Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG SULYAP NG LANGITA GLIMPSE OF HEAVEN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa” (Apocalipsis 5:9). |
O napaka-iniibig kong magpunta sa Arizona noong bata ako! Si nanay ay mayroong lumang modelong A na Ford. Inempake niya ang lahat rito, at nagpunta kami, ako at siya, at ang aking kaibigang si Chuck. Humihinto kami sa Redlands at bumibili ng Pepsi. Pinakamasarap sila noon noong 1940. Pinalitan nila ang lasa nito noong mga taong 1950. Ngunit ang Pepsi noon ay walang katulad, at kami’y nasa labas ng Los Angeles! Lagi kaming umaalis bandang huli na ng hapon – at sa oras na umalis kami ng Redlands ang araw ay pababa na, at nagsimula kaming kumanta. Tinatandaan pabalik ng 60 taon, mukhang kumanta kami hanggang Phoenix! Nagmaneho si nanay sa gabi dahil walang air con noon sa kanyang lumang kotse. Iniibig ko iyon mga buong gabing biyahe sa Arizona! Sila’y isa sa kaunting mga masasayang bagay sa isang kungi hindi ay isang malungkot at mapanglaw na kabataan! Nadirinig ko ang tinig na aking ina kahit ngayon – “Tara na Robert! We’re going to Phoenix tonight!” Magpupunta tayong Phoenix mamayang gabi!” Waw! Iyan ay lubos na mainam! Iiwanan namin ang marumi, mausok, malungkot at nakaiiyak na lumang Los Angeles! Kami’y papunta – sa disyerto ng Arizona, sa mga bariles na kaktus at ang mga punong Joshua, ang mga kuneho, ang mga pugo, ang mga ibon sa disyertong tumatakbong mabilis at mga koyote! Kami’y papunta upang tignan ang bukiran ni Bernard Roer, upang uminom ng ubas na soda, at magbasa ng Donald Duck na komiks! Naradaman namin halos ang naramdaman nila sa lumang pelikulang – “Papunta kami upang makita ang Pantas! ang nakamamanghang Pantas ng Oz!” Ito’y nakatutuwa, nakagagalak, nakamamangha! Ang aking puso ay lumundag para sa kagalakan kapag sasabihin ni Nanay, “Tara na, Robert, magpupunta tayo sa Arizona ngayong gabi!”
Ngunit noong ako’y bumalik sa Arizona hindi ito parehas. Sa anumang paraan ang bighani ay wala na. Hinanggad ko ang Arizona – ngunit noong ako’y bumalik ito’y parang isang kahit anong lugar sa lumang mundong ito. Diyan ko natanto na wala sa mundong ito ang tunay na nakasasaya sa puso. Kita mo, hindi talaga ako naghahangad para sa Arizona – ako’y naghahangad para sa Langit! Nadakip ni Squire Parsons ang pakiramdam na iyan sa kantang kinanta ni Gg. Griffith,
Ako’y nangungulila para sa isang bansa
Na hindi pa ako kailan man naparoroon;
Walang malungkot na paalam na masasalita,
Dahil ang oras ay hindi na mahalaga.
Lupa ng Beulah, Naghahangad ako para sa iyo,
At balang araw, sa iyo ako’y tatayo,
Doon ang aking tahanan ay walang hanggan,
Lupa ng Beulah, matamis na Lupa ng Beulah.
(“Matamis na Lupa ng Beulah.” Isinalin mula sa
“Sweet Beulah Land” ni Squire Parsons, 1948-).
Ito’y magiging nakagagalak, nakatutuwa, napakamamangha – kapag sasabihin ni Hesus, “Tara na Robert, magpupunta tayo sa Langit ngayong gabi!”
Tumitingin ako ngayon sa ibayong ilog,
Kung saan ang aking pananampalataya ay matatapos sa paningin;
Mayroon lamang kaunti pang mga araw upang magtrabaho,
Tapos aking kukunin ang aking makalangit na paglipad.
Lupa ng Beulah, Naghahangad ako para sa iyo,
At balang araw, sa iyo ako’y tatayo,
Doon ang aking tahanan ay walang hanggan,
Lupa ng Beulah, matamis na Lupa ng Beulah.
“Doon sa maliwanag na lungsod!” – kantahin ito kasama ko!
Doon sa maliwanag na lungsod, malaperlas ang puting lungsod,
Mayroon akong isang mansion, isang balabal at isang korona;
Ngayon ako’y nanonood, naghihintay, at naghahangad,
Para sa puting lungsod na nakita ni Juan na bumababa.
(“Ang Malaperlas na Puting Lungsod.” Isinalin mula sa
“The Pearly White City” ni Arthur F. Ingler, 1902).
I. Una, tignan natin anong mayroon sa Langit.
Binasa ni Gg. Prudhoome ilang minuto kanina ang Mga Taga Hebreo 12:22-24. Ang pasaheng ito ay nagsasabi sa ilang mga bagay na makikita natin sa Langit. Babasahin ko ito muli.
“Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel, Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal, At kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan, at dugong pangwisik na nagsasalita ng lalong mabuti kay sa dugo ni Abel” (Mga Taga Hebreo 12:22-24).
Sa berso 22 tayo ay sinabihan na ito’y napaka tiyak na isang larawan ng Langit. Tinatawag niya ito sa tatlong mga pangalan. Ito’y tinatawag na “Bundok ng Zion.” Ito’y tinatawag na “lungsod ng nabubuhay na Diyos.” Tapos, upang matiyak na ating naintindihan, sinasabi niya na ito’y “ang makalangit na Jerusalem.”
Tapos binibigyan niya tayo ng listahan ng mga bagay na maparoroon. Una, magkakaroon ng “isang di mabilang na mga kasamang anghel” doon. Naniniwala ako na mayroong mga anghel na nakapaligid sa atin sa lahat ng oras, nagbabantay sa atin at nagproprotekta sa atin. Ngunit sila’y nakatago mula sa ating paningin sa karamihan ng oras. Naniniwala ako na nakakita ako minsan ng isang anghel. Ngunit ito’y isang anghel lamang, at nakita ko lamang siya ng isang beses. Ngunit sa Langit makakikita tayo ng “di mabilang” na hukbo ng mga anghel, libo-libo sa kanila. Sa Apocalipsis 5:11 tayo ay sinabihan na mayroong “sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo” ng mga anghel doon. Iyan ay napakarami mga anghel! Makikita mo sila. Makaka-usap mo ang ilan sa kanila. Anong araw ito magiging! Anong tanawin ito magiging! Minimithi ko ito!
Tapos tayo ay sinabihan na “Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit” ay maparoroon (Mga Taga Hebreo 12:23). Sa Bibliya, halos lahat ng pagtutukoy sa “simbahan” ay tumutukoy sa isang lokal na simbahan, isang lokal na kongregasyon, tulad ng sa atin. Ngunit naniniwala ako na ito’y isang pagtutukoy sa pangkalahatang simbahan. Bawat Kristiyano sa lahat ng mga panahon ay maparoroon. Ang kanilang mga pangalan ay “naisulat sa langit” – sa Aklat ng Kordero ng Buhay! Ang lahat ay maparoroon –ang lahat ng mga Apostol; lahat ng mga martir na napirapiraso ng mga leyon sa mga Romanong arena; lahat ng mga mapagpananampalatayang santo, marami sa kanila ay napahirapan noong Gitnang mga Panahon; ang lahat ng mga napagbagong loob na mga kaluluwa mula sa Tatlong Dakilang mga Pagkagising; lahat ng mga misyonaryo; lahat ng mga napagbagong loob na nagkaroon sila sa buong mundo; lahat ng mga dakilang mangangaral ng mga panahon; lahat ng mga namartir ng mga Komunista at mga Muslim sa ika-20 na siglo; ang lahat ay maparoroon! Sinabi itong mahusay ni Henry Alford (1810-1871),
Sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo
Sa kumikinang na damit na maliwanag,
Ang mga hukbo ng mga tinubos na mga santo
Dinagsa ang mga matatarik ng ilaw;
Ito’y tapos na, lahat ay tapos na,
Ang kanilang pakikipaglaban sa kamatayan at kasalanan;
Bumukas na malawak ang gintong tarangkahan,
At hayaan ang mga nagtagumpay papasok.
(“Sangpung Libong Tigsasangpung Libo at Libolibo.” Isinalin mula sa
“Ten Thousand Times Ten Thousand” ni Henry Alford, 1810-1871).
“Dios na Hukom ng Lahat” ay maparoroon din (Mga Taga Hebreo 12:23). Hindi ito maging Langit kung ang Diyos ay wala roon! Hindi ako naniniwala na makikita natin kailan man ang Diyos na direkta. Sinasabi sa atin ng Mga Awit 104:2 na tinatakpan ng Diyos ang Kanyang Sarili gamit ng ilaw “gaya ng isang damit.” Sinasabi ng Bibliya, “Walang taong nakakita kailan man sa Dios” (Juan 1:18). Naniniwala ako na ito’y magiging parehas sa Langit. Makikita natin ang ilaw sa paligid Niya, ngunit hindi natin makikita ang Diyos ang Ama Mismo. Gayon man tayo ay sinabihian na Siya’y maparoroon kasama natin sa Langit.
“Ang mga espiritu ng mga makatuwirang taong ginawang ganap” ay maparoroon din. Sinabi ni Dr. McGee ito ang mga “Lumang Tipang santo na ang mga kaligtasan ay ginawang ganap ngayon na si Kristo ay namatay bilang Kordero ng Diyos na kumuha ng kasalanan ng mundo papalayo” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, kabuuan 5, 1983, p. 608; sulat sa Mga Taga Hebreo 12:23). Bawat isa noong mga Lumang Tipang mga santo ay maparoroon sa Langit! Si Adam at Eba ay naroon, nahugasan ng Dugo ng Kordero; si Abel ay maparoroon. Gayon din si Enoch, at Noe, at Abraham, at Sara, at Isaac, at Jacob, at Jose, at Moses, at Joshua, at Gideon, at Barak, at Samson, at Jepthah, at David, at Samuel, at lahat ng mga propeta! Anong araw iyan kapag makikita natin sila lahat sa Langit!
At tayo ay sinabihan na si “Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan” ay maparoroon (Mga Taga Hebreo 12:24). Hindi ito Langit kung si Hesus ay wala roon. Makikita natin si Hesus!
Isang hindi tunay na doktro ay nagbuhos ng lason sa kanyang mga mata noong siya ay ilang araw na taong gulang lamang. Siya ay lubos na bulag sa kanyang buong buhay. Ngunit sinabi ito ni Fanny Crosby sa isa sa kanyang kaakit-akit na mga kanta:
makikilala ko ang aking Tagapagligtas
kapag aking maabot ang kabilang panig,
At Kanyang ngiti ang unang babati sa akin.
Makikilala ko Siya, makikilala ko Siya,
At naligtas sa Kanyang tabi ako tatayo,
Makikilala ko Siya, makikilala ko Siya,
Sa pamamagitan ng mga marka ng pako sa Kanyang kamay.
(“Ang Aking Tagapagligtas Una sa Lahat,” Isinalin mula sa
“My Saviour First of All” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
At tapos tayo ay sinabihan na isa pang bagay ay naroon sa Langit – “at dugong pangwisik, na nagsasalita ng lalong mabuti kay sa dugo ni Abel” (Mga Taga Hebreo 12:24). Sinabi ni Dr. McGee, “Ang dugo ni Abel na sumisigaw para sa paghihiganti, ngunit ang dugo ni Kristo ay nagsasalita ng kaligtasan” (Isinalin mula kay McGee, ibid.). Siyempre ang Dugo ng pagwiwisik ay naroon! Hindi ito Langit kung wala ang mahal na Dugo ni Kristo.
Nakakuha si Dr. W. A. Criswell ng kanyang Ph.D. sa Bagong Tipang Griyego. Siya ang isa sa pinaka dakilang mangangaral ng Amerika ng halos 60 taon sa Unang Bautistang Simbahan ng Dallas Texas [First Baptist Church of Dallas, Texas]. Si Billy Graham ay isang miyembro ng kanyang simbahan. Sinabi ito ni Dr. Criswell patungkol sa Dugo ni Hesus sa Langit,
Ang ating Panginoon ay papasok lampas sa belo sa Banal ng mga Banal, dala-dala ang dugo, hindi ng mga toro at mga kambing, kundi ibinubuhos ang Kanyang sariling dugo upang maglinis at magbayad para sa ating mga kasalanan. ..Sa mga langit ng mga kalangitan, sa mga sangtuwaryo ng mga sangtuwaryo kung san ang Diyos, ang ating Kristo ay kinailangang pumasok na may dugo ng propisyasyon, pagbabayad at kapatarawaran, at nililinis Niya ang banal na lugar kahit na naroon tayo…Iyan ang ginawa ni Kristo para sa atin noong pumasok Siya lampas ng belo. Paano tayog mga makasalanang kalalakihan at kababaihan, pumasok sa banal na lugar kung saan nabubuhay ang Diyos? Pumapasok tayo sa dugo ng Kanyang pagbabayad (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Dakilang mga Doktrina ng Bibliya, Kabuuan 2 [Great Doctrines of the Bible, Volume 2], ipinatnugot ni Paige Patterson, Zondervan Publishing House, 1982, mga pahina. 194-196).
Hindi ko alam kung papaano ang kahit sinong tao na naniniwala sa verbal na inspirasyon ng Hebreo at Griyegong Bibliya, ang hindi nagkakamaling Salita ng Diyos, ay makapuputol ng mga salitang iyon ng kanyang Bibliya, “at dugong pangwiwisik.” Ipinaputol ni Haring Jehoiakim sa kanyang alipin gamit ng isang kutsilyo ang Salita ng Diyos at itapon ito sa apoy. “Pinutol ng hari ng lanseta, at inihagis sa apoy na nasa apuyan” (Jeremias 36:23). O mahal na kapatid, mangangaral huwag hayaan si Koronel R. B. Thieme o John MacArthur na putulin ang mga salitang ito ng Diyos mula sa napukaw na kapitulong ito! “At ang dugo ng pangwiwisik” – na nagtatakip rito at pinamamalagi rito magpakailan man, sa verbal na napukaw na teksto ng Salita ng Diyos Makapangyarihan! “At ang dugo ng pagwiwisik.” Sa lahat ng panahon, at sa buong walang hanggan, ito’ y doon sa banal ng mga kabanalan; sa Bundok ng Zion, sa lungsod ng nabubuhay na Diyos, ang Makalangit na Jerusalem!
Ang ilang mga tao ay nagsabi sa akin, “Bakit hindi mo na lang pabayan si Koronel Thieme at John MacArthur patungkol sa Dugo? Pabayaan itong mag-isa! Isuko ito!” Ngunit, hindi ko ito maisusuko. Ang mga kalalakihang ito ay mayroong malaking impluwensya sa mga mangangaral. Mayroon silang malaking impluwensiya! Kailan ang huling beses na nakarinig ka ng isang buong sermon sa Dugo ni Kristo? Kailan ang huling beses na ang iyong simbahan ay kumant ng dakilang “Dugong” mga himno? Kailan ang huling beses na ang iyong simbahan ay kumanta ng “Wala Kundi ang Dugo,” [“Nothing But the Blood”], o “Ligtas sa pamamagitan ng Dugo ng Naipakong Isa,” [“Saved by the Blood of the Crucified One”] o “Mayroong Kapangyarihan sa Dugo,” [“There is Power in the Blood”], o “Kapag Makita Ko ang Dugo” [“When I See the Blood”] o “Mayroong isang Bukal na Puno ng Dugo” [“There is a Fountain Filled with Blood”]?
Ako’y kumbinsido na natutunang ibaba ni Dr. MacArthur ang mahal na dugo ni Kristo mula kay Koronel R. B. Thieme. Naroon ako sa mga pagpupulong noong 1961. Si Thieme ay pinagbawal nang magsalita mula sa Unibersidad ng Biola dahil sa kanyang paglilihis sa Dugo. Kaya nagturo siya sa isang mataas na paaralang awditoriyum. Lahat kami mula sa Biola ay nagpunta dahil sa interes. Nakita ko si Dr. MacArthur na nagsusulat gabi-gabi habang ibinababa ni Thieme ang Dugo. Kapag nababasa ko ang mga pahayag ni Dr. MacArthur, nakikita ko na ang mga ito’y direktang nanggagaling doon sa mga lektura, na ibinigay noong di pangkaraniwang taong iyon, si Koronel Thieme.
Ngunit alam ko na hindi tayo magkakaroon ng isa pang matinding muling pagkabuhay hangga’t ang Dugo ng Tagapagligtas ay mabibigyan ng respeto na nararapat rito. Si Dr. Martyn Llyod-Jones ay isang may awtoridad sa muling pagkabuhay, at sinabi niya,
Matatagpuan mo na sa bawat panahon ng muling pagbuhay, na walang eksepsyon, mayroong dakilang pagdidiin sa dugo ni Kristo…Siyempre, alam kong ganap ito kapag nagsasabi ako ng mga bagay tulad niyan nagsasabi ako ng isang bagay na hindi di pangkaraniwan at lubos na di popular sa kasalukuyang panahon. Mayroong mga Kristiyanong mangangaral na nag-iisip na sila’y matalino sa pagbubuhos ng pangungutya sa teyolohiyang ito ng dugo. Kinakalimutan nila ito na walang pagkasuklam [ngunit] wala akong nakikitang pag-asa para sa muling pagkabuhay kapag ang mga kalalakihan at mga kababaihan ay itinatanggi ang dugo ng krus, at nagbubuhos ng pakasuklam sa isang bagay na dapat nating ipagmalaki (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Reviva]l, Crossway Books, 1987, mga pahina. 48, 49).
Mayroong isang bukal na puno ng dugo
Nakuha mula sa mga ugat ng Imanuel;
At ang makasalanan, ay lumulubog sa ilalim ng bahng iyon,
Nawawala ang lahat ng kanilang nagkakasalang mga mantsa.
(“Mayroong isang Bukal.” Isinalin mula sa “There is a Fountain”
ni William Cowper, 1731-1800).
Minamahal kong Kristiyanong kaibigan, makikita mo ang lahat ng mga nakamamanghang mga bagay na iyan at banal na mga bagay kapag marating mo ang Bundok ng Zion, ang lungsod ng nabubuhay na Diyos, sa Makalangit na Jerusalem! At walang mas mahalaga kaysa sa Dugo ni Hesus!
Minamahal na Namamatay na Kordero, Ang Iyong mahal na dugo
Ay di kailan mawawala ang kapangyarihan nito,
Hanggang sa ang lahat ng naligtas na Simbahan ng Diyos
Ay maligtas, upang din a magkasala.
(“Mayroong Isang Bukal.” Isinalin mula sa “There Is a Fountain”
ni William Cowper, 1731-1800).
II. Gusto kong makita ang isa sa mga bagay na gagawin natin sa Langit.
Ngayon, tayo’y napunta sa pangalawag punto, at ang ating pangalawang teksto. Paki lipat sa Apocalipsis 5:9 habang basahin ko ito.
“At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa” (Apocalipsis 5:9).
Dito makikita natin ang 24 na mga matatanda, na kumakatawan sa lahat ng mga Kristiyano sa Langit. “At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit.” Hindi ako magkukumento patungkol sa pagbubukas ng aklat sa berso 8. Ako’y magdidiin sa pangunahing punto sa anong kakantahin natin sa Langit. Narito ang kakantahin natin patungkol,
“...ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa” (Apocalipsis 5:9).
Sa Langit, isang di mabilang na bilang ng mga Kristiyano, bilyon bilyon sa atin, ay kakanta ng mga papuri kay Kristo. “Ang bagong kanta” ay ang kanta ng bagong tipan, ang kanta ng pagkaligtas sa pamamagitan ng Dugo ng pagbabayad ni Kristo. Sa katunayan, ang kantang ito ay patungkol sa kamatayan ni Hesus sa Krus, at patungkol sa Kanyang mahal na Dugo! Sa ibang salita, tayo ay kakanta tungkol sa dalawang elemento na inirerepresenta sa Hapunan ng Panginoon. “Ika’y pinatay” – ang Kanyang napako sa krus na katawan, kinakatawanan ng tinapay sa Hapunan ng Panginoon. “at binili mo sa Dios ng iyong dugo” – ang Kanyang mahal na Dugo, kinakatawan ng tasa sa Hapunan ng Panginoon. Kung gayon, ang Dugo ni Kristo ay inirerepresenta ng dalawang magkahiwalay na elemento sa Hapunan ng Panginoon. Kung gayon si Dr. MacArthur ay mali kapag paulit-ulit na sinasabi niya na ang “Dugo” ni Hesus ay isa lamang salita para sa Kanyang “kamatayan,” isang “metonimyo” para sa Kanyang kamatayan. Siya ay maling-mali. Dalawang magkahiwalay na mga elemento sa Hapunan ng Panginoon ay nagpapakita na siya’y mali. Ang mga ito’y hindi dalawang mga salita para sa parehong bagay! Sila’y dalawang magkahiwalay na mga bagay! At ang dalawang bahagi ng kanta na ating kakantahin sa Langit ay nagpapakita na siya ay mali,
(1) “Ika’y pinatay,
(2) “at binili mo sa Dios ng iyong dugo.”
Papuri sa Diyos! Aleluya! Tayo ay kakanta ng papuri kay Kristo para sa pamamatay sa Krus upang magbayad para sa ating kasalanan! At tayo ay kakanta ng papuri kay Kristo para sa Kanyang Dugo, na nagliligtas sa atin mula sa kasalanan! Papuri sa pangalan ni Hesus! Sinabi ni Dr. McGee,
“At binili [kami] sa Dios ng iyong dugo.” [Tayo] ay kakanta ng Kanyang ibinuhos na dugo sa langit. Dito sa ibaba maraming mga denomonasyonal na mga simbahan ay inaalis sa kanilang mga aklat ng himno ang lahat ng pagtutukoy sa Kanyang dugo, ngunit sa langit ang mga ito’y maibabalik sa aklat ng himno. Hinuhulaan ko na iyan ang dahilan na hindi ipahihiya ng Panginoon ang ilan sa mga taong iyon sa pagdadala sa kanila sa langit, dahil kailangan silang kumanta tungkol sa sa dugo doon (Isinalin mula kay McGee, ibid., pah. 937; kumento sa Apocalipsis 5:9-10).
At ipapapansin ko sa inyo na iyong mga sa atin na kakanta sa dakilang koro, bilyon bilyon sa atin, ay maliligtas ng Dugo ni Kristo mula sa “bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.” Natutuwa ako na sinasabi nito iyan, mula sa “bawat angkan, at wika, at bayan, at bansa.” Kung hindi nito sinabi iyan hindi magkakaroon ng maraming tao sa Langit, dahil napaka kaunting mga miyembro ng Amerikanong mga simbahan ay ligtas! Naiisip ko na tayo ay magugulat sa kung gaano kaunting mga Amerikano, lalo na mula sa ika-20 at 21 na siglo, ang maparoroon sa korong iyon sa Langit!
Ang mga Amerikanong mga simbahan ay kailangang magbunga ng bawat maisip na kalokohan upang ipalit sa simpleng Ebanghelyo, “ika’y pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo.” Na wala ang Krus at ang Dugo walang mapupunta sa Langit!
Maaring mayroong magsabi, “Dr. Hymers, bakit nangangaral ka ng lubos lubos sa Dugo ni Kristo?” Hahayaan ko si Spurgeon na sumagot,
Nadinig ko isang araw ang isang nagsabi patungkol sa isang partikular ng ministor, “O gusto namin ng ibang ministor, pagod na kami sa taong ito; lagi siyang nagsasalita masyado sa dugo.” Sa huling dakilang araw, ang Diyos ay mapapagod sa taong nagsabi niyan. Ang Diyos ay di kailan man napapagod sa mahal na dugo, o ang Kanyang mga tao na ngayon ay ang kanilang kaligtasan ay nakasalalay. Hindi sila napapagod sa dugo, kahit sa langit, hindi nila sinasabi na ang [Kanyang Dugo] ay isang nakakikilabot na salitang banggitin. “O, ngunit ayaw ko ang salitang [Dugo]” ang sabi ng isang maselang tao. Ang iyong Pagkapanginoon ay hindi maiistorbo nito, dahil hindi ka pupunta sa langit. Huwag kang [mag-alala] hindi ka mapupunta kung saan sila’y kakanta tungkol sa dugo. Ngunit kung mapupunta ka doon kailan man, maririnig mo ito ng paulit-ulit! “Binili mo [kami] sa Dios ng iyong dugo.” O kanilang malakas na [kakantahin!” O na kanilang ididiin ang panghalip, “Mo,” at itutok ang papering buong-buo kay Hesus…” Iyong binili kami sa Diyos sa pamamagitan ng iyong dugo.” Hindi sila nahihiya sa dugo ni Hesus doon sa itaas! (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Makalangit na mga Tagakanta at ang kanialang mga Kanta” [“The Heavenly Singers and their Song”], Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1975 inilimbag muli, kabuuan XXXIX, p. 391).
Gusto kong tanungin mo ang iyong sarili kung ika’y maging naroon sa korong iyon sa Langit. Aakyat ka ba sa Langit upang kumanta kasama nila kung mamatay ka sa isang aksidente ngayong gabi? Ikaw ba? Ikaw ba? Ikaw ba? Hindi ka mapupunta sa Langit kung ang iyong kasalanan ay hindi nalinis at naalis. Ang Dugo lamang ni Kristo ang makagagawa niyan! “Napunta ka na ba kay Hesus para sa nakalilinis na kapangyarihan? Ikaw ba’y nahugasan sa Dugo ng Kordero?” Napunta ka na ba? Napunta ka na ba? Napunta ka na ba? Hindi ka mapupunta sa Langit kung ang iyong kasalanan ay hindi mahugasan ng Dugo ni Hesus. Magpupunta ka ba kay Hesus ngayong gabi? Mahuhugasan ka bang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo ngayon?
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa iyong kasalanan at pagiging nalinis ng Dugo ni Hesus, lumakad sa likuran ng awditoriyum na ito ngayon. Dadalhin namin kayo sa isang silid kung saan makapag-uusap tayo at makadarasal tungkol riyan. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme:
Mga Taga Hebreo 12:22-24.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Matamis na Lupa ng Beulah.” Isinalin mula sa
“Sweet Beulah Land” (ni Squire Parsons, 1948-)/
“Ang Mala Perlas na Puting Lungsod.” Isinalin
“The Pearly White City” (ni Arthur F. Ingler, 1902).
ANG BALANGKAS NG ISANG SULYAP NG LANGITni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa” (Apocalipsis 5:9). I. Una, tignan natin anong mayroon sa Langit, Mga Taga Hebreo 12:22-24; II. Gusto kong makita ang isa sa mga bagay na gagawin natin sa |