Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG KARANASAN NG PAGIGING MAG-ISA!THE EXPERIENCE OF LONELINESS! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Tumingin [ako] sa aking kanan, at [tinignan ko]: sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin: kanlungan ay kulang ako; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa” (Mga Awi 142:4) – [KJV]. |
Si haring Saul ay tinanggihan ng Diyos. Tapos mayroong pinahidan si Samuel na isang binata na ang pangalan ay David upang maging hari. Si Saul ay nainggit ng lubos kay David na siya’y naging naimpluwensyahan ng demonyo. Sa isang galit na nababaliw na pagkapoot, naghagis ng isang sibat si Haring Saul tungo kay David, ngunit hindi niya siya tinamaan. Kinailangang tumakas ni David para sa kanyang buhay. Si David ay nagpunta ng malayo sa kaparangan at nagtago sa isang kweba. Siya’y takot at nagugutom at nag-iisa. Pansinin ang mga inspiradong mga salita sa ilalim ng mga salitang “Mga Awit 142,” “Maschil [o pagtuturo] ni David: Isang panalangin noong siya’y nasa kweba.” Ang mga salitang iyon ay bahagi ng insipardong teksto na idinagdag mayamay. Kaya alam natin na si David ay lubusang nagugulo, at natatakot, at nag-iisa – nagtatago sa isang kweba mula sa isang sinapian ng demonyong hari. Walang gustong maugnay kay David dahil sila’y takot sa kay Haring Saul. At sinabi ni David,
“Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa” (Mga Awit 142:4).
Walang nag-alala para sa aking kaluluwa. Siya ay nag-iisang lubos. Ngunit mayroong siya ang Diyos, alin ay higit sa mayroon ang marami sa mga kabataan ngayon.
Hindi ako nagpunta sa isang Kristiyanong kolehiyo. Nagtapos ako mula sa Cal State L.A. Sa ilang paraan natutuwa ako na nagpunta ako sa isang sekular na paaralan. Inilagay ako nitong malapit sa kung anong itinuturo sa mga kabataan, at kung anong pinag-iisipan nila. Nag-aral ako ng makabagong literature. Karamihan sa mga makabagong may-akda ay mga ateyista at eksistensyalista. Nagsalita sila tungkol sa pagkakalayo at pagkamag-isa ng buhay sa makabagong mundo.
Si H. G. Wells ay ang may-akda ng Ang Makina ng Oras [The Time Machine at ang Ang Balangkas ng Kasaysayan [The Outline of History. Sinabi niya, “Ako’y anim na pung taong gulang, at ako’y nag-iisa at hindi kailan man nakahanap ng kapayapaan.” Ang nagtatagumpay ng Pulitzer Premyo na nobelistang si Ernest Hemingway ay nagsabing, “Nakatira ako sa isang manghihigop na kasing nag-iisa ng isang tubo ng radyo kapag ang mga baterya ay patay at walang kuyenteng mapagsaksakan.” Sa kanyang dulang, Mahabang Araw na Paglalakbay sa Gabi [Long Day’s Journey Into Night], sinabi ni Eugene O’Neil, “Ang nag-iisang ibig sabihin ng buhay ay kamatayan.” Ang tema ng dula ay ang eksistensyal na pagkamag-isa ng tao. Gumawa ng isang karir si Salinger sa pagsusulat ng maiikling kwento at mga nobela tungkol sa pagkakalayo at pagkamag-isa ng mga kabataan sa ating kultura.
Namatay si H. G. Wells na isang nag-iisa, walang pag-asang matandang lalake. Pinatay ni Ernest Hemingway ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbabaril ng kanyang sarili sa ulo gamit ng isang iskopeta. Ang pangunahing karakter sa dula ni O’Neill ay isang desperadong adik, na sumusubok na pagalingin ang kanyang paggiging mag-isa gamit ng droga. Si J. D. Salinger ay naging lubos na nahuhumaling sa pagkamag-isa ng mga kabataan na siya’y naging nag-iisa, at binuhay ang buhay ng isang ermitanyo ng halos limampung taon.
Ang pagiging mag-isa ay isang pangunahing problem ng mga kabataan ngayon. Ang kanta ng Green Day na “Maluwag na Lansangan ng Sirang mga Panaginip” [“Boulevard of Broken Dreams”], ay ipinahihiwatig ang nararamdaman ng maraming hayskul na edad at kolehiyong edad na mga kabataan, “Naglalakad akong mag-isa. Naglalakad akong mag-isa.” Oo, natatandaan ko kung paano ang pakiramdam niyan noong ako’y bata. Maari mong maramdamang nag-iisa kahit na ika’y nasa gitna ng maraming tao. Isang websayt ang nagsasabi sa atin na “Ang pagkamag-isa ay isang pakiramdam ng pagkawalang laman o pagkaguwang ng kalooban mo. Nararamadaman mong nahihiwalay sa lahat o ihinihiwalay mula sa mundo, nakaputol mula doon sa mga taong gusto mong maka koneksyon” (Isinalin mula sa sa http://www.counseling.ufl.edu/cwc/how-to-deal-with-loneliness.aspx). Ganyan ang naramdaman ni David, nagtatago sa kwebang iyon noong sinabi niyang,
“Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa” (Mga Awit 142:4).
Maraming mga kabataan na ganyan ang nararamdaman sa ating panahon. Iyan ang dahilan na bibigyan ko kayo ng tatlong mga kaisipan ngayong umaga na panalangin ko ay makatutulong sa iyong makayanan ang pagkamag-isa.
I. Una, mayroong iba’t ibang mga uri ng pagkamag-isa.
Sinabi ng websayt,
Mayroong ibat’ ibang uri ng pagkamag-isa at iba’t ibang antas ng pagkamag-isa. Maari mong maranasan ang pagkamag-isa na isang malabong pakiramdam na mayroong isang bagay na di tama, isang uri ng minor na pagkawalang laman. O maaring mong maramdaman ang pagkamag-isa na isang napaka tinding pagkakait at malalim na sakit. Isang uri ng pagkmag-isa ay maaring kaugnay sa pananabik sa isang tiyak na indibidwal dahil namatay sila o sil’'y napaka layo. Isa pang uri ay maaring makasama ng pagkakaramdam na mag-isa at walang koneksyon sa mga tao dahil ika’y aktwal na pisikal na nakahiwalay mula sa mga taong tulad mo, na maaring [mangyari] kung ika’y nagtratrabahong mag-isa sa isang pang gabing oras o malayong nag-iisa sa isang bahagi ng gusali kung saan madalang magpunta ang mga tao. Maari ka pa ngang makaramdam ng emosyonal na nahihiwalay [at nag-iisa] kapag ika’y napaligiran ng mga tao ngunit nagkakaroon ng kahirapang maabot sila (isinalin mula sa ibid.).
Ayon sa maraling psikolohikal na pag-aaral, ang mga kolehiyong mag-aral ay partikular na madaling tablan ng pagkamag-isa. Ang kampus ay hindi mukhang nagdadala ng mga tao ng sama-sama sa isang permanenteng relasyon. An mga kabataan ay nagpupunta sa isang unibersidad o kolehiyo ng madalas na nararamdaman para bang ang buong mundo ay dinadaanan sila, at walang nakaiintindi sa kanila o may paki-alam sa kanila. Wala silang sinomang mapupuntahan.
Ito’y tumbalik na ang isang sibilisayon na nakalikha ng mga awtomobil, mga eroplano, telebisyon, at paglalakbay sa kalawakan ay hindi nagbibigay ng kahit anong makapipigil sa iyong maging nag-iisa! Ang iyong mga magulang ay umuuwi mula sa trabaho na pagod-na-pagod at uupo sa harap ng telebisyon. Wala silang oras na kausapin ka, o makinig sa iyo. Marami sa inyo ay nanggagaling mula sa mga hiwalay na mga tahanan. Ang mga anak ng diborsyo ay dumadaan sa isang espesyal na impiyerno ng pagkamag-isa. Ngunit halos bawat kabataan na nakakausap ko ay naramdaman iyan sa isang panahon.
Isang babae ang nagsabi, “Ako’y teribleng nag-iisa. Hindi ako kailan man kinakausap ng aking mga kapit bahay.” Sinabi ng isang binata, “Mukhang hindi ako kailan man magkaroon ng mga kaibigan, dahil sa huli iyong mga mukhang mga kaibigan ay iiwanan ako.” Naramdaman mo ba ang ganyan kailan man? Ganyan ang naradaman ni David noong siya ay nagtatago sa kweba. Sinabi niya,
“Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa” (Mga Awit 142:4).
Naniniwala ako na ang pagiging mag-isa ay isa sa mga pangunahing dahilan na napaka raming mga kabataan ang pumapatay ng kanilang sarili ngayon. Alam mo ba na ang pagpapatay sa sarili ay isa sa pinaka matinding dahilan ng pagkamatay sa mga kabataan mga edad 15 at 23 na taong gulang? Isang kabataan ang pumapatay sa kanyang sarili bawat dalawang oras at anim na minuto, gabi at araw, sa Estados Unidos. Sinasabi ng mg psikolohiya na ang pangunahing dahilan na pinapatay nila ang kanilang sarili ay ang pagiging mag-isa. Tama ang Diyos noong sinabi Niyang,
“Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18).
II. Pangalawa, maari kang makadagdag sa iyong sariling pagkamag-isa.
Tama iyan, maaring ikaw ang pinaka may responsibilidad sa pagsasanhi ng iyong sariling pagkamag-isa. Tamang sinabi ng websayt sa pagkamag-isa na,
Ang pagkamag-isa ay isang balintiyak na kalagayan. Iyan ay, ito’y napapanatili sa pamamagitan ng mapabalintiyak na hinahayaan itong magpatuloy at walang ginagawa upang baguhin ito. Inaasahan natin na ito’y mawawala, sa huli, [ngunit] wala tayong ginagawa kundi hayaan itong lamunin tayo nito. Nakapagtataka, mayroong mga panahon na maari nating yakapin ang pakiramdam. Gayon, ang pag-aakap sa pagkamag-isa at paglulubog sa mga pakiramdam na kasama nito ay madalas na nagdadala sa isang pakiramdam ng depresyon at walang magagawa, alin ay dahil dito ay nagdadala sa mas balintiyak na kalagayan at mas higit na depresyon [mas matindi kaysa sa pagigging mag-isa] (isinalin mula sa ibid.).
“Ang pagkamag-isa ay isang balintiyak na kalagayan. Iyan ay, ito’y napapanatili sa pamamagitan ng mapabalintiyak na hinahayaan itong magpatuloy.” Iyan ay tamang-tama. Ibig nitong sabihin na ika’y magpapatuloy na maramdaman na nag-iisa hangga’t mayroon kang gawin upang baguhin ang sitwasyon!
Ilang panahon noon nangaral ako ng isang pangaral sa pagkamag-isa ni Jacob mula sa Genesis 32:24. Sa gitna ng pangaral isang binata ang tumayo at tumakbo papalabas ng simbahan. Tumakbo siya imbes na makinig sa anong sasabihin ko tungkol sa simbahan na makapagpapagaling ng pagkamag-isa. Ngunit hindi mo malilipol ang pagkamag-isa sa pamamagitan ng pagtatakbo! Iyan ang natagpuan ni Cain. Sinabi ng Diyos sa kanya,
“Ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa” (Genesis 4:12).
Iyong mga tumatakbo mula sa simbahan ay nagiging mga gumagala, nag-iisang mga kabataan, tulad ni Cain! Sinasabi ng Bibliya,
“Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain” (Judas 11).
Isang teribleng bagay ang maging palaboy sa buhay na mag-isa, tulad ng ginawa ni Cain – tulad ng napakaraming mga kabataan ngayon!
Iyan ang dahilan na sinasabi namin, “Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi – kay Hesus, ang Anak ng Diyos!” Sinabi ng Diyos,
“Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18).
Iyan ang dahilan na binigay ng Diyos si Adam ng isang asawang nagngangalang Eba. At ang asawa ni Adam ay isang larawan ng simbahan ayon sa Scofield Pag-aaral na Bibliyang Bibliya. Ang sulat nito sa Genesis 2:23 ay nagsasabing,
Si Eba, isang tipo ng Simbahan bilang nobya ni Kristo (sulat sa Genesis 2:23).
Ibig sabihin nito na ang asawa ni Adam ay isang paglalarawan, o larawan ng lokal na simbahan. Sinabi ng Diyos,
“At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong [tagatulong na nararapat para sa kanya]” (Genesis 2:18).
At binigyan ng Diyos si Adam ng isang kasama at katulong. At siya ay isang larawan, isang paglalarawan, isang “tipo” ng lokal na simbahan. Ibinigay ng Diyos si Eba kay Adam upang pagalingin ang kanyang pagkamag-isa, at inilagay ng Diyos ang simbahang ito rito upang tumulong gamutin ang iyong pagkamag-isa! Ang simbahang ito ay narito upang tumulong na pagalingin ang iyong pagkamag-isa!
“At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong” (Genesis 2:18).
At ang “katulong” na ibinigay ng Diyos upang gamutin ang iyong pagkamag-isa ay ang simbahang ito! Narito kami upang tulungan kang masupil ang pagkamag-isa! Alam ko na maraming mga simbahan ay hindi nakatutulong sa iyo. Nugnit hindi sila ang tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay ang simbahang ito. Ito ay isang nakasentro sa kabataang simbahan. Narito kami upang tulungan ka!
Huwag kang magdagdag sa iyong sariling pagkamag-isa sa pananatiling malayo mula sa simbahan! Bumalik sa sunod na Linggo! Bumalik sa gabi ng Sabado! Bumalik mamayang gabi kung kaya mo! Mayroong kaming mga kaganapan para sa mga kabataan maraming gabi kada linggo. Bakit maging mag-isa? Umuwi sa simbahan!
III. Ngunit, pangatlo, mayroon kang mas malalim na pagkamag-isa.
Iyan ang pagkamag-isa na tinukoy ni Hemngway noong sinabi niya,
Nakatira ako sa isang tagahigop na kasing nag-iisa tulad ng isang tubo ng radyo kapag ang mga baterya ay patay na at walan koryente itong napagsasakan.
Isa sa ating mga binata ay nagsabi sa akin na nagbabasa siya ng isang kwento ni Hemingway para sa isang klase sa kolehiyo na kanyang kinukuha. Ang tawag rito’y, “Isang Malinis, Maiging Nailawang Lugar.” Ito’y tungkol sa isang eksistensyal na pagkamag-isa ng tao. Alam ni Hemingway ang tungkol riyan. Siya’y nakaharap sa isang tunay na ngumangatngat na kosmikong pagkamag-isa para sa Diyos. Hindi niya ito kailan man nasupil. Ilang taon maya-maya pinatay niya ang kanyang sarili. Ang pilosoper na si Friedrich Nietzsche ay nagsabing, “Ang Diyos ay patay.” Siya ay naging ateyista. Ilang taon maya maya naging baliw siya. Hindi siya mabuhay sa isang mundong walang Diyos, na walang kahulugan, na walang kapatawaran o pag-asa.
Kita mo ang pagpupunta sa simbahang ito, at pagpupunta rito kada linggo ay makatutulong mapagaling ang iyong pagkamag-isa para sa mga kaibigan. Ngunit paano ang iyong pagkalumbay mo para sa Diyos? Isa sa pinaka dakilang trahedya ng ika-dalawamg pung siglo ay na napakaraming mga kabataan ay di talaga kilala ang Diyos. At na wala ang Diyos walang pag-asa!
Oo, gusto kong bumalik kayo rito sa simbahan at magkaroon ng mga kaibigan – ngunit gusto ko ring mahanap mo ang Diyos. Sinabi ni Augustine, “Ang ating mga puso ay walang pahinga hangga sa mahanap ng mga ito ang pahinga sa Iyo.” Sinabi ng Pranses na pilosopong si Blaise Pascal na mayroong isang “Diyos na hugis tagahigop” sa ating mga puso. Ang ibig niyang sabihin ay mayroong isang pagkawalang lamang mantsa sa bawat puso ng tao na maari lamang mapuno ng Diyos.
Ngunit itinuturo ng Bibliya na ika’y putol mula sa Diyos sa pamamagitan ng iyong kasalanan. Sinasabi ng Bibliya,
“Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo …” (Isaias 59:2).
Mayroong paghihiwalay sa pagitan mo at ng Diyos na sanhi ng kasalanan. Si Adam at Eba ay itinaboy mula sa Hardin ng Eden dahil nagkasala sila. Hiniwalay sila ng kasalanan nila mula sa Diyos.
Itinuturo ng Bibliya na ang Diyos ay galit sa iyo dahil sa iyong mga kasalanan. At gayon man, sa parehong beses, iniibig ka Niya. Ang Diyos ay galit sa iyo dahil sa iyong kasalanan, ngunit sa parehong beses iniibig ka ng Diyos. Iyan ang dahilan na ipinadala Niya si Hesu-Kristo upang mamatay sa Krus. Namatay Siya sa Krus upang maipagkasundo ang Diyos sa iyo. Hindi maaring simpleng di pansinin ng Diyos ang iyong kasalanan. Ipinadala niya si Hesu-Kristo upang bayaran ang multa para sa iyong mga kasalanan sa Krus, “upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo” (Mga Taga Roma 3:26). Ang isang galit na Diyos ay maari lamang maipagkasundo sa pamamagitan ng alay ni Kristo sa Krus!
Hindi aksidente na namatay si Hesus sa Krus. Nagpunta Siyang sadya. Sinasabi ng Bibliya, noong ang panahon ay dumating para sa Kanya upang maipako sa krus, “pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” (Lucas 9:51). Tapos sinabihan ni Hesus ang mga Disipolo na,
“Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin, At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y kanilang alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus...” (Mateo 20:18-19).
Nagpunta Siya doon sa isang layunin upang mamatay sa Krus, upang ang iyong mga kasalanan ay mapatawad – at mahugasang malinis ng Dugo na ibinuhos Niya roon!
Ang mga kawal ay nagsidatin ang dinakip Siya sa kadiliman ng Gethsemani. Naglagay nila Siya sa mga kadena, binugbog Siya sa mukha, hinatak nila ng patse patse ang Kanyang balbas, kinaladkad nila Siya sa Romanong gobernador na si Pontiu Pilato. Binugbog nila ang Kanyang likuran hanggang sa halos mamatay na Siya. Naglagay sila ng krus sa Kanyang balikat at ginawa Siya kaladkarin Niya ito sa mga kalye. Ipinako nila ang Kanyang mga kamay at Kanyang paa sa krus na iyon. Tumingin si Hesus pababa sa kanila mula sa Krus at nagsabing,
“Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).
“Ama, patawarin mo sila!” gayon ang Kanyang ipinalangin
Kahit na ang Kanyang buhay na dugo ay umagos na mabilis papalayo;
Nananalangin para sa mga makasalanan habang nasa ganoong pighati –
Wala kundi si Hesus ang umibig ng ganoon.
Pinagpalang Tagapagligtas! Mahal na Tagapagligtas!
Parang nakikita ko Siya sa puno ng Kalbaryo;
Sugatan at nagdurugo, para sa pagmamakaawa ng mga makasalanan –
Bulag at malingat – namamatay para sa akin!
(“Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
“Blessed Redeemer” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Namatay si Hesus sa krus, dala-dala ang iyong mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan (cf. I Ni Pedro 2:24). Ang ulap ay naging madilim sa gitna ng araw. Noong namatay Siya, isang matinding lindol ang nagsanhi sa lupa na manginig. Isang makapal na kurtina na nagtatakip sa banal ng mga banal sa Templo ay nabiyak sa dalawa. Ang kamatayan ni Kristo sa Krus ay nagbayad para sa multa para sa ating kasalanan. Ang Dugong ibinuhos Niya upang maglinis ng ating kasalanan ay gumawa ritong posibleng makapunta doon kung naasan ang Diyos!
“Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus” (Mga Taga Hebreo 10:19).
Makapupunta ka lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakahugas ng iyong mga kasalanan gamit ng Dugo ng Kanyang Anak, si Hesu-Kristo. Maari ka lamang maipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan na pagkakalinis ng iyong mga kasalanan gamit ng Dugo ni Kristo.
Kung ika’y maging kasama sa simbahang ito, ang ilan sa inyong mga magulang ay maaring magsabi sa inyong inaaksaya ninyo ang inyong oras. Sinasabi ko sa inyo kung paano mag-aral ang gumawa ng maiinam na marka sa bawat paglilingkod. Itinuturo ko sa inyo kung paano gumawa ng mas mainam na mga marka. Ngunit ang ilang mga magulang ay magsasabi sa iyong kailangan mong manatili sa bahay at mag-aral pa, upang makagawa ka ng mas maraming pera kapag ika’y magtapos.
Ang kawawang si Robin Williams, ang tanyag na Amerikanong komedyante? Gumawa siya ng maraming pera higit sa kahit sinong kilala mo! Mayrong siya ng lahat ng bagay. Ngunit wala siyang simbahan. Wala siya ang Diyos. Ilang araw pagkatapos niyang pinatay ang kanyang sarili inilantad ng kanyang asawa na nagkakaroon siya na Parkinsons na sakit. Hindi niya ito maharap. Nag-iisa siya sa kanyang malaking bahay sa isang masaganang lugar ng Marin County, sa Hilagang California. Nagtali siya ng isang sinturon sa kanyang leeg at ibinitin ang kanyang sarili. Anong trahedya! Iniibig ko si Robin Williams! Nalungkot akong lubos para sa kanya na naiyak ako.
Sabihin mo sa iyong mga magulang iyan! Maari kang gumawa ng maraming pera, ngunit anong mangyayari kung ang masamang balita ay dumating, gaya ng pagdating nito sa lahat malapit na o maya maya? Anong mangyayari kung wala kang mga Kristiyanong mga kaibigan na mapupuntahan? Anong mangyayari kung wala ka ng Diyos na mapupuntahan sa panahon ng gulo?
Naway tulungan ka ng Diyos na makita ang iyong pangangailangan sa simbahan, na kailangan mo ng Kristiyanong mga kaibigan, na kailangan mo si Hesu-Kristo upang patawarin ang iyong kasalanan at bigyan ka ng kapayapaan sa Diyos. Iyan ang dahilan na sinasabi namin, “Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi – kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos!” Pagpalain kayong lahat ng Diyos. Amen. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Awit 142:1-7.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Malawak na Kalye ng Sirang mga Panaginip.” Isinalin mula sa “Boulevard of Broken Dreams” (ng Green Day, 2004)/
“Ito’y Di Isang Sekreto.” Isinalin mula sa “It Is No Secret” (ni Stuart Hamblen, 1908-1989).
ANG BALANGKAS NG ANG KARANASAN NG PAGIGING MAG-ISA! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Tumingin [ako] sa aking kanan, at [tinignan ko]: sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin: kanlungan ay kulang ako; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa” (Mga Awi 142:4) – [KJV]. I. Una, mayroong iba’t ibang mga uri ng pagkamag-isa, Genesis 2:18. II. Pangalawa, maari kang makadagdag sa iyong sariling pagkamag-isa, III. Pangatlo, mayroon kang mas malalim na pagkamag-isa, Isaias 59:2; |