Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG LAHAT NA KAILANGAN KO AY SI HESUS ALL I NEED IS JESUS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:30, 31). |
Ang ating teksto ay nanggaling mula sa unang kapitulo ng I Mga Taga Corinto, ang pasahe na binasa ni Gg. Prudhomme ilang minuto kanina. Sinabi ng Apostol sa kanila na hindi maraming makamundong madudunong na mga kalalakihan, o maraming mga makapangyarihan (impluwensiyal) na mga kalalakihan, o maraming mga kagalang-galang (dakilang) mga kalalakihan ay naligtas. Hindi nila naisip na kailangan nila ng Diyos. Sila ay abala lamang sa mga bagay ng mundong ito. Hindi maluwag sa kanilang kaloobang magdusa sa pagkawala ng kahit ano, hindi maluwag sa kanilang kaloobang itanggi ang kanilang sarili at buhatin ang kanilang krus at sundan si Kristo.
Ipinaalala ng Apostol sa mga Taga Corinto na wala silang maraming mayayamang o mga tanyag na mga tao sa kanilang simbahan. Ngunit ang kanilang simbahan nabuo ng mga tao na napili ng Diyos, iyong mga matatawag ng di nananampalatayang mundong hangal, at mahina, at kinamuhian, hindi karapat-dapat na mapansin. Pinili ng Diyos ang mga taong tulad nila upang “dalhin saw ala” ang dakila at makamundong madudunong. At iyan sakto ang nangyari. Trinato ng mundo ang mga Kristiyanong ito bilang ganap na walang halaga. Ngunit mali sila. Iyong mga walang halagang maliliit na mga Krisityano ay magkakalat sa buong Imperyong Romano, at mayamaya sa buong mundo. Pinili ng Diyos ang mga mababang loob na mga Kristiyano upang dalhin saw ala ang dakila at paganong Impyerong Romano. Para sa akin mukhang ginagawa ulit iyan ng Diyos muli ngayon sa Komunistang Tsina. Gaya ng paglagay nito sa isa ating mga himno, “Ang pananampalataya ay ang tagumpay, na sumusupil sa mundo.” Kapag ang Amerikang nalalalman natin ay wala na, mayroon pa ring mga Kristiyano rito.
Ang pananampalataya ay ang tagumpay,
Ang pananampalataya ay ang tagumpay!
O, maluwalhating tagumpay na sumusupil sa mundo.
(“Ang Pananampalataya ay Tagumpay.” Isinalin mula sa
“Faith is the Victory” ni John H. Yates, 1837-1900).
Pinili ng Diyos ang mahihina at mapagkumbabang mga taong tulad natin upang walang tao ang makapagyayabang, “Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios” (I Mga Taga Corinto 1:29). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee na maraming mga ebanghelikal ang “nagbibigay ng diin sa tanyag na mga tao na [gumawa ng propesyon ng pananampalataya] – ang mga tagapaglibang, ang mga pinuno ng industriya, ang mga tanyag sa gobyerno. Ngunit ang Diyos ay namamahunangin sa karaniwang tao. Tinatawag Niya ang mga simple mga tao tulad ko at ikaw” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya[Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, pah. 12).
Napansin mo ba kailan man na hindi tayo nagdidiin sa pag-eebanghelismo ng mayaman at ng mga tanyag? Nagtaka ka bang minsan kung bakit? Sinasabi ng bahaging ito ng Bibliya kung bakit,
“Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag: Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas; At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga: Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios” (I Mga Taga Corinto 1:26-29).
Kita mo, natutunan namin sa pamamagitan ng maraming taon ng karanasan na hindi tayo yayaman at magiging tanyag upang magpunta sa simbahan at pakinggan ang Ebanghelyo, at upang maligtas. Ang ating simbahan ay lumalago dahil nag-eebanghelismo tayo ng mga kabataan sa mga kolehiyo o mga mataas na paaralan. Iniisip ng mundo na ang mga kabatan ay hangal at mahina. Ngunit tinatawag ng Diyos ang ilan sa inyo, kung saan nilalampasan Niya ang mga mayayaman at mga tanyag! Alam Niya na napakakaunti sa kanila ay makikinig at magiging mga disipolo ni Kristo! Masyado silang kontensto sa kanilang sarili, at masyadong materiyalistiko upang maging mga tunay na mga Kristiyano. Kaya nilalampasan lang ng Diyos sila. Hindi Niya sila tinatawag na may isang epektwal na pagtawag. Halos tinatawag Niyang ekslusibo ang mga kabataan. At ang ilan sa inyo ay nadadala kay Kristo at naliligtas sa pamamagitan Niya. Ipinapaliwanag ng ating teksto anong pribilehiyo itong matawag na Diyos, at maligtas sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesus!
“Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:30, 31).
Makakukuha tayo ng tatlong mga aral mula sa tekstong ito.
I. Una, ang pribilehiyo ng pagkakadala kay Kristo Hesus.
Sinasabi ng teksto, “Datapuwa’t sa kaniya kayo’y nangasa kay Cristo Jesus…” (I Mga Taga Corinto 1:30). “Sa kaniya” – iyan ay, “sa Diyos.” Maari itong maisalin, “Datapuwa’t sa Kanyang gawain ikaw ay na kay Kristo-Hesus.” Malinaw na ipinapakita nito na ang Diyos ay ang Isang nagdadala sa isang nawawalang kaluluwa sa pagtatagpo kay Kristo. Sabin g Diyos sa pamamagitan ng propetang Hosea, “Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig” (Hosea 11:4). At sabi ni Hesus, “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44). Ang makabagong “desisiyonismo” ay nagtuturo na ang mga tao ay makapupunta kay Kristo sa kahit anong oras na gusto nila! Ngunit itinuturo ng Bibliya na ang Diyos lamang ang makadadala ng mga nawawalang mga tao sa pagtatagpo kay Kristo. Datapuwa’t sa kaniya kayo’y nangasa kay Cristo Jesus.” “Datapuwa’t sa gawain Niya ikaw ay na kay Kristo Hesus.” Ipinaliwanag ito ni Spurgeon sa pagsasabing, “Sa pamamagitan ng Diyos tayo ay na kay Kristo Hesus.”
Ipinapakita nito kung gaano ka lubos na hanggal ito upang isipin na maari mong matutunan kung paano magpunta kay Kristo. Dapat kang dalhin ng Diyos kay Kristo. Ang Diyos lamang “tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:6). Ikabubuti mong pag-isipan ang dakilang katotohanan na ito kung ika’y ligtas na. Hindi mo ipinagbagong loob ang iyong sarili. Ang Diyos ang nagpagbagong loob sa iyo. Hindi mo ito natuklasan kung paano magpunta kay Kristo at maging “nangasa Kanya.” Hindi! Hindi! “Sa Kaniya kayo’y nangasa kay Cristo.” Sa pamamagitan ng nagdadalang kapangyarihan ng Diyos ikaw ay nagiging isang miyembro ng katawan ni Kristo, at napag-uugnay kay Hesus. Ito’y makabubuti sa iyong tandaan kung paano maging nawawala. Ito’y makabubuti sa iyong tandaan kung paano ka nakipaglaban at gayon ay hindi makapunta kay Hesus. Makabubuti sa bawat mabuting Kristiyanong matandaan kung paano ka nabigo, at nabigo, at nabigong muli, hanggang sa wakas, sa pamamagitan ng Diyos, ika’y nadala kay Kristo Hesus! Iyan ang dahilan kung bakit mga tunay na mga Kristiyano ay kumakanta na may labis na pagtataka,
Nakamamanghang biyaya! napaka tamis ng tunog,
Na nagligtas ng isang sirang tulad ko!
Ako minsan ay nawawala, ngunit ngayon ay nahanap,
Noon ay bulag, ngunit ngayon nakikita ko na.
(“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa
“Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).
O! ito’y isang nakamamanghang bagay na ang Diyos, sa Kanyang biyaya, ay nagdala sa iyo sa pag-uugnay kay Kristo-Hesus!
Ngunit dapat kong tanungin ang ilan sa inyo, “Ikaw ba ay na kay Kristo-Hesus?” Masasabi ba ng Apostol sa iyo, “Sa Diyos kayo’y nangasa kayKristo Hesus?”
Si Hesu-Kristo ay handang tanggapin ka kung tunay mong hahangaring magpunta sa Kanya. Ngunit hindi mo masasabi kung gaano katagal na nakabukas ang pinto. Ang patriyarkang si Noe ay nagpunta sa daong at naligtas. Ang daong ay isang tipo ng Kristo. Hindi mo ba kailan pinagtakahan kung bakit wala kundi ang pamilya ni Noe ang pumasok sa daong? Habang aking isinusulat ang pangaral na ito sinubukan kong mag-isip ng maraming iba’t-ibang dahilan. Siguro ay maka-iisip ka ng iba pa, ngunit maka-iisip lamang ako ng tatlong iba’t ibang dahilan.
1. Una, hindi nila naisip na ang paghahatol ay bababa sa kanila – hindi sila nakumbinsi ng kanilang kasalanan.
2. Pangalawa, hindi nila pinaniwalaan ang ipinangaral ni Noe. Siya ay isang “mangangaral ng katuwiran” (II Ni Pedro 2:5). Ngunit hindi nila pinaniwalaan ang kanyang pangangaral.
3. Pangatlo, sila’y masyadong mapagmalaki upang ipakumbaba ang kanilang mga sarili at sumalalay sa daong upang iligtas sila.
Sa tinggin ko isa o higit sa tatlong mga bagay na iyon ang pumipigil sa ilan sa inyo mula sa pagpupunta kay Kristo. Uulitin ko ang tatlong mga salitang iyon. Isipin kung aling isa (o higit pa) sa mga ito ang pumipigil sa iyo mula sa pagpupunta kay Hesus.
1. Una, hindi mo naiisip na ang paghahatol ay babagsak sa iyo – ikaw ay di nakumbinsi ng iyong kasalanan.
2. Pangalawa, hindi ka naniniwala sa kung anong ipinangaral.
3. Pangatlo, ika’y masyadong mapagmalaki upang ipakumbaba ang iyong sarili at sumalalay kay Kristo upang iligtas ka.
Iyan ba ang kondisyon mo ngayong gabi? Kailangan naming sabihin kasama ng dakilang ebanghelistang si George Whitefield (1714-1770), “Hindi kailan man tatanggapin ng mga tao si [Kristo], at hindi namin sila mabigyan ng kahit anong kaginhawaan, hanggang sa sila’y magawang nasusuka na sa kasalanan, at magawang magaan sa loob na akapin si Hesus” (Isinalin mula kay George Whitefield, “Ang Tungkulin ng isang Ministor ng Ebanghelyo” [“The Duty of a Gospel Minister”]).
Ito ba’y mukhang sumasalungat sa iyo? Hindi ka makapupunta kay Hesus sa sarili mo – at gayon man dapat kang magpunta sa Kanya o ika’y masasawi. Tinawag ito ng lumang panahong mangangaral na “ang pang-ipit ng Ebanghelyo.” Isang gilid ng pang-ipit ay nagsasabi sa iyong dapat kang magpunta kay Hesus. Ang kabilang gilid ng pang-ipit ay nagsasabi sa iyong hindi ka makapupunta kay Hesus sa iyong sarili. Gayon anong magagawa mo? Maiiwanan mo ang simbahang ito at magpunta sa sarili mong paraan, nagsasabing masyado itong mahirap. O maari mong gawin ang di kailan man ginawa ng mga tao sa araw ni Noe,
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayanMangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo” (Santiago 4:9-10).
Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,
Tayo ay naging masyadong mapag-alala upang madaliin ang mga tao sa isang uri ng “desisyon.” Ito’y kapag ika’y nakapagdusa ng isang higit na sakit na iyong higit na napahahalagahan ang ginhawa. Ito’y ang taong napagaling sa pinaka pinto ng kamatayan na higit na mapagpasalamat para sa kanyang pagkagaling. Ito’y ang makasalanan na mayroong sulyap ng impiyerno na higit na nagpapahalaga sa mga luwalhati ng langit (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Ang Kasiguraduhan ng Ating Kaligtasan [The Assurance of Our Salvation], Crossway Books, 2000, pah. 305).
Si Kristo lamang ang makaliligtas sa iyo. Nadinig mo akong sabihin iyan ng maraming beses. Ngunit hindi mo ito mapaniniwalaan hanggang sa ito’y iyong maramdaman mismo. Alam ng Diyos na
Ang isang taong nakumbinsi laban
sa kanyang sariling kagustuhan
Ay sa parehong opinion pa rin.
Kaya upang makumbinsi ka, dapat kang dalhin ng Diyos sa punto ng kawalan ng pag-asa. Dapat kang magawang maramdaman ang isang desperadong pangangailangan para kay Kristo. Dapat kang magawang maramdaman na wala kang pag-asa sa iyong sarili. Dapat kang madalang maisip, “Hindi ko matiis na maging ganito! Kailangan kong mapatawad ni Hesus ng aking mga kasalanan!” Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Walang isa kailan man ang nagpupunta kay Kristo hanggang sa maabot ang punto ng desperasyon” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Mga Paraan ng Diyos Hindi Sa Atin [God’s Way Not Ours], The Banner of Truth Trust, 2003, pah. 71). Dapat kang gisingin ng Diyos sa iyong pangangailangan, at dapat kang dalhin ng Diyos kay Hesus para sa ginhawa. Hindi mo magagawa ang mga bagay na ito na mag-isa. Maraming mga tao ay di kailan man nararanasan ang mga bagay na ito. Hindi sila kailan man nagawang nagkamalay ng kanilang desperadong kondisyon, at hindi kailan man nadala kay Hesus. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi kong ito’y isang pribilehiyo na madala kay Kristo, na maging “nangasa kay Kristo Hesus.” Sinasabi ng Bibliya, “Marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14).
II. Pangalawa, ang mga probisyon ay nagawang maaring makuha doon sa mga nangsa kay Kristo Hesus.
Ako’y marahil gumugol ng masyadong maraming oras sa pribilehiyo ng pagiging madala kay Kristo. Ngunit iyan ay lubos na mahalaga. Hindi ka makatatanggap ng mga probisyon ni Kristo hangga’t ika’y madala kay Kristo. Ang mga probisyong ito ay naibibigay lamang doon sa mga kaanib ni Kristo, iyong mga “nangasa kay Kristo Hesus.” Sinasabi ng teksto,
“Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan” (I Mga Taga Corinto1:30).
Karunungan, katuwiran, pagpapakabanal, at kaligtasan – ang mga ito ay apat sa mga bagay na ipinapangako ng tekstong ito doon sa mga “nagasa kay Kristo Hesus.” Una, tayo ay napangakuan ng “karunungan.” Pagkatapos kong naligtas natandaan kong naiisip na walang ibang makapagsuporta sa akin o makatulong sa akin. Ang aking mga magulang ay nagdiborsyo, wala akong pagkukuhanan ng pera. Natandaan kong naiisip na hindi ako dapat gumawa ng ng kahit anong pagkakamali. Kahit isang pagkakamali ay makapaghihinto sa akin mula sa pagiging isang misyonaryo. Kaya tiyak na hiningi ko sa Diyos na bigyan ako ng karunungan. At binigyan Niya nga ako ng karunungan! Ako’y laging takot na ang aking paa ay madudulas kung si Kristo Mismo ang hindi humawak sa akin. At ako nga’y Kanyang hinawakan! At binigyan ng karunungan! Isang mas matandang babae na kilala ako noong ako’y nasa kolehiyo ay nagsabi sa akin hindi katagalan noon, “Ikaw noon ay napaka seryosong tao.” Si Hesus ang gumawa sa aking seryoso. Si Hesus ang nagbigay sa akin ng karunungan. Sinasabi ng Bibliya, “Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo” (Mga Kawikain 1:7).
Pangalawa, tayo ay ipinangakuan ng “katuwiran.” Si Kristo Mismo ay “sa atin ay ginawang karunungang.” Tayo ay dinamitan ng katuwiran ng isa pa – kahit si Hesus Mismo! Gaya ng paglagay nito ng lumang himno, “Nadamitan ng Kanyang katuwiran laman, Walang pagkakasala upang tumayo sa harap ng trono” (Isinalin mula sa “Ang Matatag na Bato”). Maraming pagkakataon ang Diablo ay nagpunta sa akin at nagsabi, “Paano ka makapangangaral nito o niyon? Paano mo matitiis na kunin ang katayuang ito o iyon?” O, napaka tamis noong mga salitang iyon sa Mga Taga Efeso, kapitulo isa, doon sa mga panahong iyon! Sinasabi nito, “na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal: Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Mga Taga Efeso 1:6, 7). Ang “minamahal” ay si Hesus. Ako’y napagkaloob kay Hesus. Ang aking katuwiran ay mula sa Kanya! “Nadamitan ng Kanyang katuwiran laman, Walang pagkakasala upang tumayo sa harap ng trono.” Noong sinabi sa akin ng Diablo na ako’y di maiging sapat upang mangaral, na isang kabataan, masasabi ko ang mga salitang iyon, “ipinagkaloob [ako] na masagana sa Minamahal” (Mga Taga Efeso 1:6). Anong pagpapala! Anong pampalugod kapag ang Diablo ay nagpopoot ng labis. Ganito nadaig ng mga santo sa panahon ng Tribulasyon si Satanas! “At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan” (Apocalipsis 12:11). Sinabi ng dakilang misyonaryong si Kontes Nicolaus Zinzerdorf,
Matapang akong tatayo sa dakilang araw,
Dahil sino kahit sino sa aking pinsala ang hihiga?
Habang sa pamamagitan ng iyong dugo ako’y napatawad
Mula sa matinding sumpa at kahihiyan ng kasalanan.
(“Hesus, Ang Iyong Dugo at Katuwiran.” Isinalin mula kay
“Jesus, Thy Blood and Righteousness” ni Count Nicolaus Zinzendorf,
1700-1760; isinalin ni John Wesley, 1703-1791).
Tapos, rin, ginawa tayo ni Kristo Hesus ay ginawa sa atin pagkabanal. Ipinakababanal tayo ng Banal na Espiritu dahil tayo ay ipinag-ugnay kay Kristo. Kung ang kahit sino ay na kay Kristo siya ay hindi isang lumang nilalang na may kaunting kosmetikong pagbabago. Hindi! Hindi! “Ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (II Mga Taga Corinto 5:17). Ang lumang kalikasan ay hindi ipinapadala sa ospital upang mapagaling. Ito’y ipinapadala sa krus upang maipako. Ito’y hindi binabago at pinahuhusay, kundi naipapahamak upang mamatay at mailibing. Di pangkaraniwan, naiisip ng mga taong sila’y makapupunta kay Kristo para sa pagpapatawad at pagpapakabanal; at nagpupunta kayMoses kapag gusto nilang maging banal! Hindi ito uubra! Ika’y nagiging mas banal sa parehong paraan na ika’y naliligtas – ika’y nagiging mas banal sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Kristo para rito. Si Kristo sa Krus ay ang pinanggagalingan ng kaligtasan. Ngayon si Kristo sa Krus ay ang pinanggalingan ng iyong paglago sa biyaya! Nililigtas tayo ni Hesus mula sa ating kasalanan, at ginawa ng Diyos sa atin “pagpapakabanal.” Tandaan ang dakilang mga salitang ito,
Kapag sa malalim na mga tubig tinatawag kitang magpunta,
Ang mga ilog ng pagdurusa ay hindi aapaw;
Dahil ako’y makasasama mo ang iyong mga pagsubok babasbasan,
At gagawing banal sa iyo ang iyong pinaka malalim na pagkabalisa.
(“Napaka Tibay na isang Pundasyon.” Isinalin mula sa
“How Firm a Foundation” ni George Keith, 1638-1716).
Ngayon, ang huling bagay na ibinibigay sa atin ni Kristo ay “kaligtasan.” Ngunit mayroong nagsasabi, “Hindi ba iyan ang unang probisyon na ibinibigay sa atin?” Oo, ngunit ito rin ay ang huli. Kung ika’y isang Kristiyano, ika’y halos malaya mula sa kasalanan, ngunit hindi pa lubusang nailigatas sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan. Kahit kapag namatay ka hindi mo matatanggap ang punong kaligtasan. Ika’y “[naghihintay] ng pagkukupkop, na dili iba't, ang pagtubos sa ating katawan” (Mga Taga Roma 8:23). Ang ating kaligtasan kay Kristo ay hindi lubos na matatanto kapag si Hesus ay darating para sa atin sa mga ulap!
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).
Kahit ang aking pagod na katawan ay gagawing tulad ng bumangong Tagapagligtas Mismo. Tayo ay babangon mula sa pagkamatay sa walang hanggang kaligtasan – at mabubuhay sa walang hanggang ligaya magpakailan man, dahil tayo ay na kay Kristo Hesus, ang simula at katapusan ng ating kaligtasan. Ngunit dapat akong magmadali sa huling punto.
III. Pangatlo ang papuri ay dapat nating ibigay kay Kristo Hesus para sa pagliligtas sa atin at pagbibigay sa atin na lahat ng mga bagay.
Matatalakay ko lamang ang puntong ito ng kaunti.
“Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:30, 31).
Kita ninyo, mga kapatid ko, ang ating pinaka buhay bilang mga Kristiyano ay nakasalalay ng lubusan kay Kristo Hesus. Iyong mga tunay na kilala si Kristo ay gustong maluwalhati sa Kanya – ay gustong ipagmalaki si Kristo at anong ginawa Niya para sa kanila.
Kinasusuklaman kong madinig ang mga tinatawag na “testimonyo” kung saan ang mga tao ay nagsasalita ng patuloy-tuloy tungkol sa kanilang sarili, kung anong mga makasalanan sila noon, nagpapatuloy sa madugong detalye ng pagsasabi tungkol sa kanilang karumihan, ang kanilang rebelyon, at kanilang pagkabaluktot. Ito’y madalas kanilang tinatapos sa pagsasabing – “at tapos nagtiwala ako kay Kristo.” Itinutustos nila si Hesus na isang nahuling isip. Ipinaluwalhati nila ang kanilang mga sarili ng limang minuto, nagmamalaki tungkol sa kanilang sariling buhay – ngunit mayroon lamang silang isang segundo o dalawa upang magbigay luwalhati kay Kristo! Ang mga testimonyong iyon ay nagpapasuka sa akin! At sa tinggin ko ay nagpapasuka sa Diyos!
“Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1: 31).
Dapat ay marami kang masabi kapag nagbibigay ka ng testimony ng iyong maluwalhating Tagapagligtas! Dapat kang makapagsalita ng karunungan, katuwiran, pagpapkabanal at kaligtasan na mayroon ka kay Kristo Hesus! Dapat kang makapagsalita ng patuloy-tuloy tungkol sa luwalhati ng iyong Tagapagligtas at Panginoon.
Ngayon ilang salita sa inyong di ligtas. Magpupunta ka ba kay Hesus at tanggapin ang mga biyayang ito? Ililigtas ka ni Hesus sa sandaling magtiwala ka sa Kanya. Ang Kanyang Dugo ay maglilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Magpupunta ka ba sa Kanya? O magpapatuloy ka sa pagtatanggi sa Kanya at magpapatuloy sa espiritwal na kahirapan hanggang sa ika’y magulat sa biglang pagbagsak sa bukas na butas ng Impiyerno? Anong sagot mo?
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ng Pastor: Mga Taga Corinto 1:26-31.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Lahat na Aking Kailangan.”
Isinalin mula sa “All I Need” (di kilalang may-akda).
ANG LAHAT NA KAILANGAN KO AY SI HESUS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:30, 31). (I Mga Taga Corinto 1:26-29)
I. Una, ang pribilehiyo ng pagkakadala kay Kristo Hesus, Hosea 11:4;
II. Pangalawa, ang mga probisyon ay nagawang maaring
III. Pangatlo ang papuri ay dapat nating ibigay kay Kristo Hesus para sa pagliligtas sa atin at pagbibigay sa atin na lahat ng mga bagay, |