Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PANANALANGIN AT PAG-AAYUNO PARA SA PAGPAPALAYA SA ATING PANAHON(PANGARAL BILANG 3 SA MULING PAGKABUHAY) PRAYER AND FASTING FOR ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral sa ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Mark 9:28, 29) – [KJV]. |
Kung binabasa mo ang pangaral na ito, o pinapanood ito sa aming websayt, o sa YouTube, panalangin ko na hindi mo ito papatayin kapag ibinigay ko ang aking pananaw ng pagkamaaasahan ng dalawang huling mga salita ng teksto, “at pag-aayuno.” Kahit na malayo akong di nagkakamali, nararamdaman kong lubos na malakas na ang dalawang mga salitang iyan ay dapat panatilihin. Isang dahilan ay dahil ang berso ay walang kabuluhan na wala ang mga ito. Ang mga Disipolo ay malinaw na nanalangin kapag sila’y nagpapalabas ng demonyo sa mga naunang mga pagkakataon. Kaya mayroong kinailangang maidagdag pagkatapos ng panalangin – at narito ito sa karamihan sa mga lumang mga manuskrito, “at pag-aayuno.” At sila’y naunang nanalangin kapag sila’y nagpapalabas ng mas mahihinang mga demonyo. Ngunit ngayon sila’y naharap ng isang mas malakas na isa na hindi susuko sa panalangin lamang. Kaya sinabi ni Hesus, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29) – [KJV]. At ngayon ibibigay ko ang dalawang dahilan bakit ang dalawang mga salitang iyan ay dapat mapanatili. Naniniwala ako sa aking buong puso at isipan! Paunawa huwang ninyo akong isasara!
Inakyat ng asawa ko at ako ang Bundok Sinai maraming taon noon. Noong bumaba kami sa bundok, binigyan kami ng isang paglilibot ng Monastaryo ni Sta. Catherine. Ito’y matatagpuan malapit sa paanan ng Bundok Sinai. Ito’y isang madilim at nakatatakoy na Silangang Ortodoksiyang simbahang gusali, itinayo noong mga ika-6 na siglo. Isang tumpok ng mga bungo ng tao na lampas sa anim na talampakan ang taas ay nasa isang sulok – ang mga bungo ng iba’t ibang mga monghe ay naka kadena sa harapang pintuan. Sa makulimlim na sangtuwaryo, ang mga kadila ay kumukurap, at mga itlog ng ostrits ay nakabitin sa kisame. Mukha itong Satanikong lugar na maari mong makita sa telebisyon sa isang videyo ng “Mananalakay ng Nawawalang Daong” [“Raiders of the Lost Ark”]. Sa isang sulok nitong madilim at nakatatakot na gusaling ito ay isang salansanan na may sulat na nagsasabi na dito ay naitago ang Sinaitikus na manuskrito ng Bagong Tipan, “hanggang sa ninakaw ito ni Tischendorf at ibinenta sa mga Britaniya.” Sa basehan ng sulat kamay na kinopyang manuskruting ito na ninakaw mula sa madilim at malinaw na Satanikong lugar, na ang mga salitang “at pag-aayuno” ay hindi nagpakita. Tapos ang manuskritong ito ay binili ng mga taga-Britaniya. Nakita ng asawa ko at ako ito, sa isa pang paglalakbay, sa Britaniyang Museo sa London. Doon kinuha at ginamit ng dalawang liberal na Simbahan ng Inglaterang klero, sina Brooke Westcott (1825-1901) at Fenton Hort (1828-1892) ang Sinaitikus na manuskrito ni Tischendorf, bilang ang awtoridad para sa Westcott at Hort Griyegong Bagong Tipan (1881). Talagang ang lahat ng mga pagbabago rito ay base sa manuskrito mula sa Monastaryo ni Sta. Catherine. Ang lahat ng makabagong pagsasalin ay mula sa Westcott at Hort Griyegong teksto. Kaya, kapag magbabasa ka ng isang makabagong pagsasalin, binabasa mo iyong sulat kamay na kopya na kinuha ni Tischendorf mula sa madilim at demonikong monastaryo ni Sta. Catherine. Ako’y nakumbinsi na ang ilang mga sinaunang mga monghe, na naimpluwensyahan ng Gnostisismo, ay inalis ang mga salitang “at pag-aayuno” nong kinopyang sulat kamay ang Sinaitikung manuskrito. Higit pa rito, naniniwala ako na prinotektahan ni Satanas ang manuskritong ito hanggang sa makabagong panahon – tapos ay pinakawalan ito upang lasunin ang lahat ng ating mga pagsasalin rito sa katapusang panahong apostasiya. Naniniwala ako na binabasa ito ng ang binabasa ng mga ebanghelikal sa makabagong pagsasalin ngayon ay talagang mula sa “Bibliya ni Satanas.”
Huwag magkakamali tungkol rito! Gusto ni Satanas na maalis ang mga salitang “at pag-aayuno.” Bakit? Simple! Gusto ni Satanas na maalis ang mga salitang iyon dahil “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]”!!! Simple! Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Naghihintay lagi ang diablo upang lituhin at guluhin tayo. Gusto niyang sirain ang gawain ng Diyos” (Isinalin mula sa Espiritwal na Pagpapala [Spiritual Blessing] Kingsway Publications, 1999, pah. 158).
Nagkataka ka ba kailan man bakit walang pamabansang muling pagkabuhay sa Amerika simula sa taong 1859? Tumigil sa pagtataka! Ang mga Kristiyanong mga tao ay tumigil sa pag-aayuno pagkatapos na naging popular ng Bibliya nina Westcoot at Hort. Iyan ang isa sa mga pangunahing dahilan na walang muling pagkbuhay sa ating bansa sa loob ng 154 na mga taon! Bago nito mayroong mga pinadala ng Diyos na muling pagkabuhay halos bawat kada sampung taon! Pag-isipan ito. Ang lahat ng mga mangangaral sa ika-18 na mga siglo, sa Unang Dakilang Paggigising, ay nag-ayuno at nanalangin, base sa mga salitang, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno].” Nagkukumento sa kahilerang pasahe sa Mateo, ang dakilang ebanghelistang si John Wesley ay nagsabi nito – “Anong isang testimony rito ng pagkabisa [epektibo] ng pag-aayuno, kapag ito’y idinagdag sa taimtim na panalangin!” (Isinalin mula kay John Wesley, M.A., Pagpapaliwanag na mga Sulat sa Bagong Tipan [Explanatory Notes on the New Testament], Baker Book House, 1983 edisiyon, kabuuan I, sulat sa Mateo 17:21). Si George Whitefield, Howell Harris, Jonathan Edwards, at lahat ng ibag mga mangangaral noong dakilang muling pagkabuhay na iyon ay lubos na sumang-ayon kay John Wesley na ang pag-aayuno na dinagdag sa panalangin ay lubos na mahalaga! Ngunit wala sila noong naluray na Bibliya ni Wescot at Hort noon!
Tapos pag-isipan ang Pangalawang Dakilang Paggigising. Paano ang mga dakilang mga mangangaral noon? Si Timothy Dwight ay nag-ayuno. Si Asahel Nettleton ay nag-ayuno. Si Robert Murray M’Cheyne ay nag-ayuno. Si John Angell ay nag-ayuno. Nagkaroon sila ng dakilang muling pagkbuhay, at nag-ayuno sila at nanalangin para sa mga ito. Ngunit wala sila noong naluray na Bibliy ni Westcott at Hort noon!
At gaya ng sinabi ko, ang Pangatlong Dakilang Paggigising noong mga taong 1857-59 ay dumating bago sila nagkaroon ng Bibliya ng Diablo. Ang pag-aayuno ay napaka karaniwan noon na tumawag si Pangulong Abraham Lincoln para sa isang pambansang araw ng pag-aayuno at pananalangin noong mga panahon ng Digmaang Pambayan. At ang muling pagkabuhay ng 1859 ay dumating sa isang pagpupulong na panalangin, kung saan ang mga taong nag-aayuno ay nagsamasama upang manalangin. Si Spurgeon ay ang dakilang mangangaral ng Ika’tlong Dakilang Pagigising. Si Spurgeon ay nag-ayunong madalas, at nangaral ng mga pangaral tungkol sa pag-aayuno at panalangin! Kahit ang Muling Pagkbuhay na Welsh ng taong 1905 ay dumating bago tumigil gamitin ng mga mangangaral sa Wales ang mainam, na lumang King James na Bibilya. Ang mga tao ng Wales ay kilala sa pananalangin at pag-aayuno. Iyan ay totoo rin sa muling pagkbuhay sa Isla ng Lewis, sa dalamgpasigan ng Scotland, noong 1949, kung saan dalawang bulag na mga kababaihan ay nag-ayuno at nanalangin hanggang sa ang Diyos ay nagpadala ng muling pagkabuhay!
Paano naman ang Tsina? Ang lahat ng mga matatandang mga Kristiyanong patriyarko ng Tsina ay nag-ayuno at nanalangin. Sila’y tinuruaang gawin ito ng dakilang tagapangunang misyonarayong si James Hudson Taylor (1832-1905). Ang makapangyarihang ebanghelistang si John Sung (1901-1944) ay nakakita ng isang makapangyarihang muling pagkabuhay sa Tsina di nagtagal bago pumalit ang mga Komunista. Nanalangin at nag-ayuno si Dr. Sung palagi. Ang Tsinong patriyarkong si Wang Mingdao (1900-1991) ay gumugol ng dalawamg pung taon sa bilangguan dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo. Siya rin ay madalas na nag-ayuno at nanalangin. Si Dr. James Hudson Taylor III, ang dakilang apong lalake ni Hudson Tayloy, ay nagsabi patungkol kay Wang Mingdao, “Walang Tsinang Kristiyanong pinuno ng ika-dalawam pung siglo ang mas malinaw na ipinahiwatig ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ni Hesu-Kristo” (Isinalin mula kay David Aikman, Si Hesus sa Beijing [Jesus in Beijing], Regnery Publishing Company, 2006 edisiyon, pah. 56). Si Allen Yuan (1914-2005) rin ay gumugol ng 20 taon sa bilangguan dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo. Madalas siyang nag-ayuno at nanalangin. Si Samuel Lamb (1924-2013), at Moses Xie (1918-2011) at iba pa ay pinagsilbihan ang Panginoon sa bilangguan sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Nadinig sila ng Diyos at pinanatili ang Kristiyanismong buhay sa loob ng mga katatakutan ng “Kultural na Rebolusyon” sa Tsina. Tapos noong 1980, ibinuhos ng Diyos ang isang sunami ng muling pagkabuhay na nagpapatuloy pa rin hanggang sa araw na ito! Hinuhulaan ng Amerikanong Bibliyang Lipunan [American Bible Society] na mayroong halos 700 na mga pagbabagong loob kada 24 na oras kada araw, sa Tsina – mga 17,000 na Kristiyanong pagbabagong loob araw-araw! Hindi kailan man nakita ng mga Tsinong pastor ang naluray na Bibliya nina Westcott at Hort.
Nag-aayuno pa rin sila at nananalangin sa karaniwang batayan, at sinasagot sila ng Diyos. Panoorin ang “Ang Krus” [“The Cross”] (i-klik ito upang orderin ito sa Amazon.com), isang ginawang Tsinong pelikula ng muling pagkabuhay, at mararamdaman mo na parang nakita mo ang Aklat ng Mga Gawang nabuhay! Ang matanda kong Tsinong pastor ng 23 na taon ay si Dr. Timothy Lin. Lagi niyang buhat ang isang lumang Tsinong Bibliya na mayroon siya ng higit sa anim na pung taon. Ito’y hindi naimpluwensyahan ni Westcott at Hort. Ang mga salita ay hindi naalis. Si Dr. Lin ay nag-ayuno at nanalangin upang makamit ang pagpapala ng Diyos. Nalulungkot akong sabihin na yoong mga sumunod sa kanya ay madalas naimpluwensiyahan ng “Kanlurang pag-iisip” at ng Westcott at Hort na naluray na Bibliya.
Alam ko na iisipin ng ilang mga tao na lumayo na akong higit sa pasamain ang makabagong mga pagsasalin. Ngunit ang tanong ko sa kanila ay ang parehong tanong na tinanong nga mga Disipolo kay Kristo, “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” (Marcos 9:28). Alam ni Spurgeon ang pag-aalis ng “pag-aayuno” sa bersong ito, sa Binagong Bersyon, noong ibinigay niya ang pangaral na pinamagatang “Ang Sekreto ng Pagkabigo” [“The Secret of Failure”] noong taong 1886 (Isinalin mula sa Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], kabuuan XLII, Pilgrim Publications, 1976 edisiyon, mga pah. 97-106). Ngunit nilampasan niya ito at sinabing, “Ang pananalangin at pag-aayuno ay mayroong dakilang kapangyarihan…Mayroong isang uri ng diablo [demonyo] na hindi lalabas sa pamamagitan ng karaniwang panalangin, mayroong dapat maidagdag sa pagmamakaawang iyan isang bagay na ang ating kasigasigan ay mas magiging matindin pa: kailangan mayroong ‘panalangin at pag-aayuno’.” (Isinalin mula sa ibid., pah. 105).
Ginamit rin ni Spurgeon ang tanong ng mga Disipolo. “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” sa mga napahinang kondisyon ng mga simbahan. Sinabi ni Spurgeon,
“Paano ito na siya’y hindi namin napalabas?” Hayaan na ang simbahan ng Diyos…ay magsabi, ‘Bakit na ang libo-libong mga taong ito ay magpunta upang pakinggan ang ebanghelyo kapag nangangaral kami?’ Mayroong itong mga prostitusyon sa ating mga kalye: bakit hindi iyan naalis ng simbahan ng Diyos? Ang pinaka masamang kasalanan ay laganap – ang kasalanan na hindi natin pinangangahasang pag-usapan, ito’y napaka sama; bakit hindi natin ito mapalas?...Bakit natin mapalabas ang masasamang mga puwersang ito?...at marami, na pagkatapos ng maraming taon ng pangangaral ay nananatiling parehas gaya ng dati. Anong diablo [demonyo] ito ang pumasok sa kanila? Bakit hindi natin siya mapalabas? (Isinalin mula sa ibid., pah. 101).
Ang sagot ni Spurgeon ay pareho sa sagot ni Kristo, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29) – [KJV].
Si Dr. Lloyd-Jones ay nagsalita tungkol sa tanong na iyan, “Paano ito na siya’y hindi namin napalabas?” at ang sagot ni Kristo, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno].” Sinabi ng “Doktor” kailangan nating suriin kung ano “ang ganito” ngayon. Sinabi niya,
Ano “ang ganito”? Ano ang problema na humaharap sa ating ngayon? Nararamdaman ko na lumulubos, na habang ating sinusuri itong tunay, makikita natin ang uri ng problema na humaharap sa atin ay magkakasamang mas malalim at mas malubha kaysa iyon na humaharap sa Kristiyanong simbahan ng maraming isang mahabang siglo (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1997, pah. 15).
Sinabi niya na ang mga paraan ng nakaraan ay mukhang walang epekto sa “ganito” ngayon. Tapos sinabi niya na mayroong maramling “bagong paraan” na hindi umuubra. Sinabi niya na ang bagong pagsasalin ay hindi mabisa sa problema. Sinabi niya na ang mga ebanghelyong pampleta at maramihang ebanghelistikong krusada ay hindi nagdadala ng mga nawawala sa ating mga simbahan. Sinabi niya, “Dapat mong matanto na ika’y hinaharap ng isang bagay na masyadong malalim para sa iyong mga paraan” (Isinalin mula sa ibid., pah. 19).
Naniniwala ako na siya’y tama tungkol sa lahat ng mga ito. Hindi nakikita ng mga nawawalang mga tao ang kanilang pangangailangn para sa mga simbahan ngayon. Hindi nila nararamdaman na sila’y makasalanan at kailangang mapatawad. Anong maibibigay ng isang simbahan na nanginginabang sa isang “naramdamang pangangailangan” sa ating makabagong kalagayan? Pagkatapos ng maraming taon ng pag-iisip tungkol sa paksang ito, ako’y nakumbinsi na ang pakamag-isa ay ang batayang “naramdamang pangangailangan” na hindi na nararansan sa ating mga simbahan. Si Dr. William Glasser, isang prominenteng psykiyatrista, ay gumawa nitong nakagugulat na pahayag sa kanyang aklat na Ang Pagkakakilanlang Lipunan [The Identity Society],
Ang lahat ng mga sintomas, maging psikolohikal o psikosomatiko, at lahat ng agresibo, irasyonal na pag-uugali ay produkto ng pagiging mag-isa at mga kasamahan sa nag-iisa, nagdurusang mga tao na nagkikipaglaban para sa isang pagkakakilanlan, ngunit hindi nagtatagumpay (Isinalin mula sa isinipi ni J. Oswald Sanders, D.D., Paghaharap ng Pagkamag-isa [Facing Loneliness], Discovery House Publications, 1990 edisiyon, pah. 46)
Depresyon, iba’t ibang mga adiksyon, pagkawalang pag-asa – “lahat ay sintomas…at lahat agresibo, irasyonal na mga pag-uugali ay produkto ng pagiging mag-isa.” Sa palagaya ko tamang-tama si Dr. Glasser! Ang “malaking kasalanan” ng ating lipunan “lahat” ay mayroong ang kanilang mga ugat sa pagkamag-isa! “Ang ganito” ay “pagkamag-isa” sa ating kultura ngayon. Kung hindi tayo magbibigay ng ginhawa mula sa pagkamag-isa, hindi natin maasahan ang mga nawawalang mga taong maging interesado sa pagpupunta sa ating mga simbahan!
Si Dr. Timothy Lin, ang aking mahabang panahong pastor sa Tsinong Bautistang simbahan, ay alam ito! Siya ay mas matandang lalake, mula sa pangunahing lupain ng Tsina, ngunit siya ay isang taong gumugol ng maraming panhong nag-aayuno at nananalangin. Ipinakita sa kanya ng Diyos ang kahalagahan ng pagpapagaling ng pagkamag-isa bilang paraan ng pagdadala papasok ng mga nawawalang kabataan. Madalas niyang sabihin, “Kailangan nating gamutin ang pagkamag-isa ng mga kabataan. Kailangan nating gawin ang simbahan na ang kanilang pangalawang tahanan.” Lubos akong sumang-ayon sa kanya! Sa mga taong 1960 ginawa ng simbahang iyon ang sinabi ni Dr. Lin, at daan-daang mga kabataan ang pumasok mula sa mundo sa simbaham. At naranasan ng simbahan na iyon ang pinadala ng Diyos na muling pagkbuhay. Ang ilang mga tao ay gumagawing malimutan na ang lahat ng mga bagay na iyon ay nangyari sa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Lin, hindi maya maya!
Ngunit kailangan kong huminto rito at magbigay ng salita ng babala. Huwag dapat nating isipin na ang panalangin at pag-aayuno ay kusang magbubunga ng muling pagkbuhay – o ng maraming mga pagbabagong loob. Dapat tayong mag-ingat na huwag isipin ang Diyos bilang isang “kapangyarihan” na kaya natin manipulahin. Iyan ang naisip ni Simon ang Salamangkero noong sinabi niyang, “Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Mga Gawa 8:19). Kung iisipin natin ang Diyos bilang isang di personal na “kapangyarihan” na maari nating manipulahin at “gamitin” sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno, tayo ay mapupuntang mapanganib na malapit sa “puting salamangka.” Sa “itim sa salamangka” ang salamangkero ay gumagamit ng tiyak na mga salita upang kontrolin o manipulahin ang masasamang espiritu. Sa “puting salamangka” ang salamangkero ay gumagamit ng tiyak na mga ingkantasyon o panalangin upang kontrolin at manipulahin ang tinatawag na “mabubuting mga espiritu” – kahit ang kanilang diyos, na maari nilang tawaging “Banal na Espiritu.” Sa panganib na di maintindihan, ako’y kumbinsido na si Benny Hinn at maraming ibang mga “karismatikong” mga pinuno ay aktwal na nagkakawkaw sa “puting salamangka.”
Ang tunay na Espiritu ng Diyos ay isang tao. Hindi siya maaring “maibaba” at “magamit” sa pamamagitan ng tiyak na mga salita – hindi pati sa pamamagitan ng pag-aayuno at panalangin. Siya ay isang tao, hindi isang di personal na “kapangyarihan.” Higit sa anong tinatawag na “muling pagkabuhay” ngayon ay talagang demoniko, ang produkto ng “puting salamangka.”
Kaya, kapag tayo’y manalangin at mag-ayuno para sa Diyos na magdala ng mga kabataan sa ating simbahan, dapat nating maingat na isipin na Siya ay isang banal na Diyos. Siya ay isang tunay na tao, na dapat tratuhin na may matinding respeto, at pagkataimtim. Sa isa pang pangaral, sinabi ni Spurgeon,
Hindi ako tiyak kung hindi natin nawala ang isang dakilang pagpapala sa Kristiyanong simbahan sa pamamagitan ng pagsusuko sa pag-aayuno…Mayroong isang disertasyon mula sa isang matandang Puritano, na tinawag na, “Ang nakatataba ng Kaluluwang Institusyon ng Pag-aayuno,” at ibinibigay niya ang kanyan sariling karanasan na sa loob ng isang pag-aayuno naramdaman niya ang mas higit na pagka-atat ng kaluluwa sa panahon ng panalangin kaysa sa ginawa niya sa kahit anong ibang panahon (Isinalin mula sa Ang Metropilitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], kabuuan X, Pilgrim Publications, 1991 edisiyon, p. 35).
Sa sunod na Sabado magkakaroon na naman tayo ng isang araw ng pag-aayino, hanggang 5:00 PM, kapag magpunta tayo sa rito sa simbahan para sa isang hapunan at mas marami pang panalangin. Magdadasal tayo para sa Diyos na magdala ng mga tao sa ating simbahan sa pamamagitan ng kanilang “naramdamang pangangailangn” ng pagkamag-isa. Ngunit hindi nito mapananatili ang higit sa kanila rito maliban nalang na sila’y makumbinsi ng kasalanan at mapagbagong loob kay Kristo. Kaya manalangin para sa pagdadala, at para sa tunay na pagbabagong loob rin.
Kung hindi ka napagbagong loob, sinasabi ko sa iyo na iniibig ka ni Hesus. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang multa para sa ating kasalanan. Ang Kanyang Dugo ay ibinuhos sa Krus upang linisan tayo mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siya sa katawan mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Isentro ang iyong puso at isipan kay Hesus lamang – nagdurugo at namamatay sa Krus upang iligtas ka! Magtiwala sa Kanya ng buong puso. Ililigtas ka Niya mula sa kasalanan, kamatayan, at Impyierno! Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 9:23-29.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Lumang Panahong Kapangyarihan.” Isinalin mula sa
“Old-Time Power” (ni Paul Rader, 1878-1938).
|