Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG BABAE SA LIPUMPON

THE WOMAN IN THE CROWD
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-2 ng Marso taon 2014

“At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo” (Marcos 5:34).


Nagpalayas si Hesus ng mga demonyo mula sa isang baliw na nakatira sa timong silangang tabi ng Dagat ng Galilee. Sinabi ng mga taong nakatira doon kay Hesus na umalis. Hindi Siya kailan man nanatili kung saan Siya ay hindi gusto, kaya iniwan Niya sila, at tumawid ng dagat, pabalik sa kanlurang baybaying dagat. Di nagtagal isang matinding karamihan ng mga tao ay nagdagsaan sa Kanya. Isang isterikal tao ang dumating na tumatakbo at itinulak ang kanyang daan sa lipumpon. Noong naabot niya si Hesus bumagsak siya sa paa ng Tagapagligtas at sinabi sa kanya na ang kanyang maliit na anak ay namamatay. Nagmaka-awa siya kay Hesus na magpunta kasama niya at ipatong ang Kanyang mga kamay sa kanya “upang siya'y gumaling, at mabuhay.” Sumama si Hesus kasama ng lalake, at ang lipumpon ng mga tao ay sumunod sa Kanya at nagdagsaan sa Kanya, dimidiin kay Hesus habang Siya’y naglakad.

Sa gitna ng lipumpon ay isang may sakit na babae. Mayroon siyang pagdurugo, at nagdurugo na ng labin dalawang taon. Nagpunta na siya sa maraming mga doktor, at gumasta ng pera sa kanila, ngunit siya’y lumubha lamang. Narinig niya na si Hesus ay nagpapagaling ng mga tao. Itinulak niya ang kanyang daan sa lipumpon at hinawakan ang Kanyang damit. Sa sandaling iyon ang pagdurugo ay huminto at siya’y pisikal na napagaling. Naramdaman ni Hesus ang kapangyarihan na lumabas sa Kanya noong hinawakan niya Siya at napagaling. Sinabi ni Hesys, “Sino ang humipo ng aking damit?” Sinabi ng mga Disipolo na maraming mga tao sa lipumpon ang humawak sa Kanya.

“Nguni't ang babae na natatakot at nangangatal, palibhasa'y nalalaman ang sa kaniya'y nangyari, lumapit at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi sa kaniya ang buong katotohanan” (Marcos 5:33).

At sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo.”

Lahat ng mga pagpapagaling na isinagawa ni Hesus ay ibinigay sa atin unang-una upang ipakita kung paano Niya mapagagaling ang ating mga kaluluwa sa pagbabagong loob. Kung hindi ka ligtas ngayong umaga gusto kong magtuon ka ng pansin sa pagpapagaling at pagbabagong loob ng babaeng ito. Ituturo ko sa ito ang apat na mahahalagang aral sa pagbabagong loob mula sa kanya na maaring gamitin ng Diyos sa iyong sariling pagbabagong loob – kung makikinig kang mabuti!

I. Una, gusto niya talagang mapagaling.

Hindi siya nakikipaglokohan lang. Ang mga taong nagkukunwaring seryoso patungkol sa pagiging ligtas ay madalas mga “nakikipaglokohan lang.” Iyan ang tawag ng mga Lumang-Panahong ebanghelikal sa mga taong nagloloko lamang, naglalaro lamang at nagtatanong ng mga hangal na mga katanungan. Hangal na mga “nakikipaglokohan lang” ay hindi kailan man nakararating kahit saan sa paraang iyan. Sila’y ang taong nagtanong kay Hesus, “Kakaunti baga ang mangaliligtas?” (Lucas 13:23). Ito’y isa lamang walang saysay na katanungan – tribyal, di mahalaga. Tinanong lamang niya ito mula sa isang malumanay na pagka-interes. Hindi talaga ito mahalaga sa kanya. Isa lamang siyang “nakikipaglokohan lang.”

Maraming mga tao tulad niyan ay nagpupupunta upang makita kami sa silid ng pagsisiyasat. Nagtatanong sila ng ilang kaunting katanungan. Nagsasalita silang kaunti. Ngunit hindi sila atalga seryoso sa pagiging ligtas. Masasabi mo na hindi sila seryoso dahil tumatawa sila at nakikipagbiruhan isang sandali pagkatapos nilang umalis mula sa silid ng pagsisiyasat. Hindi talaga sila seryoso tungkol sa pagiging ligtas. Nakikipaglokohan lamang sila. Sila’y mga “nakikipaglokohan lamang.” Iyan ang dahilan na sinasabi ng Bibliya na sila ay,

“Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:7).

Hindi nila kailan man nahahanap si Kristo dahil hindi nila Siya seryosong hinahanap. Hindi sila maapoy, masugid, maalab na hinahanap si Kristo. Hindi sila natutuwa, hindi sila sabik na mahanap si Kristo. Wala lang silang apoy, maaligamgam, di napapakilos na mga “nakikipaglokohan lang” – na mga “Laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” Mas kaunti pa sa limang minuto pagkatapos nilang umalis ng silid ng pagsisiyasat makikita mo na hindi talaga sila nag-aalala sa paghahanap kay Kristo. Nakikipaglokohan lamang sila. Wala sila’y mga apoy na mga “nakikipaglokohan lang.” Hindi sila magiging seryoso patungkol sa pagiging ligtas hanggang kanilang itaas ang kanilang mga mata sa mga paghihirap ng Impiyerno. Ngunit sa oras na iyon ay huli na! Kanilang nasayang na ang kanilang mga buhay hanggang sa kanilang mawala ang lahat sa buong walang hanggan.

Ngayon kabaligtaran ng “nakikipaglokohan lamang” sa babae sa ating teksto. Siya’y balisang- balisang mapagaling ng kanyang walang tigil na pagdurugo. Siya’y masugid na naghahanap ng gamot. Siya’y katulad noong mga sumusunod s autos ni Hesus, “Magpilit kayong magsipasok” (Lucas 13:24). Ang salitang “magpilit” doon ay nanggaling mula sa Griyegong salitang agonizomai. Nakuha nating ang salitang “matinding paghihirap [agony]” mula rito. Ngayon, hindi ba niyan inilalarawan ang babae na may problema ng dugo? Hindi ba siya nagpilit na makahanap ng isang gamot? Hindi ba siya talagang dumaan sa matinding paghihirap sa pagsusubok na mapagaling? Siya’y nagpunta na sa maraming iba’t ibang manggagamot. “Siya'y napahirapan na ng maraming bagay ng mga manggagamot.” Walang dudang binigyan nila siya ng masasakit na operasyon – napaka sakit. Dahil walang kloroporm noon, inoperahan nila siya habang siya’y gising! Pina-inom nila siya ng maraming medisina na lumason sa kanya imbes na pagalinging siya! At ginasta niya ang lahat ng kanyang pera at lahat ng kanyang ipon sa walang say-say na mga “medisina.”

Di nakapagtataka na siya’y napagbagong loob sa araw na iyon! Siya’y seryosong-seryoso patungkol rito. Nadama niya na kinailangan niyang maligtas! Iyan ang uri ng tao na naliligtas. Ang mga “nakikipaglokohan lang” ay nagpapatuloy sa isang nawawalang kalagayan. Ngunit iyong mga masugid at balisa tungkol sa kanilang nawawalang kalagayan ay laging mahahanap si Hesus ng madalian. Oo – lagi! “Iyong masusupmpungan ako!”

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Mahahanap mo ang Tagapagligtas! Mahahanap mo! Mahahanap mo! Ngunit kapag lamang na Siya’y iyong hahanapin “ng inyong buong puso” – tulad ng babaeng ito na may walang tigil na pagdurugo!!! Gusto niya talagang mapagaling! Inisip niya ito sa lahat ng oras! Iniisip mo ba itong sa lahat ng oras? Nagugulo ka ba nito na ika’y nawawala? Palagi ka bang nag-aalala patungkol rito? Dapat!

II. Pangalawa, hindi siya natulungan ng mga manggagamot na nakita niya.

Nabanggit ko na ang mga manggagamot na ito. Ngunit kailangan kong magsabi ng ilang salita pa tungkol sa kanila. Ang pangunahing bagay ay ito – wala sa kanila ang makapagpaggaling sa kanya! Hindi nila siya matulungan sa anomang paraan – kundi napalubha lamang nila siya.

Minsan mayroong tayong isang kabataan na nagpupunta sa simbahan at nagiging alala patungkol sa kanilang kaluluwa. Nagsisimula silang mag-alala patungkol sa kanilang kasalanan, at patungkol sa walang hanggan. Ngunit nagpupunta sa isang nawawalang kaibigan at sinasabi nila kung ano ang kanilang nararamadaman. Walang duda, ang mga di Kristiyanong mga kaibigan ay nagsasabi sa kanila na sila’y O. K., at tapos sasabihin sa kanilang tumigil sa pagpupunta sa simbahan. Kaya, ang mga di ligtas na mga kaibigan ay tulad lang ng mga manggagamot na hindi pagamot ang nagdurugong babaeng ito. Ang lahat na kanilang magawa lamang ay sirain siya at kunin ang kaniyang pera!

Minsan kapag ang isang kabataan ay nagsisimulang maramdaman ang kumbiksyon ng kasalanan sila’y magpupunta sa isa pang pastor, na magbibigay sa kanilang ng huwaad na kaginhawaan. Sana ay hindi ito ganitol ngunit maraming malulupit na mga mangangaral ngayon, na tulad ng mga doktor na iyon sa ating pasahe. Masaya nilang kukunin ang iyong mga alay – gusto nila ang iyong pera! Ngunit hindi nila matulungan ang iyong may sakit ng kasalanang kaluluwa!

Nangangaral ako sa isang partikular na lugar maraming taon noon. Pagkatapos kong mangaral tatlong kabataan ang nagpunta sa aking na pribado, isang lalake at dalawang babae. Nagsabi sila sa akin ng isang bagay na gumawa ritong napaka linaw kung bakit sila nawawala. Maaring hindi sila naligtas. Sila’y lumuluha, nasa ilalim ng malalim kumbiksyon. Kinausap ko sila ng maraming beses pagkatapos kong mangaral, hanggang sa lahat silang tatlo ay mukhang malinaw na ligtas. Umuwi silang nagagalak at sinabi sa kanilang ministor na sila’y naligtas sa pagpupulong na aking isinasagawa. Tinawagan ako ng ministor sa telepono sa sunod na umaga. Paulit-ulit siyang sumigaw sa akin sa telepono – “Itinatakwil kita! Itinatakwil kita!” Mayroong nagsabi sa akin maya-maya na siya’y na-iinggit sa akin dahil gusto niyang angkini na nakuha niya silang maligtas! Iyong kawawang, mahinang isip na ministor “itinakwil” ako dahil sa nakuhang maligtas ang tatlong mga nawawalang mga kabataang iyon mula sa apoy ng Impiyerno! Tapos ang makatuwiran sa sariling espiritwal na tunggak na ito ay nagsimulang manulsol hanggang sa nakuha niyang mahinto ang mga pagpupulong. Kailangan niyang sumagot para riyan kapag haharapin niya ang Diyos sa Huling Paghahatol! Hindi sa Bemang Paghahatol, kundi sa Huling Paghahatol! Kahit na ang ministor na gumawa niyan ay isang Protestante, siya’y kasing sama, kung hindi mas malubha sa isang Romanong Katolikong saserdote! Maraming mga tulad niya ngayon. Naway iligtas ka ng Diyos mula sa mga ganoong uri ng huwadna mga propeta! Sinabi ng Diyos patungkol sa mga mangangaral na iyan,

“Hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon” (Jeremias 23:32).

Mayroong mga partikular na mga Bautistang mga mangangaral na nagbibigay sa iyo ng huwaad na pagpapayo – upang makuha kang iwanan ang simbahang ito at magpunta sa simbahan nila – upang makuha nila ang iyong pag-aalay! Ang iyong pera! Itinuturing ko ang ganoong mga mangangaral na “magnanakaw ng mga tupa” at huwad na mga propeta! Nasusuka akong isipin sila! Sila’y tulad ng mga manggagamot na hindi mapaggaling ang babaeng ito sa kanyang madugong paglalabas!

III. Pangatlo, ang kanyang katawan ay napaggaling noong kanyang hinawakan ang damit ni Hesus.

Dumaan siya gitna ng lipumpon sa paligid ng Tagapagligtas. Ang mga katawan ng mga tao ay dumidiin sa isa’t isa dahil napaka rami nilang – naka likom makapal at siksik – upang mapanood si Hesus magsagawa ng isang himala! Kahit na marami sa kanila ang humawak kay Hesus, ang babaeng ito lamang ang tumanggap ng kapangyarihan mula kay Hesus upang pagalingin ang kanyang katawan. Sa isa pang pagkakaton, “ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling” (Marcos 6:56). Ngunit sa pagkakataong ito ang babae lamang ang napagaling. Hindi natin masasabi kung bakit ito ganoon. Marahil wala sa iba ay “[Hinirang] ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama” (I Ni Pedro 1:2).

Naniniwala ako na ang kanyang pisikal na paggaling ay katumbas ng kanyang paggigising. Tulad ng bawat makasalanan, siya’y “mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Iyong mga patay sa kasalanan ay dapat tumanggap ng kapangyarihan bago sila makapunta kay Hesus. Ang ilan ay tumatawag ritong “pagbabagong buhay.” Iyan ay pagkakamali. Mas gusto ko itong tawaging “paggigising.” Iyan ang tinawag nito ni Apostol Pablo noong sinabi niyang,

Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14).

Kapag ika’y magising ng Banal na Espiritu, ika’y makukumbinsi ng kasalanan. Ika’y mapapadamang ika’y walang pag-asang alipin sa kasalanan. Ika’y mapadadamang ika’y “patay sa pagsasalansang” (Mga Taga Efeso 2:5). Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Ang unang tanda ng espirituwal na buhay ay ang madama na ika’y patay” (Isinalin mula sa Ang Batas: Ang mga Tungkulin at Hangganan [The Law: Its Functions and Limits], The Banner of Truth Trust, 1975, pah. 145).

Sa isa pang pagkakaton, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Hindi ka maaring maging isang Kristiyano na hindi nagagawang mapagkumbaba” (Isinalin mula sa Mapananaligang Kristiyanismo, Kabuuan I [Authentic Christianity, Volume I], The Banner of Truth Trust, 1999, pah. 114).

Kapag ika’y nagising, mararamdaman mo na wala kang kapangyarihan ng iyong sarili, na ika’y walang pag-asang patay sa kasalanan. Kapag ika’y mapakumbaba nito, maari kang mahandang magpunta sa Tagapagligtas. Maari kang mahandang maamin na hindi mo matututunan ang kahit ano na makatutulong sa iyo. Maari kang maihandang aminin sa iyong sarili na wala kundi si Hesus Mismo ang makaliligtas sa iyo.

Kapag ika’y nagising mararamdaman mo na ang mga simpleng doktrina kay Kristo ay walang magagawang mabuti. Mararamdaman mo na si Hesus Mismo lamang ang makaliligtas sa iyo. Ginawang napaka linaw ito ni Dr. Lloyd-Jones sa isang pasahe ng kanyang aklat na, Muling Pagkabuhay [Revival. Sa katapusan ng pasaheng iyon sinabi niya, “Ito’y isang teribleng bagay na ipagpalit kahit ang tunay na doktrina para sa isang nabubuhay na pagkatanto ng tao” (Isinalin mula sa Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, p. 58). Kapag ika’y nagising, hindi ka malulugod sa pagkaka-alam lamang ng mga bagay tungkol kay Hesus ! Gugustuhin mo si Hesus Mismo! Mararamdaman mo na si Hesus Mismo lamang ang makaliligtas sa iyo!

Alam ng mga demonyo kung sino si Hesus. Ang mga demonyo sa Capernaum ay sumigaw, “Ikaw ang anak ng Dios… sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo” (Lucas 4:41). Ang mga demonyong ito ay alam ang doktrina. Alam nila Siya ang Kristo (ang Mesiyas). Alam nila na Siya ang Anak ng Diyos. Alam nila ang mga doktrinang iyon tungkol kay Kristo, ngunit hindi nila Siya kilalang personal. Ang lahat lang na alam nila ay ilang mga doktrina tungkol kay Hesus. Kapag ika’y nagising, hindi ka malulugod sa pagkakalam ng mga bagay tungkol kay Hesus. Gugustuhin mo si Hesus Mismo! Kapag ika’y tunay na nagising sa iyong pagkawala at pagkalungkot, hindi ka malulugod sa paniniwala sa isang berso ng Bibliya. Malalaman mo na ang taong si Kristo Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo,

“Sapagka't may isang … Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).

At dapat mong makilala at pagkatiwalaan “ang taong si Cristo Jesus” Mismo upang maligtas.

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo” (Juan 17:3).

Hindi mo dapat makilala ang mga bagay patungkol sa Diyos. Iyo dapat makilala ang Diyos. Hindi mo dapat makilala ang mga bagay patungk kay Hesu Kristo. Dapat mong makilala si Hesu Kristo! Iyan lamang ang paraan na magkaroon ng walang hanggang buhay! Iyan lamang ang paraan upang maligtas! Dapat mong makilala si Hesu Kristo Mismo!

Pagkatapos ng lahat, isipin kung anong ginawa ni Hesu Kristo upang iligtas ka! Isipin kung paano Siya nagdusa sa Hardin ng Gethsemani hanggang Siya’y nagpawis ng madugong pawis upang iligtas ka. Narinig mo ba iyan ng maraming beses na wala na itong kahulugan sa iyo? Nilalampasan mo ba itong wala halaga sa iyong isipan? Isipin ang Kanyang ubod ng sakit na kamatayan sa Krus – bilang iyong kapalit, sa iyong lugar, naghihirap ng matindi at namamatay upang magbayad para sa iyong kasalanan. Naranig mo na ba ito nang napaka raming beses na wala na itong ibig sabihin sa iyo? Nilalampasan mo lang ba itong madalian sa iyong isipan? Kung ginagawa mo ito WALA KANG PAG-ASA! WALA SA ANUMANG PARAAN!

Isang matanda lalake ang nagpunta upang makita ang isang partikular na pastor. Siya’y malungkot, at hinayaan ng pastor na siya’y manirahan sa isang maliit na apartment sa simbahan. Sumulat siya ng isang ebanghelyong kanta na may mga luha na bumababa sa kanyang mga pisngi. Siya noon ay patay na ng maraming taon noong binisita ko ang simbahan. Ngunit ipinakita pa rin ng mga tao sa akin ang kanyang apartment. At lumuha pa rin sila kapag kanilang kinakanta ang kanyang kanta.

Iibigin kong sabihin sa iyo kung anong naiisip ko kay Hesus
   Simula noong nahanap ko Siya isang kaibigan napaka lakas at totoo;
Sasabihin ko sa iyo kung paano Niya binago ang aking buhay ng lubusan,
   Gumawa Siya ng isang bagay na walang ibang kaibigan ang makagagawa.
Walang nag-alala sa akin na tulad ni Hesus,
   Walang ibang kaibigan na napaka buti tulad Niya;
Walang ibang makakukuha ng kasalanan at kadilaman mula sa akin,
   O gaano Siyang nag-alala para sa akin!
(“Wala Kailan Man Na Nag-alala Para Sa Akin Tulad ni Hesus.” Isinalin mula sa“No One Ever Cared For Me Like Jesus” ni Charles F. Weigle, 1871-1966).

Ngunit hindi ganyan ang nadama ng babeng may walang tigil ang pagdurugo, na nagdadala sa atin sa huling punto.

IV. Pang-apat, siya ay napagbagong loob noong siya’y nagpunta kay Hesus.

Sinabi ko na hindi pa niya naramdaman na si Hesus ay kanyang kaibigan. Noong hinanap siya ni Hesus, sinasabi ng Bibliya,

“Ang babae na natatakot at nangangatal … lumapit at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi sa kaniya ang buong katotohanan” (Marcos 5:33).

She was still afraid of Him. That leads me to believe she was not yet saved. She was Siya’y natatakot pa rin sa Kanya. Dinadala ako nitong paniwalaan na hind pa siya ligtas. Siya’y nagising, ngunit hindi pa napagbagong loob.

Ngunit kahit habang siya’y nangangatal sa takot, siya’y lumapit sa Kanya. “Lumapit at nagpatirapa sa harap niya.” Ang kanyang mga takot ay nagpakita na hindi pa niya kilala sa Siya. Ngunit kahit na, siya pa rin ay lumapit sa Kanya. Puno ng takot at pangangatal, lumapit siya. Wala siyang matinding pananampalataya. Siya lamang ay isang kawawang babae na wala masyadong alam. Ngunit alam niya na pinagaling siya ni Hesus. Siya’y nagising sa pamamagitan ng Kanayang biyaya, ngunit hindi niya pa alam ang Kanyang pag-ibig. Gayon man lumapit pa rin siya sa Kanya!

Iniibig ko ang magandang himno ni Anna W. Waterman, na kinanta ni Gg. Griffith kanina bago ako ipinangaral ang sermon ito. Iniibig ko ito dahil alam ko na ito’y totoo. Ito’y totoo sa aking buhay at ito rin ay magiging totoo sa iyong buhay, kung magpupunta ka kay Hesus.

At alam ko, oo alam ko,
   Magagawang malinis ng Dugo ni Hesus ang
Pinaka masamang makasalanang malinis.
   At alam ko, oo alam ko,
Magagawang malinis ng Dugo ni Hesus ang .
(“Oo, Alam Ko” Isinalin mula sa “Yes, I Know!”
      ni Anna W. Waterman, 1920).

Kung magpupunta ka sa Tagapagligtas, ililigtas ka niya ngayong umaga. Huhugasan Niyang malinis ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang mahal na Dugo – at kakausapin ka Niya tulad ng pagka-usap Niya sa babaeng may problema sa dugo,

“At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo” (Marcos 5:34).

Kung magpupunta ka kay Hesus ngayong umaga ililigtas ka Niya mula sa iyong kasalanan, at pauuwiin ka Niya ngayong umaga na may parehong bendisyon na ibinigay Niya sa babaeng iyon,

“pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo.”

Kung gusto mo kaming makausap patungkol sa pagiging ligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon at lumakad sa likuran ng awditoriyum na ito. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdarasal tayo at makapag-uusap. Magpunta na ngayon. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang taong magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Marcos 5:25-34.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!” (ni Anna W. Waterman, 1920).


ANG BALANGKAS NG

ANG BABAE SA LIPUMPON

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo” (Marcos 5:34).

(Marcos 5:33)

I.   Una, gusto niya talagang mapagaling, Lucas 13:23; II Ni Timoteo 3:7; Jeremias 29:13.

II.  Pangalawa, hindi siya natulungan ng mga manggagamot na nakita niya, Jeremias 23:32.

III. Pangatlo, ang kanyang katawan ay napaggaling noong kanyang hinawakan ang damit ni Hesus, Marcos 6:56; I Ni Pedor 1:2; Mga Taga Efeso 2:1; 5:14; 2:5; Lucas 4:41; I Ni Timoteo 2:5; Juan 17:3.

IV.  Pang-apat, siya ay napagbagong loob noong siya’y nagpunta kay Hesus, Marcos 5:33.