Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ITO ANG NANGYAYARI SA MULING PAGKABUHAY!(PANGARAL BILANG 8 SA MULING PAGKBUHAY) THIS IS WHAT HAPPENS IN REVIVAL! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles ‘Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-21 ng Setyembre taon 2014 |
Ngayon gusto kong tumingin kayo sa iyong Bibliya sa Mga Gawa 8:5.
“At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo” (Mga Gawa 8:5).
Ngayon bumaba sa berso walo,
“At nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon” (Mga Gawa 8:8).
Maari nang magsi-upo.
Hindi ko isinama ang ilan sa mg detalye na kung anong nangyari sa lungsod ng Samaria. Ngunit makikita mo na ito’y lubos na tulad ng anong nangyari sa Jerusalem sa Araw ng Pentekostes. Ipinangaral ni Felipe si Kristo sa mga tao. Ang mga tao ay nakinig ng mabuti sa kanyang pangaral. Maraming mga tao ay napagbagong loob. “Nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon” (Mga Gawa 8:8).
Ito sakto ang parehong bagay na nangyari sa Pentekostes! “Itinaas ang [ni Pedro] kaniyang tinig” at ipinangaral si Kristo sa kanila. At kanilang “[nagagalak na] nagsitanggap ng kaniyang salita” at napagbagong loob. Nagkaroon sila ng matinding ligaya sa araw-araw na samahan. Ang parehong bagay ay nangyari habang isang malaking grupo ng mga kalalakihan ay naligtas noong nangaral ang mga Apostol “sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay” (Mga Gawa 4:2, 4). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ng mga Gawa makikita natin ang mga bagay nangyari sa Pentekostes na nangyaring muli’t-muli. Kaya ating mapapagpatibay na ang Pentekostes ay hindi isang “isang beses” na karansan. At hindi ako naniniwala na ang Pentekostes ay ang “kaarawan ng simbahan,” gaya ng itinuturo ng ilang mga kalalakihan. Ang mga Disipolo at ang mga iba ay ligtas na bago pa ng Pentekostes. Ang isang daan at dalawampung mga taong nanalangin sa Itaas na Silid bago ng Pentekostes ay tinawag na mga “disipolo” at mga “kapatid” sa Mga Gawa 1:15, bago ng Pentekostes. Ang pagpupulong ng mga taong iyon ay nagsama-sama bilang isang simbahan sampung araw bago ng Araw ng Pentekostes. Kaya ang simbahan ay naroon na noong ang Araw ng Pentekostes ay dumating! Higit pa rito, ang Pentekostes ay tiyak na hindi isang “isang pagkakataon na karanasan” na di kailan man mauulit muli, gaya ng itinuturo ng ilan ngayon. Ang mahalagang mga katangian ng Pentekostes ay naulit ng maraming beses sa Aklat ng Mga Gawa – sa buong Kristiyanong kasaysayan rin.
Ano, gayon noon ang Pentekostes? Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,
Ito’y isang katotohanan [isang tunay na pahayag] na ang bawat muling pagkabuhay ng relihiyon na nakita kailan man ng Simbahan ay, sa isang diwa, isang uri ng pag-uulit ng kung anong nangyari sa araw ng Pentekostes…At ang bawat muling pagkabuhay ng relihiyon, sinasabi ko ay isang tunay na pag-uulit ng anong nangyari sa araw ng Pentekostes..dapat nating tunay na [timigil sa pagsasabi] na ang nangyari sa araw ng Pentekostes ay nangyari ay minsan sa lahat ng pagkakataon. Hindi ito; ito’y simpleng ang una sa mga serye (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, mga pah. 199, 200).
Sinabi ko sa dalawang mas naunang mga pangaral na ang muling pagkabuhay ay dumarating kapag ang Banal na Espiritu ay ibinigay upang manghatol ng kasalanan (Juan 16:8), at pangalawa, kapag dinadala ng Banal na Espiritu ang makasalanan kay Kristo (Juan 16:14, 15), ginagawa si Kristo na isang nabubuhay na katotohanan sa makasalanan. Nitong dumaang taon ito’y nangyari mga halos isang beses kada buwan sa ating simbahan. Iyan ay, mga isang tao kada buwan ay napagbabagong loob. Ngunit, kapang ang muling pagkabuhay ay dumarating, mas maraming mga tao ang mapagbabagong loob sa isang napaka kaunting punto ng panahon. Sinabi ni Iain H. Murray, “Mula Pentekostes paraharam, ang gawain ng Banal na Espiritu ay makikita sa dalawang [paraan], ang mas normal at ang mas di pangkaraniwan” (Isinalin mula kay Iain H. Murray, Pentekostes Ngayon? Ang Biblikal na mga Basehan para sa Pag-iintindi ng Muling Pagkabuhay, [Pentecost Today? The Biblical Basis for Understanding Revival], The Banner of Truth Trust, 1998, pah. 18). Ating nararanasan ang “normal” na gawain ng Banal na Espiritu, sa pagbabagong loob ng isang tao kada apat o limang linggo. Ngunit kapag ipapadala ng Diyos ang muling pagkbuhay sa atin magkakaroon ng “di pangkaraniwang” bilang ng pagbabagong loob – marahil sampu o labin dalawa (o higit pa) sa maikling kapanahunan ng panahon.
Natatakot ako na ang ilan sa ating mga tao ay nag-iisip ng muling pagkabuhay na isang panahon na tayo’y kakayod ng mas matindi, na kailangan nating gumawa ng mas higit na pagmamakaawa sa mga makasalanan, at kumayod ng mas higit sa ebanghelismo. Ito’y sa totoo ay isang kaisipan na sumasala pababa sa atin mula kay Finney. Ito’y ang saktong kabaligtaran kung anong tunay na mangyayari kapag ang Diyos ay magpapadala ng muling pagkabuhay.
Pag-isipan ang unang muling pagkbuhay sa Pentekostes at makikita mo agad-agad na ito’y isang huwad na kaisipan. Sa tinggin ko ay masasabi pa nga natin na iyan ay isang Satanikong kaisipan. Hindi ba iyan saktong ang sinasabi ni Satanas sa mga nawawalang mga tao? Hindi ba niya ginawa silang isipin ang mga kaisipang iyan? Sinasabi niya, “Kung ika’y maliligtas ito’y magiging mas mahirap kaysa ito ngayon. Kailangan mong kumayod ng mas higit, at hindi ka magkakaroon ng pahinga o kasiyahan.” Ngunit ang Diablo ay isang sinungaling. Ang saktong kabaligtaran ay totoo! Kapagn ika’y napagbagong loob ito’y magiging mas madalipara sa iyon kaysa ngayon! Ang Diablo ay isang sinungaling. Ngunit si Hesus ay di kailan man nagsisinungaling! Laging sinasabi ni Hesus sa ating ang katotohanan! At sinabi ni Hesus, “Kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28), at sinabi ni Hesus, “Masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa” (Mateo 11:29). Tignan natin iyan. Lumipat sa Mateo 11:28-30. Tumayo at basahin ito ng malakas. Ito’y pahina 1011 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield.
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa: Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan” (Mateo 11:28-30).
Maari nang magsi-upo. Ngayon kunin ang inyong panulat at salungguhitan ang huling limang mga salita ng berso 28, “Kayo’y aking papagpapahingahin.” Ngayon salungguhitan ang huling pitong mga salita ng berso 29, “masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.” Ngayon salungguhitan ang buong berso tatlompu, “Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.”
Madalas kong marinig ang mga bagong napagbagong loob na magsabing, “Bakit, ang lahat ng ito’y napaka dali naman! Akala ko ito’y magiging napaka hirap kung akong maging isang Kristiyano. Ngunit ngayon na nagtiwala na ako kay Hesus pakiramdam ko na ako’y nakapahinga. Ito’y napakadali na ngayon na niligtas ako ni Hesus.” Ang mga kaisipan iyan ay lahat nasa ating mga himno! Ang ilan sa inyo ay kinakanta ito, ngunit hindi mo pa ito nararanasan!
Hindi ang mga paggawa ng aking mga kamay
Ang makatutupad ng pangangailangan ng Iyong batas;
Maari na walang pahingang nalalaman ang aking kasigasigan,
Maari na ang king mga luha ay umagos magpakailan man,
Lahat para sa kasalanan ay di makababayad puri;
Ika’y dapat magligtas, at Ika’y lamang.
(“Bato ng mga Panahon, Mabiyak Para sa Akin.” Isinalin mula sa
“Rock of Ages, Cleft For Me” ni Augustus M. Toplady, 1740-1778).
Sa mundo nabigo mong mahanap
Kahit anong kapayapaan para sa nagugulong isipan;
Magpunta kay Kristo, sa Kanyang mananampalataya,
Kapayapaan at kaligayahan iyong matatanggap.
Bakit hindi ngayon? Bakit hindi ngayon?
Bakit hindi magpunta kay Hesus ngayon?
Bakit hindi ngayon? Bakit hindi ngayon?
Bakit hindi magpunta kay Hesus ngayon?
(“Bakit Hindi Ngayon.” Isinalin mula sa “Why Not Now?”
ni Daniel W. Whittle, 1840-1901).
Tinatawag ni Hesus ang pagod na magpahinga –
Tinatawag ngayon, tinatawag ngayon;
Dalhin sa Kanya ang iyong karga at ika’y pagpapalain;
Hindi ka Niya itataboy.
(“Tumatawag si Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus is Calling”
ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
Palabas sa aking pagkadakip, pagdurusa, at gabi,
Hesus ako’y magpupunta, Hesus ako’y magpupunta;
Sa Iyong kalayaan, pagkatuwa at ilaw,
Hesus, magpupunta ako sa Iyo…
(“Hesus Ako’y Magpupunta.” Isinalin mula sa
“Jesus, I Come” ni William T. Sleeper, 1819-1904).
O kaluluwa ikaw ba’y walang pahinga at naguguluhan?
Walang ilaw sa kadiliman ang iyong nakikita?
Mayroong ilaw sa tingin sa Tagapagligtas,
At buhay na mas masagana at malaya!
Ibaling ang iyong mga mata kay Hesus,
Tuminging buo sa Kanyang nakamamanghang mukha,
At ang mga bagay ng lupa ay lalagong di pangkaraniwang lalabo,
Sa ilaw ng Kanyang luwalhati at biyaya.
(“Ibaling Ang Iyong Mga Mata Kay Hesus.” Isinalin mula sa
“Turn Your Eyes Upon Jesus” ni Helen H. Lemmel, 1863-1961).
Maari akong magpatuloy sa pagkakanta ng mga nakamamanghang mga kantang iyon!
Maligayang araw, maligayang araw, noong hinugasan ni
Hesus ang aking mga kasalanan!
Tinuruan Niya ako kung paano manood at manalangin,
At mabuhay na nagpupuri araw-araw;
Maligayang araw, maligayang araw, noong hinugasan ni
Hesus ang aking mga kasalanan!
(“O Maligayang Araw.” Isinalin mula sa “O Happy Day”
ni Philip Doddridge, 1702-1751).
Sinasabi sa iyo ng Diablo ito’y magiging mahirap at halos di katiis-tiis na maging isang Kristiyano. Ngunit sinasabi ng mga himno na ito’y magiging isang maligayang araw! At sinasabi ni Hesus, “Kayo'y aking papagpapahingahin…Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan” (Mateo 11:28, 30).
At ganito ito sa panahon ng muling pagkabuhay! “At nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon” (Mga Gawa 8:8). Iyan ang nangyari sa Pentekostes. Iyan ang nangyari sa Samaria. Iyan ang nangyayari sa bawat tunay na muling pagkabuhay. “At nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon.: Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang bawat muling pagkbuhay…masasabi ko ay talagang isang pag-uulit ng kung anong nangyari sa araw ng Pentekostes” (Muling Pagkabuhay [Revival], ibid., mga pah. 199, 200). Kaya kailangan nating matandaan kung anong nangyari sa Pentekostes, ang mga pangunahing mga bagay ng nangyari sa muling pagkbuhay na iyon. Kung pag-iisipan natin ang Pentekostes, malalman natin kung anong ipinagdarasal natin, at kung anong hinahanap natin sa isang muling pagkabuhay.
Tumayo si Pedro sa araw ng Pentekostes at sumipi mula sa Aklat ni Joel,
“Na ibubuhos ko ang [mula sa] aking Espiritu sa lahat ng laman... Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu; at magsisipanghula sila” (Mga Gawa 2:17, 18) [KJV].
Ibinubuhos ng Diyos “mula sa” Kanyang Espiritu sa muling pagkabuhay. Sinasabi Niya, “Ibubuhos ko sa mga araw na iyon mula sa aking Espiritu.” Nakapagtata na karamihan sa mga makabagong pagsasalin ay iniiwan ang salitang “mula sa.” Ito’y tiyak na naroon sa Griyegong teksto. Ito’y apó sa Griyego. Ang Lumang Genevang Bibliya ay mayroong itong, “mula sa” aking Espiritu. Ang Haring Santiago ay mayroong itong, “mula sa aking Espiritu.” Ngunit ang NASV ay mayroong ito sa mga makabagong pagsasalin. Iyan ang dahilan na hindi ko sila pinagkakatiwalaan! Iyong mga lumang tagapagsalin ay hindi nag-alis ng mga salita sa tinatawag na “nagbabago-bagong mga katumbas.” “Ibubuhos ko sa mga araw na iyon ng aking Espiritu.” Sinasabi ng mga liberal, “Iyan ay Septuagint.” Sinasabi ko ito’y kalokohan! Walang kabuluhan! Iyan ang inilagay ng Espiritu ng Diyos sa pahina ng Griyegong Bagong Tipan – at hindi Siya nagsisinungaling! Kapag isinisipi ng Espiritu ng Diyos ang Septuagint, ang pinaka Griyegong mga salita ay “hinihinga palabas” sa pamamagitan ng insipirasyon ng Bagong Tipan. “Ng aking Espiritu.” Bakit iyan mahalaga? Sasabihin ko sa iyo kung bakit. Hindi ibinubuhos lahat ng Diyos ang Kanyang Espiritu. Ipinapadala Niya ang tama lang na kailangan natin! Sinabi ni George Smeaton, noong 1882, “Mayroong lilim ng kahulugan na hindi dapat mawala sa mga salita ng ‘aking Espiritu’ (apó) na nagbubukod sa pagitan ng sukat na [ibinigay] sa tao at ang [walang hangganang] kapunuan ng mga pinagkukunan ng bukal” (Isinalin mula kay George Smeaton, Ang Doktrina ng Banal na Espiritu [The Doctrine of the Holy Spirit], 1882; inilimbag ng by the Banner of Truth, 1974; pah. 28). Tumanggap ang mga apostolikong mga simbahan ng paulit-ulit na mga pagbubuhos ng Espiritu dahil mayroon laging mas higit pang maibibigay! Ako’y di pangkaraniwang nabiyayaan bilang isang saksi sa tatlong mga muling pagkabuhay. Lubos akong sumasang-ayon kay Iain H. Murray, na nagsabing, “Ang mga saksi sa mga muling pagkabuhay ay walang pagbabagong tumutukoy sa isang bagay na ibinigay na wala roon noon” (isinalin mula sa ibid., pah. 22). Isang saksi sa 1859 na muling pagkbuhay sa Ulster, Hilagang Irelan ay nagsabing, “Naradaman ng mga taong para bang ang Panginoon ay huminga sa kanila. Una sila’y naapektuhan sa sindak at takot – tapos sila’y napaliguan sa luha – tapos napuno na pag-ibig na di sabi” (Isinalin mula kay William Gibson, Ang Taon ng Biyaya, isang Kasaysayan ng Muling Pagkabuhay sa Ulster ng taon 1859, [The Year of Grace, a History of the Ulster Revival of 1859], Elliott, 1860, pah. 432). Noong ika-29 ng Pebrero 1860 sinabi ni Rev. D. C. Jones, “Tayo ay binisita ng isang mas malaking sukat ng impluwensya ng Espiritu kaysa sa karaniwan. Ito’y dumating ‘na parang isang sumusugod na makapangyarihang hangin,’ at…kapag maliit itong inaasahan ng simbahan” (Isinalin mula kay Murray, ibid., pah. 25). Ganyan dumating ang muling pagkabuhay sa una at ang pangatlong beses na akin itong nakita. Ang Banal na Espiritu ay dumating ng biglaan at di inaasahan na hindi ko ito kailan man malilimutan habang ako’y nabubuhay! Bibigyan ko kayo ng maraming mga bagay na nangyari sa muling pagkabuhay, isinipi mula kay Dr. Lloyd-Jones,
Hindi na lamang sila nagkaroon ng paniniwala sa Diyos. Ang Diyos ay naging katotohanan sa kanila. Ang Diyos ay bumaba, gaya nito sa kanilang pagitan…ang lahat ay nagkakamalay ng kanyang presensya at kanyang luwalhati (Muling Pagkabuhay [Revival], pah. 204).
Ang simbahan ay ibinigay bilang isang bunga nito, isang matinding kasiguraduhan patungkol sa katotohanan (isinalin mula sa ibid.).
Ang simbahan ay napuno ng matinding kaligayahan at isang diwa ng papuri…Noong ang simbahan ay nasa isang kalagayan ng muling pagkbuhay hindi mo kailangang hikayatin ang mga taong magpuri, hindi mo sila mapigil, sila’y punong-puno ng Diyos. Ang kanilang mga mukha ay nagpapakita nito. Sila’y nababago…nabibigay ng kaligayahan na “di masabi at puno ng luwalhati” (isinalin mula sa ibid. pah. 206).
Hindi mo kailangang hikayatin ang mga taong magpunta at magsamba, upang magpuri, at upang [pakinggan] ang salita, sila’y magpipilit nito. Sila’y magpupunta gabi-gabi, at maari silang manatili ng maraming oras, kahit hanggang sa maagang mga oras ng umaga. Ito’y magpapatuloy gabi-gabi (isinalin mula sa ibid., pah. 207).
[Sa muling pagkabuhay] ang parehong pangaral [ay ibinigay] at gayon hindi sila parehas. Mayroong itong demonstrasyon ng Espiritu at kapangyarihan (isinalin mula sa ibid., pah. 208)
.Kung gusto mo makakuha ng maraming tao sa iyong mga simbahan, manalangin para sa muling pagkabuhay! Dahil sa sandaling ang muling pagkabuhay ay sasabog, ang masa ng mga tao ay darating (isinalin mula sa ibid.).
Bago siya natapos mangaral sila’y nagsisisigaw, at nagsasabing, “Anong gagawin namin?”…Sila’y nasa matinding paghihirap ng kaluluwa, pinagdudusahan itong malalim na kombiksyon ng kasalanan (pah. 209).
Hindi ito isang simpleng tanong ng desisyon kapag magkaroon kayo ng muling pagkabuhay, ito’y isang malalim na pagsisisi, ito’y isang repormasyon. Ang mga tao ay tumatanggap ng isang bagong buhay at iniiwan nila ang lumang buhay…Basahin ang mga kwento; ang mga ito ay mga katunayan. Hindi ko ito ideya, ito’y hindi isang teorya, kundi totoong bagay (isinalin mula sa ibid., pah. 209).
Ang mga napagbagong loob ay sumali sa simbahan…Ganyan inumpisahan ng Diyos ang Simbahan, ganyan nagpatuloy na panatilihin ng Diyos ang Simbahang buhay…Hindi ba ito ang sukdulang pangangailangan ng oras na ito? Kung pinaniniwalaan mo iyan, manalangin sa Diyos na walang tigil…Hindi ko sinasabin na dapat kang tumigil sa lahat ng iyong paggagawa at mag-antay lang. Huwag, magpatuloy…gawin ang lahat na iyong ginagawa, ngunit sasabihin ko ito – tiyakin na mag-iwan ka ng oras para manalangin para sa muling pagkabuhay, at tiyakin na iyan ay mayroong mas higit na oras kaysa ibang mga bagay. Dahil kapag ang Banal na Espiritu ay darating sa kapangyarihan, mas maraming mangyayari sa isang oras kaya mangyayari sa limampu o kahit daan-daang taon bilang resulta ng iyo at aking mga paggawa. Ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu – iyan ang kabuluhan ng araw ng Pentekostes…manalangin [para sa] Diyos na mahabag, at maawa, at magbuhos muli’t muli ng kanyang pinagpalang Banal na Espiritu sa atin (isinalin mula sa ibid., mga pah. 210, 211).
Magsitayo at tumingin sa himno bilang 7 sa inyong papel ng mga kanta, “Hesus Mang-iibig ng Aking Kaluluwa” mula sa dakila at kagalang-galang ng manunula ng Unang Dakilang Pagkagising, si Charles Wesley.
Hesus, mang-iibig ng aking kaluluwa,
Hayaan ako sa iyong kailaliman lumipad,
Habang papalapit na gumulong ang mga tubig,
Habang ang manunukso ay mataas pa rin:
Itago ako, O aking Tagapagligtas, itago,
Hanggang ang bagyo ng buhay ay dumaan;
Ligtas sa kanlungang nagabayan;
O tanggapin ang aking kaluluwa sa wakas!
Ang ibang kublihan ay wala ako,
Bumibitin ang aking walang pag-asang kaluluwa sa Iyo;
Iwanan, ah! huwag akong iwanang mag-isa,
Suportahan at kaalwanan ako.
Ang lahat ng aking tiwala sa Iyo ay nanatili,
Ang lahat ng tuling mula sa Iyo aking dadalhin;
Takpan ang aking walang depensang ulo
Gamit ng anino ng Iyong pakpak.
Ikaw, O Kristo ang lahat ng gusto ko;
Higit sa lahat ang nahahanap ko sa iyo;
Ibangon ang bumagsak, pasayahin ang mahina,
Pagalingin ang may sakit, at gabayin ang bulag.
Makatarunangan at banal ang Iyong Pangalan,
Ako’y lahat walang katuwiran;
Huwad at puno ng kasalanan ako;
Ika’y puno ng katotohanan at biyaya.
Napakaraming biyaya sa Iyo ay mahahanap,
Biyaya upang takpan ang lahat ng aking kasalanan;
Hayaan ang nagpapagaling ng mga sapang maging sagana;
Gawin at panatilihin akong puro sa loob.
Ikaw ng bukal ng buhay,
Malayang hayaan akong kumuha mula sa Iyo;
Umusbong Ka mula sa loob ng aking puso;
Tumaas sa buong walang hanggan.
(“Hesus, Mang-iibig ng Aking Kaluluwa.” Inisalin mula sa
“Jesus, Lover of My Soul” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Panalangin ko na ika’y magpupunta kay Hesus. Gaya ng sinabi ni Charles Wesley, iniibig ni Hesus ang iyong kaluluwa! Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan! Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan! Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay! Magpunta kay Hesus. Magtiwala kay Hesus.
Magtiwala lamang sa Kanya, Magtiwala lamang sa Kanya,
Magtiwala lamang sa Kanya ngayon.
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya,
Ililigtas ka Niya ngayon.
(“Magtiwala Lamang sa Kanya.” Isinalin mula sa
“Only Trust Him” ni John H. Stockton, 1813-1877).
Dr. Chan, pangunahan kami sa panalangin. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Gawa 2:40-47.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Banal na Espiritu, Panginoon, Lamang.” Isinalin mula sa
“Thy Holy Spirit, Lord, Alone” (ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).