Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG LUNAS NG APOSTASIYATHE ANTIDOTE FOR APOSTASY ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan; At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:14-15). |
Hiniram ko ang pamagat na ito, “Ang Lunas ng Apostasiya” [“The Antidote for Apostasy”], mula kay Dr. J. Vernon McGee. Si Dr. McGee ay isa sa aking mga guro ng Bibliya ng maraming taon. Sumapi ako sa Unang Bautistang Simbahan ng Los Angeles noong Enero ng 1961, noong ako’y 19 taong gulang. Nagkaroon ako ng dalawang dakilang guro ng Bibliya, si Dr. Timothy Lin, na isang Lumang Tipang eskolar – at nagturo sa pagtatapos na paaralan ng Unibersidad ng Bob Jones, Teyolohikal na Seminaryo ng Talbot, at Trinidad Ebanghelikal na Seminaryo, sa Deerfield, Illinois. Marami akong natutunan mula kay Dr. Lin, na aking pastor ng maraming taon. Ang aking isa pang guro ay si Dr. J. Vernon McGee, na pastor ng dakilang Simbahan ng Bukas na Pinto [Open Door], sa 550 South Hope Street sa bayan ng Los Angeles, hindi malayo mula sa Tsinong simbahan na ako ay isang miyembro.
Sa loob ng maraming taon nadinig ko si Dr.McGee na magturo ng Bibliya dalawang beses araw-araw sa kanyang “Sa Buong Bibliyang” [“Thru the Bible”] programa sa radiyo, at gayon din sa kanyang “Tanghaling Tapag” [“High Noon”] palatuntunan, na nasa isang ibang pasahe ng Kasulatan mula sa “Sa Buong Bibliya.” Nagpatuloy akong makinig sa “Sa Buong Bibliya” araw-araw ng isa pang pitong taon. Mula sa dalawang napakatalinong kalalakihan natutunan kong magkaroon ng lakas ng loob sa mga salita ng Bibliya, ang Banal na mga Kasulatan.
Si Dr. Lin at Dr. McGee ay parehong gumugol ng maraming oras sa pagtuturo ng propesiya ng Bibliya. Kahit na ngayon ay sumesentro na ako sa karamihan ng aking mga seron sa paksa ng “soteriyolohiyo” (kaligtasan) ito’y ginawa dahil sa propesiya ng Bibliya, lalong-lalo na patungkol sa apostasiya ng huling mga araw. Tamang tamang sinabi Dr. McGee na ang ikatlong kapitulo ng II Ni Timoteo ay nagbibigay ng isang “larawan ng huling mga araw bago ng pagdadagit ng simbahan. Ngayon anong magagawa ng isang anak ng Diyos sa mga araw na tulad nito? Ang nag-iisang lunas laban sa isang mundo ng apostasiya ay ang Salita ng Diyos” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Nelson Publishers, 1983, p. 472; sulat sa II Ni Timoteo 3:14-15).
Ang ikatlong kapitulo ng II Ni Timoteo ay tiyak na nagbibigay sa atin ng isang terible at nakasisindak na larawan ng apostasiya ng huling mg araw. At ang bawat tanda ay nagpapakita na tayo ay nabubuhay sa gitna ng teribleng apostasiya ngayon! Ang salitang “aspostasiya” ay nangangahulugang “isang pagkakamali o pagrerebelde; isang pag-aabandona o paglilisan mula sa relihiyon ng isang tao” (Isinalin mula sa Diksyonaryo ng Webster, Walang binawas [Webster’s Dictionary, Unabridged], Collins World, 1975). Gayon ang ating teksto ay nagbibigay sa atin ng isang lunas, isang remedy, para sa apostasiya,
“Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan; At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:14-15).
Ating tignan ng mas masinsinan ang tekstong ito at makikita natin ang maraming mga bagay.
I. Una, pagtunan ng pansin ang salitang “datapuwa’t.”
“Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan …” (II Ni Timoteo 3:14).
Ito’y maaring masalin na “gayon man.” Ang mga masasamang mga tao at mga mandaraya ay magiging mas masama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya, “Ngunit [gayon man] manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan…” Gaano man kasama sila, magpatuloy sa mga bagay na iyong napag-aralan. Iyan ang sinasabi ni Apostol Pablo sa batang si Timoteo – at tayo rin.
Ang buong pasahe ay tumtukoy sa simbahan ng huling mga araw. Alam natin ito dahil tayo ay sinabihan na magkakaroon ito ng “anyo ng kabanalan” (b. 5) at magiging “laging nagsisipagaral [datapuwa’t] mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya” (mga berso 7, 8). Sinabi ni Dr. McGee, “‘Ang huling mga araw’ ay isang teknikal na salita na ginamit sa maraming lugar sa Bagong Tipan; tumutukoy ito sa huling mga araw ng simbahan” (isinalin mula sa ibid., pah. 469). Ako’y kumbinsido na tama siya. “Darating ang mga panahong mapanganib.” Ibig nitong sabihin mahihirap, at desperadong mga araw. Ang Griyegong salita ay isinaling “mapanganib” ay mula sa “chalepos.” Ito’y isang salita na nagpapakita isang pang beses lamang sa Griyegong Bagong Tipan. Sa Mateo 8:28 ito’y ginagamit upang ilarawan ang mga demonyo sa Gadareno na “totoong mababangis.” Kaya tayo ay sinabihan na ang mabangis na demonyong mga panahon ay magpapakita sa simbahan ng mga huling mga araw. Tapos ang Apostol ay nagbibigay ng labin siyam na iba’t ibang paglalarawan ng mga miyembro ng simbahan ng huling mga araw. Muli, sinabi ni Dr. McGee, “Kung titingin ka pabalik sa kasaysayan ng simbahan, tiyak na mahahanap mo ang ilan sa mga bagay na ito ay na makikita, ngunit huwag mong iisipin kailan man na makahahanap ka ng isang panahon na ang lahat ng mga ito ay maipapakita gaya nila ngayon. Naniniwala ako na tayo na ngayon ay narito sa mga ‘mapapanganib’ na mga araw ngayon na inilawaran sa bahaging ito” (isinalin mula sa ibid.). Narito ay labing siyam na mga paglalarawan ng marami sa mga miyembro ng simbahan sa ating panahon,
1. Maibigin sa kanilang sarili (makasarili)
2. Maibigin sa salapi (materyalistiko).
3. Mayayabang
4. Mapagmalaki
5. Mapagtungayaw (mapanirang puri)
6. Masuwayin sa mga magulang (isang buong henerasyon ay napalaking ganito at ngayon ay pinahihina ang ating buong lipunan).
7. Mga walang turing
8. Mga walang kabanalan (walang pag-iisip ng kalinisan ng budhi)
9. Walang katutubong pagibig (di malaibigin at walang puso)
10. Mga walang paglulubag (hindi sila kailan man nagpapatawad at hindi gustong mapatawad).
11. Mga palabintangin (malisyosong tsimis).
12. Mga walang pagpipigil sa sarili
13. Mga mabangis (brutal)
14. Hindi mga maibigin sa mabuti (namumuhi sa mga mabubuting Kristiyano)
15. Mga lilo (taksil)
16. Mga matitigas ang ulo (walang pag-iingat)
17. Mga palalo (mapagpahalaga sa sarili)
18. Mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios
19. Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito.
Ang mga ito ay mga huwad na mga Kristyano sa simbahan ng apostasiya at mga seminaryo. Sila’y magpapakita sa labas na mga alipin ng Diyos, ngunit sila talaga ay mga alipin ni Satanas.
Sila’y “laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (b. 7). At ang mga tao tulad nito ay nasa lahat ng mga simbahan ngayon. Ang ilan sa mga pinaka teribleng mga karasanan na aking naranasan ay na sinanhi ng mga miyembro ng simbahan – sa katunyan ay mas malubhang mga bagay kaysa sa aking mga narasan mula sa mga di miyembro ng simbahan sa mundo.
Nakakita na ako ng mga Bautistang maghatakan ng mga buhok ng isa’t-isa, nagmurahan ng isa’t isa gamit ng pinaka maduduming mga salita, at magtapunan ng mga aklat ng himno sa isa’t-isa – ng alas onse ng umaga ng Linggo sa paglilingkod sa simbahan. Nakakita ako ng isang direktor ng koro na naitapon sa paligid ng kalye, natadyakan hanggang sa ang kanyang mukha ay dumugo, ang kanyang mga bulsang nanakawan upang makuha ang mga susi sa simbahan. Ito’y ginawa ng mga tinawag na mga “diakono” ng simbahan. Ito’y noong mga taong 1950 bago magdemandahan ang mga tao ng isa’t-isa para sa mga ganoong mga bagay. Ito’y isang Bautistang simbahan sa Huntington Park, California.
Simula noon nakakita na ako ng mga pinuno ng mga simbahan na mga kamit ng pakikpagtalik sa mga maliliit na mga bata, magnakaw ng pera mula sa pondong salapi ng simbahan; sunggaban ang pastor sa ulo, habang isa pang lalake ang sumuntok sa kanya sa tiyan, magsinungalingan sa Internet, at iba pang mga kalupitan na masyadong terible upang banggitin. Ang taong nature sa akin sa Linggong Paaralan ay nagnakaw sa isang bangko na gamit ng isang baril. Mga Bautistang mga propesor sa aking serminaryo ay nagsabi na mga aso ang kumain sa katawan ni Hesus, walang pangalawang pagdating ni Kristo, halos lahat ng mga aklat ng Bibliya ay mga palsipikasyon, walang ganoong tao tulad ni Moses, ang Exodo mula sa Egipto ay di kailan man nangyari, at maraming iba pang mga huwad na doktrina. Isa sa aking mga propesor ay pinatay ang kanyang sarili, sa pamamagitan ng pamamaril ng kanyang sarili sa ulo.
Ang lahat ng mga kalalakihang ito ay pinalaki sa mga Katimugang mga Bautistang simbahan. Lahat sila ay “nagpunta sa harap” at nagsabi ng “panalangin ng makasalanan” bago sila bininyagan. Sa loob ng mahabang panahon ako’y lubos na nalito, nagtataka kung paano na mga Kristiyanong mga tao ay mapaniwalaan ang mga bagay na iyon at kumilos tulad niyon. Noong nagsalita ako laban sa mga bagay na ito ako’y binalaan na ako’y pangangalanang isang “tagahanap ng gulo” at hindi kailan man matatawag na magpastor ng isang Katimugang Bautistang simbahan. Maya-maya nagsulat ako ng isang aklat na nagdokumento sa mga huwad na mga pagtuturong iyon. Ito’y tinatawag na “Sa Loob ng Katimugang Bautistang Kumbensyon” [“Inside the Southern Baptist Convention].”
Pagkatapos kong magtapos sa Katimugang Bautistang seminaryo lumipat ako sa isang Presbyterianong seminaryo upang kumuha ng isang pag-kadoktor na antas. Ang Presbyteriyanong seminaryo ay mas malubha pa! Isa sa mga propesor ay isang ateyista, at nagyabang tungkol rito! Aking natanto na ang mga propesor na mga ito sa parehong mga seminaryo ay hindi kailan man naipanganak muli, ay di kailan man naranasan ang isang tunay na pababagong loob, at hindi talaga mga Kristiyano. Alam ko na ang ilan sa inyo na nadirinig ito ay iisipin na pinalulubha ko lamang ito, ngunit tinitiyak ko kayo sa paningin ng Diyos na wala ni isang salita ng pagmamlabis o pabrikasyon sa aking sinabi.
Nakita ko ito sa sarili kong mga mata ang bawat isa noong mga labin siyam na mga paglalarawan ng mga nawawalang mga miyembro ng simbahan sa huling mga araw. Inilalarawan nito ang apostasiya ng “huling mga araw.” At ang mga bagay na ito ay naganap sa bawat denominasyon at samahan sa buong mundo. Marami akong kilalang mga kabatan na nadaig sa pagkakakita ng pagkasama at kawalan ng paniniwala ng apostasiyang Kristiyanismo sa masasamang mga araw na ito. Natatandaan ko ang isang mainam na batang mangangaral na puno ng ebanghelistikong kasigasigan noong nagpunta siya sa isang Katimugang Bautistang seminaryo. Isinuko niya ang pangangasiwa pagkatapos lamang ng isang semester. Bago siya umalis sinabi niya sa akin, “Anong say-say ng pagpapatuloy. Ito ang itinuturo nila sa ating mga mangangaral. Wala silang pinaniniwalaan.”
II. Pangalawa, pagtuanan ng pansin ang natitira ng berso labin apat.
“Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan” (II Ni Timoteo 3:14).
Anong magagawa ng isang Kristiyano sa masasamang mga araw na ito ng apostasiya? Ang lunas para sa apostasiya ay ang Bibliya, ang Salita ng nabubuhay na Diyos. Tinawag ng Apostol Pedro ang Bibliyang, “isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim” (II Ni Pedro 1:19).
Ang mga bagay na pumigil sa aking isuko ang seminaryo, at pagsusuko ng ministro, ay ang “mga bagay [na aking] pinagaralan at pinagkaroonan [ko] ng katunayan, yamang nalalaman [ko] kung kanino [ko] nangatutuhan” (II Ni Timoteo 3:14). Natutunan ng batang si Timoteo ang mga Kasulatan mula sa kanyang lola, kanyan ina, at ang Apostol Pablo mismo (tignan ang II Ni Timoteo 1:2, 5). Natutunan ko ang Bibliya, kasama ang mga propesiyang ito ng apostasiya, mula kay Dr. McGee at Dr. Lin. Sa katunayan ang pangaral na aking narinig sa araw na ako’y napagbagong loob ay mula kay Dr. Charles J. Woodbridge, na nagsalita laban sa liberalism sa Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller, kung saan nagretiro siya dahil sa problemang iyan ilang taon ng mas maaga. Nagsalita si Dr. Woodbridge patungkol sa mga “manlilibak” sa “huling mga araw” mula sa ika’tlong kapitulo ng II Ni Pedro sa pinaka araw na ako’y naligtas (tignan ang II Ni Pedro 3:3). Kaya alam ko na ang apostasiya ay bago pa man ako nagpunta sa seminaryo. Natutunan kong sumalalay ng lubusan sa Bibliya, kaysa paniniwala sa ideya ng mga di napagbagong loob na mga guro. Natutunan ko mul kay Dr. Woodbridge, Dr. Lin, at Dr. McGee na magtiwala sa Salita ng Diyos. Ang aking teksto sa mga araw ng iyon sa apostasiyang seminaryo ay Mga Awit 119:99,
“Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo [ang Bibliya] ay gunita ko” (Mga Awit 119:99).
Mga kabataan, alamin kung anong itinuturo nila sa inyong mga kolehiyo. Nagtapos ako sa Kolehiyo ng Lungsod ng Los Angeles at Unibersidad ng Estado ng California ng Los Angeles (B.A., 1970). Alam ko na sinasalakay nila ang Kristiyanismo. Alamo ko na kinukutya nila ang mga Krisityano at sinisiraan nila si Hesus. Alam ko na mas mahirap tumayong matatag para sa Diyos ngayon kaysa noon noong ako’y nasa kolehiyo. At alam ko na ang lahat ay laban sa isang kabataan sa masasamang mga araw na ito ng apostasiya. Kahit ang Presidente ay laban sa atin. Ngunit alam ko rin na iyong mga naniniwala sa Bibliya ay masasabi kasama ng Salmista,
“Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang” (Mga Awit 119:130);
at,
“Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas” (Mga Awit 119:105).
“Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad” (Mga Awit 119:128).
Pakinggan muli ang mga salita ng kantang kinanta kanina lamang ni Gg. Griffith,
Sa gitna ng mga bagyo ng pagdududa
At walang paniniwala, natatakot tayo,
Tumatayo ang isang aklat na walang hanggan
[Na dapat] nating panghawakan ng lubos;
Sa gitna ng walang pahingang mga panahon
Ito’y nananatiling parehas,
Ito’y ang Aklat ng Diyos, ang pangalan nito ay ang Bibliya!
Ang Lumang Aklat ang Lumang Pananampalataya
Ay ang bato na aking kinatatyuan!
Ang Lumang Aklat ang Lumang Pananampalataya
Ay ang depensa ng lupa!
Sa gitna ng bagyo at kaguluhan natitiis nila ang pagsubok,
Sa bawat klima at pinaka mahusay ng bansa;
Ang Lumang Aklat ang Lumang Pananampalataya
Ay ang pag-asa ng bawat lupa!
(“Ang Lumang Aklat at ang Lumang Pananampalataya.” Isinalin mula sa
“The Old Book and the Old Faith” ni George H. Carr, 1914).
III. Pangatlo, magtuon ng pansin sa berso labin lima.
“...ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15).
Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Wala akong pagkakaalam ng Diyos hiwalay sa kung anong sinasabi ng Bibliya sa akin” (Ang Dakilang mga Doktrina ng Bibliya [Great Doctrines of the Bible] (1), pah. 36). Sinabi niya, “Walang ibang aklat na tinig ng Diyos” (Ebanghelistikong mga Pangaral [Evangelistic Sermons], pah. 25).
“Ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15)..
Itinuturo tayo ng Bibliya kay Kristo. Kapag ang isang tao ay makikinig sa Bibliya, at tunay na naniniwala sa sinasabi ng Diyos rito, magugustuhan niyang makilala si Kristo. Paniniwala sa Bibliya ay hindi magliligtasa sa iyo. Ang pakawalang pagkakamali ng Salita ng Diyos ay magtuturo sa iyo kay Kristo. Paano makukuha ang kaligtasan? Maari lamang itong makamit sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo-Hesus! Isinulat ni B. B. McKinney, isang lumang panahong Katimugang Bautista,
Alam ko, alam ko, alam ko ang Bibliya ay totoo;
Napukaw na banal, mula simula hanggang katapusan,
Alam ko ang Bibliya ay totoo.
(“Alam ko ang Bibliya ay Totoo.” Isinalin mula sa “I Know the Bible is True”
ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952).
Gayon man maari mong paniwalaan na ang Bibliya ay totoo at maging nawawala pa rin! Upang maligtas, dapat mong sundin ang Bibliya at magtiwala kay Kristo-Hesus. Sinasabi ng Bibliya sa atin na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan. Sinasabi ng Bibliya sa atin na ang ating mga kasalanan ay maaring masuyo “sa pamamgitan ng pananampalataya sa kanyang dugo” (Mga Roma 3:25). Sinasabi ng Bibliya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Ngunit maari ka lamang magkaroon ng “[kaligtasan] pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15). Sinabi ni Dr. A. W. Tozer,
Ang panamampalataya ay isang regalo ng Diyos sa nagsisising kaluluwa at walang anumang kinalaman sa mga pandama o mga impormasyon na kanilang mabibigay. Ang pananampalataya ay isang himala; ito’y ang kakayahan na ibinibigay sa atin ng Diyos upang magtiwala sa Kanyang Anak (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Tao: Ang Tirahan ng Diyos [Man: The Dwelling Place of God], Christian Publications, 1966, pah. 33).
Kapag nasusuka ka na sa iyong kasalanan, at desperadong matanggal ito, gayon (ngunit hindi bago nito) ibibigay sa iyo ng Diyos ang pananampalataya upang magtiwala kay Hesu-Kristo.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol riyan, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdarasal tayo at makapag-uusap. Dr. Chan, manalangin ka na mayroong isa na magtiwala kay Hesus ngayong gabi. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: II Ni Timoteo 3:1-7, 12-15.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Lumang Aklat and Lumang Pananampalataya.” Isinalin mula sa
“The Old Book and the Old Faith” (ni George H. Carr, 1914).
ANG BALANGKAS NG ANG LUNAS NG APOSTASIYAni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan; At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:14-15). I. Una, pagtunan ng pansin ang salitang “datapuwa’t”, II. Pangalawa, pagtuanan ng pansin ang natitira ng berso labin apat, III. Pangatlo, magtuon ng pansin sa berso labin lima, II Ni Timoteo |