Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
KINAKAILANGAN – MGA LUMALABANG KALALAKIHAN!(ISANG ARAW NG MGA AMANG PANGARAL) NEEDED – FIGHTING MEN! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:1-2). |
Ngayon ay Araw ng mga Ama. Inaasahan akong mangaral tungkol sa pagiging isang mabuting ama. Ngunit hindi ko nadarama na gusto ako ng Diyos na gawin iyan ngayong umaga. Kung sasabihin sa ko sa inyo kung anong gagawin upang maging isang mabuting ama hindi ka siguro makakukuha ng higit mula rito. Karamihan ng mga pangaral na Pang Araw ng mga Ama ay malililiit na mga usap-usap lamang sa moralidad. Si Gg. David Murrow ay nagsulat ng isang aklat na pinamagatang, Bakit Kinamumuhian ng mga Kalalakihang Magpunta sa Simbahan [Why Men Hate Going to Church] (Isinalin mula kay David Murrow, Thomas Nelson Publishers, 2004). Sa palagay ko dapat basahin ito ng bawat isang mangangaral Isa sa mga bagay na gumagawang kamuhian ng mga kalalakihang magpunta sa simbahan, ayon kay Gg. Murrow, ay isang maliit na moral na semonet, nagsasabi sa kanilang maging mabuting mga lalake – sa mga salita ng ganoong epekto. Ayaw ng mga kalalakihang maturuan tungkol sa pagiging mabuti. Ginawa iyan ng kanilang mga ina sa buong pagkamusmos nila – at natutunan nila itong di pansinin na parang hindi nila ito naririnig. Hindi ko sinasabi na ang kanilang mga ina ay mali sa paggagawa ng kaunting pagsasabihang iyan. Iyan ang natural na paraan na tunuturuan ng mga ina ang kanilang mga anak na lalake. Ngunit ang isang malaki ng lalake ay hindi natututo sa ganoong paraan. Ang lalake ay natututong higit sa pagsunod ng halimbawa ng ibang lalake. Kung ang mga kalalakihan ay sinusundan si Kristo, natuklasan ko na hindi sila masyadong magkakamali patungkol sa detalye ng buhay. Kaya gusto kong siguraduhin na sila’y ligtas at sinusundan Siya. Sinabi ni Gg. Murrow na gusto ng mga kalalakihang masubok, na sumapi sa isang lehiyon, upang makipaglaban para sa Diyos bilang isang sundalo ng krus! Sa palagay ko si Gg. Murro ay tamang-tama! Iyan ang ipinangangaral ko, at iyan ang dahilan na mayroon kaming isang simbahan ng puno ng mga kalalakihan, mga kalalakihan na atat na “Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya [at] manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12). Wala pang mas matinding pangangailangan para sa mga kalalakihan tulad ng niyann sa ating mga simbahan. Tayo ay nasa isang digmaan –at kailangan nating ng mga nakikipaglabang mga kalalakihan –mga kalalakihan na hindi takot makipaglaban para sa Diyos at para sa anong tama sa tiyak na mamamatay na lungsod, dito sa kontrolado ni Satanas na bansa natin!
Kasawiang palad maraming mga tao sa simbahan ay hindi pa nga alam na tayo ay nasa digmaan! At di nila alam kung sino ang kaaway! Karamihan sa mga pastor ay di kailan man nagsasabi sa kanila! Gagawin ko iyan ngayong umaga! Eto na! Makinig sa teksto muli,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:1-2).
Ang Apostol ay Pablo ay nagsasalita rito patungkol sa “huling paulnahon.” Naniniwala ako na ito’y tumutukoy sa “huling mga araw,” na tinukoy sa II Ni Timoteo 3:1. Aking pinag-aaralan ang Bibliya ng mga lampas sa 55 na mga taon, ako ay kumbinsido na tayo ay nabubuhay sa panahong iyan ngayon. Tayo ay nabubuhay sa “huling panahon.” Tayo ay nabubuhay sa “huling mga araw.” Tayo ay malapit na sa Pangalawang Pagdating ni Kristo at ang katapusan ng mundong ito na nalalaman natin. At tayo ay nabubuhay sa isang panahon kung saan ang buong Impiyerno ay mukhang kawawala. Si Satanas at ang kanyang mga demonyo ay nagmamartsa sa mga kalye, umaakyat sa ating mga tahanan, at sinisira ang paraan ng ating buhay.
Kahit ang Pangulo ng Estados Unidos ay mukhang naiintindihan na mayroong mali. Nagkaroon na naman ng isa pang barilan noong huling Miyerkules. Isang 15 taong gulang na batang lalake sa Oregon ay nagpunta sa kanyang paaralan na may isang baril at nagsibaril sa publiko. Nabaril niya at napatay niya ang isa pang batang lalake, at nasugatan ang isang guro, bago niya sa paninidiga binaril ang kanyang sarili. Sinabi ni pangulong Obama,
Nangyayari ito ngayon isang araw kada linggo. Ang antas natin ng karahasan kaugnay sa baril ay ubod ng taas…Ang Estados Unidos ay walang hawak sa mga sira ulong mga tao…gayon man pinapatay natin ang isa’t isa sa isang maramihang pamamaril na [mas higit na mataas] kaysa sa ibang mga lugar (Isinalin mula kay Barack Obama, The Los Angeles Times, Miyerkules, Hunyo 11, 2014).
Siyempre ang sagot ni Obama ay ang alisin ang mga baril. Ngunit di ako sumasang-ayon. Maari nilang alisin ang mga baril sa ating bansa, ngunit ang karahasan ay magpapatuloy pa rin. Ilang linggo noon isang batang lalake ang kumuha ng isang kutsilyo at pinaghihiwa ang 20 mga mag-aaral sa kanyang paaralan. Kung aalisin nila ang mga kutsilyo, papatayin nila ang ang isa’t isa gamit ng mga bato o mga basag na mga bote – o sunugin ang isa’t isa gawa ng ginawa nila ilang panahon noon rito sa Los Angeles. Pinatay ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel bago pa ang mga baril ay naimbento!
Sa tinggin ko mayroong higit pa rito kaysa mga baril. Ako’y lubos na nakumbinsi na si Satanas at ang mga puwersang demonyo ay nasa likod ng karahasang ito at kaululan. At narito ay kung paano natin nawala ang proteksyon ng Diyos at ang karahasan ay nagsimula. Nagsimula nating mawala ang proteksyon ng Diyos noong sinabi ng Korte Suprema na ang mga mag-aaral sa New York na hindi na maaring magdasal ng isang simpleng panalangin sa paaralan. Noong 1962 sinabi ng Korte na ito’y labag sa batas para sa mga mag-aaral na magsabing,
Makapangyarihang Diyos, kinikilala namin ang aming pagkasalalay sa Iyo, at nagmamakaawa kami para sa Iyong pagpapala para sa amin, ang aming mga magulang, at aming mga guro at ang aming bansa.
Tapos noong 1963 ipinagbawal ng Korte ang mga kindergarten na mga bata mula pagsasabi ng panalanging ito bago ng tanghalian,
Pinasasalamatan ka namin para sa mga bulaklak na napakatamis;
Pinasasalamatan ka namin para sa pagkain na kinakain namin;
Pinasasalamatn ka namin para sa mga ibon na kumakanta;
Pinasasalamatan ka namin para sa lahat ng mga bagay.
Ang tulang iyan iyan ay di pa nga binanggit ang Diyos, ngunit sinabi ng korte na baka gawin nitong isipin nila ang Diyos! Isang di sumasang-ayon na hukom ang kumontra, at nagsabi, “Kung gayon hinihingi namin ang Korte na ipagbawal, hindi lamang ang sinasabi ng mga batang ito, ngunit kung anong iniisip ng mga batang ito rin…na maaring gumulat sa mga bumangong mga ama.” Sa parehong taon, 1963, ipinagpasya ng Korte ang boluntaryong pagbabasa ng Bibliya sa mga paaralan ay labag sa batas. Sumalalay ang Korte sa psikolohista na nagsabi na ang pagbabasa ng Bibliya “ay maaari, at naging nakapapahamak sa psikolohiya sa mga [bata].” Isipin ito! Iyang tinatawag na psikolohista ay nagsabi na ang pagbabasa ng Bibliya ay maaring “nakapapahamak sa psikolohiya” sa mga bata! Ang lahat ng ito ay nangyari noong 1962 at 63. Sa tagsibol na iyon inalis ng Diyos ang Kanyang proteksyon at si Pangulong John F. Kennedy ay literal na pinasabog ang kanyang utak sa Dallas, Texas. Ang Amerika ay naguga at nasuntok at napunit ng karahasan simula noon! Bawat Pangulo ay nahatol simula noon. Na may isang eksepsyon, si Ronald Reagan, bawat isang Pangulo ay iniwanang ang opisina sa kahihiyan at kabiguan.
Alam ng lahat na ang ating bansa ay iba mula sa kung ano ito noon. At ang ating mga simbahan ay napaka iba. Ngunit karamihan sa mga tao ay hindi naisip na ang pinanggalingan ng pagkakaibang ito ay Sataniko. Sinabi ni Dr. Merrill F. Unger, isang mahabang panahong propesor sa Teyolohikal na Seminaryo ng Dallas,
Ang nagpapahayag na simabahan ng ika-dalawampung siglo sa isang nakagugulat na antas ay tumatangging kilalanin ang pagkabuhay ng isang masamang higit sa natural na mga puwersa. Ang kondisyon na ito di paniniwala ay maaring maugnay laman sa mababang antas ng espiritwal na buhay at kapangyarihan sa simbahan…nabulag ni [Satanas] ang prinsipe ng kapangyarihan ng himpapawid sa paglalantad na ibinigay sa mga Kasulatan (Isinalin mula kay Merrill F. Unger, Th.D., Ph.D., Biblikal na Demonolohiya [Biblical Demonology, Kregel Publications, 1994, pah. 201).
Si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay sa loob ng maraming taon ay ang pastor ng Kapilya Westminister sa London, Inglatera. Siya ay isinaalang-alang na isa sa pinaka mainam na Ebanghelikal na mangangaral ng ika dalawam pung siglo. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones.
Ang Demonikong gawain ay tumataas. Ano ang dahilan? Sasabihin ko unang-una ito ay dahil sa bumabang espiritwalidad, ang kasamaan ng buong bansa…Habang ang kasamaan ay tumataas, ang buong konsepto ng Diyos sa isipan ng publiko ay bumabawas, aasahan mo ang isang katumbas na pagtaas sa manipestasyon ng puwersa ng kasamaan (Isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Pagpapagaling at ang Kasulatan [Healing and the Scriptures], Oliver-Belson Books, 1988, mga pah. 159-160).
Sinabi rin ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang diablo ay nasa kanyang pinaka tuso kapag kinukumbinsi niya ang mga tao na walang diablo. [Kung gayon] ang Simabahan ay nadroga at nadaya; siya ay natutulog, at hindi nagkakamalay ng gulo sa anumang paraan” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, Ang Kritiyanong Digmaan [The Christian Warfare, The Banner of Truth Trust, 1976, pah. 106).
Ngunit tayo ay dapat di “nadroga at nadaya” ni Satanas. Dapat tayong nagkakamalay, kasama ni Luther, na
…kahit na ang mundong ito, napuno ng mga diablo,
Ay magbabantang was akin tayo,
Hindi kami matatakot, dahil kagustuhan ng Diyos
Ang Kanyang katotohanan na magtagumpay sa pamamagitan natin,
(“Isang Makapangyarihang Kuta ang Ating Diyos.” Isinalin mula kay
“A Mighty Fortress Is Our God” ni Martin Luther, 1483-1546).
Tayo ay nasa isa gulo, isang digmaan, kay Satanas at ang kanyang mga demonikong puwersa.
I. Una, ito’y isang pakikipaglaban para sa pananampalataya
minsan ay ibinigay sa mga santo!
Sinabi ni Apostol Judas,
“...kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal” (Judas 3).
Ang salitang “makipaglaban” ay nangangahulugang “magpumilit,” na magsikap makipaglaban (Isinalin mula kay Strong 1864). Tayo ay tinawag upang makipaglaban upang preserbahin at iproklama ang mga prinsiyo ng pananampalataya ng Krisitiyano na ibinigay sa mga Kasulatan. Sinaibi ni Dr. W. A. Criswell, “Ang salitang [makipaglaban] ay kaugnay sa pagpupunyagi at pagkikipagdigma ng karamihan sa mga malakas at determinadong pagkakaiba’t iba [para] sa pagkapundasyonal na mga aral ng pananampalatayang Kristiyano…” (Isinalin mula sa Ang Pag-aaral na Bibliya ni Criswell [The Criswell Study Bible, sulat sa Judas 3).
Si Dr. Criswell mismo ay nakipaglaban ng matagal at mahirap para sa pagkawalang pagkakamali ng Bibliya. Ang kanyang tandang aklat na tinawag na, Bakit ko Ipinangangaral Na ang Bibliya ay Literal na Totoo: Isang Maalab na Pagtawag na Humihiling sa Bawat Kristiyanong Tanggapin ang mga Kasulatan bilang Hininga-ng-Diyos na Katotohanan ng Langit [Why I Preach That the Bible is Literally True: A Fervent Call that Asks Every Christian to Accept the Scriptures as the God-breathed Truth of Heaven (W. A. Criswell, Ph.D., Broadman Press, 1969). Nagkaroon ako ng isang maliit na bahagi sa “Labanan para sa Bibliya” noong mga taong 1970 at 1980. Ang aming simbahan ay nagbigay ng $600 kada buwan (hindi maliit na halaga noong mga panahong iyon) kay Dr. Bill Powell, upang tulungan siyang ilimbag ang “Katimugang Bautistang Peryodiko” [Southern Baptist Journal] – na naghantad sa huwad na mga pagtuturo sa anim na mga Katimugang Bautistang seminaryo, at alin ay ipinadala sa bawat Katimugang Bautistang pastor sa Amerika. Ang aking asawa at ako ay nagpunta sa marami sa mga pambansang pagpupulong ng Katimugang Bautistang Kumbensyon upang ipamigay ang peryodiko ni Dr. Powell. Ang mga liberal na mga delegado sa Kumbensyon ng Pittsburgh ay nilukot ang peryodiko at itinapon ito sa mukha ng aking asawa, at talagang dumura sa kanyang mukha, kahit na siya ay maraming buwan nang buntis, at malaking nagdadalan-tao! Ito ang aming paraan ng pakikipaglaban para sa pananampalataya.
Simula noon, kami ay kumuha ng malakas na katayuan laban sa Satanikong doktrina ng Ruckmanismo, at ang demonikong pelikulang “Ang Huling Temptasyon ni Kristo” [The Last Temptation of Christ]. Ang aming simabahan, na kami lang, ay nagpasara ng tatlong klinika ng paglalaglag ng mga bata sa sakop ng Los Angeles.
Ako na ngayon ay 73 taong gulang. Ngunit tinawag ako ng Panginoon na sumagupa sa isang huling pakikipaglaban – ang pakikipaglaban laban sa “Desisiyonismo” – para sa tunay na pagbabagong loob – dahil ang ating mga simbahan ay napasukan ng milyon-milyong mga di napagbagong loob na mga tao. Tayo rin ay nakikipaglaban para sa isang pagbalik sa pagkasentro at pangangailangan ng walang hanggang Dugo ni Kristo, ang nag-iisang paraan ng paglilinis ng ating kaslanan sa mata ng Banal na Diyos!
Alam natin na ang pinanggagalingan ng mga huwad na mga doktrinang ito ay demoniko, dahil sinasabi ng ating teksto,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:1-2).
Hinihiling ko ang bawat lalake rito ngayong umaga sumali sa amin sa pakikipaglaban na ito sa mga “espiritung mapanghikayat” – ang mga demonyo mismo – na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang pilasing paalis ang puso ng dakilang doktrina ng Kristiyanong pananampalataya! Kayong mga kalalakihan – hali kayo at tulugan kami!
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo, Nagmamartsa gaya sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus Sumusulong:
Si Kristo ang makaharing Panginoon Nangunguna laban sa kaaway;
Sumulong sa digmaan, Tignan ang ang Kanyang mga bandila nagpupunta.
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo, Nagmamartsa gaya sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus Sumusulong.
(“Pasulong Mga Kristiyanong Sundalo.” Isinalin mula sa
“Onward, Christian Soldiers” ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924).
II. Pangalawa, ito’y isang pagkikipaglaban na espirituwal –
at dapat labanan sa panalangin!
Paki lipat sa Mga Taga Efeso 6:10-12. Basahin ito ng malakas,
“Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:10-12).
Ito ay isang dakilang pasahe ng Kasulatan. Tinuturaan tayo nito na tayo ay hindi nakikipaglaban laban sa “laman at dugo.” Ang ating digmaan ay laban sa “daiblo” at ang kanyang demonikong puwersa. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Mayroong tayong kalaban natagpuan at nakilala. Ito ay si Satanas na pinamumunuan ang kanyang demonikong puwersa. Ngayon kailangan nating alamin kung nasaan ang digmaan. Sa tinggin ko ito ay karamihan nawala sa paningin ng espiritwal na digmaan (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kab. V, mga pah. 279-280;sulat sa Mga Taga Efeso 6:12).
Tayo ay hindi talaga nasa digmaan kay Barack Obama, o sa mga sumisira sa mga sariling “Tea Party” na mga Republikano. Tayo ay talagang nasa isang pagkikidigma sa militanteng mga homosekswal o mga militanteng mga Muslim. Inakala ni pangulong George W. Bush na maari nating mapalaya ang Iraq at magtayo ng isang demokrasya sa pamamagitan ng pagpapadala ng ating mga kawal doon. Alam ko na ito’y di uubra. Ngayon ang militanteng Islam ay bumabalik doon. Kita mo, si Gg. Bush at si Gg. Obama ay di maintindihan na ito’y isang digmaan na matatagumpayan sa pamamagitan ng mga sundala. Ito’y noon at ito’y isang espiritwal na digmaan. Libo-libong ang tumitingin kay Kristo sa mga lugar na iyon. Dapat nating labanan ang demonikong mga kapangyarihan gamit nga panalangin! Tinatagumpayan ng panalangin ang mga digmaan na walang Amerikanong kawal ang kailan man makapagtatagumpay! Bumaba sa Mga Taga Efeso 6:18. Basahin ito ng malakas,
“Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal” (Mga Taga Efeso 6:18).
Kita mo, makikilala natin ang tunay na kalaban sa mga berso 11 at 12. Nakikita natin ang pangangailangan upang isuot ang buong baluti ng Diyo sa mga berso 13-17. Ngunit ngayon tayo ay nagpupunta sa digmaan kay Satanas at ang kanyang mga demonyo sa berso 18. ANG PANALANGIN AY ANG PAKIKIPAGLABAN!!!
Gusto kong ang bawat lalakeng narito ngayong umaga na makuha ang ideya na ang panalangin ay hindi para sa mga sisi! Ang uri ng panalangin na tinutukoy ni Apostol Pablo ay isang pakikipaglaban – kay Satanas at ang kanyang kawal ng demonyo! “Panalangin at daing sa buong panahon” ay hindi para sa mga mahihina! Maselan, mahina, walang magawa maliliit na mga kalalakihan at maaalog, at maaring matakot pa nga, kung nagpunta sila sa isa sa tatlong mga panalaning pagpupulong kada linggo sa aming simbahan. Sinusundan namin ang Puritanong halimbawa – ang mga kalalakihan lamang ang namumuno sa panalangin! Ang mga kababaihan ay sumosuporta sa aming panalangin sa kanilang mga “Amen.” Ngunit ang mga kalalakihan ang nananalangin – tulad ng mga nadinig kong mga kalalakihang manalangin sa simbahan ni Dr. Paisley sa Hilagang Ireland. Iyong mga kalalakihang iyon ay alam kung paano magpuntang mapagpangahas sa trono ng biyaya! Sinusundan namin ang halimbawa. Binabagyo namin ang mga tarangkahan ng Langit sa aming mga pagpupulong ng panalangin. Magpunta at samaha kami kung mayroong kang naibigay na lakas ng Diyos na labanan ang Diablo mismo sa panalangin! Amen! Nananalangin kami tuwing Miyerkules ng gabi ng 7:00. Nananalangin kami tuwing Huwebes ng gabi ng 7:00. Nananalangin kami tuwing Sabado ng gabi ng 6:00. Bakit napaka raming panalangin? Ang aming simbahan ay dito sa gitna ng lungsod ng Los Angeles ay di magtatagal ng dalawang buwan kung wala kaming isang lehiyon ng nananalanging mga kalalakihan! Mapunta sa samahan kami!
Tulad ng isang makapangyarihang lehiyon Kumikilos ang Simbahan ng Diyos;
Mga kapatid, kami’y naglalakad Kung saan ang mga santo ay naglakad;
Hindi kami nahiwalay, Isang buong katawan kami,
Isa sa pag-asa at doktrina, Isa sa karidad.
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo, Nagmamartsa gaya sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus Sumusulong.
III. Pangatlo, dapat kang mapagbagong loob upang
samahan kami sa pakikidigmang ito!
Sa simula ng Pangalawang Makamundong Digmaan si Churchill ang bagong Primong Ministor. Nagpunta siya sa radyo at sinabi sa mga tao ng Britanya, “Wala akong maihahandog sa inyo kundi dugo, mabigat na paggawa, mga luha at pawis.” Sinundan nila siya, at tinalo si Hitler at ang mga Nazis!
Masasabi ko ngayong umaga na wala akong maihahandog sa iyo kundi isang mahaba, mahirap na pakikipaglaban sa mga kapanangyarihan ng masama. Hindi ito magiging madali. Bilanging ang halaga. Dapat mong suriin ang iyong puso at buhay at pagsisihan ang iyong kasalanan. Dapat mong ilapag ang iyong sarili sa paa ni Hesus, at pagtiwalaan Siya ng iyong buong puso. Dapat kang magpunta sa simbahan, at maging narito bawat pagkakaton. Dapat mong isuko ang iyong buhay kay Kristo, at hugasang malinis ang iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Banal at walang hangganang Dugo! Sinasabi ng Bibliya:
“Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 2:3).
Bumagon, gayon! Buhatin ang krus at sundan si Kristo! Magpunta at tulungan kaming labanan si Satanas dito matindi at malupit na lungsod!
Pasulong gayon, kayong mga tao, Samahan kami sa
masayang kakapalan ng mga tao,
Ihalo kasama namin ang inyong mga tinig
Sa matagumpay na kanta;
Luwalhati, pagpuri at karangalan Sa Kristo ang Hari;
Ito sa di mabilang na mga panahon mga
Kalalakihan at mga anghel nagsisikanta.
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa gaya sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus Sumusulong.
Tumayo kasama ko at kantahin ito! Kantaihn ang koro!
Dapat kang maging ligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Hesus upang sumapi sa Kanyang Lehiyon. Dapat kang mahugasan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Kung ika’y interesado sa pagiging ligtas ni Hesus mula sa iyong kasalanan, lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan tayo ay makapag-uusap. Magpunta ng mabilis. Diyos, panalangin ko na mayroong isang magtiwala kay Hesus at maligtas ngayong umaga. Sa Kanyang pangalan, Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Ni Timoteo 4:1-5.
ANG BALANGKAS NG KINAKAILANGAN – MGA LUMALABANG KALALAKIHAN! (ISANG ARAW NG MGA AMANG PANGARAL) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:1-2). (I Ni Timoteo 6:12; II Ni Timoteo 3:1) I. Una, ito’y isang pakikipaglaban para sa pananampalataya minsan ay ibinigay sa mga santo! Judas 3. II. Pangalawa, ito’y isang pagkikipaglaban na espirituwal – at dapat labanan sa panalangin! Mga Taga Efeso 6:10-12, 18. III. Pangatlo, dapat kang mapagbagong loob upang samahan kami sa pakikidigmang ito! II Ni Timoteo 2:3. |