Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANGUNAHING MGA KATANGIAN NG TUNAY NG MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 9 SA MULING PAGKABUHAY)

THE MAIN FEATURES OF TRUE REVIVAL
(SERMON NUMBER 9 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-28 ng Setyembre taon 2014


Si Pedro ay tumayo sa Araw ng Pentekostes at sumipi mula sa Aklat ni Joel,

“At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula... Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu; at magsisipanghula sila” (Mga Gawa 2:17, 18).

Nagbubuhos ang Diyos “mula” sa Kanyang Espirit sa mga panahon ng muling pagkabuhay. Sinasabi niya, “sa mga araw na yaon [magbubuhos ako mula sa] aking Espiritu” [KJV]. Nakapagtataka na karamihan sa mga makabagong pagsasalin ay inaalis ang salitang “mula sa.” Ito’y tiyak na naroon sa Griyegong teksto. Ito’y apó sa Griyego. Mayroon nito ang Lumang Geneva na Bibliya, “na mula sa aking Espiritu.” Ang Haring Santiago ay mayroong nitong, “na mula sa aking Espirut.” Nugnit ang NASV lamang at ang NKJV ay mayroong nito sa makabagong pagsasalin. Kaya hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga ito. Iyan ang dahilan na sinasabi ko sa iyo na kunin ang Haring Santiagong Bibliya. Maari mo itong pagkatiwalaan! Ang mga lumang tagapagsaling iyon ay hindi nag-iwan ng mga salita o nagbigay ng mga katawagang “dinamikang katumbas.” “Sa mga araw na yaon [magbubuhos ako mula sa] aking Espiritu.” Sinasabi ng mga liberal, “Iyan ay Septuagint.” Sinasabi ko, iyay walang kabuluhan! Iyan ang inilagay ng Espiritu ng Diyos sa pahina sa Griyegong Bagong Tipan – at hindi Siya nagsisinungaling! Kapag ang Espiritu ng Diyos ay isinisipi ang Septuagint, ang pinaka Griyegong mga salita ay “hinihinga palabas” sa pamamagitan ng inspirasyon sa Bagong Tipan. “[Mula sa] aking Espiritu.” Bakit iyan mahalaga? Sasabihin ko sa iyo kung bakit. Hindi ibinubuhos ng Diyos ang lahat ng Kanyang Espiritu. Nagpapadala Siya ng kasing dami ng kinakailangan natin! Noong 1882 sinabi ni George Smeaton, “Mayroong isang tabing ng kabuluhan na hindi dapat mawala sa mga salita ng ‘[mula] sa aking Espiritu’ (apó) na nagbubukod sa pagitan ng sukat [na ibinigay] sa tao at ang [walang hangganang] kabuuan ng pinanggalingan ng bukal” (Isinalin mula kay George Smeaton, Ang Doktrina ng Banal na Espiritu [The Doctrine of the Holy Spirit], 1882; isinalin mula sa inilimbag muli ng Banner of Truth, 1974; pah. 28). Ang mga apostolikong mga simbahan ay tumanggap ng mga paulit-ulit na pagbubuhos ng Espiritu dahil laging mayroong higit pang maibibigay! Patungkol sa “apó” (mula sa), sinabi ni Dr. A. T. Robertson, “Ang Espiritu sa kanyang pakabuo ay nananatili sa Diyos” (Salitang Larawan sa Bagong Tipan Isinalin mula sa [Word Pictures in the New Testament], kabuuan 3, Broadman Press, 1930, pah. 26; sulat sa Mga Gawa 2:17).

Ako’y di pangkaraniwang nabiyayaan bilang isang saksi sa tatlong ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay. Lubos akong sumasang-ayon kay Iain H. Murray na nagsabing, “Mga saksai sa mga muling pagkabuhay ay walang pagbabagong tumutukoy sa isang bagay na ibinibigay wala roon noon” (Isinalin mula kay Iain H. Murray, Ang Pentekostes Ngayon? Ang mga Biblikal na mga Basehan para sa Pag-iintindi ng Muling Pagkabuhay [Pentecost Today? The Biblical Basis for Understanding Revival], The Banner of Truth Trust, 1998, pah. 22). Sinabi ng isang saksi sa 1859 na muling pagkabuhay sa Ulster, Hilagang Ireland ay nagsabing, “Naramdaman ng mga tao na para bang hiningahan sila ng Panginoon. Una sila’y naapektuhan sa pagkahanga at takot – tapos sila’y napaliguan ng luha – tapos napuno ng pag-ibig na di mapaliwanag” (Isinalin mula kay William Gibson, Ang Taon ng Biyaya, isang Kasaysayan ng Muling Pagkabuhay ng Ulster ng taon 1859 [The Year of Grace, a History of the Ulster Revival of 1859], Elliott, 1860, pah. 432). Noong Pebrero 29, 1860 sinabi ni Rev. D. C. Jones, “Kami’y binisita ng isang mas malaking sukat ng impluwensya ng Espiritu kaysa sa karaniwan. Ito’y dumating ‘tulad ng isang sumusugod na makapangyarihang hangin,’ at…noong kaunting inaasahan ng mga simbahan it” (Isinalin mula kay Murray, ibid., pah. 25). Ganyang dumating ang muling pagkabuhay ang una at ang pangatlong beses na nakita ko ito. Ang Banal na Espiritu ay dumating na napaka biglaan at napaka di inaasahan na hindi ko ito kailan man malilimutan habang ako’y nabubuhay!

Ngayon, sa tunay na muling pagkabuhay, maaring mayroong mga partikular na mga kaganapan na nagaganap sa paligid, hindi sentral na kaganapan. Ang mga ito’y mga kaganapan na nangyayari sa ilang mga muling pagkabuhay, ngunit hindi ang pangunahing katangian ng bawat muling pagkabuhya. Magbabanggit ako ng ilan sa mga ito. Ang mga punto ay nahango mula sa iba’t ibang mga lugar sa aklat ni Dr. Martyn Lloyd-Jones na, Muling Pagkabuhay [Revival] (Crossway Books, 1987) at mula sa aking sariling karanasan at mga obserbasyon ng mga muling pagkabuhay na nakita ko.

1. Mga dila. Sa unang muling pagkabuhay, sa Pentekostes, tayo ay sinabihan na sila’y “nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain” (Mga Gawa 2:4). Marami sa ating mga Pentekostal na mga kaibigan ay nag-akala na ito ang sentral na tampok, na bawat muling pagkabuhay ay dapat magkaroon nito. Ngunit mayroong dalawang pangunahing dahilan upang tanggihan ang pahayag na iyan: (1) ang “mga dila” ng Mga Gawa 2 ay hindi kalugod-lugod na pananalita. Ang mga ito ay aktwal na mga banyagang mga wika. Ito’y napaka linaw sa Mga Gawa 2:6-11. “Narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika” (Mga Gawa 2:6). “At bakit nga naririnig ng bawa't isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan?” (Mga Gawa 2:8). Tapos isang mahabang listahan ng mga pangkat ng mga wika ay nalista, nagtatapos sa mga salitang, “nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios” (Mga Gawa 2:11). Ito’y kung gayon malinaw na hindi sila nagsalita sa malugod na pananalita, gaya ng ginagawa ng mga makabagong Pentekostal at mga Karismatiko. Alamo ko na sumasango sila sa ibang mga Kasulatan para sa kagawiang ito. Hindi ko iyan tatalakayin dito. Simpleng sinasabi ko na iyong nasa Pentekostes ay nagsalita sa banyagang mga wika, “ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain” (2:4). Wala akong duda na ito’y isang himala. Ngunit hindi ito isang sentral na bahagi ng muling pagkabuhay, dahil ang ibang mga muling pagkabuhay ay na inuulat sa Mga Gawa na ito ay di nangyari. (2) Malugod na pananalita ay di nagpakita sa Protestanteng muling pagkbuhay bago nagsimula ang mga pekeng mga muling nong ika-20 na siglo, hindi pati sa mga kalabisan ni Finney. Paki-usap huwag kayong tumigil sa pakikinig. Maaring mahanap mo na sumasang-ayon ka rito kung marinig mo ang natitira sa sasabihin ko. Ang mga pekeng muling pagkabuhay ay nagsasama ng lahat ng mga anyo ng “desisiyonismo,” hindi lamang ang Pentekostalismo at Karismatikong kilusan, alin ay bahagi lamang ng huwad ng mga “muling pagkabuhay” ng ating panahon. Ang mga pekeng mga muling pakabuhay sa makabagong panahon ay nag-uugat sa “desisyonismo” sa iba’t ibang anyo nito. Gayon din, alam kung lubos na ang ilang mga Penteksotal at mga Karismatiko ay ligtas. Ngunit ang mga dila ay di kailan man bahagi ng Protestanteng muling pagkabuhay ng kasaysayan bago ng ika-dalawam pung siglo, gaya ng pag-amin ng mga Pentekostal na mga eskolar.

2. “Mga dilang kawangis ng apoy” (2:3). Iyon ay isang pagkakataong pangyayari. Hindi ito nagpapakita sa ibang mga muling pagkbuhay na iniulat sa Mga Aklat ng Mga Gawa, o sa Kristiyanong kasaysayan.

3. Mga demonyong nagsisigaw habang sila’y naglabasan mula doon sa mga nasapian (Mga Gawa 8:7) at doble dobleng mga paggagaling (8:7). Ni isa sa mga katangiang ito ay nagpakita sa muling pagkbuhay sa Pentekostes! Kaya, muli, hindi ito isang sentral na katangian ng muling pagkabuhay. Hindi ito iniulat sa maraming ibang mga muling pagkbuhay sa Mga Aklat ng Mga Gawa. Alam ko na ang “nagtatawanang muling pagkbuhay” (ang katawagan) ay ginagawa ang mga bagay na itong sentral, ngunit ang mga ito’y mali. Daan daan sa mga muling pagkabuhay ay nagpakita sa Kristiyanong kasaysayan kung saan ang mga kaganapang ito ay di naganap – at gayon din sa maraming mga muling pakabuhay sa Mga Aklat ng Mga Gawa mismo.

4. Ang mga Apostol ay inilagay sa bilangguan pagkatapos mangaral sa matinding muling pagkabuhay na iniulat sa Mga Gawa 4:1-4. Ngunit ang pagkabilanggo ay di kasama ng lahat ng muling pagkabuhay na iniulat sa Aklat ng Mga Gawa. Minsan ito’y nangyari sa Kristiyanong kasaysayan, ngunit hindi lagi. Kaya, mahihinuha natin na ang pagkabilanggo ng mga mangangaral ay hindi ang sentral na katangian ng muling pagkabuhay.

5. Ang pagyanig ng bahay sa Mga Gawa 4:31. Alam ko na ito rin ay nangyari sa simula ng muling pagkabuhay sa maliit na pulo ng Lewis, kung saan nangaral ang si Duncan Campbell sa huling mga taon ng 1940. Ngunit hindi ito nangyari kung saan pa man sa Mga Aklat ng Mga Gawa, at hindi madalas iniulat sa kasaysayan ng muling pagkabuhay. Kung gayon mahihinuha natin na ang pagyayanig ng isang bahay ay hindi ang sentral na katangian ng muling pagkabuhay.

6. Ang pagsusunog ng aklat sa Ephesus sa Mga Gawa 19:19, 20. Oo, at Ephesus, sa loob ng isang muling pagkabuhay roon, ang mga tao ay nagdala ng mga aklat ng salamangka at sinunog ang mga ito, “Sa gayo'y lumagong totoo ang salita ng Panginoon at nanaig” (19:20). Nakita ko itong nangyari sa isang muling pagkabuhay sa isang pundamental na Bautistang simbahan sa Virginia. Ngunit hindi sila nagsunog ng mga aklat sa loob ng muling pagkabuhay na nakita ko sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan. Hindi ito nangyari sa loob ng ibang mga muling pagkabuhay na iniulat sa Mga Aklat ng Mga Gawa. Kaya, mahihinuha ko na iyan rin ay kaganapan sa gilid, hindi isang sentral na katangian ng muling pagkabuhay.

7. Bukas na pangungumpisal ng mga kasalanan. Oo, ang mga tao ay nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan sa publiko sa ilang mga muling pagkabuhay. Iyan ay nangyari minsan – sa 1904 na muling pagkabuhay sa Wales, sa Kolehiyo ng Asbury sa Kentucky sa mga taon ng 1960, sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan, at sa iba pang lugar. Ngunit hindi nila iyan ginawa sa Araw ng Pentekostes, o sa Unang Dakilang Pagkagising, o sa maraming ibang mga muling pagkabuhay. Kaya, dapat nating mahinuha ang bukas na pangungumpisal ng mga kasalanan, sa harap ng kongregasyon, ay sa gilid, hindi sentral na katangian ng muling pagkabuhay.

8. Ang pagsisigaw at pagbabagsak sa lupa. Oo, iyan ay nangyari ng ilang beses sa loob ng isang muling pagkabuhay sa Northampton, sa simbahan ni Jonathan Edwards, at sa ilang mga pagpupulong na isinagawa ni Dr. Asahel Netteleton sa Pangalawang Dakilang Paggising. Ngunit hindi ito karaniwang nangyari sa ilalim ng pangangasiwa ni George Whitefield, kahit na ito’y nangyari sa ilang mga pagpupulong kung saan siya’y nangaral sa dakilang muling pagkabuhay sa Cambuslang Scotland., Ito’y hindi isang katangian ng Pangatlong Dakilang Paggising sa ilalim ni C. H. Spurgeon sa London. Hindi ito nangyari sa Pentekostes ayon sa hangganan ng masasabi ko mula sa Bibliya. Kaya, ang pagsisigaw at pagbabagsak sa lupa ay hindi isang sentral na katangian ng muling pagkabuhay. Maari itong mangyari, ngunit hindi ito kailangang mangyari sa isang muling pagkabuhay. At mga taong “pinapatay sa Espiritu” kapag sila’y nahawakan sa noo ng isang ebanghelista ay di nangyari sa mga muling pagkabuhay na aking nakita, o sa karamihan sa mga karamihan ng muling pagkabuhay sa kasaysayan (tignana ang kapitulo anim ng aklat ni Iain H. Murray, Ang Pentekostes Ngayo? Ang Biblikal na Basehan Para sa Pag-iintindi ng Muling Pagkabuhay [Pentecost Today? The Biblical Basis for Understanding Revival, Banner of Truth, 1998, mga pah. 134-169).


Hindi ko sinasabi na ang mga bagay na ito ay di kailan man nangyari, ngunit tiyak na ang mga ito ay hindi sentral, hindi totoo sa bawat muling pagkabuhay sa mga siglo. Kung hahanapin natin ang mga bagay na ito, madalas nating mahanap na tayo ay naloko, ng panatisismo o ng Diablo mismo! Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Hindi ka dapat magpuri sa primero at sentral na mga posisyong mga bagay na nabibilang sa gilid” (Muling Pagkabuhay, [Revival], Crossway Books, 1987, pah. 60). Isa sa mga pinaka pangit na mga pagpupulong na aking pinuntahan ay ang tinawag na “Nagtatawanang Muling Pagkabuhay” na nagsamasama sa Florida, kung saan pagtatawa ay naisip na sentral na katangian ng muling pagkabuhay! Nakita ko at ni Dr. Arthur B. Houk ang isa pang teribleng kabuktutan ng “muling pagkabuhay” isang gabi sa Pasadena, California, kung saan ang mga tao ay nagsisi-ungol tulad ng mga leyon at nagsisisigaw tulad ng mga unggoy! Hindi pa nga ako sigurado kung bakit naisip nila na natulungan sila nito! Ito’y mukhang wala kundi isang malaking isterismo ng pinaka mababang ayos! Nasaan si Kristo sa lahat ng iyan?

9. Hindi mo “magagawang” bumaba ang muling pagkabuhay. Ito’y nanggagaling sa “desisyonismo.” Kahit ang pag-aayuno at pananalangin ay hindi makapaninigurado ng muling pagkabuhay. Ang pagtuturo na ang muling pagkabuhay ay nakasalalay sa gawain ng mga Kristiyano ay mula kay Charles G. Finney (1792-1875). Gumawa ito ng matinding pinsala dahil ginawa nito ang mga taong mag-isip na ang muling pagkabuhay ay nakasalalay sa kanila imbes na sa Diyos. Ang Diyos laman ang nagpapasya kung kailan Niya ipapadala ang muling pagkabuhay. Maari at dapat tayong manalangin para sa muling pagkabuhay. Ngunit ang Diyos lamang ang makapagpapasya kung kailan Siya magpapadala ng muling pagkabuhay. Wala sa magagawa natin ang makapapangako ng isang muling pagkabuhay. Ito’y buong-buong nasa kamay ng Diyos. “Ang kapangyarihan ay ukol sa Dios,” Mga Awit 62:11 (Isinalin, tignan ang Iain H. Murray, Ang Pentekostes Ngayon? [Pentecost Today?], The Banner of Truth Trust, 1998, mga pah. 8-16).

Ano gayong nangyayari sa isang tunay na muling pagkabuhay? Ano ang mga pangunahing katangian ng tunay na muling pagkabuhay? Inilista ni Dr. Lloyd-Jones ang maraming mga bagay na kasama ng tunay na muling pagkabuhay. Ito’y ibinatay niya sa pag-aaral ng Araw ng Pentekostes, sa pangunahing katangian nito, sa kanyang dakilang aklat, Muling Pagkabuhay [Revival] (isinalin mula sa ibid., mga pah. 204-211).

1. Ang Diyos ay bumababa sa gitna nila. Ang lahat ay nagkakamalay ng Kanyang presensya, at Kanyang luwalhati, at Kanyang kapangyarihan. Iyan ang nangyayari, sa ilang sukat, at sa ilang hangganan, sa bawat muling pagkabuhay sa nalaman kailan man ng Simbahan. (Hindi mo kailangan masabihan na ang Diyos ay naroon. Alam mo na naroon Siya! Iyan ang sarili kong karanasan sa mga muling pagkabuhay na aking nakita. Mayroong isang diwa ng pagkahanga at pagkamangha sa mga pagpupulong. Ang mga tao ay natamaan ng pagkamangha, nararamdaman ang pinaka presensya ng Banal na Diyos).

2. Ang simabahan ay binigyan, bilang resulta nito, ng isang matinding kasiguraduhan patungkol sa katotohanan. Ang mga tao ay ganap na tiya at nasisigurado patungkol sa mga katotohanan ng Bibliya. Ito ay isang pangkalahatang karanasan sa mga panahon ng muling pagkabuhay.

3. Ang simbahan ay napuno ng matinding kaligayahan at isang pakiramdam ng papuri. Biglaang malalaman ng mga tao na ang Panginoon ay bumaba sa gitna nila. “Ang kanilang mga mukha ay magpapakita nito. Sila’y nagbagong anyo. Mayroong makalangit na tingin na mapupunta sa kanilang mga mukha, alin ay isang mapaghayag nitong kaligyahang ito at papuri…ang Espiritung ipinapakita ang buong personalidad, at nagbibigay ng kaligayahan na ‘di maipaliwanag, at puno ng luwalhati’” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., pah. 206).

4. Kapag ang muling pagkabuhay ay darating hindi mo kailangang hiyakatin ang mga taong magpunta sa simbahan upang magsamba at pakinggan ang pangangaral. Nagpipilit silang magpunta. Nagpupunta sila gabi gabi, at maari silang manatili ng maraming oras, gaya ng ginawa nila sa Pentekostes.

5. Isang bagong kapangyarihan at katapangan ang naibibigay sa pangangaral. Makapangyarihang pangangaral ng Ebanghelyo ay isang katangian sa lahat ng tunay na muling pagkabuhay. Isang bagong kapangyarihan ay nararanasan sa pangangaral. Ang mga tao ay nakikinig na para bang ang kanilang buhay ay nakasalalay rito. Kapag ang muling pagkabuhay ay darating ang pangangaral mismo ay magadadala ng maraming tao.

6. Kapag ang muling pagkabuhay ay darating ang mga tao ay napupunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Ang nawawalang mga tao ay napaka kumbinsi ng kasalanan na sila’y nasa matinding pagdurusa. Sa tingin ko ito’y marahil ang pinaka dakilang patunay na ang Diyos ay nagpadala ng muling pagkabuhay sa isang simbahan. Ang mga taong malamig at walang pagbabahal ay nagagawang madamang “na-alarma at nangingilabot” sa kanilang kasalanan (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., pah. 209). Ito’y patunay na ang Banal na Espiritu ay dumating upang hatulan sila ng “kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Sa Pentekostes sila’y napaka kumbinsido ng kasalanan na sila’y nagsisigaw, “Mga kapatid, anong gagawin namin” (Mga Gawa 2:37). Ito’y nangyayari sa bawat tunay na muling pagkabuhay. Kung saan ang kumbiksyon ng kasalanan ay wala, mayroong kang isang pekeng muling pagkabuhay. Dapat magkaroon ng mabigat na kumbiksyon ng kasalanan, alin ay tunay sa lahat ng mga tunay na muling pagkabuhay (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., pah. 209).

7. Magtitiwala ang mga tao kay Kristo at mahahanap ang kapatawaran ng kasalanan. Kanilang biglaan makikita na si Hesus ang kanilang nag-iisang pag-asa ng kaligtasan. Hindi lamang sila simpleng “gumagawa ng desisyon.” Imbes tumatakbo sila kay Kristo at “tumatanggap” ng isang bagong buhay, at iniiwanan nila ang lumang buhay dahil sila’y naligtas ni Hesus. Magsasalita silang higit tungkol sa pag-ibig ni Kristo at ang Dugo ni Kristo. Ang dugo pagbabayad ni Kristo ay sentral sa lahat ng mga tunay na muling pagkabuhay.

8. Ang mga napagbagong loob ay sumasapi sa simbahan. Sila’y “idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw” (Mga Gawa 2:47). Hindi kailangan ng “pagsunod” sa muling pagkabuhay. Ang mga napagbagong loob ay kusang sumasapi sa simbahan – at hindi mo sila mapalayo mula sa mga pagpupulong ng simbahan! Nakita ko itong mangyari sa unang muling pagkabuhay na aking nasaksi, at sa iba. Hindi mo kailangan habulin ang mga napabagong loob. Sila’y nadadala sa pakikisama ng simbahan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Kapag ang Banal na Espiritu ay darating sa kapangyarihan mas marami ang mangyayari sa isang oras kaysa mangyayari sa limampu o pati isang daang mga taon bilang resulta ng iyong [gawain] o ng akin…Manalangin na ang Diyos ay maawa, at magbuhos muli ng Kanyang Banal na Espiritu sa gitna natin” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid.,mga pah. 210, 211).


Minamahal kong mga kaibigan, tayo ay nasa isang panahon ng muling pagkabuhay sa ating simbahan ngayon, ngunit ang Banal na Espiritu ay nagdadala ng ilang mga tao kay Hesus kahit ngayon. Panalangin ko na malapit na ika’y magtiwala kay Hesus. Si Hesus ay namatay sa Krus upang iligtas ka mula sa kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang walang hangganang Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Nagmamakaawa ako sa iyong magtiwala ka kay Hesus ngayon, kahit bago pa dumating ang muling pagkabuhay. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Gawa 8:5-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“O Hininga ng Buhay.” Isinalin mula sa “O Breath of Life” (ni Bessie P. Head, 1850-1936).