Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG EBANGHELYO SA ISANG PANGUNGUSAP

THE GOSPEL IN ONE SENTENCE
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Setyembre taon 2014

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito” (I Ni Timoteo 1:15).


Simula noong ika-13 ng Hulyo nangaral ako ng mga serye ng mga pangaral sa pagkamag-isa. Ibinigay ko ang mga ito sa pitong mga Linggong umaga na magkakasunod-sunod. Nangangaral ako patungkol sa problema ng pagmag-isa na nararanasan ng karamihan sa mga kabataan ngayon. Sinabi ko ng paulit-ulit, “Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan.” At aking inaalay ang aming simbahan bilang isang gamot para sa pagiging mag-isa. Iyong mga pangaral na iyon ay mga pangaral sa simbahan – sa kung anong tinatawag ng mga teyolohiyanong “eklsiyolohiya.” Ipinakita ko muli’t-muli na ang isang mapag-ibig na simbahan ay makatutulong sa iyong masupil ang pagkakaroon ng pakiramdam ng pagkakahiwalay at pagiging mag-isa. Ngunit halatang-halata na ang oras ay dumatin na para sa aking lumipat na sa ibang paksa. At ang sunod na paksa ay sesentro sa pangalawang bagay na sinabi ko muli’t-muli sa pitong mga Linggo. “Bakit maging nawawala? Umuwi kay Hesus – ang Anak ng Diyos!” At dinadala tayo nito sa ating teksto ngayong umaga. Magsitayo at basahin ang I Ni Timoteo 1:15 ng malakas. Ito’y nasa pahina 1274 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito” (I Ni Timoteo 1:15).

Maari nang magsi-upo.

Karamihan sa aking mga mas maagang mga pagsasanay ay nanggaling mula sa aking pastor sa Tsinong Bautistang Simbahan, si Dr. Timothy Lin, at mula kay Dr. J. Vernon McGee, ang dakilang guro ng Bibliya sa radyo, na aking pinakinggan araw-araw ng maraming mga taon. Patungkol sa ating teksto, sinabi ni Dr. McGee,

Ito’y isang napaka halagang berso ng Kasulatan dahil pinapatibay nito na si “Kristo Hesus ay dumating sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan.” Hindi Siya dumating upang maging isang dakilang guro na nakilala ng mundo kailan man, kahit na Siya nga ay ganoon. Hindi Siya dumating upnag magtayo ng isang moral na halimbawa [lamang] ngunit ginawa Niya nga iyan. Dumating Siya sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan; “na ako ang pangulo sa mga ito” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Volume V, Thomas Nelson Publishers, 1983, pah. 434; sulat sa I Ni Timoteo 1:15).

“Tapat ang pasabi.” Ang ibig sabihin ng Apostol ay na ito’y isang mapagkakatiwalaang kasabihan, isang kasabihan na mapaniniwalaan mo ang magkakatiwalaan mo. Ito’y isang kasabihan na “nararapat tanggapin ng lahat.” Nararapat itong tanggapin dahil ito isang tunay na kasabihan. Ano itong kasabihan na ito na mapagkakatiwalaan mo at matatanggap mo? Ito’y ito – “na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito”! Matututunan natin ang tatlong dakilang mga katotohanan mula sa berso iyan.

I. Una, matututunan natin ang tungkol sa pagkatao ni Kristo.

“Si Kristo Hesus ay naparito sa sanglibutan.” Siya’y “nagparito.” Hindi Siya nilikha tulad natin. Hindi tayo nagparito sa sanglibutan. Tayo ay nilikha rito, sa sanglibutan na ito. Ngunit si Kristo ay “nagparito sa sanglibutan.” Saan Siya nanggaling? Bumaba Siya mula sa Langit upang mabuhay kasama natin Sinasabi ng Ebanghelyo ni Juan,

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios... At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin...” (Juan 1:1, 14).

Si Kristo ay nasa itaas sa Langit kasama ng Diyos Ama. Tapos bumaba Siya, at ginawang laman, at nabuhay sa gitna ntain! Iyan aya tinatawag na “inkarnasyon.” Ibigsabihin niyan na Siya ang Diyos “sa laman.” Iyan ang sinabi ni Charles Wesley (1707-1788) sa kanyang magandang Paskong himno na, “Tignana ang nakatalukbong sa laman sa punong Diyos; Tawagin ang naglamang Diyos, Nalulugod bilang tao kasama ng mga taong manirahan, Si Hesus ating Emanuel; Makinig, ang pahayag ng mga anghel na kumakanta, Luwalhati sa bagong panganak na Hari” (“Makinig, Ang Pahayag ng mga Anghel na Kumakanta” Isinalin mula sa “Hark, the Herald Angels Sing,” ni Charles Wesley, 1707-1788). O gaya ng paglagay nito ni Emily Elliott, “Iyong iniwanan ang Iyong trono at ang Iyong makaharing korona Noong Ika’y dumating sa lupa para sa akin” (“Iyong Iniwanan ang Iyong Trono” Isinalin mula sa “Thou Didst Leave Thy Throne” ni Emily E. S. Elliott, 1836-1897).

Ngunit bakit Niya iniwanan ang Langit at bumaba sa lupang ito? Bakit Siya nagpunta sa sinapupunan ng Birheng Maria? Bakit SIya nabuhay sa gitna natin? Bakit Siya nagdusa ng lubos na kahirapan at sakit? Bakit Siya nagpunta sa Krus at naipako ang Kanyang mga kamay at paa sa kahoy? Bakit ang naglamang Diyos, Diyos sa lamang tao, ay nagdusa sa Krus na iyon para sa atin? Sinasabi ng ating teksto, “Si Kristo Hesus ay nagparito sa sanglibutan,” ngunit bakit Siya nagparito sa sanglibutan? Na nagdadala sa atin sa sunod nap unto.

II. Pangalawa, matututunan natin ang tungkol sa layunin ni Kristo.

Ang unang punto ay nagsabi sa iyo sino ang dumating sa sanglibutan – ito’y ang Diyos na naglamang tao – ang Pangalawang Tauhan ng Trinidad. Ngayon makikita natin kung bakit Siya dumating sa sanglibutan,

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).

Ang Kanyang layunin para sa pagdating sa sanglibutan ay upang iligtas ang mga makasalanan. Tayo ay simpleng sinabihan na si Kristo ay “nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro 3:18). Muli, sinabi ng Apostol Pedro na si Kristo “na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Pedro 2:24). At sinabi ni Apostol Pablo, “Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan” (I Mga Taga Corinto 15:3). Si Kristo ay nagpunta na maluwag sa Kanyang kalooban sa Krus, upang magdusa sa iyong lugar, upang magbayad ng multa para sa iyong kasalanan, upang linisan ka mula sa kasalanan gamit ng Kanyang sariling Dugo, upang gawin itong posible para sa Diyos upang tanggapin ka sa Langit. Si Kristo ay dumating sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan mula sa pagkakasala ng kasalanan, upang kunin papalayo ang iyong kasalanan, upang “linisin ka mula sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Sinabi ni Kristo Mismo, “hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan” (Juan 12:47). Ginawa iyan lahat ng propetang si Isaias na napaka linaw noong sinabi niyang,

“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan … sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).

Ang Dugo ni Kristo ay kayang magligtas ng pinakamalubhang makasalanan mula sa kanyang mga kasalanan. Ang Dugo ni Kristo ay mayroon nitong kapangyarihang ito dahil Siya ay napaka dakilang tao! Si Kristo ay ang nag-iisang Anak ng Diyos!

Sinabi ni Spurgeon na si Kristo ay bumaba mula sa Langit upang iligtas tayong mga makasalanan. Sinabi ni Spurgeon,

     Hindi maliligtas ni Kristo Hesus ang mga tao kung nanatili siya sa langit. “Nagparito siya sa sanglibutan” upang iligtas ang mga makasalanan. Ang pagbagsak ay napaka sakita na dapat siyang bumaba sa lugar ng ating pagkasira…hindi siya makaupo sa lagnit at iligtas ang mga makasalanna; [kinailangan] niyang magparito sa sanglibutan upang gawin ito; pababa dito sa maruming nilikhang ito ang walang hangganang Manlilikha ay dapat ibaba ang Kanyang sarili…hindi Niya maligtas ang mga makasalanan, napakatindi ang kanilang pagkasira, maliban nalang na siya’y maging naglaman, at kunin sa kanyang sarili ang ating kalikasan…At pagiging narito hindi siya makababalik [sa langit] na nagsasabing “Tapos na,” hangga’t unang-una siya’y mamatay. Ang [Kanyang] ulo ay dapat makoronahan ng mga tinik, ang [Kanyang] mga mata ay dapat matakpan sa kadiliman ng libingan…[bago] ang tao ay maligtas…O makasalanan, ika’y teribleng nawawala, ika’y walang hangganang nawawala, dahil [kinakailangan] ng walang hangganang Tagapagligtas upang ihandog ang pagbabayad ng kanyang sariling katawan upang iligtas ang mga makasalanan mula sa kanilang kasalanan (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Mapagpananampalatayang Kasabihan”, Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito, [The Faithful Saying,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit], kabuuan 24, Pilgrim Publications, 1972 edisiyon, pah. 304).

III. Pangatlo, natututunan natin ang tungkol sa kapangyarihan ni Kristo.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito” (I Ni Timoteo 1:15).

Sinasabi ng Apostol Pablo na siya ang “pangulong” makasalanan – ang pinaka malubhang makasalanan sa lahat. Si Pablo ay nagsalita ng matagal at matindi laban kay Kristo. Si Pablo ang responsible sa pagpapatay ng maraming mga Kristiyano. Si Pablo ay isang sukdulang halimabawa ng isang makasalanan. Lahat ng mga makasalanan ay makikita mula sa halimbawa ni Pablo, na ang pinaka matinding makasalanan ay maaring maging ang pinaka dakilang Kristiyano. Ang pinaka matinding kalaban ni Kristo ay maaring maging Kanyang pinaka mahusay na tagapaglingkod. Ito ang nangyari kay Pablo – at maari itong mangyari sa iyo. Ang kapangyarihan ni Kristo ay maaring baguhin ka mula sa isang makasalanan sa isang santo! “Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito.”

Ako’y dinala sa isang Bautistang simbahan sa unang pagkakataon noong ako’y isang binata na, noong ako’y labin tatlong taong gulang. Ang mga taong nanirahan sa kabilang bahay ay dinala ako sa isang Bautistang simbahan. Hindi ko alam na si Kristo ay nagparito sa mundo upang iligtas ang isang makasalanan tulad ko. Ako’y bininyagan na hindi ito nalalaman. Naisip ko si Hesus bilang isang anyo ng trahedya na ipinako sa isang krus na aksidente. Tiyak ako na nakarinig ako mga pangaral sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo. Ngunit hindi ko naintindihan ang mga pangaral na ito. Sinabi ni Apostol Pablo,

“Kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak” (II Mga Taga Corinto 4:3).

Ako’y tiyak na nawawala! Ang Ebanghelyo ay tiyak na nakatago sa akin!

Ginanap ko pa nga ang parte ni Hudas sa isang Araw ng Muling Pagkabuhay na dula sa simbahan. Si Hudas ay ang Disipolo na itinakwil si Kristo. Aktwal na ginanap ko ang parte ni Hudas sa loob ng taltong magkakaibang taon. Ngunit bulag pa rin ako. Hindi ko pa rin naintindihan na si Hesus ay nagdusa at namatay upang iligtas ako mula sa kasalanan. Sa isang punto sa Muling Pagkabuhay na dula, sinigaw ko ang mga salita ni Hudas,

“Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan” (Mateo 27:4).

Nagawa ako nitong pag-isipan ang aking kasalanan. Ang kasalanan ay naging isang teriblang bagay sa akin. Naramdaman ko na ako mismo ay nagtakwil kay Kristo, alin ay siyempre totoo. Bawat makasalanan ay nagtatakwil kay Kristo.

Ngunit naramdaman ko na ang nag-iisang paraan na ako’y maging isang tunay na Kristiyano ay ang gumawa ng mas marama pang “mabubuting” bagay. Naramdaman ko na kailangan kong maging mabuti o hindi ako maaring maging isang Kristiyano. Noong mga taong 1958 o 1959 nabasa ko ang Life na Magasin na kwento tungkol kay Dr. Albert Schweitzer. Si Schweitzer ay isang medikal na misyonarayo sa Aprika. Siya’y pinuri ng Life Magasin bilang isang dakilang taong mapagkawanggawa, isang mabait at mabuting misyonaryong doktor sa Aprika. Nagsimula kong pag-isipan na maging isang misyonaryo rin. Naisip ko na gagawin ako niyang isang tunay na Kristiyano. Nadinig ko ang tungkol kay Dr. Tom Dooley, isang misyonaryo sa Vietnam at Cambodia. Tapos nabasa ko ang tungkol kay Dr. James Hudson Taylor, isang medikal na misyonaryo sa Tsina noong ika-19 na siglo. Naisip ko, “Iyan ang gagagawin ko. Ako’y magiging isang misyonaryo sa mga Tsino: Tapos ako’y magiging isang tunay na Kristiyano. Ako’y 19 na taong gulang. Noong tagsibol na iyon nagpunta ako sa Kolehiyo ng Biola upang mag-aral para sa pangangasiwa, upang ako’y maging isang misyonaryo. Naisip ko na iyan ay magliligtas sa akin.

Sa loob ng mga serye ng pagpupulong sa kapilya sa Kolehiyo ng Biola, kumanta kami ng isang kanta si Charles Wesley (1707-1788) sa simula ng paglilingkod. Hindi ko pa narinig ang kantang iyang noon. Gumawa ito ng malaking impresyon sa akin. Pagdating ng pangalawang araw, ginawang tumayo ng kantang iyon ang mga buhok sa aking ulo sa dulo nito! Ang pakiramdam ay parang isang kuryenteng yumanig ang dumaan sa aking katawan habang kinanta namin ito bawat umaga.

At maari ba ito na ako’y magkaroon
   Ng interes sa dugo ng Tagapagligtas?
Namatay Siya para sa akin, na nagsanhi ng Kanyang sakit?
   Para sa akin, sa Kanyang kamatayan ay hinanap?
Nakamamanghang pag-ibig! paano ito,
   Na Ikaw na aking Diyos, ay dapat mamatay para sa akin?
Nakamamanghang pag-ibig! paano ito,
   Na Ikaw na aking Diyos, ay dapat mamatay para sa akin.

Iniwanan Niya ang trono ng Kanyang Ama sa itaas,
   Napaka malaya, napakasukdulan ang Kanyang biyaya;
Inubos ang lahat ng nasa Kanya maliban sa pag-ibig,
   At nagdugo para sa kawawang lahi ni Adam;
Ang lahat ng awang ito, malaka at malaya,
   Dahil O aking Diyos, nahanap ako nito!
Nakamamanghang pag-ibig! paano ito,
   Na Ikaw na aking Diyos, ay dapat mamatay para sa akin.
(“At Maari Ba Na Ako’y Magkaroon.” Isinalin mula sa
      “And Can It Be That I Should Gain?” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Kinanta ko ito na muli’t muli. Isinulat ko ang mga salita sa isang piraso ng papel at kinanta ito ng muli’t muli. “Nakamamanghang pag-ibig! paano ito, na Ikaw na aking Diyos, ay dapat mamatay para sa akin.” Si Dr. Charles J. Woodbrige (1902-1995) ang tagapagsalita noong araw na iyon. Nangaral siya sa buong Pangalawa Ni Pedro. Pagdating ng katapusan ng linggo ako’y sa wakas ligtas! Kumanta ako hangang pauwi sa bahay, “Nakamamanghang pag-ibig! paano ito, na Ikaw na aking Diyos, ay dapat mamatay para sa akin.”

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito” (I Ni Timoteo 1:15).

Nananalangin ako para sa iyo! Nananalangin ako na ika’y magtitiwala kay Kristo Hesus – at maging ligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan Niya. Nananalangin ako na ika’y maliligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Kristo – iyong makakanta mula sa iyong puso, “Nakamamanghang pag-ibig! paano ito, na Ikaw na aking Diyos, ay dapat mamatay para sa akin.” At kung hindi mo ito lubos na naiintindahan laha, huwag mag-alala. Mangangaral ako muli tungkol rito. Tiyakin na bumalik upang marinig ang higit pa! Amen. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: I Ni Timoteo 1:12-16.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Ngayon Ako’y Pag-aari Ni Hesus.” Isinalin mula sa
“Now I Belong to Jesus” (ni Norman J. Clayton, 1903-1992).


ANG BALANGKAS NG

ANG EBANGHELYO SA ISANG PANGUNGUSAP

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito” (I Ni Timoteo 1:15).

I.   Una, matututunan natin ang tungkol sa pagkatao ni Kristo,
Juan 1:1, 14.

II.  Pangalawa, matututunan natin ang tungkol sa layunin ni Kristo,
I Ni Pedro 3:18; 2:24; I Mga Taga Corinto 15:3; I Ni Juan 1:7;
Juan 12:47; Isaias 53:5.

III. Pangatlo, natututunan natin ang tungkol sa kapangyarihan ni Kristo,
II Mga Taga Corinto 4:3; Mateo 27:4.