Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANONG NAKIKITA MO KAPAG TINITIGNAN MO ANG KRUS?

WHAT DO YOU SEE WHEN YOU LOOK AT THE CROSS?
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon Ika-13 ng Abril taon 2014

“At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon” (Mateo 27:36).


Noong ako’y isang binata ako’y naiiyak at luha ay dumarating sa aking mga mata kappa nadinig ko ang pagpapagko sa krus kahit na hindi pa ako ligtas noon. Halos nararamdaman ko ang mga pako na ipinapako sa mga kamay at paa ni Kristo. Kapag naririnig ko ang kantang kinanta lang ni Gg. Griffith lagi akong naluluha. Kailangan kong ipihit ang aking ulo papalayo dahil nahihiya ako. Nararamdaman ko ang sakit ni Kristo. Ako’y nagluksa sa Kanyang pagdurusa. Hindi ito isang pagkukunwari. Walang peke tungkol rito. Nakaramdam ako ng sakit sa butas ng aking tiyan kapag naiisip ko si Kristong nagdurusa sa Krus.

Hindi pa ako nakaririnig ng mga kabataang nakararamdam ng ganyan ngayon sa loob ng Linggong paglilingkod. At nagtataka ako pa minsan kung bakit. Bakit napakahirap para sa mga taong makaramdam pakikiramay para sa nagdurusang Kristo? Ang ibig sabihin ng pakikiramay ay ang maramdaman ang sakit na nararamdaman ng iba. Karamihan sa mga tao ngayon ay mukhang di na-aapektuhan ng pakiramdam ng awa, pagdurusa o kahabagan tungo sa isang taong nagdurusa. Nararamdaman kong nagugulat maraming taon noon noong isang grupo ng mga kabataan ay nagtawanan habang kanilang pinanood ang isang maliit na aso na tinatadyakan sa tiyan. Ang kanilang tawanan ay napaka di nararapat na natakot ako. Hindi na kailangang sabihin pa, bawat isa kanila ay nilisan ang ating simbahan. Kakailanganin ng isang tunay na himala para sa mga taong matigas ang pusong maging mga Kristiyano!

Naniniwala ako na ang sanhi ng pagtigas ng puso ay mahahanap sa anong pinapanood ng mga kabataan sa telebisyon, at sa pelikula, at sa ibang mga kultura sa karamihan. Naglabas ng Unibersidad ng Michigan ng isang pag-aaral noong 1999 na nagpakita na pinapanood ng mga kabataan ang lampas sa 16,000 na mga patayan sa telebisyon sa edad na 18 – mga halos 900 na mga patayan taon-taon sa telebisyon. At iyan ay sa telebisyon lamang! Hindi pa nito kasama ang patayan na nakikita nila sa mga pelikula, videyong laro, at sa mga balita programa ng iba’t ibang uri! At higit pa sa lahat ng mga sindak at patayan, ang mga kabataan ay lubos na nalalaman na 3,000 na mga sanggol ay namamatay sa ilalim ng kutsilyo ng aborsyonista araw araw sa bansang ito! Oo, 3,000 araw-araw – isang milyon at sangkapat kada taon! Ang ganitong kahigit na pagpapatay, na nagbuhos sa mga isipan ng mga kabataan ay kailangan mayroong ginagawa sa kanilang mga emosyon. Ako’y kumbinsido na ginawang matigas at walang pagkaramdam sa emosyon ang henerasyong ito sa mga pakiramdam noong mga nagdurusa.

Ngayong umaga hinihingi kong subukan at damahin ang katakot takot na pinagdaanan ni Kristo sa Krus. Anong nakikita mo kapag tumitingin ka sa Krus ni Kristo? Sa araw na si Kristo ay nagdusa, mayroong maraming mga taong malapit sa Kanyang Krus. Sinasabi ng ating teksto na ang mga sundalo na nagpako sa Kanya sa Krus ay umupo at “binantayan siya roon” (Mateo 27:36). Maraming iba ay naroon pinapanood rin Siya. Alin sa mga taong ito ang tulad mo? Pag-isipan ito. Anong nakikita mo kapag tinitignan mo si Kristo sa Krus?

I. Una, ang mga saserdote at mga matatanda ay nakita ang isang kalaban na pinapatay sa Krus.

“Ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya. Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios” (Mateo 27:41-43).

Nilibak nila at kinutya nila Siya habang nagdusa Siya sa Krus. Nakita nila Siya bilang isang kalaban, at sila’y natuwang puksain Siya. Mayroong mga taong tulad niyan ngayon. Binabayaran ng HBO ang isang tao tulad ni Bill Maher upang kutyain ang Diyos ang pagtawanan si Kristo. Mga taong tulad ni Richard Dawkins at Christopher Hitchens ay yumayaman sa pamamagitan ng pagsasalakay kay Kristo at ang Bibliya at ang Diyos Mismo! Sila’y naging mga saserdote at mga nakatatanda ng ateyistismo. Si Madalyn Murray O’ Hair, ang ateyista na nagpabawal ng pananalangin at pagbabasa ng Bibliya sa ating mga paaralan, ay nagsabi,

“Ito’y ang pinakamahusay sa lahat ng mga posibleng mundo kung ang lahat ay isang ateyista.”

“Ako’y isang ateyista dahil ang relihiyon ay isang saklay at mga pilay lamang ang may kailangan ng saklay.”

“Ako’y makikipagtalik sa kahit sinong pumapayag na lalake kahit anong oras at sa kahit anong lugar na gusto ko.”

Iyan ang iniisip ng mga matataas na mga saserdote ng ateyismo! Iyan ang iniisip ng marami sa inyong mga propesor sa kolehiyo, sa sekular na mga paaralan. Tumitiwalag ang Diyos sa kanila, tulad ng ginawa Niya doon sa mga masasamang mga tao sa paa ng Krus. Simpleng sinasabi Niya, “Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios” (Mga Awit 14:1). Ikaw ba’y tulad nila? Anong nakikita mo kapag tumitingin ka sa Krus?

II. Pangalawa, nakita ng mga kawal ang isang damit upang isugal para sa paa ng Krus.

“At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran: [upang matupad ang sinab ng propeta, Ibinahagi nila ang aking mga damit sa kani-kanilang mga sarili, at sila’y nakipagsaparalan]. At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon” (Matthew 27:35-36) – [KJV].

Ang mga taong ito ay napaka materyalistiko na ang lahat na kanilang maisipan ay ang damit ni Kristo. Ito’y may halaga ng pera, at ang kanilang mga isipan ay napaka matigas na lahat na kanilang maisip ay ang makakuha ng ano mang pera na kanilang makukuha mula sa mga damit ni Kristo! Saan nakasentro ang iyong isipan? Anong nakikita mo kapag tumitinggin ka sa Krus?

Maraming mga kolehiyong mga estudyante ay natatakod na kung sila’y maging Kristiyano ito’y hahadlang sa kanilang pag-aaral, at hindi sila makakukuha ng isang mainam na trabaho kapag sila’y magtatapos. Pera! Pera! Pera! Iyan ang lahat na iniisip ng mga Tsinong mag-aaral. “Maghahalaga ito ng pera kung akong maging isang Kristiyano,” ang sabi nila.

Mahabang panahon noon, noong ako’y isang miyembro ng isang Tsinong simbahan, gumawa ako ng nagbabago ng buhay na desisyon. Nagpasiya ako na susundan ko si Kristo anoman ang halaga nito! Nagtanong si Hesus ng isang dakilang tanong noong sinabi Niyang,

“Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay?” (Marcos 8:36).

Si Warren Buffet ay isa sa limang pinaka mayamang tao sa buong mundo. Ngunit nagbibigay siya ng milyon-milyong dolyares taon-taon sa Naiplanong Pakamagulang [Planned Parenthood], upang makatulong pumatay ng mga kawawang mga sanggol sa mga sinapupunan ng kanilang mga ina. Anong mangyayari sa kanyang mga kaluluwa kapag mamatay siya? Siya’y lampas sa 80 taong gulang ngayon. Anong mapakikinabangan niya na magkaroon ng napakaraming pera at mawala ang kanyang sariling kaluluwa sa loob ng Impiyerno sa buong walang hangan?

Nakita ng mga Romanong mga kawal ang pera na kanilang makukuha mula sa mga damit ni Kristo. Anong nakikita mo kapag tumitingin ka sa Krus ni Kristo?

III. Pangatlo, ang isa sa mga magnanakaw na napako kasama ni Kristo ay nakita Siya bilang isang bigo sa Krus.

Mayroong dalawang mga magnanakaw, na napako sa mga krus sa bawat isang tabi ni Hesus. Ang unang ay tumingin kay Hesus at naisip na Siya ay isa na namang kriminal. Naisip niya na si Hesus ay isang sira ulo na naniwala na Siya ay ang Anak ng Diyos. Isinantabi Niya si Kristo na isang relihiyosong panatiko, at tumalikod na nililibak at kinukutya si Kristo.

Maraming taon noon mayroong akong isang kaibigan na isang mainam na tao. Gusto ko siya noon pa man. Isang gabi nagmaka-awa ako sa kanyang magpunta sa simbahan kasama ko upang marinig ang Ebanghelyo. Sinabi niya, “Hindi.” Tapos sinabi niya, “Sa bawat isa’y kanya, Roberto. Sa bawa’t isa’y kanya.” Hindi ko kailan man siyang malilimutang nagsasabi niyan habang ako’y nabubuhay. Ang ibig niyang sabihin ako’y mayroong simbahan at siya’y mayroong maraming kainuman ng serbesang mga kaibigan. Ano mabuti para sa akin ay iba sa kung anong mabuti para sa kanya. “Sa bawat isa’y kanya, Roberto. Sa bawa’t isa’y kanya.” Tumingin ako pababa sa kanyang libingan ilang taon maya maya. Wala siyang abong kulay na buhok sa kanyang ulo. Wala siyang kulubot sa kanyang mukha. Siya ay nasa kanyang apat na pung mga taong gulang. Kahit papano alam niyang magtatapos ang kanyag buhay sa ganoong paraan. Kahit na siya’y nasa mabuting kalusugan, palagi niyang sinasabi sa akin, “Hindi ko aabutin ang limampung taon, Roberto. Hindi ko kailan man aabutin ang limampung taon.” Siya ay apat-na-pu’t walong taong gulang noong biglaan nalang siyang bumagsak na patay sa kanyang bahay. Tumingin ako pababa sa kanya sa kanyang kabaong at ang kanyang mga salita ay dumaan sa aking isipan, “Sa bawat isa’y kanya, Roberto. Sa bawa’t isa’y kanya.” Habang aking isinagawa ang kanyang libing, wala akong maibigay na isang salita ng pag-asa sa kanyang pamilya at mga kaibigan – wala ni isang salita ng pag-asa! Naipangaral ko lamang ang Ebanhelyo doon sa mga naiwanan niya.

Ang unang magnanakaw na iyon ay nakabitin sa krus sa tabi ni Hesus, sinasabi ang mga kalapastangan sa Diyos na mga salitang iyon. Naisip niya na si Hesus ay isa na namang relihiyosong panatiko. Bago bumaba ang araw sa araw na iyon ang taong ito ay napunta sa Impiyerno. Anong nakikita mo kapag tumitingin ka sa Krus ni Kristo?

IV. Pang-apat ang pangalawang magnanakaw ay nakita Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas sa Krus.

Ang taong ito ay nagsasalita laban kay Hesus kasama ng maraming tao sa buong umagang iyon. Ngunit sa hapon isang di pangkaraniwang kadiliman ay dumating sa buong lupain. Narinig niya si Hesus na magdasal para doon sa mga nagpako sa Kanya sa krus.

“At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).

Ang panalangin ni Hesus para doon sa mga pumapatay sa Kanya ay umapekto ng lubos sa puso ng pangalawang magnanakaw. Huminto siya sa paglilibak kay Hesus. Tumitingin sa Tagapagligtas, ang kanyang puso ay natunaw. Hindi pa siya kailan man nakakilala ng kahit sinong nanalangin para sa kanilang mga kaaway upang mapatawad.

“Ama, patawarin mo sila! ang Kanyang panalangin,
Kahit na ang Kanyang dugo ng buhay ay umagos ng mabilis;
Nananalangin para sa mga makasalanan sa ganoon na lamang na pighati –
Wala kundi si Hesus ang umibig ng ganito.
Pinagpalang Tagapagligtas! Mahal na Tagapagligtas!
Mukhang ngayon ay nakikita ko Siya sa puno ng Kalbaryo;
Sugatan at dumurugo, para sa pagmamakaawa ng mga makasalanan –
Bulag at di nagpapapansin – namamatay para sa akin!
   (“Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa “Blessed Redeemer”
      ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).

Ang lahat na alam ng magnanakaw ay ang pagkalupit ng mga tao, ang malambot na pag-ibig ni Hesus para sa kanila, at ang inskripsyon na naka pako sa ibabaw ni Hesus na nagsasabing, “Ito’y ang Hari ng mga Hudio” (Lucas 23:38). Biglaang ang taong ito ay naniwala! Tiyak nakarinig siya ng mga taong pinagagaling at pinanunumbalik ni Hesus. Tiyak na narinig niya ang mga ipinangangaral ni Hesus. Ngayon ito’y lahat nagkaroon ng kahulugan sa kanyang isipan. Ito ay ang Hari ng mga Hudyo! Ito ay ang Mesiyas! Ito ay ang tagapagligtas! Wala siya ng lahat ng mga katunayan. Ngunit ilan sa atin ay mayroong ang lahat ng katunayan tungkol kay Hesus? Alam ko na wala ako ng lahat ng mga katunayan – at ni ang kahit sino pang iba, sa aking opinion. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang mga katunayan ay di sapat.” Mayroong higit na kailangang matutunan tungkol kay Kristo na hindi natin lubos na naiintindihan sa ating maliliit na mga isipan! Ngunit ang magnanakaw na ito ay alam na siya’y isang makasalanan. Naramdaman niya ito sa kanyang puso! Sinabi niya sa di naniniwalang magnanakaw, “Tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama” (Lucas 23:41). Tunay, “ang mga katunayan ay di sapat.” Dito sa tingin ko ang ilan sa ating mga Narepormang mga kapatid ay nagkakamali. Si Dr. Lloyd-Jones ay tama, “Ang mga katunayan ay di sapat.” Kung ika’y naghahanap ng katunayan upang patunayan si Kristo sa iyo, mamamatay ka sa iyong mga kasalanan, at di kailan maliligtas. Malinaw na sinasabi ng Bibliya, “Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid” (Mga Taga Roma 10:10).

Diyan nagkakamali ang maraming mga makabagong mangangaral. Nangangarl sila sa ulo at hindi sa puso. O, Diyos, huwag mo akong hayaan na gawin iyan! Pakiusap Ama, tulungan mo akong mangaral sa kanilang mga puso! “Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid.” Ang kawawang namamatay na magnanakaw ay gayon ipinihit ang kanyang ulo at tumingin kay Hesus – at sinabi niya,

“[Panginoon], alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian” (Lucas 23:42) – [KJV].

Bago nilisan ng mga salitang iyon ang kanyang bibig, ang pangalawang magnanakaw ay naligtas na! Napaka kaunti ang nalalaman niyang doktrina. Wala siyang espesyal na pakiramdam, o patunay na si Hesus ang Panginoon at Tagapagligtas. Ngunit nagtiwala siya kay Hesus, at “ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid.” SIMPLENG NAGTIWALA SIYA KAY HESUS! Iyan lang ang lahat na hininingi ng Diyos!

Sa sandaling ang isang makasalanan ay maniwala,
At magtiwala sa kanyang ipinako sa krus na Diyos,
Ang kanyang pagpapatawad agad-agad niyang natatanggap,
Kaligtasan na buo sa pamamagitan ng Kanyang dugo!
   (“Sa Sandaling ang Isang Makasalanan ay Maniwala.” Isinalin mula sa
      “The Moment a Sinner Believes” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Ang magnanakaw ay naniwala kay Hesus, at naligtas sa isang sandali! Ganyan tayo lahat naliligtas, alam mo ba! Naniwala kami kay Hesus. Naniwala kami sa Kanya. Kami’y naligtas! At sinabi ni Hesus sa magnanakaw na naligtas,

“Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).

Sa pinaka araw na iyon ang magnanakaw ay mamamatay sa krus at magpupunta kasama ni Hesus sa paraiso!

Naligtas sa pamamagitan ng dugo ng Naipako sa krus na Isa!
Ngayon ay naligtas mula sa kasalanan at isang bagong [buhay] ay nagsimula,
Kumanta ng papuri sa Ama at papuri sa Anak,
Ako’y naligtas sa pamamagitan ng dugo ng Naipako sa krus na Isa!
Naligtas! Naligtas! Ang aking mga kasalanan ay napatawad,
Ang aking pagkakasala ay lahat nawala!
Naligtas! Naligtas! Ako’y naligtas sa dugo ng Naipakong Isa!
   (“Naligtas sa Dugo.” Isinalin mula sa “Saved by the Blood”
      ni S. J. Henderson, 1902).

Sa sandaling ika’y maniwala kay Hesus, at magtiwala sa Kanya sa iyong puso, ika’y sa pinaka kaunting maliligtas gaya ng namamatay na magnanakaw – sa krus sa tabi ng Tagapagligtas. Iniligtas ni Hesus ang magnanakaw. Hinugasan ni Hesus ang lahat ng kasalanan ng tao gamit ng Dugo na Kanyang ibinuhos sa Krus sa araw na iyon! At ang Kanyang Dugo ay maaring makuha upang hugasan ang iyong mga kasalanan ngayong umaga! Huwag mo kailan mang paniwalaan ang kahit sinong mangangaral na nagsasabi sa iyo na walang Dugo. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Hindi sapat na magsalita tungkol sa krus at sa kamatayan. Ang pagsubok ay ang ‘dugo!’”

Kung simpleng magtitiwala ka kay Hesus ngayong umaga ika’y malilinisan mula sa lahat ng iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo! Ika’y maliligtas! Ika’y magiging isang tunay na Kristiyano! Ika’y magiging handa para sa Langit! Ika’y magkakaroon ng isang bagong buhay kay Kristo! Magsisi at magtiwala sa Tagapagligtas ngayon!

Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging ligtas at pagiging isang tunay na Kristiyano, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapananalangin tayo at makapag-uusap. Kung ika’y narito sa unang pagkakataon, at mayroong kang katanungan na gusto mong itanong sa akin tungkol sa sermon ito, magpunta sa likuran ng awditoriyum na ito. Ako mismo ay uupo kasama mo at makikipag-usap sa iyo. Magpunta ng madalian. Dr. Chan, pakiusap at manalangin ka na mayroong isang magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mateo 27:35-44.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith: “Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
“Blessed Redeemer” (ni Avis B. Christiansen, 1895-1985).


ANONG NAKIKITA MO KAPAG TINITIGNAN MO ANG KRUS?

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon” (Mateo 27:36).

I.      Una, ang mga saserdote at mga matatanda ay nakita ang isang
kalaban na pinapatay sa Krus, Mateo 27:41-43; Mga Awit 14:1.

II.    Pangalawa, nakita ng mga kawal ang isang damit upang isugal para sa paa ng Krus, Mateo 27:35-36; Marcos 8:36.

III.  Pangatlo, ang isa sa mga magnanakaw na napako kasama ni Kristo ay nakita Siya bilang isang bigo sa Krus.

IV.    Pang-apat ang pangalawang magnanakaw ay nakita
Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas sa Krus,
Lucas 23:34, 38, 41; Mga Taga Roma 10:10; Lucas 23:42, 43.