Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG BANAL NA ESPIRITU LINULUWALHATIAN SI HESUS SA MULING PAGKABUHAY!(PANGARAL BILANG 6 SA MULING PAGKABUHAY) THE HOLY SPIRIT GLORIFYING JESUS IN REVIVAL! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14). |
Minsan tinatanong ako ng mga tao paano mo masasabi kung ang isang simbahan o isang relihiyosong grupo ay tama o mali. Ibibigay ko sa inyo ang panuntunan na ginamit ko sa aking buong buhay. Ang espiritu na hindi nagluluwalhati kay Kristo ay hindi Espiritu ng Diyos. Iyan ang susi! Iyan ang paraan na maari mong masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng espiritu ng pagkakamali at Espiritu ng katotohanan!
Sa anumang dahilan lagi kong nasasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng espiritu ng pagkakamali at Espiritu ng katotohanan. Kailangan nitong magkaroon ng mga ugat sa walang pasubaling eleksyon – dahil ako’y lumaki sa gitna ng mga eretiko at mga kultista! Gayon alam ko, kahit bago pa ako naligtas, na ang pagsubok ay kung anong sinabi nila tungkol kay Hesus. Niluwalhati ba nila si Hesus o hindi?
Sinabi ito ni Hesus tungkol sa Banal na Espiritu – “Luluwalhatiin niya ako.” Kapus kapalaran ang salitang “luwalhati” ay inalis mula sa kombersasyonal na Ingles. Ang Griyegong salitang isinalin na “luwalhati” ay nangangahulugang “magpahalaga, magparangal, magbigay puri.” Sinabi ni Hesus patungkol sa Banal na Espiritu – “Pupurihin at pahahalagahan, at magbibigay siya sa akin ng parangal.”
Hindi mo kailangang maging mag-aaral ng komparatibong relihiyon upang makita kung aling mga grupo ang di gumagawa niyan! Sinasabi ng mga iba’t ibang mga kulto na si Hesus ay isang nilikhang nilalang o isang mas mababang espiritu. Ginagawa Siya ng Koran na isang simpleng propeta. Ginagawa Siya ng mga Mormon na isang nilalang na nilikha, ang kapatid ni Satanas. Ginagawa Siya ng Teyolohikal na Liberalismo na isang guro, wala nang iba pa. Wala sa mga pagkaligaw na ito ay nagsasamba kay Hesus bilang Diyos na lumikha ng sanglibutan, ang Pangalawang Tao ng Banal na Trinidad, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan! Ang bawat kulto, bawat huwad na relihiyon, at bawat Kristiyanong paglilihis, ay gumaganap kay Hesus bilang isang mas mababa kaysa sino talaga Siya. Sa lahat ng mga “espiritu” sa bumagsak na sanglibutan na ito, ang Banal na Espiritu lamang ang nagbibigay kay Hesus ng parangal, papuri at pagpapahalaga na nararapat sa Kanya. Kaya dapat kong sabihin muli, Ang kahit anong espiritu na di lumuluwalhati kay Hesus bilang Diyos ng panahon at walang hanggan, ay hindi ang Espiritu ng Diyos. At kahit iyong mga nag-aangkin sa Kanya bilang Diyos, pinupuri ang Banal na Espiritu ng mas higit kaysa kay Hesus, ay mapanganib na lumalapit sa teyolohikal na pagkakamali, at sumusumpa sa kaluluwang erehiya! Dahil sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo Mismo sa atin,
“Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14).
Si Hesus ay dumarating upang dalhin tayo sa Ama. Ngunit ang Banal na Espiritu ay dumarating upang dalhin tayo kay Hesus. Iyan ang dahilan na dapat kang magkaroon ng Banal na Espiritu. Siya ang nag-iimbita sa iyo at kay Hesus, at si Hesus ang nag-uugnay sa iyo sa Ama. Ang lahat na tatlong mga tao ng Banal na Trinidad ay kinakailangan sa kaligtasan ng isang makasalanan. Itinatalaga ka ng Ama upang maligtas. Ang Anak ay nagbabayad para sa iyong kasalanan sa Krus. At ang Banal na Espiritu ay naglalantad sa Anak sa iyo, at nagdadala sa iyo sa Kanya para sa paglilinis ng Kanyang Dugo!
Papuri sa Diyos mula ay lahat ng pagpapala ay umaagos;
Papuri sa Kanya lahat ng mga nilalang rito sa ibaba;
Papuri sa Kanya sa itaas, ikaw na makalangit na punong abala;
Papuri. Ama, Anak, at Banal na Espiritu. Amen.
(“Ang Doksolohiya.” Isinalin mula sa “The Doxology”
ni Thomas Ken, 1637-1711).
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo,
Kagaya ng unang-una, ngayon at magpakailan man,
At munong magpasawalang hanggan. Amen, Amen.
(“Gloria Patri,” pinanggalinagan di nalalaman
maagang pangalawang siglo).
“Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14).
Tignan kung paano naka mamangha ang tatlong tauhan ng Trinidad ay kumikilos na magkakasama! Linuluwalhati ng Ama ang Anak. Linuluwalhati ng Banal na Espiritu ang Panginoong Hesus. Parehong ang Banal na Espiritu at ang Panginoong Hesu-Kristo ay lumuluwalhati sa Ama! Ang tatlong mga ito ay Isa sa diwa, magkakasama sa sangkap, nagsasama-sama sa kaligtasan ng nawawalang mga makasalanan!
Ngayong gabi titignan natin ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi lamang siya isang kapangyarihan o isang impluwensya. Siya ay Diyos. Dapat natin Siyang tukuyin bilang Diyos ang Banal na Espiritu. Na wala Siya hindi natin kailan man makikilala sa Hesus sa kahit anong tunay na paraan. Gusto kong pag-isipan mo kung anong ginagawa ng Banal na Espiritu. Sinabi ni Hesus, “Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.” Sinabi ni Dr. John R. Rice patungkol sa bersong ito, ang Banal na Espiritu ay “dumarating upang magsalita tungkul kay Hesus at dumarating upang ilantad ang Panginoong Hesus” (Isinalin mula sa Ang Anak ng Diyos, Isang Kumentaryo sa Juan [The Son of God, A Commentary on John], Sword of the Lord Publishers, 1976, pah. 321; sulat sa Juan 16:14).
Dumarating ang Banal na Espiritu upang ilantad si Hesus sa atin. Iyan rin dapat ang ating pangunahing paksa bilang mga mangangaral. Dapat tayong kumilos kasama ng Banal na Espiritu upang gawing kilala ang Panginoong Hesus! Maari tayong magpunta sa Langit na hindi nalalaman ang maraming mga bagay. Maari tayong maligtas na di nalalamang ng higit ang tungkol sa propesiya ng Bibliya, o demonolohiyo, o siyensya, o politiko. Ngunit hindi tayo kailan man makapupunta sa Lgnit na hindi nakikilala si Hesus! Gusto ko ang sinabi ni John Wesley sa kanyang maagang mga Metodistang mangangaral, “Iwanan ang ibang mga bagay. Ika’y tinawag upang magtagumpay ng mga kaluluwa.” Amen! Pagpagpalain ng Banal na Espiritu ang ating pangangaral kung ang ating pangunahing mensahe ay nakasentro kay Hesu-Kristo! Iyan ang sinabi ng Apostol Pablo, “Aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus… si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios” (Mga Taga Corinto 1:23, 24). “Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:31). Kakakanta lang ni Gg. Griffith iyong magandang lumang Alemang kantang, “Kapag Duduraduin ng Umaga ang Himpapawid,”
Kapag duduraduin ng umaga ang himpapawid,
Ang aking pusong gumigising ay sumisigaw:
Naway si Hesu-Kristo ay mapuri;
Magkatulad sa gawain o panalangin kay Hesus ako naaayos:
Naway si Hesu-Kristo ay mapuri.
Naway ito, habang ang buhay ay sa akin, aking [kanta ng papering] banal,
Naway si Hesu-Kristo ay mapuri;
Naway ang walang hanggang kantang ito, sa lahat ng mga panahong mahaba:
Naway si Hesu-Kristo ay mapuri.
(“Kapag Duduraduin ng Umaga ang Himpapawid.” Isinalin mula sa
“When Morning Gilds the Skies,” mula sa Alemang, isinalin ni
Edward Caswell, 1814-1878 binago ng Pastor).
Tapos gayon rin, inilalantad ng Banal na Espiritu si Hesus sa simpleng mga tao. “sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.” Oo, “sa inyo”! Dumarating Siya doon sa mga walang pagsasanay, doon sa mga di pa kailan man nakapupunta sa paaralan ng Bibliya o seminaryo! Nakakilala ako ng mga kalalakihan na lubos na
Sa isang tunay na pagbabagong loob, ang mga mahihirap na mga tao, at mga taong walang edukasyon, ay nadadala Hesus sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sa muling pagkabuhay, maraming mga tao ang nadadala kay Hesus isa-isa. Sa muling pakgbuhay maraming mga tao ang nadadala kay Hesus na sabay-sabay, sa maiklaing panahon!
Kumuha ang Banal ng Espiritu ng labin dalawang mahihirap na mangingisda, at inilantad si Hesus sa kanila isa-isa. Sila ang mga Apostol. Ngunit sa Araw ng Pentekostes, nagdala ng 3,000 na mga tao ang Banal na Espiritu kay Hesus! O, naway manalangin tayo na sampu o labin limang mga taong nagpupunta sa ating simbahan ay madala kay Hesus at magawang mailantad sa kanila si Hesus, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu! Naway luwalhatian Niya si Kristo sa pamamagitan ng pagkukha ng mga bagay ni Kristo at ipapakita ang mga ito sa iyo. Tapos ika’y magagawang kantahin,
Magkatulad sa gawa o panalangin kay Hesus ako naaayos:
Naway si Hesu-Kristo ay mapuri.
Gayun din, inilalantad ng Banal na Espiritu si Hesus bilang ang Tagapagligtas. Iyan ay isang bagay na nagkaroon ako ng matinding gulong maintindihan. Hindi ako makapaniwala na hindi ako kailan man nakarinig ng kaligtasang naipangaral. Ngunit ang aking isipan ay natakpan ng ulap. Naisip ko si Hesus bilang isang martir. Nagalit ako doon sa mga nagpako sa krus sa Kanya. Bakit nila pinatay itong dakila at mabuting taong ito? Naisip ko si Hesus na para bang Siya ay maagang bersyon ni Abraham Lincoln. Si Hesus ay isang dakila at mabuting tao na pinatay dahil Siya ay mabuti. Ang mamamatay tao ni Lincoln ay talagang pinatay siya sa Mabuting Biyernes, ang araw na si Hesus ay ipinako sa krus. Kaya ganyan ko naisip si Hesus. Siya ay isang dakilang guro, at isang walang salang tao. Maari pa ngang nasabi na Siya ang “Tagapagligtas,” ngunit hindi ko alam kung anong ibig sabihin niyan. Tulad niyong di nananampalatayang Hudyo na tinukoy ni Pablo, mayroong “talukbong” sa aking puso, itinatago ang Tagapagligtas mula sa aking isipan (II Mga Taga Corinto 3:15). Nagpatuloy ako sa kakasubok na maging isang Kristiyano sa pamamagitan ng pagiging mabuti, at sa paglalaan ng aking sarili at higit-higit pa. Natatandaan kong nakikita si Dr. Tom Dooley na nakapanayam ni Jack Paar sa “Tonight” na palabas. Siya ay isang Katolikong medikal na misyonaryo sa Laos at Vietnam. Nagsulat siya ng isang aklat na tinawag na “Ang Gabing Sinunog Nila ang Bundok” [“The Night They Burned the Mountain”] tungkol sa mga Komunista at mga Kristiyano sa mga bundok ng Vietnam. Malinaw kong natatandaan na iniisip, “Iyan ang gusto kong gawin. Gusto kong maging isang misyonaryo. Susundan ko si Kristo gaya ng isang misyonaryo at tapos ako’y magiging isang Kristiyano.” Hindi ko iyan maalis sa aking isipan. Ako’y magiging isang Kristiyano sa pamamagitan ng pagsusunod kay Hesus sa isang dakilang makataong gawain! Ako’y lubos na bulag patungkol kay Hesus. Tiyak ako na maliligtas ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsusunod ng halimbawa ni Kristo. Inilarawan akong sakto ni Apostol Pablo noong sinabi niya,
“Kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak” (II Mga Taga Corinto 4:3).
Hanggang sa araw na ito ako’y namamangha sa kung gaano ako kabulag noon! Ngunit inalis ng Banal na Espiritu ang talukbong, at pinaliwanag ang Kanyang ilaw, at nakit ko si Hesus bilang isang Tagapagligtas! Gayon laman na ang Ebanghelyo ay naging makabuluhan!
“Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14).
At sa wakas, ipinapakita ng Banal na Espiritu sa atin ang pag-ibig at awa ni Hesus. Maari hindi ko kailan man naisip ang pag-ibig at awa ni Kristo tungo sa mga makasalanan tulad ko, kung hindi inilantad ng Banal na Espiritu ang Kanyang pag-ibig sa akin. Diyan ko unang nakita ang kahalagahan ng Kanyang Dugo. Noon, ito’y dugo ng isang martir, tulad ng dugo ni Lincoln, o dugo ni Dr. King, o dugo ng isang namartir na misyonaryo. Ngunit noong ako’y napaliwanagan ng Banal na Espiritu, alam ko sa aking puso,
“Ang dugo'y siyang tumutubos [para sa kaluluwa]” (Leviticus 17:11) – [KJV].
“Ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).
Noong ako’y naligtas, agad-agad kong nakita ang maluwalhating Dugo ni Kristo. Naligo ako sa Kanyang Dugo! Araw-araw ay mukhang tulad ng “Mabuting Biyernes” dahil lumakad ako at nabuhay at kumanta tungkol sa Dugo ni Hesus! Kinanta ko ang lumang Ebanghelyong kantang ito hanggang sa ang aking lalamunan ay maga na!
Doon sa krus kung saan ang aking Tapagligtas ay namatay,
Doon kung saan mula sa paglilinis mula sa kasalanan ako’y sumigaw,
Doon sa aking puso ang dugo ay nailagay;
Luwalhati sa Kanyang pangalan! Luwalhati sa Kanyang pangalan,
Luwalhati sa Kanyang pangalan,
Doon sa aking puso ang dugo ay nailagay; Luwalhati sa Kanyang pangalan!
O, mahal na bukal na nagliligtas mula sa kasalanan,
Natutuwa ako na pumasok ako;
Doon nililigtas ako ni Hesus at pinananatili akong malinis;
Luwalhati sa Kanyang pangalan! Luwalhati sa Kanyang pangalan,
Luwalhati sa Kanyang pangalan,
Doon sa aking puso ang dugo ay nailagay; Luwalhati sa Kanyang pangalan!
(“Luwalhati sa Kanyang pangalan.” Isinalin mula sa “Glory to His Name”
ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
“Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14).
O, panalangin ko na ipakita sa iyo ng Banal na Espiritu ang Dugo ng Tagapagligtas! Hindi ka kailan man hihinto sa pag-iisip tungkol rito kapag makita mo ito! Hindi ka kailan man titigil sa kakakanta tungkol sa Dugo ni Kristo kapag ipapakita ito sa iyo ng Espiritu ng Diyos! Aleluya! Sa sandaling magtiwala ka sa Tagapagligtas makakanta mo ang,
Mayroong kapangyarihan, kapangyarihan,
Nakamamanghang gumagawang kapangyarihan
Sa Dugo ng Kordero;
Mayroong kapangyarihan, kapangyarihan,
Nakamamanghang gumagawang kapangyarihan
Sa mahal na Dugo ng Kordero.
(“Mayroong Kapangyarihan sa Dugo.” Isinalin mula sa
“There is Power in the Blood” ni Lewis E. Jones, 1865-1936).
Alam ko na ang lahat ng pagtutukoy na ito tungkol sa Dugo ni Hesus ay maaring tumunog na mabangis at di pangkaraniwan, at pati kakaiba, doon sa inyong mga di ligtas. Ngunit kapag dadalhin ka ng Banal na Espiritu kay Hesus, at ang iyong mga kasalanan ay nahugasan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo – kakanta ka tungkol sa Kanyang Dugo at magsasalita tungkol sa Kanyang Dugo sa buong natitira ng iyong buhay! Aleluya!
Plinano kong magsabi ng higit pa sa pangaral na ito, ngunit nararamdaman ko na dapat akong magtapos ngayong na. Nananalangin kami at nag-aayuno para sa Diyos na magpadala ng makapangyarihang alon ng Banal na Espiritung muling pagkabuhay. Ngunit ano ang muling pagkabuhay? Sa tingin ko sai Dr. Martyn Lloyd-Jones ay nagbigay ng isang mabuting sagot. Sinabi niya, “Ang muling pagkabuhay, higit sa lahat, ay isang pagluluwalhati sa Panginoong Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Ito ay ang panunumbalik Niya sa gitna ng buhay ng Simbahan” (Isinalin mula sa Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, pah. 47).
Sa palagay ko siya ay saktong tama. “Ang muling pagkbuhay…ay isang pagluluwalhati ng Panginoong Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos.” Sinabi ng teksto natin ang higit na parehong bagay,
“Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14).
Sa nag-iisang pagbabagong loob, ang Banal na Espiritu ay nagsasanhi sa isang taong makita si Hesus at maluwalhati Siya, at mapalabis Siya, at “magyabang” patungkol sa Kanya, at kumanta tungkol sa Kanya! Sa muling pagkbuhay, nagsasanhi ang Banal na Espiritu na maraming mga taong makita si Hesus at maluwalhati Siya, at mapalabis Siya, at “magyabang” patungkol sa Kanya, at kumanta tungkol sa Kanya, at manirahan sa Kanya – sa Kanyang pag-aalay sa Krus, at sa Kanyang Dugong, ibinuhos para ang ating mga kasalanan ay mapatawad at malinis.
Wala halos na kahit anong himno o Ebanghelyong kantang naisulat tungkol sa Dugo ni Kristo sa loob ng isang daang mga taon! Bakit? Dahil dumaan na tayo sa isang mahaba, at madilim na panahon na walang muling pagkabuhay. Mukang iniisip na ngayon ng mga mangangaral na ang muling pagkbuhay ay nakasentro sa Banal na Espiritu. Ngunit mali sila. Ipinapakita ng ating teksto na mali sila.
“Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14).
Tiyak na mayroong pangangailangang mangaral na higit kay Hesu-Kristo Mismo! Tiyak na kailangan mong mag-isip ng higit pa tungkol kay Hesu-Kristo Mismo! Tiyak na bawat di ligtas na mga tao ay kailangang maidala na harap harapan kay Hesus, dahil siya lamang ang makapagpapatawad ng iyong kasalanan at maliligtas ka mula sa paghihirap sa buhay na ito, at sa Impiyernong apoy sa buhay na darating! Tiyak na ang ating mga simbahan ay nangangailangan ng higit pang mga kanta tulad nito mula kay Dr. John R. Rice,
Mayroong kaming isang kwento tungkol sa pag-ibig
Na higit sa lahat ng antas.
Sinasabi namin kung paano ang mga makasalanan
Ay maaring mapatawad.
Mayroong libreng kapatawaran, dahil si Hesus ay nagdusa,
At gumawa ng pagbabayad sa puno ng Kalbaryo.
O, anong bukal ng awa ang umaagos,
Pababa mula sa naipakong Tagapagligtas ng tao.
Mahal ang dugo na ibinuhos Niya upang iligtas tayo,
Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating kasalanan.
(“O Anong Bukal.” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Kantahin ang koro kasama ko,
O, anong bukal ng awa ang umaagos,
Pababa mula sa naipakong Tagapagligtas ng tao.
Mahal ang dugo na ibinuhos Niya upang iligtas tayo,
Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating kasalanan.
Kung nawawala mo ang pag-ibig ni Hesus, walang ibang bagay ang makatutulong sa iyo! Kung nawawala mo ang krus ni Hesus, walang ibang bagay ang makapapalugod sa iyo! Kung nawawala mo ang Dugo ni Hesus, walang ibang bagay ang makaliligtas sa iyo! Magpunta kay Hesus. Magtiwala sa Kanya. Walang ibang bagay ang makatutulong sa iyo! “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Dr. Chan, pangunahan mo kami sa panalangin. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Kapag Duduraduin ng Umaga ang Himpapawid.”
Isinalin mula sa “When Morning Gilds the Skies”
(isinalin mula sa Aleman ni Edward Caswell, 1814-1878; binago ng Pastor).
|