Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG IYONG SARILING KALIGTASAN

YOUR OWN SALVATION
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-9 ng Pebrero taon 2014

“Ng inyong sariling pagkaligtas” (Mga Taga Filipo 2:12).


Noong huling gabi nangaral ako ng isang pangaral sa Mga Taga Filipo 2:12-13 sa aming Sabado ng gabing panalanging pagpupulong. Halos lahat kayo ay narito, at kung ika’y wala rito noon maari mong mabasa ang manuskrito sa aming websayt sa www.realconversion.com. Sa kagabing mensahe isinipi ko ang ilang pangungusap mula sa isang sermon ni C. H. Spurgeon. Ang kanyang pangaral ay hindi patungkol sa dalawang mga berso, kundi patungkol sa mga salitang “ng iyons sariling pagkaligtas” lamang. Naramdaman ko na kailangan kong magbigay ng isang paliwanag ng parehong mga berso. Ngunit pagkatapos kong isinulat ang pangaral na iyon ang aking isipan ay bumalik sa pangaral ni Spurgeon sa tatlong mga salitang iyon – “ng iyong sariling pagkaligtas.”

Ang pangaral na ibinigay ko kagabi ay patungkol sa maraming mga tema, ngunit ang pangaral na ito ay patungkol lamang sa isa, iyan ay “ng inyong sariling pagkaligtas.” Naway ang Banal na Espiritu ay magsanhi sa iyong makita ang halaga “ng inyong sariling kaligtasan” ngayong umaga. Ito’y isang napaka simpleng tema, ngunit iyan ay lubos na mahalaga – talaga ang pinaka mahalagang paksa sa lahat! Naway ang Espiritu ng Diyos ay magsanhi sa iyong harapin ang katotohanan tungkol sa iyong sarili. Huwag kang mag-isip ng ibang tao maliban sa sarili mo. Panalangin ko na wala kang iisipin kundi ang “inyong sariling kaligtasan.”

I. Una, gusto kong pag-isipan ninyo ang salitang “kaligtasan.”

Ang Griyegong salitang isinalin na “kaligtasan” ay “sōtēría.” Ibig nitong sabihin ay “kaligtasan” at “preserbasyon” (Isinalin mula kay George Ricker Berry). Iyan ay lubhang mahalaga sa bawat isa sa atin. Lahat tayong mga makasalanan. Ang ating katutubong kasalanan ay namana mula sa ating unang magulang. At lahat tayo ay nagkasalang personal. Isang Tsinong batang lalake ang nagtanong sa akin anong ibig sabihin na magkasala. Sinabi ko, “Ibig nitong sabihin gumagawa ng isang bagay na ayaw mong malaman ng iyong ina.” Tayo ay lahat mga makasalanan sa kalikasan, at tayo ay personal na nagkamit ng mga kasalanan.

Ang salitang “kaligtasa” ay nangangahulugang kaligtasan mula sa pagkasala mula sa mga kasalanan natin sa nakaraan. Nalabag mo ang batas ng Diyos. Nararamdaman mo ang pagkasala at hiya. Kaligtasan ay nagliligtas sa iyo mula sa pagkakasala ng mga kasalanang iyo. Sa kaligtasan ang iyong mga kasalanan ay napapawi, natatakpan, nalilinis ng Dugo ni Kristo. Ika’y napatawad para sa bawat kasalanan na iyong nakamit. Ika’y nalinis mula sa bawat kalupitan na iyong nagawa. Ika’y nagawang katanggap-tanggap sa Diyos, ang dakila at teribleng hukom.

Ngunit ang kaligtasan ay higit pa riyang ang ibig sabihin. Sa kalikasan iniibig mo ang masama. Ika’y alipin sa kasalanan. Ngunit ang kapag ang kaligtasan ay darating ika’y naliligtas mula sa nakalalamon na kapangyarihan ng kasalanan. Ang pangalawang punto ng kaligtasan ay na ika’y naligtas mula sa pagka-alipin sa kalupitan. Natakasan mo na ba ang kasamaan na nasa mundo sa pamamagitan ng kasakiman? Mapalalaya ka ni Kristo!

Ibig sabihin din ng kaligtasan ay kaligtasan mula sa poot ng Diyos, ang Kanyang napatibay nang poot sa iyong kasalanan. Ibig sabihin rin ng kaligtasan ay na ika’y ligtas mula sa galit ng Diyos. Karamihan ng mga tao ngayon ay di natatanto na ang Diyos ay galit sa kanila dahil sa kanilang kasalanan. Ngunit hindi nito nababago ang kahit ano. Sinasabi ng pag-iisip na pagkatapos ng pagkamakabago ay, “Iyan ay totoo para sa iyo, ngunit hindi para sa akin.” Ganyan ang pag-iisip ng maraming mga kabataan ngayon. Ngunit mayroon dapat magsabi sa iyo na ika’y isang hangal kung ganyan ang pag-iisip mo! “Totoo ito sa iyo, ngunit hindi ito totoo sa akin.” Ganyan magsalita ang mga hangal! Ang Bibliya ay ang pangwakas na hukom ng kung anong totoo. Sinasabi ng Bibliya, “Dios na may galit [sa masasama] araw-araw” (Mga Awit 7:11). Iyan ay salaysay ng katotohanan. Ito’y totoo paniwalaan mo man ito o hindi. Paano kung sabihin ng isang doktor, “Mayroon kang kanser”? Hindi ba makatwiran para sa iyong sabihin, “Iyan ay totoo sa iyo, ngunit hindi totoo sa akin”? Mayroon talagang mga taong ginagawa iyan! Sinasabi ng mga Saykayatrista na sila’y nasa kalagayan ng “pagkakaila.” Ibig sabihin niyan na ikinakaila nila na ito’y totoo kahit ito nga ay totoo. Kung iniisip mo na ang Diyos ay hindi galit sa iyo dahil sa iyong kasalanan, ika’y nasa kalagayan ng pagkakaila. Gaano mo man ito ipagkaila, ito pa rin ay totoo, ang “Dios [ay galit sa iyo] araw-araw.” Iyan ay totoo ikaila mo man ito o hindi. Ito’y totoo paniwalaan mo man ito o hindi.

Natatandaan kong mabuti noong ang unang tao ay nagpunta sa Buwan. Alam mo ban a mayroong mga taong hindi naniwala rito? Sinabi nila, “Ang mga letratong nilang naglalakad sa paligid ng Buwan ay kinuha sa isang estudyo. Inayos nila ito upang magmukhang tulad ng Buwan, ngunit ito’y isang set lang sa pelikula.” Hindi na naririnig iyan ng ilang panahon, ngunit tiyak akon na mayroon pa ring ilang sira ulo riyan na iniisip iyan. Ngunit hindi mahalaga ang iniisip ng “sira ulo”! Ang Tao ay naglakad sa Buwan paniwalaan man niya ito o hindi, totoo man ito “sa kanya” o hindi! At ganyan din ito pagdating sa poot ng Diyos, ang poot ng Diyos sa kasalanan. Ito’y totoo paniwalaan mo man ito o hindi!

Ang mga sakaytrista tulad ni Dr. Karl Menniger ay nagsabi na maraming mga makabagong mental at emonsyonal na mga problema ay nanggagaling mula sa napigil na pag-aalala dahil sa kasalanan (Isinalin mula kay Karl Menninger, M.D., Anong Nangyari sa Kasalaan? [Whatever Became of Sin?], Hawthorn Books, 1973). Sinasabi nila na iyan ang ugat ng pagkalungkot ng maraming mga tao. Sinasabi nila na iyan ang isa sa mga ugat ng abuso sa alkohol at droga. Sinasabi ng mga konsensya ng mga tao na sila ay nagkasala ng kasalanan. Ang kanilang mga isipan ay tinatanggihan ito at pinipigil ito, ngunit dinadala sila ng kanilang mga konsensya sa alkoholismo, abuso sa droga, pati pagpatay sa sarili. Alam mo ban a ang pagpagtay sa sarili ay ngayon ang numero unong sanhi ng kamatayan sa mga kabataan? Ang numero unong sanhi! Parehong mga kabataan na nagsasabing, “Iyan ay totoo sa iyo, ngunit hindi totoo para sa akin” – ang mga parehong mga kabataan ay nagpapatay ng kanilang mga sarili sa nakagugulat na bilang. Milyon milyong iba ay kailangang magdroga upang makalampas ng isang araw. Hindi nila alam kung paano mabuhay! Hindi nila alam kung paano maging masaya! Sinasabi ng Bibliya, “Ang lakad ng mananalangsang ay mahirap” (Mga Kawikain 13:15). Mahirap mabuhay sa kasalanan. Mahirap maging mananalangsang!

May mga kilala akong tao noon na nagsabi na hindi niya kailangan si Kristo. Hindi siya! Sinabi niya na siya’y isang mabuting tao at hindi kailangan si Kristong patawarin siya. Kaunting panahon maya-maya uminom siya ng isang baso puno ng lason. Gumapang siya sa kanyang mga kamay at tohod ng maraming mga oras bago nila siya natagpuan. Namatay siya sa ospital. Alam ko na siya’y kinaing buhay ng pagkakasala dahil sa kanyang kasalanan, kahit na ito’y ipinagkakait niya. Sinasabi ng Bibliya, “Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama” (Isaias 57:21).

Sinasabi mo, “Walang mangyayaring tulad niyan sa akin.” Huwag kang manigurado tungkol riyan! Ang buhay ay mahaba, at puno ng teriblang mga bagay. Narinig mo ba ang batang aktor na si Philip Seymour Hoffman? Nanalo siya ng isang Oscar. Mayroon siya ng lahat! Ngunit natagpuan nila siya sa kanyang banyo ilang araw noon, na mayroon karayom na nakatusok sa kanyang braso. Ang kanyang silid puno ng daan daang mga pakete ng heroin! Sa tinggin ko sinusubukan niyang pigilan ang kanyang mga pakiramdam ng pagkasala at pagkalungkot! Anong trahediya!

Gayon din, ang inililigtas tayo ng kaligtasan mula sa paghahatol ng Diyos sa hinaharap. Sinasabi ng Bibliya na mayroong araw na darating. Sa ibang mga lugar ito’y tinatawag na “araw ng Panginoon.” Sa ibang mga lugar ito’y “ang araw” o “ang araw ng paghihiganti.” Tinukoy ito ni Apostol Pablo na “isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan” (Mga Gawa 17:31). Ang Apostol Pedro ay nagsalita patungkol “sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9). Ginawa ng tanyag na ebanghelistang si Billy Graham ang pahayag na ito noong taon 1949 sa kanyang unang krusada, dito sa Los Angeles, sa kanto ng Washington at Hill Streets. Hindi ako sumasang-ayon sa kanya ngunit ang pahayag na ito ay lubos na totoo.

Sinasabi ng Diyos, “nagtakda ako ng isang araw.” Iprinoproklama Niya ito sa buong mundo…ang lahat ng mga di naniniwalang mga tao ng mundo ay hahatulan sa araw na iyon… “nagtakda ako ng isang araw na aking ihuhukom ang mundo sa kung anong ginawa nila kay Kristo Hesus.” Iyan ang mga salita ng Diyos ngayong gabi (Isinalin mula kay Billy Graham, Muling Pagkabuhay sa Ating Panahon [Revival in Our Time], Van Kampen Press, 1950, pahina 159).

Sinabi iyan ni Gg. Graham 65 na mga taon noon. Ibig sabihin ba nito na hindi ito mangyayari? Hindi! Ibig sabihin nito na tayo ay 65 na taong mas malapit sa araw ng paghahatol! Ang kaligtasan mag-isa ay magliligtas sa iyo mula sa paghahatol ng Diyos sa araw na iyon. Ang kaligtasan ni Kristo lamang ay pipigil sa iyong maitapong buhay sa Lawa ng Apoy sa teribleng araw na iyon!

Maaring hindi mo iniisip na ang iyong kaligtasan ay napaka halaga – ngunit ito’y mahalaga sa Diyos! Iniisip Niya ang iyong kaligtasan ay napaka halaga na ipinadala Niya si Hesus upang iligtas ka! Si Hesus Mismo ay iniisip na ang iyong kaligtasan ay napaka halaga na nagdusa Siya at namatay sa Krus upang iligtas ka! Sinasabi ng Bibliya, “si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15). Iniisip ng Banal na Espiritu na ang iyong kaligtasan ay napaka halaga na Siya’y kumikilos na tuloy-tuloy sa iyong alang-alang. Gayon iniisip ng Banal na Trinidad na ang iyong kaligtasan ay lubhang mahalaga.

Bilang iyong pastor, iniisip ko na ang iyong kaligtasan ay napaka halaga na palagi akong ipinangangaral ang Ebanghelyo sa iyo! Madali akong makapagsasalita patungkol sa ibang mga bagay sa Bibliya. Ngunit ako’y nag-aalanang lubos para sa iyong kaligtasan na napupuwersa akong ipangaral sa iyo ang iyong pangangailangan ng kaligtasan kay Kristo.

Nag-aalala ring lubos ang simbahang ito patungkol sa iyong kaligtasan na ang aming mga tao ay nananalangin sa iyong maligtasa ka oras-oras. Pareho sa kanilang pribadong panalangin, at sa tatlong pagpupulong na panananalangin, nananalangin sila ng mahaba, at na may matinding lakas para sa iyong maligtas!

Iniisip ng Diablo at ng mga demonyo na ang iyong kaligtasan ay napaka halaga na sila’y kumikilos na walang tapos upang pigilan ka mula sa pagiging ligtas! Ang nawalang kaluluwa sa Impiyerno ay alam rin ang halaga ng iyong kaligtasan! Ang mayamang tao na namatay at nagpunta sa impiyerno ay hiningi na si Lazaro ay ipadala upang biygang babala ang kanyang limang mga kapatid, “baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa” (Lucas 16:28).

Ang pinagpalang Trinidad, ang mga tao ng simbahang ito, ang Diablo at ang kanyang mga demonyo, ang mga nawawalang kaluluwa sa Impiyerno, lahat alam na ang iyong kaligtasan ay lubos na mahalaga! Naway ika’y magising at makita ang iyong matinding pangangailangan ng kaligtasan kay Kristo Hesus!

II. Pangalawa, gusto kong pag-isipan ninyo ang “inyong sariling” kaligtasan.

Ang teksto ay tumutukoy sa “inyong sariling kaligtasan.” Sa oras na ito gusto kong pag-isipan ninyo ang “inyong sariling kaligtasan.” Ang mga salitang “inyong sarili” ay isinalin mula sa isang Griyegong salitang – “Heautōn” – wala nang iba kundi “inyong sariling” kaligtasan! Pag-isipan ngayon kung gaano iyan kahalaga para sa iyo na maligtas! Pag-isipan ang iyong sariling kaligtasan – at wala nang iba – ngayong umaga! Sinabi ng tagabilanggo, “Ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” (Mga Gawa 16:30). Iyan ang dapat mong pinag-iisipan – “Ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?”

Wala nang ibang mahuhugasang malinis sa Dugo ni Kristo para sa iyo. Dapat kang mahugasan! Dapat kang magsisi! Dapat kang magtiwala kay Hesus! Kung hindi mo pagkakatiwalaan ang Tagapagligtas, ika’y mawawala sa walang hanggan!

Pag-isipan ang katotohanan na dapat kang personal na mamatay. Walang nag-iisip na ang kanyang kaibigan o kanyang kamag-anak ay maaring mamatay para sa kanya. Dadaan ako sa pinto ng kamatayan na mag-isa. At ikaw rin! At kapag mamatay ka ika’y mapagiginhawaan at magiging maligaya, o kung hindi ika’y masisindak o mapahihirapan. Makikita mo man ang “ang hari sa kaniyang kagandahan” (Isaias 33:17); o kung hindi ay “tatahan sa walang hanggang ningas” (Isaias 33:14). Mayroong personal na Langit para sa tunay na Kristiyano. Ngunit makapupunta ka lamang doon kung naransan mo ang “[iyong] sariling kaligtasan.” Mayroong personal na Impiyerno – at kung hindi mo kailan man naranasan ang kaligtasan ika’y magpupunta roon – hindi ibang tao. Paano ka makatatakas mula sa apoy ng Impiyerno – kung iyong tatanggihan ang kaligtasan na inaalay sa iyo ni Kristo Hesus? Sinasabi ng lumang-panahong koro, “Hindi aking kapatid na lalake o kapatid na babae, kundi ako, o Panginoon, tumatayo sa pangangailangan ng panalangin!”

Ang ibang mga tao ay nagtatago sa isang tinatawag na “tipan ng biyaya.” Naniniwala sila na ika’y tiyak na maliligtas kung nanggagaling ka mula sa isang Kristiyanong pamilya. Maari nilang paniwalaan iyan ngunit hindi ako! Totoo, na ang isang naipanganak sa isang Kristiyanong tahanan ay may roong mas maraming paraan ng biyaya. Nakarinig siya ng mas maraming pangaral. Mas higit na nabasa niya ang Bibliya. Mas maraming mga tao ay nananalangin para sa kanya, atb. Ngunit wala pa kailan man ang naligtas dahil siya ay nasa isang “tipan ng biyaya.” Ang ganoong uri ng tipan ay hindi nabubuhay para sa mga Kristiyano. Ito’y isang resulta ng “nagpapalit na teyolohiyo” – na nagsasabing na pinapalitan ng simbahan ang Israel. Ito’y isang masamang doktrina na nagsanhi ng maraming tumalikod mula sa Israel at maging mga laban sa Semites. Sinasabi ito ng Heidelberg na Katekismo patungkol sa tinatawag na “tipan ng biyaya”: “…sa pamamagitan ng baptismo, ang marka ng tipan, ang mga sanggol ay dapat tanggapin sa Kristiyanong simbahan at dapat mabukod mula sa mga anak ng di naniniwala. Ito’y ginawa sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng sirkumsisyon, na pinalitan ng Bagong Tipan ng baptismo” (Isinalin mula sa Katekismo ng Heidelberg, Tanong 74). Walang Kasulatan na sumosoporta sa ideyang ito ng “pagpapalit.” Hindi tayo kailan man nasabihan na ang “baptismo” ay nagpapalit sa sirkumsisyon. Hindi tayo kailan man nasabihan na ang mga sanggol ay dapat mabinyagan dahil sila’y bahagi ng tinatawag na “tipan ng biyaya.” Hindi ko nakikita kung paano ang kahit sinong tunay na Bautista ang makatatanggap ng pagtuturong ito. Ayon sa kasaysayan ang mga Bautista ay laging humawak sa doktrina ng “maniniwalang baptismo.” Kung gayon, ang isang umaalinsunod na Bautista ay hindi makatuwiran na naniniwala sa “tipan ng biyaya.” Kailangan mong maligtas bagoka mabinyagan! Ang mga “sa tahanang mga baptismo” sa Aklat ng Mga Gawa ay base sa bawat isang tao sa bahay na napagbagong looban – na madalas nangyayari sa panahon ng matinding muling pagkabuhay – tulad sa Aklat ng Mga Gawa. Siya nga pala, ang ilan sa mga pinaka masasamang mga tao na aking nakilala ay nanggagaling mula sa Kristiyanong mga tahanan! Sa kabilang dako, wala ni isa sa ating mga diakono ay nanggaling mula sa isang Kristiyanong tahanan. Maging si Dr. Chan, o Dr. Cagan, o ako. Kami ay lahat naligtas sa pamamagitan ng personal na pananampalataya kay Hesus, hindi sa pamamagitan ng isang “tipan ng biyaya.”

Hindi ka makatatago sa likod ng isang “tipan ng biyaya” kaysa makatatago sa likuran ng maunang destinasyon. Hindi mo maasahan ang iyong mga magulang, o ang Diyos Mismo, na kunin ang iyong responsibilidad na mahanap para sa iyong “sariling kaligtasan.” Si Nikodemos ay talagang nasa Lumang Tipang. Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Kinakailangan ngang [kang] ipanganak na muli” (Juan 3:7). Alam ko na hindi ito mapalulugod ang “mataas” na Kalvinista, ngunit totoo ito sa Salita ng Diyos, kahit na hindi ito umaangkop sa kanilang “pakikipagpalit na teyolohiya.” Ako’y nareporma sa paksa ng soteriyolohiyang (kaligtasan), ngunit wala dapat aasa na susundan ko sla sa pakikipagpalit na teyolohiya! Hindi ko ito kailan man gagawin! Ako’y nahihiya sa mga “Dispensyasyonalista” pagdating sa Israel at sa simbahan. Ang Diyos ay mayroong makalupaing tipan sa mga Hudyong mga tao. Ang mga Kristiyano ay nakakabit sa “bagong tipan” sa pamamagitan ni Kristo lamang!

Kung nanggaling ka mula sa isang Kristiyanong pamilya, binabalaan kita na hanapin si Kristo para sa “[iyong] sariling kaligtasan.” Kung di mo kailan man pagkakatiwalaan si Hesus, huwag ka dapat matakot na ika’y mahihiwalay mula sa iyong pamilya magpakailan man! Ngunit maaring ika’y nanggaling sa isang di ligtas na pamilya. Kung oo, hinihikayat kita na huwag silang sundan sa apoy ng Impiyerno! Dapat kang magtiwala kay Hesus para sa “[iyong] sariling kaligtasan.”

O ika’y matutuksong kalimutan ang iyong sariling kaligtasan sa pag-iisip tungkol sa ibang mga tao. Iniisip mo ba na isang taong kilala mo na miyembro ng simbahang ito ay talagang nawawala? Siguro sila nga – ngunit paano iyan nakatutulong sa iyo? Kailangan mo silang kalimutan at pag-isipan lamang ang tungkol sa “iyong sariling kaligtasan.”

Para sa akin mukhang lahat ng bagay sa lupa at lahat ng bagay sa Langit, at lahat ng bagay sa Impiyerno, at ang Diyos Mismo, ay tumatawag sa iyong hanapin ang “[iyong] sariling kaligtasan” higit sa lahat ng ibang bagay! O, akin kaibigan, husgahan ang iyong sarili! Ikaw ba ay ligtas? Kung hindi, hanapin si Kristo higit sa lahat ng iba pang bagay sa buhay! Gawin ang iyong sariling pagtatawag at eleksyon na tiyak!

Hinuhinok ko ang bawat tao rito ngayong umaga na hanapin si Kristo ng iyong buong puso. Huminto sa pagtutulog sa di paniniwala. Tumalikod mula sa iyong sariling mga pag-iisip at huwad na mga pag-asa! Namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang halaga ng kasalanan. Namatay Siya bilang kapalit para sa mga makasalanan tulad mo! Mag-sisi at isuko ang iyong sarili kay Hesus, at ililigtas ka Niya! Saka lang na iyong makakanta na may lakas ng loob,

Nakahanap ako ng kaibigan na lahat sa akin,
   Ang Kanyang pag-ibig ay totoo kailan man;
Iniibig kong sabihin kung paano Niya ako itinaas,
   At anong magagawa ng Kanyang biyaya para sa iyo.
Naligtas sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihang banal,
   Naligtasa sa isang bagong buhay na marilag!
Ang buhay na ngayon ay matamis at ang aking ligaya ay ganap
   Dahil ako’y ligtas, ligtas, ligtas!
     (“Saved, Saved!” ni Jack P. Scholfield, 1882-1972).

Minamahal kong kaibigan, kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa “[iyong] sariling kaligtasan,” iwanan ang iyong upuan at lumakad pabalik sa awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Gg. John Samuel Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdarasal tayo at masasagot ang iyong mga tanon. Kung ika’y interesado sa pagiging isang tunay na Kristiyano magpunta sa likuran ng awditoriyum na ito ngayon. Dr. Chan manalangin na isang tao ay maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Hesus ngayong umaga. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Filipos 2:9-13.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ligtas, Ligtas” isinalin mula “Saved, Saved!”
(ni Jack P. Scholfield, 1882-1972).


ANG BALANGKAS NG

ANG IYONG SARILING KALIGTASAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ng inyong sariling pagkaligtas” (Mga Taga Filipo 2:12)..

I.   Una, gusto kong pag-isipan ninyo ang salitang “kaligtasan”
Mga Awit 7:11; Mga Kawikain 13:15; Isaias 57:21; Mga Gawa 17:31;
II Ni Pedro 2:9; I Ni Timoteo 1:15; Lucas 16:28.

II.  Pangalawa, gusto kong pag-isipan ninyo ang “inyong sariling” kaligtasan,
Mga Gawa 16:30; Isaias 33:17, 14; Juan 3:7.