Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG DAONG NI NOE

(PANGARAL BILANG 81 SA AKLAT NG GENESIS)

NOAH’S ARK
(SERMON #81 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-1 ng Hunyo taon 2014

“Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing” (Genesis 6:14).


Ilang linggo noon ang Hollywood ay naglabas ng isang pangunahing pelikulang tinatawag na “Noah.” Libo-libong mga taong mga kabataan ang nanood nito. Sumulat ako ng isang artikula na pinamagatang “Ang Pelikulang ‘Noah’ ay Sataniko” (iklik ito upang basahin ito). Oo, ang pelikula ay mayroong maraming demonikong element, at hindi ko ito inirerekumenda sa kahit sino. At gayon man mayroon ang pelikula ng ilang tiyak na mga katangian na totoo. Inilarawan nito ang Baha na napaka totoo, at nagbigay ito ng isang nakapani-paniwalang larawan ng Daong. Hanggang ngayon maraming mga kabataan ang nag-akala na ang Daong ay isang maliit na bangka na may mga masasayang mga hayop rito, at isang nakangiting Noe na tumitingin mula sa bintana. Iyan ang kartoon na nakita nila sa Linggo Paaralanng mga aklat para sa mga bata. Para sa akin ang maliit na mga aklat na iyon ay kasing Sataniko ng pelikula! Nagbibigay ang mga ito ng ganap na huwad na pananaw ng Daong at ng Baha. Sa tinggin ko dapat sabihin ng mga mangangaral sa kanilang mga kabataan na ang pelikula ay Sataniko. At ang mangangaral, sa tinggin ko ay dapat magpunta ka sa Linggong Paaralang silid sa iyong simbahan at itapon ang lahat ng mga aklat ng mga batang iyon na may mga kartoon ni Noe at ng Daong! Itapon ang mga ito! Ginagawa nila ang isang napaka seryosong mensahe ng Baha na isang kartoon! Iyan ay kapantay na Sataniko! Ang Daong at ang Baha ay hindi mga biro!

Ngayon, ako’y nagbibigay na ng maraming mga pangaral kay Noe at ang Daong. Ngayong gabi magbibigay ako ng isang pangaral na pinamagatang, “Ngunit si Noe ay nakahanap ng Biyaya” (iklik ito upang basahin ito). Ngunit ngayong umaga ako’y magsasalita patungkol sa Daong mismo. Walang duda na ang kwento ni Noe ay isang tipo, isang larawan sa Lumang Tipan na nagbababala ng isang bagay sa Bagong Tipan. Sa Mateo 24:37-39 sinabi ni Kristo “ang mga araw” kung saan nabuhay si Noe ay isang tipo ng huling mga araw bago ng Kanyang Pangalawang Pagdating. Sa II Ni Pedro 2:5 si Noe ay binigyan ng isang tipo ng makatuwirang mangangaral sa isang panahon ng apostasiya at huwad na pagtuturo. Sa I Ni Pedro 3:20-21 ang Daong ay ibinigay bilang isang tipo ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo. Sa Mga Hebreo 11:7 ang Daong ay ibinigay muli bilang isang tipo ng Kaligtasan. Ang mga tao sa araw ni Noe ay isang tipo. Ang mga di ligtas na mga tao sa huling mga araw ay isang anti-tipo, ang katuparan ng tipo. Ang pangangaral ni Noe sa panahon ng apostasiya ay isang tipo. Ang mapagpananamapalatayang mga mangangaral sa huling mga araw ay isang anti tipo, ang katuparan ng tipo. Ang Daong isang isang tipo. Ang kaligtasan kay Kristo ay isang anti-tipo, ang katuparan ng tipo. Alam ko na ang tipolohiyo ay matinding maling nagagamit sa mas maagang mga araw ng Kristiyanismo, kung saan nakita ng mga mangangaral ang halos lahat sa Lumang Tipan bilang isang tipo. Ngunit alam ko rin na mayroong mga tunay na mga tipo sa Lumang Tipan, kung saan mayroong mga malinaw na mga anti-tipo, tumutupad ng mga tipo sa Bagong Tipan. Halimbawa, ang Aklat ng mg Hebreo ay puno ng mga anti-tipo. Pagkatapos na bumangon si Hesus mula sa pagkamatay umupo Siya kasama ng dalawa sa Kanyang mga tagasunod

“At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lukas 24:27).

Wala akong pagdududa na anomang sinabi ni Kristo sa kanila na ang Daong ni Noe ay isang tipo ng larawan Niya Mismo bilang Tagapagligtas ng sanglibutan. Gaya ng pagligtas ng Daong sa mga tao ng Diyos mula sa baha, kaya si Kristo ay nagliligtas ng mga tao ng Diyos mula sa paghahatol at Impiyerno. An Daong ay isang tipo, si Hesu-Kristo ay isang anti-tipo, ang katuparan ng tipo! Isa lamang tumatanggi sa Bibliyang liberal tulad ni Harry Emerson Fosdick ang magkakait niyan! Isa lamang modernista sa Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller o Paaralang Dibinidad ng Chicago ang magkakait niyan! Hinulaan ng Bibliya na ang mga taong tulad niyan noong sinabi nitong, “sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita” (II Ni Pedro 3:3). At sinabi ng Apostol Judas,

“Nguni't kayo, mga minamahal, ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo; Kung paanong sinabi sa inyo, Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita. Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay, malalayaw, na walang taglay na Espiritu” (Judas 17-19).

Natutunan ko napaka habang panahon noon na tanggihan ang pagtuturo ng ganoong mga di nananampalataya!

Kaya, bumalik tayo sa ating teksto ng Akalt ng Genesis, sa kapitulo 6, berso 14, para sa isang paglalarawan ng Daong – at kung paano nito nilalarawan ang ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo. Sinabi ng Diyos kay Noe,

“Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing” (Genesis 6:14).

Iwanang nakabukas riyan ang inyong Bibliya. Amen.

Sinabi ni Arthur W. Pink, “Ang daong…kung saan [si Noe] at ang kanyang tahanan…ay nakahanap ng kanlungan mula sa bagyo ng poot ng Diyos, ay isa sa mga pinaka malinaw at pinaka malawak ang saklaw na mga tipo ng kaligtasan ng mananampalataya kay Kristo na mahahanap sa lahat ng mga Kasulatan” (Isinalin mula kay Arthur W. Pink, Mga Paghihimlay sa Genesis [Gleanings in Genesis], Moody Press, 1981 edisiyon, pah. 103). At napansin ko na si Dr. John Gill, ang ating pinaka dakilang Bautistang taga kumento ng ika labin walong siglo, ay paulit-ulit na tinatawag ang Daong na isang tipo ni Kristo (Isinalin mula kay John Gill, D. D., Isang Pagpapaliwanag ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kab. 1, mga pah. 50-51).

“Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing” (Genesis 6:14).

I. Una, ang Daong ay iplinano ng Diyos.

Si Noe ay mayroong ilang pagkamalay na ang paghahatol ay padating. Ngunit walang pag-iisip ng pagtatayo ng isang daong hanggang sa inilantad ito ng Diyos sa kanya.

Ngunit alam ng Diyos kung anong gagawin Niya. Kita mo, si Noe at iyong mga kasama niya ay pinili ng Diyos matagal nab ago pa na ang sanglibutan ay nilikha. Sinabi ng Apostol Pablo, “pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan” (Mga Taga Efeso 1:4). Hindi lamang pinili ng Diyos kung sinong maliligtas sa Daong, plinano rin ng Diyos na ipadala si Kristo upang iligtas tayo bago ang sanglibutan ay nilikha, dahil tinatawag ng Bibliya si Kristo, ang “Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan” (Apocalipsis 13:8).

Gaya ng iplinano ng Diyos na magpadala ang anti-tipo, si Hesu-Kristo, upang iligtas tayo, kaya plinano Niya ang tipo, ang Daong. Plinano ng Diyos na iligtas si Noe sa simula pa.

Lahat sa inyong mga Kristiyano ay dapat maggalak na pinili ng Diyos na iligtas kay Kristo bago Niya iniligtas ang mundo – gaya rin na Kanyang plinanong iligtas si Noe sa Daong mahabang panahon pa bago na ang mga tubig ng Baha ay sumira sa mga masasama ng sanglibutan na ito! Kung ika’y na kay Kristo, ika’y ligtas mula sa bagyo ng paghahatol!

Itago ako, O aking Tagapagligtas, itago,
Hanggang sa ang bagyo ng buhay ay nakaraan:
Ligtas sa kanlungang ginabay;
O tanggapin ang aking kaluluwa sa wakas!
   (“Hesus, Tagapag-ibig ng Aking Kaluluwa.” Isinalin mula sa
      “Jesus, Lover of My Soul” ni Charles Wesley, 1707-1788).

II. Pangalawa, ang Daong ay naitayo lamang upang iligtas ang mga naninirahan rito.

Hindi ito isang barko. Hindi sa anumang paraan! Ang Hebreong salitang isinaling “daong” ay “taybaw.” Ibig nitong sabihin ay “isang kahon” (Isinalin mula kay Strong). Ito’y parehong Hebreong salitang ginamit para sa maliit na kahon kung saan ang sanggol na si Moses ay lumutang sa Ilog ng Nile. Ang parehong Hebreong salitang ito ay isinalin bilang “kabaong” sa Genesis 50:26. Walang timon ito. Wala itong mga layag. Tiyak akong mayroon itong isang patag na ibaba upang magbigay ng pinaka malaking kapasidad. Ito’y isa lamang kahon. Sinabi ng Diyos, “Gawan mo ako ng isang ‘kahon’ siksikan mo ito sa loob at sa labas ng sahig.” Ang salitang “siksikan” ay isinalin mula sa “kopher” – ang pandiwang anyo ng “kaphar.” Iyan ang parehong salita na isinaling “pagtutubos” sa mga 70 na ibang mga lugar sa Lumang Tipan. Iyan ang paraan na ito’y isinalin sa Levitico 17:11, “Ang dugo'y siyang tumutubos [para sa kaluluwa]” [KJV].” Dahil pareho silang mula sa parehong Hebreong salita, maari nating sabihin sa ibang pananalita ang Genesis 6:14 na “Gawa ka ng isang daong ng kahoy ng gofer at takpan ito sa loob at labas ng pagtutubos,” alin ay ang Dugo! Kaya, rito mayroong kang isang malaking kahon, natakpan ng itim na paniksik. Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Kaphar…ay madalas na isinasalin maya maya bilang isang ‘pagtutubos.’ Sa pagbibigay ng isang nagproprotektang panakip laban sa mga tubig ng paghahatol, ito’y gayon nagiging isang magandang tipo ni Kristo” (Isinalin mula sa Ang Bagong Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The New Defender’s Study Bible] ni Henry M. Morris, Ph.D., World Publishing, 2006, pah. 34; sulat Genesis 6:14).

Kaya rito, mayroong tao ng Daong. Ito’y isang malaking kahon gawa sa kahoy, at natakpan sa loob at labas ng isang itim na paniksik, na ganap na sumelyo rito mula sa tubig ng Dakilang Baha. Sinabi ni Dr. M. R. DeHaan,

Ang daong…ay mukhang isang malaking itim na kabaong. Sa katunayan, ang parehong salitang isinalin na “daong” ay isnalin ring “kabaong” sa Genesis 50:26. Ang daong ay isang simbolo ng kamatayan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
      Madali nating makikita sa ating isipan kung anong pagkasuklam ang pagmamasid ng mga tao sa mga araw ni Noe sa kanyang pagkakayod. Anong kabalighuan, ang naisipi nila, nagtatayo ng isang itim na kahon na mukhang isang kabaong, at hinuhulaan ang isang baha ng tubig na hindi pa nga pa rin umuulan sa lupa (isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., Ang mga Araw ni Noe [The Days of Noah], Zondervan Publishing House, 1971 edisiyon, pah. 173).

Maraming mga tao ngayon ang tumatawa at tinatawanan ang Bibliya. Tinatawag pa nga ng mga tao ang kwentong ito ng Baha, na “baligho.” Ngunit anong gagawin nila kung ang paghahatol ng Diyos ay babagsak sa kanila? Anong gagawin mo kung hindi ka ligtas kay Kristo Hesus?

Itago ako, O aking Tagapagligtas, itago,
Hanggang sa ang bagyo ng buhay ay nakaraan:
Ligtas sa kanlungang ginabay;
O tanggapin ang aking kaluluwa sa wakas!

III. Pangatlo, ang Daong ay isang kublihan mula sa paghahatol ng Diyos.

Ang Daong ay isang ligtas na lugar. Sa katunayan, ito lamang lugar para sa kaligtasan. Ito lamang ang lugar ng kaligtasan mula sa paghahatol ng Diyos.

Ang mga tao ng mundong ito ay nagsasabi na mayroong “maraming paraan” upang makahanap ng kapayapaan sa Diyos. Ngunit mali sila. Ang Diyos ay nagbigay ng isa lamang na paraan upang makatakas sa Kanyang poot sa panahon ni Noe – at ang isa lamang paraan upang matakasan ang paghahatol ay ang magpunta sa Daong. Ngayon ang Diyo ay nagbigay ng isang paraan upang makatakas sa Kanyang poot at iyan ang Panginoong Hesu-Kristo. Sinasabi ng Bibliya,

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12).

Sinasabi ng mga tao, “Hindi iyan patas!” Hindi ko kailan man maintindihan kung paano nila masabi iyan! Ito’y lubos na patas para sa akin! Ang tao ay nagkasala sa Hardin. Ang tao ay nagkasala muli, lubos lubos, sa bago ng Bahang apostasiya. Ang Diyo ay nagbigay ng isang daan para sa kanila upang maligtas mula sa paghahatol para sa kanilang kasalanan. Ngunit tinanggihan nila ang daan upang maligtas. Kaya, sila’y nalunod sa Baha. Kaya anong di patas? Hindi ko lang ito nakikita. Di kailaman noon at di kailan! Ang mga tao sa araw ni Noe ay mayroon ang pangangaral ni Enoc (Judas 14, 15). Mayroon sila ng pangangaral ni Noe (II Ni Pedro 2:5). Mayroon sila ng Banal na Espiritu ng nagpupunyagi kasama nila (Genesis 6:3). Kaya wala silang pagdadahilan. At hinihingi ko ngayong umaga, “Ano ang iyong dahilan kung mamamatay ka na di naliligtas ni Hesus?” Iyan ay isang mainam na tanong. Ano ang iyong dahilan kung hindi ka ligtas kay Kristo kapag hahatulan ng Diyos ang mundong ito?

Itago ako, O aking Tagapagligtas, itago,
Hanggang sa ang bagyo ng buhay ay nakaraan:
Ligtas sa kanlungang ginabay;
O tanggapin ang aking kaluluwa sa wakas!

IV. Pang-apat, ang Daong ay mayroong lugar para sa lahat.

Ang mga Hebreo ay mayroong isang maikling kubit ng 17.5 na pulgada, at isang mahabang kubit na 20.4 na pulgada. Ang mga sukat ng Daong ay ibinigay sa Bibliya sa Genesis 6:15. Kung ang mas maikling kubit ay ginamit, ang Daong, kasama ng tatlo nitong mga palapag, ay magkakaroon ng 95,790 na kwadrado ng espasyo ng sahig, o mga 2.2 ektarya. Kung ang mas mahabang kubit ang ginamit, ang Daong ay mayroong 45,350 na kwadrado sa bawat tatlong mga palapag. Ang lahat ng tatlong itong magkakasama ay magkakaroon ng 130,050 na kwadrado, mga tatlong ektarya ang laki. Ang kabuuang taas ay 51 sukat ng paa, mas kaunti ng kaunti kaysa sa taas ng isang limang palapag na bahay. Iyan ay 2,210,850 kubikong haba ng paa! Iyan ay nagbigay ng sapat na silid para sa 125,000 na mga hayop sa laki ng isang tupa. Hinuhulaan ng mga zoolohista na mayroong mas kaunti sa 100 na orihinal na mga klase ng apat na pang hayop, at mas kaunti sa 170 na orihinal na klase ng ibon. Ang isang Daong na mayroong 130,000 na kwadrado ng espasyo ng sahig ay makapagkakasya na maraming bilang ng orihinal na hayop na pumasok sa Daong. Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,

      Dahil, gaya ng nakita natin, ang Daong ay maaring nagdala ng kasing dami ng isang at dalawam pu’t limang libong tupa, at dahil ang karaniwang laki ng isang hayop ng lupa ay tiyak na mas kaunti sa isang tupa, ito’y maliwanag na hindi higit sa 60 pursyento ng kapasidad nito ay maaring nagamit para sa mga hayop…Kung gayon, ang ibinigay na sukat ng Daong ay mukhang tamang-tamang angkop para sa mga hayop na kinailangan nitong kargahin…gayon din ang mga pagkain para sa mga hayop, para sa tirahan ni Noe at ang kanyang pamilya, at para sa iba pang kailangan na mga layunin (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Talang Genesis [The Genesis Record], Baker Book House, 1986 edisiyon, pah. 185).

Itago ako, O aking Tagapagligtas, itago,
Hanggang sa ang bagyo ng buhay ay nakaraan:
Ligtas sa kanlungang ginabay;
O tanggapin ang aking kaluluwa sa wakas!

Kahit na ang kabuuang kwento sa pelikulang “Noah” ay demoniko, gayon di pangkaraniwan na ang Daong mismo ay makatotohanan at tunay sa Bibliya. Ang mga hayop at mga ibon ay nagpunta sa Daong higit na tulad ng paraan na inilarawan ni Dr. Morris. Nagpunta sila sa pamamagitan ng likas na hilig at sila’y sumalagpak sila sa isang pagtulog sa lamig na kalagayan. Ang bahaging iyan ng pelikula ay maganda at totoo sa Bibliya. Ngunit, muli, huwag ninyo ito panoorin. Ang Satanikong mensahe ay maaring magdala ng pinsala at pagkalito. Gayon, tiyak, ang dakilang Daong na ito ay isang kasindak-sindak sa imahinasyon. Nabibighani ako na isipin itong malakaing itim na Daong na ito, tatlong palapag ang taas, dumadaluhong sa mga alon, napaka mapanlikhang dinesenyo ng Diyos na hindi ito maitaob kahit na kapag ito’y maitaas ng 90 digri na angulo ng mga alon.

Mayroong matinding mabalisang paghahanap bawat tag-init, sa ilang araw kapag ito’y posible, sa mataas na bundok ng Ararat sa Armenia. Marahil mahahanap nila ang fossil ng Daong isang tag-init. Sa tinggin ko mahahanap nga nila ito bago bumagsak ang matinding paghahatol sa pagsasara ng panahong ito. Ngunit mahanap man ng mga arkeyolohista ito o hindi, ang lahat ng matatandang Armenyanong kalalakihan sa aking gimnasyo ay nagsasabi na naroon ito. Isang matandang lalake ang nagsabi na nakita ng kanyang lolo ang isang piraso nito umuusli mula sa yelo. Sinabi niya na , “Ito’y itim lahat. Hindi niya ito inasaang maging itim.”

Ang aking pamily at ako ay nagpunta sa Inglatera maraming taon noon. Doon ipinanganak ang aking lolo, at lubos kung tinamasa ito. Nagpunta kami sa Kastilyo ng Dover. Marahil ay narinig ninyo ang “Puting Talampas ng Dover” [White Cliffs of Dover]. Maraming mga barko ang sumalpok sa mga bato sa ilalim ng mga talampasan na iyon sa loob ng mga siglo. Ngunit noong nakarating kami roon hindi ko binigyang pansin ang Kastilyo ng Dover. Kung nakakita ka na ng isang kastilyo, nakito mo na silang lahat! Nakakita ako ng isang bagay sa malayo na bumighani sa aking atensyon. Ito’y malaki. Masasabi mo na ito’y luma. Tumakbo ako upang makita itong mas malapit. Hindi ko maalis ang aking mata mula rito. Doon ito’y nakatayo, isang walom pung talampakan ang taas na parola, sinasabi nilang naitayo noong unang siglo! Ito’y mahaba, itim na imbudo na pumapaitaas malayo sa himpapawid. Tumingin ako sa itaas nito sa loob at nakita ko ang itim na uling ng maraming siglo sa mas loobang pader nito.

Itinayo ito ng mga taga Roma habang ang Apostol Juan ay buhay pa sa Maliit na Pulo ng Patmos! Sumunog sila ng mga puno sa loob nito upang balaan ang mga barko papalayo mula sa mga bato sa punong dalampasigan sa Dover. Ang aking balat ay kinilabutan sa pagkamangha sa lubos na kamahalan ng lumang parolang iyon, umaaninag tulad sa tinggin ko ng Daong na umaninag sa harap ng ilang mga nakangangang mga bata na nagpunta sa dilim upang tignan ito at maghagikgik, at nagbato ng isang bato rito, pakinggan itong kumalabog, at tumakbo papalayong tumatawa – sa gabi bago dumating ang Baha at itinanangay sila papalayo! Tapos ang mga kalalakihan ay lumuha at sumigaw, kumakapit sa mga katawan ng mga nabunot na mga puno, kumakapit sa tuktok ng mga bato at mga burol, noong ang malaking demonyong Neptuna ay bumangon mula sa bumati sa Baha, at matinding balisang si Triton ay inihip ang kanyang nakoronahang tambuli – at binuksan ng Diyos ang mga bukal ng malalim, at ang mga bintana ng langit ay bumukas,

“At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan” (Genesis 7:23).

Itago ako, O aking Tagapagligtas, itago,
Hanggang sa ang bagyo ng buhay ay nakaraan:
Ligtas sa kanlungang ginabay;
O tanggapin ang aking kaluluwa sa wakas!

“At ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan” (Genesis 7:23) – at inilarawan ng Daong si Kristo! Kung ika’y na kay Kristo, ika’y ligtas mula sa padating na paghahatol. Kung ika’y wala kay Kristo, ika’y malulunod sa Lawa ng Apoy, ngunit hindi sa hanggang sa kamatayan! O, hindi – upang makaladkad paitaas at malunod muli’t muli’t muli sa nasusunog na lawa na di kailan man natatapos, na di kailan man lumalamig, at nasusunog ng magpakailan man!

Paano ka makatatakas? Magpunta sa Daong! Pinahihiwatig ng Daong si Kristo. Ang itim na paniksik ay sumasagisag sa Dugo ni Kristo! Pumasok! Pumasok sa Daong! Magpunta kay Kristo bago ito walang hanggang huli na.

Ang mga batang lalakeng iyon na tumingin sa mga palumpong sa Daong ay nagsitawanan sa gabi bago ng Baha!iyong mga batang lalakeng iyon ay nagsibugbog sa gilid ng Daong noong ang tubig ay pumaitaas mula sa lupa at mula sa himpapawid!ang mga batang lalakeng iyon ay nagsisigaw, “O Diyos, papasukin kami! Huwag kaming hayaang malunod!” ang mga batang lalakeng iyon na sumigaw sa buong kawalang hanggan sa Lawa ng Apoy! ang mga batang lalakeng iyon ay magsasabi sa iyon, kung kaya nila, “Tumakas mula sa poot ng Diyos! Tumakas mula sa kabangisan ng Panginoon Huwag tumingin sa likod mo! Huwag isipin kung paano papasok! Magpunta! “Makipagsapalaran sa Kanya, makipagsapalarang buo” – itapon ang iyong sarili sa Kanyang lubusan, “huwag hayaan ang ibang pagtiwalang makialam.” Itapon ang iyong sarili sa pintuan ng Daong – “makipagsapalaran sa Kanya, makipagsapalarang buo” – dahil si Kristo lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa poot na darating, at linisin ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang banal at walang hangganang Dugo!” Amen.

Stand and sing number 7 on your song sheet, “Come, Ye Sinners.”

Magpunta, kayong mga makasalanan, kawawa at sira,
   Mahina at sugatan, may sakit at kumikirot,
Si Hesus ay handang tumayo upang iligtas ka,
   Puno ng awa, pag-ibig at kapangyarihan;
Kaya Niya, Kaya Niya, malugod sa kalooban Niya,
   Huwag nang magduda!
Kaya Niya, Kaya Niya, malugod sa kalooban Niya,
   Huwag nang magduda!
(“Magpunta, Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mula sa
     “Come, Ye Sinners” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Kung gusto mong makipag-usap sa akin at ang ibang mga tagapagpayo, lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapag-uusap tayo tungkol sa iyong kaligatasan. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Genesis 6:12-17.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, Taga-Ibig ng Aking Kaluluwa.” Isinalin mula sa
“Jesus, Lover of My Soul” (ni Charles Wesley, 1707-1788).


ANG BALANGKAS NG

ANG DAONG NI NOE

(PANGARAL BILANG 81 SA AKLAT NG GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing” (Genesis 6:14).

(Mateo 24:37-39; II Ni Pedro 2:5; I Ni Pedro 3:20-21;
Mga Hebreo 11:7; Lucas 24:27; II Ni Pedro 3:3; Judas 17-19)

I.   Una, ang Daong ay iplinano ng Diyos, Mga Taga Efeso 1:4; Apocalipsis 13:8.

II.  Pangalawa, ang Daong ay naitayo lamang upang iligtas ang mga
naninirahan rito, Genesis 50:26; Levitico 17:11.

III. Pangatlo, ang Daong ay isang kublihan mula sa paghahatol ng Diyos,
Mga Gawa 4:12; Judas 14, 15; II Ni Pedro 2:5; Genesis 6:3.

IV. Pang-apat, ang Daong ay mayroong lugar para sa lahat, Genesis 7:23.