Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG TOTOONG NOE AT TOTOONG PAGHAHATOL!THE REAL NOE AND THE REAL JUDGMENT! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Simula sa sandali ng aking pagbabagong loob alam ko na ang kwento ni Noe at ang Baha ay toto. Ako’y naturuan simula noong maaagang araw ng pagkabata na paniwalaan ang Darwinayang ebolusyon. Ako’y isang napaka masakitin karamihan ng panahon bago kami nagpunta sa Arizona noong 1949. Ako’y nasa kama kalahati ng panahon na may sakit sa tainga, ubo at ibang mga karamdaman. Walang duda sila’y sanhi ng mga dala ng hanging mga pollen at usok sa sakop ng Los Angeles. Kinailangan kong gumugol ng maraming mga araw sa kama na walang ginagawa. Wala kaming telebisyon noong mga taon ng 1940. Kaya ang aking nanay ay magbabasa sa akin oras-oras. Isa sa mga tema na kanyang paulit-ulit na binabalikan ay ang kanyang mga pagbabasa ay ang ebolusyon. Binasa niya ng malakas ang mga paglalakbay ni Darwin sa Isla ng Galapagos, at pati ilang pinasimpleng mga bahagi ng “Ang Pagbaba ng Tao” [Descent of Man] ni Darwin.
Noong ako’y mas mabuti na ng kaunti, nagmakaawa ako sa kanyang dalhin ako sa Natural na Kasaysayang Museo sa Exposition Park, sa Unibersidad ng Katimugang Califormia (USC) – malapit sa gitnang lungsod ng Los Angeles.
Habang lumakad ako sa mga gitna ng mga eksibisyon sa museong iyon, ako’y mas nakumbinsi ng teyorya ng ebolusyon. Pinaniwalaan ko ito ng buong puso. Maya, maya noong nadinig ko ang isang mangangaral na nagsabi na ang ebolusyon ay isang panlilin, naisip ko na siya’y isang hangal. Ngunit, maya maya pa din, noong ika-28 ng Setyembre 28 taon 1961, sa Unibersidad ng Biola, nadinig ko ang isa pang mangangaral na nagsalita mula sa ikatlong kapitulo ng II Ni Pedro. Isinipi niya ang pangatlong berso na nagsasabing, “Sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.” Sinabi niya na ang mga manunuyang ito ay “maluwag sa kaloobang ignorante” patungkol sa paglilikha ng tao, at ng dailang Baha na sumira sa halos lahat ng sangkatauhan sa mga araw ni Noe
.Biglang parang isang tabing ang naitaas at nakita ko ang katotohanan! Sa sandaling iyon alam ko, lampas sa kahit anong pagdududa, na naniwala ako sa isang kasinungalingan! Binulag ng Diyos ang mga isipan ng mga ebolusyonista at mga unipormitariyano. Noong ang aking ina ay napagbagong loob nagkaroon siya ng parehong karanasan. Sinabi niya, “Robert, hindi ko alam kung paano na ating kailan man pinaniwalaan ang ganoong uri ng sirang bagay!” Sinabi ng Apostol Pablo sa isa pang konteksto, “Ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan” (II Mga Taga Tesalonica 2:11). At sa sandali ng aking pagbabagong loob natanto ko na ang teyoriya ng Darwiniyang ebolusyon, at ang pagtatanggi ng Dakilang Baha, ay wala kundi higit na mga siyensiyang gawa-gawa. Tapos nakita ko ang mga pagsusulat ni Darwin at Lyell at Huxley ay hindi mas higit na tunay at totoo kaysa sa mga siyensiyang gawa-gawang kwento ni Jules Verne, H.G. Wells o Isaac Asimov. Si Darwin ay walang siyentipikong pagsasanay sa anomang bagay. Nakakuha siya ng B. A. sa teyolohiya, ngunit hindi pa nga siya kumuha ni isang kolehiyong kurso sa siyensya! Gayon man yumuyuko sila sa harap niya bilang isang dakilang siyentipiko sa araw na ito! Simula noong ako’y napagbagong loob noong taong 1961 ako’y nakumbinsi ng ganap na katotohanan ng Biblikal na kwento ng paglilikha ng tao, at ang makasaysayang katotohanan ng Baha sa panahon ng patriyarkang si Noe.
Noong nalaman ko na ang Hollywood ay naglabas ng isang pelikula kay Noe at ang Baha nagpunta ako upang panoorin ito. Hindi ako halos nanonood ng mga Hollywood na mga pelikula ngayon. Ang mga ito’y sadistiko, baluktot, biyolente at mali. Wala dapat papaya na hayaan ang kanilang mga isipang marungisan ng basurang inilalabas ng Hollywood. Ngunit naramdaman ko na kailangan kong makita ang pelikulang Noe upang masabi kong sa paunang karanasan kung paano nito binago ang kwento ng Bibliya ni Noe at ng Baha sa isang Satanikong kasinungalingan.
Ayon kay Aaron Klein sa World Net Daily ang tagagawa ng pelikulang “Noe” ay isang ateyista. Inilalarawan ng pelikula ang Darwiniyang ebolusyon. Ang pelikula ay mayroong mga element ng madilim na salamangka at kulto. Si Methuselah ay itinanghal na isang manggagaway. Si Noe ay itinanghal na isang mamamatay na baliw na gustong sirain ang huling mga bakas ng sangkatauhan. Sinabi ni Dr. Ken Ham na ang mensahe ng pelikula ay na patungkol sa “pag-aalaga ng kapaligiran – na ang mga hayop ay mas mahalagang maigligtas kaysa mga tao.” Sinabi ni Dr. Robert L. Sumner, “Kung gusto mong matutunan ang tungkol kay Noe, saan ka pupunta? Siyempre, sa Salitang Diyos kung san siya – at ang kanyang pangangasiwa – ay inilarawan sa ilang detalye, kasama ang halos kalahati ng unang siyam na mga kapitulo ng Bibliya. Ito’y isang nakamamanghang…kwento ng kapangyarihan ng Diyos, gayon man ay makatarungang inilalarawan ang isang Diyos na namumuhi sa kasalanan at handang magpadala ng paghahatol sa mga makasalanan na tumatanggi sa Kanyang biyaya” (Isinalin mula kay Dr. Robert L. Sumner, Ang Biblikal na Ebanghelista [The Biblical Evangelist], Mayo-Hulyo 2014, p. 8).
Ilang sandali kanina, binasa ni Gg. Prudhomme ang unang 14 na mga berso ng Genesis, ang kapitulo anim, patungkol kay Noe at ang Baha. Ngayon tumungin kasama ko sa Aklat ng mga Hebreo, kapitulo 11, berso 7. Tumayo at basahin ito.
“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Hebreo11:7).
Maari nang magsi-upo. Kukuha ako ng tatlong mga punto ng kahalagahan mula sa tekstong ito.
I. Una, ang pananampalataya ni Noe.
Sinasabi ng teksto, “Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong…” (Mga Hebreo 11:7).
Paano binalaan ng Diyos si Noe patungkol sa darating na Baha? Sa Genesis 6:13 tayo ay malinaw na sinabihan,
“At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko...”
Naiisip ko na si Noe ay mayroong ideya na ang paghahatol ay darating sa maraming paraan. Una, ang tatay lolo ni Noeng si Enoch ay nangaral patungkol sa isang darating na paghahatol. Si Enoch ay nangaral na ang Diyos ay “[magsasagawa] ang paghuhukom sa lahat” (Judas 15). Lilingon tayo at matatanto natin na ang pangwakas na pagtutupad ng propesiya ni Enoch ay magaganap sa Pangalawang Pagdating ni Kristo. Ngunit maaring naintindihan ito ni Noe na patungkol sa kanyang sariling panahon, gaya ng pagkaganap nito sa paghahatol ng Baha, ay sa katunayan isang uri ng paghahatol na darating. Alam ni Noe mula sa pagkarinig sa ipinangaral ni Enoch na hahatulan ng Diyos ang sangkatauhan. Panglawa, ang tatay ng lolo ni Noe na si Enoch ay nagkaroon ng isang anak na lalakeng ang pangalan ay Methuselah. Sinabi ni Arthur W. Pink na ang pangalan ni Methuselah ay nangangahulugang, “Kapag siya ay patay ito’y maipapadala” (Isinalin mula sa Paghihimlay sa Genesis [Gleanings in Genesis]). Ito’y isang pagsasalin ng pangalan ni Methuselah na ibinigay ni Thomas Neberry (1811-1901) sa kanyang Interlinyar na Bibliya ng Taong Ingles [Interlinear Englishman’s Bible [Interlinear Englishman’s Bible] (1883, Hodder at Stoughton). Si Newberry ay higit na hinangaan ng eskolar na si F. F. Bruce. Sinunda ni Newberry ang pagsasalin ni Samuel Bochart (1599-1667) at Henry Ainsworth (1571-1622) sa kanyang Anotasyon sa Pentatyuk [Annotations on the Pentateuch]. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee (1904-1988), “Ang ibig sabihin ni Metuselah: ‘Kapag siya’y patay, ito’y maipapadala.’ Anong maipapadala? Ang Baha…ang taon na namatay si Methuselah ay ang taon na ang Baha ay dumating. ‘Kapag siya’y patay, ito’y maipapadala’ – iyan ang ibig sabihin ng kanyang pangalan” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Kabuuan I, Thomas Nelson Publishers, 1981 pah. 34).
Kaya, si Noe ay nakarinig ng pangangaral ni Enoch sa padating na paghahatol – at alam niya na ang pangalan ni Methuselah ay nangangahulugan na ang paghahatol ay darating di matagal pagkatapos pagkamatay ng apo. Ang Baha ay dumating di katagalan pagkatapos ng kamatayan ni Methuselah, sa parehong taon.
Ang pananampalataya ni Noe ay dumating sa pamamagitan ng pangangaral ng mga matatandang mga kalalakihang ito. Ang pangangaral ay ang pangunahing paraan na ang Diyos ay nagsasalita sa atin ngayon. Sinabi ng Apostol Pablo,
“Ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig” (Mga Taga Roma 10:17), at,
“Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
(Mga Taga Roma 10:14).
Gayon din, nakita ni Noe ang teribleng kasalanan ng mundo sa kanyang araw. Sinasabi ng Bibliya,
“Nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).
“At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa” (Genesis 6:13).
Mayroong isa pang paraan na ibinunsod ng Diyos ang pananampalataya ni Noe. Sa Genesis 6:3 tayo ay sinabihan tungkol sa Banal na Espiritu. Tumutukoy ito patungkol sa Espiritu ng Diyos na nakikipagpunyagi kasama ng tao. Ano pa mang ibig sabihin niyan, ipinapakita nito na ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa mga araw na iyon. Ginamit ng Diyos ang pangangaral ni Enoch at Methuselah. Ginamit Niya ang sarliling obserbasyon ni No eng isang mundong malalim sa kasalanan. At ipinadala Niya ang Banal na Espiritu upang magsalita sa puso ni Noe at paliwanagan siya.
Noong 1965 nadinig ko ang isang kanta ni Barry McGuire sa radyo sa aking sasakyan. Sinabi nito ang mga katakutan ng Digmaan ng Vietnam at ang babala ng digmaang nukleyar, at maraming iba’t ibang mga teribleng mga bagay na nangyayari noon.
At sinasabi mo sa akin paulit-ulit at ulit muli, aking kaibigan,
A, hindi ka naniniwala na tayo’y nasa bisperas ng pagkasira.
Alam ko na ito’y isang kantang rock, hindi dapat tayo makinig sa rock na mga kanta. Ngunit ako noong ay isang Katimugang Bautista at hindi ko ito alam noong panahong iyon. Hiniling ko si Gg. Griffith na kantahin ito dahil ang mga salita ay tumama sa aking puso na parang isang pana. Pinakikinggan ko noong si Dr. M. R. DeHaan na mangaral ng propesiya sa Bibliya sa radiyo, nagsasalita tungkol sa Pangalawang Pagdating ni Kristo at ang katapusan ng mundo. At tapos narinig ko ang kantang ito – at nagulo ako nito! Ito’y isang pangit at magaspang na kanta – at nagulo ako nito! Natandaan kong sakto kung asaan ako noong narinig ko ito. Itinabi ko ang kotse sa tabi at humagulgol sa iyak! Narito ito! Kantahin ito, Gg. Griffith!
Ang silangang mundo ay sumasabog, ang karahasan ay sumisiklab, ang mga bala ay ikinakarga,
Ika’y matandang sapat na upang makapatay ngunit hindi upang bumoto,
Hindi ka naniniwala sa digmaan, ngunit ano iyang baril na dinadala mo,
At pati ang Ilog ng Jordan ay mayroong mga katawang nagsisilutang,
Ngunit sinasabi mo sa akin paulit-ulit at ulit muli, aking kaibigan,
A, hindi ka naniniwala na tayo ay nasa bisperas ng pagkasira.
Hindi mo ba naiintindihan kung anong sinusubukan kong sabihin?
Hindi mo ba nakikita ang takot na aking nararamdaman ngayon?
Kung ang botones ay maibaon, wala nang pagtatakas,
Walang maliligtas sa buong mundong nasa libingan.
Tumingin sa paligid mo, boy, ito’y tiyak na tatakot sa iyo, boy,
Ngunit sinasabi mo sa akin paulit-ulit at ulit muli, aking kaibigan,
A, hindi ka naniniwala na tayo ay nasa bisperas ng pagkasira.
Oo, ang aking dugo ay galit na galit, parang namumuo,
Nakaupo ritong nag-iisip lamang,
Hindi ko mabaluktot ang katotohanan, wala itong nalalaman na regulasyon,
Isang dakot ng mga Senador ay di nagpapasa ng lehislasyon,
At mga pagmamartsa mag-isa ay hindi magdadala ng integrasyon,
Kapag ang respeto sa tao ay gumuguho,
Ang buong magulong mundong ito ay masyadong nakabibigo,
At sasabihin mo sa akin paulit-ulit at ulit muli, aking kaibigan,
A, hindi ka naniniwala na tayo ay nasa bisperas ng pagkasira.
Isipin ang lahat ng pagkamuhi na nasa Pulang Tsina,
Tapos tumingin sa Selma, Alabama,
Maari kang lumisan mula rito ng apat na araw sa kalawakan
Ngunit pagbalik mo ito’y ang parehong lumang lugar,
Ang pagtatambol ng mga tambol, ang pagmamalaki at kahihiyan,
Maari mong ilibing ang iyong patay ngunit huwag kang mag-iiwan ng bakas,
Kamuhian ang iyong kapit bahay ngunit huwag mong kalimutang magdasal bago kumain,
At sinasabi mo sa akin paulit-ulit at ulit at ulit at ulit muli, aking kaibigan,
A, hindi ka naniniwala na tayo ay nasa bisperas ng pagkasira,
Hindi, hindi ka naniniwala na tayo ay nasa bisperas ng pagkasira
(“Ang Bisperas ng Pagkasira.” Isinalin mula sa “Eve of Destruction”
ni P. F. Sloan, 1965; kinanta ni Barry McGuire).
“At sinasabi mo sa akin paulit-ulit at ulit at ulit muli, aking kaibigan, A, hindi ka naniniwala na tayo’y nasa bisperas ng pagkasira, Hindi, hindi ka naniniwala na tayo ay nasa bisperas ng pagkasira.”
Sa tingin ko iyan sakto ang naramdaman ni Noe. Alam niya na ang paghahatol at ang pagkasira ay padating – gaya ng pagkalam ko nito noong tag-init ng taon ng 1965. “Ngunit,” sinasabi mo, “iyan ay apat na pu’t siyam na taon noon!” O oo, tayo ay nasa bisperas ng pagkasira ng lampas sa 49 na taon! Ang mundo sa panahon ni Noe ay nasa bisperas ng pagkasira ng 120 na mga taon (Genesis 6:3). Ako’y kumbinsido nito ngayong umaga – higit pang pati – kaysa noong 1965! Ako noon ay 24 taong gulang. Itinabi ko ang aking kotse sa tabi ang humagulgol sa luha! Tayo ay nasa bisperas ng pagkasira. Alam ito ni Noe – at alam ko ito. At alam ko ito ngayon higit pa kailan man! Ang uliuli ng pagkasira ay humigop ng libo-libong sa ating mga kabataan sa kasindakaan ng Vietnam. Si Pangulong Nixon ay nahigo sa ilalim nito sa uliuling iyan, habang libo-libo sa mga kabataan, ay nahigop sa ilalim ng droga, pornograpiya at aborsyon na napa popular. Ang ating mundo ay umuuga sa gilid ng pagkasira simula noon. Alam ko ito noong 1965, at alam ko ito ngayon!
“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Hebreo11:7).
II. Pangalawa, ang pangangaral ni Noe.
“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan...” (Mga Hebreo 11:7).
“Hinatulan niya ang mundo.” Naririnig ko ang mga taong nagsasabi, “Huwag kang masyadong matindi! Huwag mo kaming husgahan! Huwag mo kaming hatulan!” Tiyak ako na narinig din iyan ni Noe! Ngunit hindi siya nakinig sa kanila! “Hinatulan niya ang sanglibutan”! “Hinatulan niya ang sanglibutan”! “Hinatulan niya ang sanglibutan”! Kailangan natin ang ganyang uri ng pangangaral ngayon – pangangaral na nagkokondena ng kasalanan! Si Billy Graham ay isang dakilang mangangaral noong mga taong 1950 at 1960. Isang ebanghelikal na pinuno ang nagsabi sa akin na ang kanyang pangangaral ay “nakapagaalab ng damdamin” sa mga araw na iyon. Sa palagay ko kailangan natin ng nakapagaalab ng damdaming pangangaral ngayon. Masyado tayong maraming mga “guro” ng Bibliya at masyadong maraming “ekspositor.” Si Noe ay isang nakapagaalab ng damdaming mangangaral! Tinatawag ng Bibliya si Noeng “tagapangaral ng katuwiran” (II Ni Pedro 2:5). Pakinggan si Billy Graham na nangangaral sa New York sa Madison Square Garden nong mga taon ng 1960. Siya ay nangangaral sa mga araw ni Noe, kung paano na ang mga tao ay nabubuhay sa harap ng Dakilang Baha,
Ito’y isang panehon ng katakawan. Sinabi ni Hesus sila’y nagsisikain at nagsisiinom. Sila’y interesado sa mga materyal na mga bagay. Nakakaunti ng pagkagutom nila para sa Diyos o para sa mga espiritwal na mga bagay. Ang kanilang pagkagutom ay upang mapuno ang kanilang mga tiyan, malugod ang kanilang mga sekswal na mga hangarin…tayo sa Amerika at Europa…ay naging mga malalaking mga matatakaw. Ang ating mga aso ay mas napapakain ng mahusay kaysa sa milyong-milyong mga tao sa ibang bahagi ng mundo…Iyan ay nangyari sa araw ni Noe…
Gayon din mayroong isang di normal na pagdidiin sa pagtatalik. Sinabi ni Hesus sila’y nagsisikasal at nagbibigay sa kasal. Sila’y naging masasama, sira, at lumulubhang sekswal…Sinabi ni Hesus na ito’y nangyari minsan sa kasaysayan at ang baha ay dumating. Ito’y nangyayari muli sa kasaysayn at ang paghahatol ay darting.
Naniwala si Noe sa Diyos sa gitna ng isang baluktot at sirang henerasyon, at nangahas siyang tumayong mag-isa…tumayo si Noeng mag-isa at ang Diyos ay dumating sa kanya isang araw at nagsabi, ‘Noe, sisirain ko ang sangkatauhan sa pamamagitan ng isang baha’…at sinasabi ng Bibliya na naniwala si Noe sa Diyos…Sinasabi ng Bibliya na sa pamamagitan ng pananampalataya si Noe, na binabalaan ng Diyos ng mga bagay na hindi pa ankikita, ay kumilos na may tako (pansinin kung anong nagpakilos sa kanya, takot), ay naghanda ng isang daong. Ngayon kung kailan man may isang henerasyon na mayroong karapatang mapakilos ng takot at maging tama sa Diyos, ito’y ating henerasyon. Ang mga pangunang salita sa peryodiko ay tumitili sa atin. Nangangaral ang mga ito sa atin araw-araw… Si Noe ay nangangaral, nagbibigay babala sa mga tao, ‘magsisi, ang pahahatol ay darating, maniwala.’ Ngunit sila’y nagsitawa at nangutya at di naniwala (Isinalin mula kay Billy Graham, Ang Hamon: Mga Pangaral mula sa Madison Square Garden [The Challenge: Sermons from Madison Square Garden], Doubleday and Company, Inc., 1969, mga pah. 162-168).
“Hinatulan [ni Noe] ang sanglibutan” sa pamamagitan ng kanyang pangangaral laban sa kasalanan. Hiling ko na mayroon tayong mga mangangaral na tulad niyan ngayon! Noong isang araw sinabi sa akin ni Dr. Cagan, na kung hindi kilala kung sino siya, si Billy Graham ay hind papayagang magsalita na sa karamihan sa ating mga ebanghelika na mga simbahan sa Amerika ngayon. Tayo ay dumulas sa isang mahabang dan sa pagkamakamundo. Ang ating mga simbahan ay puno ng mga nawawalang mga miyembro. Sinabi ni Dr. Cagan hindi nila pagtitiisan ang isang batang Billy Graham ngayon. Sa tinggin ko ay hindi pa nga siya makapangangaral ng ganyan sa karamihan sa ating mga pundamental na mga simbahan ngayon! Ganyan ito sa mga araw ni Noe. Siya ay isang “mangangaral na katuwiran” (II Ni Pedro 2:5) – ngunit walang nagsisi. Walang tumalikod mula sa kasalanan at pumasok sa daong ng kaligtasan. Ang kanyang mga anak na lalake at kanilang mga asawa, at ang kanyang sariling asawa ang nakinig sa kanyang pangangaral at naligtas. Naghanda siya ng isang daong “sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan [kanyang pamilya]; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan” (Mga Taga Hebreo 11:7). Pakikinggan mo ba ang aking pangangaral? Tatalikod ka ba mula sa pagkasama at kasalanan ng lungsod na ito? Magsisisi ka ba at magpupunta kay Kristo – at maging narito sa simbahan bawat Linggo? O ika’y mamamatay sa baha ng darating na paghahatol? Mayroong isang mabuting bagay tungkol sa bagong pelikulang ito. Huwag mong panoorin ito dahil karamihan nito ay basura. Ngunit mayroong isang mabuting bagay. Ipinapakita ng pelikula na ang kwento ni Noe ay hindi isang kwento ng bata! Hindi sa anumang paraan. Ito’y isang kwento tungkol sa paghahatol ng Diyos sa makasalanang mundo!
III. Pangatlo, ang henerasyon ni Noe, ang kanyang “sanglibutan.”
“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan… (Mga Hebreo11:7).”
Ang “sanglibutan” ay tumutukoy sa mga taong nabubuhay sa lupa bago ng Baha. Ang “sanglibutan” ng panahon ni Noe ay tinukoy ni Kristo bilang isang paglalarawan, isang larawan, kung paano ang mga tao ay maging bago ng katapusan ng sanglibutan. Bago ng pangwakas na paghahatol, sinabi ni Kristo,
“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39).
Oo, alam ko na marami sa mga tao sa araw ni Noe ay marahas. Oo, alam ko na kanilang tinanggihan ang gawain ng Banal na Espiritu at puno ng masamang imahinasyon sa kanilang mga puso. Ngunit ang pinaka malubhang kasalanan ng mga taong iyon ay ang materiyalismo. Iyanng idiniin ni Kristo – ang kanilang pagka materyalismo. Ang lahat na kanilang naisip ay ang tungkol sa pagkain at pag-iinom, pagpapakasal at pagbibigay sa kasal. Ang kanilang mga isipan ay nakasentro sa mga bagay ng mundong ito lamang, at ng sa buhay na ito. Wala silang seryosong pag-iisip sa walang hanggan. Hindi sila nagbigay ng seryosong pag-iisip sa Diyos. Hindi sila interesado sa kung saan mapupunta ang kanilang mga kaluluwa pagkatapos nilang mamatay. Tulad sila ng mga kabatan ng ngayon na nag-iisip lamang tungkol sa mga videyong laro at mga salo-salo, na nag-iisip lamang tungkol sa kanilang gawain sa paaralan at pagsisiyahan. Wala silang dahilan upang pag-isipang serysoso ang kanilang kaluluwa. Wala silang makitang dahilan upang seryosong pag-isipan kung anong mangyayari sa kaluluwa nila kapag sila’y mamatay.
Itinuturo ng Bibliya na mayroong isang tunay na Langit at isang tunay na Impiyerno. Saan ka pupunta pagkatapos mong mamatay? Ang bawat isa ay mapupunta sa Langit man o sa Impiyerno. Saan ka pupunta? Mayroon lamang isang dan papuntang Langit – at iyan ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo. Bakit iyan totoo? Dahil wala kundi si Hesus ang namatay sa Krus upang magbayad ng multa para sa iyong kasalanan. Ang Dugo ni Hesus lamang ang makalilinis sa iyo mula sa kasalanan sa paningin ng Diyos. Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo.
Ang Diyos ay isang Diyos ng paghahatol. Kinamumuhian Niya ang kasalanan. Hindi Siya makatitinggin sa kasalanan. Kung ang iyong mga kasalanan ay hindi nabayaran sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa Krus, at mahugasang malinis sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, hindi ka makapupunta sa Langit. Sinabi ni Kristo, “Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Hinihiling kong ika’y magsisi, at tumalikod mula sa iyong makasalanang istilo ng buhay, at magpunta kay Hesu-Kristo sa pananampalataya. Magtiwala kay Hesus at maging malinisan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. At pumasok sa simbahan, at maging nasa simbahan bawat Linggo! Ang lumang kantang kinanta kanina ni Gg. Griffith bago ko ipinangaral ang sermon ito ay nagsasabi nito ng mahusay.
Halina, kayong mga makasalanan, nawawawala at walng pag-asa,
Ang dugo ni Hesus ay makapalalaya sa iyo;
Dahil iniligtas Niya ang pinakamalubha sa inyo,
Noong iniligtas Niya ang isang sirang tulad ko.
At alam ko, oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ang makagagawang malinis
Sa pinaka masamang makasalanan.
At alam ko, oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ang makagagawang malinis
Sa pinaka masamang makasalanan.
(“Oo, Alam ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!” ni Anna W. Waterman, 1920).
Interesado ka bang maging isang tunay na Kristiyano? Gusto mo bang hugasan ni Hesus ang iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang mahal na Dugo? Gusto mo bang makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano at maging malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ni Hesus? Kung gusto mong makipag-usap sa amin, iwanan ang iyong upuan ngayon na at lumakad sa likuran ng awditoriyum na ito. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapananalangin tayo at makapag-uusap. Magpunta sa likuran ng awditoriyum na ito ngayon. Kung ika’y narito sa unang pagkakataon, ako mismo ang kakausap sa iyo, at sasagutin ang iyong mga katangungan. Magpunta sa likuran ng ngayon na. Dr. Chan manalangin ka na mayroong magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Genesis 6:1-14.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!”
(ni Anna W. Waterman, 1920).
ANG TOTOONG NOE AT TOTOONG PAGHAHATOL!ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Hebreo11:7). (II Ni Pedro 3:3; II Mga Taga Tesalonica 2:11) I. Una, ang pananampalataya ni Noe, Mga Herebo 11:7a; II. Pangalawa, ang pangangaral ni Noe, Mga Hebreo 11:7b; III. Pangatlo, ang henerasyon ni Noe, ang kanyang “sanglibutan,” |