Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PANGANGARAL NG DI MALIRIP NA MGA
KAYAMANAN NI KRISTO

PREACHING THE UNSEARCHABLE RICHES OF CHRIST
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Umaga ika-4 ng Mayo taon 2014

“Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo” (Mga Taga Efeso 3:8).


Mas nagiging matanda ako mas iniibig ko ang Apostol Pablo. Siya ay isang napaka mapakumbabang tao, at binubuksan niya para sa atin ang mga kayamanan ni Kristo. Sa ating tektso sinasabi niya na siya ay “kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal.” Si Pablo ay laging kumuha ng isang napaka mapakumbabang pananaw ng Pagkaapostol niya. Sa I Mga Taga Corinto 15:9 sinasabi niya na ang siya ang pinaka mababa sa mga Apostol dahil “pinagusig ko ang iglesia ng Dios” bago ng kanyang pagbabagong loob. Iniulit niya ito sa I Ni Timoteo 1:12, 13.

Ngunit sinasabi sa atin ni Pablo na biyaya ay naibigay sa kanya upang ipangaral ang “di malirip na mga kayamanan ni Kristo.” Itinuro ni Kenneth Wuest na ang salitang “di malirip” ay isinalin mula sa Griyegong salitang nangangahulugang, “iyong di masundan.” Ang mga kayamanan ni Kristo ay gayon sinasabing di maarok, “tulad ng di lubos na maunawaan ng tao” (Isinalin mula sa Salitang Pag-aaral ni Wuest [Wuest’s Word Studies], Eerdmans, 1975, kabuuan I, pah. 84).

Sa loob ng maraming taon ako’y nasabihan ng mga mabuti ang intension na mga pastor na hindi ko dapat ipangaral ang Ebanghelyo lamang, o ang aking mga tao ay magiging mga mababaw na mga Kristiyano. Pinaniwalaan ko iyan ng mahabang panahon – sa katunayan hanggang sa ako’y nabigayan ng kumpletong mga sermon ni Spurgeon. Pagkatapos basahin si Spurgeon ng ilang panahon, nagsimula akong mamangha sa lalim ng kanyang pangangaral kay Kristo. Kaya naisip ko na susubukan kong ipangaral ang Ebanghelyo sa maraming iba’t-ibang paraan, mula sa maraming iba’t ibang mga angulo, gaya ng ginawa ni Spurgeon. Natatandaan kong naiisip, “hindi ko ito magagawa ng masyadong matagal. Mauubusan ako ng materyales, at ang ating mga tao ay maiinip.”

Napaka mali ko! Ipinangangaral ko na ang Ebanghelyo sa mga umaga ng Linggo at gabi ng Linggong mga paglilingkod ng maraming taon na ngayon. At pakiramdam ko na ginagasgasan ko lamang ang ibabaw! Ngayon hindi ko naiisip na ako kailan man ay mauubusan ng materyal na pampangaral, dahil ako na ngayon ay nangangaral ng di malirip, ang di maintindihan, ang “di mo kailan man maabot ang ibaba nitong” na mga kayamanan ni Kristo! Tulong! Napakahigit ang masasabi tungkol sa mga kayamanan ni Kristo na hindi ko kailan man matatapos ang lahat nito – hindi sa isang daang taon!

Ang lagi bang pagdirinig ng Ebanghelyo ni Kristo gagawin ang ating mga taong mababaw – gaya ng sinabi sa akin? GANAP NA HINDI! Mayroon kami ng ilan sa pinaka mainam na mga Kristiyano na mahahanap mo kailan man sa mundo! Hindi ito pagyayabang. Ito’y simpleng ang katotohanan! Mayroon kami ng ilan sa pinaka malalakas na mga Kristiyano sa mundo ngayon. At sila’y napagbagong loob sa pangangaral ng Ebanghelyo. Sila’y napakain ng pangangaral ng Ebanghelyo. At sila’y lumagong malakas sa pangangaral ng Ebanghelyo. Ako na ngayon ay nagsisimulang maintindihan ang ibig sabihin ni Pablo noong sinabi niyang,

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).

Tayo ay nailigtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo at Siyang naipako sa krus. Lumalago tayo sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya ni Kristong naipako sa krus. Tayo ay nagagawang banal kay Kristong naipako sa krus. Si Kristo ang “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan” (Apocalipsis 1:8). Si Kristo ay ang “gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya” (Mga Hebreo 12:2). Gaya ng ipinangaral ko kagabi, si Kristo “…na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan” (I Mga Taga Corinto 1:30). Dahil ang buong sakop ng ating kaligtasan, paggawang banal, at pagpapaluwalhati ay nakasalalay kay Kristo – wala talagang marami pang ibang kailangan nating mangaral patungkol! Kakakanta lamang ni Gg. Griffith ang isang lumang Alemang kantang isinalin sa Ingles,

Kapag duraduhin ng umaga ang mga langit
   Ang aking puso’g nagigising na sumisigaw:
Naway si Hesu-Kristo ay purihin!
   Magkapareho sa gawain at panalangin, kay Hesus ako’y naaayos:
Naway si Hesu-Kristo ay papurihin!

Kapag tulog ay kanyang ginhawa ay itinatanggi,
   Ang aking tahimik na espiritu ay nagbubugtong hininga.
Naway si Hesu-Kristo ay purihin!
   Kapag masasamang mga kaisipan ay manggugulo,
Gamit nito sinasanggaan ko ang aking dibdib,
   Naway si Hesu-Kristo ay purihin!

Pinupuno ba ng kalungkutan ang aking isipan?
   Isang ginhawa rito ang aking nahahanap.
Naway si Hesu-Kristo ay purihin!
   O napapawi ang aking makalupaing lubos na kaligayahan?
Ang aking ginahawa ay ito pa rin,
   Naway si Hesu-Kristo ay purihin!

Maging ito, habang ang buhay ay akin, ang aking [kanta ng ligayang] banal:
   Naway si Hesu-Kristo ay purihin!
Kantahin ang walang hanggang kantang ito sa lahat ng mahabang panahon:
   Naway si Hesu-Kristo ay purihin!
(“Naway si Hesu-Kristo ay purihin! Isinalin mula sa
   “May Jesus Christ Be Praised,” may-akda di kilala;
      isinalin mula sa Alemanni Edward Caswall, 1814-1878).

O, gaya ng kinanta ni Gg. Griffith kagabi,

Si Hesu-Kristo ay ginawa sa akin,
   Ang lahat na aking kailangan,
Ang lahat na aking kailangan.
   Siya lamang ang aking pakiusap,
Siya ang lahat na aking kailangan.
   Karunungan, katuwiran at kapangyarihan,
Kabanalan nitong pinaka oras,
   Ang aking kaligtasan ay puno at malaya,
Siya ang lahat na aking kailangan!
(“Ang Lahat na Aking Kailangan” Isinalin mula sa
      “All I Need,” di kilalang may-akda; copyright 1965
      ni Dr. John R. Rice sa “Muling Pagkabuhay na mga Espesyal Bilang 2”
      isinalin mula sa [“Revival Specials No. 2”).

Habang aking kinuha ang proyektong ito ng pagsusubok na ipangaral ang Ebanghelyo mula sa maraming angulo, ako’y natakot na ang aking mga pangaral ay magkakaroon ng kaunting pagsama sa Internet. Ngunit ako’y napalakasan ng loob ng napakarami sa ngayon na nagbabasa ng aking mga sermon. Halimbawa, noong huling buwan mayroong mga 100,989 ng mga “tama” sa aming websayt, at mayroong kaming maraming mga nagpapalakas ng loob na mga email. Isang misyonaryo sa Indonesiya ang nagpadala ng isang mensahe sa akin noong huling buwan, sa okasyon ng aking ika-pitompu’t tatlong kaarawan. Ako’y nag-alinlangang basahin ito sa iyo dahil ito’y maaring magmukhang ako’y nagyayabang. Ngunit ito’y napaka ganda na nadama kong ibahagi ito. Ingles ay hindi ang una niyang wika. Indonesiyan ang wika niya. Kaya alalm ko na gumugol siya ng maraming panahon upang isulat ang kalugod-lugod na pagpaparangal na ito.

     Ang iyong mga pangaral ay mayroong gumugunitang tema tulad ng isang simponya, tulad ng Ika-limang Simponya ni Beethoven. Ang tema ay nagaganap muli’t muli. Ang kahalagahan ng pangangaral sa Dugo at ang pagbabayad ni Kristo, at sa pagbabagong loob, ay nagpapakita muli’t mulit sa iyong mga pangaral. Nangangaral ka rin laban sa “desisyonismo” at apostasiya ngayon sa mga simbahan muli’t muli. Ang mga temang ito ay nauulit muli’t muli tulad ng Ika-limang Simponya ni Beethoven. Nagaganap ito muli’t muli.
     Ang iyong mga pangaral ay umamalingawngaw sa aming mga tainga at nagpapaalala sa amin muli’t muli na ang buhay at ang mga opurtunidad ay malapit ng lumipas. Kung gayon dapat tayong magpatuloy na ipangaral si Kristo habang ang opurtunidad ay narito pa rin. Ang ating mga buhay at mga opurtunidad ay tulad ng tuyong mga dahon na nahiwalay mula sa kanilang mga tangkay, malaya mula sa kanilang mga kadena, at lumilipad upang matamasa ang kalayaan, ngunit ang panahon ay malapit nang lumipas at ang kalayaan ay maglalaho, hanggang sa ating matanto na ang ating mga buhay ay hindi na nagbubunga at nawala na natin ang oportunidad upang kumayod para sa Diyos.
     Ang iyong mga pangaral ay umaalingawngaw sa aming mga tainga at nagpapaalala sa amin muli’t-muli na huwag lamang maging mga manonood at tagapakinig, kundi mga taga gawa ng Salita, mga taga gawa sa pangangaral ng Ebanghelyo ni Kristo. Ang ating mga buhay at mga oportunidad ay tulad ng isang magandang bahaghari na may mga kulay na gumagawa sa aming mga matang tumitig sa pagkabighani; ngunit itinatangay ng mga bagyo ang lahat ng kagandahan at pagkabuhay nito. Madalas natin makita ang nakamamanghang mga oportunidad upang ipangaral ang Ebanghelyo, ngunit tayo ay kampante at tumititig lamang sa kagandahan nito, hanggang sa ang pagkamalay ay dumarating sa atin. Ngunit ang magandang okasyon ay dumaan at walang natira kundi kawalan ng laman. Ang ating panahon ay naibigay sa atin upang makaabot ng mga nawawawalang mga kaluluwa ngayon. Kahit na mayroong maraming mga balakid, marami pa rin ang bukas. Mula doon sa mga tumatanggi ng ating pangangaral, tiyak na mayroon laging ilang na tatanggap kay Kristo.
     Ang iyong mga pangaral ay umaalingawngaw sa aming mga tainga at nagpapaalala sa amin muli’t muli upang matanto na ang aming lakas upang gumawa ay napahina. Ang aming mga buhay at mga opurtunidad at tulad ng mga alon na dumadagundong, upang subukin kami, ngunit ang aming lakas ay di katagalan mawawala at magiging isang mahinang kaluskos ng isang maliit na alon kapag kanilang mataman ang tabing dagat – tulad ng aming determinasyon upang gumawa, na hindi matibay sa lahat na oras. Minsan kami ay napaka natutuwa, ngunit madalas ay pakiramdam na walang pag-asa at iniiwanan ang trabaho. Habang ang Espiritu ay umaapoy sa atming mga kaluluwa, hayaan ang apoy ay magpatuloy na magpaapoy sa aming pangangaral at aming paglilingkod. Ang iyong mga pangaral ay umaalingawngaw sa aming mga tainga upang pumukaw sa amin, gaya ng sinabi ng Apostol, “Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon” (Mga Taga Roma 12:11).
     Ang iyong mga pangaral ay laging nagpapaalala sa amin na ang Salita ng Diyos ay nagsabi, “Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo: kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya. Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam; at ang dako niyaon ay hindi na malalaman” (Mga Awit 103:15-16).
     Salamat sa iyong mga pangaral. Salamat sa iyo sa pasyon na lagi mong inilalagay, nagsasabi sa amin na magpatuloy na mangaral ng Ebanghelyo. Salamat sa lahat na ginagawa mo para sa aming Panginoon at Tagapagligtas, si Hesu-Kristo.
     Maligayang bati Pastor. Pagpalain ka ng Diyos at ang iyong pamilya at iyong mga tao.
     Ang iyong Anak sa Pangangasiwa,
     Edi.

Ang mula sa pusong mensaheng iyan ay ipinadala sa akin ng isang mapagpananampalatayang misyonaryo sa Indonesiya. Napalambot nito ang aking puso, at gusto kong ibahagi ito sa inyo. Oo, dapat tayong magpatuloy na mangaral ng mga mensahe ng Ebanghelyo. At dapat tayong magtrabaho na may kasigasigan upang iproklama ang “di mapiril na mga kamayanan ni Kristo.”

Naniniwala ako na ang bawat Kristiyano ay kailangang marinig ang Ebanghelyo ng madalas. Ang “di malirip na mga kamayamanan ni Kristo” ay hindi lamang ibinibigay sa mga di nananampalataya. Sa katunayan, ang sulat sa mga taga Efeso ay isinulat “sa mga banal na nangasa Efeso, at sa mga tapat kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 1:1). Ang Apostol Pablo ay nagbibigay ng maraming mga punto ng Ebanghelyo sa kanyang dakilang sulat. Ito ay isa sa mga paborito kong mga aklta sa Bibliya dahil napaluluwalhati nito si Hesus ng napaka husay, at nagproproklama ng Ebanghelyo na napaka linaw. At ang Apostol ay nagpalakas ng loob ng mga Kristiyanong ito sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanila kung anong ginawa ni Hesus upang iligtas sila. Narito ay dalawa sa aking paboritong mga berso.

“Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan: Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo” (Mga Taga Efeso 2:12-13).

Kailangan ng bawat Kristiyano na marinig ang Ebanghelyong paulit-ulit. Kailangan tayong mapaalalahanan na wala tayo noong pag-asa, at noon ay wala tayo ang Diyos sa mundo. Kailangan nating mapaalalahanan na tayo “ay nagawang malapit sa dugo ni Kristo.”

Aking binabasa ang isang nakamamanghang pangaral ni Rev. Warrren Peel, pastor ng Trinidad Presbyteriyanong Simbahan sa Newtownabbey, Hilaga ng Ireland. Sa isang pangaral na inilimbag sa Magasin ng Banner of Truth itinuro ni Rev. Peel na ang lahat ng mga Kristiyano, pati mga pastor, ay kailangang marinig ang Ebanghelyo ng madalas. Sinabi niya na, “Dapat nating marinig ang ebanghelyo at paniwalaan ito sa bawat araw ng ating buhay” (Isinalin mula sa Magasin ng Banner of Truth, Agosto/Setyembre 2013, pah. 4). Waw! Sinabi niya iyan sa mga mangangaral sa isang panayam ng Bibliya! “Dapat nating marinig ang ebanghelyo at paniwalaan ito bawat araw ng ating buhay.” Iyan ay mainam na bagay, mangangaral! Salamat sa pagsasabi nito! Noong binasa ko ang pangaral niyang iyan, isinulat ko ang walong dahilan kung bakit ang mga naipanganak muling mga Kristiyano ay kailangang marinig ang Ebanghelyo ng madalas, at pag-isipan ito araw araw! Narito ang mga ito. Hindi sila ibinigay sa kahit anong partikular na ayos. Ang mga ito ay naisulat lamang habang naisip ko ang mga ito. Marahil makapag-isip ka pa ng iba. Narito ang aking listahan ng mga dahilan bakit kailangan ng mga Kristiyanong marinig ang Ebanghelyong pangangaral.


1. Pinalalaya tayo ng Ebanghelyo mula sa pagkakaramdam ng pagkakasala. (Ibinigay ito ni Pastor Peel sa kanyang mensahe).

2. Binibigyan tayo ng pag-asa ng Ebanghelyo para sa hinaharap – dahil si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay at babalik muli!

3. Binibigyan tayo ng Ebanghelyo ng pahinga. (Sinabi ni Hesus, “Kayo'y aking papagpapahingahin,” Mateo 11:28).

4. Binibigyan tayo ng Ebanghelyo ng kapangyarihan laban kay Satanas. (“Siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero,” Apocalipsis 12:11).

5. Binibigyan tayo ng Ebanghelyo ng kasiguraduhan sa panalangin. (“Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus” Mga Hebreo 10:19).

6. Binibigyan tayo ng Ebanghelyo ng lakas sa mga panahon ng padurusa. (“At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo” I Ni Pedro 5:10).

7. Binibigyan tayo ng Ebanghelyo ng lakas upang magawa ang mga bagay na di natin kailan man naisip na posible. (“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” Mga Taga Filipo 4:13).

8. Binibigyan tayo ng Ebanghelyo ng lakas ng loob na tayo ay lalago sa biyaya. (“Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo,” Mga Taga Filipo 1:6).


Ilang linggo noon nangaral ako ng isang pangaral na tinawag na “Ang Aking Maagang Buhay.” Sinabi ko ang ilang mga paghihirap na pinagdaanan ko bilang isang binata. Binaluktot ng Diablo ang mensahe sa isipan ng isang kabataan. Sinabi sa akin ng binata maya-maya na siya ay natatakot na magtiwala kay Hesus sa takot na dadaan rin siya sa parehong paghihirap. Tignan kung paano binabaluktot ng Diablo ang mga bagay! Ang punto ng aking pangaral ay na binigyan ako ng Paningoong Hesu-Kristo ng lakas upang pagdaanan ang lahat ng mga bagay na iyon. At bibigyan ka ni Kristo ng lakas upang maharap ang mga pagsubok ng buhay rin! Pagsisihan ang iyong kasalanan, at magtiwala kay Hesus! Huhugasan Niya ang iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo at bibigyan ka ng isang bago at mas maiging buhay na ika’y kailan man magkakaroon na wala Siya! Narito ay isang kanta na aking natutunan na isang batang lalake,

Ako’y disidido na magpunta sa Tagapagligtas,
   Iniiwan ang aking kasalanan at gulo;
Siya ang totoong Isa, Siya ang makatuwriang Isa,
   Mayroon siya ng mga salita ng buhay.
Ako’y magmamadali sa Kanya, Magmamadali sa
   Kanyang natutuwa at malaya,
Hesus, Pinakadakila, Pinaka Mataas, Ako’y magpupunta sa Iyo.
(“Ako’y Disididi.” Isinalin mula sa “I Am Resolved” ni
      Palmer Hartsough, 1844-1932).

Tumalikod mula sa iyong kasalanan at magtiwala kay Hesus ngayon! Hindi mo ito kailan man pagsisisihan! At tapos pag-isipan ang Ebanghelyo araw-araw para sa natitira ng iyong buhay. Si Hesus ay namatay sa Krus upang bayaran ang multo ng iyong kasalanan. Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Si Hesus ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng buhay! Lumingin mula sa kasalanan at magtiwala sa Kanya! Hindi mo ito kailan man pagsisisihan!

Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, at pagiging isang tunay na Kristiyano, iwanan ang iyong upuan ngayon at lumakad sa likuran ng awditoriyum na ito. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan tayo ay makapananalangin at makapag-uusap. Dr. Chan, manalangin ka na mayroong isang magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Efeso 3:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Naway si Hesu-Kristo ay Purihin.” Isinalin mula sa
“May Jesus Christ Be Praised” (di kilalang may-
akda; isinalin mula kay Edward Caswall, 1814-1878).