Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TATLONG MGA HARDIN, NAGSASABI NG KWENTO

THREE GARDENS TELL THE STORY
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-6 ng Abril taon 2014

“Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin” (I Mga Taga Corinto 15:21-22).


Pisikal at espiritwal na pagkamatay ay nagmula kay Adam. Dahil sa kasalanan ni Adam lahat ng mga tao ay ipinapanganak na mga makasalanan. Tayo ay lahat ipinanganak na may katutubong kasalanan. Ngunit dahil sa katuwiran ni Kristo lahat na ligtas sa pamamagitan Niya ay ginagawang makatuwiran at tumatanggap ng walang hanggang buhay. Sa berso apat-na-pu’t lima mababasa natin ang tungkol sa unang Adam at huling Adam. Ang unang Adam ay nagdala ng kasalanan at kamatayan sa lahi ng sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang kasalanan. Ang huling Adam, si Hesu-Kristo, ay nagdala ng kaligtasan at buhay doon sa mga taong nagtiwala sa Kanya sa isang pagbabagong loob na karanasan. Ang kasalanan at ang gamot nito ay malalarawan sa tatlong mga hardin, alin ay mga anyo ng kasalanan at kaligtasan. Hindi na ako maka-isip ng mas maiging paraan na magpakita ng isang malinaw na larawan ng kasalanan at kaligtasan kaysa sa pagtatalakay ng ibig-sabihin ng tatlong mga hardin na ito.

I. Una, pag-isipan natin ng ilang minuto ang tungkol sa Hardin ng Eden.

Itinuturo ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang unang tao. Itinuturo ng Bibliya na mayroong aktwal na tao na inilagay ng Diyos sa Harding ng Eden. “At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang (Genesis 2:8). Ang lalakeng ito ay inilagay sa Hardin ng Eden upang magkaraon ng pamamahala sa buong mundo, at upang alagaan ang Hardin. Siya ay binigyan ng pag-uutos na huwag kainin ang puno ng kaalaman ng mabuti at kasamaan.

“Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:17).

Ngunit si Satanas ay dumating sa Hardin ang tinukso ang tao na kainin ang ipinagbawal na prutas. Kinain niya ito at nagdala ng sumpa sa lahi ng tao. Ang lalake at ang kanyang asawa ay itinaboy mula sa Hardin ng Eden. Ang kapaligiran ng lupa ay bumagsak rin sa ilalim ng sumpa ng Diyos. Ang mundo ay naging isang malupit na lugar para sa lahat ng mga nabubuhay na mga bagay bilang isang direktang resulta ng matinding kasalanan ni Adam sa paglabag sa Diyos. Ang kamatayan ay naipasa mula kay Adam sa buong lahi ng sangkatauhan. Ito’y naipakita sa espiritwal na kamatayan, paglalayo ng damdamin mula sa Diyos, at pagkabulag sa katotohanan, gayon din ang pisikal na kamatayan. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,

Ang buong kwento ng lahi ng tao ay mapagsasama-sama ayon anong nangyari dahil kay Adam…isipin ang lahat ng pahihirap at kalungkutan, ang moral na pagkasira, pagnanakaw, pagpatay, diborsyo, pahihiwalay, ang lahat ng mga bagay na ito. Bakit ito ganito? At bakit ito noon pa ay ganito na? Sinasabi ng kasaysayan sa atin na lagi nang ganito ang disensyo ng mga bagay. Ang mundo ay di naiiba ngayon mula sa kung ano ito noon. Ngunit bakit ganito ito? Sinasagot ng ni Apostol Pablo ang tanong rito [sa Mga Taga Roma 5:12-21]. Sinasabi niya na ito ay lahat bunga mula kay Adam, na ito’y kaugnay lahat sa ginawa ni Adam, at ang ating kaugnayan sa kanya (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Mga Taga Roma – Pagpapaliwanag ng Kapitulo Lima [Romans – Exposition of Chapter Five], The Banner of Truth Trust, 2003, pah. 178).

Ginagawa itong napaka simple ng Bibliya,

“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Mga Taga Roma 5:12).

Kasama ng kamatayan na naipasa sa atin sa pamamagitan ng pagmamana ay pagkapoot, o pagkagalitan at pagkasama ng loob laban sa Diyos,

“Sapagka't ang kaisipan ng laman [di napagbagong loob] ay pakikipagalit laban sa Dios (Mga Taga Roma 8:7).

Ang Adamikong kamatayan ay bumubulag rin sa isipan ng tao sa katotohanan ng Bibliya,

“Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2: 14).

Sinasabi ng Ang Espiritu ng Repormasyong Pag-aaral ng Bibliya [Spirit of the Reformation Study Bible],

Ang narepormang teyolohiyo ay sumasalalay ng lubos sa makasaysayang katotohanan ng pagbagsak sa kasalanan…si Adam ay orihinal na nilikha sa katuwiran ngunit bumagsak sa kalagayan ng kasamaan at paghahatol…Ang salaysay ng pagbagsak ay nagbibigay ng isang nakakukumbinsing makasaysayang paliwanag ng kabuktutan ng tao at ang kasamaan ng kalikasan (Isinalin mula sa Ang Espiritu ng Repormasyong Pag-aaral ng Bibliya [Spirit of the Reformation Study Bible], Zondervan Publishing House, 2003, pah. 14).

Kung gayon masusundan natin ang kasalanan, pagkabulag, at mapagrebeldeng kabuktutan ng lahi ng tao sa teribleng kasamaan ng paglabag ni Adam sa Diyos sa Hardin ng Ede, sa simula ng kasaysayan. Ang Hardin ng Eden ay ang lugar kung saan ang kasalanan ay dumating upang sirain ang lahi ng tao. Matatawag natin itong “ang Hardin ng Kamatayan.”

Ilan sa inyo rito ngayong gabi ay nakikipaglabang mapagbagong loob. Sinasabi mong gusto mong magtiwala kay Kristo, ngunit mukhang hindi mo ito magawa. Anong mali sa iyo? Ika’y nabulag sa pamamagitan ng kasalanan ni Adam, na iyong namana sa iyong gene, na lumason sa iyong kaluluwa! Sinasabi ng Bibliya na ika’y “patay dahil sa mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Hindi mo matututunang maging isang Kristiyano dahil ika’y nalason sa kamatayan! Walang makataong pag-asa para sa iyo dahil sa itim na apdo ng kasalanan sa iyong mga ugat, ang kanser na mikrobiyo na dumating sa iyong dugo mula sa Eden – ang Hardin ng Kamatayan!

O! ika na nakatatakot na halimaw, kasalanan,
Anong sumpa na dinala mo!
Lahat ng nilikha ay dumadaing sa pamamagitan mo,
Ika’y nagsanhi ng lahat ng paghihirap!
Iyong sinira ang nasirang tao
Simula ng ang mundo ay nagsimula.
(“Higit na Pag-usapin Natin ang Dugo ni Hesus.” Isinalin mula sa
“Much We Talk of Jesus’ Blood” ni Joseph Hart, 1712-1768).

II. Pangalawa, pag-usaan natin ang Hardin ng Gethsemani.

Kumain si Hesus ng hapunan ng Paskua kasama ng Kanyang mga Disipolo. Gabing-gabi na noong gabing iyon noong natapos nila ang hapunan. Kumanta sila ng mga himno at lumabas. Sinundan nila sa Hesus sa isang halamanan ng olivo sa gilid ng Bundok ng Olivo. Ang lugar na ito ay tinawag na Hardin ng Gethsemani. Iniwanni Hesus ang walo sa Kanyang mga Disipolo sa gilid ng Hardin. Dinala niya sa Pedro, Santiago at Juan na mas malalim sa kadiliman ng Hardin. Siya na ngayon ay nasa matinding paghihirap “nagkatakang totoo” – “namanglaw ng mainam” (Marcos 14:33, 34) – “namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan” (Lucas 22:42). Tapos Siya’y nanalangin, “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo” (Lucas 22:42). Ano ang “sarong ito”? Karamihan sa mga tagakumento ay nagsabi na ito pagtutukoy sa Kanyang kamatayan sa Krus sa sunod na araw. Ngunit ang pananaw na iyon ay sumasalungat sa Mga Taga Hebreo12:2, na nagsasabi sa atin na si Hesus, “na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan.”

Tinanong ni Spurgeon, “Anong sanhi ng di pangkaraniwang pighati sa Gethsemani?” Sinabi niya na ito’y di nanggaling mula sa katawang sakit. Sinabi niya na hindi ito nagmula sa takot ng pakakakutya at pagpapako sa krus sa sunod na araw. Itinuro niya na maraming mga martir ay nagpuntang nagagalak sa kanilang kamatayan. Sinabi niya, “Ang ating Panginoon ay huwag dapat pag-isipan na mas mababa sa [mga martir], hindi maari na siya’y manginig sa kung saan sila’y matapang.” Sinabi niya rin na ang paghihirap ni Kristo sa Hardin ay ito: “kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:6). “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).

Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski, “Ang pighati sa Gethsemani ay laging mananatiling puno ng misteryo para sa atin…ang kasalanan ng mundo ay tiyak na tinanggap ni Hesus sa kanyang buong buhay, ngunit dito sa Gethsemani ang pinakamataas na sandali ng pagtatanggap na iyon ay dumating” (Isinalin mula kay . C. H. Lenski, Ph.D., Ang Interpretasyon ng Ebanghelyo ni San Lucas [The Interpretation of St. Luke’s Gospel], Augsburg Publishing House, 1946, pah. 1074).

Naniniwala ako na kinuha ni Hesus ang ating mga kasalanan sa Sarili Niya sa Hardin ng Gethsemani. At muntik Siyang patayin nito – dahil “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.” Nadurog sa loob at labas dahil sa ating mga kasalanan,

“Ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Kinuha Niya ang ating mga kasalanan mula sa Gethsemani hanggang sa Krus, at nagbayad para sa mga ito doon sa sunod na araw.

Sandali! Hindi ito isang Mormon na doktrina! Ang ilan sa inyo ay maaring nalalman na itinuturo ng mga Mormon na ang Dugo na ibinuhos Niya sa Gethsemani ay nagpapagtawad sa atin. Sinabi ni Bruce McConkie, isang Mormon na teyolohiyano, “Ang pagpapatawad ay makukuha dahil si Kristo ang Panginoon ay nagbuhos ng matitinding patak ng dugo sa Gethsemani” (Isinalin mula kay Bruce R. McConkie, Ang Ipinangakong Mesiyas [The Promised Messiah], Deseret Book Company, 1978, pah. 337). Ngunit hindi iyan ang sinabi ko! Ang sinabi ko na naniniwala ako na kinuha ni Hesus ang ating mga kasalanan sa Sarili Niya mula sa Gethsemani hanggang sa Krus, at nagbayad para sa mga ito doon. Iyan ang unang punto ng Ebanghelyo “si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3). Sinasabi ng Bibliya na si Kristo ay “[nakipagpayapa] sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus” (Mga Taga Colosas 1:20) – hindi sa pamamagitan ng madugong pawis sa Hardin! Ang ating kaligtasan ay dumarating sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo na ibinihos sa Krus, hindi sa Dugo na lumabas sa Kanyang mga daliri noong nahiwa Niya ito – hindi mula sa sa magudong pawis sa Hardin. Ang Dugo lamang na Kanyang ibinuhos sa Krus ang makalilinis sa atin mula sa kasalanan! Kung gayon, ang aking posisyon ay parehas sa posisyon ni Spugeon, ang narepormang teyolohiyanong si Dr. J. Oliver Buswell, at si Dr. John R. Rice. I-klik ito upang basahin ang isinulat ni Dr. Buswell at Dr. Rice sa Gethsemani. Ang mga sipi ay nasa aking pangaral, “Ang Sindak ng Gethsemani.”

Ito ba ay isang panaon na ang kasalanan ng tao ay nagsimula sa isang Hardin, at kinuha ni Kristo ang ating mga kasalanan sa Kanyang Sarili sa isa pang Hardin? Maari ito – gayon man nagtaka si Spurgeon patungkol rito. Sinabi niya,

Naway hindi natin maisip na gaya ng sa hardin, ang pagpapalayaw ng sarili ni Adam ay sumira sa atin, gayon din sa isa pang hardin ang mga pighati ng pangalawang Adam ay magpapanumbalik sa atin? Ang Gethsemani ay nagbibigay ng gamot para sa mga sakit na sumunod sa ipinagbabawal na prutas ng Eden (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Pighati ng Gethsemani” Isinalin mula sa “The Agony in Gethsemane,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, kabuuan XX, Pilgrim Publications, 1971, pah. 589).

Ngunit dinadala tayo nito sa pangatlong hardin, ang tatlo sa kanilang magkakasama ay naglalarawan sa pagbagsak ng sangkatauhan at ang panunumbalik ni Kristo Hesus.

III. Pangatlo, tayo’y magtapos sa pag-iisip ng hardin na naglaman ng libingan ng Tagapagligtas.

“Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing. Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan; at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman. Doon nga, dahil sa Paghahanda ng mga Judio (sapagka't malapit ang libingan) ay kanilang inilagay si Jesus” (Juan 19:40-42).

Ang katawan ni Hesus ay inilagay sa libingang ito sa hardin na nakakabit sa Kalbaryo, kung saan Siya ay ipinako sa krus. Isinara nila ang bukasan ng libingan gamit ng isang malaking bato, at sinelyuhan ito gamit ng isang Romanong selyo. Naglagay sila ng mga bantay upang bantayan ito sa gabi.

Mas maaga ng umaga ng Linggo si Maria Magdalena at isa pang Maria ay nagpunta sa harding libingan na may mga pabango, upang iembalsamo ang katawan. Habang sila’y papalapit mayroong isang marahas na lindol. Isang anghel ang bumaba at inirolyo ang bato mula sa bukasan ng libingan. Sinabi niya sa dalawang babae,

“Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon” (Mateo 28:5-6).

Habang sila’y papunta upang sabihan ang mga Disipolo, sinalubong sila ni Hesus. “sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba” (Mateo 28:9). Sinabi niya na dapat silang magpunta at sabihan ang mga Disipolo.

Ang muling pagkabuhay ni Hesus mula sa pagkamatay ay isa sa dalawang pinaka mahalagang doktrina ng Kristiyanismo. Ang Kanyang kamatayan bilang kabayaran para sa ating mga kasalanan, at ang Kanyang sa katawang muling pagkbuhay upang bigyan tayo ng buhay ay ang dalawang bahagi ng Ebanghelyo. Ang salitang “Ebanghelyo” ay nangangahulugang “mabuting balita.” Ito’y mabuting balita upang malaman na si Hesus ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay “ikaaaring-ganap natin” (Mga Taga Roma 4:25). Ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay ay nagdala ng pagkakaaring-ganap at buhay doon sa mga magkakaugnay sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang bumangong si Hesus ay nagliligtas doon sa mga nagpupunta sa Kanya mula sa sumpa ng kasalanan, at walang hanggang pagkahamak.

“Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam [si Kristo] ay naging espiritung nagbibigay buhay” (I Mga Taga Corinto 15:45).

Ang unang Adam ay naglubog sa lahi ng tao sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang pagsuway sa Diyos. Ang huling Adam, si Kristo, ay dumating upang mapawalang say-say ang sumpa ng kasalanan at bigyan tayo ng buhay. Gaya ng paglagay ni Spurgeon, “Naway hindi natin isipin na gaya nang sa hardin ang [kasalanan] ni Adam ay sumira sa atin, sa isa pang hardin ang [huling] ipinanumbalik tayo ni Adam” (isinalin mula sa ibid). At si Kristo, ang huling Adam, ay bumangon mula sa kamatayan sa ikatlong hardin – mula sa hardin ng libingan.

“Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin” (I Mga Taga Corinto 15:21-22).

Nariyan ay isang pangkalahatang ideya ng mga doktrina ng kasalanan at kaglitasan, ibinigay sa atin sa anyo noong tatlong mga hardin na iyon – ang hardin ng kasalanan, ang hardin ng paghihirap, at hardin ng bagong buhay!

Ito’y isang maganda at tunay na teyolohiya. Ngunit anong kinalaman nito sa iyo? Wala kung ika’y di naipanganak muli. Ika’y mabubuhay at mamamatay, at mapupunta sa Impiyerno. At ang mga salitang ito na aking ibinigay sa iyo mula sa Bibliya ay mamamali sa iyo, magpapahirap sa iyo, sa buong walang hanggang. Panalangin ko na hindi iyan mangyayari sa iyo. Hindi ito mangyayari sa iyo kung itatapon mo ang iyong sarili kay Hesus, at magtiwala sa Kanya sa iyong puso.

Isipin kung anong dakilang bagay ang ginawa ni Hesus noong bumaba Siya mula sa Langit upang magdusa, magdugo at mamatay upang iligtas ka mula sa iyong kasalanan. Hihinto ka na bang isipin ang iyong sarili at pag-isipan lamang Siya? Hihinto ka bang suriin ang iyong sarili at tumingin sa labas ng iyong sarili kay Hesus? Magtitiwala ka ba sa Kanya at hindi ang iyong sariling isipan at iyong sariling pakiramdam? Tama ang lumang himno noong sinabi nitong, “Mayroong ilaw para sa isang tingin sa Tagapagligtas.”

O kaluluwa, ikaw ba’y nangangamba at naguguluhan?
Walang ilaw sa kadiliman na ika’y nakikita?
Mayroong ilaw para sa isang tingin sa Tagapagligtas,
At buhay na mas masagana at malaya!
Ipihit ang iyong mga mata kay Hesus,
Tumingin ng buo sa Kanyang nakamamanghang mukha;
At ang [iyong mga takot at pagdududa] ay magiging di pangkaraniwang madilim,
Sa ilaw ng Kanyang luwalhati at biyaya.
   (“Ipihit ang Iyong mga Mata kay Hesus.” Isinalin mula sa
      “Turn Your Eyes Upon Jesus” ni Helen H. Lemmel, 1863-1961;
      binago ni Dr. Hymers).

Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagkakaligtas ni Hesus, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum na ito ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan tayo’y makapananalangin at makapag-uusap. Dr. Chan, manalangin para sa isang taong tumingin kay Hesus at maligtas ngayong gabi. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 22:39-44.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith: “Ipihit Ang Iyong Mga Mata Kay Hesus.” Isinalin mula kay
“Turn Your Eyes Upon Jesus” (ni Helen H. Lemmel, 1863-1961; binago ng Pastor).


ANG BALANGKAS NG

ANG TATLONG MGA HARDIN, NAGSASABI NG KWENTO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin” (I Mga Taga Corinto 15:21-22).

I.   Una, pag-isipan natin ng ilang minuto ang tungkol sa Hardin ng Eden,
Genesis 2:8, 17; Mga Taga Roma 5:12; 8:7;
I Mga Taga Corinto 2:14; Mga Taga Efeso 2:5.

II.  Pangalawa, pag-usaan natin ang Hardin ng Gethsemani,
Marcos 14:33, 34; Lucas 22:42; Mga Taga Hebreo 12:2;
Isaias 53:10, 6; Lucas 22:44; I Mga Taga Corinto 15:3;
Mga Taga Colosas 1:20.

III. Pangatlo, tayo’y magtapos sa pag-iisip ng hardin na
naglaman ng libingan ng Tagapagligtas, Juan 19:40-42;
Mateo 28:5-6, 9; Mga Taga Roma 4:25; I Mga Taga Corinto 15:45.