Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




KUNG MAGKAGAYO’Y MANGAGAAYUNO SILA

(PANGARAL BILANG 4 SA MULING PAGKABUHAY)

THEN SHALL THEY FAST
(SERMON NUMBER 4 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-10 ng Agosto taon 2014

“Datapuwa't darating ang mga araw; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake, kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon” (Lucas 5:35).


Tinawag ni Hesus si Mateo upang maging Kanyang Disipolo. Tapos si Mateo ay gumawa ng isang dakilang pista sa kanyang sariling tahanan. “Maraming mga publikano at mga makasalanan ang dumating” at umupo sa pista kasama ni Hesus (isinalin mula sa cf. Mateo 9:10). Nakita ito ng mga Fariseo at tinanong si Hesus bakit siya kumain kasama ng mga ganoong masasamang mga tao. Sinabi ni Hesus, “Sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan” (Mateo 9:13). Ang ibig Niyan sabihin ay hindi siya dumating upang tawagin iyong mga nag-aakalang sila’y matuwid. Dumating Siya upang tawagin iyong alam nilang sila’y mga makasalanan.

Ang mga disipolo ni Juan Bautista ay nagpunta sa pista upang tanungin si Hesus. Tinanong nila Siya bakit sila, at ang mga Fariseo ay madalas mag-ayuno – ngunit ang Kanyang sariling mga Disipolo ay di nag-ayuno. Sinabi ni Hesus,

“Mangyayari bagang papagayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? Datapuwa't darating ang mga araw; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake, kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon” (Lucas 5:34-35).

Ang ibig sabihin ni Hesus ay na hindi nararapat para sa Kanyang mga Disipolong mag-ayuno – dahil naroon Siya kasama nila. Tinawag Niya ang Kanyang sariling “kasintahang lalake” at ikinumpara ang pista sa isang Hudyong kasal. Ngunit sinabi ni Hesus na Siya’y malapit nang “[maalis] sa kanila” (Lucas 5:35). Ibig Niyang sabihin na Siya’y aakyat pabalik sa Langit – at tapos sila’y mag-aayuno.

“Datapuwa't darating ang mga araw; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake, kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon” (Lucas 5:35).

Ngayon gusto kong magtuon ka ng pansin sa mga salitang iyon ni Kristo,

“kung magkagayo’y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon” (Lucas 5:35).

Sinabi ni John R. Rice,

Ang panahon nila ng pagdurusa, ng paghihintay para sa espiritwal na kapangyarihan at ang kanilang pag-uusig ay darating pagkatapos na [si Hesus] ay makuha papalayo, kaya sila’y mag-aayuno gayon. [Ang mga salitang “magkagayo’y mangagaayuno sila”] ay nagpapakita na ang mag disipolo ay maaring nag-ayuno sa loob ng panahon ng pananatili bago ng Pentekostes pagkatapos lang na si Hesus ay nakuha (Mga Gawa 1:12-14). Si Pablo ay nag-ayuno rin, nananalangin para sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Mga Gawa (9:9, 11, 17). Maya maya si Barnabas, Pablo at ibang mga mangangaral at mga guro ay nag-ayuno habang sila’y nanalangin at nag-antay bago ng Diyos, Mga Gawa 13:1-3 (Isinalin mula kay John R. Rice, D. D., Mga Hari ng mga Hudyo [King of the Jews], Sword of the Lord Publishers, 1980 edisiyon, pah. 144).

Ikinokondena ng Bibliya ang mapagkunwaring pag-aayuno, ngunit hindi nito kailan man kinokondena ang taos pusong pag-aayuno. Malinaw na sinasabi sa atin ng Bibliya na si Kristo Mismo ay nag-ayuno sa ilang malapit sa simula ng Kanyang pangangasiwa (Mateo 4:1, 2). Ang lahat ng tatlo sa mga sinoptikong Ebanghelyo (Mateo, Marcos, at Lucas) ay naitala ang mga salita ni Hesus sa atin, “Kung magkagayo’y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon.” Tayo ay nabubuhay pa rin sa “mga araw na iyon” – dahil iyan ang tagubilin ni Kristo para sa atin sa kasalukuyang dispensasyon na ito – “sa mga araw na iyon” kung saan atin pa ring binubuhay. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Ngayon ang pag-aayuno ay mayroong tunay na halaga…Ang pag-aayuno ay dapat gawin na may kaisipan na ating ipinakahandusay ang ating sarili sa harap ng Diyos dahil tayo ay nangangailangan ng Kanyang awa at Kanyang tulong” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 53; sulat sa Mateo 9:15).

Sinabi ni Spurgeon, “Ang pananalangin at pag-aayuno ay mayroong matinding kapangyarihan” (Isinalin mula sa “Ang Sekreto ng Pagkabigo” [“The Secret of Failure”]). Alam ko na iyan ay totoo. Sa unang matinding muling pagkbuhay nakita ko, ang mga taong nalimutang kumain, sila’y napaka abala sa kanilang panalangin. Daan-daang mga tao ay napagbagong loob sa loob ng tatlong taong panahon. Sa pangatlong muling pagkbuhay nakita ko, ang mangangaral ay napuwersang mag-ayuno at manalangin ng buong araw bago ipinadala ng Diyos ang muling pagkabuhay sa Linggong panggabing paglilingkod. Mga halos 500 na mga tao ang napagbagong loob, simula ng gabing iyon at nagpapatuloy ng mga halos tatlong mga buwan. Alam ko sa pamamagitan ng personal na karanasan na tama si Spurgeon noong sinabi niyang, “Ang pananalangin at pag-aayuno ay mayroong matinding kapangyarihan.” Ngunit sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Ang buong paksang ito [ng pag-aayuno] ay mukhang naalis mula sa ating mga buhay, at paalis mula sa buong Kristiyanong pag-iisip” (Isinalin mula sa Mga Pag-aaral sa Pangaral sa Bundok [Studies in the Sermon on the Mount, Eerdmans, 1987, pah. 39). Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang pag-aayuno ay ganoon na lamang na nawalang sining, napaka kaunti ang nagsasagawa nito, napaka kaunti ang naituro, na atin dapat isaalang-alang…ano ang ibig sabihin ng pag-aayuno” (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Panalangin – Paghihingi at Pagtatanggap [Prayer – Asking and Receiving], Sword of the Lord Publishers, 1970 edisiyon, p. 216). Narito ang ilang mga bagay na sinabi ni Dr. Rice tungkol sa pag-aayuno.

1. Ang ibig sabihin ng pag-aayuno ay paglalagay sa Diyos muna. Mayroong mga panahon na dapat nating talikuran ang lahat ng ibang bagay sa mundo at hanapin ang mukha ng Diyos. Sa mga ganoong mga panahon ay dapat mga panahon ng pag-aayuno at panalangin.

2. Ang ibig sabihin ng pag-aayuno ay pagbibigay ng buong puso sa panalangin at paghihintay sa Diyos. Kaya ang pag-aayuno ay tunay na paglalagay sa Diyos muna kapag ang isang tao ay nananalangin, pagkagusto sa Diyos higit sa pagkagusto sa pagkain.

3. Ang pag-aayuno ay masugid na panalangin. Walang punto sa pag-aayuno bilang isang bagay ng pagpaparusa sa sarili, kung hindi tayo mananalangin. Ang pag-aayuno ay dapat makasama ng masugid na panalangin, maalab na panalangin.

4. Ipinapakita ng pag-aayuno ang katapatan at lakas ng loob na sasagot ang Diyos. Ang panalangin ay madalas isang mababaw at di taos pusong bagay. Iyan ay isang dahilan na maraming mga panalangin ay di nasasaogt. Ipinapakita ng pag-aayuno sa Diyos na tayo ay napaka seryoso upang makuha Siyang sagutin tayo (isinalin mula sa ibid., mga pah. 218-220).


Tapos inilista ni Dr. Rice ang maraming mga bagay na ating maaring makuha mula sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin (Isinalin mula sa ibid., mga pah. 220-227).

1. Tulong sa panahon ng gulo ay madalas dumarating mula sa pag-aayuno at pananalangin. Isang panahon ng gulo ay isang mabuting panahon upang manalangin. At kung ang gulo ay tunay na masama, gayon ito’y isang mabuting panahon upang mag-ayuno rin gayon din manalangin.

2. Dapat tayong minsan mag-ayuno at manalangin upang matagpuan kung anong mali, anong nagpapagalit sa Diyos.

3. Ang pag-ayuno at panalangin ay madalas nagdadala sa tagumpay sa ibabaw ng kasalanan. Sa unang muling pagkabuhay, nakakita ako ng mga kabataan na hinahangad na mapalugod ang Diyos, nangungumpisal pati ng kanilang mga kasalanang bukas sa isa’t-isa. Na minsan nangyayari sa muling pagkabuhay. Ang dakilang tagumpay sa ibabaw ng kasalanan ay dumating sa kanila, habang tayo’y mag-ayuno at manalangin.

4. Ang pag-aayuno at pananalangin ay tutulong sa ating mamagitan para sa isa’t-isa. Kung ika’y nananalangin para sa isa’t-isang maligtas, manalanging tiyak para sa isang tao kada pagkakataon, hindi sa isang pangkalahatang panalangin, “O Diyos magligtas ka ng isang tao.” Mag-ayuno at manalangin para sa nawawala sa pangalan. Gusto mo bang manalangin para sa isang tao? Gayon mag-ayuno at manalangin para sa taong iyon hanggang sa ang sagot ay dumating mula sa Diyos! Sinasabi ito ng lumang kanta ng mahusay,

Nagpatuloy ka bang manalangin
Hanggang sa ang sagot ay dumating?
Mayroong isang pangakong totoo
Para sa iyong pananampalataya upang angkinin;
Sa lugar ng panalangin Naghihintay ang Panginoon para sa iyo,
Nasalubong mo ba Siya doon, Ipinalangin mo ba itong lubusan?
Nanalangin ka ba hanggang sa ang saogt ay dumating?
Nagmakaawa ka ba sa pangalan ng Tagapagligtas?
Ipinalangin mo ba itong lubusan hanggang sa singot ka ng Diyos,
Nanalangin ka ba hanggang sa ang sagot ay dumating?
   (“Ipinalangin Mo Ba Itong Lubusan.” Isinalin mula sa
      “Have You Prayed It Through?” ni Rev. William C. Poole,
         1875-1949; binago ng Pastor).

Noong ako’y unang naligtas, noong mga maagang taon ng 1960, nabasa ko ang Talaarawan [Journa] ni John Wesley halos araw-araw. Ito’y parang binabasa ang Aklat ng mga Gawa. Sinasabi nito ang tungkol sa matinding muling pagkabuhay na tinawag na “Ang Unang Dakilang Pagkagising.” Isa lamang akong batang lalake noon, mga 22 taong gulang. Hindi ko alam na walang mga muling pagkabuhay tulad niyon sa loob ng isang daang taon. Naisip ko, “Kung ito’y nangyari tulad nito sa araw ni Gg. Wesley, magagawa ito ng Diyos ngayon!” Ang aking pagkawalan ng pagkakaalam ay nanatili sa aking magduda sa kaya ng Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay sa Tsinong simbahan kung saan ako’y miyembro noon. Nag-ayuno ako at nanalangin para sa Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay. Nanalangin ako para sa isang muling pagkabuhay kada Miyerkules ng gabi sa pagpupulong ng panalangin, sa harap ng buong kongregasyon. Isang beses sinabihan ako ni Murphy Lum na hingin ang pagpapala ng Diyos para sa pagkain bago ng isang salu-salong hapunan. Tumayo ako at nanalangin ng halos sampung minuto para sa muling pagkabuhay! Umupo ako na hindi naalalang manalangin para sa pagkain! Maaring nagawa ko ang aking sariling kayamot-yamot, nananalangin para sa muling pagkabuhay sa lahat ng pagkakataon! Sinabi ng ilang, “Isa lamang siyang batang lalake. Mapalilipas niya rin ito!” Ngynit isang umaga, sa kampo, habang ako’y natutulog, sinagot ako ng Diyos! Hindi ko kailan man malilimutan ang makapangyarihang muling pagkabuhay na umalog sa simbahang iyon, at daan-daang mga Tsinong mga kabataan na nagsisipasok at naliligtas.

Sa loob ng maraming taon nalimutan ko kung paano ako nanalangin. Ngunit isang araw sinabi sa akin ni Dr. Lum, “Bob, naaalala mo ba kung paano ka nanalangin para sa muling pagkabuhay sa lahat ng pagkakataon noong mga maagang taon ng 1960?” Tapos natandaan ko. Sinabi ni Dr. Lum, “Bob, nakuha mo ang hiningi mo!” Mga luha ay dumating sa aking mga mata noong natanto ko, sa unang pagkakataon, na ako’y “nanalangin ng lubos” para sa pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos!

Isa pang pagkakataon, maraming mga batang kalalakihan sa seminaryo ay nananalangin sa aking silid sa dormitory para sa Diyos na ipagbagong loob ang mga di nananamapalatayang mga propesor o alisin sila. Marami sa amin ay nag-aayuno at nananalangin para iyan ay mangyari. Sa huling pagkakataon na ang panalanging pagpupulong na iyan ay naganap, lampas sa 100 mga mag-aaral ang nagsiksikan sa aking silid, na marami sa mga pasilyo, at ang iba sa labas ng bintana. Mga 35 ang dumaan, at nalimutan ko na kung paano kami nag-ayuno at nanalangin. Tapos isang araw natagpuan ko na ang pinaka huling liberal na propesor ay wala na – at ang bawat isang bagong propesor ay naniwala sa Bibliya, at karamihan sa kanili pati ay Nareporma! Ang mga batang kalalakihan na nagpunta sa aking silid upang manalangin kada linggo ay nanalangin ng lubusan! At sinagot ng Diyos ang aming mga panalangin higit at lampas sa aming kailan mang inasahan!

Nasalubong mo ba Siya doon, Ipinalangin mo ba itong lubusan?
Nanalangin ka ba hanggang sa ang saogt ay dumating?
Nagmakaawa ka ba sa pangalan ng Tagapagligtas?
Ipinalangin mo ba itong lubusan hanggang sa singot ka ng Diyos,
Nanalangin ka ba hanggang sa ang sagot ay dumating?

Nag-antay ako ng maraming mahabang taon para sa isang asawa. Ako na noong ay lampas sa apat na pung taon. Wala akong kilala na maaring maging asawa ng pastor. Kaya nanalangin ako ng patuloy-tuloy para sa isang asawa. At oo, nag-ayuno ako at nanalangin! Tapos isang gabi tumingin ako sa ibayo ng silid at nakita si Ileana. At mukhang sinasabi ng Diyos, “Iyan ang ipinagdasal mo!” Sinabi ng ibang mga tao, “Hindi mo pakakasalan iyang batang babaeng iyan, nga ba?” Ngunit ginawa ko ito. At siya’y naging ganap na asawa ng pastor – lubusang ganap! Nanalangin akong lubusan – at sumagot ang Diyos.

Magsasabi ako sa iyo ng tatlo pa. Walang nag-akala na ang aking ina ay maliligtas. Kahit ako ay di naisip na maliligtas siya. Nagpatuloy akong manalangin para sa kanya, ngunit mukhang walang pag-asa. Gayon nagpatuloy ako sa pananalangin. Madalas akong mag-ayuno at manalangin para sa aking Nanay na mapagbagong loob. Siya na ngayon ay magiging 80 taong gulang, at hindi ito mukhang kahit kaunting malapit na maging ligtas. Si Ileana at ako ay nasa New York, kung saan ako’y nangaral sa isang espesyal na mga pagpupulong. Natatandaan kong sakto kung asaan ako. Ako’y nag-aayuno at nananalangin para sa paglilingkod sa gabing iyon. Sa isang punto, nagsimula ako manalangin para sa aking ina upang maligtas. Biglang isang sandali nagsalita ang Diyos sa akin. Ito’y hindi isang madirinig na tinig, ngunit ito’y halos mukhang ganoon. Sinabi ng Diyos sa akin, “Ang iyong ina ay maliligtas ngayon na.” Na may mga luhang umaagos sa aking mukha, tinawagan ko si Dr. Cagan sa telepono rito sa Los Angeles. Sinabi ko, “Doktor, magpunta ka nga at gabayin ang aking ina kay Kristo?” Sinabi niya, “O hindi ko magagawa iyan!” – sa mga salitang tulad niyan – dahil nagalit sa kanyang si Nanay noong kinausap niya siya noon. Sinabi ko, “Magpunta ka na Dok, sinabi sa akin ng Diyos na siya’y maliligtas ngayon na.” Upang gawin ang maikli ang mahabang istorya, nagmaneho siya upang makita ang aking ina at halos napaka daling ginabay siya kay Kristo! Masasabi ng aking mga anak na lalake na binago nito ang kanyang buhay na lubusan! Siya ay narito sa simbahan kasama ko bawat gabi, hanggang sa katapusan ng kanyang buhay! Nanalangin akong lubusan para sa aking nanay! Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, nanalangin ako ng lubusan hangang sa ang sagot ay dumating!

Narito ang isa pa. Siya nga pala, ang lahat ng ito ay mga panahon ng panalangin at pag-aayuno. Oo, ang pag-aayuno ay isang napaka mahalagang bagay sa lahat ng mga ito! Noong ang aking asawa ay buntis, mayroon kaming isang napaka burarang, masamang doktor. Maya-maya ay nawala niya ang kanyang lisensya upang magpatuloy nagsagawa ng medisina. Nagpunta kami sa kanya upang gumawa ng isang ultrasound upang makita ang sanggol. Noong ang ultrasound ay bumalik, pina-upo kami ng doktor at sinabihan kami na ang sanggol ay malubhang mali ang hugis. Ngunit kukuha siya ng isa pang larawan at bibigyan kami ng pangwakas na sagot sa Lunes. Noong umuwi kami noong Biyernes ng hapon na iyon naramdaman kong halos isterikal patungkol sa kaisipan na isang malubhang napormang sanggol. Ngunit dahil sa nakasanayan, nag-ayuno ako at nanalangin na ito’y hindi totoo. Sa gabing iyon dumating ang Diyos sa akin sa isang panaginip. Ito’y lubos na totoo, tanungin ang aking asawa! Nagpunta ang Diyos sa akin sa isang panaginip at nagsabi, “Robert, ang iyong asawa ay magkakaroon ng kambal – at iyan ay nakalito sa doktor.” Noong nagising kami sa sunod na umaga, sinabi ko ito kay Ileana, “Huwag kang mag-alala. Magkakaroon ka ng kambal.” Noong Lunes bumalik kami, at sinabi sa amin ng doktor na umupo muli. Sinabi ko, “Hindi ko na kailangang umupo. Magkakaroon siya ng kambal.” Sinabi niya, “Paano mo nalaman?” Sinabi ko, “Sinabi sa akin ng Diyos sa isang panaginip noong huling Biyernes ng gabi.” Kaya ang dalawang malaking lalakeng anak na ito ay naibigay sa amin, buo at malusog, sa sagot sa panalangin.

Narito ang panghuli. Makabibigay pa ako ng marami pa, ngunit mayroon lamang tayong panahon para rito. Ito’y ang huling gabi ng isang malaking pagpupulong ng Bibliya sa silangan. Ang simbahan ay puno, at ang ilang mga tanyag na mga mangangaral sa mundo ay naroon. Hiningi ng pastor sa magbigay ako ng pangwakas na pangaral sa gabi ng Linggo. Ang lahat na mayroon ako ay isang simpleng ebanghelisitkong pangaral. Noong umagang iyon tinanong ko ang isang binatang miyembro ng simbahan iyon kung anong sa isip niya ang dapat kong ipangaral sa gabing iyon. Sinabi niya, “Anomang gawin mo, huwag kang mangaral ng isang ebanghelistikong pangaral. Ang pastor ay nangangaral ng ebanghelistikong pangaral kada Linggo, at lahat ng mga taong magpupunta ngayong gabi ay ligtas na. Kaya anumang gawin mo, huwag kang mangaral ng isang kaligtasang mensahe ngayong gabi!”

Bumalik ako sa aming motel at sinabihan si Ileanang dalhin ang aming mga anak na lalake sa ibang lugar upang makapaggugugol ako ng hapong iyong mag-isa. Ang lahat na mayroon ako ay isang simpleng ebanghelistikong pangaral. Inilagay ko ito sa sahig. Nagpawis ako. Sinabi sa aking ng Diablo na gagawing kong isang hangal ang aking sarili sa harap ng lahat ng mga tanyag na mga mangangaral na iyon. Naglakad ako ng pabalik balik. Hindi na kailangang sabihin ako’y nag-aayuno! Sinubukan kong maghanda ng isa pang pangaral, ngunit hindi ko magawa. Mukhang malinaw na kinailangan kong ipangaral ang simpleng maliit na ebanghelistikong pangaral na iyon. Kaya nanalangin ako para sa Diyos na magdala ng dalawa o tatlong mga taong magpunta sa “harap.” Sinabi ko, “Paki-usap, Diyos, huwag mo akong hayaang mapahiya sa harap ng lahat ng mga malalaking mga mangangaral na iyon!” Tapos mukhang sinabi sa akin ng Diyos, “Nangangaral ka ba para sa kanila, o para sa akin?” Kaya sinabi ko, “Diyos, mangangaral ako para sa iyo, hindi sa kanila. Wala akong pakialam kung gawin kong ganap na hangal ang aking sarili, mangangaral ako para sa iyo lamang.”

Sa oras na iyon bumalik si Ileana at ang mga batang lalake. Nanginginig pa rin ako sa pangangamba habang papunta kami sa simbahan. Nanginginig ako at nagpapawis habang ang mga himno ay kinakanta. Tapos ipinakilala ako ng pastor, at bigla ako’y kasing kalmado na para bang akong nasa aking sariling simbahan! Ipinangaral ko ang pangaral na iyon ng lahat ng puwersa na mayroon sa loob ko.

Upang gawin ang isang mahabang kwentong maikli, mga halos 75 na mga tao ang nagpunta sa harap upang maligtas sa gabing iyon, kasama pati ang sariling anak na lalake ng pastor na nawawala na sumusubok maging isang mangangaral – at isang matandang lalake na naka-dyamper, na gumapang sa harap ng simbahan sa kanyang mga kamay at tuhod na sumisigaw na, "Nawawala ako! Nawawala ako! Nawawala ako!" Tatlong mga dalaga ang tumayo upang kumanta ng isang triyo. Nagsi-iyak sila at nagkumpisal na sila rin ay nawawala. Ang gabing paglilingkod na iyon ay nagpatuloy hanggang halos 11:00 ng gabi. Walang kumilos. Naramdaman nila na ito’y isang bagay na di pangkaraniwan. Sinabi ng anak ni Dr. Ian Paisley sa aking asawa at mga anak na lalake, “Hindi pa ako nakakita ng katulad nito.” Siya ang anak na lalake ng isang tanyag sa mundong mangangaral. Muling pagkabuhay ay dumating sa simbahan na iyon. Higit sa 500 na mga tao ang naligtas at sumapi sa simbahan sa loob ng sunod na mga linggo.

Nagsalita sa akin ang Diablo sa pamamagitan noong binata na nagsabing, “Anumang gawin mo, huwag kang mangaral ng isang ebanghelistikong pangaral.” Ngunit pinanaigan ng Diyos ang Diablo at nagpadala ng isang muling pagkabuhay sa sagot sa aking mga pangaral sa hapong iyon, habang ako’y nangaral at hinanap ang mensahe ng Diyos.

Iniibig kong mga kaibigan, maari tayong magkaroon ng muling pagkabuhay. Ito’y posible. Magagawa ng Diyos sa loob ng ilang minuto ang hindi natin magawa sa loob ng maraming taon! Iuwi ang manuskrito ng pangaral na ito sa bahay! Basahin ito ng maraming beses sa sunod na linggo. Palalaganapin nito ang iyong pananampalataya! Samahan kami para sa isa pang araw ng pag-aayuno at pananalangin sa sunod na Sabado. Manalangin at mag-ayuno para sa Diyos na bumababa sa gitna natin at itaas ang Kanyang banal na pangalan!

Namatay si Hesus sa Krus upang magbayad ng buong multa para sa iyong kasalanan! Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo sa Krus upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan! Bumangon Siya sa katawan mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay! Magtiwala kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya at ililigtas ka Niya – sa lahat ng panahon sa buong walang hanggan! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mateo 9:10-15.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Ipinalangin Mo Ba Itong Lubusan.”
 
Isinalin mula sa “Have You Prayed It Through?”
 
(ni Rev. William C. Poole, 1875-1949; binago ng Pastor).