Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG TEKSTO NI LUTHERLUTHER’S TEXT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio [ni Kristo]: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego. Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:16, 17) – [KJV]. |
Ang Apostol Pablo ay nagsasalita rito sa mga Kristiyano sa Roma. Ang lungsod ng Roma ay ang kapitulo ng mundo sa panhong iyon. Sa dakilang lungsod na iyon mayroong mga marmol na mga templo, at dakilang mga estatwa ng mga Romanong mga diyos. Walang mga gusaling simbahan. Ang mga Kristiyano doon sa Roma ay maliit, kinamumuhian na denominasyon – hindi kinikilalang relihiyon sa anumang paraan. Ngunit sinabi ni Pablong napaka tapang, “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio [ni Kristo].”
Paano mo masasabi iyan? Paano siya magkakaroon ng tapang na sabihin iyan? “Hindi ko ikinahihiya ang evangelio [ni Kristo].” Ang ebanghelyo ni Kristo ay tumutukoy ng Kanyang kamatayan sa Krus upang magbayad para sa ating mga kasalanan, at ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng buhay. Sinabi ni Pablo, “Hindi ko ikinahihiya ito sa anumang paraan.” Bakit hindi? “Dahil ito ay ang kapangyarihan ng Diyos sa kaligtasan.” Ang Griyeong salitang “kapangyarihan” ay “dunamis.” Nakukuha natin ang Ingles na salitang “dinamita” mula sa Griyegong salitang iyan. Mayroong kapangyarihan sa Ebanghelyo! Tinatawag ito ni Dr. Marvin R. Vincent na “banal na lakas.” Ang Ebanghelyo ni Kristo ay puno ng kapanyarihan! Ang Ebanghelyo ay nagbubuhay muli ng mga patay na mga kaluluwa. Ang mga patay na kaluluwa ay nagbubuhay sa pamamagitan ng Ebanghelyo!
Nagpupunta ka rito sa simbahan at ang mga bagay na naririnig mo tungkol sa Diyos at Kristo ay walang kabuluhan sa iyo. Ngunit ipinangangaral ko ang Ebanghelyo sa iyo. Sinasabi mo, “Bakit lagi siyang nagsasalita tungkol riyan? Patuloy-tuloy siyang, nagsasalita tungkol kay Kristo sa Krus at si Kristong bumabangon mula sa pagkamatay. Bakit hindi siya magsalita tungkol sa ibang mga bagay?” Aking kaibigan, wala akong ibang bagay na alam na makapagbabago sa iyo mula sa pagiging isang makasalanan sa isang tunay na Kristiyano! Hindi kita matuturuang maging isang Kristiyano! Ngunit mapapangaral ko sa iyo ang Ebanghelyo. Kung ika’y isa sa mga hinirang, kukunin ng Diyos ang Ebanghelyo ni Kristo – upang buhayin ang iyong kaluluwa! Kapag mapanghawakan ka ng Ebanghelyo, nabubuhay ka sa Espiritu – nagtitiwala ka kay Kristo at ika’y nabubuhay muli! Wala kundi ang Ebanghelyo ni Kristo ang mayroong kapangyarihan upang gawin iyan! Wala kailan man ang nagsabi nitong mas mahusay kaysa kay Charles Wesley,
Sinisira Niya ang kapangyarihan ng nakanselang kasalanan,
Pinalalaya Niya ang bilanggo;
Magagawa ng Kanyang dugo ang pinaka mabahong malinis;
Nakinabang ako sa Kanyang dugo.
(“O Para sa Isang Libong Mga Dila.” Isinalin mula sa
“O For a Thousand Tongues” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Tapos sinabi ng Apostol, “sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya.” Ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ni Kristo ay nagdadala ng buhay at kaligtasan sa bawat isang naniniwala. Ang Ebanghelyo ay hindi nagliligtas ng lahat. Tinatawanan ito ng maraming mga tao. Maraming mga tao ang nag-iisip na maari silang maligtas sa ibang paraan. Si Kristo ay nagliligtas noong mga nananampalataya sa Ebanghelyo at nagtitiwala sa Kanya. Sila lamang ang nakararanas ng “kapangyarihan ng Diyos sa kaligtasan.”
Tapos sinabi ng Apostol, “Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag.” “Dito” ay tumutukoy sa Ebanghelyo. Sa Ebanghelyo ni Kristo ang katuwiran ng Diyos ay napapahayag. Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Hesu-Kristo, upang magbayad para sa ating mga kasalanan sa Krus. Ang Diyos ay hindi makatuwiran kung Kanyang palalampasin ang ating mga kasalanan. Ipinadala Niya si Hesus upang mamatay sa Krus bilang ating kapalit, upang magbayad ng multa para sa ating kasalanan. Kapag magtiwala ka kay Hesus, ika’y madadamitan sa tinatawag ni Luther na, “banyagang katuwiran.” Ika’y di nadadamitan sa iyong sariling katuwiran, na nakukuha sa pamamagitan ng pagiging “mabuti.” Kapag magtiwala ka kay Hesus, ika’y nadadamitan sa Kanyang katuwiran. Ito’y isang “banyagang katuwiran” dahil hindi ito sa iyo – ito’y katuwiran ni Kristo na nagliligtas sa iyo. Dinadamitan ka Niya gamit ng Kanyang katuwiran.
At tapos sinabi ng Apostol, “Gaya ng nagsusulat, Ngunit ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17). “Gaya ng nagsusulat.” Sumisipi Siya mula sa Lumang Tipang aklat ng Habakkuk. Doon sinabi ng propetang Habakkuk, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya” (Habakkuk 2:4). Sinipi ni Pablo ang bersong iyan mula sa Habakkuk tatlong beses sa Bagong Tipan – Mga Taga Roma 1:17, Mga Taga Galacias 3:11, at Hebreo 10:38. Sa bawat pagkakataon sinasabi nito, “mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.” Ito ang teksto na ginamit ng Diyos upang buksan ang mga mata ni Martin Luther. Ito ang teksto na nagbago sa mundo at nagdala ng dakilang muling pagkabuhay na tinatawag na “Repormasyon.” Ito ang sinabi ni Dr. McGee tungkol sa mga salitang iyan, “Mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya,:
Ang pagpapatunay sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangahulugan na ang isang makasalanan na nagtitiwala kay Kristo ay hindi lamang nagpapatawad dahil namatay si Kristo, kundi tumatayo rin siya sa harap ng Diyos ganap kay Kristo. Ibig nitong sabihin hindi lamang pag-aalis ng kasalanan, kundi pagdadagdag ng katuwiran. Si Kristo ay “ipinadala para sa ating mga pagkakasala, at ibinangon muli para sa ating pagpapatunay” (Mga Taga Roma 4:25) – na tayo’y maaring tumayo sa harap ng Diyos ganap kay Kristo (Isinalin mula sa kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan IV, p. 651; sulat sa Mga Taga Roma 1:17).
Maari mong sabihin, “Iya’y maraming bagay na tatandaan!” Oo, ngunit lahat ng iyan ay ginawang malinaw sa buhay ni Martin Luther. Nabuhay siya mula 1483 hanggang 1546. Si Luther ay nasa kategorya na napaka kaunting mga tao ang umuokopa. Tulad siya nina Pablo, Kolumbus, Magellan, o si Edison, o Einstein – isang taong nagbago sa mundo at ang daanan ng kasaysayan ng tao. Ngunit ang kanyang pangangailangan para sa kaligtasan ay hindi naiiba sa iyo.
Ang mga makabagong mga may-akda ay tumatawag kay Luther na isang “medibal” na tao. Sila’y mapagkutya ng kanyang paniniwala sa mga anghel, demonyo, at Satanas. Iniisip nila na ang kanyang pananaw na ang sangkatauhan ay nakakandado sa isang labanan sa pagitan ng Diyos at Diablo ay malabis. Sila’y lalong-lalo nang tumutugon laban sa kanyang takot ng poot ng Diyos at ang kanyang malalim na dalamhati sa kanyang kasalanan. Para sa akin, inilalantad nitog higit ang tungkol sa makabagong mga may-akda mismo kaysa ito tungkol kay Luther. Ipinapakita nito na hindi sila naniniwala kung anong itinuturo ng Bibliya tungkol sa gulo sa pagitan ng mabuti at masama! At lalo na, ipinapakita nito na ang mga “bagong ebanghelikal na ito” ay walang takot sa Diyos at walang kumbiksyon ng kasalanan! Si Luther ay lumalabas na nagmumukhng isang normal na Kristiyano! Ang mga makabagong mga bagong ebanghelikal na kumukutya sa kanya ay lumalabas na mga sekular na mga nawawalang mga tao – hindi mga Kristiyano sa anumang paraan! Naway tulungan tayo ng Diyos!
Nahahanap ko na ang kumento ni Luther tungkol sa Aklat ng Mga Taga Roma, ay halos walang eksepsyon, na malinaw-na-malinaw. Ako’y nagulat na matagpuan na siya ay tama pati tungkol sa mga Hudyo. Sinabi niya, “Mula sa pasaheng ito ito’y karaniwang mahihinuha na ang mga Hudyo sa katapusan ng mundo ay mapagbabagong loob sa pananampalataya kay Kristo…Ang mga Hudyo na ngayon ay bumagsak, ay mapagbabagong loob at maliligtas, pagkatapos ng mga hetano ayon sa pagkapuno ng nahirang ay nakapasok. Sila’y mananatili sa labas magpakailan man, ngunit sa kanilang sariling panahon ay mapagbabagong loob” (Isinalin mula kay Mga Kumentaryo ni Luther sa Mga Taga Roma [Luther’s Commentary on Romans], Kregel Publications, 1976 edisiyon, mga pah. 161, 162; sulat sa mga Taga Roma 11:25-36).
Iyan ay mukhang malapit sa itinuturo ng Bibliya. Alam ko na maya-maya ay nagsabi siya ng ilang mararahas na mga bagay, noong siya’y matanda at may sakit, ngunit dapat natin siyang patawarin. Ang kanyang mga pananaw ay lumabas mula sa Katolikong “pagpapalit na teyolohiya,” ang paniniwala na ang Simbahan ay pumapalit sa Israel – isang huwad na doktrina na humahawak na kahit ngayon sa pamamagitan ng maraming mga Kalvinista at iba. Naway maawa ang Diyos sa atin! Ang Diyos ay mayroong pa ring makalupaing tipan sa Israel at ang Hudyong tao, na malinaw na sinasabi sa Mga Taga Roma 11:25-27.
Ang ama ni Luther ay isang minero, na gusto siyang maging isang abugado. Nagsimula siyang mag-aral para sa layuning iyan. Ngunit isang araw siya ay naglalakad sa isang kumikidlat na bagyo. Ang kidlat ay tumamang napakalapit sa kanya. Bumagsak siya sa lupa at sumigaw, “Santa Anna tulungan mo ako. Ako’y magiging isang monghe!” Ibig sabihin niyan siya ay sasapi sa monastaryo at magiging hiwalay mula sa mundo. Ngunit ang kanyang malalim na pagkasangkot sa mga relihiyosong pagsasagawa ay hindi tumulong sa kanyang makahanap ng kapayapaan sa Diyos. Ang mga Makabagong “bagong ebanghelikal” na mga may-akda ay dumadakong nagsasabing ang kanyang takot sa dIyos ay mali at “medibal.” Napaka huwad! Napaka lubos na huwad! Ang takot ni Luther para sa Diyos ay ganap na tama. Ang Bibliya ay tumutukoy sa mga di ligtas na mga taong noong sinabi nitong, “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:18). Sinabi ni Luther, “Sa kalikasan tayo ay di makatuwiran at walang takot sa Diyos. Dahil dito, dapat nating lubos na ipakumbaba ang ating sarili at ikumpisal ang ating kasalaluan at pagkawalang kaalaman sa harap ng Diyos” (Isinalin mula kay Luther, ibid., pah. 74; sulat sa Mga Taga Roma 3:18). Ito’y biyaya ng Diyos na gumigising sa isang makasalanan sa kanyang nawawalang kondisyon. Gaya ng pagkalagay nito ni John Newton (1725-1807), “Ito’y biyaya na nagturo sa aking puso na matakot” (“Nakamamanghang Biyaya” Isinalin mula sa “Amazing Grace”). Ang pagkawala ng takot ay isang tanda ng praktikal na ateyismo.
Si Luther ay lubos na nagkakamalay ng kanyang kasalanan. Tinawag niya itong sakit ng kanyang sariling puso. Wala sa kanyang ginawa ay makapaghuhupa sa kanya nitong pagkamalay ng pagkakasala. Habang kanyang inaral ang Bibliya naisip niya ang mga salita ni Johann Staupitz, ang kanyang guro, na nagsabi sa kanya, “Tignan ang mga sugat ng matamis na Tagapagligtas.” Doon sa kanyang pag-aaral nakita niya ang Krus ni Kristo. Nakita niya kung paano ang pag-ibig ng Diyos ay nagsama kay Kristo sa Krus. Isinulat ni Luther sa kanyang ina,
Gabi at umaga ako’y nagninilay-nilay hanggang sa nakita ko ang pagkakaugnay sa pagitan ng hustisya ng Diyos at ang salaysay na nagsasabing, “ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.” Tapos nakuha ko na ang hustisya ng Diyos ay ang katuwiran na iyon na sa pamamagitan ng biyaya at simpleng awa ng Diyos ay nagpapatunay sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya [kay Kristo]. Sa ibabaw noon naramdaman ko ang aking sariling naipanganak muli at dumaan sa mga bukas ng mga pintuan sa paraiso. Ang buong Kasulatan ay nagkaroon ng isang bagong kabuluhan (Isinalin mula kay Roland H. Bainton, Dito Ako Nakatayo [Here I Stand], Mentor Books, 1977, pahina 49).
Mula sa panahong iyon ang teyolohiya ni Luther ay tinawag na “teyolohiya ng krus.” Sinabi niya, “Ang krus lamang ang ating teyolohiya.” Kung ika’y maliligtas mula sa kasalanan, ito’y dapat sa pamamagitan ng pananampalataya sa ipinakong Kristo! Si Kristo sa Krus! Walang ibang paraan upang maging banal sa Diyos.
Doon sa kanyang pag-aaral nakita ito ni Luther. Nakita niya ang katuwiran ng Diyos sa ating teksto ay di tumutukoy sa isang katangian ng Diyos – ito’y katuwiran ng Diyos na nagbibigay nito sa atin, at ibinibigay Niya ito sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. “ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17). Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang ating pananamapalataya ay hindi nagpapatunay sa atin. Ito’y ang katuwiran ni Hesu-Kristo na nagpapatunay – at walang iba pa!...Prinepreserba tayo ng Diyos mula sa pagbabago sa pananampalataya sa gawa, at sa pagsusubok na patunayan ang ating sarili sa pamamagitan ng pananampalataya.Ito’y sa katuwiran [ni Kristo] gumagawa sa aking tama, at dumarating ito sa akin sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang…agusan, sa pamamagitan ay ang katuwiran na ito ni Kristo ay ibinibigay sa akin…” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Mga Taga Roma – Ang Pagpapaliwanag ng Kapitulo 1, Ang Ebanghelyo ng Diyos [Romans – Exposition of Chapter 1, The Gospel of God], Banner of Truth, 1985 edisiyon, pah. 307).
Noong binasa ni Luther ang mga salitang, “ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya” sinabi niya, “Ang kasabihang ito ni Pablo ay naging sa akin…isang tarangkahan sa Paraiso.” Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Anong paglalantad! Anong pagbabagong anyo! Mula sa isang miserable, wasak, malungkot na monghe, nagbibilang ng kanyang mga butil at nag-aayuno at nagpapawis at nananalangin, at gayon higit-higit na naging nagkakamalay ng pagkabigo, upang ipahayag ang Repormasyon! sa maluwalhating mangangaral ng ebanghelyo, nagpupuri sa ‘maluwalhating kalayaan ng anak ng Diyos’!” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., pah. 309). Sa mga salitang kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali kanin, ang banal na si Kontes Zinzendorf ay nagsabi,
Hesus, ang Iyong dugo at katuwiran
Ang aking kagandahan ay, aking maluwalhating damit;
Sa gitna ng umaalab na mga mundo, sa mga ito’y nakagayak,
Na may galak ay aking itataas ang aking ulo.
(“Hesus, Ang Iyong Dugo at Katuwiran.” Isinalin mula kay
“Jesus, Thy Blood and Righteousness”
ni Kontes Nicolaus von Zinzendorf, 1700-1760).
O gaya ng paglagay nito ni Edward Mote,
Ang aking pag-asa ay nakatayo sa walang ibang mas di mas mahalaga
Kundi ang dugo ni Hesus at katuwiran…
Nakadamit sa Kanyang katuwiran lamang,
Walang kasalanang nakatayo sa harap ng trono.
Kay Krito, ang matatag na bato, Ako nakatayo;
Ang ibang lupa ay lumulubog na buhangin;
Ang ibang lupa ay lumulubog na buhangin.
(“Ang Matatag na Bato.” Isinalin mula kay “The Solid Rock”
ni Edward Mote, 1797-1874).
Hinihingi ko sa iyo ngayong gabi na magtiwala kay Hesus, “ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Sa sandaling magtiwala ka kay Hesus, ika’y maliligtas, mapatutunayan at magiging ligtas magpakailan man. Umaasa ako na magtiwala ka kay Hesus ngayong gabi. Tulad ni Luther, ika’y magiging “naipanganak at [lalakad] sa mga bukas na mga pintuan ng Paraiso.” Gaya ng sinabi ni Johann Staupitz kay Luther, “Tignan ang mga sugat ng matamis na Tagapagligtas.”
“Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17).
Dr. Chan, paki panalangin mo na mayroong isang magtiwala kay Hesus at maligtas! Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Roma 1:15-17.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, Ang Iyong Dugo at Katuwiran.” Isinalin mula sa
“Jesus, Thy Blood and Righteousness”
(ni Count Nicolaus von Zinzendorf, 1700-1760;
isinalin ni John Wesley, 1703-1791).