Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGSISIRA NG MGA KADENA NG PAGIGING MAG-ISABREAKING THE CHAINS OF LONELINESS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sa aba niya, na nagiisa” (Ecclesiastes 4:10). |
Ayon kay Dr. Leonard Zunin, isang psikayatrista sa Los Angeles, ang pinaka malaking problema ng sangkatauhan ay ang pagiging mag-isa. Ang psikoanalistang si Erich Fromm ay nagsabi, “Ang pinaka malalim na pangangailangan ng tao ay ang pangangailangan na masupil ang kanyang pagkahiwalay, ang lisanin ang bilangguan ng kanyang pagka mag-isa.” Sinasabi ng Bibliya “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18). Ipinaalala sa atin ng Ingles na manunulang si John Milton na ang pagka mag-isa ay ang unang bagay na sinabi ng Diyos na hindi mabuti.
At walang ibang lugar na mas nakalulungkot kaysa isang malaking lungsod tulad ng Los Angeles. Sinabi ni Herbert Prochnow, “Ang isang lungsod ay isang malaking komunidad kung saan ang mga tao ay malungkot na magkakasama.” Sinabi ni Mother Teresa, na nanirahan sa mga iskwateran ng Calcutta, sa India, “Ang pagka mag-isa ay ang pinaka teribleng uri ng kahirapan.” Kung iyan ay totoo, ang mga Amerikano ay kabilang sa mga pinaka pulubing mga tao sa lupa! Milyon-milyong mga tao sa Los Angeles ay nag-iisa. Paano ka naman? Nararamadaman mo ba kailan man na wala talagang may pakialam – na wala talagang nakaiintindi, o walang nakikiramay sa iyo?
Naniniwala ako na ang mga psikayatristang iyon, sina Dr. Zunin at Dr. Fromm, ay tama. Naniniwala ako na ang pagiging mag-isa ay ang pinaka matinding problemang humaharap sa mga tao ngayon – lalo na sa Los Angeles – at sa buong mundo . Mara sa inyo ay nakagapos sa mga kadena ng pagiging mag-isa ngayong umaga! At tatalakayin ko ang pagksang ito ng pagiging mag-isa sa pangaral san a ito.
I. Una, pag-isipan ang pagiging mag-isa ng ating kultura at ating bansa.
Sa lahat ng ating mga pagkaunlad sa siyensya at teknolohiya, tayo ay mas higit na nag-iisa ngayon kay sa mga tao sa nakaraang henerasyon. Sa kanyang ika anim na pu’t limang taong kaarawan ang siyensyang kathang may-akdang si H. G. Wells ay nagsabi, “Ako’y nag-iisa, at di kailan man nakahanap ng kapayapaan.” Ang malungkot at nag-iisang matandang mamang iyan ay isang ateyista at isang kalaban ng Kristiyanismo.
Ang teknolohiya ay sa likod ng higit na pagkalungkot. Kunin ang telebisyon halimbawa. Sinabi ng Kolumnistang si Ann Landers, “Pinatunayan ng telebisyon na titignan ng mga tao ang kahit anong kaysa ang isa’t isa.” Binubuksan ng mga tao ang telebisyon oras kada oras, o naglalaro ng videyong laro ng maraming oras na walang katapusan. Hindi na tayo umuupo at kumakain ng hapunan na magkakasama bilang magkakaibigan o na isang pamilya. Halos nalimutan na natin kung paano magkaroon ng isang kumbersasyon. Masyado tayong abala sa panonood ng telebisyon o isang iPad upang maki-pagusap sa isa’t isa – sa isang makabuluhang antas!
Naglalagay ng isang lubid sa kanilang mga tainga at nagpapahithit ng musika sa kanilang mga utak. Ikinukulong nila ang kanilang mga sarili sa isang kotse. Isang tao kada kotse. “Nag lo-log on” sila sa kompyuter – lamang.
Mga telebisyon, mga kompyuter, mga kotse at mga kaset – ang lahat ng mga teknolohiyang ito – ay hindi nagpasayang ng mas higit sa atin. Ginawa tayo ng mga itong mas nag-iisa. Sinabi ni Albert Einstein, “Ito’y katakot-takot na kapansin-pansin na nalampasan ng ating teknolohiya ang ating sangkatauhan.” Nilikha ng videyong laro ang pinaka malubhang anyo ng pagka-isa sa marami sa mga kabataan ngayon!
Sinasabi ng Bibliya, “Sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya” (Ecclesiastes 4:10). At naniniwala ako na ito ay isa sa pangunahing dahilan na maraming mga kabataan ang tumitingin sa droga. Sila’y nag-iisa. Ang iba ay tumitingin sa isang gang – kung saan sinusubukan nilang makahanap ng pakikisama na hindi nila naramdaman sa isang magulong pamilya. Ang iba ay lumalabas at nagpupunta sa isang parti tuwing Biyernes o gabi ng Sabado – naghahangad na masupil ang kanilang pagka mag-isa. Ngunit sa anumang paraan hindi ito umuubra. Ang gang ay hindi nananatiling magkakasama. Ang parti ay natatapos – at ika’y umuuwing – mag-isa muli.
Ang pagkamakasarili ay pumipigil sa mga taong magkaroon ng tumatagal na mga relasyon. Sinasabi ng Bibliya:
“Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili…mga walang turing, mga walang kabanalan… …mga lilo…mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios” (II Ni Timoteo 3:1-4).
Ang pasahe ng Kasulatan ay ibinigay bilang isang propesiya ng ating mapag-isang panahon – at pinaliliwanag nito kung bakit napakaraming mga tao ay nag-iisa.
“Maibigin sa kanilang sarili.” Hindi ka maaring maging malapit sa iba kung mayroon kang supremang pag-ibig para sa iyong sarili. “Maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios.” Harapin ito! Marami ang mayroong makasariling pag-ibig ng kalayawan at walang pag-ibig sa Diyos! Ikaw ba’y ganyon? Ikaw ba’y makasarili sa pinaka looban? Ang pagkamakasarili ay ang pinaka diwa ng kasalanan – ang pag-iibig mo sa iyong sarili, hindi ang Diyos. Sa iyong pag-ibig sa sarili, ika’y nagrerebelde laban sa Diyos. Itinutulak mo ang Diyos mula sa iyong isipan. At ika’y nasusumpa ng pagka-iisa bilang bunga. Maaring di mo kailan man malaman ang pag-ibig ng Diyos. Maari kang magpatuloy na walang tumatagal na kaibigan sa mundo. Sinasabi ng Bibliya, “Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan” (Mga Kawikain 18:24). Kung hindi ka mapagkaibigan, hindi ka magkakaroon ng tunay na mga kaibigan. Iyan ang malungkot na kalagayan ng nawawala at nag-iisa, masasamang mga tao ng ating panahon.
Iyan ang dahilan na kailangan mong ayusin ang mga oras ng iyong trabaho upang hindi mo kailangang magtrabaho tuwing may simbahan. Kailangan mo ang Diyos! Kailangan mo ang mga kaibigan na iyong magagawa sa simbahan higit sa kahit anong halaga ng pera na iyong maaring magawa sa pagtratrabaho ng Linggo.
Walang magpagagaling ng iyong pagiging mag-isa kundi si Kristo at ang lokal na simbahan! Dapat kang sumuko kay Kristo, at malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Tapos dapat kang magpunta sa lokal na simbahan na ito at magkaroon ng tumatagal na mga kaibigan rito! Bakit maging mag-isa? Umuwi sa – simbahan!
Sinasabi ng Bibliya sa atin ang tungkol sa mga Kristiyano:
“At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso, Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:46-47).
Iyan ang dahilan na ang pagiging nasa simbahan ay nagpanatili sa kanilang puno ng “galak [sa puso]” – at nagpanatili sa kanila mula sa pagiging nag-iisa. Sila’y nasa simbahan tuwing ang pintuan ay bukas. Sundan ang kanilang halimbawa! Bumalik rito sa sunod na Linggo! Pumasok ng lubusan sa buong samahan ng ating simbahan! Gagamotin nito ang iyong pagiging mag-isa! Sisirain ni Kristo ang mga kadena ng pagiging mag-isa! Pumasok sa simbahang ito at isuko ang iyong puso kay Kristo!
II. Pangalawa, pag-isipan ang pagiging mag-isa ng kamatayan.
Sinasabi ng Bibliya na sinabi ni Jacob:
“Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo [sa Egipto]; sapagka't ang kaniyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira…” (Genesis 42:38).
Balang araw ang iyong mga kamag-anak ay mamamatay rin – at ika’y maiiwanang mag-isa.
Ang kamatayan ay isang teribleng bagay – at tatamaan nito ang lahat – pati ikaw. At maiiwanan ka ng kamatayan na napaka nag-iisa at napaka lungkot. Mapupunta ka sa isang lugar kung saan sasabihin mong,
“Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:7).
Maari mong maramdaman na parang isang nag-iisang ibon – nag-iisa sa bubong ng isang tahanan – nag-iisa, na walang kahit sinong mapupuntahan!
Nagpadala ang Diyos ng isang anghel upang palayain si Pedro noong siya’y nagapos sa isang bilangguan. Sinabi ng anghel, “Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay” (Mga Gawa 12:7). Iyan ang mangyayari sa iyo kapag magpupunta kay Kristo at mapagbagong loob. Ang mga kadena ng pagkabilanggo ng kamatayan ay malalaglag – at ika’y magiging malaya. Si Kristo ay dumating
“…upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo; At mailigtas [mapalaya] silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila” (Mga Taga Hebreo 2:14-15).
Gaya ng paglagay ni Charles Wesley nito:
Ang aking mga kadena ay nalaglag,
Ang aking puso ay napalaya;
Bumangon ako, humakbang paharap,
At sinundan Ka.
Nakamamanghang pag-ibig! Paano ito
Na Ikaw, aking Diyos, ay mamatay para sa akin?
(“At Maari Ba Ito.” Isinalin mula sa “And Can It Be?”
ni Charles Wesley, 1707-1788).
Ang mga kadena ng pagkalungkot ng kamatayan ay malalaglag kapag ika’y tunay na magpunta kay Kristo!
III. Pangatlo, pag-isipan ang pagiging mag-isa ng Impiyerno.
Sinasabi ng Bibliya sa atin ang tungkol sa isang mayamang mama na hindi isang Kristiyano. Namatay siya at nagpunta sa Impiyerno. Sinasabi ng Bibliya:
“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham… At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito” (Lucas 16:23-24).
Sa Impiyerno siya ay nahuhumaling sa kaisipan ng pagkakaroon ng kaunting tubig upang palamigin ang kanyang tuyong mga labi. Ngunit siya ay nag-iisa sa Impiyerno. Wala ni isang makatutulong sa kanya. Sumigaw siya para mayroong isang magpunta at dalhan siya ng kaunting mga patak ng tubig.
Ang matinding paghihirap ng taong ito ay nagpapakita ng ganap na pagka nag-iisa ng Impiyerno. Ang iyong mga kaibigan, kung sila’y nasa Impiyerno rin, ay hindi ka matutulungan ng kahit anong higit kaysa kanyang mga dating kaibigan ay matulungang mapawi ang kanyang paghihirap. Sila’y mahihiwalay mula sa iyo sa lagim at kadiliman at apoy. Ika’y magiging mag-isa, tulad niya, napahihirapan magpakailan man sa pagiging mag-isa.
Si Hesu-Kristo lamang ang makapipigtas ng mga kadena ng Impiyerno mula sa iyo! At magagawa lamang Niya iyan ngayon – habang ika’y buhay pa. Kung maghihintay ka hanggang sa ika’y mamatay, ito’y magpakailan mang huli na. Magpunta kay Kristo ngayon – at makakanta mong,
Panginoon, sa pamamagitan ng mga
Paghahampas na sumugat sa Iyo,
Mula sa nakatatakot na hapdi ng kamatayan
Ang Iyong alipin ay napalaya,
Upang tayo’y mabuhay at makakanta sa Iyo. Aleluya!
(“Ang Sagupaan ay Tapos Na.” Isinalin mula sa
“The Strife Is O’er,” isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).
Hindi maitatago ng kamatayan ang kanyang silain –
Hesus aking Tagapaglitas!
Pinunit Niya ang mga rehas papalayo –
Hesus aking Panginoon!
(“Bumangon si Kristo.” Isinalin mula sa “Christ Arose”
ni Robert Lowry, 1826-1899).
Ang mga nakalulungkot na mga kadena ng Impiyerno ay nasisira magpakailan man kung ika’y titingin ng ganap kay Hesu-Kristo! Magpunta sa Kanya! Lumabas mula sa kasalanan! Pumasok sa simbahan! Ang mga kadena ng pagiging mag-isa sa Impiyerno ay masisira para sa iyo sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos!
IV. Tapos, pang-apat, pag-isipan ang pagiging mag-isa ni Kristo.
Si Kristo ay madalas nag-iisa sa Kanyang pangangasiwa sa lupa. Sinasabi ng Bibliya:
“At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon” (Mateo 14:23).
Matinding mga pulong ng mga tao ay sumunod kay Hesus, ngunit madalas Siyang lumayo upang maging mag-isa kasama ng Diyos – malayo mula sa pulong. Ngunit madalas Niyang sinabi, “Hindi niya [ang Ama] ako binayaang nagiisa” (Juan 8:29). Sa loob ng Kanyang pangangasiwa sa lupa, ang Diyos ay laging malapit kay Hesus. Ngunit kinuha nila Siya at binugbog Siya, at nilagyan ng isang korona ng mga tinik sa Kanyang ulo, at kinutya Siya. Kinaladkad Nila siya pataas ng isang burol at ipinako Siya sa isang krus. At habang Siya’y namamatay sa krus, tumalikod ang Diyos mula sa Kanyang nag-iisang Anak. At si Hesus ay sumigaw:
“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan? [Bakit mo ako iniwanan?]” (Mateo 27:46).
Sa teribleng sandaling ito si Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, ay naiwanang mag-isa sa Krus. Siya ay lubos na nag-iisa. Ang Diyos ay tumalikod mula sa Kanyang minamahal na Anak – at dinala ni Kristo ang lahat ng ating mga kasalanan na Nag-iisa – nag-iisa sa Krus na iyon. Si Luther ay isang dakilang teyolohiyano, ngunit sinabi niya na hindi niya lubusang maintindihan ito o mapaliwanag ito sa makataong paraan.
Hindi matignan ng Diyos ang kasalanan – kaya tumalikod ang Diyos habang si Hesus “nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy [sa krus]” (I Ni Pedro 2:24). Iyan ang dahilan na si Hesus lamang ang makasisira ng mga kadena ng kasalanan na gumagapos sa iyo sa isang makasalanan, nag-iisa, at nawawalang kondisyon. Maliligtas ka ni Kristo mula sa multa ng kasalanan dahil dinala Niya ang iyong mga kasalanan na mag-isa sa Krus na iyon!
Ito’y nag-iisa ang Tagapagligtas na nanalangin
Sa madilim na Gethsemani,
And suffered there for me. Nag-iisa
Kanyang pinatuyo ang mapait na kopa
Nag-iisa! Nag-iisa! Dinala Niya itong lahat.
Ibinigay Niya ang Kanyang sarili upang iligtas
Ang Kanyang pagmamay-ari,
Nagdusa Siya, nagdugo, at namatay na nag-iisa, nag-iisa.
(“Nag-iisa.” Isinalin mula sa “Alone” ni Ben H. Price, 1914).
Si Kristo ay namatay na mag-isa sa Krus upang iligtas ka mula sa pagiging mag-isa na dila ng kasalanan sa kaluluwa ng tao. Namatay Siya sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong kasalanan. Masisira ni Kristo ang mga kadena ng iyong kasalanan dahil nagpunta Siya sa Kanyang kamatayan sa Krus para sa iyo! Tumingin kay Hesus ng lubusan at ika’y mapalalaya mula sa pagkakasala ng kasalanan!
V. Ngunit, panlima, pag-isipan ang pagiging mag-isa ng pagbabagong loob.
Hindi ka mapagbabagong loob kay Kristo sa pamamagitan ko. Isa lamang akong instrument – isang mangangaral – na nagtuturo sa iyo sa tamang direksyon – patungo kay Kristo – tulad ng ebanghelista sa Ang Progreso ng Peregrino [Pilgrim’s Progress]. Ngunit dapat mong mahanap si Kristo mag-isa. Dapat kang magpunta kay Hesus mag-isa. Anong perpektong larawan ang mayroon tayo ng pagiging nag-iisa ng pagbabagong loob sa kaligtasang karanasan ni Jacob:
“At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway” (Genesis 32:24).
Ang “lalakeng” nakipagbuno kay Jacob sa gabing iyon ay ang bagong naglamang taong si Kristo, na dumating sa kadiliman kay Jacob noong siya ay nag-iisa.
Tulad ng iba sa inyo, Hindi pa kilalang personal ni Jacob si Kristo. Sa nag-iisang oras na iyon nakipagbuno siya kay Kristo buong gabi. At ikaw rin, ay kailangang magpunta kay Hesus na nag-iisa. Kita mo, hindi ko kayang mapagbagong loob ka. Hindi ko kayang gawin kang isang tunay na Kristiyano. Iyan ay sa pagitan mo at ni Kristo lamang.
“At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway” (Genesis 32:24).
Namatay si Kristo sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Ngunit dapat kang “sumuko” kay Kristo. Dapat mong ibigay ang iyong sarili kay Kristo. Huwag ka dapat makinig sa iyong mapagmalaki at rebeldeng puso. Dapat kang bumagsak sa paa ni Kristo bilang isang walang pag-asang makasalanan. Dapat kang sumuko sa Kanya, at ilagay ang iyong tiwala sa Kanyang lubusan. Babaguhin Niya ang iyong puso! Sisirain Niya ang mga kadena ng kasalanan! Huhugasan Niya papalayo ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang Dugo!
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagsusuko kay Kristo at pagiging isang tunay na Kristiyano, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likod ng silid ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapag-uusap tayo. Dr. Chan manalangin ka na mayroong isang magtiwala kay Kristo ngayong umaga.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Ecclesiastes 4:8-12.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Samapung Libong mga Anghel.” Isinalin mula sa
“Ten Thousand Angels” (ni Ray Overholt, 1959).
ANG BALANGKAS NG PAGSISIRA NG MGA KADENA NG PAGIGING MAG-ISAni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sa aba niya, na nagiisa” (Ecclesiastes 4:10). (Genesis 2:18) I. Una, pag-isipan ang pagiging mag-isa ng ating kultura at ating II. Pangalawa, pag-isipan ang pagiging mag-isa ng kamatayan, III. Pangatlo, pag-isipan ang pagiging mag-isa ng Impiyerno, IV. Tapos, pang-apat, pag-isipan ang pagiging mag-isa ni Kristo, V. Ngunit, panlima, pag-isipan ang pagiging mag-isa ng |