Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BIGYAN NAMAN NINYO AKO NG KAPANGYARIHANG ITO

(PANGARAL BILANG 2 SA MULING PAGKABUHAY)

GIVE ME THIS POWER
(SERMON NUMBER 2 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-27 ng Hulyo taon 2014

“Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Mga Gawa 8:19).


Ang mga salitang ito ay sinabi sa loob ng isang matinding muling pagkbuhay sa Samaria. Ngunit hindi ako magkukumento sa muling pagkabuhay na iyan. Aalisin nito ang ating mga isipan mula sa paksa na itinatanghal ng teksto sa atin. Sa pangaral na ito sapat na sabihin na si Felipe ay nagpunta sa Samaria at ipinangaral si Kristo, at ito’y sinundan ng isang pambihirang muling pagkabuhay. Halos lahat sa lungsod na iyon ay napagbagong loob.

Ngunit hindi si Simon ang salamangkero! Noong nagpunta sa Pedro upang tulungan si Felipe sa muling pagkabuhay, si Simon ay nagpunta sa kanya. At sinabi ni Simon,

“Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Mga Gawa 8:19).

Inalok pa nga niya si Pedro ng pera upang makuha ang kapangyarihan! Sinabi sa kanya ni Pedro, “Nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan” (Mga Gawa 8:23). Sinabi ni Charles Simeon (1759-1836),

Nagpakitang tapat sa kanyang propesyon ng pananampalataya si Simon, at kung gayon bininyagan siya ni Felipe…kung gayon ang mga tunay na mga Kristiyano ay ipinalagay siya bilang isang kapatid: ngunit natuklasan ni [Felipe] di nagtagal ang hindi katapatan ng kanyang puso…siya pa rin, kasing higit ng dati, sa isang kalagayan ng kalikasan [sa isang di napagbagong loob na kalagayan]. Kaya nagsalita si Pedro sa kanya sa mga salitang ito… Nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan”…[sa] isang kalagayan na nasailalim ng kasalanan… [sa] isang kalagayan ng kondemnasyon dahil sa kasalanan (Isinalin mula kay Charles Simeon, Mga Paliwanag na mga Balangkas sa Buong Bibliya [Expository Outlines on the Whole Bible], Zondervan Publishing House, 1955 edisiyon, kabuuan 14, mga pah. 339, 340).

Sinabihan ni Pedro si Simon na “magsisi ka sa kasamaang mong ito.” Ngunit si Simon ay di nagsisi. Siya’y nagpatuloy kung paano siya. Sinabi niya kay Pedro,

“Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon, upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo” (Mga Gawa 8:24).

Sinabi ni Dr. McGee,

Hindi hiniling ni Simon na maligtas. Hindi siya humingi ng mga panalangin para sa kanyang kaligtasan. Hiniling niya lang na wala sa mga teribleng mga bagay na ito ay mangyayari sa kanya (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible,] Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 545; sulat sa Mga Gawa 8:24).

Sinabi ni Dr. McGee, “Hindi siya napagbagong loob” (isinalin mula sa ibid., sulat sa Mga Gawa 8:21). Nakalulungkot, sinasabi ng mga lumang mga pagsusulta ng mga ama ng simbahan na siya ay di kailan man naligtas. Sa katunayan, sinasabi nila sa atin na siya ay naging isang lider ng Nostikong ereheya at “ang pangunahing kaaway ng simbahan” (Isinalin mula sa Ang Repormationg Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible], Ligonier Ministries, 2005, pah. 1572; sulat sa Mga Gawa 8:9). Nagpatuloy siyang maniwala sa isang “kapangyarihan,” ngunit hindi kay Kristo Mismo. Gaya ng sinabi niya,

“Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Acts 8:19).

Paano ito maisasagawa sa atin ngayon?

I. Una ang kakaibang paniniwala, o karakter, ng karaniwang paniniwala ng ating panahon ay Pelagiano at Nostiko.

Ang ibig kong sabihin sa “kakaibang paniniwala” ay ang naghaharing ideya kung paano ang isang tao ay naliligtas. Sa kanyang aklat, Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity], sinasabi ni Dr. Michael Horton na karamihan sa mga Amerikano ay nagsasama ng “Pelagianong pagdidiin o pansariling kaligtasan at Nostikong pagdidiin sa panloob na karanasan at kaliwanagan” (Isinalin mula sa Baker Books, taon 2008, pah. 251). Ibig nitong sabihin ay simpleng ang mga tao ngayon ay nag-iisip na kaya nilang gumawa ng isang bagay upang maligtas (Pelagianismo). Ang lahat na kailangan nila ay ang matutunan ang “sekreto” ng kung anong sasabihin o iisipin (Nostisismo).

Natatagpuan ko na nilalabanan natin ang mga huwad na mga ideyang iyon ng patuloy sa ating sariling simbahan. Ang mga taong pumapasok mula sa mundo, at kahit iyong mga ipinanganak at pinalaki sa simbahan, ay mayroong sa kanilang nakatanim sa loob nila ang mga ideya ng Pelagianismo at Nostisismo.

Lumabas sa mga kalye at kumausap sa sampo o labin limang mga tao, at makikita mo na ito’y totoo. Tanungin sila kung sila’y walang magawang makasalanan, at bawat isa sa kanila ay magsasabi sa iyo na mayroon silang magagawa, o matitigil na bagay na gawin, na makaliligtas sa kanila. “Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya.” “Hindi ako mas malubha sa kahit sino.” Naririnig mo iyan palagi. Hindi pa nga nila ito alam, ngunit mayroong pangalan para sa pinaniniwalaan nila – Pelagianismo. Iniisip nila na mayroong magagawa ang isang tao, o matitigil na bagay na gawin, at ito’y magliligtas sa kanya. Iyan ay lubos na laban sa sinasabi ng Bibliya siyempre. Ang sinasabi ng Bibliya,

“Tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5).

“Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18).

Ipinapakita ng mga bersong ito na ang tao ay lubusang masama – isang alipin ng kasalanan, isang taong walang magawa upang iligtas ang kanilang sarili mula sa kanyang pagka-alipin sa kasalanan – patay dahil sa mga kasalanan – at kung gayon nakatakdang magpunta sa Impiyerno. Mayroong ka bang kilala sa iyong buhay sa labas ng simbahan na pinaniniwalaan iyan? Hindi! Wala, sa ating lipunan ang naniniwala na sila ay alipin sa kasalanan. Kahit ang ating mga simbahan ay hindi ito ipinangangaral! Kaya iyan ang dahilan na bawat isang nawawala, pati iyong mga pinalaki sa simbahan, ay iniisip na mayroon silang magagawa, o bagay na matitigil gawin, at iyan ay magliligtas sa kanila. Sila’y mga Pelagianista. Wala silang pag-iisip na wala silang pag-asang mga sira na wala ang pinaka maliit na pag-asa na kailan man makagawa ng isang bagay sa kanilang sariling kaligtasan.

Pangalawa, sila’y mga Nostiko. Ibig nitong sabihin iniisip nila na maari nilang matutunan ang isang bagay at maging maliwanagan, at gamitin ang kaalaman na ito upang maligtas. Nakikita natin ito palagi. Mayroong mga taong nagpupunta sa ating simbahan at gumugugol ng maraming buwan, minsan ay maraming taon, na sinusubukang matutunan “ang sekreto” na magagamit nila upang makuha si Kristong iligtas sila. Ito ang tinatawag ni Dr. Horton na “Nostikong pagdidiin sa panloob na karanasan at pagkaliwanag.” Sinasabi ko sa kanila ng paulit-ulit, na sila’y

“Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:7).

Ngunit hindi nila ako pinaniniwalaan. Nagpapatuloy sila sa pag-iisip na mayroong isang “sekreto” Nostikong pormula na maari nilang matutunan upang maging isang Kristiyano. Nakakita pa nga ako ng mga taong umiyak na may mga luhang bumababa sa kanilang mga pisngi, sinusubukang matutunan, sinusubukang matuklasan, ang “sekreto” ng pormula na magagamit nila upang maligtas! Kamakailan lang dalawang binata ang nag-isip na ito’y “kanilang matutuklasan.” Sinabi nilang pareho, “wala akong ginawa – kaya alam kong ligtas ako.” Tinanong ko sila ng ilang mga tanong at natagpuaan na, talaga nga, wala silang ginawa! Naisip nila na iyan ang Nostikong sekreto ng kaligtasan. Sinabi ko sa kanila na iyan ay hindi isang Narepormang doktrina, hindi isang Bibliyang doktrina. Sinabi ko sa kanila na ito’y isang ereheya ng “pananahimik” [“quietism”], na nangaral si Wesley at Whitefield laban sa ng puwersahan sa ika siyam na pung siglo. Sinabi ko sa kanila na mayroong isang bagay na dapat nilang gawin. Dapat silang maniwala kay Kristo. Ginagawa itong napaka linaw ng Bibliya,

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).

“Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na” (Juan 3:18).

Ngunit pareho silang lumayong mayroong nalilitong tingin sa kanilang mga mukha, nag-iisip pa rin na maari nilang matutunan ang Nostikong “sekreto” balang araw! Gaano nitong winawasak ang aking puso! Iniibig sila ni Hesus. Ang lahat na kailangan nilang gawin ay maniwala sa Kanya. Ngunit nagpapatuloy sila sa paghahanap ng sekretong pormula! Tinuturing nila si Hesus tulad ng isang puwersa, o kapangyarihan, tulad ni Simon na nagsabing “Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Mga Gawa 8:19). Si Simon ay nagpatuloy bilang isang Nostiko. Sinasabi ng Repormasyong Pag-aaral ng Bibliya,

Ang Nostisismo (pinangalanan mula sa Griyegong salitang gnosis ay nangangahulugang “kaalaman”) ay nagtuturo na nakukuha ng isang tao kaligtasan hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng kamatayan ni Kristo para sa makaslanan, kundi sa pamamagitan ng espesyal na kaalaman… (Ang Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible], ibid.).

Kapag makuha ng isang tao ang mga ideyang ito sa kanilang isipan, ito’y makataong imposible na maalis ito. Sila’y parang mga Hispanikong Katoliko na nag-iisip kay Kristo na isang tagahatol na (Kristo) kaysa isang umiibig na Tagpaglistas! Isang nakatatandang Katolikong babae ang umalis palabas ng simbahan sag alit noong sinabi ko na si Hesus ay hindi isang tagahatol, kundi isang umiibig na Tagapagligtas! Mas gugustuhin niya pang magpatuloy sa pagiging takot kay Hesus kaysa palitan ang kanyang isipan! At ganyan ito sa karamihang mga ebanghelikal ngayon! Mas gusto pa nilang magpatuloy sa pag-iisip kay Hesus bilang isang Nostikong “kapangyarihan” na kaya nilang manipulahin sa pamamagitan ng pagkakaalam ng mga sekreto, kaysa sa pag-iisip sa Kanya bilang isang Tagapagligtas na agad-agad magpapatawad ng kanilang mga kasalanan kung simpleng maniwala lamang Sila! Napakalungkot!

At alam mo na ito ay demoniko! Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,

Mayroong maraming mga pagkakataon na ang [Diablo] ay nagtutuon ng pansin sa isang nag-iisang Kristiyano, o mga bahagi ng Kristiyanong Simbahan, halos sa mga bansa pa minsan (Ang Kristiyanong Sundalo Mga Taga Efeso 6:10-13, [The Christian Soldier, Ephesians 6:10-13] The Banner of Truth Trust, 1977, pah. 302).

Naniniwala ako na ang Amerika at ang Kanluran ay nasa ilaim ni Satanas, at pati ang ating pinaka mahusay na mga simbahan ay lubos na naimpluwensyahan ng mga doktrina ng mga demonyo. Sinabi ng Apostol Pablo,

“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat [nanlilinlang] at sa mga aral ng mga demonio” (I Ni Timoteo 4:1).

Naniniwala ako na ang mga Pelagiano at Nostikong mga pananaw, laganap sa ebanghelikal na Kristiyanismo, at saktong – “mga doktrina ng mga demonio.”

Ang “Salita ng Pananampalataya” [“Word of Faith”] na kilusan ay itinaguyod ng mga malalaking mga pangalan gaya ni T. D. Jakes, Benny Hinn, Joyce Meyer, at Joel Osteen. Lahat sila ay nagkakalat ng kariwasaang ebanghelyo sa katapusan ng lupa. Kahit ang ating mga Bautistang mga simbahan ay naimpluwensyahan, madalas na hindi nalalaman ito. Sinabi ni Dr. Horton na mayroong mga “nakagugulat na pagkakapareho sa pagitan ng kariwasaang mensahe at matandang Nostisismo” (isinalin mula sa ibid., pah.67). Sinabi niya na maraming mga simbahan ay ngayon nangangaral ng “isang [kombinasyon] ng Pelagianong sariling pangtulong at Nostikong sariling pagpopoon” (Isinalin mula sa ibid., pah. 68). “Ang [Diyos] ay mayroong ilang mga patakaran at prinsipyo para sa pangunguha ng gusto mo sa iyong buhay, at kung susundan mo ang mga ito, maari mong makuha ang gusto mo” (isinalin mula sa ibid.). Iyan, ay siyempre, ay ang pinaka diwa ng mga ereheya ng Pelagianismo at Nostisismo. Iyan ang pinaniniwalaan ng mga tao sa karamihan – kung matututunan mo ang mga patakaran, at sasabihin ang tamang mga salita, makukuha mo ang gusto mo – pati kaligtasan.

Sa katapusan ng bawat pagbrobrodkast tumitingin si Joel Osteen sa kamera at sinasabi sa mga tagapanood ng telebisyon,

Sabihin mo lang, “Panginoong Hesus, nagsisisi ako ng aking mga kasalanan. Magpunta ka sa aking puso. Ginagawa kitang Panginoon at Tagapagligtas.” Mga kaibigan, kung dinasal mo ang simpleng panalangin na iyan, naniniwala kami na naipanganak kang muli.

Nagbigay si Gg. Osteen ng isang walang Kristong pangaral at ang panalangin sa itaas na walang pagbabanggit ng Ebanghelyo rito! Walang pagbabanggit ng namamatay na Kristo bilang isang kapalit ng tagapagligtas sa Krus, sa parehong sermon o sa panalangin! Walang pagbabanggit ng Dugo ni Kristong naglilinis ng kasalanan ng nawawalang tao, sa pangaral man o sa panalangin! Sa ibang salita, walang pagbabanggit ng Ebanghelyo sa anumang paraan (I Mga Taga Corinto 15:1-4). Gayon sinasabi ni Osteen, “Kung ipinalangin mo ang panalangin, naniniwala kami na ika’y naipanganak muli.” Mayroong lamang dalawang posibilidad – si Osteen ay ganap na isang impostor – o (mas malamang) nagbigay siya ng “mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat [nanlilinlang] at sa mga aral ng mga demonio.”

Sa anumang paraan, ang Pelagianismo at Nostisismo ay naikalat ni Satanas sa buong mundo – partikular sa Estados Unidos. At pinaniniwalaan mo ito! Iyan ang dahilan na hindi ka ligtas!

II. Pangalawa, dapat kang mailigtas mula sa dalawang demonikong doktrinang ito o hindi ka kailan man maililigtas!

Ang unang huwad na doktrina ay Pelagianismo. Ito ang ideya na mayroon kang magagawa, o matitigil gawing bagay, at dahil doon maligtas. Ito’y isang malinaw na ereheya na halos kinahihiyan kong magsalitang patungkol. Ngunit marami sa inyong nakikinig sa akin ngayong gabi ay pinaniniwalaan ito! Hindi mo nabasa ang mga bersong ito sa Bibliya?

“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8, 9).

Wala kang magagawa na makaliligtas sa iyo! Wala! Walang ititigil mong gawin ang makaliligtas sa iyo! Wala! Mayroong lamang isang bagay na iniutos na gawin ng mga makasalanan, at iyan ay ang,

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).

Sinasabi mo, “Ngunit iyan ay napaka dali!” Oo, ngunit iyan ay isang bagay na hindi gagawin ng isang nawawalang makasalanan – gaano mo man siya pagmakaawaan! gaano ka man kadalas mangaral patungkol rito! tatanggihan ng nawawalang makasalanan si Kristo at gagawa ng ibang bagay. Naniniwala siyang napaka susi sa kanyang sariling abilidad (Pelagianismo) na tumatanggi siyang maniwala kay Hesus sa bawat pagkakataon. Imbes ay paniniwalaan niya ang isang berso ng Bibliya, o isang katangian ni Hesus, ngunit hindi si Hesus Mismo. HINDI SIYA MANINIWALA KAY HESUS MISMO! Bakit? Dahil Pelagianismo ay isang kasinungalingan, iyan ang dahilan! Na wala ang biyaya ng Diyos ang isang nawawalang makasalanan ay di kailan man magpupunta kay Hesus at magtitiwala sa Kanya lamang! Tatanggihan niya si Hesus Mismo sa bawat pagkakataon – dahil siya ay lubos na masama!

“Patay dahil sa mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1).

Ang pangalawang huwad na doktrina ay ang Nostisismo. Ito’y mailalarawan na isang ideya na ang Diyos ay isang impersonal na puwersa o kapangyarihan na maaring manipulahin o “gamitin” noong mga mayroong espesyal na kaalaman (ang mga Griyegong salitang “gnosis” ay nangangahulugang “kaalaman”). Ang ideyang ito ay tumakbo sa buong popular na ebanghelikal na pag-iisip. Sinasabi ni Dr. Horton na ang ebanghelikal na Nostisismo ay gumagawa sa ating “tumingin sa ating sarili upang lumikha ng sarili nating imahinasyon isang idolo na maari nating manipulahin at kontrolin” (isinalin mula sa ibid., pah. 167).

Ginagawa ito ng mga kabataan ngayon na hidni pa nga naiisip ito. Ginagawa nila si Hesus na isang imahinaryong “puwersa” na maari nilang manipulahin. Hindi ba iyan mismo ang ginawa ng Salamangkero? Sinabi niya, “Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Mga Gawa 8:19). Kaya ang Diyos ay isa lamang “kapangyarihan” na maaring maibigay o matanggap ng isang tao.

Ang Nostikong pagdidiin na ito ay nagdadala sa “puting salamangka.” Sa itim na salamangka ang salamangkero ay gumagamit ng tiyak na mga salita upang kontrolin at manipulahin ang masasamang mga espiritu. Sa tinatawag na “puting salamangka” ginagamit ng salamangkero ang tiyak na mga salita, inkantasyon o mga panalangin upang kontrolin at manipulahin ang mabubuting mga espiritu – pati ang Diyos. Pansinin ang “panalangin ng makasalanan” ni Joel Osteen ay sa totoo ay isang inkantasyon ng puting salamangka,

Sabihin mo lang, “Panginoong Hesus, nagsisisi ako ng aking mga kasalanan. Magpunta ka sa aking puso. Ginagawa kitang Panginoon at Tagapagligtas.” Mga kaibigan, kung dinasal mo ang simpleng panalangin na iyan, naniniwala kami na naipanganak kang muli.

Kung sasabihin mo ang mga salitang, ang kapangyarihan ay umaagos sa iyong puso! Magagawa mo ang iyong sariling maipanganak muli sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga salitang ito! Ito’y purong Nostisismo! Ito’y purong puting salamangka! Ito’y sabihin ito angkinin ito! Ito’y ang Salita ng Pananampalatayang mensahe! Sabihin ito angkinin ito! Ito’y lahat sa pamamagitan ng ebanghelikalismo, at ito ay puting salamangka! Tandaan na si Simon ay isang salamangkero, isang mangkukulam (Mga Gawa 8:9), isa sa mga ama ng Nostisismo! Kaya sinabi niya, “Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito.”

Katapusan

Si Hesu-Kristo ay hindi isang “kapangyarihan” na maari mong kontrolin, o manipulahin, o gamitin! Siya ay isang tao, sa taong laman. Namatay siya sa Krus upang magbayad ng multa para sa iyong kasalanan. Hindi mo ito “matutuklasan” o “matututunang” paano “makuha” Siyang iligtas ka! Maari mong subukang matutunan ang “sekreto” kung paano maligtas para sa natitira ng iyong buhay – ngunit ikaw pa rin ay nawawala, tulad ni Simon ang Salamangkero. Dapat kang magpunta kay Kristo bilang isang makasalanan na hindi ito “matutuklasan.” Dapat kang bumagsak sa harap Niya at mananampalataya sa Kanya. Dapat kang maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Kristo ng Krus! Dapat kang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Walang ibang paraan upang maligtas mula sa kasalanan! Walang iba pang higit na matututunana! walang “susing sekreto” o espesyal na mga salitang matutunan! “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).

Bakit hindi ka pa naniniwala kay Hesus? Ang sagot ay napaka simple. Hindi ka pa nakumbinsi ng kasalanan! Ang iyong kasalanan ay di kailan man gumulo sa iyo at nagpanatili sa iyong gising sa gabi! Ang iyong makasalanang puso ay di kailan man nakasusuka sa iyo!

Na walang kombiksyon ng isang makasalanan puso walang tunay na pagbabagong loob. Hanggang sa ang tao ay luboas na nagulo tungkol sa kanyang makasalanang puso hindi niya kailan man makikita ang pangangailangan niya para kay Hesus.

Kaya kami ay nananalangin para sa muling pagkabuhay at para sa tunay na pagbabagong loob. Ngunit anong punto ang ididiin natin sa ating mga panalangin? Nananalangin lamang ba tayong, “O Diyos, magdala ng mas marami pang mga tao papasok” – “O Diyos, magpadala ng muling pagkbuhay”? Kung tayo ay di nananalangin para sa saktong bagay na kailangan natin. Tayo ay nananalangin ng isang malabo, at pangkaraniwang panalangin. Ibinibigay ng Diyos ang hinihingi mo sa panalangin. Kung ang panalaning ay pangkaraniwan, karaniwan ay wala kang nakukuha! Manalangin tayo para sa isang bagay na kinakailangang higit – kombiksyon ng pagkakaroon ng isang puso ng makasalanan. Sabihin ito kasama ko – “kombiksyon ng pagkakaroon ng isang puso ng makasalanan.’ Iyan ito! Iyan ang kailangan nating higit! Iyan ang kailangan nating gawin ng Espiritu ng Diyos! Hanggang sa ika’y nakumbinsi ng pagkakaroon ng isang makasalanang puso, ang Ebanghelyo ay magmumukhang maputik at di malinaw! di totoo!

Tayo mag-aayuno at mananalangin para sa sunod na Sabado hanggang 5:00 PM. Tapos tayo’y magpupunta rito sa simbahan para sa ilan pang mga panalangin at maghahapunang magkakasama. Iyan ang kailangan nating pag-ayunohan at kailangang ipagdasalan – “kombiksyon ng pagkakaroon ng isang makasalanang puso.” Kapag gagawin iyan ng Diyos, makikita natin ang mas maraming mga taong magtiwala kay Hesus! Kapag iyan ay mangyari sa isang bilang ng mga tao sabay sabay magkakaroon tayo ng isang muling pagkabuhay! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 8:18-24.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
     “Lalim ng Awa! Maaring Mayroong Ba?” Isinalin mula sa [“Depth of Mercy!
                   Can There Be?”] (ni Charles Wesley, 1707-1788; binago ng Pastor).


ANG BALANGKAS NG

BIGYAN NAMAN NINYO AKO NG KAPANGYARIHANG ITO

(PANGARAL BILANG 2 SA MULING PAGKABUHAY)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Mga Gawa 8:19).

(Mga Gawa 8:23, 24)

I.   Una, ang kakaibang paniniwala, o karakter, ng karaniwang paniniwala ng ating panahon ay Pelagiano at Nostiko, Mga Taga Efeso 2:5; 4:18;
II Ni Timoteo 3:7; Mga Gawa 16:31; Juan 3:18; I Ni Timoteo 4:1.

II.  Pangalawa, dapat kang mailigtas mula sa dalawang demonikong doktrinang
ito o hindi ka kailan man maililigtas! Mga Taga Efeso 2:8, 9;
Mga Gawa 16:31; Mga Taga Efeso 2:1; Acts 8:9.