang magtagumpay! Hindi siya tulad ni Joel Osteen! Alam niya na hindi iyan ang mahalagang bagay na kinailangan nila. Alam ni Isaias na ang kanilang pangunahin, pinaka mahalagang pangangailangan ay para sa presensya ng Diyos na maging naroon sa gitna nila. At kaya ipinalangin niya ang isa sa pinaka dakilang panalangin na nakatala sa mga Kasulatan,

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba…” (Isaias 64:1).

Napaka bihira akong di sumang-ayon kay Dr. J. Vernon McGee. Ngunit hindi ako sumasang-ayon sa kanyang interpretasyon ng bersong ito. Sinabi niya, “Hinuhulaan ni Isaias ang panalangin ng Israel sa loob ng Matinding Tribulasyong kapanahunan” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan III, pah. 342; sulat sa Isaias 64:1). Hindi, hindi ito isang paghuhula ng panalangin ng Israel para sa pangalawang pagdating ni Kristo sa Tribulasyon. Marahil ay ipananalangin nito iyan, ngunit hindi iyan ang pangunahing aplikasyon ng teksto. Ang propeta ay nananalangin para sa Diyos na bumaba ngayon! Sinabi ni Spurgeon at Dr. Lloyd-Jones na ang panalangin na ito para sa Banal na Espiritu na bumaba.

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba…” (Isaias 64:1).

Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Hindi ako nag-aalinlangan na [sabihin] na ito ang ultimong panalangin na konektado sa muling pagkabuhay…ang espesyal, kakaiba, mahalagang panalangin para sa isang pagbibisita ng Espiritu ng Diyos sa isang muling pagkabuhay. Walang termino na mas mahusay na nagtatanghal ng ultimong petisyon kaysa sa pariralang iyon sa himno ni Cowper,

O buksan ang mga kalangitan, bumabang madalian,
At gawin ang libong mga pusong Iyo.

…iyan ang nangyayari sa muling pagkabuhay” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], ibid., pah. 305).

Anong ibig sabihin ng, “Ang Diyos ay bumaba”? Sasabihin ko sa iyong sakto kung anong ibig nitong sabihin. Kinailangan kong bumalik sa Los Angeles pagkatapos kong magsimula ng isang simbahan sa Mill Valley, hilaga ng San Francisco. Tumawag sila at hiniling na mangaral ako sa isang pagpupulong na tinawag na “Ang Pista ng Anak” [“The Festival of the Son”]. Lumipad ako sa San Francisco at iminaneho ng ilang oras, malayo sa hilaga. Ang pagpupulong ay naganap sa isang bukid. Habang kami’y papalapit, naramdaman ko ang presensya ng Diyos. Noong lumabas ako sa sasakyan, nagulat akong makakita ng maraming daan-daang mga kabataan. Pagkatapos ng ilang kanta, ako’y pinakilala. Tumayo ako sa harap ng matinding pulong at ipinahayag ang teksto sa mikropono. Sa oras na ito, ay gabi na. Hindi takipsilim, kundi napaka dilim. Ang mikropono at ang mga ilaw ay tumatanggap ng elektrisidad mula sa isang pinapaandar ng motor na dyenerator. Pagkatapos kong basahin ang teksto, lahat ng elektrisidad ay nawala. Ang mikropono ay namatay. Ang lahat ng mga ilaw ay nawala. At napaka dilim na hindi ko makita ang sarili kong kamay. Naisip ko, “Anong magagawa ko?” Narito ay daan-daang mga kabataan na nakaupo sa lapag. Karamihan sa kanila ay hindi pa kailan man nakapasok sa loob ng isang gusali ng simbahan. Anong sasabihin ko? Anong magagawa ko sa ganap na kadiliman? Tapos ang Diyos ay bumaba!

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba …”

Masasabi ko lamang na ang Diyos ay bumaba na mayroong uri ng kapangyarihan na mararamdaman mo ang Kanyang presensya. Nagsimula ako mangaral ng kasing lakas ng aking makakakaya. Walang mga ilaw. Walang mikropono. Walang kinakailangan! Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain doon sa kadiliman ng gabi. Habang ako’y nangaral hindi ko pa nga kinailangang mag-isip. Ang mga salita ay bumuhos lamang mula sa aking bibig sa isang pagdagsa! Ang mga kabataan ay lubos na tahimik. Walang madirinig kundi ang tunog ng aking tinig. Natapos ko ang pangaral at, sa isang segundo, nagtaka ako kung anong gagawing sunod. Sa oras na iyon, nakarinig ako ng isang tunog. Ang dyenerator ay bumukas muli. Bawat ilaw sa bukid ay umilaw ng biglaan – ang mga mikropono rin. Nagbigay ako ng isang simpleng imbitasyon. Nagulat akong makitang literal ang daan-daang mga nawawalang mga Hipi na nagpupunta sa akin, marami sa kanila ay luhaan. Walang musika. Walang tunog, maliban sa tunog ng kanilang mga paa habang sila’y nagpunta at lumuhod sa lupa. Naroon kami ng mahabang panahong pagkatapos, kinakausap sila. Ang aking kaibigang si Rev. Mark Buckley, ay natatandaan ang di malilimutang gabing iyon – ang gabing ang mga ilaw ay namatay at ang Diyos ay bumaba – ang bilang ng mga Hipi at mga adik sa droga ay nakahanap ng kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo! Mula sa mga muling pagkabuhay na iyan na apat na pung mga simbahan ay lumabas – sa buong Amerika, Europa, Asia at Aprika! Ginawa ito ng Diyos noon, at magagawa ito ng Diyos muli! Maaring si Spurgeon ang nagsabing, “Ang Diyos lamang ang makagagawa ng gawain ng Diyos.”

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba …”

Sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan, noong taong 1969, literal na mararamdaman mo ang presensya ng Diyos bago ka pa man makapasok sa gusali ng simbahan. Walang kahit anong mabangis tungkol rito. Ngunit ang Diyos ay naroon. Bahagya ko lamang na mailalarawan ito bilang elektrisidad sa ere! Tinatawag ito ng Bibliyang “luwalhati” ng Diyos. Ito’y isinalin mula sa Hebreong salita na ang ibig sabihin ay “bigat.” Mararamdaman mo ang luwalhati – ang bigat ng Diyos, sa ere!

Alam kong sakto ang ibig sabihin ni Rhys Bevan Jones noong inilarawan niya ang isang muling pagkabuhay sa Wales,

Ang buong lugar sa sandali ay napaka terible sa luwalhati ng Diyos – ginagamit ng isa ang salitang “terible” na sadya; ang banal na presensya ng Diyos ay napaka naipakita na ang tagapagsalita mismo ay nagapi; ang pulpit kung saan siya’y tumayo ay napaka puno ng mga ilaw ng Diyos na kinailangan niyang umurong! Iyan; iwanan natin ito diyan. Ang mga salita wala kundi nangungutya sa ganoong uri ng karanasan (Isinalin mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay! Mga Taong Puspos ng Diyos [Revival! A People Saturated with God], Evangelical Press, 1991 edisiyon, pah. 134).

Noong Enero ng taong 1907, noong ang Diyos ay bumaba sa Kanyang mga tao sa Hilagang Korea, sinabi ng isang misyonaryo, “Ang bawat isa ay naramdaman habang pumasok sila sa simbahan, na ang silid ay puno ng presensya ng Diyos…Sa gabing iyon sa sa Pyongyang [mayroong] isang diwa ng pagkalapit ng Diyos imposibleng mailarawan” (Isinalin mula kay Edwards, ibid., mga pah. 135, 136). Sinabi ni Brian Edwards, “Madalas ito’y isang teribleng presensya ng Diyos na nagdadala ng malalim na kumbiksyon ng kasalanan sa kongregasyon. Noong ang presensya ng Diyos ay naging di matatakasang katunayan, gayon kami ay nasa muling pagkabuhay” (Isinalin mula kay Edwards, ibid.). Sinabi ni Dr. Armstrong, “Parehong mananampalataya at mga di nananampalataya ay naging nagkakamalay na ang Diyos ay naroon sa isang makapangyarihang paraan” kapag ang muling pagkabuhay ay dumating (Isinalin mula kay Armstrong, ibid., pah. 53).

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba …”

Umaasa ako na ang ilan sa aming mga tao ay magpupulong sama-sama at ipanalangin ang mga pinaka salitang iyon mula sa Isaias 64:1. Umaasa ako na ang ilan sa inyo ay bubuksan ang iyong mga Bibliya sa bersong iyan, kapag kayo’y mag-isa, at gawin ang mga salitang iyon ng propetang sariling ninyong habang kayo’y manalangin. Manalangin para sa Diyos na bumaba sa ating simbahan sa muling pagkabuhay! Pagpalain ka ng Diyos!

Para kanino ang mga panalangin? Karamihan para doon sa mga di pa napagbabagong loob. Mananalangin kami na kukumbinsihin ka ng Diyos na lubos ng iyong kasalanna. Hindi mo kailan man mararamdaman ang iyong desperadong pangangailangan para kay Hesus hanggang sa ika’y unang makumbinsi ng malalim, madilim na kasalanan ng iyong puso at isipan. Mananalangin kami para sa Banal na Espiritung bumaba at gawing maramdaman mong makasalanan at nawawala. Tapos, rin mananalangin kami para sa iyong magtiwala kay Hesus upang ang Kanyang mahal na Dugo ay makalilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Iyan ang mga bagay na aming ipananalangin na gawin ng Diyos sa iyong buhay. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Isaias 64:1-4.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus Kung Saan Man Ang Iyong Mga Taong Magpulong.”
Isinalin mula sa “Jesus, Where’er Thy People Meet”
(ni William Cowper, 1731-1800; sa tono ng “Ang Doxologiya”).