Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA DEMONYO SA MUNDO NGAYON

(PANGARAL BILANG 79 SA AKLAT NG GENESIS)

DEMONS IN THE WORLD TODAY
(SERMON #79 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-25 ng Mayo taon 2014

“At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili” (Genesis 6:1-2).


Iwanan ang iyong Bibliyang nakabukas sa pahinang ito. Bago ko ipaliwanag ang dalawang mga berso, bibigyan ko kayo ng isang susi sa apostasiya ngayon. Tinignan natin ang propesiya na ibinigay ni Hesus noong huling Linggo, at ating pag-iisipan ngayon ito muli.

Tinanong ng mga Disipolo si Hesus, “ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Binigyan sila ni Kristo ng maraming mga tanda. Ngunit binigyan rin Niya sila ng isang matinding tanda na kasama roon ang lahat ng iba pa. Sinabi ni Kristo,

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).

Kung gusto nating malaman kung anong magiging tulad sa pangkalahatang panahon bago ng Pangalawang Pagdating ni Kristo at ang katapusan ng panahong ito, ang lahat na kailangan nating gawin ay basahin kung paano ito sa panahon ni Noe, bago ng Matinding Baha. At ang paglalarawan nito ay ibinigay sa tatalong kapitulo lamang ng Bibliya – sa Genesis 4, 5, at 6.

Noong huling gabi ng Linggo ipinakita ko sa iyo na ang panahon ng mga patriyarka sa Genesis kapitulo 5, ay isang panhon ng lumalagong apostasiya, hindi isang panahon ng pananampalataya sa anumang paraan! Ang mga patriyarka sa kapitulong iyan ay hindi mga espirituwal na mga pinuno. Ang lahat na sinasabi nito ay na sila’y nabuhay, nagpanganak ng mga anak na lalake at anak na babae, at tapos ay namatay. Iyon lang! Kalahati sa listahan ng mga patriyarka mayroong isang tao na sa wakas ay mayroong ginawa. Ang pangalan niya ay Enoc. Nangaral siya laban sa lumalagong apostasiya ng panahong ito, sinasabi na ang Panginoon ay darating “Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat” (Judas 15). Nangaral siya sa padating na paghahatol ng Dakilang Baha. At sinasabi ng Bibliya, “lumakad si Enoc na kasama ng Dios” (Genesis 5:22). Hindi ito sinasabi sa kahit sinong ibang mga patriyarko hanggang si Noe, “lumakad sai Noe kasama ng Dios” (Genesis 6:9). Lahat ng mga patriyarko ng panahong ito ay hindi isinama sa mga tao ng pananamapalatayang nakalista sa Mga Hebreo 11 maliban sa dalawang mga kalalakihang si – Enoc at Noe. Gayon makikita natin na ang panahon ng Genesis 5 ay isang panahon ng lumalagong apostasiya.

Ang mga taga kumento ay tinukoy ang “makadiyos na linya ni Seth” at ang di makadiyos na linya ni Cain.” Ngunit walang salita – ni isang salita – sa Bibliya na nagtuturo niyan! Oo, mayroong dalawang mga lahi, ang lahi na dumating mula kay Cain, at ang lahi na nanggaling mula kay Seth. Ngunit ang parehong grupo ay di makadiyos! Parehong grupo ay nasawi sa Baha! Ang matatandang mga Hudyong mga rabay ay nagsalita patungkol sa isang panahon ng mga patriyarko bilang isang panahon ng lumalagong apostasiya. Na nagdadala sa atin sa kasukdulan ng kasalanan at apostasiya sa ating teksto. Tignan ito muli, sa Genesis 6:1-2.

I. Una, ito ay isang panahon ng matinding demonikong gawain.

“At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw. Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog. At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:1-5).

Sinasabi ng sulat Scofield na ito ay ang “pagpapakasal ng mga Cainites at mga Sethites.” Ngunit ang sulat ay mali. “Ang mga anak ng Dios” ay mga bumagsak na mga anghel na nakaroon ng sekswal na relasyon sa mga “anak na mga babae ng mga tao.” Sinabi ni Dr. Ryrie, “Ang pariralang ‘anak ng Dios’ ay ginamit sa Lumang Tipan [L.T] halos ekslusibo sa mga anghel…Sa natatanging okasyon na ito [sila nga’y] nakipagsama sa mga taong babae upang magbunga ng mga taong anak” (Isinalin mula sa Pag-aaral ng Bibliya ni Ryrie [Ryrie Study Bible], sulat sa Genesis 6:2). Isinipi si Judas 6 at 7 bilang mga pinagkuhanan, sinabi ni Dr. M. R. DeHaan, “Ang mga anghel na ito na bumagsak mula sa kanilang unang lupain ay minsan mga banal na mga anghel. Ang kanilang kasalanan ay pareho noong sa Sodom – hinahabol ang mga di pangkaraniwang laman, pagtatalik na di kasal, pagsasapi sa di natural na relasyon – pagdadala ng paghahatol ng Diyos” (Isinalin mula kay M. R. DeHaan, M. D., Ang mga Araw ni Noe [The Days of Noah], Zondervan Publishing House, 1963, p. 144).

Ito rin ang pananaw ng matatandang mga Hudyong mga rabay, at ako ay kumbinsido na ito ay talagang tama. Gayon man, ang mga eskolar ay nagtaka kung paano ang mga bumagsak na mga anghel (ngayan ay kilalang mga demonyo) ay magkaroon ng sekswal na relasyon sa mga kababaihan ng panahon ni Noe.

Ang aking matagal na panahong pastor sa Tsinong Bautistang simbahan ay si Dr. Timothy Lin. Siya ay isang Lumang Tipang eskolar na isa sa mga tagapagsalin ng Bagong Amerikanong Pamantayang Bersyon (BAPB) [NASV sa Ingles], at itinuro rin sa maraming mga konserbatibong seminaryo. Ipinahiwatig ni Dr. Lin ang sagot sa kung paano ang mga anghelikong nilalang ay nakakuha ng mga taong kababaihan bilang kanilang mga asawa. Sinabi niya na ang mga bumagsak na mga anghel ay sumapi sa mga tao, at mga sinpian ng mga demonyong mga kalalakihang ito ay nagkaroon ng karnal na relasyon sa mga kababaihan. Sinabi niya, “Ang mga malulupit na mga bumagsak na mga anghel ay gayon maaring nagbunga ng mga naimpluwensyahan ng demonyong mga anak [na] terible at masasama sa kanilang moral” (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., Genesis: Isang Biblikal na Teyolohiya [Genesis: A Biblical Theology], Biblical Studies Ministries International, 2002, mga pah. 96-97). Sinabi rin ni Dr. Lin,

      Habang si Satanas ay mas naging bukas sa kanyang pakikialam sa mga pinagkaka-abalahan ng mga tao, dinagdag niya ang pagsasamo sa sekswal na kalibugan upang mas higit pang pasamain ang tao na kanya nang pinasama noong mas maaga. Ang pagpapakasal sa panahong ito ay hindi lamang nagpasama sa banal na institusyon ng kasal sa isang pamamaraan ng pagpapalugod ng makasarili at malibog na mga hangarin kundi isang bagay na higit pang mas seryoso kaysa isang karaniwang kaisipan. Nagbungga ito ng pamumuhay na magkasama ng mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng mga tao, upang ang lahi ng tao ay maging mapasama sa mas mababang antas ng pagkatao. Kung ito’y naging matagumpay ang tao ay din a magiging binhi ng tao kundi ang binhi ni Satanas, sa gayong paraan ay maitatanggi ang naipangakong Tagapagligtas ang isang daan upang maging isang tao.
      Ang plano ni Satanas nagpasama sa buong populasyon ng lupa. Ang mga tao ay sumentro sa “nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong” (Mateo 24:38). Gayon rin, “ang lupa ay napuno ng karahasan,” (Gen. 6:11, 13). Ang pangunahing instrument na nagsanhi ng kalupitan, kasaman, kuropsyon, at karahan sa panahong ito ay ang pagsalakay at panggugulo ng “mga anak ng Diyos,” na…nagpasama sa mga tao sa panahong ito (isinalin mula kay ibid.).

Tignan ang Genesis 6:4,

“Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog” (Genesis 6:4).

Tinatawag ng KJV ang mga anak ng mga demonyong ito na mga sinapiang mga demonyong mga kalalakihan na mga “higante.”* Iyan ay isang kapus-kapalarang pagsasalin na nanggagaling mula sa maling pagsasalin ng Hebreong salitang “nephilim” ng mga matatandang mga rabay. Isinalin nila ang Hebreo at Griyego sa Septuagint bilang “higante”. Ngunit ang Hebreong salitang “nephilim” ay di nangangahulugang “higante.” Imbes ibig sabihin nito ay “ang mga bumagsak.” Sinabi ni Dr. Henry M. Morris na ang “natural at malamang na kahulugan ay ‘iyong mga bumagsak,’ ay malamang isang pagtutukoy sa…mga bumagsak na mga anghel…Ang mga anak ng mga pagsasama ng mga demonyong pinipigilang mga kalalakihan at kababaihan ng panahong ito ay iyong mga sinabing naging mga [nephilim o ‘mga bumagsak’]” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Tala ng Genesis [The Genesis Record, Baker Book House, 1986 edisiyon, p. 172; sulat sa Genesis 6:4). Kaya maari nating isalin ang Genesis 6:4 bilang, “Mga bumagsak sa lupa sa mga araw na iyon, at pagkatapos niyon, noong ang mga anak ng Diyos [ay nagpademonyo sa mga kalalakihan] ay pumasok sa mga anak na babae ng mga tao, at sila’y nagkaroon ng mga anak sa kanila…” Sa katapusan ng panahon bago ng Matinding Baha, ang buong lahi ng tao ay gawa ng mga nasapian ng demonyo at mga naimpluwensiyahan ng demonyong mga tao. Ang plano ni Satanas ay muntik ng umubra. Muntik na niyang nasira ang lahi ng tao, at halos napigil ang pagdating ni Kristo. Ang mga nademonyong mga taong ito ay inilarawan sa Genesis 6:5. Anong nagpahinto sa plano ni Satanas? Tignan ang Genesis 6:8,

“Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon” (Genesis 6:8).

Si Noe at ang kanyang pamilya ay naligtas mula sa posesyon ng demonyo sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Prineserba Niya sila noong ipinadala Niya ang Baha upang sumira sa “mga bumagsak.” Kung ika’y isa sa mga nahirang, napili ng Diyos, hindi mo kialangang matakot, dahil ang biyaya ng Diyos ay mas malakas kaysa kay Satanas at kanyang mga demonyo. Sinabi ni Luther, “At kahit na ang mundong ito, puno ng mga diablo, Ay mananakot na mawasak tayo, Hindi tayo matatakot, dahil kinagustuhan ng Diyos ang Kanyang katotohanan na magwagi sa pamamagitan natin.” Ngunit kung hindi ka ligtas, dapat kang matakot! At iyan ay nagdadala sa atin sa punto dalawa.

II. Pangalawa, nabubuhay tayo sa isang panahon ng matinding gawain ng demonyo ngayon.

Dinadala tayo nito pabalik sa propesiya ng Panginoong Hesu-Kristo, na nagsabi,

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).

Sinabi ni Dr. M. R. DeHaan,

Nakikita ba natin sa mga kalagayan ng ngayon ang kahit anong pagkakamukha sa mga araw ni Noe…? Tiyak na ang isa ay dapat espiritwal na bulag, at lubos na ignorant ng Salita ng Diyos, upang mabigong makita ang lahat nitong mga umuulit na mga araw ni Noe… (Isinalin mula kay M. R. DeHaan, Ang Mga Araw ni Noe [The Days of Noah], Zondervan Publishing House, 1971 edisiyon, pahina 149).

Ang mga demonyong puwersa ay namuno sa mga araw ni Noe – at halos sumira sa buong lahi ng tao.

Sa buong panahon ng aking buhay nakita ko ang kapangyarihan ni Satanas na lumago sa buong mundo. Noong mga taon 1960 may mga oras na parang ang mundo ay sumusuray patungo sa gilid ng pagkasira. Maraming mga kabataan ang nagbukas sa kanilang mga sarili sa posesyon ng demonyo sa pagdrodroga tulad ng LSD. Gumagamit sila ng droga ngayon na gumagawa sa LSD na mukhang isang walang panganib na madudulot na kendi. Nangangaral ako sa mga Hipi sa sakop ng San Francisco noong mga maagang taon ng 1970. Makapagsasabi ako sa iyo mula sa personal na karanasan na karamihan sa mga kabataang ito ay nasa ilalim ng mabigat na impluwensya ng demonyo, at nakakita ako ng isang bilang sa kanila na lubos na nasapian ng demonyo. Noong taon 1973 ginawang legal ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang aborsyon sa buong Amerika. Simula noon 55 milyong mga sanggol ang nalipol sa pamamagitan ng mga nasapian ng demonyong mga “doktor” ng aborsyon. Natuklasan rin namin, sa pagmiminister sa sa mga kabataan sa mas loobang lungsod ng San Francisco at Los Angeles, na halos bawat kababaihan na nagkaroon ng aborsyon ay naging nademonyo, at marami ay naging lubusang nasapian ng demonyo. Ngayon ang mga kababaihang ito, at mga gumagamit ng drogang mga kalalakihan, ay bumuo ng isang malaking bloke ng mga mamboboto na naglagay kay Barack Obama sa opisina ng dalawang beses. Si Gg. Obama ay maraming mga ideya na malinaw na demoniko. Ako personal ay naniwala na siya ay naging nademonyo habang nagpupunta (ng 21 na mga taon) sa isang simbahan na ipinastor ni Dr. Jeremiah Wright, ang taong tumitili sa telebisyon, “Sumaphin ng Diyos ang Amerika! Sumpahin ng Diyos ang Amerika! Sumpahin ng Diyos ang Amerika!” Hindi ko nakikita kung paano ang kahit sino ay makapupunta sa simbahan niya halos bawat Linggo ng 21 taon na hindi nadedemonyo! Hindi ito dapat nakagugulat sa atin na mas malubag ang loob ng Pangulo sa mga militanteng Muslim kaysa sa mga Kristiyano. Sila’y mukhang ipinagsasama ng parehong masasamang espiritu!

Kailangan ko bang banggitin ang pagtaas ng militanteng mga homosekswal at “bakla at tomboy” na pagpapakasal? Kailangan ko pa bang banggitin ang pornograpiya – ngayon ay tinitignan ng mas higit na 95% ng mga binatang mga batang lalake? Kailangan ko bang banggitin ang uri ng musika na naririnig sa mga rayv at rak na mga konsert, kung saan ang buong masa ay nahpinotismo ng kumpas at natutunaw sa isang tumitibok na masa ng taong laman? Kailangan ko bang banggitin ang di masabong baho at nakatatakot na pagpapatay na nakikita sa halos lahat ng Hollywood na mga pelikula ngayon? Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,

Maraming mga tao ay nasapian ng demonyo ngayon…Nakakikita tayo ng higit-higit na pagpapakita nito na demoniko. Maraming mga ebidensya nito sa lahat ng paligid natin (J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, kabuuan IV, 1983, p. 51; kumento sa Mateo 8:32).

Si Dr. McGee ay mataas na nirerespeto at malakawang kilalang guro ng Bibliya. Si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay tinawag na isa sa pinaka dakilang mangangaral ng ika dalawampu’t isang siglo. Ipinastor Niya ang Westminiser Chapel sa puso ng London, sa Inglatera ng higit sa dalawampu’t limang taon. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,

Ang demonikong gawain ay tumataas dahil sa bumababang espiritwalidad at kasamaan ng buong bansa (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Pagpapagaling at ang mga Kasulatan [Healing and the Scriptures, Oliver-Belson Books, 1988, pah. 159).

Hinuhulaan ng Bibliya ang isang buong listahan ng mga demonyong gawain sa huling mga araw. Sinabi ng Apostol Pablo,

“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti; Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Ni Timoteo 3:1-5).

“Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya” (II Ni Timoteo 3:13).

Ipinahiwatig ng Apostol Pablo na ang demonikong gawain na ito ay sasakop sa konserbatibong mga simbahan sa huling mga araw,

“At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Ni Timoteo 4:4).

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).

Nabubuhay tayo sa isang panahon ng umiikot na gawaing Sataniko. Si Hesus lamang ang makaliligtas sa atin!

Sa demonikong mga panahon kung saan tayo ay nabubuhay ngayon, ang lahat ng tao ay dapat magbigay ng maingat na atensyon sa pagbababala na ibinigay sa atin ng Apostol Pedro,

“Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8).

Nagtaka ka ba kailan man kung bakit ang ilan sa inyo ay nahahanap itong napaka hirap na magtiwala kay Hesus at maging ligtas? Naisip mo ba kailan man na maaring ito’y isang demonikong pagsalakay sa iyong isipan – ang huling tambakang pagpupunyaging panatilihin kang kanyang alipin? Ang Bibliya ay tumutukoy doon sa mga nasa gapos (o pagkabilanggo) sa Diablo “sa buong buhay nila” (Mga Hebreo 2:14, 15).

Iyan ang dahilan na dumating si Hesus – upang palayain ka mula sa pagkaalipin ng Diablo, upang palayain ka mula sa pagiging alipin ni Satanas! Si Hesus ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay upang palayain ka mula sa pagkaalipin sa Diablo! Magpunta at magmakaawa kay Hesus na palayain ka mula kay Satanas! Magpunta at magmakaawa kay Hesus na patawarin ang iyong kasalanan at bigyan ka ng bagong buhay! Sinabi ni Hesus na ipinadala Siya ng Diyos “ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha…upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi” (Lucas 4:18). O, magpunta, magpunta, magpunta – kay Hesus! “Wala kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, ang makagagawa ng mabuti sa walang pag-asang makasalanan!”

Huwag mo nang pag-isipan si Satanas! Pag-isipan lamang si Hesus! Itapon ang iyong sarili kay Hesus at palalayain ka Niya mula sa kasalanan at kamatayan! Ililigtas ka ni Hesus! “Magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya ngayon. Ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya ngayon”! O, tumalikod mula sa kasalanan at magtiwala sa Tagapagligtas ngayon!

Magpunta at makipag-usap sa amin tungkol sa pagliligtas sa iyo ni Hesus. Iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapag-uusap tayo. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang magtiwala kay Hesus ngayon. Amen.


* Ang mga matatandang mga rabay ay isinalin ang salitang “nephilim” na “higante” sa Septuagint. Kung gayon, ipinakilala nila ang huwad na ideya na ang nephilim ay mga higante. Ang salitang “nephilim” ay nagpapakita sa Mga Bilang 13:33 kung saan ito’y maling isinalin bilang mga “higante” sa KJV. Sa parehong mga lugar ang kapus-kapalarang pagsasaling ito ay nanggagaling mula sa maling pagsasalin sa Septuagint (higante). Ang paraan na nalalaman natin na sila malalaking mga tao sa Mga Bilang 13:33 ay na ginawa nila ang mga Hebreong madamang maliliit. Ngunit ang ibig sabihin lamang nito ay na sila’y malalaki, matiponong mga kalalakihan, hindi na sila’y mga higante. Ang salitang “nephilim” ay tumutukoy sa katunayan na sila’y nademonyo, gaya ng karamihang mga taong nabuhay sa lupa ng Canaan bago ang mga Hebreo ay dumating. Ang mga Hebreo ay laging ginugulo ng mga nademonyong mga taong ito dahil hindi nila sila pinalayas lahat mula sa lupain gaya ng pagka-utos ng Diyos sa kanila. Walang isang “higante” sa kahit ano sa mga paseheng ito, kahit na sa ilang mga kumentaryo, at kahit si Strong, ay nalito sa maling pagsasalin ng mga matatandang mga rabay.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Genesis 6:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tapos Si Hesus ay Dumating” Isinalin mula kay
“Then Jesus Came” (ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986).


MGA DEMONYO SA MUNDO NGAYON

(PANGARAL BILANG 79 SA AKLAT NG GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili” (Genesis 6:1-2).

(Mateo 24:3, 37; Judas 15; Genesis 5:22; 6:9)

I.   Una, ito ay isang panahon ng matinding demonikong gawain,
Genesis 6:1-5; Mateo 24:38; Genesis 6:11, 13, 4, 8.

II.  Pangalawa, nabubuhay tayo sa isang panahon ng matinding gawain
ng demonyo ngayon, Mateo 24:37; II Ni Timoteo 3:1-5, 13; 4:4;
I Ni Pedro 5:8; Mga Hebreo 2:14, 15; Lucas 4:18.