Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




LULUWALHATIAN NIYA AKO

(PANGARAL BILANG 5 SA MULING PAGKABUHAY)

HE SHALL GLORIFY ME
(SERMON NUMBER 5 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-17 ng Agosto taon 2014


Si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay isang maingat na mag-aaral ng muling pagkabuhay. Inaral niya ang kasaysayan ng mga muling pagkbuhay, at naranasan pati ang muling pagkabuhay sa kanyang sariling kongregasyon sa Wales noong taon 1931. Sa isang leksyon ibinigay niya ang sinabi ng dakilang ebanghelistang si Howell Harris (1714-1773) sinabi ng “Doktor”, “Tayo ay muli nasa isang kondisyon ng kadiliman at pagkamatay napaka pareho doon sa maagang mga taon ng ika-18 na siglo” (Isinalin mula kay D. M. Lloyd-Jones, Ang Mga Puritano: Ang Kanilang mga Pinanggalingan at mga Kapalit [The Puritans: Their Origins and Successors], The Banner of Truth Trust, 1996 edisiyon, pah. 302). Sa isa pang aklat, nagsalita si Dr. Lloyd-Jones patungkol sa “teribleng apostasiya na lumalagong naglalarawan ng simbahan ng huling daang [ngayon ay 150 taon] mga taon” (Isinalin mula sa Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, pahina. 55).

Sa aking sariling karanasan ng 55 na mga taon sa pangangasiwa, nakakita ako ng nakamamanghang pagbagsak sa buhay at kapangyarihan ng ating mga simbahan. Ang mga simbahan ngayon, sa pinaka higit na bahagi, ay di halos kamukha ng mga simbahan ng aking pagkabata – at ang pagbabgo ay hindi mainam na bagay. Sa katunayan, “tayo muli ay nasa isang kondisyon ng kadiliman at pagkapatay.” Sa katunayan, tayo ay nasa isang “teribleng apostasiya.”

Ako’y kumbinsido na ang teribleng kondisyon na ito ay dumating sa pinaka higit dahil nalimutan ng mga pastor kung anong gumagawa sa isang taong isang Kristiyano. Sa aking karanasan, napaka kaunting mga mangangaral ang naka-aalam ng kahit anong praktikal tungkol sa pagbabagong loob at ang bagong pagkapanganak, ngunit hindi ako magsasalit tungkol riyan ngayong gabi.

Marami doon sa mga nagsasalita patungkol sa muling pagkabuhay ay alam na kailangan natin ang Banal na Espiritu upang mayroong gawing isang bagay upang ipanumbalik ang mga simbahan! Ngunit napaka kaunti ang may alam kung anong sakto itong kailangan natin na gawin ng Banal na Espiritu. Hindi nila alam kung anong kailangan nilang gawin ng Banal ng Espiritu dahil hindi nila natatanto ang teribleng lalim ng problemang humaharap sa kanila. Ang akala nila na karamihan sa kanilang mga tao ay ligtas at akala nila na alam nila kung paano magabay ang mga bagong mga tao sa isang kaligtasang karanasan. Gayon wala akong alam na kahit anong pangunahing mangangaral na mayroong sapat na paka-alam sa paksang ito. Bilang resulta, malaking bilang ng ating mga simbahan ay puno, sa lahat ng kanto, ng mga nawawalang tao! Nagsulat kami ng mas malalim patungkol sa problemang ito sa aming aklat na, Ang Apostasiya Ngayon [Today’s Apostasy] (i-klik ito upang basahin ito).

Hindi ako tutungo sa problema ng muling pagkabuhay sa isang maramihang diwa ngayong gabi. Ang aking diin ay ang magsalita patungkol sa anong dapat nating ipag-dasal kung gusto natin ang Diyos na magpadala ng muling pagkbuhay sa ating sariling mga lokal na simbahan. Isa sa mga bitag na maari tayong mahulog sa ay kapag nagbabasa tayo ng mga aklat patungkol sa muling pagkabuhay ay inaasahan natin ang isang malaking pagbabaygo sa lahat ng mga simbahan – sa pinaka kaunti ay isang napaka laking bilang sa mga ito. At kapag hindi natin iyan nakikitang nangyayari nakadarama tayo ng pagkawalang pag-asa.

Dapat nating maintindihan na ang bawat tunay na pagbabagong loob ay isang himala. Tinitignan ko at ni Dr. Cagan ang listahan noong mga inaasahang napagbagong loob. Natagpuan namin na mayroong mga inaasahang napagbagong loob kada buwan. Iyan ay, ang himala ng muling pagkabuhay ay naganap kada buwan sa aming simbahan sa loob ng isang taon. Ang tinutukoy ko ay hindi isang “desisyon” siyempre, ang tinutukoy ko ay isang tunay na pagbabagong loob. Ang ating ipinanalangin natin sa isang muling pagkabuhay ay para sa mas higit na maraming mga pagbabagong loob na himala, para ang Diyos ay bumaba at magpagbagong loob ng mas maraming mga tao kay Kristo.

Ngayon, anong sakto ang dapat nating ipanalangin? Naniniwala ako na ang ating pangunahing alalahanin ay ang manalangin para sa Banal na Espiritung bumaba sa isang mas matinding kapangyarihan. Natanto ko na maraming mga tao ang tatanggihan ang anumang sasabihin ko patungkol sa paksang ito. Napakaraming huwad na pagtuturo sa Banal na Espiritu sa ika-dalawampung siglo na hindi ko sila masisisi. At gayon man ang Banal na Espiritu ay ang pinanggagalingan ng indibiwal na pagbabagong loob, gayon din ang mga muling pagkabuhay. Ngayon iniisip ng mga miyembro ng simbahan na ang sinasanhi ng Banal na Espiritu ang mga taong “magsalita sa dila,” o magawang magkaroon ng maraming pera, o maging pisikal na mapagaling. Ngunit wala sa mga iyan ang mayroong kinalaman sa sentral na gawain, ang pangunahing gawain ng Banal na Espiritu. Paki lipat sa iyong Bibliy sa Juan 16:14. Dito makikita natin ang pangunahing gawain ng Espiritu ng Diyos. Sinabi ni Hesus,

“Luluwalhatiin niya ako” (Juan 16:14).

Ang Griyegong salitang isinalin na “luluwalhatian” ay nangangahulugang “parangalan, pahalagahan, palabisin, purihin” (Isinalin mula kay Strong #1392). Ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang luwalhatian si Kristo, upang magsanhi sa ating pahalagahan si Kristo, upang palabisin si Kristo, at magsanhi sa ating parangalan Siya.

Kapag ang mga tao ay mayroong huwad na pagbabagong loob, ito’y laging dahil tinanggihan nila si Hesus Mismo. Gaya ng ipinunto ni Dr. Cagan sa kanyang aklat, na Ang Apostasiya Ngayon [Today’s Apostasy],

Ang mga taong mayroong Bautista, ebanghelikal o Narepormang pinanggalingan ay madalas nagtitiwala sa pagbibinyag, pagsasabi sa “panalangin ng makasalanan,” o sa isipang paniniwala ng Kristiyanong doktrina, gaya ng nagagawang mabigkas ang “plano ng kaligtasan,” o ang “Westiminister na Katekismo,”

Ang mga tao na mayroong isang karismatiko o Pentekostal na pinanggalingan ay madalas nag-iisip ayon sa mga pakiramdam o mga karanasan. Kung ang isang tao ay mayroong isang karanasan sa iniisip niyang ang “Banal na Espiritu,” ay nararamadaman ang pagpapala ng Diyos sa kanyang buhay, o nararamdaman ang kapayapaan o tuwa sa kanyang puso, itinuturing niya ang kanyang sariling ligtas.


Maraming mga tao tulad niyan ay nagpupunta sa amin para sa pagpapayo, naghahanap ng kasiguraduhan o isa pang pakiramdam kung sa katunayan hindi pa sila kailan man naligtas sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Kristo (Ang Apostasiya Ngayon, [Today’s Apostasy], Hearthstone Publishing, 2001 edisiyon, pah. 141).

Narito ang paraan na madalas na lumalabas sa aming simbahan Kapag tinatanong sila ng pastor na magsalita tungkol sa araw na sila’y naligtas, walang paltos na sila’y magsisimula sa isang mahabang “mabuhok na asong” kwento, madals binibigay ang kanilang mga kaisipan tungkol sa isang pangaral na kanilang narinig, at marming ibang mga detalye, na maaring maisama pati ang pakakadamang sila’y makasalanan. Karaniwang mainam ang kwentong kanilang naibibigay, madalas ay nagpupunta sa matinding detalya, na nagdadalas sa kanilang tinatawag na pagbabagong loob. Tapos titigil silang biglaan. Sila’y halog laging natatapos sa pagsasabing, “At tapos nagtiwala ako kay Hesus,” o “at tapos nagpunta ako kay Hesus.”

Tapos kapag tinanong namin sila na magsabi sa amin ng kaunti tungkol kay Hesus, at tungkol sa anong nangyari noong nagpunta sila sa Kanya (o nagtiwala sa Kanya). Diyan nasisira ang buong bagay. Wala silang masabi masyado, kung mayroong man, tungkol kay Hesus Mismo. Sa kanyang aklat, Sa Paligid ng Maliit na Pintuang Tarangkahan [Around the Wicket Gate], sinabi ni Spurgeon, “Mayroong ubod nang samang ugali sa mga taong alisin si Kristo Mismo sa Ebangehelyo” (Isinalin mula sa Pilgrim Publications, 1992 edisiyon, pah. 24). Sinasabi ko sa kanila na gusto ko silang magpatuloy na magpunta at makinig sa Ebanghelyo. Gusto kong matiyak na si Hesus ay sentral sa kanilang mga testimony. Gaano man kamangha-mangha ang testimonyo ng isang tao, kung si Kristo ay hindi sentral, sila pa rin di ligtas!

Gumagawa ang Banal na Espiritu ng dalawang pangunahing bagay sa bawat tunay na pagbabagong loob. Ang unang bagay ay sa Juan 16:8-9,

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol: Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin” (Juan 16:8-9).

Ang kombiksyon ng kasalanan ay ang unang gawain ng Espiritu ng Diyos. Nakagisnan na nating gawin ang pagbabagong loob na isang hindi mahalagang bagay, isang maliit na bagay, na maaring magkaroon ang isang tao sa pamamagitan ng pagbubulong ng kaunting mga salita, o pagkakatutong magsabi ng ilang mga bagay. Tulungan tayo ng Diyos! Inalis natin ang Banal na Espiritu! Nalimutan natin na dapat Niya tayong makumbinsi ng ating malalim na kasalanan at rebelyon laban sa Diyos! Inilarawan ni Dr. Lloyd-Jones ang kumbiksyon bilang pagkakakita ng salot ng iyong sariling puso, at ang pagkadumi ng kalikasan na iyong namana mula kay Adam. Ang kumbiksyon ay ang pagkakakita ng iyong pagkawalang pag-asa, at ang iyong ganap na kalungkutan, sa harap nitong banal, makatuwirang Diyos, na kinamumuhian ang kasalanan ng Kanyang buong pagkabuhay (ipinakahuluguhan sa ibang salita mula sa Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, pah. 42). Iyan ay nangyayari, aproksimado sa lahat ng mga tunay na napagbagong loob. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jone, “Ang kahit sinong taong nagising at nakumbinsi ng kasalanan ay dapat magulo tungkol rito. Paano siya mamamatay at mahaharap ang Diyos?” (Isinalin mula sa Kasiguraduhan, Mga Taga Roma 5 [Assurance, Romans 5], The Banner of Truth Trust, 1971, pah. 18).

Kaya iyan ang unang bagay na ginagawa ng Banal na Espiritu sa isang tunay na pagbabagong loob. Ginugulo niya ang mga tao. Kung ika’y di lubos na nagulo tungkol sa pagkamakasalanan mong kalikasan, hindi ka mag-iisip ng higit tungkol sa Panginoong Hesu-Kristo. Nadirinig mo ang mga salita tungkol sa Kanyang pagkamatay sa Krus, ngunit napakakaunti ng halaga nito sa iyo. Bakit? Dahil ika’y di kailan man nakumbinsi “sa kasalanan, at, sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). At gayon man ang hindi dapat sumalalay ang nawawalang makasalanan sa kumbiksyon lamang! Ang kumbiksyon lamang ay di magliligtas sa iyo!

Kamakailan lang ay kinausap ko ang isang binata na nasa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan ng maraming araw. Sinabi ko sa kanya na magpunta kay Hesus para sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Mukhang ginawa niya ito. Mukhang nagpunta siya kay Hesys. Naghintay ako ng ilang linggo at tapos tinanong ko siya na sabihin sa akin kung paano siya naligtas. Nagpatuloy-tuloy siya tungkol sa kanyang kasalanan. Walang pagdududa na siya’y naging nasa ilalim ng matinding kumbiksyon. Ngunit nagtapos siya sa pagsasabing, “At tapos ako’y nagpunta kay Hesus.” Hiniling kong magsalita pa siya ng higit tungkol kay Hesus. Nagkandarapa siya, ngunit malinaw, kahit na siya’y nakumbinsi ng kanyang pagkakasala, hindi siya nakahanap ng kapayapaan sa pamamagitan ng Tagapagligtas at Kanyang Dugo!

Madalas tinatanong ako ng mga tao, “Paano magpupunta kay Hesus?” Upang sagutin ang tanong na iyan, dapat nating tignan ang Juan 6:44,

“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44a).

Dapat kang madala kay Hesus sa pamamagitan ng Diyos ang Ama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ayon sa pangkalahatan, ang Espiritu ng Diyos ay magdadala lamang sa isang makasalanan kay Hesus kapag siya ay nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, at sumisigaw para sa awa. Kapag ang Banal na Espiritu ay nagdadala sa isang tao kay Hesus, ito’y madalas na parang sila’y bulag noon, at ngayon ang kanilang mga mata ay bukas – at nakikita nila ang magandang Tagapagligtas, hinahawakang malawak ang Kanyang mga braso upang yakapin sila! Makakanta nila kasama ni John Newton (1725-1807),

Ako noon ay nawawala, ngunit ngayon nahanap na,
Noon ay bulag, ngunit ngayon nakakikita na.
     (“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa “Amazing Grace”).

Kaya, kapag magsasalita tayo tungkol sa muling pagkabuhay, dapat tayong mag-isip sa mga kondisyon ng Ebanghelyo. Ang muling pagkbuhay ay walang iba kundi ang Espiritu ng Diyos na ginagawang maramdaman ng mga tao ang kanilang kasalanan, at tapos dinadala sila kay Hesus para sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Kapag iyan ay mangyayari sa isang tao, gaya ng ito’y nangyayari sa aming simbahan kada ilang linggo, iyan ay pagbabagong loob, ang himala ng pagbabagong loob! Ginawa itong malinaw ni John W. Peterson sa isa sa kanyang mga kanta,

Kinailangan ng isang himala upang ilagay
   ang mga bituin sa lugar:
Kinailangan ng isang himala upang ibitin
   ang sanglibutan sa kalawakan.
Ngunit noong iniligtas Niya ang aking kaluluwa,
   Nilinis at ginawa akong buo,
Kinalangan ng himala ng pag-ibig at biyaya.
      (“Kinailangan ng isang Himala.” Isinalin mula kay
         “It Took a Miracle” ni John W. Peterson, 1921-2006).

At kapag ang himalang iyan ay mangyayari sa isang dami ng mga tao ng isang beses, sabihin nating 10 o 12 na mga tao sa isang beses sa isang lokal na simbahan, iyan ay muling pagkabuhay! Ganoon lang ito ka-simple! Ang nangyayari sa isang nag-iisang pagbabagong loob ay nangyayari sa maraming mga tao sa isang maikling panahon sa muling pagkabuhay. Kapag ang Banal na Espiritu ay darating sa muling pagkabuhay na kapangyarihan, lagi Niyang luluwalhatian si Hesus sa mga buhay ng maraming mga napagbagong loob!

“Luluwalhatiin niya ako” (Juan 16:14).

Pakinggan si Dr. Lloyd-Jones ng isa pang beses.

     Ang muling pagkabuhay higit sa ibang bagay, ay isang pagluluwalhati ng Panginoong Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Ito ay ang pagpapanumbalik Niya sa sentro ng buhay ng simbahan…Walang halaga sa tinatawag na Kristiyanismo na hindi nagpapakadakila sa Kanya, at nabubuhay para sa Kanya, at nabubuhay upang sumaksi [sa] Kanya…lalo na sa Kanyang pagtutubos. Muli sinisipi ko sa inyo purong katunayan na maari mong masiguradp sa inyong mga sarili. Matatagpuan ninyo na sa bawat panahon ng muling pagkabuhay, na walang pagbubukod, mayroong matinding pagdidiin sa dugo ni Kristo. Ang mga himno na kinakanta sa lahat ng mga panahon ng muling pagkabuhay, ay tungkol sa dugo… Ang pinaka…puso ng Kristiyanong ebanghelyo ay, “Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:25)…Wala akong nakikitang pag-asa para sa muling pagkabuhay habang ang mga kalalakihan at mga kababaihan ay tinatangihan ang dugo ng krus… (Muling Pagkabuhay [Revival], ibid., mga pah. 47, 48, 49).

Mayroong isang bukal na puno ng dugo
Kinuha mula sa mga ugat ng Emanuel;
At mga makasalanan ay lumulubog sa ilalim ng bahang iyan,
Nawawala ang lahat ng kanilang pagkakasalang mantsa;
Nawawala ang lahat ng kanilang pagkakasalang mantsa.
   (“Mayroong Isang Bukal.” Isinalin mula sa
   “There Is a Fountain” ni William Cowper, 1731-1800; sa tono ng
      “Ortonville,” “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).

Kapag aking tinignan ang nakamamanghang krus
   Kung saan ang Prinsipe ng luwalhati ay namatay,
Ang aking kayamanan nakamit binilang ko ngunit nawala,
   At nagbubuhos ng pagdusta sa lahat ng aking pagmamalaki.

Tignan, mula sa Kanyang ulo, Kanyang mga kamay, at Kanyang paa,
   Pagdurusa at pag-ibig umaagos na magkahalo pababa;
Ang ganoong uri ng pag-ibig ba at pagdurusa kailan man nagkasama,
   O mga tinik na gumagawa ng napaka yamang korona?
(“Kapag Aking Tinignan ang Nakamamanghang Krus.” Isinalin mula sa
“When I Survey the Wondrous Cross” ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).

Sa panganib na maling maintindihan, naramdaman ko na dapat kong sabihin na dito nagkakamali ang mga karismatiko at mga Pentekostal. Nakagisnan nilang sumentro sa Banal na Espirito Mismo. Ang kamatayan ni Hesus sa Krus ay hindi ang pangunahing bagay. Sila’y nasasabik tungkol sa mga pagpapagaling, mga pagkikitil sa Espiritu, mga tanda at himala. Gaano man sila magprotesta sa sasabihin ko, hindi nila ginagawa ang pakikipagpalit na kamatayan ni Hesus sa Krus na pangunahing paksa! Kumbiksyon ng kasalanan, at kapatawaran sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo ay hindi sentral. Ngunit dapat kong sabihin rin na tayong mga ebanghelikal at mga pundamental ay hindi mas maigi! Tayo ay abala sa pagtuturo ng berso-kada-berso sa nawawalang mga tao na nagproproklemang mga Kristiyano sa ating mga simbahan. Dito tayo lahat nagkamali. Ang pinaka sentro ng Kristiyanong Ebanghelyo ay si Hesu-Kristo at Siyang naipako sa krus. Ang pinaka dakilang mangangaral na nagawa ng Kristiyanismo kailan man ay nagsabing,

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mgs Taga Corinto 2:2).

Hindi tayo kailan man magkakaroon ng muling pagkabuhay kung ang mga kalalakihan at mga kababaihan ay nakapagsasabi lamang ng “At tapos nagpunta ako kay Hesus.” Tulungan tayo ng Diyos! Kung iyan lang ang lahat na masasabi mo tungkol sa Kordero ng Diyos na pinahirapan at ipinako sa krus upang iligtas ka, gayon sa tinggin ko ikaw ay kasing bulag gaya ng isang Saksi ni Jehova o isang Muslim! Sila rin, ay nagsasalita tungkol kay Hesus! Nasaan ang Dugo? Nasaan ang walang mapaparisang pag-ibig na nagdala sa Kanya mula sa mataas na mga korte ng Langit upang mahampas, maduraan, at maipako sa krus?

Minsan sa tinggin ko ay nabigo kita. Kahit paano hindi ko naituro sa iyong ibigin si Hesus ng sapat upang magsalita ng kahit kaunti tungkol sa Kanya. Kahit paano ay hindi kita makuhang ibigin si Hesus. Hindi kita makuhang tunay na maramdaman, at magawang maasabing,

Iniibig Kita, dahil ako’y inibig Mo muna,
At binili ang aking kapatawara sa puno ng Kalbaryo;
Iniibig Kita para sa pagsusuot ng mga tinik sa Iyong noo,
Kung kailan man ay inibig Kita, aking Hesus ito’y ngayon na.
   (“Aking Hesus, Iniibig Kita.” Isinalin mula sa
      “My Jesus, I Love Thee” ni William Featherstone, 1842-1878).

O, iniibig kong mga kaibigan, tayo at mag-ayuno at manalangin muli sa sunod na Sabado hanggang 5:00. Tayo at mag-ayuno at manalangin para sa Banal na Espiritu upang gawin ang dalawang mga bagay – magkumbinsi ng kasalanan, at luwahatian si Hesus sa pamamagitan ng pagdadala ng mga makasalanan sa Kanya, para sa paglilinis ng Kanyang Dugo. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Juan 16:7-14.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Mayroong Isang Bukal” Isinalin mula sa “There Is a Fountain”
 (ni William Cowper, 1731-1800; sa tono ng “Ortonville,”
“Majestic Sweetness Sits Enthroned”).