Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




HUWAG MATULOG – GAYA NG IBA!

DON’T SLEEP – AS OTHERS DO!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-22 ng Hunyo taon 2014

“Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba”
(I Mga Taga Tesalonica 5:6).


Tinutukoy rito ng Apostol Pablo ang “Araw ng Panginoon.” Ito’y isang punto ng panahon na nagsisimula sa Matinding Tribulasyon, at ito’y darating na parang isang “biglang pagkawasak,” at gaya ng isang “pagdaramdam” – gaya ng “kapanganakang sakit” na dumarating ng biglaan sa isang babae na magkakaroon ng anak. Ang araw ng Panginoon ay darating, magkakaroon ng milyon-milyong mga tao na hindi handa para rito. Karamihan sa mga tao sa ating simbahan ay magsisi-alis agad kapag ang mga gulo at sakit ng punto ito ay magsisimulang mangyari!

Tapos sinabi ng Apostol sa kanila na sila’y “wala sa kadiliman.” Alam nila ang tungkol sa propsiya ng Bibliya. Wala sila sa kadiliman patungkol sa padating na Tribulasyon, at ang Pagdadagit. Ngunit tapos sinasabi niya, kung gayon “Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba; kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.” Dahil kanya tayong hinihikayat na huwag matulog, masasabi natin na ito’y posible para sa mga tunay na mga napagbagong loob na mga taong “matulog.” Tiyak rin na iyong mga di napagbabagong loob ay natutulog. Magsasalita ako tungol sa parehong grupo mga ito ngayong umaga.

I. Una, hayaan iyong mga napagbagong loob na sabihin, “Huwag tayong matulog gaya ng mga iba.”

Walang pagdududa rito. Tunay na mga Kristiyano ay maaring matulog. Ang parabula ng sampung mga birhen ay ginagawa itong malinaw. Sinabi ni Hesus,

“Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog” (Mateo 25:5).

Sa tinggin ko iyan ay isang larawan ng maraming mga tunay na Kristiyano ngayon. Sila’y natutulog naiidlip at natutulog. Iyan ang kalagayan ng ilang mga Kristiyano, kahit sa ating simbahan ngayong umaga.

Ang isang Kristiyano ay maaring makatulog at hindi ito nalalaman. Kung sasabihin mong, “Ako’y natutulog” ito’y isang tanda na ika’y hindi natutulog. Iyong mga tunay na natutulog ay di ito alam. Maaring nadadala ka na sa tulog at hindi magising-gising dahil ang iyong mga kaibigan rito sa simbahan ay natutulog rin. Kung mayroong isang susubok na gisingin ka, maari mo tanggihan ang sasabihin nila, o hatulan sila, at isipin na masyado sila mapanuri.

Ang pagkatulog sa isang Kristiyano ay napaka panganib dahil maaring marami kang gawin habang natutulog na pwede kang gawing mukhang gising. Ang ilang mga tao ay nagsasalita sa kanilang tulog. At ang ilang mga natutulog na mga Kristiyano ay nagsasalita na parang sila’y aktibo at mainit ang loob. Ito’y lalong lalo nang malinaw kapag sila’y nanalangin. Sila’y espiritwal na natutulog kapag sila’y nananalangin. Ang pinaka tunog ng kanilang tinig kapag nananalangin silang malakas ay nagpapakita na sil’ay natutulog sa kanilang tulog. Ginagamit nila ang parehong mga salita ng paulit-ulit. Wala silang kasigasigan. Hindi lamang sila natutulog, kundi pinatutulog rin nila ang lahat ng iba kapag sila’y nananalangin ng malakas sa mga pagpupulong. Nakarinig na ako ng mga taong sumubok manalangin, ngunit ang kanilang mga tinig ay nagpapakita na walang kasigasigan sa kanilang sa kanila. Hindi talaga sila nananalangin, kundi nagsasabi lamang ng mga salita ng panalangin, tulad ng isang taong nagsasalita sa kanyang tulog. Ang iba ay hinahayaan ang kanilang isipang gumala kapag mayroong ibang namumuno sa panalangin. Hindi nila sinusundan ang isang taong nanalangin, dinadagdag ang kanilang “Amen” sa panalangin na ibinibigay. Tapos kapag isang taong tunay na gising ay nagbibigay ng isang panalangin na malakas at buhay, sila’y tumatalong biglaan – na para bang sila’y ginulat.

Maraming mga tao rin ay kumakanta sa kanilang pagkatulog. Habang ang iba ay kumakanta mula sa kanilang mga puso, ang isang natutulog ay nagbubulong ng mga salita. Ang kanilang mga labi ay gumagawa ng tunog, ngunit ang kanilang mga puso ay wala rito. Kinailangan ng pinuno ng pagkanta na paalalahanan silang muli’t muli na “kantahin ito!” Mahirap para sa mga ganoong mga tao na malaman na silay natutulog dahil nasasabi pa rin nila ang mga salita ng isang panalangin, o ang mga salita ng isang himno, at gayon walang tunay na buhay o kasiglahan sa kanila, dahil sila’y natutulog sa espiritwal.

Mayroong pa ngang mga ilang mga tao na naglalakad sa kanilang tulog. Tiyak akong narinig mo na ang paglalakad sa tulog o “somnabulismo.” Nakakita na ba kayo ng isang taong magpunta sa pag-eebanghelismo na parang sila’y natutulog sa kanilang tulog? Nagtaka ka bang minsan kung bakit ang ilang mga tao ay lumalabas na nagwawagi ng mga kaluluwa at nagdadala ng maraming mga pangalan – habang ang ibang mga tao ay maaring lumabas at magbalik ng isa lamang pangalan, at minsan hindi pa nga isa? Sila’y tulog sa espiritwal! At kapag nagdadala tayo ng mga bagong mga tao sa simbahan, mayroong ilan na napaka atat na mapadama sa kanilang silang komportable at alagaan sila – habang ang iba, na natutulog, ay nalilimutan ang lahat ng tungkol rito – dahil sila ay masyadong inaantok sa paggawa ng mga bagay ng Diyos.

Kinatatakot ko na mayroong mas higit na mas maraming mga mangangaral na natutulog ngayon. Sila’y umuugong ng patuloy-tuloy sa kanilang berso-kada-bersong pag-aaral ng Bibliya. Hindi pa nga sila nagkakamalay ng katunayan na maraming mga tao ay hindi talaga nakikinig – at marami pa sa kanilang mga tao, kahit na sila’y nagpupunta kada linggo, at talagang nawawala! Ang mga ganoong mga pastor ay talagang natatakot sa isang mangangaral na gumigising sa mga tao! Ayaw nila ang kanilang mga taong magising! Sila’y masaya na magkaroon ng kaunting natutulog na mga tupang magpunta sa Linggo upang umupo sa isa namang kalahating patay na “pag-aaral ng Bibliya.” Tulungan tayo ng Diyos! Walang pagtataka na napaka raming mga simbahan ay napaka patay! Walang pagtataka na mayroong higit-higit na pag-aayon sa laman at lubos na kasalanan! Walang pagtataka na ang ilang mga simbahan ay napaka tulog na isinuko na nila ang pagpupulong ng panalangin, o pinalitan itong “gitnang linggong pag-aaral ng Bibliya.” Nakarinig na ako ng mga taong “manalangin” sa ilang mga simbahan na ang tunog ay mga salita ng isang patay na tao! Ang mga ito’y hindi mga tunay na mga panalangin sa anumang paraan! Napaka kaunting tunay na panalangin sa ating mga simbahan ngayon! Isa sa ating mga kalalakihan ay nagpupunta sa iba pang simbahang panalanging pagpupulong. Tumayo siya upang manalanin tulad ng isang lalake, ngunit ang sinabi ng ibang pastor sa kanyang manahimik. Gusto niya ang ating taong manalangin na tulad ng isang patay, natutulog tulad ng kanyang sariling mga tao! Walang pagtataka na ang ating bansa ay gumuguho! Walang pagtataka na, gaya ng ng pagsasabi sa atin ni George Barna, 88% ng mga kabataan sa mga simbahan na iyon ay nililisan ang mga simbahan na bago ng edad na 25 na taong gulang, “na di kailan man bumabalik.” Tulungan tayo ng Diyos! Sila’y natutuloy, at hindi pa nga nila ito alam! Naway panatilihin ng Panginoong Diyos ang ilan sa ating gising sa ating mga simbahan upang ang mga bagay na ito ay hindi mangyari rito rin! “Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba” (I Mga Taga Tesalonica 5:6)

Sinabi sa akin ni Dr. Cagan na iniibig ng mga pastor na magpunta rito at mangaral “dahil ang ating mga tao ay sumasandal paharap sa kanilang mga upuan, at nakikinig ng mabuti, at minsan pa nga ay pumapalakpak.” Nawaya ito’y maging ganito magpakailan man! “Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba!” Sinabi sa akin ng isang mangangaral na ang mga matatandang mga kababaihan sa kanyang simbahan ay aalis kung sila’y magsisipalakpak. Naisip ko, “Dapat silang magpunta sa Metodistang simbahan, sila’y aangkop na tama doon! Magpunta sa Episkopalyang simbahan kung gusto mo ng isang patay na paglilingkod!”

II. Panglawa, panalangin namin na iyong mga di napagbagong loob ay magsasabi, “Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba.”

Iniibig kong makita ang mga maliit na mga bata rito sa unang hilera. Panalangin ko na kanilang marating na katakutan ang Diyos at ibigin si Kristo, habang sila’y bata pa rin. Ngunit sila’y aking kinakaligtaan ngayon. Kausap ko ang mga kabataan na nagpupunta sa ating simbahan ng ilang panahon na, ngunit hindi pa rin napagbagong loob. Sinasabi sa iyo ng Bibliya,

“Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14).

Ito’y isang utos, ngunit ito’y isang utos na hindi masusunod hangga’t ang Diyos Mismo ay gigising sa iyo. Ang tao ay isang makasalanan sa kalikasan. Ibig sabihin niyan na hindi mo makakayang malalaman o mintindihan kung paano maging ligtas. Kaya namin itong ipaliwanag sa detalye, at hindi mo pa rin ito maiintindihan. Maari mo itong marinig ang simpleng Ebanghelyo ng libo-libong beses, at maging lubusang bulag rito. Sinabi ng Apostol,

“Nguni't ang taong ayon sa laman [di napagbagong loob] ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).

Iyan ang dahilan na ang ilan sa inyo ay nagpunta upang makita kami tungkol sa kaligtasan ng maraming beses, ngunit wala itong nagawa sa iyong kabutihan sa anumang paraan. Sasabihin namin sa iyo, “Magpunta kay Hesus.” At sasabihin mo, “Ngunit paano ako magpupunta sa Kanya?” Sasabihin namin, “Hindi mo kailangang malaman kung paano – magtiwala ka lamang sa Kanya.” Sasabihin mo, “Ngunit paano ako magtitiwala sa Kanya?”

Patawad ngunit, sinabi ko sa iyo ng maraming, maraming beses na hindi namin kayang ipaliwanag ang mga bagay na iyon sa iyo sa isang paraan na makatutulong sa iyo. Dapat kang magising ng Espiritu ng Diyos, o ang mga salita ay di kailan man makatutulong sa iyo! Dapat kang madala kay Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Hindi mo matututunang magpunta sa Kanya! Sinabi ng manunulat ng himnong si Andrew Reed,

Banal na Espiritu, na may ilaw na banal,
   Sumikat sa pusong ito ng akin;
Habulin ang mga anino ng gabi papalayo,
   Gawin ang aking kadiliman sa araw.
(“Banal na Espiritu.” Isinalin mula sa “Holy Ghost, With Light Divine”
      ni Andrew Reed, 1787-1862).

Sa Pangalawang Dakilang Pagkagising, sinabi ni Thomas Charles (1755-1814), “Ang pinaka walang pakundangang tao ay nagising…sa mga pangyayari ng kombiksyon na napaka lakas na halos nakapagbabaliw sa mga tao…lumuluha sa matinding pagkabalisa, sa ilalim ng isang pagkamalay ng kasalanan at panganib, sumisigaw para sa awa…sa ilalim ng pag-aalala patungkol sa kanilang mga kaluluwa” (Isinalin mula kay Paul E. G. Cook, Apoy Mula sa Langit [Fire From Heaven], EP Books, 2009, pah. 34). Iyan ang nangyayari sa maraming mga tao sabay-sabay sa isang ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay. Ngunit ito rin ay nangyayari sa isang tao sa pagbabagong loob. Kapag ang isang nawawalang tao ay nababalisa “sa ilalim ng isang pagkamalay ng kasalanan at panganib, sumisigaw para sa awa” ito’y karaniwang isa maikling panahon lamang bago ang mga tao tulad niyan ay magpunta kay Kristo at maligtas.

Paano ito nangyayari? Narito ang paraan ang pagbabagong loob ay karaniwang nangyayari sa isang tao na nagpupunta sa simbahan mula sa isang di Kristiyanong tahanan. Ibibigay ko sa inyo ang isang pinaikling bersyon ng pagbabagong loob ng isang pastor, alin ang kaniyang libro ay aking binabasa.

Hindi siya interesado sa simbahan, ngunit interesado siya sa basketbol. Inimbita siya ng isang pastor na sumali sa koponan ng simbahan. Siya’y handang magpunta sa simbahan upang siya’y makapaglaro ng basketbol kasama ng koponan. Ang mga pangaral na kanyang nadinig sa simbahan ay walang kahalagahan sa kanya, ngunit patuloy pa rin siyang nagpunta. Dahan-dahan ang simbahan mismo ay naging mahalaga sa kanya kaysa ang basketball. Pagkatapos ng ilang panahon ang salitang “ligtas” ay nanatili sa kanyang isipan. Anoman ang ibig nitong sabihin, alam niya na ito’y isang bagay na wala siya. Ayaw niya ang ibang taong malaman kung anong iniisip niya, kaya hindi niya kinausap ang pastor noong ang imbitasyon ay ibinigay. Pinagpasyahan niyang maging “mas mabuting” tao, kaya hininto niya ang pagkamit ng masamang salita. Ngunit ang lahat ng pagsisikap niya upang maging isang “mas mabuting” tao ay nabigo. Siya’y nagulat na matuklasan na wala siyang kapangyarihan na baguhin ang kanyang sarili. Sinabi niya, “Ang una kong mga pasubok upang maging mas mabuting tao ay natapos sa pagkabigo.” Sa parehong beses nagsimula niyang pag-isipan ang mga kaisipan tungkol sa Diyos at si Hesus na hindi pa niya naisip noon. Halimbawa, bakit namatay si Hesus sa Krus? Hindi niya pa kailan man naisip iyan noon, ngunit ngayon ito’y mukhang napaka halaga sa kanya. Sinabi niya, “Nakita ko ang aking sariling lubos na naliliting kabataan habang ang bagong mundong ito ay nagsimulang bumukas sa akin.”

Sa wakas, sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan, tumugon siya sa katapusan ng isang pangaral at nagpunta upang makita ang tagapagpayo. Sinabi niya, “Ito’y isang napaka emosyonal na karanasan.” Nagtiwala siya kay Hesus sa gabing iyon. Tapos sinabi ng pastor na ito’y nangyari sa kanya halos limam pung taon ng mas maaga, ngunit nararamadaman pa rin niya ang gabing iyon “na binago nito ang direksyon ng aking buhay sa lupa gayon din ang aking walang hanggang kapalaran.” Siya ay isang Narepormang pastor ngayon na maraming taon. Isinulat kong sa ibang salita ang kanyang isinulat. Naway ika’y magising at maligtas gaya niya! (Isinalin mula kay Stephen Smallman, Ano ang Tunay na Pagbabagong Loob? [What is True Conversion?], P & R Publishing, 2005, pp. 8-10).

“Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba” (I Mga Taga Tesalonica 5:6).

Habang aking binasa ang testimoniyong iyon naisip ko kung gaano ka lapit na sinundan nito ang ayos ng aking sariling pagbabagong loob. Dinala ako ng mga kabit bahay sa isang Bautistang simbahan kasama ng kanilang mga anak. Nagpatuloy ako sa pagpupunta kasama nila dahil sila’y mabuti sa akin. Hindi ko naintindihan ang mga pangaral, ngunit natutunan ko ang salitang “ligtas.” Sinubukan kong linisin ang aking buhay, at gumawa pa nga ng pampublikong desiyonna magpunta sa pangangasiwa, iniisip na ito’y magliligtas sa akin. Noong hindi iyan nakatulong, nakadaramang miserable at makasalanan, nagpunta ako upang mag-aral sa Kolehiyo ng Biola. Doon narinig ko ang isang pangaral mula kay Dr. Charles J. Woodbridge, at si Kristo ay bumaba sa paglilingkod na iyon at nagtiwala ako sa Kanya, at ako’y naligtas sa pamamagitan ng Kanyang Dugo at katuwiran.

“Nagpunta ako sa harap” na maraming beses, ngunit di ako naligtas. Muling inilaan ko ang aking buhay kay Kristo ng maraming beses, ngunit hindi ako ligtas. Noong si Hesus Mismo ang nagpunta sa akin, niligtas Niya ako sa pamamagitan ng Kanyang awa at biyaya, at hinugasan ako mula sa aking kasalanan gamit ng Kanyang sariling Dugo!

Ano ang pagkakapareho sa aking testimony at doon sa Narepormang pastor? Pareho kaming nagpunta sa simbahan dahil kami ay inimbita. Ni isa sa amin ay nagkaroon ng Kristiyano pinanggalingan. Pareho kaming nagpatuloy magpunta sa simbahan dahil ang mga tao ay mabuti sa amin. Ni isa sa amin ay nakita kung paano maisasagawa sa aming sarili ang pangaral. Ngunit alam naming pareho ang kami ay di “ligtas.” Pareho kaming sumubok na maging mga Kristiyano sa pamamagitan ng pagiging mas mabuting mga tao. Pareho kaming nabigo. Sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, pareho naming nahanap ang kapayapaan at kaligtasan sa pamamagitan ng simpleng pananampalataya kay Hesus.

Nagpunta kami sa simbahan na walang pananampalatya sa anumang paran. Sa wakas, kami’y nagising sa katunayan na kami’y mga nawawalang mga makasalanan. Tapos dinala kami ng Banal na Espiritu kay Hesus. Ni isa sa amin ay “alam kung” paano magpunta kay Hesus. Noon kami’y nagising at nakumbinsi ng pagkakasala ng kasalanan, gayon ang dinala kami ng Banal na Espiritu sa Kanya. Ito’y napaka simple na alam namin na ito’y lahat sa pamamagitan ng biyaya, lahat sa pamamagitan ng pagdadala ng Banal na Espiritu sa Banal na Espiritu, lahat sa pamamagitan ng Dugo ni Kristong naghuhugas paalis ng aming mga kasalanan!

“Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba” (I Mga Taga Tesalonica 5:6).

Ngunit paano iyong mga ipinanganak at pinalaki sa simbahan? Paano sila napagbabagong loob? Narito ang isa sa kanilang mga testimony. Ito ay mula sa isang kabataan na narito sa simbahan sa buong buhay niya. Sa katunayan, siya ay dinala sa simbahan na isang bagong panganak na sanggol. Ibibigay ko ang ilang bahagi ng kanyang testimony.

     Gaano ko man sinubukang makapahinga, ang tulog ay di dumating habang sinimulan tunawin ng Diyos ang aking determinasyon. Sa oras na dumating ang Linggong umaga, ako’y sa kaisipan at sa espiritwal na pagod, gayon man ang pakikipaglaban ko laban sa Diyos ay mukhang nagiging mas malakas at mas matindi. Habang ang pangaral ay ipinangaral, pisikal kong sinubukang labanan ang pagkakaramdam ng pagkakasala at sakita na lumamon sa aking sa pamamagitan ng paghihigpit ng aking panga at isinasara ang aking mga mata…Alam ko na ako ang pinaka masama at pinaka malubhang makasalanan, ngunit hindi ako susuko sa pagtatawag ni Kristong magpunta sa Kanya…ang pangaral ay mukhang walang katapusan…naramdaman kong masama at di banal sa mata ng Diyos. Ang aking mga kasalanan ay naging mas kaunti sa mga bagay na aking nagawa, ngunit lumalagong mas higit kung sino ako. Ibinigay ng pastor ang imbitasyon…inudyok ako ni Dr. Hymers [gayon] na magtiwala kay Kristo, at magpunta sa Kanya. Mukha akong handa, ngunit hindi ko isusuko ang aking sarili. Sa mga sandaling iyon, habang ako’y nakaluhod upang tayahin kung paano magtiwala kay Hesus, nakita ko ang pinaka malubhang kasalanan na aking nakamit ay ang aking walang tigil na pagtatanggi kay Hesus Mismo. Napaka pagod pati…upang puwersahin ang daanko sa Kanya sa sarili kong lakas, ngunit kahit dito sa bagay na ito aking Siyang tinatanggihan. Kasing higit na sinubukan kong pagkatiwalaan si Hesus, hindi ko magawa. Nawalan ako ang pag-asa at natalo…tinatawag ako ni Hesus sa Kanya…ngunit matigas ang ulong sinusubukan ko pa ring gawin ito sa sarili kong paraan. Biglang ang mga salita ng isang sermon ay dumating kumikililing ng mahinahon sa aking mga tainga, “Sumuka kay Kristo! Sumuko kay Kristo!” Sa isang sandali, ang pag-iisip kung gaano ko tinanggihan ang pinaka Kristong ibinitin sa Krus para sa akin ay kumapit sa aking puso. Ang pinaka Anak ng Diyos ay bumaba mula sa Langit at namatay para sa akin, kahit na ako’y Kanyang kaaway. Ang pag-iisip na ito’y dumurog sa akin sa pinaka pundasyon ng aking sarili. Sa isang sandali sumuko ako kay Kristo at nagtiwala sa Kanya. Isinusuko ko ang lahat ng aking sarili, at simpleng namahinga kay Hesus…inangkin ako ni Hesus na Kanya. Kinuha ako ni Hesus. Hindi Niya ako tinaggihan gaya ng pagkatanggi Niya sa Akin. Ang matinding pakikipaglaban na ako’y naroon ay di nagmula kung gaano kahirap ito para kay Kristong iligtas ako at patawarin ako sa lahat ng aking mga kasalanan, ngunit mula sa kung paano ako hindi humihinto sa paglalaban kay Kristo. Ito’y halos para bang, agad-agad na aking “hinayaan” na iligtas ako ni Hesus, agad-agad Siya nagmadali tungo sa akin, at hinugasan ako gamit ng Kanyang Dugo! Ang pagtitiwala kay Hesus ay di isang gawain ng aking kagustuhan sa anumang paraan, kundi kinailangan kong sumuko sa Kanya! Sa sandali na ang aking pagbabagong loob ay napaka simple at napaka kaunting kinalaman sa sarili kong gawain, ito’y mukhang wala akong kinalaman rito sa anumang paraan. Ito’y lahat biyaya…Iniibig ko si Hesus ng aking buong sarili, at nagpapahinga sa Kanya lamang.

Naway mayroong iba pang isa na maging magkamalay ng kanyang kasalanan at pangangailangan kay Hesus upang linisin sila gamit ng Kanyang Dugo! O, ngayong umaga, naway sabihin mo,

Naririnig ko ang Iyong bumabating tinig, Na tumatawag, Panginoon, sa Iyo
   Para sa paglilinis sa Iyong mahal na dugo, Na umagos sa Kalbaryo.
Ako’y pupunta Panginoon! Pupunta ngayon sa Iyo!
   Linisin ako, hugasan ako sa dugo na umagos sa Kalbaryo.
(“Ako’y Pupunta Panginoon.” Isinalin mula sa
      “I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).

“Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba” (I Mga Taga Tesalonica 5:6).

Magpunta ngayon na sa silid ng pagsisiyasat. Magpunta sa likuran ng awditoriyum at dadalhin ka ni Dr. Cagan doon, kung saan makapagdarasal at makapag-uusap tayo. Dr. Chan manalangin ka na mayroong isang magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: I Mga Taga Tesalonica 5:1-6.


ANG BALANGKAS NG

HUWAG MATULOG – GAYA NG IBA!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba”
(I Mga Taga Tesalonica 5:6).

I.   Una, hayaan iyong mga napagbagong loob na sabihin, “Huwag tayong matulog gaya ng mga iba,” Mateo 25:5.

II.  Panglawa, panalangin namin na iyong mga di napagbagong loob ay magsasabi, “Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba,”
Mga Taga Efeso 5:14; I Mga Taga Corinto 2:14.