Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




LANGIT AT IMPIYERNO

HEAVEN AND HELL
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Huwebes ng Gabi, Ika-3 ng Hulyo taon 2014

“Sinabi ko sa inyo, na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit. Datapuwa't ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 8:11-12).


Ang tekstong ito ay mayroong dalawang bahagi. Ang unang kalahati ay nakamamangha, ngunit ang pangalawang kalahati ay terible. Gayon,dahil ang parehong hati ay totoo, dapat akong mangaral sa parehong ito ngayong gabi.

I. Una, ang pangako ng Langit.

“Marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit...” (Mateo 8:11).

Inihanda ni Gg. Olivacce iyang nakamamanghang videyo na nakita natin sa Araw ng mga Ama. Nagdagdag pa siya ng higit pa at makikita mo na ito ngayon sa harap na pahina ng aming websayt. Mula sa buong mundo nagkaroon nakatanggap tayo ng mga email na nagsasabi sa atin kung paano sila nabiyayaan ng videyo, sa pagsusunog ng lagak ng ating gusali. Nagkumento sila sa tuwa na nararamdaman nila sa ating simbahan noong nakita nila ang mga letrato. Natuwa silang makakita ng napakaraming lahi na nagtatawanan at nagkakantahang nagagalak na magkakasama. Hindi nila alam kung paano natin ito ginagawa. Sa totoo lang, kahit ako! Ang ating simbahan ay isang himala ng biyaya ng Diyos! At siyempre, ito’y nangyari sa pamamagitan ng iyong walang pagod na pagtratrabaho para kay Kristo. Pagpalain ka ng Diyos!

Napaka raming mga tao ng iba’t ibang lahi sa isang simbahan! Ah, oo, sinabi ni Hesus ito’y maging tulad nito sa Langit! “Marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at magsisiupong…sa kaharian ng langit…” Hindi ito mukhang di pangkaraniwan sa atin – dahil tayo ay pinagsama-sama ni Kristo – tulad lang noon mga nasa lahat ng sulok ng mundo sa Makalangit na Kaharian!

Ngunit pansinin na sinabi ni Hesus, “marami ang magsisipanggaling.” Alam ko na minsan ang pakiramdam ay kaunti ang magpupunta. Nabubuhay tayo sa isang madilim at demonikong lungsod. Nabubuhay tayo sa isang makasarili at malupit na bansa. Isang milyon at isang kalahating mga sanggol ay pinahihirapan hanggang sa mamatay dito kada taon. Gayon ang mga simbahan ay nananahimik! Hindi ko pa nga makuha ang aking sariling magsabi ng isang mabuting salita tungkol sa paganong Amerika sa Ikapat ng Hulyo. Ang ating kinalabasan ay nakapasusuya sa aking puso. Ngunit ang Amerika ay malapit nang lumipas at malilimutan – ngunit tayo ay magsasaya kasama ng milyon milyong mga tao ng Diyos sa Kaharian ng Langit! Iyan ang ating tunay na lupang tirahan Iyan ang ating tunay na bansa! Iyan ang bansa sa ilalim ng Diyos!

Walang dalamahti ang kilala sa lungsod na iyon,
   Walang mga luha ang kailan man namamasa sa mata;
Walang kabiguan sa Langit,
   Walang inggit alitan sa itaas;
Ang mga santo ay lahat nabalanal na buo,
   Nabubuhay sila sa matamis na pagkakasundo doon;
Ang aking puso ay ngayon nakaayos sa lungsod na iyon,
   At balang araw ang mga pagpapala nito aking makababahagian.
Sa maliwanag na lungsod na iyan, mala perlas na puting lungsod,
   Mayroon akong isang mansion, isang damit at korona;
Ngayon ako’y nanonood, naghihintay at nagnanais,
   Para sa puting lungsod na iyan na malapit ng bumaba.
(“Ang Malaperlas na Puting Lungsod.” Isinalin mula sa
      “The Pearly White City” ni Arthur F. Ingler, 1873-1935).

Hindi ito maliit na bilang na maparoon! Sinasabi ng Diyos magkakaroon “isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika” sa kaharaian ng Langit! (Apocalipsis 7:9).

Sa maliwanag na lungsod na iyan, mala perlas na puting lungsod,
   Mayroon akong isang mansion, isang damit at korona;
Ngayon ako’y nanonood, naghihintay at nagnanais,
   Para sa puting lungsod na iyan na malapit ng bumaba.

“Marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit...”

Sila’y magpupunta! Sila’y magpupunta! At wala sa Langit o sa lupa, o sa Impiyerno, ang makatitigil sa kanila mula sa pagpupunta! Iniisip mo na mahirap magpunta – ngunit sinasabi ko sa iyo ito’y magiging imposible para sa kanila mula sa pagpupunta! Tulad ng mga alon ng isang malaking sunami ang taog ng biyaya ng Diyos ay nagdadala sa Kanyang mga napili sa Kaharian na may di matitiis na biyaya! Ang mga pagdududa ay madadala papalayo! Ang mga takot ay madadala papalayo! Ang pagkakasala ay madadala papalayo! “ Sila’y magpupunta! Aleluya! Sila’y magpupunta!

Magpunta kay Hesus ngayon. Hindi ka niya isasantabi. Ililigtas niya ang bawat isa sa inyo na magpunta sa Kanya!

Maari ngunit masasawi kung magpupunta ako;
   Ako’y desididong sumubok.
Dahil kung mananatili akong malayo kay Kristo
   Dapat akong mamatay magpakailan man!

Ah, huwag mong makaligtaan na magpunta sa puting lungsod! Huwag mong makaligtaan makakanta kasama namin,

Sa maliwanag na lungsod na iyan, mala perlas na puting lungsod,
   Mayroon akong isang mansion, isang damit at korona;
Ngayon ako’y nanonood, naghihintay at nagnanais,
   Para sa puting lungsod na iyan na malapit ng bumaba.

II. Pangalawa, ang babala tungkol sa Impiyerno.

Nakalulungkot na dapat naming ibigay sa iyo ang pangalawang hati ng teksto. Halos gusto ko nang iwanan ito! Ngunit tungkulin ko na ipangaral ito sa iyo.

“Datapuwa't ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 8:12).

Mayroong isang nakatatandang mama na mayroong balahibo sa kanyang sumbrebro na tumatakbo padaan sa aming bahay araw-araw. Lagi siya noong nagbabakasayon ng matagal kasama ng kanyang asawa sa Timog Amerika kada taon. Nagmamay-ari siya ng isang magarang bahay na may languyan sa kanyang bakuran. Isang mangangaral na nagngangalang Curtis Goldman ay naninirahan sa amin bay habang ang mamang ito ay dumaan. Ang mangangaral na si Goldman ay lumbas sa kalya at sumaksi sa kanya, ngunit tumakbo siya palayo, na para bang siya’y hinahabol ng isang multo. Hinabol siya ni Goldman, sumisigaw na “Timigil ka! Pupunta ka sa Impiyerno, matanda! Timigil ka! Pupunta ka sa Impiyerno!” Ngunit ang matandang mama na may balahibo sa kanyang sombrero ay nakatakbo na ng malayo. Sa gabi bago noong huli ang matandang mama na may balahibong sombrero ay di makatulog. Isinuot niya ang kanyang damit panglangoy at nagpunta sa kanyang languyan upang lumangoy ng ilang pabalik-balik. Ngunit natapilok siya at nauntog ang kanyang ulo, at nahulog sa languyan – mga alas dos ng umaga. May nakahanap ng kanyang malamig, patay na katawan na lumulutang sa tubig sa sunod na umaga. Ang huling mga salita na kanyang narinig mula sa isang mangangaral ay – “Tumigil ka! Pupunta ka sa Impiyerno, matanda! Tumigil ka! Pupunta ka sa Impiyerno!” Siya’y isang mainam na mama. Nagustuhan ko siya. Nalungkot ako noong narinig ko mula kay Ileana kung paano siya namatay. Narinig ko ito bago ko lamang isinulat ang talatang ito.

Huwag mo itong isantabi na iniisip na siya ay matanda na – at ika’y bata pa! Huwag mong subukang gawin iyan. Binabasa ko ang orbituwaryo sa dalawang peryodiko tuwing umaga. Tumigil na ako sa pagbabasa ng kartoon. Dati ay tinatawag namin ang mga itong “nakatutuwang papel.” Ngunit hindi na sila nakatutuwa. Malungkot at walang pag-asa ang mga ito – kasing lungkot at walang pag-asa gaya ng matandang mga taong naninirihang mag-isa sa magagandang bagay kung saan ako naninirahan.Mga kabataan, huwag ninyo kailan man hayaan ang inyong ama o inang manirahang mag-isa. Ito’y isang teribleng paraan upang mabuhay. Ipangako mo sa akin sa harap ng Diyos na kukunin mo ang iyong matandang ina at ama sa iyong tahanan kung sila’y nag-iisa. Ipangako mo sa akin! Basahin sa kanila ang puntong ito sa sermon, na pinamagatang “Langit o Impiyerno.” Huwag mong hayaan ang iyong mga magulang na mabuhay ng isang malungkot, nag-iisang matandang edad, na isang tawag sa telepono o isang text lang kada ilang araw mula sa iyo! Ilipat ang iyong ina o ama kasama mo kung ang kanilang asa ay mamatay. IYAN LAMANG ANG NAG-IISANG KRISTIYANONG BAGAY na gawin! Sa pinaka kaunti subukan mong gawin ito. Sa alang-alang ng Diyos huwag mong hayaan ang iyong nanay na malanta at mamatay na mag-isa – habang iyong tinatamasa ang iyong buhay na mag-isa. Kung gagawin mo ito, aanihin mo ang iyong ipinunla. Ikaw rin ay mamamatay na mag-isa, at mapupunta sa Impiyerno na mag-isa, tulad ng ginawa matandang mama na may balahibong sombrero kahapon, noong natalusod siya at nalunod sa kanyang languyan.

“Ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 8:12).

Mayroong ilan sa inyo ngayong narito ngayong gabi na mayroong mga Kristiyanong mga ina. Ang ilan sa inyo ay binibiyak ang puso ng inyong kawawang mga ina. Dinala namin ang aking nanay sa aming tahanan at minahal siya ng aking asawa, at inalagaan namin siya, noong mga huling apat na taon ng kanyang buhay. Ngunit mayroong mga bata rito sa simbahan ngayong gabi na binibiyak ang mga puso ng kanyang ina at pinapuputi ang kanyang buhok. Ika’y magpapatuloy na ginagawa ang isang bagay na nagpapahirap sa puso ng iyong ina tuwing gabi! Maaring di niya kailan man sabihin sa iyo, ngunit ikaw lang ang nag-iisa niyang pag-asa. Ibinuhos niya ang kanyang buhay sa iyo. Nagpaalila siya mula maagang umaga hanggang gabi upang siguraduhin na mayroon kang mas mabuting buhay kay sa sa kanya. Ngunit tumanggi kang ibigay ang nag-iisang bagay na hinihingi niya mula sa iyo! Hindi pa nga niya sinasabi sa iyo, dahil mahal ka niya ng lubos na ayaw ka niya mabalisa. Ngunit, talaga, ang nag-iisang bagay na gusto niya mula sa iyo ay makita kang magtiwala kay Hesus at maging naroon upang ngumiti at magdiwang kapag ika’y mabinyagan! Hindi mo ba mabigyan ang kawawa mong ina iyon? Mararamdaman niya na ang kanyang buhay ay nasayang, na parang ang kanyang buhay ay walang saysay, kung hindi ka magpupunta kay Hesus, mabinyagan, at gawing siyang nagmamalaki sa iyo.

Maging ang iyong ina ay isang Kristiyano o hindi, pakiusap, sa alang-alang ng Diyos, mga kabataan – magpunta kay Hesus ngayon, habang ang iyong puso ay malambot at bata. Huwag magpatuloy na wala si Kristo – hanggang sa wakas ika’y tatakbo mula kay Kristo – gaya ng matandang mama na may isang balahibo sa kanyang sombrero – at gaya ng gagawin mo kung mabibigo kang magtiwala kay Hesus ngayon, habang ika’y bata pa – at mamatay at lumubog pababa sa Impiyerno, marahil sa isang languyan, upang mamatay sa tubig at lumubog sa pinakalabas na kadiliman, kung saan walang ni isang patak ng tubig upang palamigin ang dila sa walang hanggang mga apoy.

Sinabihan ni Spurgeon ang isang babae na mayroong isang panaginip na sinabi niya sa kanyang mga anak. Napaniginipan niya na ang paghahatol ay dumating. Ang mga dakilang mga Aklat ay nabuksan at sinabi ng Diyos, “Ilagay ang mga di ligtas sa kaliwang tabi, at ang mga napagbagong loob sa kanan.” Isang anghel ay dumating ang kinuha ang ina, nagsasabi, “Siya ay isang Kristiyano at dapat siyang magpunta sa kanang kamay. Ngunit ang kanyang mga anak ay nawawala. Sila ay mga kambing. Dapat silang magpunta sa kaliwa.” Napaniginipan niya na ang kanyang mga anak ay nagsi-iyak, at nagsabi,”Nanay, kailangan ba namin kang iwanan?” Yinakap niya sila at nagsabi, “Aking mga anak, kung ito’y posbile dadalhin ko kayo kasama ko. Ngunit ito’y di posible dahil hindi ninyo pinagkatiwalaan si Hesus. Nagmaka-awa ako sa inyo na magtiwala sa Kanya at maging ligtas, ngunit hindi kayo nakinig at sumunod sa akin. Ngayon dapat akong mahiwalay sa inyo magpakailan man.” Sa isang sandali nagpunta ang anghel para sa kanya. Ang kanyang mga luha ay wala na ngayon, nasusupil ang natural na pagsisinta, ginagawang higit sa natural na kalmado at nakabitiw sa kagustuhan ng Diyos. Lumingon siya at nagsabi sa kanyang mga anak, “Dinala ko kayo sa simbahan. Itinuro ko ang Bibliya sa bahay. Nanalangin ako para sa inyo sa gabi. Gayon tinanggihan niyo si Hesus. Ngayon ang lahat na sasabihin ko ay Amen sa inyong walang hanggang kondemnasyon.” Tapos sila’y nadaklot papalayo sa kanya at nakita niya silang naitapon sa pinaka labas na kadiliman, sa walang hanggang mga apoy.

Mga kabataan, anong iisipin mo, kapag ang huling araw ay dumating, at marinig mo si Kristong magsabi, “Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan.” At tapos maririnig mo ang tinig ng isang nagsasabing, “Amen.” At kapag tanungin mo kung saan nanggagaling ang Amen, matatagpuan mo na ito’y tinig ng iyong ina. O, batang babae, kapag ika’y maitapon sa pinakalabas na kadiliman ng Impiyerno maaring kang makarinig ng isang tinig na nagsasabing “Amen,” at matagpuan na ito’y nanggaling mula sa sariling bibig ng iyong ama.

Maraming mga ligtas na mga kasumpa-sumpa, mga lasingero, mga babaeng mababa ang lipad, mga di napagbagong loob na mga homosekswal, at nagsisising mga adik sa droga ay papasok sa Langit. At ang “mga anak ng Kaharian,” tulad mo, isang anak na nagpunta sa simbahan sa iyong buong buhay, ngunit tinanggihan si Hesus, ay maitatapon sa pinaka labas na kadiliman at mga apoy ng Impiyerno. At doon hindi ka magkakaroon ng pag-asa magpakailan man- magpakailan man – magpakailan man! Nawawala magpakailan man!

At napaka daling matakasan ng katakot-takot na ito! Ang lahat na kailangan mong gawin ay magtiwala kay Hesus – napaka simple – napaka dali – “Magtiwala ka lamang sa Kanya, magtiwala ka lamang sa Kanya, magtiwala ka lamang sa Kanya ngayon! Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya ngayon.” Simpleng magtiwala sa Kanya at ang iyong mga kasalanan ay lahat malilinis sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo na nabuhos sa Krus! Magpunta sa Krus ni Kristo at maging malinis sa Kanyang Dugo! Ang pangaral na ito ay maluwag na hinango at pinaka-ikli mula sa isang pangaral ni C. H. Spurgeon, ang “Prinsipe ng mga Mangangaral,” na kanyang ipinangaral sa isang matinding masa sa isang kapatagan noong siya lamang ay dalawampung taong gulang. Siya ang pinaka unang magsabi sa iyo na ang kantang ito ay totoo,

Mayroong lugar sa krus para sa iyo,
   Mayroong lugar sa krus para sa iyo,
Kahit na milyon-milyon ang nagsipunt, mayroon pa ring lugar para sa isa –
   Oo, mayroong lugar sa krus para sa iyo.
(“Lugar sa Krus Para sa Iyo.” Isinalin mula sa
      “Room at the Cross For You” ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).

Gusto mo ba kaming kausapin tungkol sa pagiging magawang malinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Dugo ni Hesus? Kung gayon, magpunta sa silid ng pagsisiyasat ngayon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.


ANG BALANGKAS NG

LANGIT AT IMPIYERNO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sinabi ko sa inyo, na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit. Datapuwa't ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 8:11-12).

I.   Una, ang pangako ng Langit, Mateo 8:11; Apocalipsis 7:9.

II.  Pangalawa, ang babala tungkol sa Impiyerno, Mateo 8:12.