Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG KAHIHIYAN NG TAPAGLIGTASTHE SAVIOUR’S SHAME ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios” (Mga Hebreo 12:2). |
Ang pangaral na ito ay hinango mula sa isang punto lamang ng isang tatlong puntong pangaral ni Spurgeon, “ang Prinsipe ng mga Mangangaral.” Naway papalain ka nito!
Lagi kong ipinagtataka kung bakit ang karamihan sa mga makabagong mangangaral ay hindi nagsasalita tungkol sa pagdurusa ni Kristo sa mga Linggong nauuna bago ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Nagpapatuloy sila sa kanilang mga pagpapaliwanag at mga patulong sa sariling mga pananalita hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay. Tapos, biglaan nalang, sila’y nagsasalita tungkol sa pagbangon ni Hesus mula sa libingan!
Ipinunto ni Dr. Michael Horton na maraming mga ebanghelikal na mga pastor ay hindi pa nga ngangaral ng muling pagbuhay ni Hesus sa Pasko ng Muling Pagkabuhay! Nagsalita siya tungkol sa isang liberal na teyolohiyano na bumibisita sa isang malaking ebanghelikal na simbahan. Akala niya madidinig niya ang Ebanghelyo. Imbes ay nakarinig siya ng isang pangaral sa “kung paano nagbibigay si Hesus ng lakas upang madaig ang ating mga kahadlangan.” Tapos si Dr. Horton ay nagsalita tungkol sa isang liberal na Metodistang teyolohiyano na nagpunta sa isa pang “naniniwala sa Bibliyang” simbahan kung saan “ang pangaral ay tungkol sa kung paano na daig ni Hesus ang kanyang mga dagok ganoon din tayo.” Ang Metodistang propesor ay umalis na nagsasbi na ang karanasan ay kumumpirma na ang kanyang kaisipan na ang mga mananampalataya ng Bibliya ay parehong malamang na magsalita tungkol sa “popular na psikolohiya, politiko, o moralismo imbes ng ebanghelyo” (Isinalin mula kay Michael Horton, Ph.D., Walang Kristong Kristiyanismo: Ang Alternatibong Ebanghelyo ng Amerikanong Simbahan [Christless Christianity: The Alternative Gospel of the American Church, Baker Books, 2008, mga pahina 29, 30).
Ngayon mayroong napaka kaunting pangangaral sa pagdurusa at kamatayan ni Kristo. Ang pangunahing dahilan ay na iniisip ng mga mangangaral na ang lahat na nagpupunta sa kanilang simbahan ay isang Kristiyano na – at kung gayon hindi kailangan marinig ang tungkol sa pasyon ni Kristo. Iyan ang parehong pagkakamali na kinahulugan ng mga Alemang mga simbahan sa maagang ika-labing siyam na siglo. Sinabi ni Lewis O. Brastow na ang pangagnaral sa Alemanya sa panahong iyon ay naging mali sa pamamagitan ng pag-iisip na ang lahat na nagpupunta sa kanilang mga simbahan ay ligtas. Sinabi ni Dr. Brastow, “Ang isang nabinyagang kongregasyon ay ipinapalagay naisang Kristiyanong kongregasyon at dapat ay tratuhing na ganoon…ito sa isang bahagi ay nagpapaliwanag umuugnay na kawalan ng bias ng Alemang pangangaral” (Isinalin mula sa Kumakatawang Makabagong mga Mangangaral [Representative Modern Preachers], Macmillan, 1904, p. 11). Karamihan sa mga Bautistang mangangaral ngayon ay nagpapalagay na ang kanilang mga miyembro ay mga Kristiyano na, kaya walang pangangailangang mangaral sa pagdurusa at kamatayan ni KRisto. Tiyak ako na ito’y nagbunga ng mga napaka hinang berso kada bersong istilo ng pangangaral sa ating mga simbahan.
Gayon din isipin na ang mga ligtas ng mga tao ay kailangang marinig ang pagdurusa ni Kristo. Sinabi ni Apostol Pedro,
“Si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21).
Maraming mga tao sa ating mga simbahan ay hindi handang dumaan sa kahit anong pagdurusa ngayon. Hindi pa nga sila nagpupunta sa isang Linggong gabing paglilingkod o isang gitna ng linggong pagpupulong na panalangin. Isang dahilan ay ang katunayan na hindi sila napaalalahanan ng matinding pagdurusa ni Kristo – na sinabi ni Aspotol Pedro ay “isang halimbawa, upang [sila’y] mangagisunod sa mga hakbang niya.” Tayo ay maari lamang maging malalakas na mga disipolo sa pamamagitan ng pagdaraan sa pagdurusa para kay Kristo, gaya ng sinasabi sa atin sa Mga Taga Roma 5:3-5. Dinadala tayo nito pabalik sa ating teksto, na nagsasabi sa atin ng tungkol sa pagdurusa at kahihiyan na pinagdaanan ni Kristo upang iligtas tayo,
“Na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios” (Mga Hebreo 12:2).
Iaangat ko ang mga salitang iyon, “niwawalang bahala ang kahihiyan” ngayong umaga. Ang Griyegong salitang isinalin na “niwawalang bahala” ay nangangahulugan na “binabale wala” o “hindi pinahahalagahan.” Sinasabi sa atin ni Ellicot, “Ang literal na ibig sabihin ay lubos na ipinapipilit, tiniis ang isang krus, niwawalang bahala ang kahihiyan; ang kahihiyan ng ganoong uri na pagkamatay ay inilalagay laban sa galak na naghihintay sa kanya” (Isinalin mula kay Charles John Ellicott, tagapatnugot, Kumentaryo ni Ellicott sa Buong Bibliya [Ellicott’s Commentary on the Whole Bible], kab. VIII, Zondervan Publishing House, n.d., p. 336; sulat sa Mga Hebreo 12:2).
Layunin ko ngayong gabi na ipakita sa iyo ang pagdurusa ni Hesus sa kahihiyan. Anong teribleng bagay na si Hesus ay dapat dumaan sa higit na kahihiyan sa araw na nagdusa Siya upang iligtas tayo! Naintindihan ni Joseph Hart ito. Sinabi niya,
Tignan kung gaano ka tiyaga ni Hesus na tumatayo,
Nainsulto sa teribleng lugar na ito!
Ginapos ng mga makasalanan ang Makapangyarihang mga kamay,
At dumura sa mukha ng kanilang Tagapagligtas.
(“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa “His Passion”
ni Joseph Hart, 1712-1768; binago ng Pastor).
Para sa ating kabutihan, para sa ating kaligtasan, si Hesus ay inilagay sa kahihiyan sa apat na mga paraan.
I. Una, isipin ang mga nakahihiyang akusasyon laban kay Hesus.
Wala Siyang alam na kasalanan. Wala Siyang maling ginawa. Pati si Pilato , ang Romanong gobernador na nagpapako sa Kanya sa krus, ay nagsabi nito. Sinabi ni Pilato sa Kanyang mga taga-akusa, “Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito” (Lucas 23:4). “Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya” (Juan 18:38). Gayon si Hesus ay isinakdal ng kasalanan ng pinaka malubhang uri. Siya ay kinondena ng Sanhedrin ng kasalanan ng kapalastangan sa Diyos. Maari ba Niyang malapastangan ang Diyos? Siyang sumigaw sa Diyos habang Siya’y magpawis ng madugong pawis, “Ama…huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo” (Lucas 22:42). Hindi, si hindi kailan man nilapastangan ni Hesus ang Kanyang Ama, Diyos. At ito’y labag na labag sa Kanyang karakter na nahiya naramdaman Niya ang nakahihiyang kirot ng akusasyong ito.
Tapos ay inakusa nila Siya ng pagtataksil. Sinabi nila na Siya ay isang taidor, na labag sa Romanong emperor. Sinabi nila na pinakilos niya ang mga tao at sinabi sa kanila na Siya’y isang hari. Siyempre Siya ay lubos na inosente. Noong sinubukan ng mga taong puwersahin Siya upang maging kanilang hari, iniwanan Niya sila at nagpunta sa kaparangan upang manalangin. Sinabi Niya kay Pilato, “Ang kaharian ko ay hindi sa sanglibutang ito” (Juan 18:36). Hindi Siya kailan man mamumuno ng isang rebelyon laban sa gobyerno. Gayon man inakusa nila Siya nito.
II. Pangalawa, isipin ang nakahihiyang pangungutya na tiniis ni Hesus.
Dumaan rin siya sa nakahihiyang pangungutya. Siya ay hinubaran ng mga kawal. Ang kanyang katawan ay hinubaran ng dalawang beses. Kahit na ipinipinta Siya ng mga pintor na may bahag sa Krus, Siya talaga ay hubot-hubad. Wala Siyang kahit ano upang itago ang Kanyang hubad na katawan mula sa mga tumititig na mga mata at kumukutyang mga bibig ng malupit na masa. Nagsugal sila para sa Kanyang damit habang wala Siyang kahit anong magtakip ng Kanyang kahubaran sa Krus.
Kinutya rin nila ang Kanyang pagkalikas na Anak ng Diyos. Sinabi nila, “Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus” (Mateo 27:40). Nagsisigaw sila sa Kanya,
“Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios. At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus” (Mateo 27:43-44).
Wala Siyang sinabi habang kanila Siyang kinutyang lubos na nakahihiya – dahil Kanyang “nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan” (Mga Hebreo 12:2).
Muli, kinutya nila Siya at tinawanan Siyang nakahihiya bilang hari ng Israel. Siya ay ang kanilang hari, ngunit siya’y kanilang kinasuklaman, tinawanan Siya, at inilagay Siya sa kahihiyan. Siya ang Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon. Maari Niyang tinawag ang libo-libong mga naghihiganting anghel upang puksain silang lahat. Maari Siyang sumigaw at ang lupa sa ilalim ng Kanyang paa ay maaring bumukas, at maari silang malamong “buhay sa Sheol” kasama ni Kora, na nagsalita laban kay Moses, habang sila’y nagsalita laban kay Kristo (Mga Bilang 16:33). Maari Siyang tumawag ng apoy mula sa langit at sumunog sa kanilang buhay, gaya ng ginawa ni Elija sa mga kawal ni Haring Ahab (II Mga Hari 1:9-10). “Gayon man… hindi nagbuka ng kaniyang bibig” sa Kanyang sariling depensa (Isaias 53:7).
Kinutya nila Siyang nakahihiya bilang isang propeta. Ipiniring nila ang Kanyang mga mata. Tapos pinalo binugbog sa Mukha gamit ng kanilang mga kamao, at nagsabi, “Na nangagsasabi, Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog?” (Mateo 26:68). Iniibig natin ang mga propeta ngayon. Napaliligaya ni Isaias ang ating mga puso gamit ng kanyang malilinaw na mga propesiya ni Kristo, at ang kanyang malalalim na mga kaisipan sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa. Lubos na nakapandurusa na ating maramdaman na maisip si Hesus na propeta!
Ngunit Siya rin ay nagdusa ng pangungutya bilang ating saserdote. Si Hesus ay nagpunta sa mundo upang ating saserdote at mag-alay ng isang alay. Ngunit kinutya nila ang Kanyang pagka-saserdote rin. Ang lahat ng kaligtasan ay nasa mga kamay ng saserdote. Ngunit sinasabi nila sa Kanya, “Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.” Siya ang dakilang Mataas na Saserdote. Nakatatakot na Siya’y magdusa ng kanilang walang pusong pangungutya! Gayon tiniis Niya ang krus, “na niwalang bahala ang kahihiyan” (Mga Taga Hebreo 12:2).
III. Pangatlo, isipin ang kahihiyan ng pamamalo at pagpapako sa krus na Kanyang pinagdusahan.
Siya’y kinutya ng mas higit sa pamamagitan ng pagkakapalo. Marami sa maaagang ama ng simbahan ay nagbibigay ng nakatatakot na paglalarawan ng pamamalo kay Kristo. Ang sinabi man nila ay base sa katunayan o hindi natin masabi. Ngunit ang Kanyang pamamalo ay maaring lubos na nakatatakot, dahil sinabi ng propeta,
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Kinalangan na ito’y nakatatakot na pamamalo sa Kanyang likuran – dahil tinawag ito ng propetang “pagsusugat,” “pagbubugbog,” “kaparusahan,” at “mga latay.” At bawat pagkakataon na ang hampas ay humiwa sa Kanyang likuran ng mabibigat na hampas, ang nagpapahirap ay tumawa na mala-impiyernong tawa. Bawat beses na ang Kanyang Dugo ay tumilamsik mula sa Kanyang preskong mga sugat, ang laman ay napunit mula sa kanyang mga tadyang, mayroong nakahihiyang pangungutya at panlilibak at pagtatawanan upang gawing mas malubha ang Kanyang sakit. Gayon man para sa ating kabutihan, at para sa ating kaligtasan, iwinalang bahala Niya ang kahihiyan!
At tapos Siya’y nagppunta sa Krus. Ipinako nila Siya rito. Sa kanilang Satanikong kabasingan nagpatuloy nilang libakin at tawanan ang Kanyang mga pagdurusa! Ang mataas na mga saserdote at mga eskribe ay umupo at pinanood Siyang mamilipit sa Krus. Nakikita ko silang nagsasabing, “hindi na Siya kailan man mapalilimpunan ng karamihan!” “Ha, ha, ha, ang mga kamay na iyan na humawak sa mga leproso at nagpagaling sa kanila, at nagpabangon sa kanila sa kamatayan, ay hindi na kailan man gagawin ito muli!” Kinutya nila Siya. At sa wakas, noong sinabi Niyang, “Nauuhaw ako,” binigayan nila Siya ng maasim na suka upang inumin – kinukutya pati ang kanyang tigang na bibig at namamagang dila!
Tignan kung gaano ka tiyaga ni Hesus na tumatayo,
Nainsulto sa teribleng lugar na ito!
Ginapos ng mga makasalanan ang
Makapangyarihang mga kamay,
At dumura sa mukha ng kanilang Tagapagligtas.
Na may mga tinik sa Kanyang mga tagiliran ng Kanyang
Mga mata nadanakan ng dugo at malalim na nahiwa,
Nagpapadala ng mga agos ng dugo mula sa bawat bahagi;
Ang Kanyang likuran na may mabigat na
Paghahampas ay nalatigo,
Ngunit mas matalim na mga paghahampas
Ang pumunit sa Kanyang puso.
Ang krus! Ang krus! Kapag nadirinig natin ang mga salitang iyan ngayon hindi ito nagbibigay sa atin ng mga pag-iisip ng kahihiyan. Ngunit sa panahon ni Kristo ang krus ay nakita bilang ang pinaka katakot-takot at nakagugulat sa lahat ng mga kaparusahan. Ang nakatatakot na paraan ng pagpapako sa krus ay nareserba lamang para sa pinaka malubhang mga kriminal. Ginawa ng krus ang kamatayan na parehong nakatatakot at masakit na matindi. Ang pagpapako sa krus ay para sa mga pinaka masamang tao – isang mamamatay tao, isang manghihimagsik. Ito’y isang napaka haba, at napaka sakit na paraan upang mamatay. Sa lahat ng mga instrument ng pagpapahirap sa paganong Romanong mundo, walang kasing lupit ng pagpapako sa krus. Hindi natin lubos na maiintindihan kung gaano nakahihiya ang mamatay sa isang krus. Ngunit alam ng mga Hudyo ito at alam ng mga Romano ito. At alam ni Kristo ito’y isang nakahihiywang bagay na mahubaran at mapako sa krus. At ang pagpapako sa krus ni Hesus ay mas malubha kaysa sa iba. Kinailangan Niyang buhatin ang Kanyang sariling krus sa mga kalye. Siya ay ipinako sa pagitan ng dalawang magnanakaw, na ang ibig sabihin nito ay na Siya ay kasing sama ng isang karaniwang kriminal. Ginawa nito ang Kanyang kamatayan na mas nakahihiya. Ngunit Kanyang iwinalang bahala ang kahihiyan at tiniis ang krus – para sa iyong kaligtasan, at bilang ating halimbawa!
IV. Pang-apat, lumapit tayong mas malapit sa krus ni Hesus, at tignan pang higit ang mga kahihiyan nito.
Ang krus! Ang krus! Napupuno ang iyong puso ng magluluksa sa pinaka alaala nito! Ang magaspang na kahoy ay naipatong sa lupa. Si Kristo ay itinapon sa Kanyang likuran. Apat na mga kawal ang humawak sa Kanyang mga kamay at paa at nagpako ng mga pako sa laman. Nagsimula Siyang magdugo. Siya’y itinaas sa ere. Ang dulo ng krus ay isinalpok sa butas na hinukay nila para rito. Ang Kanyang mga kamay ay inialis sa lugar. Ang bawat buto ay hinatak palabas ng kasukasuan gamit ng biyolenteng kalabog. Bumitin Siya doon sa nakahubad na kahihiyan, tinitignan ng matinding masa na nakapulong. Ang umaapoy na araw ay sumisinag na mainit sa Kanyang laman. Isang lagnat ang nagsimulang sumunog sa Kanyang katawan. Ang Kanyang dila ay natutuyo at dumidikit sa itaas ng Kanyang bunganga. Ang sakit ay napaka sakit na ito’y halos di katiis-tiis.
Malubha pa sa lahat ng iyan, nawala Niya ang bagay na nagbibigay sa mga martir ng lakas. Nawala Niya ang pagdadalo ng Diyos. Ngayon ay ginagawa Siyang pagsusuyo para sa ating kasalanan. Ngayon ang Ama ay “nalugod…na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: [ginawa niya] ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10). Narito si Hesus – inabandona ng Diyos at iniwanan ng Kanyang mga kaibigan!
Naipako sa sinumpang kahoy,
Nailantad sa lupa at langit sa itaas,
Isang palabas ng mga sugat at dugo,
Isang malungkot na pagpapakita ng nasugatang pag-ibig.
Tigan! Kung gaano nakatatakot ang Kanyang teribleng sigaw!
Naapektuhang mga anghel, habang kanilang pinanonood;
Iniwanan Siya ng Kanyang mga kaibigan sa gabi,
At ngayon iniwanan Siya rin ng Kanyang Diyos!
Narito si Hesus mag-isa. Ang Kanyang mga Disipolo ay nagsitakas sa takot. Pinarusahan Siya ng Diyos at tinalikuran. Si Hesus ay naiwanang mag-isa upang tapakan sa pigaan ng alak, at upang isawsaw ang Kanayang damit sa Kanyang sariling Dugo! Para sa ating kabutihan at para sa ating kaligtasan, Siya ay nabugbog, nadurog, nasira, ang Kanyang kaluluwa ay ginawang nagdurusa hanggang sa kamatayan.
Sa mga lumang panahon ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagsisiluha kapag si Hesus ay inilalarawan ng ganito. Minsan sumisigaw pa sila ng napaka lakas sa paglilingkod. Ngunit nakababasa na lamang tayo patungkol rito sa aklat ng kasaysayan ngayon. Ang inyon henerasyon, dahil na sa pagkakapanood ng libo-libong mga patayan sa telebisyon, ay hindi makapagbuhos ng isang luha. Ang inyong henerasyon, basang-basa sa dugo ng limam-pu’t limang milyong mga inilaglag na mga sanggol, ay makabibigay ng lamang ng isang walang lamang titig! Kung iyo ay isang normal na henerasyon, madarama mo ang matinding paghihirap sa iyon puso na si Hesus ay dumaan sa lahat ng iyan upan iligtas ang iyong kasalanan.
Isipin aking mga kaibigan na si Hesus ay dumaan sa lahat ng sakit na ito at lahat ng kahihiyan na ito para sa iyo, para sa iyong kaligtasan at bilang iyong halimbawa. Tiniis Niya ang krus, iwinawalang bahala ang kahihiyan para sa iyo.
“Na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:8-9).
Tumayo at kantahin ang huling kanta sa inyong kantahang papel.
Kapag aking tinitignan ang nakamamanghang krus,
Kung saan ang Prinsipe ng luwalhati ay namtay,
Ang aking kayamanan nakuha ngunit nawala,
At nagbuhos ng galit sa lahat ng aking pagyayabang.
Pagbawalan ito, Panginoon na ako’y magyabang,
Maliban na lang sa kamatayan ni Kristo, aking Diyos;
Ang lahat ng walang kabuluhang mga bagay na umaakit sa aking higit,
Inaalay ko ang mga ito sa Kanyang dugo.
Tignan, mula sa Kanyan ulo, Kanyang mga kamay, Kanyang mga paa,
Pagdurusa at pag-ibig umaagos pababa na magkasama;
Ang ganoong uri ban g pag-ibig at pagdurusa ay kailan man nagsama,
O mga tinik na nagsasama-sama na napaka yamang isang korona?
Kung saan ang buong kaharian ng aking kalikasan,
Na isang regalong lubos na maliit;
Pag-ibig na lubos na nakamamangha, napaka banal,
Humihingi ng aking kaluluwa, ng aking buhay, ng aking lahat.
(“Kapag Aking Tinitignan ang Nakamamanghang Krus” Isinalin mula kay
“When I Survey the Wondrous Cross” ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme:
Mateo 26:59-68.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa
“His Passion” (ni Joseph Hart, 1712-1768).
ANG BALANGKAS NG ANG KAHIHIYAN NG TAPAGLIGTASni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios” (Mga Hebreo 12:2). (I Ni Pedro 2:21) I. Una, isipin ang mga nakahihiyang akusasyon laban kay Hesus, II. Pangalawa, isipin ang nakahihiyang pangungutya na tiniis ni Hesus, III. Pangatlo, isipin ang kahihiyan ng pamamalo at pagpapako sa krus na IV. Pang-apat, lumapit tayong mas malapit sa krus ni Hesus, at tignan |