Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




DI PANANAMPALATAYA – ISANG HADLANG SA MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 11 SA MULING PAGKABUHAY)

UNBELIEF – A HINDRANCE TO REVIVAL
(SERMON NUMBER 11 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-12 ng Oktubre taon 2014

“Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila” (Hosea 5:6).


Nakita ng Israel ang panganib na hinarap nila mula sa mga Asiryano. Tapos hinanap nila ang Diyos. Upang magpalubag sa poot ng Diyos, nagdala sila ng maraming mga tupa at mga baka upang ialay. Ngunit hindi sila tumanggap ng awa mula sa Diyos. “Siya’y umurong sa kanila” dahil sa idolatarya at iba pang mga kasalanan. Hindi nila hinanap ang Diyo noong Siya’y mahahanap. Ngayaon huli na. Iniurong na ng Diyos ang Kanyang presensya mula sa kanila.

“Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila” (Hosea 5:6).

Naisip ko ang bersong iyan habang pinanood ko ang videyo ni Billy Graham noong huling Miyerkules ng gabi. Nangangaral siya sa Sacramento, California noong mga taong 1983. Ang kanyang paksa ay “ang Banal na Espiritu.” Habang siya’y nangaral naisip ko ang mga salitang iyon sa ating teksto, “Siya’y umurong sa kanila.”

Ngayon, dapat mong maintindihan na iniibig ko sa Billy Graham. Lagi, noon pa at palagi ko siyang iibigin. Ngunit natatandaan kong nagpupunta sa Koliseyum ng Los Angeles noong Agosto ng 1963 upang pakinggan siyang mangaral. Pagkalabas ko ng aking sasakyan, literal na “naramdaman” ko ang Banal na Espiritu, na parang elektrisidad, sa ere. Habang ako’y papalakad sa Koliseyum, ang buhok sa aking laman ay nagsitayo. Naramdaman ko ang Banal na Espiritu na napaka lakas na naroon na ang buong karanasan ay nakakukuryente. Ang lahat sa malaking istadyum ay ganap na tahimik. Maari mong narinig ang isang aspiling mahulog habang ang malaking koro ay tumayo at kumanta “Nakamamangha Ka.” Ang sermon ni Gg. Graham ay napaka makapangyarihan na natatandaan ko ang karamihan nito sa araw na ito!

Sa mga sumunod na mga dekada nagpunta ako sa anim pa sa mga krusada ni Billy Graham sa iba’t-ibang mga lungsod. Ngunit noong ako’y nagpunta sa kanyang krusada sa Oakland, California noong mga maagang taon ng 1970, napaka kaunting kapangyarihan sa kanyang pangangaral. Tapos, noong mga maagang mga taon ng 1980, napanood ko si Gg. Graham sa telebisyon kasama ng aking pastor na si, Dr. Timothy Lin. Mga kalahati sa pangaral, sinabi ni Dr. Lin, “Mukhang wala siyang kapangyarihan.” Hindi ko naisip na dahil ito’y mas matanda na si Gg. Graham. Mukhang siya’y napaka malakas. Ngunit mayroong nagkukulang. Pareho rin ang naramdaman ko habang pinanood ko ang videyo niyang nangangaral noong huling Miyerkules ng gabi. Nangangaral siya sa Banal na Espiritu. Ngunit mayroong nagkukulang. Para sa akin mukhang ang Banal na Espiritu Mismo ay nagkukulang. Para sa akin mukhang “sia’y umurong mula sa kanila” (Hosea 5:6). At ito’y hindi lamang kapag si Gg. Graham ay nangangaral. Nararamdaman ko na ang Banal na Espiritu ay nagkukulang sa karamihan sa pangangaral na naririnig ko ngayon mula sa mga simbahan sa Kanlurang mundo. Nasusuka ako sa puso – dahil nararamdaman ko ang Diyos Mismo ay lumisan mula sa ating mga simbahan kapag tayo’y nangangaral! Nakalulungkot. Napaka lubos na nakalulungkot! Minsan nagdadala ito ng mga luha sa aking mga mata kapag iniisip ko ito! Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang isang tao ay maaring mangaral na wala ang Banal na Espiritu. Maari kong ipaliwanag pa ang salitang ito gamit ng katalinuhan, ngunit hindi iyan sapat. Kailangan natin ng demonstrasyon ng Espiritu ng kapangyarihan” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, pah. 185). O gaanong kailangan ko rin ng kapangyarihang iyan! Paki pagdasal ang aking pangangaral!

Alam mo na hindi pa tayo nakakikita ng pangunahing muling pagkabuhay sa Ingles na salitang mundo simula taong 1859. Iyan ay higit sa 150 na taon. Bago ng taong 1859, naranasan ng ating mga simbahan ang ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay halos mga kada 10 taon. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd- Jones,

Mayroong isa lamang pangunahing muling pagkabuhay simula ng taong 1859. O, tayo ay nasa isang tuyong panahon… nawala ng mga tao ang kanilang paniniwala sa nabubuhay sa Diyos na ito at sa pagtutubos at sa pagkakasundo at tumingin sa karunungan, pilosopiya at pag-aaral. Nadaanan natin ang isa sa pinaka tuyong mga panahon sa mahabang kasaysayan ng Simbahan…Tayo pa rin ay nasa kagubatan. Huwag maniwala sa kahit anong nagsasabi na tayo ay wala na rito (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], ibid., pahina 129).

At iyan ang dahilan na ipinakita ko ang mga videyo na iyon ng makapangyarihang muling pakgbuhay sa Tsina, Ang Krus – Si Hesus sa Tsina [The Cross – Jesus in China] (China Soul for Christ Foundation, i-klik ito upang orderin ito). Gusto kong makita na ang muling pagkabuhay ay hindi lamang posible ngayon – ito’y nangyayari ngayon sa ibang bahagi ng mundo.Ngunit dahil walang klasikal na muling pagkabuhay sa Kanlurang mundo, hindi kita maipapadal upang makakita ng isa sa sariling mong mga mata. Maipapakita ko lamang sa iyo ang videyo na ginawa sa malayong lugar, sa Tsina. Umaasa ako na ika’y maghahangad para sa muling pagkabuhay kung makita mo ang mga videyo na iyon mula sa Tsina. Sinabi ni Haring Solomon,

“Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain” (Mga Kawikain 25:25).

Gusto kong makita mo kung anong maaring gawin ng Diyos ngayon, sa muling pagkabuhay. Sinabi ni Brian H. Edwards,

Ito’y hindi dahil ang muling pagkabuhay ay makukuha na parang isang sakit, ngunit ito’y dahil ang mga epekto nito ay naglilikha ng isang paghahangad at pagka-uhaw doon sa mga nasasabihan patungkol rito o makakakita nito. Karamihan sa mga iyon ay ginagamit ng Diyos sa isang muling pagkabuhay ay sa sarili nila ginawang nagkakamalay sa kung anong ginawa ng Diyos sa nakaraan… Tayo ay mga hangal na hindi pagsamantalahin ang pagkakaalam sa lahat ng ating matututunan tungkol sa mga nakaraang mga muling pagkabuhay upang tayo ay mapagtugon sa mga posibilidad ng Diyos para sa atin. Kailangan natin ilagay ang ating mga mata sa anong magagawa ng Diyos, ang ating mga isipang napalaki at ang ating paningin nakatuon sa kapangyarihan ng makapangyarihang gawain ng Diyos. Ang Diyos ay marahil nag-aantay para sa atin upang maging mapagtugon sa kung anong ginawa niya sa nakaraan (Isinalin mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay!—Mga Taong Puspos sa Diyos [Revival! – A People Saturated with God], Evangelical Press, 1991 edisiyon, mga pah. 91, 92).

Ang pagdidinig sa mga kwento at tungkol sa mga nakaraang mga muling pagkabuhay, at mga muling pagkabuhay ngayon na nangyayari sa ibang mga lugar, ay dapat tumulong sa ating magkaroon ng pananampalataya na magagawa ng Diyos ang mga bagay na ito dito, sa ating sariling simbahan. Ang di pananampalataya ay ang pinaka malaking hadlang sa muling pagkabuhay sa atin.

Bumalik si Hesus sa Kanyang tahanang bayan sa Nazareth. Ang mga tao ay “namangha” noong narinig nila Siyang mangaral sa sinagoga. Ngunit ang ilan sa kanila ay nagsabing Siya ay isa lamang anak ng karpintero. Nainis sila sa Kanya. Sinasabi ng Bibliya, “At siya'y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya” (Mateo 13:58). Sinabi ni Dr. John Gill, “hindi para sa [pagkakulang] ng kapangyarihan, o na kanilang di pananampalataya ay napaka makapangyarihan para sa kanyang masupil ito; ngunit hindi niya ito gagawin dahil hinusgahan niya silang di nararapat” (Isinalin mula kay John Gill, D. D., Isang Pagpapaliwanag ng Bagong Tipan [An Exposition of the New Testament], kabuuan I, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, pah. 159; sulat sa Mateo 13:58).

Kilala ko ang isang tao na dumaan sa isang matinding muling pagkabuhay ngunit nagsabi na hindi niya ito napansin dahil siya’y bagong kasal! Kilala ko ang isa pang taong dumaan sa isang tunay na nakamamanghang muling pagkabuhay sa Virginia, ngunit nagsabi na ito’y isa lamang isang “mahabang imbitasyon.” Ito’y mukha para sa akin na ang mga taong iyon ay masyadong makamundo upang mapahalagahan ang muling pagkabuhay noong dumating ito! At sila’y tiyak na di nananampalataya upang manalangin para sa muling pagkabuhay! Tulungan tayo ng Diyos na magkaroon ng mas higit na pananampalataya sa Kanyang kapangyarihan!

Sinabi ng Apostol na si Pablo, “Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu” (I Mga Taga Tesalonica 5:19). Ang di pananampalataya at pagka makamundo ay pumapatay sa ningas ng Espiritu! Si Dr. Lloyd-Jones ay nagsalita tungkol sa mga partikular na mga teyolohiyano na “pumapatay sa ningas ng Espiritu” at nawawalan ng interest tungkol sa muling pagkabuhay (Isinalin mula sa Ang mga Puritano [The Puritans], Banner of Truth, 1996 edisiyon, pah. 9).

Hindi mapalayas ng mga Disipolo ang isang makapangyarihang demonyo dahil sa kanilang di pananampalataya (Mateo 17:20). Hindi mapasok ng mga Hudyo ang ipinangakong lupa “dahil sa kanilang di pananampalataya” (Mga Hebreo 3:19). Walang duda sa aking isipan na ang muling pagkabuhay ay maaring “mapatay” dahil sa mga kasalanan ng di pananampalataya.

Ang Bibliya ay nagbibigay ng maraming pahina, na nagpapakita ng makapangyarihang mga gawain ng Diyos, karamihan upang palaguhin ang ating pananampalataya sa Kanya. Ang buong kapitulo ng Mga Hebreo 11 ay tungkol sa mga bagay na nagawa sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos. Naiisip ko na isa sa pangunahing dahilan na wala tayong muling pagkabuhay ay dahil sa di pananampalataya na maaring maipadala ito ng Diyos ngayon, sa ating panahon. Iyan ang dahilan na kailangan nating marinig ang mga kwento ng mga muling pagkabuhay sa nakaraan, at sa ibang mga bahagi ng mundo ngayon. Tapos masasabi natin kasama ng ama ng pinasukan ng demonyong batang lalake, “Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya” (Marcos 9:24). Kapag ang Diyos ay magpapadala palang ng muling pagkabuhaya, maari Niyang palakasin ang iyong pananampalataya, habang manalangin ka para sa isang pagbubuhos ng Banal na Espiritu. Kapag madinig mo ang tungkol sa mga muling pagkabuhay, magtuon ng pansin ng maigi. Tapos manalangin para sa Diyos upang magpadala ng isang muling pagkabuhay sa ating simbahan. At sa tingin ko ito’y perpektong tama para sa iyong manalangin, “Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.”

Isa pang bagay na kailangan mong malaman ay ang katunayan na karamihan sa mga muling pagkabuhay ay nangyayari sa isang lokal na simbahan, tulad ng sa atin, o sa ibang maliliit na mga pagpupulong. Karamihan sa mga aklat tungkol sa muling pagkabuhay ay nakasentro sa isang malaking, kamangha-manghang kaganapan – ang mga buong mga distrito ay nag-aalab para sa Diyos, muling pagkabuhay na binabago ang direksyon ng kasaysayan, atb. Naiisip ko na ang mga may-akda noong mga aklat na iyon ay mabuti ang hangarin, ngunit sa tingin ko hindi nila naiisip ang pinsala na maaring dumating sa pamamagitan ng di pagsasabi ng higipt tungkol sa paano nagsimula ang mga muling pagkabuhay na ito. Sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol sa mga nakamamanghang mga pangyayaring iyon, maari kang lumayo na walang pananampalataya. Maari magbigay ito kay Satanas na magsabing, “Isang bagay na ganyan kalaki ay hindi kailan man mangyayari dito!” Iyan ang dahilan na sana ang ilan sa mga may-akdang iyan ay sumentro ng mas higit sa kung anong nangyayari sa isang lokal na simbahan kapag ito’y nagsisimulang maransan ang isang pagbubuhos ng Espiritu. Napansin ito ni Dr. Lloyd-Jones noong sinabi niyang,

Tayo ay di na naghahanda para sa pagpupulong ng simbahan sa Linggo…Yayamang ang kinakikilingan ay ang mag-isip ayon sa malalaking mga pagpupulong at pagkikilos, kaysa ayon sa lokal na simbahan ay lumago, upang ang kadalasan ng mga muling pakabuhay ay bumababa (Isinalin mula sa Muling Pakabuhay [Revival], ibidi., pah. 61).

Nagtataka ako kung iyan ay di nangyari noong ipinakita ko sa iyo ang mga videyo na iyon sa muling pagkabuhay sa Tsina. Ipinakita nito na ang muling pagkabuhay doon ay malaki – sa katunayan malawakan. Nagtataka ako kung maaring sinabi sa iyo ni Satanas, “Ang isang bagay na ganyan kalaki ay di kailan man mangyayari rito.” Sa katunayan, iyan ay maaring totoo! Maaring di tayo kailan man magkakaroon ng isang pambansang muling pagkabuhay sa Amerika. Hindi ko sinasabi na di ka kailan man dapat manalangin para sa isang pambansang muling pagkabuhay, ngunit paki-usap sumentro sa lokal na simbahang ito! Sinabi ni propetang Zakarias, “Sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay?” (Zakarias 4:10). Sinabi ni Dr. McGee, “Hinahamak natin ang araw ng maliliit na bagay. Tayong mga Amerikano ay napaka namamangha sa malaki at marangya…sinusukat natin ang tagumpay ayon sa sukat ng gusali at ang mga masa na nagpupunta” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan III, Thomas Nelson Publishers, 1983, pah. 924; sulat sa Zakarias 4:10).

Kailan natin matututunan na ang Diyos ay di karaniwang kumikilos sa ganoong paraan? Iniligtas Niya ang buong sangkatauhan na mayroon lamang 8 na mga tao sa araw ni Noe. Walang “malalaking” pagpupulong – mga indibiwal lamang – sa ika labing isang kapitulo ng Hebreo. Sinabihan ng Diyos si Gideon na ipadala ang masa ng mga tao pauwi dahil kailangan lamang Niya ng 300 upang supilin ang mga Midyanites. Ang mga pangunahing mga muling pagkabuhay ng kasaysayan ay nagsimula sa sandakot na mga tao.

Sa kabilang dako, ang malalaking mga “muling pagkabuhay” na pagpupulong ay hindi nagbunga ng tunay na muling pagkabuhay sa ating panahon. Nabasa ko kung saan inamin ni Billy Graham na ang muling pagkabuhay ay di lumabas mula sa kanyang mga ebanghelistikong krusada. Tignan ang Explo ’72 – Kampus Krusada para kay Kristo ay nagpulong ng 200,000 na mga kabataan sa Dallas, Texas upang pakinggan si Billy Graham mangaral ng anim na mga gabi. Anong nagmula rito? Wala masyado. Isang taon ang lumipas nangaral si Gg. Graham sa higit sa isang milyong mga tao sa Seoul, Korea, noong Hunyo, 1973. Iyan ang pinaka malaking dami ng mga taong nakinig sa isang mangangaral na personal sa kasaysayan ng mundo sa panahong iyon. Anong nagmula mula rito? Wala masyado. Tiyak ako na mayroong kaunting mga naligtas sa Dallas at Seoul – ngunit walang muling pagkabuhay ang dumating mula roon sa mga malalaking pagpupulong na iyon.

Gayon man halos bawat pangunahing muling pagkabuhay ay nagsisimula sa kaunting mga tao. Sa Northampton Massachusetts, sa simbahan ni Jonathan Edwards, kaunting daang mga tao ay naroon noong ang Unang Dakilang Pagkagising ay nagsimula roon, na nagbago sa buong mundo ng mga nagsasalita ng Ingles. Noong Bagong Taon noong 1738 pitong mga nagtapos ng Oxford at mga anim na pung iba ay nagpulong para sa panalangin sa isang silid sa London. Ang malawakang pagpapawak ng Unang Dakilang Pagkagising ay nagmula rito. Noong taong 1806 limang mga kolehiyanong mag-aaral ay nanalangin sa ilalim ng tambak ng dayami, at ang malawakang misyonaryong kilusan mula sa Amerika ay nagsimula, isa sa mga pinaka dakilang muling pagkabuhay sa lahat ng panahon. Noong 1727 mga 400 na mga tao ay nagpulong para manalangin sa lupain ni Kontes Nicholas von Zinzendorf sa ano ngayon ay Republika ng Czech. Isang muling pagkabuhay ang nagsimula na nagpadala ng libo-libong mga misyonaryo sa mga kaduluhan ng lupa. Gayon din mula rito sa Morabiyanong pagpupulong ng panalangin na ito, si John at Charles Wesley ay naligtas. Gayon ang malaking Metodistang muling pagkabuhay, gayon din ang Salvation Army, ay lumabas mula sa pagpupulong ng panalanging ito ng 400 na mga tao sa Czechoslovakia! Noong ika-23 ng Setyembre, 1857 anim na mga kalalakihan ay nanalangin ng isang oras sabay-sabay sa Hilagang Olandes na Simbahan, sa Kalye Fulton sa Lungsod ng New York. Sumang-ayon silang manalanging sabay-sabay ng isang oras kada Miyerkules ng isang oras. Ang Pangatlong Dakilang Pagkagising ay nagsimula, at libo-libong ay napagbagong loob sa buong mundo. Ang Muling Pakgbuhay ng Kalye ng Fulton sa New York ay tumulong magpukaw sa pangangasiwa ni C. H. Spurgeon sa London, Inglatera, tatlong libong milya ang layo!

Nagbabasa ako tungkol sa muling pagkabuhay ng maraming taon. Hindi ko matandaan ang isang nagsimula sa isang malaking ebanghelistikong pagpupulong pagkatapos ng Unang Dakilang Pagigising. Wala ni isa! Tandaan na mayroon lamang 120 na mga taong nananalangin sa itaas na silid noong ang Espiritu ng Diyos ay bumuhos sa Araw ng Pentekostes! Ang Kristiyanismo ay kumalat mula sa maliit na pagpupulong na iyon sa pinaka dulo ng lupa!

Ipinangangaral namin ang Ebanghelyo rito kada Linggo. Sinasabi namin sa mga nawawalang mga tao na namatay si Hesus sa Krus upang magbayad para sa kanilang mga kasalanan. Sinasabi namin na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan sila ng walang hanggang buhay. Ngunit ang mga katunayan na iyon ay dapat gawing totoo sa kanila sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Dapat Niya silang hatulan ng kasalanan. Dapat Niya silang dalhin kay Kristo upang ang kanilang mga kasalanan ay malinisan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Ninanais ko manalangin ka para sa Diyos na ibuhos ang Kanyang Espiritu sa ating simbahan sa isang tunay na muling pagkabuhay! Ninanais ko na manalangin ka para sa isang muling pagkabuhay tuwing ika’y manalangin. Manalangin para sa isang pagbubuhos ng Banal na Espiritu upang gawin ang gawaing ito sa mga puso ng mga makasalanan. O Diyos, nananalangin kami para isang pagbubuhos ng Iyong Espiritu upang manghatol ng mga nawawalang mga tao ng kasalanan, at dalhin sila sa Iyong Anak. Panalangin namin ito sa Kanyang pangalan. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme:
“Hingahan Ako.” Isinalin mula sa “Breathe on Me”
(ni Edwin Hatch, 1835-1889; binago ni B. B. McKinney, 1886-1952).