Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG BERSO NI DR. CAGANDR. CAGAN’S VERSE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man” (I Ni Juan 2:17). |
Ito ang berso na ginamit ng Diyos upang dalhin ang isang tao sa aming simbahan kay Hesus. Siya noon ay batang-bata pa, nasa kanyang maagang mga benteng edad. Ginagawa niya ang kanyang pagtatapos sa kampus ng UCLA. Pinaplano niyang makagawa ng isang milyong dolyares bago niya maabot ang edad na tatlompu. Tatlo ang kanyang trabaho at nag-aaral sa karamihan ng gabi. Hindi, hindi siya isang Kristiyano. Akala niya na ang Kristiyanismo ay para lamang sa mga mahihinang isipang mga tao, hindi siya! Siya ay magiging mayaman at tanyag. Tapos isang gabi naisip niya, “Nabasa ko ang lahat ng mga dakilang klasikal na mga aklta ng Kanlurang mundo, ngunit hindi ko pa nababasa ang Bibliya.” Umupo siya at nagsimulang basahin ito. Binasa niya itong diretso sa maikling panahon. Ang bersong ito ng Kasulatan ay mukhang lumulundag mula sa pahina sa kanya. Hindi niya maalis ito sa kanyang isipan. Ang mga salita ay nagpatuloy na sumusuntok sa kanyang isipan, “Ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon: datapuwa’t ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananahan magpakailan man.” Dinadalaw siya lagi ng bersong ito, tulad ng isang multo sa kanyan utak, sa loob ng dalawang buong taon – hanggang sa isang gabi nagpunta siya kay Hesus. Sinabi niya, “Sa loob ng ilang segundo lamang, nagpunta ako kay Hesus. Nanampalataya ako sa Kanya. Ito’y kasing simple nito.” Kilala mo siya. Ang kanyang pangalan ay Dr. Cagan – at siya ang pangalawang pastor ng simbahang ito! Kakarinig mo lang ng kanyang anak na si John Samuel na kumanta bago ako dumating upang mangaral. At ang bersong ito ay nagkumbinsi kay Dr. Cagan na maging isang Kristiyano,
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man” (I Ni Juan 2:17).
Ang bersong ito ay naglalaman ng isang mahalagang katotohanan para sa bawat kabataan rito ngayong umaga. Karamihan sa mga tao ay hindi ito iniisip, ngunit “ang sanglibutan ay lumilipas.” Itinuturo ni Dr. A. T. Robertson na ang literal na Griyego ay nangangahulugang “mamamatay” (Isinalin mula sa Mga Salitang Larawan sa Bagong Tipan [Word Pictures in the New Testament, Broadman, 1933, pah. 214). Ang sanglibutan ay “namamatay.” Ang “sanglibutan” ay mula sa Griyegong salitang “cosmos.” Tumutukoy ito sa sistema ng sanglibutan na ito sa ilalim ng panghahawak ni Satanas, ang materyal na salita at ang paraan ng pag-iisip nito. Ito lahat ay namamatay! Iyon lamang gumagawa sa kagustuhan ng Diyos ay mananatili at mabubuhay magpakailan man!
Ang teksto ay natural na umaangkop sa dalawang mga punto. At gusto kong ang bawat kabataan rito ngayong umaga na pag-isipan ang mga ito. Ang bersong ito ay gumawa ng matinding impresyon kay Dr. Cagan, ang ating pangalawang pastor, noong siya ay isang ateyista. Ito na ngayon ay ang berso ng kanyang buhay. Panalangin ko na ito’y gagawa rin ng matinding impresyon sa iyo din.
I. Una, ang sanglibutan ay namamatay.
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Ni Juan 2:17a).
Sinasabi ni Dr. Rienecker, “Ito’y nasa proseso ng pagkakamatay” (Isinalin mula sa Linguistikong Susi sa Griyegong Bagong Tipan [Linguistic Key to the Greek New Testament], Zondervan, 1980, pah. 788).
Maaring nakita na ito ng ilan sa inyo. Ang mga kaibigan sa mataas na paaralan ay nagtatapos. Sasabihin mo na kayo’y magkikita muli, ngunit sa anumang paraan hindi ito nangyayari. Ang mga kaibigan na inasahan mo ay agad wala na. Ito’y mangyayari muli kapag nagtapos ka sa kolehiyo. Ito’y maari pa ring mangyari habang ika’y nasa paaralan pa rin. Mayroong nangyayari at ang iyong mga kaibigan ay tumatalikod mula sa iyo. Isang kabataan ang nagsabi, “Mukhang ang lahat ay laban sa akin ngayon.” Hindi niya kailan man naisip na ito’y mangyayari, ngunit kahit paano ito’y nangyari pa din. Nagsasalita tungkol sa kanyang paaralan, sinabi niya, “Matutuwa akong makaalis mula roon.”
Maraming mga kabataan ang nararamdamang naputol mula sa kanilang mga kamag-aral kahit bago ng pagtatapos. At ito’y mas magiging malubha pa pagkatapos ng pagtatapos. Sasabihin mo na kayo’y “mananatiling magkaugnay,” ngunit hindi ito mangyayari. Hindi ito kailan man mangyayari, alam mo.
Itinuro ni Josh McDowell na “Ang bawat mag-aaral ay humaharap sa mga relasyonal na mga pagkawala o paghihiwalay na nagdadala ng pan loob na sakit” (Isinalin mula sa Ang Dimagkakaugnay na Henerasyon [The Disconnected Generation], Word, 2000, pah.154). Itinuturo niya na ito’y nangyayari dahil sa limang dahilan:
1. Kapag sila’y lumilipat o ang kanilang mga kaibigan ay lumilipat.
2. Kapag tinatanggihan sila ng kanilang mga kaibigan.
3. Kapag ang kanilang mga pamilya ay naghihiwalay.
4. Kapag ang romansa ay nagtatapos.
5. Kapag ang mga kaibigan o mga miyembro ng pamilya ay namamatay (Isinalin mula sa ibid., mga pah. 155-160).
Maari siyang nakapagbigay pa ng pang-anim na paraan ng paghihiwalay na dumarating sa mga kabataan.
6. Kapag ika’y nagtatapos.
Oo, tama siya kapag sinasabi niyang, “Ang bawat mag-aaral ay humaharap sa mga relasyonal na mga pagkawala o paghihiwalay na nagdadala ng pan loob na sakit.” Iyan ay mangyayri sa iyo –sa isang paraan o sa isa pa. Bakit? Dahil ang sanglibutan ay “nasa proseso na ng pagkamatay” (Isinalin mula kay Rienecker, op. cit.).
Ang aking asawang si Ileana at ako ay nasa Ehipto ilang taon ang nakalipas. Inakyat namin hanggang sa tuktok ang Dakilang Piramide sa loob ng isang daanan na mula sa ibaba diretso hanggang sa libingang kamara ng Paro. Ako’y nasabihan na hindi mo na magagawa iyan ngayon, ngunit nagawa namin iyon noon. Makatitingin ka sa labas mula sa piramideng iyon. Ito pa rin ay nakamamangha, kahit na ito’y napinsala ng panahon. Ang dakilang sibilisasyon na pinamunuhan ng Parong iyo ay wala na. Ang mga tao doon ay ngayon mahihirap na at baligtad. Ang Ehipto ay minsang ang pinaka dakilang bansa sa lupa. Ang lahat ng iyan ay lumipas. Walang natira kundi ang gumuguhong piramideng iyon. Kahit ang libingang kamara ay wala nang laman. Sinira ng mga salaula ang momya ng Paron at ninakaw ang kanyang mga kayamanan sa libingan mahabang panahon noon. Habang tinignan namin ang kalahating sirang piramide, naisip ko,
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Ni Juan 2:17).
si Ileana at ang mga anak naming lalake at ako ay nasa Inglatera nagpunta kami sa Kumbento ng Westminister. Marami sa mga pinaka dakilang mga Ingles na lalake ng buong panahon ay nakalibing doon, dakilang mga manunula at mga estadista at mga lalake sa military. Nakipaglaban sila sa mga tanyag na mga digmaan, nagsulat sila ng mga tanyag na mga aklat, at mga kilala sa mundong mga tula. Ngayon ang kanilang mga buto ay nakalibing sa ilalim ng mgabata, sa ilalim ng sahig, at sa mga pader, noong kapita pitagang gusali. Ang ilaw ay madilim at mayroong matinding katahimikan habang kami’y lumakad sa Kumbento ng Westminister noong tanghaling iyon. Ang teksto ito ay dumaan sa aking isipan,
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Ni Juan 2:17).
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Mayroong luwalhati na nabibilang sa lahat ng iyan, ngunit ito’y lumisan na. Ang Inglatera ay isa na lamang pangatlong antas na kapangyarihan sa mundo ngayon…Ang lahat ng iyan ay lumipas at ang masasamang pita niyaon. Nasaan ang masamang pita ng [Haring] si Henry VIII ngayon? Ito’y nasa loob ng isa sa mga libingan roon. Pag-isipan lang ang lahat ng luwalhating iyon na nakalibing sa Westminister na [Kumbento] – ang lahat ng iyan ay lumipas (Isinalin mula kay Dr. J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Biblya [Thru the Bible], Thomas Nelson, 1983, kabuuan V, pah. 776).
Sinubukang iligtas ni Churchill ang Emperyo ng Britanya, ngunit sa oras na sila’y nakinig sa kanyang mga babala huli na upang iligtas ang Emporyo. Sa pamamagitan lamang ng matinding pagkikipaglaban na kanilang naligtas ang Inglatera mismo mula kay Hitler at mga Nasi.
At iyan ay mangyayari sa Amerika rin. Ang ating panahon ay lilipas. Ang ating sibilisasyon ay matatapos. Maraming mga eskolar ang nagsasabi na ating nasisimulang masaksihan ang katapusan ng Amerika ngayon.
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Ni Juan 2:17).
Ang mataas na paaralan ay matatapos. Hindi mo na makikita ang mga kaibigan na iyon muli. Ang kolehiyo ay matatapos. Ang mga kaibigang iyon ay mawawala rin. Isa isa ang iyon pamilya ay mamamatay – ang iyong ina, ang iyong ama, ang iba mong mga kamag-anak. Ang lahat ay mawawala. Sa wakas, ikaw rin ay mawawala.
Iyan ay nangyari sa akin. Ang lahat ng aking mga kaibigan sa mataas na paaralan at kolehiyo ay wala na. Isa isa ang aking pamily ay namatay – ang aking tatay, ang aking nanay, lahat ng aking mga kamag-anak. Sa wakas, ako rin ay mawawala.
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Ni Juan 2:17).
Tapos hindi na ito mahalaga kung anong kolehiyo ang pinuntahan mo. Tapos hindi na ito mahalaga kung anong pera ang naipon mo. Tapos hindi na ito mahalaga kung anong tagumpay ang nagkaroon ka. Ang lahat ay mawawala. Wala sa mga ito ang magiging mahalaga, “sapagka't ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas” (I Mga Taga Corinto 7:31).
“Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi” (Santiago 4:14).
Isa pang pastor at ako ay nanonood ng isang pelikulang ng Ikalawang Makamundong Digmaan. Ang ilan sa mga lumang pelikulang iyon ay isinalaysay ni Martha Gellhorn, isang kilalang peryodista ng mga taong 1940. “Alam mo ba kung sino siya” tinanong ko ang pastor. “Hindi,” ang sabi niya, “sino siya?” “Siya ang ika’tlong asawa ni Ernest Hemingway.” Siya ang pinaka tanyag na nobelista ng mundo. Marami sa kanyang mga nobela ay ginawang mga malalaking pelikula. Hiniling ni Pangulong Kennedy na magsalita siya sa kanyang inagurasyon. Ngunit hindi niya ito nagawa. Ang kanyang asawa ay si Martha Gellhorn isang tanyang na peryodista. Ngayon wala pang nakakikilala sa kanya! At wala halos nakaaalala sa kanya rin.
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Ni Juan 2:17).
Maari mong mapanalunan ang Pulitzer Price para sa literatura, tulad ni Hemingway. Anong pagkakaiba ang magagawa nito? Maari kang magsulat para sa Time na magasin, tulad ni Martha Gellhorn. Sinong makaa-alala nito? Maari pag-arian mo ang Clippers, tulad ni Donald Sterling. Ilang taon mula sa ngayon sinong makakaalam? Sinong makakaalala? Maari kang maging isang tanyag na manganganta tulad ni Beyonce o Miley Cyrus. Ilang taon mula sa ngayon sinong makaa-alam? Sinong magkakaroon ng pakialam? Anong kahalagahan nito?
Sa Impiyerno iyong itaas ang iyong mga mata at magsasabing, “Ito’y totoo! Anong hangal ako na hindi makinig!”
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Ni Juan 2:17a).
II. Ngunit pangalawa, ang taong gumagawa ng kagustuhan ng Diyos ay mabubuhay magpakailan man.
Sinasabi ng teksto,
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man” (I Ni Juan 2:17)
Ang pangalawang kalahati ng berso ay nagsasabi sa atin na ang taong gumagawa ng nais ng Diyos, na gumagawa ng kagustuhan ng Diyos, “ay nananahan magpakailan man.” Ang Griyegong salitang isinalin ay “nananahan” ay nangangahulugan ring “manatili, magpatuloy, mamalagi” (Isinalin mula kay Strong kagustuhan). Maari nating isalin ito bilang, “siyang gumagawa ng kagustuhan ng Diyos ay magpapatuloy magpakailan man.”
Ang lahat ng ibang alam natin sa pamamagitan ng ating pisikal na pakiramdam sa mundong ito ay lilipas. Ito’y mawawala. Ngunit ang taong gumagawa ng gustong gawin ng Diyos ay mananatili magpakailan man. Anong isang nakamamanghang pangako sa Salita ng Diyos!
“Ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan [nanatili] magpakailan man” (I Ni Juan 2:17b).
Ang nakamamangha at lumang ebanghelyong kantang ating kinanta sa simula ng paglilingkod na ito ay lubusang totoo! Sinasabi sa atin nito ang tungkol sa Langit!
Ang mga kaibigan ay maparooon na iniibig ko ng mahabang panahon,
Galak tulad ng isang ilog sa paligid ko’y umaagos;
Gayon isa lamang ngiti mula sa aking Tagapagligtas, Alam ko,
Ay maging sa lahat ng panahon maging luwalhati para sa akin.
O iyan ay maging luwalhati para sa akin,
Luwalhati para sa akin, luwalhati para sa akin.
Kapag sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ako’y titingin sa Kanyang mukha,
Iyan maging luwalhati, maging luwalhati para sa akin.
(“O Iyan ay Maging Luwalhati.” Isinalin mula sa
“O That Will Be Glory” ni Charles H. Gabriel, 1856-1932).
Ngunit ang dakilang pangako sa kantang iyan ay para lamang doon sa mga gumagawa ng kagustuhan ng Diyos.
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man” (I Ni Juan 2:17).
Ano ang “kalooban ng Diyos” na dapat mong gawin upang magkaroon ng walang hanggang buhay? Sinabi ni Hesus,
“Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw” (Juan 6:40).
“Ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.” “Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak [sa pananampalataya], at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.” Ang bawat taong tumitingin kay Hesu-Kristo sa pananampalataya, at nagtitiwala sa Kanya ng lubos, ay magkakaroon ng walang hanggang buhay. Iyan ang pangako ni Hesu-Kristo – at Siya’y di kailan man nagsisinungaling!
Ito’y kagustuhan ng Diyos para sa iyong maniwala kay Hesus. Kapag buong puso kang titingin sa Kanya, ika’y agad-agad naliligtas. Hind mo nakukuha ang walang hanggang buhay pagkatapos mong mamatay. O, hindi! Makukuha mo ang walang hanggang buhay ngayon – kapag maniwala kang buong-buo at punong- punog kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Sinabi ni Hesus:
“Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay [ngayon na]; at kailan ma'y hindi sila malilipol” (Juan 10:28).
Ang kagustuhan ng Diyos para sa iyo ay tumalikod mula sa iyong kasalanan at manampalataya kay Hesus ng iyong buong puso. Namatay si Kristo sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan. Si Kristo ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay. Siya ay buhay ngayon sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Kapag magpunta ka kay Hesus, huhugasan Niya ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang nagliligtas na Dugo. Tapos ika’y mabubuhay magpakailan man kasama Niya sa luwalhati ng walang hanggang.
Katapusan:
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon.” Ang sanglibutan ay lumilipas na. Nawawala mo na ang mga kaibigan na nagkaroon ka sa mundo. Nawawala mo sila kapag nagtatapos ka ng mataas na paaralan. Nawawala mo sila kapag nagtatapos ka ng kolehiyo. Nawawala mo sila sa kaguluhan ng iyong buhay. Nawawala mo sila kapag sila’y mamatay. Malapit na na ang lahat ng iyong mga kaibigan ay mawawala, sa isang paraan o isa pa, maliban nalang kung sila’y mga tunay na mga Kristiyano. Ngunit kung mayroong kang mga kaibigan na tunay na mga ligtas, matatamasa mo sila magpakailan man sa Kaharian ng Diyos! Iyan ang dahilan na sinasabi namin, “Bakit maging mag-isa? Umuwi sa simbahan! Umuwi kay Kristo!” Ikaw at ang iyong mga ligtas na mga kaibigan sa simbahan ay magkakaroon ng walang hanggang buhay. Makikilala ninyo ang isa’t isa kapag marating mo ang Langit. Matatamasa mo ang kanilang pakikipagkaibigan magpakailan man. Anong nakamamanghang pangako!
Ngunit dapat mong gawin ang kagustuhan ng Diyos. Dapat kang tumalikod mula sa kasalanan at magpunta kay Hesu-Kristo, “ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29).
“At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man” (I Ni Juan 2:17).
Iiwanan mo ba ang mundo at ang mga kasalanan nito, at magpunta kay Hesus? Tinatawag ka ni Hesus na magpunta sa Kanya. Sinasabi Niya,
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28).
Pakingan ang testimony ng isang babaeng nagngangalang Lara. Siya ay narito sa paglilingkod ngayon. Lara tumayo ka nga. Maari ka nang maupo. Sinabi ni Lara,
Nagpunta ako sa simbahan noong Abril 28, 2011. Sa simbahan naiyon naramdaman kong lubos na kinalulugod, ngunit hindi nito inalis ang bigat ng aking kasalanan. Noong nadinig ko si Dr. Hymers na mangaral naradaman ko na ang pinaka sermon iyon ay nakadirekta sa akin para bang ako’y nasa isang ilaw na nakatutok sa akin at si Dr. Hymers ay nangangaral sa akin lang. Sa loob ng dalawang linggo, umuwi ako na may mabigat na puso, tapos nagsimula akong magpunta sa silid ng pagsisiyasat. Sa pamamagitan ng pangangaral at ng silid ng pagsisiyasat, naramdaman kong mas malubha tungo sa aking mga kasalanan. Kinamuhian ko ang aking mga kasalanan, naramdaman kong marumi, malupit, walang silbe, at balisa at na walang mabuti sa akin. Alam ko doon at roon nararapat sa akin gang Impiyerbo dahil sa aking mga kasalanan. Sa loob ng maraming mga araw, hindi ako makatulog at naramdaman ko ang takot na mamatay sa aking mga kasalanan. Bawat gabi, nanalangin akong masidhi para sa Diyos na maawa sa akin.
Nagpatuloy akong manalangin para sa Panginoong na maawa sa akin, sirang makasalanan na ako. Gayon din nanalanagin ako para kay Hesus na patawarin ako at hugasan ang aking mga kasalanan gamit ng kanyang Dugo.
Noong ika-18 ng Hunyo taon 2011, Sabado ng gabi, sinabi ni Dr. Hymers sa kanyang pangangaral, “Iniibig ka ni Hesus.” Ang pag-ibig ni Hesus ay naging totoo sa akin sa unang pagkakataon. Ang lahat tungkol sa paghihirap ni Hesus sa Krus upang iligtas ako, isang di nararapat na makasalanan, para sa unang beses ay naging totoo sa akin. Noong tinawag nila ako sa silid ng pagsisiyasat, alam ko sa unang pagkakataon na iniibig talaga ako ni Hesus. At kaya noong tinanong ako ni Dr. Cagan na magpunta kay Hesus, nagpunta ako sa pananampalataya, at iniligatas ako ni Hesus! Ang Kanyang Dugo ay naghugas sa aking mga kasalanan! Ang Kanyang sakit at pagdurusa sa Krus ay nanggaling mula sa Kanyang pag-ibig para sa akin. At sa unang pagkakataon, walang mga luha ng emosyon sa aking mga mata. Nagpunta ako kay Kristo sa pamamagitan ng simpleng pananampalatya, at iniligtas Niya ako.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging nalinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ni Hesus, magpunta sa likuran ng awditoriyum na ito ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makakausap ka namin tungkol sa pagiging ligtas. Magpunta ngayon na. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang magtiwala kay Hesus ngayong umaga.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: I Ni Juan 2:15-17.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. John Samuel Cagan: “Kay Hesus.”
Isinalin mula sa “In Jesus” (ni James Procter, 1913).
ANG BALANGKAS NG ANG BERSO NI DR. CAGAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man” (I Ni Juan 2:17). I. Una, ang sanglibutan ay namamatay, I Ni Juan 2:17a; II. Pangalawa, ang taong gumagawa ng kagustuhan |