Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG ARAW NA NAMATAY SI HESUS

THE DAY JESUS DIED

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-13 ng Abril taon 2014

“Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus. Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota: Na doo'y ipinako nila siya sa krus, at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawa't tagiliran, at si Jesus sa gitna” (Juan 19:16-18).


Sa araw na namatay si Hesus sa Krus ay ang pang-apat na pinaka mahalagang araw sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang una ay ang araw na nilikha ng Diyos ang unang tao. Ang pangalawa ay ang araw na Pagbagsak, noong ang tao ay nagkasala at nagdala ng kamatayan at pagkasira sa mundo. Ang pangatlo ay ang araw na ang Baha ay nagsimula sa panahon ni Noe. Ngunit ang pang-apat na pinaka mahalagang araw ay ang araw na si Kristo ay namatay sa Krus, sa isang burol sa labas lamang ng mga pader ng lungsod ng Jerusalem.

Ang araw na namatay si Kristo sa Krus ang buong daan ng kasaysayan ng tao ay nagbago – magpakailan man! Ang buhay ng mga tao ay nabago ng libo-libo. Mga kaluluwa ay napagbagong loob, ang mundo ay hindi na kailan man maging pareho. Ngayong gabi lilingon tayo sa araw na namatay si Kristo at pansinin ang apat na dakilang mga pangyayaring naganap.

I. Una, kadiliman ay bumagsak sa araw na iyon.

Sinasabi ng Bibliya:

“Mula nga nang oras na ikaanim [tanghali] ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam [alas tres ng hapon]” (Mateo 27:45).

Sinasabi ni Dr. J. Vernon McGee:

Ang ating Panginoon ay inilagay sa Krus sa ika’tlong araw, alin ay alas nuwebe ng umaga. Pagdating ng alas dose ng hapon, nagawa na ng tao ang lahat ng magagawa nito sa Anak ng Diyos. Tapos sa tanghaling oras, kadiliman ay bumaba, at ang Krus ay naging isang altar kung saan ang Kordero na nag-aalis ng kasalanan ng mundo ay inialay (Sa Buong Bibliya, Thomas Nelson, 1983, kabuuan IV, pah. 148).

Sinasabi sa atin ni Mateo, Marcos, at Lucas ang tungkol sa kadiliman na bumagsak “sa ibabaw ng buong sangkalupaan” mula tanghali hanggang alas tres, noong namatay si Hesus. Kahit na mali sai Dr. John MacArthur sa Dugo ni Kristo, tama siya noong nagsalita siya patungkol sa kadilimang ito:

Ito’y di maaring sanhi ng isang eklipse, dahil ginamit ng mga Hudyo ang isang ukol sa buwan na kalendaryo, at ang Pista ng Paskua ay laging bumagsak sa isang bilog na buwan, ginagawa nito ang eklipse na di maari. Ito’y isang higit sa ordinaryong kadiliman (Isinalin mula sa Pag-aaral na Bibliya ni MacArthur [MacArthur Study Bible, sulat sa Lucas 23:44).

Ang higit sa ordinaryong kadiliman, na dumating sa lupa noong si Kristo ay namatay, ay nagpapaalala ng ika labin dalawang himala na nangyari sa ilalim ni Moses bago na ang mga anak ng Israel ay lumisan mula sa Egipto:

“At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magdilim sa lupain ng Egipto, ng kadiliman na mahihipo. At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dakong langit; at nagsalimuutan ang dilim sa buong lupain ng Egipto…” (Exodo 10:21-22).

Ipinadala ng Diyos ang kadilimang iyan sa panahon ni Moses. At ipinadala ng Diyos ang parehong kadiliman sa buong lupa habang si Hesus ay namatay sa Krus. Gaya ng paglagay nito ni Dr. Watts:

Maaring ang araw sa kadiliman ay nakatago,
     At isinasara ang kanyang luwalhati,
Noong si Kristo, ang Makapangyarihang Manlilikha, ay namatay
     Para sa tao ang nilalang ng kasalanan.
   (“Sa Wakas! At Ang Aking Tagapagligtas ay Nagdugo?”
Isinalin mula sa [“Alas! And Did My Saviour Bleed?”] ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).

II. Pangalawa, ang tabing ay nabiyak sa Templo sa araw na iyon.

Sinasabi ng Bibliya,

“At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig ang lupa” (Mateo 27:51).

Sa loob ng Templo mayroong isang malaki, at makapal na kurtina. Nagsasabi si Dr. John R. Rice tungkol sa Templo:

Tayo ay nasabihan na ang sangtuwaryo, o ang templo, ay mga halos siyam na pung talampakan ang haba, tatlompung talampakan ang lawak at siyam na pung talampakan ang taas…Ang sangtuwaryo ay nahati sa dalawang bahagi. Ang unang anim na pung talampakan ay ang Banal na Lugar…Isang dakilang belo na naghahati sa Banal na Lugar mula sa ibang isa’t ikatlong bahagi ng gusali, ang Banal ng mga Kabanalan, o ang Pinaka Banal na Lugar (Isinalin mula kay Dr. John R. Rice, Ang Hari ng mga Hudyo: Isang Kumentaryo sa Mateo [The King of the Jews: A Commentary on Matthew], Sword of the Lord, 1955, pah. 479).

Si Dr. Rice ay nagpatuloy na ipunto na walang makapupunta sa Banal ng Mga Kabanalan maliban ang mataas na saserdote. At ang mataas na saserdote ay makapupunta lamang doon isang beses kada taon, sa Araw ng Pagbabayad. Tapos sinabi ni Dr. Rice:

Noong namatay si Kristo sa Krus, kung gayon, “ang tabing ng templo’y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba” (Mateo 27:51). Nabibiyak, simula sa tuktok, ay isang indikasyon na ang Diyos Mismo ang [nagbiyak] ng tabing…Noong ang tabing ay nabiyak, gayon ang bawat isang harang sa pagitan ng Diyos at tao ay naalis para sa doon sa mga malugod na pumapayag na magpunta sa pamamagitan [ni Kristo] (isinalin mula sa ibid., pahina 480).

III. Pangatlo, isang lindol ang tumama sa araw na iyon.

Sinasabi ng Bibliya,

“Nayanig ang lupa; at nangabaak ang mga bato [ay nabiyak]” (Mateo 27:51).

Ang lindol na ito ay maaring kasangkot sa pagbibiyak ng tabing. Sa palagay ko ay ito nga. Ngunit itinuro ni Edersheim, “Kahit na ang lindol ay maaring nagbigay ng pisikal na basehan, ang pagbiyak ng tabing ng Templo…ay talagang ginawa ng kamay ng Diyos” (Isinalin mula kay Alfred Edersheim, Ang Buhay at Panahon ni Hesus ang Mesiyas [The Life and Times of Jesus the Messiah], Eerdmans, 1945, kabuuan II, pah. 611). Itinuro ni Edersheim na ang tabing ay kasing kapal ng palad ng tao (mga 2 ½ pulgada ang kapal). “Kung ang tabing ay ganoon nga gaya ng pagkalarawan sa Talmud, hindi ito maaring nabiyak sa dalawa ng isang simpleng lindol lamang” (Isinalin mula sa ibid.).

Ang pagbibiyak ng tabing ay dumating sa oras “nang, sa pang-gabing pag-aalay, ang nanunungkulang pagkapari ay pumasok sa Banal na Lugar, upang magsunog ng insenso o gumawa ng ibang paglilingkod doon” (isinalin ibid.). Ang pagbibiyak ng tabing ay gumawa ng isang nakikilabot na impresiyon sa mga Hudyong saserdoteng ito. Sinasabi ni Dr. Charles C. Ryrie na isang “bunga nitong higit sa ordinaryong pagbibiyak ng tabing ay naitala sa Mga Gawa 6:7, kung saan tayo ay sinabihan, ‘nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote’” (isinalin mula sac f. Pag-aaral na Bibliya ni Ryrie [Ryrie Study Bible], sulat sa Mateo 27:51).

Noong namatay si Kristo, ang tabing ay nabiyak sa dalawa. Maari ka na ngayong makapunta sa Diyos, dahil si Kristo ang tagapamagitan. Walang tabing ang tumatayo sa pagitan mo at ng Diyos ngayon. Si Hesus ay nasa gitna mo at ng Diyos. Magpunta kay Hesus at dadalhin ka Niyang direkta sa piling ng Diyos.

“Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).

IV. Pang-apat, si Hesus ay nagsalita mula sa Krus sa araw na iyon.

Dinakop ng mga kawal ng templo si Hesus sa isang di totoong pagsasakdal. Kinaladkad nila siya sa mataas na saserdote, dumura sila sa Kanyang mukha at binugbig ang Kanyang mukha gamit ng kanilang mga kamao. Dahil ang mga Hudyo ay walang opisiyal na kapangyarihan, dinala nila si Hesus sa Romanong gobernador, Pontiu Pilato Tinanong ni Pilato si Hesus, at idineklara Siyang inosente at sinubukang iligtas ang Kanyang buhay. Ipinapahampas niya si Hesus, iniisip na iyan ay magpapasaya sa mga punong saserdote. Hinampas ng mga kawal na ito ang Kanyang likuran, gumawa sila ng isang korona ng tinik at inilagay sa Kanyang ulo, at naglagay ng lilang damit sa Kanya. Dinala Siya ni Pilato sa harap upang ipakita sa mga tao kung gaano Siya nabugbog, iniisip na maaawa sila kay Hesus. Sinabi ni Pilato sa kanila, “Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya” (Juan 19:4). Noong nakita Siya ng mga punong saserdote nagsisigaw sila, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!” Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kunin ninyo siya at ipako siya sa krus; dahil wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.” Sumigaw ang mga Hudyong mga pinuno, “Kung pakakawalan mo ang taong ito, hindi ka kaibigan ni Caesar. Sinoman ang gumagawa sa kanyang sariling hari ay nagsasalita laban kay Caesar.” Sinabi ni Pilato, “Ipapako ko ba ang inyong hari?” Sumigaw ang mga punong saserdote, “Wala kaming hari kundi si Caesar.” Tapos ibinigay ni Pilato si Hesus sa mga kawal, at dinala nila Siya upang ipako sa krus.

Si Hesus ay nagdusa ng matinding sakit at teribleng pighati habang nakapako sa Krus. Ngunit habang Siya’y nagdusa sinabi Niya ang mga salitang ito,

Ang Unang Isinalita – Kapatawaran

“At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan” (Lucas 23:33-34).

Iyan ang dahilan na si Hesus ay nagpunta sa Krus – upang patawarin ang ating mga kasalanan. Sinadya ni Hesus na magpunta sa Krus upang bayaran ang multa ng ating kasalanan.

Ang Pangalawang Isinalita – Kaligtasan

“At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.. Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan? At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama. At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:39-43).

Namatay si Hesus sa Krus upang iligtas ang mga makasalanan. Ang unang makasalanan na iniligtas Niya ay ang nananampalatayang magnanakaw sa krus sa tabi Niya. Maraming mga tao ang nag-iisip na maari nilang matutunang maligtas. Ngunit ang magnanakaw na ito ay walang higit na kahit anong natutunan. Simple niyang pinagkatiwalaan si Hesus. Ang iba ay nag-iisip na kailangan nila ng isang tiyak na pakiramdam o isang panloob na pagbabago. Ngunit wala ang magnanakaw ng kahit ano niyan. Simpleng pinagkatiwalaan Niya si Hesus.

Ang Pangatlong Isinalita – Apeksyon

“Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong anak! Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan” (Juan 19:25-27).

Sinabi ni Hesus kay Juan na alagaan ang Kanyang ina. Gusto ni Hesus na alagaan natin ang isa’t isa sa samaahan ng lokal na simbahan.

Ang Pang-apat na Isinalita – Proprisiyasyon

“Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:45-46).

Ang sigaw ng pagdurusa ni Hesus ay nagpapakita na Siya nahiwalay sa Diyos ang Ama habang Siya’y naging propisiyasyong alay para sa ating kasalanan.

Ang Panlimang Isinalita – Pagdurusa

“Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig” (Juan 19:28-29).

Ipinapakita nito ang matinding pagdurusang pinagdaanan ni Hesus upang bayaran ang multa ng ating mga kasalanan.

Ang Pang-anim na Isinalita – Pagbabayad

“Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga” (Juan 19:30).

Ang lahat ng kinakailangan para sa ating kaligtasan ay tapos na ngayon. Wala nang natira para sa isang nawawalang taong gawin kundi ang magtiwala kay Hesus.

Ang Pampitong Isinalita – Pangako sa Ama

“At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga” (Lucas 23:46).

Ang isang maligasgas na senturion ang nakakita ng maraming pagpapako sa krus. Ang kanyang puso ay napatigas. Ngunit hindi pa siya nakakita ng kahit sinong mamatay tulad ng pagkamatay ni Hesus. Ang senturion ay tumingala sa patay na katawan ni Hesus na nakabitin sa Krus. Na may mga luhang bumababa sa kanyang mga pisngi, sinabi ng senturion,

“Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios” (Marcos 15:39).

Naway magtiwala ka sa Anak ng Diyos at maligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang alay at sa psmamagitan ng Kanyang Dugo. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Marcos 15:25-39.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith: “Isang Korona ng Tinik.”
Isinalin mula sa “A Crown of Thorns” (ni Ira F. Stanphill, 1914-1993; binago ng Pastor).


ANG ARAW NA NAMATAY SI HESUS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus. Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota: Na doo'y ipinako nila siya sa krus, at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawa't tagiliran, at si Jesus sa gitna” (Juan 19:16-18).

I. Una, kadiliman ay bumagsak sa araw na iyon, Mateo 27:45;
Exodo 10:21-22.

II. Pangalawa, ang tabing ay nabiyak sa Templo sa araw na iyon,
Mateo 27:51a.

III. Pangatlo, isang lindol ang tumama sa araw na iyon, Mateo 27:51b;
I Ni Timoteo 2:5.

IV. Pang-apat, si Hesus ay nagsalita mula sa Krus sa araw na iyon,
Juan 19:4; Lucas 23:33-34, 39-43; Juan 19:25-27; Mateo 27:45-46;
Juan 19:28-29, 30; Lucas 23:46; Marcos 15:39.