Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG APOSTASIYA – 2014

THE APOSTASY – 2014
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-8 ng Hunyo taon 2014

“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas” (II Mga Taga Tesalonica 2:3).


Ako’y nangangaral patungkol sa Satanikong apostasiya bago ng Dakilang Baha. Sa mga araw ni Noe, bago ng Baha, mayroon tayong malinaw na larawan ng apostasiya. At sinabi ni Hesus na ang pagtaliwakas ng huling mga araw ay magiging tulad ng sa mga araw ni Noe (Mateo 24:37). At ngayong umaga gusto kong sumentro sa berso ng Bibliya na nanghuhula sa apostasiya ngayon na napaka malinaw.

Ang mga Kristiyano sa Tesalonica ay nalito at natakot. Mga huwad na mga guro at nagturo sa kanila na ang Araw ni Kristo ay dumating na, at gayon sila’y nabubuhay sa Tribulasyon. Ngunit sinabi sa kanila ng Apostol Pablo na hindi ito posible. Dalawang mga bagay ang dapat mangyari bago na magsimula ang panahon ng Tribulation. Ang Tribulasyon ay ang pitong taong panahon sa katapusan ng panahon ng simbahan. Sa panahong iyon ang Antikristo ay maghahari sa mundo bilang isang supremang diktador. Papunta sa katapusan ng pitong-taong Tribulasyon ibubuhos ng Diyos ang pitong mangkok ng poot sa tumatanggi kay Kristong mundo. Ang “araw ni Kristo” at ang “araw ng Panginoon” ay tumutukoy ng dalus-dalos sa buong larawan ng Tribulasyon sa pamamagitan ng Pangalawang Pagdating, at sa pagtatayo ni Kristo ng Kanyang Kaharian. Ang mga Kristiyano sa Tesalonica ay huwad na nasabihan na sila’y nabubuhay na sa hinaharap na panahon ng pahahatol na iyon. At sa bersong ito, sinabi ng Apostol na huwag matakot dahil dalawang pangyayari ang dapat mangyari bago magsimula ang Tribulasyon.

1. Una, “ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas” [gayon nagsisimula ito bago ng Tribulasyon].

2. Pangalawa, “mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan” [ito ang unang pangalan ng Apostol para sa pangwakas na diktador ng mundo, ang Antikristo. Siya ay nailantad sa simula ng Tribulasyon].


Karamihan sa mga guro ng propesiya ay tumatalon sa mga kaganapan ng Tribulasyon. Ngunit ako’y laging nag-aatubiling gawin ito. Binanggit ko ang mga kaganapang iyon paminsan minsan, ngunit mas interesado ako sa anong nangyayari bago magsimula ang Tribulasyon – dahil iyan ang panahon na binubuhay natin ngayon! Gayon, tayo na ngayon ay nabubuhay sa “pagtaliwakas.”

Hindi ko pa kailan man naintindihan kung paano maituro ng mga tao ang Bibliyang propesiya na hindi ito ginagamit sa mga tao. Sa tinggin ko ang uri ng pagtuturong iyan ay umaapela doon sa mga “magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita” (II Ni Timoteo 4:3).

Magsasalita ako ng ilang minuto ngayong umaga diyan sa “pagtaliwakas,” na iyan na Apostasiya, na tinukoy sa ating teksto. Ilik ito upang basahing ang aking malalim na makasaysayan at teyolohikal na pagtatalakay ng mga ugat ng apostasiya ngayon.

I. Una, ang paglalantad ng apostasiya.

“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas” (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Ngayon, pag-isipan ang mga salitang, “ang apostasiya.” Ganayan literal na isinalin ng NASB ang mga salitang, “ang pagtaliwakas.” Una, ang salitang “apostasiya” ay nanggagaling mula sa Griyegong salita na ang ibig sabihin ay “ang tumayo papalayo mula sa.” Tumutukoy ito sa isang pagtaliwakas mula sa katotohanan ng Bibliya. Sinabi ni Dr. W. A. Criswell, “Bago ng ‘araw ng Panginoon’ magaganap ang isang kapansinpansing pagtaliwakas ng mga naghahayag na mga mananampalataya. Ang paggamit ng artikulong [ang] ay nagpapakita na nasa isipan ni Pablo ang isang partikular na apostasiya” (Isinalin mula sa Ang Criswell na Pag-aaral na Bibliya [The Criswell Study Bible], sulat sa II Mga Taga Tesalonica 2:3). Ang Griyegong mga salita ay “hē apostasia” – ang apostasiya – wala pa kailan pa mang katulad nito noon, wala pa kailan mang tulad nito pagkatapos – ang apostasiya. Sinabi ni Dr. Charles C. Ryrie patungkol sa ating teksto, “Ang apostasiya. Isang agresibo at klimatikong pag-aalsa laban sa Diyos na maghahanda sa daan para sa pagpapakita ng tao ng kasalanan, [ang] dakilang Antikristo” (Isinalin mula sa Ang Ryrie Pag-aaral na Bibliya [The Ryrie Study Bible], sulat sa II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Kaya, paano tayo naapektuhan ng tekstong ito ngayon? Ang sagot ay simple – naapektuhan tayo nitong matindi, dahil tayo na ngayon, sa minutong ito, ay nabubuhay sa katapausang panahon apostasiya, na hinuhulaan nito! Alam ko na ang apostasiya ay magiging mas malubha – higit na mas malubha. Ngunit ito’y nagsimula na. Sinabi ni Dr. John F. Walvoord na ang mga tanda sa Mateo 24:4-14 “ay nakahanap rin ng ilang pagkakatupad sa kasalukuyang panahon…kapansinpansin na ngayon ngunit matutupad palang na mayroong mas maliwanag na detalye sa Matinding Tribulasyon” (Isinalin mula kay John R. Walvoord, Th.D., Pangunahing Mga Propesiya sa Bibliya [Major Bible Prophecies], Zondervan Publishing House, 1991, pah. 254). Iyan ang aking pananaw ng apostasiya. Nagsimula ito sa kasalukuyang panahon. Ito’y “kapansinpansin na ngayon ngunit matutupad palang na mayroong mas maliwanag na detalye sa Matinding Tribulasyon.”

Tayo ba ay nasa simula “[ng] apostasiya” ngayon? Makinig kay Dr. Harold O. J. Brown. Sinabi niya, “Ang relihiyon ay naitutulak sa palawit ng kultura, at isang magulong singkretismo ay nagdala sa isang karaniwang pagkaguho ng kapangyarihan” (Isinalin mula sa Ang Nadaramang Kultura [The Sensate Culture], Word, 1996, pah. 54). Hindi mo kailangan ng isang Ph.D. sa relihiyon upang makita na ang mga simbahan ay nasa matinding panganib ngayon. Lahat ng mga makasaysayang denominasyon ay lumiit sa bilang hanggang ngayon mayroon na isang galos lamang na anino kung ano ito noon. Kahit iyong minsang dumadaluyong Katimugang Bautistang Kumbensyon ay ngayon nawawala na ng 1,000 na mga simbahan kada taon! Iyan ay tama – 1,000 na mga Katimugang Bautistang simbahan ay isinasara ang kanilang mga pinutan magpakailan man bawat taon. At, simula 2006, ang bilang nga mga pagbibinyag ay bumaba kada taon. Nawala ng mga Katimugang mga Bautista ang “higit sa 100,000 na mga miyembro” noong huling taon (Baptist Press News). At kahit saan tayo tumingin ngayon nakikita natin ang mga miyembro ng simbahan na nanghihinaan ng loob at matatakutin. Wala akong nalalaman na isang simbahan, kahit kay Joel Osteen, na lumalago mula sa mga pagbabagong loob. Ang pinaka mahusay na magawa nila ay ang “magnakaw” ng isang tao mula sa ibang simbahan sa pamamagitan ng tusong manipulasyon. Ang ating mga simbahan ay dumudulas ng mabilis sa malalim at mas malalim sa apostasiya. Hindi ako laging sumasang-ayon kay Lewis Sperry Chafer, ngunit sa tingin ko ang pahayag na ito ay tamang-tamang,

     Ang mga kasulatang ito [patungkol sa apostasiya] ay naglalarawa sa mga tao na lumilisan mula sa pananampalataya (I Ni Timoteo 4:1-2). Magkakaroon ng pagpapakita ng mga katangian na umaanib sa masamang mga tao, kahit na ito’y nasa ilalim na paghahayag ng “isang anyo ng pagkamakadiyos” (isinalin mula sac f. II Ni Timoteo 3:1-5). Ang indikasyon ay na, sa pagtatanggi ng kapangyarihan ng dugo ni Kristo…ang mga pinuno ng mga anyo ng katuwirang ito ay mga masasamang mga tao kung saan walang mas espirituwal kaysa rito ang magpapatuloy [sa] huling mga araw ng simbahan (Isinalin mula kay Lewis Sperry Chafer, D.D., Sistematikong Teyolohiya [Systematic Theology], kab. IV, Dallas Seminary Press, pah. 375).

Oo! Kahit ang ating pinaka mahusay na mga simbahan ay madalas pinapastor ng mga kalalakihan na lubos na mga tumalikod sa pananampalataya na kanilang “itinanggi ang kapanayarihan ng dugo ni Kristo.” Mayroong bilang ng mga napaka konserbatibong mga pastor na tinatanggihan ang Hebreo 12:24, na nagsasabi na ang “dugon pangwisik” ay nasa “makalangit na Jerusalem,” gaya ng pagtuturo ng Bibliyang napaka malinaw rito. Maraming mga kalalakihan ang sumusunod sa mga gurong ito, tulad ni John MacArthur, na nagsasabi na ang Dugo ni Kristo ay isa lamang “metonym,” isang salita para sa Kanyang kamatayan. Ngunit sinabi ni DR. Martyn Lloyd-Jones,

Ang pangunahing pagsubok kung ang isang tao ay tunay na nangangaral ng ebanghelyo o hindi, ay ang pansinin ang pagdidiin na inilalagay sa “dugo.” Hindi ito sapat na magsalita tungkol sa krus at sa kamatayan; ang pagsubok ay ang “dugo” (Isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Ang Paraan ng Diyos ng Pagkakasundo [God’s Way of Reconciliation] (Mga Taga Efeso 2), The Banner of Truth Trust, 1981, pah. 331).

Ngayon mayroong matinding apostasiya mula sa kung anong itinuturo ng Bibliya tungkol sa literal na Dugong pagbabayad. Maaring sabihin ng mga mangangaral na pinaniniwalaan nila ito, ngunit wala akong kilalang kahit sinong pangunahing mangangaral na nagproproklama ng Dugo ni Kristo gaya ni Spurgeon at Dr. Lloyd-Jones. Tulungan tayo ng Diyos! Tayo na ngayon ay nasa ang apostasiya ngayon na!

“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas”– hē apostasia – ang apostasiya (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Iyan ang paglalantad ng apostasiya!

Ang mga tanda ng Kanyang pagdating ay dumarami,
Ang ilaw ng umaga ay bumabasag sa silangang himpapawid,
Magbantay, dahili ang panahon ay papalapit na,
Huwag mong isara ang iyong mga mata ngayon!
(“Paano Kung Ito’y Ngayon” Isinalin mula sa
“What If It Were Today?” ni Leila N. Morris, 1862-1929;
binago ni Dr. Hymers).

II. Pangalawa, ang dahilan para sa apostasiya.

Lumipat sa inyong Bibliya sa Apocalipsis 12:12. Tumayo at basahin ito ng malakas.

“Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).

Tignan ang huling pangungusap – “sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12). Maari nang magsi-upo.

Oo, alam kong ito’y isang paglalarawan ng kabangisan ni Satanas sa Tribulasyon mismo. Ngunit ang aking mahabang panahong pastor sa Tsinong simbahan na si Dr. Timothy Lin¸ ay nakita ang iba pang bagay rito. Sinabi niya, “Alam ni Satanas ng mas higit ang tungkol sa propesiya kaysa maraming mga Kristiyano.” Sinabi niya na alam ng Diablo ngayon na mayroon lamang siyang maikling panahon bago siya maigapos ng isang libong mga taon sa “kalaliman at isang malaking tanikala” (Apocalipsis 20:1-2). Isinulat ni John Phillips,

Si Satanas ay ngayon tulad ng isang nakakulong na leyon, di mailarawang ang kanyang pagkagalit…nagtitimpi sa kabangisan para sa mga paraan upang ilabas ang kanyang galit at kanyang pagkainis laban sa sangkatauhan (Isinalin mula sa Pagtutuklas ng Apocalipsis [Exploring Revelation], Loizeaux, 1991, pah. 160).

Hindi mahahawakan ni Satanas ang Diyos sa Langit, kaya nagagalit siya at sinasalakay ang tao, ang pinaka mataas na likha ng Diyos. Sinabi ni Apostol Pedro,

“Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8).

Ilang linggo noon, isang dalawampu’t dalawang taong kolehiyanong mag-aaral ng Kolehiyo ng Lungsod ng Santa Barbara ay bumaril at pumatay ng anim na mga biktima at madalamhating sinugatan ang labin tatlong iba bago niya pinatay ang kanyang sarili mula sa isang sugat mula sa pamamaril ng sarili. Noong nabasa ko ang di pangkaraniwang mensahe na iniwan niya sa YouTube ang unang pag-isip na dumating sa aking isipan ay “posesyon ng demonyo.” Oo! Tulad noong teribleng pelikulang “The Exorcist.” Sinasabi ng ng mga kanang kumakalingang mga politiko na maari nating pigilin ang mga pagpapatay na ito sa pamamagitan ng pagbabawal ng mga baril. Ngunit mali sila. Isa pang mas batang lalake ang hiwa ng labing anim na mga kolehiyong mag-aaral gamit ng isang kutsilyong pangangaso ilang linggong mas maaga. Kung ang mga baril ay ipagbabawal gagamit sila ng mga kutsilyong pangangaso!

Paano nagiging nasapian ng demonyo ang mga kabataang ito? Sinabi ng psikolohistang si Dr. Judy Kuriansky, “Ang isang taong nagulo na, na hantad sa lahat ng karahasan na itinataguyod ng Hollywood – diyan ka makakukuha ng isang potensyal na seryal na mamamatay tao o mamamatay ng maraming tao.” At sinabi ni Dr. Keith Kanner, isang dalubhasa sa pag-uunlad ng kabataan, “Mayroong kaming pananaliksik na nagpapakita na ang mga batang nahantad sa marahas na mga laro, telebisyon at mga pelikula ay gumagawing mas mapusok at marahas.” Sinabi ni Dr. Kanner, “sinisisi ko ang Hollywood.” (Isinalin mula kay John Blosser, National Enquirer, Hunyo 9, 2014, mga pah. 10-11). Nakuha mo iyang tama, sinisisi ni Dr. Kanner ang Hollywood, hindi ang Pambansang Asosasyon ng Baril [National Rifle Association]! Wala pa kailan mang nadedemonyo sa pagsali sa NRA. Wala pa! Ngunit maraming mga bata ang nagiging baluktot – at ilan ay nagiging nasapian pa ng demonyo – sa panonood ng marahas ng mga pelikula at pagtitinggin sa marahas na mga videyong laro!

Mga kabataan, tumigil sa pagpupunta sa mga pelikula, at itapon ang mga videyong larong iyan! Huwag maging mademonyo! Huwag maging naimpluwensiyahan ng demonyo! Alisin ang lahat ng basura mula sa iyong buhay! Tuldok!

O, siya nga pala, ang batang iyon na pumatay sa lahat noong mga tao sa Santa Barbara – hulaan mo? Ang kanyang ama ay ang pangalawang direktor ng dalawang kamakailan lang na pelikulang puno ng paglalaslas, puno ng karahasan at patayan! Tulungan tayo ng Diyos! Ang batang iyon ay hindi nagkaroon ng pag-asa!

At isa pang bagay. Huwag mong kalimutan na ang Diablo ay nagpupunta sa simbahan! Oo, si Satanas ay nagpupunta sa simbahan kada Linggo! At siya at ang kanyang mga demonyong katulong ay sumira nang lubos sa mga simbahan hanggang sa huling dalawang daan taon! Nararamadaman ko ang aking lamang gumagapang at ang aking buhok na tumatayo – kapag nababasa ko ang paliwanag ni Charles G. Finney (1792-1875) sa tinatawag na pagbabgong loob, at tinatawag na pagpupuno ng Espiritu! Natitiyak ko na si Finney ay naging nademonyo, kung hindi lubos na sinapian ng demonyo, noong ang mga tinatawag na mga kaganapan ay nangyari. Isang kaibigan ko, na mayroong pagkadoktor sa teyolohiya, ay nagsabi sa akin noong isang araw, “Mayroong isang kadiliman tungkol kay Finney. Siya ay isang aburidong tao.” Tapos sinabi niya, “Nakakita ka na ba ng letrato ng kanyang mga mata? Mukha siyang isang mabangis na tao.” Naiisip kong personal na siya ay nademonyo!

At si Finney ay ang taong ibinaling ang lahat ng kanyang galit laban sa Protestanteng pagbabagong loob, at nagdala sa halos lahat ng mga pastor sa Amerika (at libo-libo sa buong mundong ) isuko ang lumang paraan ng pagbabagong loob, at baguhin itong “Desisyonismo” (iklik ito upang basahin ang isang depinisyon nito) – nagdadalang literal sa milyon-milyong mga nawawalang mga tao sa ating mga ebanghelikal na mga simbahan. Ang huling aklat ni Dr. Francis Schaeffer ay pinamagatang, Ang Dakilang Ebanghelikal na Trahedya [The Great Evangelical Disaster]. Bakit ang ebanghelikalismo ay isang trahedya? Dahil ang taing mga mangangaral ay yumakap sa demonikong doktrina ng “Desisyonismo.,” at tumalikod mula sa lumang panahong relihiyon ni Jonathan Edwards, George Whitefield at C. H. Spurgeon. Tulungan tayo ng Diyos! Milyong milyong mga nawawalan mga tao ang nagpunta sa ating mga simbahan na di napagbabagong loob – at sumira sa mga ito! Ang demonikong doktrina ni Finney ng “Desisyonismo” ay sumira sa mga Kongregasyonalista, tapos, ang Metodista, tapos ang mga Prebyteriano, tapos ang mga Hilagang Bautista. At ngayon ang “Desisiyonismo” ni Finney ay sumisira sa mga Katimugang mga Bautista at Independiyenteng pundamental na mga Bautista, pinupuno ang ating mga simbahan ng mga di napagbagong loob na mga tao – na napaka mabuway na binibiyak nila ang mga simbahan, nililisan ang mga ito, at gayon sinisira ang mga ito!

Ang “Darwinismo” at Desisyonismo” ay dalang ngipin ng tinidor ng Diablo. At gamit sa dalawang ngipin na tinidor na iyan sinisira ng Diablo ang Kristiyanismo sa Kanlurang mundo!

“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas”– hē apostasia – ang apostasiya (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Ang mga tanda ng Kanyang pagdating ay dumarami,
   Ang ilaw ng umaga ay bumabasag sa silangang himpapawid,
Magbantay, dahili ang panahon ay papalapit na,
   Huwag mong isara ang iyong mga mata ngayon!

Nakakita tayo ng maraming paglalantad ng apostasiya. Nakakita tayo ng maraming dahilan para sa apostasiya. Ngunit mahahawakan ko lang ng kaunti ang huling dalawang mga punto – ang resulta at ang remedy para sa Apostasiya. Para sa marami pa tungkol sa Desisyonismo basahin ang aklat ni Iain H. Murray Ang Lumang Ebanghelikalismo [The Old Evangelicalism] (Banner of Truth, 2005).

III. Pangatlo, ang resulta ng apostasiya.

Ang resulta ay malinaw. Napaka kaunting mga miyembro ang ligtas ngayon. Mayroon silang mga 3 o 4 na gulang na pinabibikasnila ng mga tinatawag na “panalangin ng makasalanan” at tapos binibinyagan nila sila! Terible! Di mas maigi kaysa sa medibal na Katolisismo! Mas malubha pa! Buti nga ang mga saserdoteng iyon ay di nagbibigay sa kanila huwad na kasiguraduhan ng “walang hanggang seguridad.” Ito’y lubos na nakalalason at Sataniko na binyagan ang mga bata o mga may sapat na gulang na simpleng dahil sinabi nila ang “panalangin ng makasalanan”! Tulungan tayo ng Diyos! Sa maraming mga lugar ang “Desisyonismo” ay gumawa sa mga naipanganak muling mga Bautistang kasing madalang gaya ng albinong pygmy sa puso ng Aprika1 Ito ay isang paglalarawan ng isang karaniwang Bautista o ebanghelikal,

“Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad” (Apocalipsis 3:17).

“Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig” (Apocalipsis 3:16).

Iyan ang resulta ng apostasiya, dala ng “Desisyonismo”!

“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas”– hē apostasia – ang apostasiya (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Ang mga tanda ng Kanyang pagdating ay dumarami,
Ang ilaw ng umaga ay bumabasag sa silangang himpapawid,
Magbantay, dahili ang panahon ay papalapit na,
Huwag mong isara ang iyong mga mata ngayon!

IV. Pang-apat, ang remedy para sa apostasiya.

Paano magagamota ang Apostasiya? Ano ang remedy? Ano ang sagot? Ang gamot, ang remedy, ang sagot – ay ang Panginoong Hesu-Kristo! Si Hesus ang gamot para sa Apostasiya! Si Hesus ang remedy para sa Apostasiya! At, oo, si Hesus ang sagot sa Apostasiya! Alam iyan ng Apostol Pablo. At iyan ang dahilan na sinabi niya,

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).

Inililigtas tayo ni Kristo mula sa kasalanan. Inililigtas tayo ni Kristo mula sa Impiyerno. Inililigtas tayo ni Kristo mula sa Apostasiya! Lumabas mula sa namamatay na kultura ng Amerika, at sa namamatay nitong mga simbahan! Lumabas mula sa kanila – at pumasok – ng lubusan – kay Hesus. Hindi ka Niya kailan man bibiguin!

Ang aking pag-asa ay nakataya sa walang mas mababa
   Kaysa sa dugo ni Hesus at katuwiran;
Hindi ako nangangahas na pagkatiwalaan ang pinaka matamis na kuwadro,
   Kundi buong-buong sumandal sa pangalan ni Hesus.
Kay Kristo, ang matatag na Bato, ako tumatayo,
   Ang lahat ng ibang saligan ay lumulubog na buhangin,
Ang lahat ng ibang saligan ay lumulubog na buhangin.
   (“Ang Matatag na Bato.” Isinalin mula sa
      “The Solid Rock” ni Edward Mote, 1797-1874).

Ngayong umaga, sinasabi ko sa iyon, walang ligtas na lugar sa mundong ito maliban kay Hesus! Magpunta sa Kanya, at ililigtas ka niya!

Sa Repulika ng mga Tao ng Tsina mayroong higit na mas kaunting apostasiya. Kita mo, sila’y naputol mula sa Amerika at Kanluran. Wala silang kahit anong makatutulong sa kanila, o makaproprotekta sa kanila – si Hesus lamang. At sila’y higit sa kahit anong sukat na natulungan ni Hesus. Hinuhulaan ng Kapisanan ng Amerikanong Bibliya [The American Bible Society] na mayrong 600 na mga pagbabagong loob kay Kristo kada oras sa Tsina – iyan ay 14,000 na pagbabagong lob araw-araw! Sumasalalay sila kay Hesu-Kristo, at binibigyan Niya sila ng lakas upang pangunahan ang libo-libong mga kabataan kay Kristo sa mga simbahan!

Kayang patawarin ni Kristo ang iyong kasalanan. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay at bigyan ka ng pag-asa! Hinihiling kong bumalik ka rito sa sunod na Linggo. At hinihiling kong magpunta kang direkta kay Hesus, “ang Kordero ng Diyos, na nag-aalas ng kasalanan ng sanglibutan”! Magpunta at makipag-usap sa akin tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Mga Taga Tesalonica 2:1-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Paano Kung Ito’y Ngayon.” Isinalin mula sa
“What If It Were Today?” (ni Leila N. Morris, 1862-1929; binago ng Pastor).


ANG BALANGKAS NG

ANG APOSTASIYA – 2014

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas” (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

(II Ni Timoteo 4:3)

I.    Una, ang paglalantad ng apostasiya, Mga Hebreo 12:24.

II.   Pangalawa, ang dahilan para sa apostasiya, Apocalipsis 12:12; 20:1-2;
I Ni Pedro 5:8.

III.  Pangatlo, ang resulta ng apostasiya, Apocalipsis 3:17, 16.

IV.  Pang-apat, ang remedy para sa apostasiya, I Mga Taga Corinto 2:2.