Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BAKIT WALANG MULING PAGKABUHAY?
ANG TUNAY NA KASAGUTAN!

(PANGARAL BILANG 10 SA MULING PAGKABUHAY)

WHY NO REVIVAL? THE TRUE ANSWER!
(SERMON NUMBER 10 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-5 ng Oktubre taon 2014

“Siya'y umurong sa kanila” (Hosea 5:6).

“Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha...” (Hosea 5:15).


Ang tema ng ika-limang kapitulo ng Hosea ay ang umurong na presensya ng Diyos – gaya ng pagkabigay sa Scofield na Bibliyang paglalarawan sa simula ng kapitulo. Ang Diyos ay tumalikod mula sa Israel dahil sa kanilang pagmamataas at dahil sa kanilang kasalanan.

Alam ko na ang Diyos ay walang tipan sa Amerika. Mayroon Siyang makalupaing tipan sa Israel, ngunit wala sa ibang kahit anong bansa. Ngunit pansinin sa ating teksto, na sinabi ng Diyos na Siya’y uurong papalayo mula sa Kanyang tinipang mga tao dahil sa kanilang pagmamataas at kanilang kasalanan. Kung pababayan Niya ang Kanyang tinipang mga taong Israel, pag-isipan kung gaanong mas higit na maari na iiwanan Niya ang Amerika, at ang Kanlurang mundo! Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,

Ito’y aking kumbiksyon na ang Estados Unidos ngayon ay nararamdaman ang mga epekto ng paghahatol ng Diyos sa atin… Nararamdaman natin ang mga epekto ng Kanyang paghahatol sa atin, gaya ng naramdaman ng Israel (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D. Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan III, Thomas Nelson Publishers, 1982, pah. 633; sulat sa Hosea 5:2).

Ngayon tayo’y magpupunta sa ating teksto,

“Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha...” (Hosea 5:15).

Dito sinasabi ng Diyos sa makasalanang bansa na Kanyang paparusahan ito sa pamamagitan ng pag-uurong mula sa kanila, “Ako’y yayaon [mula sa inyo] at babalik sa aking dako…” Ang dakilang Puritanong kumentador na si Jeremiah Burroughs (1600-1646) ay nagbigay nga mga kumentong ito sa ating teksto,

‘Ako’y yayaon at babalik sa aking dako,’ iyan ay babalik Ako sa Langit muli… Kapag akin silang napahirap Ako’y magpupunta sa Langit at doon ako’y uupo…na para bang hindi ko sila napagmamasdan (Iisinalin mula kay Jeremiah Burroughs, Isang Pagpapaliwanag ng Propesiya ng Hosea [An Exposition of the Prophecy of Hosea], Reformation Heritage Books, 2006, pah. 305; sulat sa Hosea 5:15).

Tiyak ako na iyan ang dahilan na wala tayong malaking muling pagkabuhay sa Kanlurang mundo ng lampas ng 100 taon. Umurong ang Diyos mula sa atin. Sinabi ng Diyos, “Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala…” Maari kang di sumang-ayon, sasabihin ko na ako’y isa lamang misyonaryo, hindi nararapat ng iyong atensyon. Kung gayon, maririnig ninyo ang dakilang mangangaral na si, Dr. Martyn Lloyd-Jones? Ito ang sinabi niya,

Alam ng Diyos na ang Kristiyanong Simbahan ay nasa kagubatan ng maraming mahabang taon. Kung babasahin ang kasaysayan ng Simbahan bago ng mga taon 1830 o 1840, matatagpuan mo na maraming mga bansa noon ay mayroong mga regular na mga muling pagkabuhay halos bawat sampung taon na mahigit. Ito’y ganito noon. Mayroong lamang isang pangunahing muling pagkabuhay simula noong 1859. O, tayo’y nasa loob ng tigang na panahon…nawala ng mga tao ang kanilang paniniwala sa nabubuhay na Diyos sa pagbabayad at sa muling pagkakasundo at tumingin sa karunungan, pilosopiya at pagkakaalam. Nadaanan natin ang isa sa pinaka tigang na mga panahon sa mahabang kasaysayan ng Simbahan…Tayo ay nasa kagubatan pa rin. Huwag maniwala sa kahit anong nagmumungkahi na tayo ay wala na sa loob nito, tayo ay naroon pa rin (Isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], 1987, Crossway Books, pah. 129).

Ayan nakuha mo ito, hindi mula sa isang maliit na misyonaryo tulad ko, kundi mula sa isang tanyag na eskolar, isa sa dalawa sa tatlong pinaka dakilang mangangaral ng ika-dalawampung siglo! Iniurong ng Diyos ang Kanyang sarili, at kung gayon, “Wala ni isang malaking muling pagkabuhay simula taon 1859,” kahit na, “bago ng mga taong 1830 o 1840…mayroong dating regular na mga muling pagkabuhay halos kada sampung taon” (isinalin mula sa ibid.).

Kung tayo ay tunay na interesado sa muling pagkabuhay dapat tayong bumalik at suriing mabuti kung anong nangyari sa pagitan ng 1830 at 1840. Bago niyan ang ating mga simbahan ay nagkaroon ng muling pagkabuhay halos kada sampung taon. Pagkatapos niyan – isa lamang malaking muling pagkabuhay simula noong 1859! Kaya mayroong nangyari sa pagitan ng 1830 at 1840 na nagsanhi sa Diyos na “[iurong ang kanyang sarili]” (Hosea 5:6) at “bumalik sa [Kanyang sariling] lugar” (Hosea 5:15).

Kung alam mo ang kasaysayan ng ebanghelikal na Kristiyanismo, ito’y dapat malinaw kung anong nangyari! Charles G. Finney! Siya ang nangyari! Ang mananalaysay na si Dr. William G. McLoughlin, Jr. ay nagsulat,

Nagsimula siya ng isang bagong panahon sa Amerikanong revivalismo…binago niya ang buong pilosopiya at proseso ng ebanghelismo (Isinalin mula kay William G. McLoughlin, Jr., Ph.D., Makabagong Revivalismo: Charles G. Finney kay Billy Graham [Modern Revivalism: Charles G. Finney to Billy Graham], The Ronald Press, 1959, pah. 11).

Bago ni Finney, ang mga mangangaral ay naniwala na ang muling pagkabuhay ay nanggaling mula sa Diyos, at bawat indibiwal na pagbabagong loob ay isang himala mula sa Diyos din. Noong taong 1735 tinawag ni Jonathan Edwards ang muling pagkabuhay na isang “nakagugulat na gawain ng Diyos.” Pagdating ng 1835 sinasabi ni Finney na ang muling pagkabuhay “Ay hindi isang himala sa kahit anong pag-iisip. Ito’y likas na pilosopikal na bunga ng tamang gamit ng binuong pamamaraan.” Iyan ay, “Ang muling pagkabuhay ay hindi isang himala. Ito ay isa lamang natural na resulta ng paggamit ng tamang pamamaraan.” Iyan ang sinabi niya sa makabagong Ingles.

Ang pagkakaiba sa pagitan ni Jonathan Edwards at Finney ay si Edwards ay isang Protestante, habang si Finney ay isang eretiko, isang Pelagianista na naniniwala na ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng kanyang sariling gawain, kaysa sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ng Diyos lamang. Hindi tamang sabihin na si Finney ay isang Arminian tulad ng mga Metodista. Ang paniniwala ni Finney ay iba mula sa Arminianismo ng mas maagang Metodista. Ang mga paniniwala ni Finney ay malayong iba mula sa Arminiasimo ng mas maagang Metodista. Isa sa pinaka tanyag na pangaral ni Finney ay pinamagatang, “Mga Makasalanang Nakatadhanang Baguhin ang Kanilang Sariling mga Puso” (1831). Ang Diyos ay naitulak papalabas, at ang tao, sa kanyang gawain, ay makapagbubunga ng kanyang sariling pababagong loob sa pamamagitan ng isang makataong desisyon. Ang mga Metodista, bago ni Finney, ay hindi iyan pinaniwalaan. Ipinakita ni Iain H. Murray na kapani-paniwala na ang mga ideya ni Finney ay nanggaling mula sa mga Bagong Inglaterang mga liberal tulad ni Nathaniel Taylor, hindi mula sa maagang mga Metodista (Isinalin mula kay Iain H. Murray, Muling Pagkabuhay at Revivalismo [Revival and Revivalism], Banner of Truth, 2009 edisiyon, mga pah. 259-261). Hindi kailan man sasabihin ng mga Metodista, “Mga Makasalanang Nakatadhanang Baguhin ang Kanilang Sariling Puso”! Sa kanyang Kasaysayan ng Wesleyang Metodismo [History of Wesleyan Methodism], ibinigay ni George Smith ang mga sumusunod na mga kahulugan ng muling pagkabuhay,

Ang muling pagkabuhay gayon ay isang gawain ng biyaya na epekto ng Espiritu ng Diyos sa mga kaluluwa ng tao; at sa kalikasan nito, ay nag-iiba lamang mula sa karaniwang operasyon ng Banal na Espiritu, sa nakapagpapaliwanag at pagbabagong loob ng tao, sa pamamagitan ng mas malawak nitong pagkakalat at mas matinding kasidhian (Isinalin mula kay George Smith, Muling Pagkabuhay [Revival] kabuuan 2, 1858, pah. 617).

Ito’y isang mas maagang Metodistang kahulugan ng muling pagkabuhay at pagbabagong loob. Maaring ibinigay ito ng kahit sinong Protestante o Bautistang denominasyon bago ang huwad na kahulugan ni Finney ay naging popluar at piniga ang Diyos papalabas ng larawan. Pagkatapos ni Finney, hindi nila alam na sila’y “aba at maralita at dukha at bulag at hubad” (Apocalipsis 3:17). Pagkatapos ni Finney, hindi pa nga nila alam na “[inuring]” ng Diyos ang kanyang sarili at bumalik sa “[kanyang] dako.”

Ang pagsisipi mula kay George Smith ay nagpapkita na ang mas maagang mga Metodista ay naniwala na ang mga indibidwal na mga pagbabagong loob at muling pagkabuhay ay parehong nakasalalay lamang sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng mga Protestante at Bautista bago sinira ni Finney ang ebanghelismo. Ang mas matandang pananaw ng dakilang mga denominasyon ay malayong mas iba mula sa Pelagianistang pananaw, na ipinahiwatig sa pamagat ng kanyang pinaka tanyag na pangaral, “Mga Makasalanang Nakatadhanang Baguhin ang Kanialang Sariling mga Puso.” Paano mo gagawin iyan? Sinubukan ko ng pitong taon! Hindi ito magagawa. Alam ko sa pamamagitan ng karanasan!

Si Finney ang taong nagpakilala ng pagtawag sa altar, nagsasabi sa mga nawawalang mga makasalanan na kaya nilang gumawa ng isang desisyon at maging ligtas “doon agad-agad” sa pamamagitan ng paggawa ng sarili nilang kagustuhan. Gaya ng sinabi ni Dr. McLoughlin, “binago [ni Finney] ang buong pilosopiya at proseso ng ebanghelismo” (isinalin ibid.). Ngayon, karamihan sa mga sangay ng ebanghelismo ay nagtuturo na ang mga nawawalang mga makasalanan ay maaring maligtas sa pamamagitan ng makataong gawain ng paghuhugas ng kanilang mga kamay, nagsasabi ng mga salita ng isang “panalangin ng makasalanan,” o sa paglalakad sa harapan ng simbahan sa anong tinatawag na, “oras ng desisyon.” Gayon ang “desisyonismo” ay isang direktang produkto ng mga pagtuturo ng Pelagianong eretikong si Charles G. Finney!

Ang desisyonismo ay madaling naging popular dahil ito’y “higit na mas mabilis at mas madali.” Hindi mo na kailangang mag-antay para sa Banal na Espiritu upang magkumbinsi ng mga nawawalang mga tao ng kanilang kasalanan, at tapos dalhin sila kay Kristo. Binago ni Finney ang ebanghelismo sa isang linya ng pagpupulong upang maramihang magbunga ng bagong mga “Kristiyano.” Ngynit ang maramihang “produkto” ay karamihang hindi Kristiyano sa anumang paraan! Iyan ang sumira sa dakilang Protestante at Bautistang mga denominasyon! Bawat isa sa mga “liberal” ay gumawa ng desisyon na hindi naliligtas! Diyan nagmula ang Protestanteng liberalismo!

Sinabi ni Iain H. Murray, “Ang kaisipan na ang pagbabagong loob ay gawain ng tao ay naging laganap sa [isang bahagi ng] ebanghelikalismo at, habang nalimutan ng tao na ang rehenerasyon ay gawain ng Diyos, kaya ang paniniwala ay nasa muling pagkabuhay bilang gawain ng Espirito ng Diyos ay nawala. [Ito’y] isang direktang produkto ng teyolohiya ni Finney” (Isinalin mula sa Muling Pagkabuhay at Revivalismo [Revival and Revivalism] Banner of Truth, 1994, mga pah. 412-13).

Ang “mas mabili at mas madali” ay hindi binasbasan ng Diyos. Imbes ay, pinuno nito ang ating Protestante at Bautistang mga simbahan ng nawawalang mga tao. Ngayon mayroong napaka raming mga nawawlaang mga tao sa ating Bautistang mga simbahan na marami sa ating mga mangangaral ay nararamdaman na dapat nilang isara ang kanilang panggabing mga paglilingkod.

Tinanong ko ang asawa ng isang pastor kung bakit isinara ng kanyang asawa ang panggabing paglilingkod. Sinabi niya, “Sinabi nila sa kanya na hindi sila magpupunta.” Isa lamang ito sa mga trahedyang resulta ng paggagawa sa mga di ligtas na mga taong maging miyembro ng ating mga simbahan simple dahil gumawa sila ng isang makataong “desisyon.” Naway patawarin tayo ng Diyos! Na wala ang mas matandang, Biblikal na anyo ng pagbabagong loob, tayo ay tiyak na mapahamak! Hindi natin maligtas ang ating sarili. Ang Diyos lamang ang makapagpapadala ng muling pagkabuhay. Tinanggihan ng desisyonismo ang Diyos at inilagay ang tao sa trono. At sinabi ng Diyos,

“Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha...” (Hosea 5:15).

Iyan ang tunay na dahilan na wala tayong malaking muling pagkabuhay sa Amerika o sa Reyno Unido sa loob ng isang daang taon!

Ang mga makasalanan ay dapat mapakumbaba sa harap ng Diyos. Ang desisyonismo ay di nagpapakumbaba sa kahit sino. Ang makasalanan ay nagpupunta sa “harap” na para bang isang galante, at matapang na gawain. Wala tayong nakikita mga luha, o pagdurusa, walang pagsisisi, walang kumbiksyon ng kasalanan. Nakita ko at ng aking asawa ang isang pulong ng mga taong nagsisitawa at masayang nag-uusap habang sila’y nagpunta sa “harap” sa huling krusada ni Billy Graham sa Pasadena, California, noong Nobyembre, 2004. Napaka iba nito mula sa lumang mga araw ng muling pagkabuhay, bago ni Finney. Makinig sa paglalarawan ng isang Metodistang pagpupulong noong 1814.

Sa sunod na gabi, sa isa pang panalanging pagpupulong, marami pa ang nasako sa kumbiksyon ng kasalanan, at pagkatapos ng higt na pagdurusa ng kaluluwa at [mahabang] pananalangin kanilang hinanap at nakahanap ng kublihan kay Kristo…Ang mga kalalakihan at mga kababaihan at mga kabataan na nabuhay ng masasamang buhay ay nadala sa ilalim ng matinding pagkabalisa ng kaluluwa [at tapos] nagsimulang tumestigo ng mayroong matinding kasiguraduhan na binisita sila ng Diyos at binigyan sila ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng mga kahalagahan ni Hesu Kristo (Isinalin mula kay Paul G. Cook, Apoy Mula sa Langit [Fire From Heaven], EP Books, 2009, pah. 79).

Ikaw ba’y kailan man “nasupil ng kumbiksyon ng kasalanan”? Ikaw ba’y kailan man nasa “higit na pagdurusa ng kaluluwa” at tapos “nakahanap ng kublihan kay Kristo”? Sinabi ni Rev. Brian H. Edwards,

Nagsisimula ito na may teribleng kumbiksyon ng kasalanan…mga tao ay nagsisiluhang walang pagpipigil..Ngunit walang ganoong bagay gaya ng isang muling pagkabuhay na walang mga luha ng kumbiksyon at pagdurusa…Walang muling pagkabuhay na walang malalim, di komportable at nakapagkukumbabang kumbiksyon ng kasalanan…Isang saksi [sa 1906 na muling pagkabuhay sa Tsina] ay nag-ulat: “Ang lupa sa paligid ko ay tulad ng isang larangan ng digmaan na may mga kaluluwang nagsisisigaw para sa awa” (Isinalin mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay: Mga Taong Puspos sa Diyos [Revival: A People Saturated With God], Evangelical Press, 1991 edisiyon, pah. 115, 116).

Ang ilan sa inyo ay nagsusubok na “matutunan” kung paano maging ligtas. Ang kaligtasan ay hindi maaring matutunan! Ito’y dapat maranasan, at dapat maramdaman, ito’y dapat mangyari sa iyo upang malaman mo ito. Ngayon alam mo ang tungkol rito, ngunit dapat mong maramdaman ang kaligtasan para sa iyong sarili. At ang unang pakiramdam na dapat kang magkaroon ay malalim na kumbiksyon na ika’y isang makasalanan. Dapat kang magawang sumigaw,

“Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).

Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones ito ay isang sigaw ng isang nahatulang makasalanan – at sumasang-ayon ako sa kanya! Nakita ko itong mangyari sa aking sariling mga mata noong ipinadala ng Diyos ang Kanyang espiritu sa muling pagkabuhay.

Sa muling pagkabuhay sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan noong huling mga taong 1960, ipinakanta kami ni Dr. Timothy Lin ng paulit-ulit,

“Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
At alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.”
      (Mga Awit 139:23, 24, pinahaba).

Tumayo at kantahin ito. Ito’y bilang 8 sa inyong kantahang papel. Kapag lamang ika’y nahatulan ng malalim na kasalanan ng iyong isipan at puso na nag nakapaglilinis na Dugo ni Kristo ay mararamdaman mong mahalaga sa iyo! Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Hosea 5:6-15.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“O Para sa isang Mas Malapit na Paglalakad Kasama ng Diyos.”
Isinalin mula sa “O For a Closer Walk With God”
(ni William Cowper, 1731-1800).