Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA TAONG GINAGAMIT NG DIYOS SA MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 12 SA MULING PAGKABUHAY)

THE PEOPLE GOD USES IN REVIVAL
(SERMON NUMBER 12 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-19 ng Oktubre taon 2014

“Pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas” (I Mga Taga Corinto 1:27).


Isa sa mga pinaka kapansin-pansin na mga bagay tungkol sa muling pagkabuhay ay ibinigay sa tekstong ito. Pinipili ng Diyos ang mga hangal at mahinang mga tao ng mundo upang lituhin at hiyain iyong mga marurunong, at iyong malalakas. Ito’y dapat maging maliwanag sa kahit sinong nagbabasa ng Bibliya. Noong si Kristo ay malapit nang maipanganak, pinili ng Diyos ang isang dalagang babae mula sa isang mahirap na pamilya upang maging Kanyang ina. Noong Siya’y ipinanganak, nagpadala ang Diyos ng kaunting mahihirap na mga pastol upang sambahin Siya. Hindi ipinadala ng Diyos si Haring Herodes, o ang mga namununong mga nakatatanda ng Israel upang salubungin si Kristong sanggol. Imbes ay nagpadala ang Diyos ng tatlong mga astronomo mula sa malayong paganong bansa. Noong si Hesus ay nagsumula ng Kanyang pangangasiwa, hindi nagpadala ang Diyos ng mataas na saserdote upang ipahayag ito. Imbes, ang Diyos ay nagpadala ng isang mahirap na propetang si Juan Bautista. Noong si Hesus ay handang tumawag ng labin dalawang mga Apostol, hindi Siya pumili ng labin dalawang mga kalalakihan mula sa Sanhedrin, ang Hudyong mataas na korte. Imbes, tumawag Siya ng labin dalawang di importanteng maliliit na mga mangingisda. At noong pumili si Hesus ng kapalit para kay Hudas, pinili Niya ang isang mamamatay taong nagngangalang Saul ng Tarsus, na tumawag sa kanyang sariling “hari” ng mga makasalanan, ang pinaka malubhang makasalanan na posible! Sa buhay ni Kristo malinaw na

“Pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas” (I Mga Taga Corinto 1:27).

Kahit sa Lumang Tipan ang temang ito ay nagpapakita ng paulit-ulit. Pinili ng Diyos si Abel higit kay Cain, kahit na si Cain ang mas matandang anak, at kung gayon ang pinaka mahalaga. Pinili ng Diyos si Jacob higit kay Esau, kahit na si Esau ang pinaka matandang anak at tagapagmana. Pinili ng Diyos si Jose higit sa kanyang labin isang mga kapatid na lalaki, kahit na siya ang pinaka bata at pinaka mahinang anak na lalake. Pinili ng Diyos si Moses higit sa Parao. Pinili Niya ang isang pastol higit sa pinaka makapangyarihang tao sa lupa sa panahong iyon. Pinli ng Diyos si Gideaon upang iligtas ang Israel mula sa mga Midianites – kahit na sinabi ni Gideaon, “Ang aking angkan ay siyang pinakadukha… at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama” (Mga Hukom 6:15). Pinili ng Diyos ang maliit na si Samuel, isang tunay na ulila, imbes sa dalawang mga anak na lalake ng mataas na saserdote. Pinili ng Diyos si David at pastol na bata higit sa makapangyarihang Haring Saul.

Muli’t-muli, sa buong kasaysayan ng Kristiyanismo, ang salaysay na ito ay naging totoo,

“Pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas” (I Mga Taga Corinto 1:27).

Ang mga mas maagang mga Kristiyano ay mahihirap at ulila. Karamihan sa kanila ay mga alipin. Sila’y iniusig hanggang sa kamatayan ng sampung mga Romanong emperor. Wala pa ngang nakatatanda ng mga emperor ng iyon (maliban sa kay Nero), kahit na sila ang pinaka makapangyarihang mga kalalakihan sa lupa sa panahong iyon. Ang mga tao sa buong mundo ay natatandaan ang mga martir ng katakumba kapag ipinagdiriwang ng Papa ang Misa sa Kolesiyum bawat taon tuwing Mabuting Biyernes! Iyong mga namartir na iyong mga alipin ay nasupil ang kapangyarihan at lakas ng lumang Roma!

Pag-isipan si Luther. Gusto kong pakinggan ninyo ang sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones tungkol sa kanya:

Anong pag-asa mayroon ang isang lalakeng iyon, si Martin Luther, isa lamang di kilalang monghe? Na tumayo upang makipaglaban laban sa Simbahan, at…labin dalawa hanggang labing tatlong mga siglo, ng tradisyon sa kabaligtarang direksyon? Ito’y mukhang simpleng pagkayabang para sa isang lalake na tumayo at magsabing, “Ako lamang ang tama, at kayong lahat ay mali.” Iyan ang masasabi tungkol sa kanya ngayon. At gayon, kita mo, siya ay isang tao na pinagpagkakaabalahan ng Diyos. At gayon man siya ay isa lamang tao, tumayo siya, at tumayong mag-isa, at pinarangalan siya ng Banal na Espiritu. Ang Protestanteng Repormasyon ay dumating, at nagpatuloy, at ito’y laging pareho… Ang sinasabi ko ay noong ang Diyos ay nagsimulang kumilos sa Kanyang Simbahan, at noong hinahanda NIya ang daal para sa muling pagkabuhay, ganito Niya mukhang ginawa ito. Inilalagay Niya ang bigat na ito sa partikular na mga tao, na tinatawag na hiwalay, na para bang, at nagpupulong na magkakasamang, tahimik, di nalalaman, at mayumi, dahil sila’y nagkakamalay ng bigat (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, mga pah. 203, 167).

At sa parehong saktong paraan mahahanap mo ito sa kasaysayan ng lahat ng mga muling pagkabuhay na ito. Ang taong iyong si James McQuilken ay nagsimulang magsalita sa dalawang ibang mga tao, at nakita nila ang buong sitwasyon, at ang mga tatlong mga kalalakihang ito lamang magkakasama sa isang maliit na silid aralan sa isang makitid na eskinita. Nagkaroon ako ng pribilehiyong mabisita ito noong ako’y nasa Hilagang Irelan. Ako’y nagpunta sa lahat ng aking makakaya upang magawa ito, dahil gustong kong makita ang isang lugar na tulad niyon…Naramdaman nila ang pagtawag na manalangin (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., pah. 165).

At, siyempre, ang 1859 na muling pagkabuhay ay dumating sa Hilagang Ireland noong ang tatlong mga kalalakihang ito ay nanalangin sa Diyos para sa isang pagbubuhos ng Banal na Espiritu. Tapos sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Paniwalaan ako, aking mga kaibigan, kapag dumating ang sunod na muling pagkabuhay, ito’y darating na pabigla sa lahat, at lalo na doon sa mga nagsusubok na i-organisa ito. Ito’y mangyayari sa isang [mapagkumbaba, mayuming] di nagyayabang na paraan. Ang mga kalalakihan at mga kababaihan ay lumilisang tahimik, para manalangin dahil sila’y nabibigatan, dahil hindi nila ito matiis, dahil hindi sila makapagpapatuloy na nabubuhay na wala ito. At sila’y nagpunta upang makipagsama sa ibang nararamdaman ang parehong bagay, at sumisigaw sa Diyos” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., mga pah. 165-166).

Si Dr. Lloyd-Jones ay nagpatuloy sa pagsasabing, “Gayon kayong lahat ay marahil pamilyar sa kwento ng Metodismo sa iba’t ibang mga sangay nito. Paano ito nagsimula…? Ito’y nagsimula sakto sa parehong paraan, sa dalawang Wesley ng magkabatid na lalake, at kay Whitefield, at iba, na mga naging miyembro ng Simbahan ng Inglatera…Sa ilang panahon walang nakaa-alam na ito’y nangyayari, ngunit sila’y nagsama-sama lamang dahil sila’y nadala ng parehong bagay” (isinalin mula sa ibid., pah. 166).

Kilala nating lahat si George Whitefield at John at Charles Wesley. Ngunit walang nakakikilala sa kanila noon. Sila’y mga ordinaryong mga kabataan na nakita ang pagkapatay ng Anglikanong Simbahan, at gustong makita ang Diyos na naluwalhati sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang nabubuhay na karanasan kay Kristo.

Mayrong isang nagsabi, sa tinggin ko ito’y si Obispong Ryle, na si John Wesley ay dapat ginawang Arsobispo ng Canterbury, ang pinuno ng Simbahan ng Inglatera. Ngunit, siyempre, hindi siya kailan man isinaalang-alang para sa ganoong mataas na posisyon. Imbes, siya ay kinutya at nilibak. Siya’y sinabihan na hindi siya kailan man maaring mangaral muli sa Unibersidad ng Oxford, kung saan siya’y nagtapos, dahil sinabihan niya ang mga mag-aaral at mga guro na kinailangan nilang maipanganak muli. Ang kanyang sariling nanay, na si Susannah Wesley, ay nagalit sa kanya dahil sa pangangaral na tulad ng isang “entusiyastika” – isang panatiko – bago siya mismo ay napagbagong loob. Sa loob ng limampung-tatlong taon, si John Wesley ay nangaral ng tatlong beses sa isang araw sa malalaking mga masa na nagpulong upang marinig siya sa labasan sa mga kaparangan sa buong Inglatera. Ngunit ang kanyang sariling denominasyon ay nagpatuloy na kutyarin at umismid sa dakilang taong ito. Hindi siya kailan man naparangalan sa anumang paraan hanggang siya’y isang napaka tandang lalake na sa kanyang mga huling bahagi ng ika-walom pung mga taon. Samantalan, sa loob ng pangangasiwa ni John Wesley, anim na pung ibang mga kalalakihan ang umupo sa posisyon ng Arsobispo ng Canterbury. Narito ang kanilang mga pangalan sa ayos,

John Potter (1737-1747)
Thomas Herring (1747-1757)
Matthew Hutton (1757-1758)
Thomas Secker (1758-1768)
Frederick Cornwallis (1768-1783)
John Moore (1783-1805).

Nagdududa ako na kahit sino maliban sa isang Anglikanong taga sulat ng kasaysayan ang makapag-papangalan kahit isa sa anim na tinawag na mga “dakilang” mga kalalakihan. Gayon man halos bawat Kristiyano ay alam ang pangalan ni John Wesley. At karamihan sa mga tao ay alam ang pangalan ng kanyang kapatid na si Charles, kaninong mga himno ay kinakanta sa mga simbahan ng bawat denominasyon ng lupa. Ngunit si Whitefield at ang dalawang mga Wesley ay maliit, di kailalang mga binata noong sila’y nagsama-sama na kasama ang ilang kaunting iba ay nanalangin para sa pagbubuhos ng Banal na Espiritu noong Bisperas ng Bagoong Taon, taon 1738 bago lang bumaba ang Unang Dakilang Pagkagising sa nagsasalita ng Ingles ng mundo.

“Pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas” (I Mga Taga Corinto 1:27).

Ang bersong ito rin ay nagpapaliwanag kung bakit ang mga kabataan ay laging mga pinuno ng muling pagkabuhay. Ito’y ang mga kabataan ng isang simbahan na unang nakararamdam ng pagkilos ng Espiritu ng Diyos sa gitna nila. At ito’y karaniwang mga kabataan na nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran, at naghahangad para sa muling pagkabuhay at ang katotohanan ng Diyos.

Ang unang muling pagkabuhay na nakita ko sa Tsinong Bautistang Simbahan ay nagsimula sa gitna ng mga kabataan sa loob ng isang kampo noong panahon ng tag-init sa mga bundok. Habang sila’y nagpulong para sa panalangin isang umaga sa kampo, ang Espiritu ng Diyos ay bumaba sa kanila na mayroong pambihirang kapangyarihan na ang muling pagkabuhay ay nagpatuloy sa Linggo sa simbahan, pagkatapos nilang bumalik mula sa kampo. Ang muling pagkabuhay ay nagpatuloy ng buong araw ng Linggo at hanggang sa gabi. Natatandaan ko pa rin ang mga panalangin na iyon na ipinalangin ng mga kabataan. Natatandaan ko pa rin ang pakiramdam ng pagkahanga at pagtataka, at mga luha ng pagsisisi, ang mga kumpisal at mga panalangin, at pagkalapit ng Diyos sa mga pagpupulong na iyon.

Sa muling pagkabuhay na nakita ko sa isang Bautistang simbahan sa Virginia, tatlong mga kababaihan ay tumayo upang kumanta bilang isang triyo. Sila’y nagsibagsak sa luha ng kumbiksyon, at ang buong simbahan nahawa sa pakiramdam na napakadalas naipapahiwatig sa isang muling pagkabuhay – “Ang Diyos ay bumaba sa gitna namin.”

“Sa Herrnhut sa Saxony isang muling pagkabuhay ay sumabog sa gitna ng mga kabataan noong ika-13 ng Agosto.” Noong ika-29 ng Agosto “mula mga oras ng alas diyes ng gabi hanggang ala una sa sunod na umaga, isang tunay na nakaaapektong eksena ang nasaksi, dahil ang mga kababaihan ng Herrnhut ay gumugol ng [tatlong] mga oras sa panalangin, nagsisikanta at nagsisiluha. Ang mga kalalakihan at sa parehong beses abala sa masidhing panalangin sa iba pang lugar. Ang espiritu ng panalangin at pagdadaing sa panahong iyan na bumuhos sa mga bata ay napaka mapakapangyarihan at napaka epektibo na ito’y imposibleng magbigay ng nararapat na paglalarawan nito sa mga salita” (Isinalin mula kay John Greenfield, Kapangyarihan Mula Sa Itaas [Power From On High], World Wide Revival Prayer Movement, 1950, pah. 31).

Noong Oktubre ng taon 1973 isang muling pagkabuhay ay sumabog sa gitna ng mga mag-aaral ng Diyunyor Pangalawang Paaralan sa Bario ng Bornes. Dalawang mga batang lalake ay nagsimulang magdasal ng sabay at dahan-dahan ang buong paaralan ay nahawa hanggang sa ang punong-guro mismo, ay tumutol kumilos tungo sa pagdadala ng Espiritu sa simula, ay nadala sa pag-sisisi (Isinalin mula kay Shirley Lees, Lasing Bago ng Madaling Araw [Drunk Before Dawn], Overseas Missionary Fellowship, 1979, mga pah. 185-189).

Sinabi ni Brian H. Edwards, “Ano mahalga rito ay sa panahon ng muling pagkabuhaya ito…ang mga kabataan ang espesyal na nahahamon at nababago, at sa maraming mga pangyayari sila ang mga mas taos pusong naghahangad at nanalangin para sa muling pagkabuhay, at sa gitna nila ito’y nagsisimula…Ito ay isang aspeto ng muling pagkabuhay na, sa kabila ng pagiging mahusay na nauulat, ay tumatanggap ng masyadong maliit na atensyon mula doon sa mga nagsusuri ng karaniwang mga salik ng muling pagkabuhay” (Isinalin mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay! Mga Taong Puspos sa Diyos [Revival! A People Saturated With God], Evangelical Press, 1991 edisiyon, pah. 165).

“Pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas” (I Mga Taga Corinto 1:27).

Inilarawn ni Amy Carmichael ang isang pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa India na tulad nito,

Ito’y sa pagtatapos ng umagang paglilingkod na ang pagdurog ay dumating. Ang nagsasalita ay napilitang huminto, napuspos sa biglang pagkatanto ng panloob na puwersa ng mga bagay. Ito’y imposibleng manalangin. Isa sa mga mas matandang mga batang lalaki sa paaralan ng mga batang lalake ay nagsimulang sumubok manalangin, ngunit bumagsak siya sa [pagluha], tapos isa pa, tapos lahat sila, ang mga mas matandang mga batang lalake pangunahin muna. Di nagtagal maraming sa gitna ng mga mas bata ay nagsimulang umiyak ng mapait at nanalangin para sa kapatawaran. Ito’y kumalat sa mga kababaihan. Ito’y nakagugulat at nakamamangha – hindi ako makagamit ng iba pang salita – ang mga detalye ay tumakas mula sa akin. Di nagtagal marami ang nasa sahig, nagsisiiyak sa Diyos, bawat batang lalake at batang babae, lalake at babae, di nagkakamalay [nalilimutan] ang lahat ng iba. Ang tunog ay parang mga alon at malakas na hangin sa mga puno…Sa simula ang pagkilos ay halos sa buong-buo sa mga napagbagong mga batang lalake, mga batang lalakeng mag-aaral, ang aming sariling mga anak…at ilang mga mas batang mga miyembro ng kongregasyon. Pitong buwan maya-maya iniulat niya, “Halos lahat ng [mga kabataan] ay ganap na napagbagong loob” (Isinalin mula kay J. Edwin Orr, Ph.D., Ang Umaapoy na Dila [The Flaming Tongue], Moody Press, 1973, mga pah. 18, 19).

Pansinin ang mga salitang, sa simula ang pagkilos ay halos sa buong-buo sa mga napagbagong mga batang lalake, mga batang lalakeng mag-aaral, ang aming sariling mga anak…at ilang mga mas batang mga miyembro ng kongregasyon.” Iyan madalas ang paraan na dumarating ang muling pagkabuhay sa isang simbahan – habang ang mga kabataan ay naghahangad para sa isang pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa muling pagkabuhay. Nakita ko iyan sa sarili kong mga mata sa tatlong mga muling pagkabuhay, kapag ang Diyos ay mabubuhos ng Kayang Espiritu sa makapangyarihang kapangyarihan sa mga kabataan ng Los Angeles, sa sakop ng San Francisco, sa Dalampasigan ng Virginia, Virginia.

Ngayon kinakausap ko ang mga kabataan ngayon ritong gabi. Bibigyan namin kayo ng isang nailimbag na kopya ng sermon ito upang iuwi. Nais ko na babasahin mo ito at babasahin muli araw-araw sa sunod na linggo. At nais ko na ika’y mananalangin para sa mga bagay na ito sa pangaral na ito upang mangyari sa iyong buhay, at mangyari sa ating simbahan.

Maari mong isipin, “Hindi kailan man papayagan ni Dr. Hymers ang mga bagay na tulad niyan na mangyari sa aming simbahan.” Ngunit mali ka. Naniniwala akong alam kong sapat ang tungkol sa muling pagkabuhay na hindi ko iwawakas ang Espiritu, o pipigilan ang Kanyang mga pagpapakita, kung ang Diyos ay maawa at bababa sa atin sa isang pinakamakapangyarihang muling pagkabuhay na kapangyarihan! Maari mo pa ngang maisama ang mga salita ng propetang si Isaias sa inyong panalangin,

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).

Dr. Chan, paki-pangunahan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: I Mga Taga Corinto 1:26-31.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
“Teach Me to Pray” (ni Albert S. Reitz, 1879-1966).