Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG GANITO(PANGARAL BILANG 1 SA MULING PAGKABUHAY) THIS KIND ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28-29) – [KJV]. |
Ngayong gabi ako’y mangangaral sa isang pangaral sa mga demonyo at kay Satanas, sa kung anong tinawag ni Dr. J. I. Packer “ang sirang kalagayan ng kasalukuyang simbahan,” at sa dahilan na walang pangunahing pambansang muling pagkabuhay sa Amerika simula noong 1859. Ako’y sumasalalay sa balangkas ng isang pangaral ni Dr. Martyn Lloyd-Jones – isang pangaral na ibinigay niya sa tekstong ito sa Kapilya ng Westminister sa London noong taon 1959. Hindi ko ibibigay ang kanyang sermon sa bawat salita, at magdaragdag ako ng maraming ibang mga kaisipan, ngunit ang saligang tema at balangkas ay mula sa “Doktor.”
“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28-29) – [KJV].
Gusto kong pag-isipan mo ang dalawang bersong ito. Gagamitin ko ang mga bersong ito sa sumisigaw sa pangangailangang ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay sa “mga sirang” simbahan sa Amerika at ang Kanularang mundo.
Alam ko na ang pinaka salitang “muling pagkabuhay” ay di nagugustuhan ng mga tao ngayon. Ayaw nilang marinig ang tungkol rito. Ngunit ang dahilan na ganito ang nararamdaman nila ay Sataniko! Ito’y isang paksa na ayaw ng Diablong pag-isipan ng mga tao. Kaya manalangin na makikinig kang masinsinan habang ako’y magsasalita sa kritikal na pangangailangan na ito sa ating simbahan, at sa lahat ng mga simbahan.
Ito’y isang paksa na dapat lubos na magkaka-inters sa bawat isa sa atin. Maliban na lang na nadarama natin ang matinding pag-aalala tungkol sa kondisyon ng mga simbahan ngayon tayo ay mga mahinang mga Kristiyano. Sa katunayan, kung wala kang interest sa tunay na muling pagkbuhay, dapat mong kwestyunin kung ika’y tunay na isang Kristiyano talaga! Kung wala kang pag-aalala para sa ating simbahan, at para sa iba, ika’y tiyak na hindi isang kumikinang na Kristiyano! Inuulit ko, tunay na muling pagkbuhay ay isang bagay na lubusang nakapag-iinteres sa bawat isa sa atin.
Kaya magsimula tayo sa pag-iisip tungkol sa kaganapang ito sa ika-siyam na kapitulo ng Marcos. Ito’y isang napaka mahalagang kaganapan, dahil inalagaang lubos ng Banal na Espiritu ang pang-yayaring ito sa tatlo sa apat na mga Ebanghelyo, sa Mateo, Marcos, at Lucas. Kababasa lang ni Gg. Prudhoome ang kaganapan sa Lucas, at babasahin ko ang dalawang mga berso mula rito sa Marcos. Sa mas maagang bahagi ng kapitulo sinasabi ni Marcos sa atin na dinala ni Kristo si Pedro, Santiago at Juan sa Bundok ng Pag-iibang-anyo kung saan nasaksihan nila ang isang nakamamanghang kaganapan. Ngunit noong bumaba sila mula sa bundok, nahanap nila ang isang malaking pulong ng mga taong pinaliligiran ang mga natitirang Disipolo at nakikipagtalo sa kanila! Ang tatlong bumaba kasama ni Hesus ay di maintindihan kung anong dahilan ng lahat ng ito. Tapos isang lalake ang humakbang mula sa pulong at nagsabi kay Hesus na ang kanyang anak na lalake ay naimpluwensyahan ng isang demonyo na gumawa sa kanayng magbula sa bibig at ngalitin ang kanyang mga ngipin. Tapos sinabi ng lalake, “Dinala ko siya sa iyong mga disipolo [upang palayasin ang demonyo] at hindi nila magawa” (Marcos 9:18). Sinubukan nila, ngunit nabigo sila.
Natanong si Hesus ng ilang katanungan sa lalake. Tapos agad-agad pinalayas niya ang demonyo palabas ng batang lalake, na napagaling ng biglaan. Tapos nagpunta sa Hesus sa bahay, at ang mga Disipolo ay sumama sa Kanya. Pagkatapos na sila’y na bahay tinanong Siya ng mga Disipolo, “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” (Marcos 9:28). Sinubukan nilang lubos na gawin ito. Nagwagi silang maraming beses noon. Ngunit sa pagkakataong ito sila’y ganap na nabigo. Gayon simpleng sinabi lang ni Kristo, “Lumabas mula sa kanya” at ang batang lalake ay napagaling. Sinabi nila, “Paano ito na siya’y hindi namin napalabas?” Sumagot si Kristo, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29) – [KJV].
Ngayon gagamitin ko ang kaganapang ito upang ipakita ang problema sa ating mga simbahan ngayon. Kinakatawan ng batang lalakeng ito ang mga kabataan sa makabagong mundo. Kinakatawan ng mga Disipolo ang ating mga simabahan ngayon. Hindi ba halata na nabibigo ang ating mga simbahan tulungan ang ating mga kabataan? Sinasabi sa atin ni George Barna na nawawala natin ang 88% ng ating sariling mga kabataan, na pinalaki sa simbahan. At kakaunti ang natatagumpayan nating mga kabataan, lubos na kakaunti, mula sa mundo. Ang ating mga simbahan ay natutuyo at nabibigong mabilis. Ang mga Katimugang mga Bautista ay ngayong nawawalan ng mga halos 1,000 na mga simbahan kada taon! Iyan ang sarili nilang mga bilang! At ang ating mga independyenteng mga simbahan ay hindi mas mahusay. Ang kahit sinong tumingin sa mga bilang ay makikita na ang ating mga simbahan ay hindi kalahating kasing lakas kaysa noong mga isang daang taon noon. Iyan ang dahilan na si Dr.J. I. Packer ay nagsalita patungkol sa “sirang kalagayan ng kasalukuyang araw na simbahan.”
Ang ating mga simbahan, tulad ng mga Disipolo, ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya, at gayon man sila’y nabibigo. Sila’y nabibigo na kasing sama ng mga Disipolo noong sinbukan nilang tulungan ang batang lalake. Ang tanong na dapat nating tinatanong ay, “Bakit hindi natin siya mapalabas?” Anong sanhi ng pagkabigong ito?
Dito sa ika siyam na pung kapitulo ng Marcos, mukhang para sa akin na tinatalakay ni Kristo ang pinaka tanong na iyan. At ang sagot na ibinigay Niya ay kasing halaga ngayon gaya nito noon.
“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28-29) – [KJV].
Ang teksto ay maaring mahati sa tatlong simpleng mga punto.
I. Ang unang punto ay “ang ganito.
Paano ito na siya’y hindi namin napalabas? Sabi ni Kristo, “Ang ganitonito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno] .” Sinabi Niya sa kanila na mayroong mga pagkakaiba sa pagitan ng isang pangyayari sa isa pa. Sa nakaraan ipinadala sila ni Kristo upang mangaral at magpalabas ng mga demonyo – at sila’y lumabas at nangaral at nakapagpalabas ng maraming mga demonyo. Bumalik silang nagpupuri. Sinabi nila na ang pinaka mga demonyo ay nagawang mga sakop nila.
Kaya noong dinala ng lalakeng ito ang kanyang anak na lalake sa kanila sila’y tiyak na matutulungan nila sila sa paggagawa ng parehong bagay na ginagawa nila noon. Gayon sa pagkakataong ito sila’y ganap na nabigo. Sa kabila ng lahat ng kanilang mga pagsusubok ang batang lalake ay di natulungan sa anumang paraan, at nagtaka sila kung bakit. Tapos si Kristo ay nagsalita tungkol sa “ganito.” Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng “ganito” at ang uri na nakaharap mo noon.
Sa isang paraan, ang problema ay palaging parehas. Ang gawain ng simabahan ay ang iligtas ang mga kabatan mula sa kapangyarihan ni Satanas at kanyang mga demonyo, “upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios” (Mga Gawa 26:18). Iyan ay palaging pareho sa bawat panahon, at sa bawat kultura. Kinailangan lagi ng mga simbahang makapagsagupaan kay Satanas at mga demonyo. Ngunit may pagkakaiba sa pagitan ng mga demonyo. Hindi sila lahat pareho. Sinabi ng Apostol Pablo, “ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12). Sinabi Niya sa atin na mayroong iba’t ibang antas ng demonyo, at ang pinuno ng lahat nila ay si Satanas mismo, “pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). Si Satanas ay narito sa lahat ng kanyang kapangyarihan. Ngunit sa ilalim niya ay ang mga mas mababang mga demonikong kapangyarihan. Madaling mapalabas ng mga Disipolo ang mas mahinang mga demonyo. Ngunit rito, sa batang lalakeng ito, ay isang espiritu ng mas matinding kapangyarihan. “Ang ganito” ay iba, at kung gayon ay mas matinding problema. Ang unang bagay na dapat nating matagpuan ay ano ang “ganito” na dapat nating makasagupa ngayon.
Habang ating tinitignan ang mga salitang iyang “ang ganito” nagtataka ako kung napaka raming mga pastor ngayon ay naiisip na ang pakikipaglaban na ating kinalalagyan ay isang espirtiwal na pakikidigma. Ako’y tiyak na maraming pastor ay di kailan man naisip na ang kanilang gawain ay isang pakikidigma kay Satanas at mga masasamang mga espiritu. Ang mga seminaryo ang pati mga kolehiyo ng Bibliya, ay naglalagay ng matinding pagdidiin sa mga makataong pamamaraan. Ngunit hindi nila itinuturo sa mga mangangaral na ang kanilang pangunahing problema ay nakasalalay sa espirituwal na kaharian.
Kaya sila’y nagpapatuloy sa mga paraan na noong ay matagumpay sa nakaraan. Hindi nila naiisip na ang mga lumang mga paran na iyon ay hindi umaasikaso sa “ganito” ngayon. Alam ng lahat na mayroong pangangailangan. Ngunit ang tanong ay – ano talga ang pangangailangan na iyan? Hanggang sa tayo ay magkamalay sa saktong pangangailangan ngayon, tayo ay maging kasing di matagumpay gaya ng mga Disipolo sa batang lalakeng iyon.
II. Ang pangalawang punto ay ang mga paraan na nabigo.
Nakikita ko ang ating mga simbahan na ginagawa ang mga bagay na dati ay lubos na nakatutulong sa nakaraan, ngunit wala na masyadong epekto sa “ganito.” At dahil tayo ay nakasalalay sa lumang mga paraan, nawawala natin halos ang lahat ng ating mga kabataan, at wala tayo halos napagbabagong loob mula sa mundo. Sa panganib na maling maintindihan, ilalagay ako ang Linggong Paaralan sa kategoryang iyan. Ito’y napaka epektibo isang daan at dalawamg pu’t lima noon. Ngunit sa tinggin ko na napaka kaunti ang halaga nito ngayon. Sasabihin ko ang parehong bagay tungkol sa mga polyeto ng kaligtasan. Sa isang panahong talagang binasa ng mga tao ang mga ito at nagpunta sa simbahan. Ngunit simpleng tatanungin ko ang kahit sinong pastor, “Mayroong kabang kahit sinong kabataan sa iyong simbahan na nagpunta at naligtas sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang polyeto?” Sa tinggin ko na kapansinpansin na ang “ganito” sa ating panahon ay hindi tumutugon ng mahusay sa mga paraan na ginamit noon sa nakaraan. Ilalagay ko rin ang pagpupunta sa bawat pintuang pagbibisita sa kategoryang iyan. Ito’y makapangyarihang ginamit noon, ngunit hindi tumutulong sa ating makuha ang mga kabataan sa ating simbahan ngayon na ating pinagkakaabalahan na may “ganito.”
Mayroong mga bagay na walang gamit ngayon, kapag sila’y isinasagawa sa “ganito.” Sa ibang salita, sinasabi ni Kristo, “Ika’y nabigo sa kasong ito dahil ang kapangyarihan na mayroon ka noon, na sapat para sa ibang mga kaso, ay walang halaga rito. Iniiwanan ka nitong walang kapangyarihan upang matulungan ang batang lalake na nasa ilalim ng kapangyarihang ng ‘ganito.’”
Alam ko na mayroong mga pastor na naiisip na maraming mga bagay na ginawa natin sa nakaraan ay walang gamit ngayon. Ngunit dahil sila’y naturuan na pag-isipan ang metodolohiya kaysa ang mga “lalang” ni Satanas (II Mga Taga Corinto 2:11) – dumuduyan silang mabangis sa mga bagong pamamaraan na walang ikinabubuti kaysa sa luma – iyan ay kung ating sinusubukang makuha ang mga kabataan upang maging matatag na miyembro ng simbahan. Halimbawa mayroong tayong mga tiyak na mga kalalakihan na nagsasabi sa atin na ang sagot ay ang “patunayan” sa mga kabataan na ang kwento ng Genesis ng pagkalikha ay totoo at ang ebolusyon ay huwad. Iniiisp nila na ang mga kabataan ay mapagbabagong loob, at ang iba ay papasok mula sa mundo, kung mapatutunayan natin ang ebolusyon at makuha silang mahanap ang sagot sa Genesis. Iniisip nila na sa pamamagitan ng pamamaraang ito na mahaharap nila ang kasalukuyang sitwasyon.
Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ito’y saktong parehong paraan sa simula ng ika-labing walong siglo, noong iniipit ng mga tao ang kanilang pananampalataya sa [apolohetiko]. Ang mga ito, akala nila, ay ang mga bagay na magpapakita sa atin ng katotohanan ng Kristiyanismo, ngunit hindi ginawa ito. ‘Ang ganito’ ay mapapalabas sa pamamagitan ng walang anuman sa linyang iyan.”
Isa pang pamamaraan na nabigo ay ang paggamit ng makabang pagsasalin. Tayo ay sinabihan na hindi naiintindihan ng mga kabataan ang Bibliyang King James. Ang kailangan natin ay isang Bibliya sa makabagong wika. Tapos babasahin ito ng mga kabataan. Tapos sasabihin nila, “Ito ay Kristiyanismo” – at sila’y magpupunta sa ating mga simbahan sa mga kawan. Ngunit iyan ay di nangyari. Sa katunyan, ang saktong kabaligtaran ang nangyari. Ako’y abalang ekslusibo sa mga kabataan ng 55 na mga taon. Alam ko sa katunayan na ang mga makabagong pagsasalin na ito ay di umaakit sa mga kabataan sa anumang paraan. Sa katunayan, nadirinig kong sinasabi ng marami sa kanila, “Hindi ito tumutunog na tama. Hindi ito tunog tulad ng Bibliya.”
Hindi ako kailan man nangaral mula sa isang makabagong pagsasalin, at hindi kailan man. At nakikita namin ang mga kabataang napagbabagong loob sa lahat ng pagkakataon, pareho mula sa aming simbahan, at mula sa mundo rin. Anoman ang halaga ng makabagong pagsasalin na ito, hindi nito malulutasan ang problema. Hindi nito hinaharap ang “ganito.”
Ano pa ang sinusubukan nila? O, ang isang malaki ay ang makabagong musika! “Kailangan nating makuhan ang musikang tama at tapos sila’y papasok at magiging mga Kristiyano.” Ito’y nakalulungkot. Kailangan ko ba talagang magkumento patungkol rito? Mayroong isang Katimugang Bautistang simbahan na nagpupulong sa isang inarkilang pasilidad sa Los Angeles. Ang pastor ay nagsusuot ng isang T-syirt at umuupo sa isang bangkito. Bago siya nagbibigay ng kanyang maliit na pagsasalita, mayroong isang oras na rock na musika. Isa sa aming mga kalalakihan ay nagpunta upang tignan ito. Siya’y kinilabutan. Sinabi niya na ang paglilingkod ay madilim at kahabag-habag, at hindi espiritwal sa anumang paraan. Sinabi niya na ang mga taong iyon ay hindi nagtatagumpay ng mga kaluluwa, at hindi niya sila mailarawang nananalangin ng isang oras tulad ng ginagawa ng ating mga kabataan bawat linggo. Isang oras ng walang iba kundi panalangin? Kalimutan ito! Kaya makabagong musikang rock ay nabigo rin upang palabasin ang “ganito.”
III. Ang pangatlo ay kailangan natin ng isang bagay na makapupunta sa ilalim ng masamang kapangyarihan, at wasakin ito, at mayroong isang bagay lamang na makagagawa niyan, at iyan ay ang kapangyarihan ng Diyos!
Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Kailangan nating makita na gaano mang kahigit ng ‘ganito’ ang kapangyarihan ng Diyos ay walang hangganang mas higit, na ang kailangan natin ay hindi mas higit na kaalaman, mas higit na kaintindihan, mas higit na apolohetiko, [mga bagong pagsasalin, o musikang rock] – hindi, kailangan natin ng isang kapangyarihan na makapapasok sa mga kaluluwa ng kalalakihan at sirain at basagin ang mga ito at ipakumbaba sila at gawin silang bago. At iyan ang kapangyarihan ng nabubuhay na Diyos.” At dinadala tayo niyan pabalik sa teksto,
“Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28-29) – [KJV].
Panalangin at pag-aayuno. Walang ibang makatutulong sa ating mga simbahang masupil ang “ganito” na uri ng Satanikong pagsalakay. Ang ating mga simbahan ay hindi umaabot sa ating mga kabataan ngayon. Anong magagawa natin? “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno].”
Ang ilang makamundong madunong na “eskolar” ang magsasabi, “ang pinaka mainam na manuskrito ay di nagsasabinhg ‘at pag-aayuno.’” Ngunit anong alam ng mga “eskolar” tungkol sa mga demonyo? Anong alam niya tungkol sa pagbabagong loob ng mga hetano mula sa mga kalye at kolehiyong kampus ng ating lungsod? Anong alam niya tungkol sa muling pagkabuhay— muling pagkabuhay tulad ng nararanasan nila ngayon sa Tsina? Wala siyang alam tungkol sa mga bagay na iyon. Ako’y naging saksi sa nagwawasak na muling pagkabuhay ng tatlong beses sa aking buhay. Ako’y nagapi na isipin na ako’y lubos na nabigyan na pribilehiyo na mangaral sa lahat ng tatlong mga muling pagkabuhay na iyon. Hindi sila mga ebanghelistikong pagpupulong. Ang mga ito’y mga panahon noong ang kapangyarihan ng Diyos ay pumasok sa mga kaluluwa ng tao, at wumasak sa kanila, at bumasag sa kanila, at nagpakumbaba sa kanila, at ginawa silang mga bagong nilalang kay Kristo Hesus!
Kaya hindi natin susundan ang dalawang lumang manuskrito mula sa Gnostikong mga mangongopya na nag-alis ng salitang “pag-aayuno.” Alam namin na sinabi ni Kristong, “at pag-aayuno.” Paano namin nalalaman iyan? Alam namin ito sa dalawang dahilan. Una, mapapansing lubos na ang mga Disipolo ay nanalangin noong nagpalabas sila ng mga demonyo noong mas maaga. Kaya may ibang bagay na kinailangang idagdag. Ibang bagay ang kinakailangan – pag-aayuno! Ang panalangin mag-isa ay hindi sapat. Alam din namin ito ayon sa karanasan. Dahil kami’y nag-ayuno at nakita namin sa sarili naming mga mata kung anong magagawa ng Diyos kapag amin ibubuhos ang aming mga puso sa pag-aayuno at panalangin.
Ngayon magsasara ako gamit sa isa pang pagsisipi mula kay Dr. Martyn Lloyd-Jones. Anong mangangaral! Anong kabatiran! Anong pasasalamat ko sa Diyos para sa kanya. Sa isa pang lugar sinabi niya,
Nagtataka ako kung nagunita nating minsan na dapat nating iniisip ang tanong ng pag-aayuno? Ang katunayan ay, hindi ito, na ang buong paksa ay mukhang nailaglag mula sa ating mga buhay, at palabas mula sa ating buong Kristiyanong pag-iisip?
At iyan, marahil higit sa lahat ng iba pang bagay, ay ang dahilan na hindi natin nasupil ang “ganito.”
Ako’y tatawag para sa pangkalahatang pag-aayuno sa ating simbahan sa sunod na Sabado hanggang 5:00 ng hapon. Sa oras na iyon tayo ay magpupunta rito sa simbahan at magkakaroon ng isang simpleng hapunan bago tayo lumabas sa ebanghelismo. Tayo ay mag-aayuno at mananalangin para sa mga pagbabagong loob ng mga kabataan na nagpupunta sa simbahan, ngunit hindi pa rin ligtas. Tayo rin ay mag-aayuno at mananalangin para sa mas marami pang mga kabataan na magpunta sa ating simbahan.
Ngayon hindi ko dapat isara ang pagpupulong na ito na walang kaunting salita tungkol kay Hesus. Ang lahat na kailangnan natin ay mahahanap sa Kanya. Sinasabi ng Aklat ng Mga Hebreo,
“Nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao... Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng (Mga Hebreo 2:9, 17).
Amen.
Si Hesus, ang Anak ng Diyos, namatay sa lugar ng mga makasalanan, bilang kapalit ng makasalanan. Sa sandaling sumuko ka kay Hesus ang iyong mga kasalanan ay nakakaltas sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus. Sa sandaling itapon mo ang iyong sarili sa Tagapagligtas, ang iyong kasalanan ay nalilinis mula sa talan ng Diyos magpakailan man sa pamamagitan ng mahal na Dugo ni Kristo. Panalangin namin na ika’y magtitiwala sa Panginoong Hesu-Kristo at maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan Niya. Amen at Amen. Tumayo at kantahin ang huling kanta sa inyong kantahang papel.
Bilang ako lamang, na walang pakiusap,
Ngunit ang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin,
At na Iyong tinatawag akong magpunta sa Iyo,
O Kordero ng Diyos, magpupunta ako! Magpupunta ako!
(“Bilang Ako Lamang.” Isinalin mula sa
“Just As I Am” ni Charlotte Elliott, 1789-1871).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 9:37-45.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Lumang-Panahong Kapangyarihan.” Isinalin mula
sa “Old-Time Power” (ni Paul Rader, 1878-1938).
ANG BALANGKAS NG ANG GANITO (PANGARAL BILANG 1 SA MULING PAGKABUHAY) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28-29) – [KJV]. (Marcos 9:18) I. Ang unang punto ay “ang ganito,” Mga Gawa 26:18; II. Ang pangalawang punto ay ang mga paraan na nabigo, III. Ang pangatlo ay kailangan natin ng isang bagay na makapupunta sa ilalim ng masamang kapangyarihan, at wasakin ito, at mayroong isang bagay lamang na makagagawa niyan, at iyan ay ang kapangyarihan ng Diyos! Mga Hebreo 2:9, 17. |