Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG KILABOT NG GETHSEMANETHE HORROR OF GETHSEMANE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Hebreo 5:7). |
Sa gabi bago namatay si Hesus sa Krus dinala Niya ang Kanyang mga Disipolo sa kadiliman ng Hardin ng Gethsemani. Ito’y gabing gabi na, at siguro ay madaling araw na. Iniwan ni Hesus ang walo sa Kanyang mga Disipolo sa dulo ng Hardin. Dinala Niya si Pedro at Santiago at Juan na mas malalim sa Gethsemane. Siya’y “nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam” (Marcos 14:33). Sinabi Niya doon sa tatlong mga Disipolo, “Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa” (Marcos 14:34). Humakbang Siya ng ilang hakbang at bumagsak sa lupa. Nanalangin Siya sa lubos na paghihirap na kung posible ay “makalampas sa kaniya ang oras” (Marcos 14:35). Naniniwala ako na sa buong oras ng panalangin sa Hardin ng Gethsemane ay mga halos isang oras – dahil sinabi sa kanila ni Hesus, noong nahanap nila Siya natutulog, “Hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?” (Mateo 26:40).
Mayroong isang teribleng bagay na nangyari kay Hesus – sa madaling araw sa Hardin na iyon ng Gethsemane. Sinabi ni Hesus, “Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan” (Mateo 26:38). Ang Griyegong salitang “perilupos” ay nangangahulugang “napaligiran ng pagdurusa.” Masasabi Niya kasama ng Salmista, “ang mga sakit ng [impiyerno] ay nagsihawak sa akin” (Mga Awit 116:3). Ang mga alon at mga gumugulong na mga alon ng pagdurusa ay napunta sa ibabawNiya. Sa ibabaw NIya, sa ilalim Niya, sa paligid Niya, sa labas Niya, at sa loob Niya – lahat ay pagdurusa – kahit hanggang sa kamatayan – ganoon na lamang pagdurusa na muntik na Siyang patayin nito! Walang pagtakas mula sa sakit! Walang pighati ang maaring naging mas malubha pa rito! Siya ay napaka napiga ng kilabot nito na “ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Oo, sinasabi ng Bibliya sa atin na si Hesus ay “isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53:3). Ngunit ayaw Niyang lumakad-lakad na palaging mayroong mahaba at malungkot na mukha. Alam Niya ang pighati. Alam Niya ang pagdurusa. Ngunit higit sa panahon si Hesus ay isang mapayapa, maligayang tao. Nagpunta Siya sa maraming mga pista na ang mga Fariseo ay nagreklamo at nagsabi, “Kumakain Siya kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan” (Mateo 11:19, atb., atb.).
Ngunit sa Gethsemani ang lahat ay nabago. Ang Kanyang payapa ay nawala. Ang Kanyang ligaya ay naging gumigiling na pighati. “Perilupos” – napaligiran ng pagdurusa; napigang kalahating hanggang sa kamatayan nito!
Si Hesus ay hindi halos nagsabi ng isang salita tungkol sa pagdurusa o depresyon sa kanyang buong buhay. Ngunit ngayon, sa Hardin, ang lahat ay nagbago. Sumigaw Siya sa Diyos, “kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito” (Mateo 26:39). Hindi Siya kailan man nagreklamo noon. Ngunit ngayon “nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Bakit? Bakit? Hesus anong nagsasanhi ng iyong pagdurusa?
Sinabi ni Dr. John Gill ito’y dahil si Satanas ay dumating sa Hardin. Sa ating panahon si Mel Gibson, sa kanyang pelikula “Ang Pasyon ni Kristo,” ay itinanghal si Satanas na nagpupunta sa Gethsemane bilang isang ahas, upang pagpahirapan si Hesus sa kadiliman. Ngunit wala ang mga iyan sa Bibliya. Ang ilang mga tao ay isinisipi ang Lucas 22:53, noong sinabi ni Hesus sa mga sundalo na dumating sa Hardin upang arestuhin Siya, “ito ang inyong oras, at ang kapangyarihan ng kadiliman” (Lucas 22:53). Tama silang sabihin na ito’y tumutukoy kay Satanas. Ngunit pansinin na sinabi ito ni Kristo sa mga sundalong nagsidating upang dakipin Siya pagkatapos ng Kanyang kaguluhan at madugong pawis sa Gethsemane. Sa katapusan ng Kanyang lubos na pagdurusa sa Hardin, sinabi Niya sa mga sundalo, “Ito ang inyong oras, at ang kapangyarihan ng kadiliman.” Kaya sa Satanas ay dumating pagkatpos ng lubos na pagdurusa ni Kristo sa Hardin. Si Hudas ay dumating na nasapian ng demonyo (sa katunayan, nasapian ni Satans) ilang araw na mas maaga. Tayo ay sinabihan sa Lucas 22:3, “At pumasok si Satanas kay Judas.” Si Satanas ay dumating sa Hardin pagkatapos ng teribleng pakikipaglaban ni Kristo, sa pagkasapi ni Hudas at dinadala ang mga sundalo upang dakipin si Hesus at tratuhin Siyang kahiyahiya.
Kaya, tayo ay naiwan pa ring nagtataka bakit sa Hesus ay napaka napahirapan na Siya’y nagpawis ng isang madugong pawis habang Siya’y nanalangin para sa kaligtasan. Ako’y kumbinsido na ang sagot ay naibigay sa ating teksto. Sa Hardin, si Hesus ay “nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito” (Mateo 26:39). Ano ang “sarong”? Kung ito’y ang Kanyang pagdurusa sa Krus sa sunod na araw, ang Kanyang panalangin ay hindi nasagot. Kung ang “sarong” ay ang pagkaligtas mula kay Satanas sa gabing iyon, ang Kanyang panalangin ay hindi nasagot, dahil ang mga nademonyong mga kalalakihan ay kinaladkad Siya papalyo upang maipako sa krus. Sa ating teksto sa Hebreo 5:7 ay nagbibigay ng bahago ng kasagutan. Magsitayo at basahin ito ng malakas.
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Hebreo 5:7).
Maari nang magsi-upo. Ngayon ang berso ay nagsasabi sa atin na si Hesus ay nanalangin ng panalangin na ito “sa mga araw ng kanyang laman” – iyan ay habang Siya’y nabubuhay sa lupang ito. Malalaman din natin na nanalangin Siya na may “mga daing na sumisigaw ng malakas” upang maligtas mula sa kamatayan – kaya ang panalanging ito ay ipinalangin bago Siya naipako sa krus. Sinasabi rin ng berso sa atin na ang Kanyang panalangin ay narinig, at niligtas Siya ng Diyos mula sa kamatayan. Sinabi ni Dr. J. Oliver Buswell, kilalang teyolohiyano,
Malubhang labis-labis na pagpapawis gaya ng pagkalarawan ni Lucas ay inilarawan [sa Hardin ng Gethsemane] ay isang katangian ng isang kalagayan ng pagkabigla kung saan ang nagdurusa ay nasa nalalapit na panganib ng pagbagsak at pati kamatayan…Ang ating Panginoong Hesu-Kristo, natagpuan ang Kanyang sarili sa pisikal na kalagayan ng lubos na pagkabigla, ay nanalangin para sa kaligtasan mula sa kamatayan sa Hardin, upang Kanyang maganap ang Kanyang layunin sa krus (Isinalin mula kay J. Oliver Buswell, Ph.D., Sistematikong Teyolohiya ng Kristiyanong Relihiyon [Systematic Theology of the Christian Religion], Zondervan Publishing House, 1971, bahagi III, pah. 62).
Sinabi ni Dr. John R. Rice sa katunayan ang parehong bagay,
Si Hesus ay nagdurusang lubos at mabigat at ang Kanyang kaluluwa ay “napighati hanggang sa kamatayan,” iyan ay literal na namamatay sa pighati…ipinalangin ni Hesus na ang sarong ng kamatayan ay lalampas sa Kanya sa gabing iyon upang Siya’y mabuhay upang mamatay sa krus sa sunod na araw (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Ang Ebanghelyo Ayon kay Mateo [The Gospel According to Matthew], Sword of the Lord, 1980, pah. 441).
Sinabi ni Dr. Buswell,
Ang interpretasyon ay magtutugma sa Mga Hebreo 5:7, at ito’y para sa akin ang nag-iisang interpretasyon na gayon ay magtutugma (isinalin mula sa ibid.).
Sinabi ni Dr. Rice,
Ito’y ginawang malinaw sa Mga Hebreo 5:7 kung saan tayo ay sinabihan na “naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot.” Muntik nang mamatay sa Hardin ng Gethsemane, nanalangin si Hesus na ang sarong ng kamatayan ay lalampas sa Kanya sa gabing iyon upang Siya’y mabuhay upang mamatay sa krus sa sunod na araw. Sinasabi ng Kasulatan, “Siya’y nadinig”! (Sinagot ng Diyos ang Kanyang panalangin (isinalin mula sa ibid.).
Tignan ang nagdurusang Anak ng Diyos,
Humihingal, umuungol, nagpapawis ng dugo!
Walang hangganang lalim ng biyayang banal!
Hesus, anong pag-ibig ang iyo!
(“Ang Iyong Mga Di Nalalamang Pagdurusa.” Isinalin mula sa
“Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Ngunit dapat pa rin nating ipaliwanag kung bakit si Hesus ay nagdusa ng higit sa gabing iyon. Narito ang pinaniniwalaan kong nangyari kay Hesus sa Hardin. Naniniwala ako na doon
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman” (Isaias 53:4).
Ngunit kailan Niya dinala ang mga ito? Dinala Niya ang mga ito sa Gethsemane, at dinala ang mga ito sa Krus sa sunod na umaga.
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Pedro 2:24).
Ngunit ang ating mga kasalanan ay inilagay “sa kanyang katawan” sa gabing nauna, sa Hardin ng Gethsemane. Dinala Niya ang ating mga kasalanan mula sa Gethsemane hanggang sa Krus!
Ito’y nag-iisa ipinalangin ng Tagapagligtas sa madilim na Gethsemane;
Nag-iisang inubos Niya ang mapait na sarong, At nagdusa doon para sa akin;
Nag-iisa, nag-iisa, dinala Niya ito lahat na nag-iisa;
Niya ang Kanyang sarili upang iligtas ang Kanyang kanya;
Nagdusa Siya, nagdugo at namatay, Mag-isa, mag-isa.
(“Nag-iisa.” Isinalin mula sa “Alone” ni Ben H. Price, 1914).
Sinabi ng dakilang si Dr. John Gill (1697-1771),
Ngayon siya ay nabugbog, at nailagay sa pighati ng kanyang ama: ang kanyang pagdurusa na ngayon ay nagsimula, dahil hindi natapos ang mga ito doon, kundi sa krus,…at upang maging napaka bigat; mayroon ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang mga tao, at ang pagka-alam ng banal na poot, alin ay siya’y napaka pinipi, at natabunan, na ang kanyang mga espiritu ay halos wala na; handa siyang mawalan ng malay, lumubog at mamatay; ang kanyang puso ay binigo siya..ang kanyang kaluluwa ay pinaligiran sa buong paligid ng mga kasalanan ng kanyang mga tao; ang mga ito’y kumapit sa kanya, at pinalibutan siya…ang mga pagdurusa ng kamatayan at impiyerno ay pumaligid sa kanya sa bawat tabi, lubos-lubos na ang pinaka maliit na antas ng kaginhawaan ay hindi pinayagang pumasok sa kanya…upang ang kanyang kaluluwa ay lubos na natabunan ng pagdurusa; ang kanyang dakilang puso ay handa nang mabiyak; siya ay nadala pati, na para bang sa alikabok ng kamatayan; o kaya ang kanyang pagdurusa ay lisanin siya, siya ay nahikayat, hanggang sa ang kanyang kaluluwa at katawan ay nahiwalay mula sa isa’t-isa (Isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Paliwanag ng Bagong Tipan [An Exposition of the New Testament], The Baptist Standard Bearer, kabuuan I, pah. 334).
Gayon nakikita natin anong ginawa ni Hesus upang iligtas tayo mula sa poot ng Diyos, mula sa paghahatol para sa ating mga kasalanan, at walang hanggang kaparusahan sa Impiyerno. Nagdusa Siya sa iyong lugar bilang iyong kapalit. Ang Kanyang bikaryong pagdurusa, sa iyong lugar, ay nagsimula sa Hardin ng Gethsemani, kung saan tinanggap Niya ang ating mga kasalanan at dinala ang mga ito sa Krus sa sunod na umaga.
Aking mga kaibigan, papalapit tayo sa Linggo ng Pagkabuhay, ang araw na bumangon si Hesus mula sa libingan. Ngunit ang Kanyang muling pagkbuhay mula sa kamatayan ay hindi magkakaroon ng kahuluguhan sa iyo hanggang sa iyon matanto na Siya’y teribleng nagdusa sa Gethsemane at sa Krus upang iligtas ka mula sa pagkakaparusa dahil sa iyong mga kasalanan. Anong dapat mong gawin upang si Hesus ay maging iyong kapalit? Dapat mong bumagsak sa Kanyang paa at magtiwala sa Kanya ng iyong buhay!
Tignan, mula sa Kanyang ulo, Kanyang kamay, Kanyang paa,
Pagdurusa at pag-ibig umagos na magkahalo pababa;
Ang ganoong pag-ibig ba at pagdurusa kailan man ay nagsama,
O gawa ng mga tinik na napaka yamang korona?
(“Noong Aking Pinagmasdan ang Nakamamanghang Krus.” Isinalin mula sa
“When I Survey the Wondrous Cross” ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdarasal at makapag-uusap tayo. Magpunta na ngayon. Dr. Chan, paki panalangin na mayroong magtiwala kay Hesus ngayong umaga at maglitas. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 14:32-38.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Ito’y Madaling Araw, at sa Noo ng Olivo.”
Isinalin mula “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”
(ni William B. Tappan, 1794-1849).