Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PANGANGARAL SA ISANG MAPAHIMAGSIK NA MGA TAOPREACHING TO A REBELLIOUS PEOPLE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito. At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios. At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila” (Ezekiel 2:3-5). |
Muli’t muli sa Bibliya nakikita natin ang nakagugulat na pasensya ng Diyos tungo sa mapaghimagsik na sangkatauhan. Bago ng matinding Baha nakita ng Diyos ang teribleng kalupitan ng lahi ng tao. Gayon pinigilan ng Diyos ang Kanyang paghahatol ng 120 mga taon – kaya si Noe, “tagapangaral ng katuwiran,” ay mabibigyan silang babala (II Ni Pedro 2:5). Maya maya dinala ng Diyos ang Kanyang mga tao mula sa Egipto gamit ng mga makapangyarihang mga tanda at kababalaghan. Ngunit binayaran nila ang Kanyang kabutihan sa pamamagitan ng pabubulongbulungan at paghihimagsik laban kay Moses sa loob ng 40 mga taon. Muli, ipinadala Niya ang Kanyang mga tao sa Babyloniyang pagkabihag dahil sa kanilang kasalanan, hindi sila iniwan ng Diyos. Ipinadala Niya ang propetang si Ezekiel upang mangaral sa kanila, “Ganito ang sabi ng Panginoong Dios” (Ezekiel 2:4). Ngayon tayo ay napaka lapit sa paghahatol ng Diyos sa katapusan ng panahong ito. Ang mga bansa ng mundo ay nasa biyolenteng paghihimagsik “Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi, Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin” (Mga Awit 2:2, 3). Ngunit nagpapadala pa rin ang Diyos ng mga mangangaral upang balaan sila ipang “magsitakas sa galit na darating” (Mateo 3:7). Oo, kahit sa mapanganib na mga panahong ito, sa katapusan ng panahong ito, ang Diyos ay nagpapadala pa rin ng mga mangangaral upang balaan ang mga makasalanan ng padating na paghahatol.
At kaya, ang mapagpananampalatayang mangangaral ay maaring matuto ng maraming mga aral mula sa propetang Ezekiel. Bibigyan ko kayo ng ilan sa mga ito sa sermon ito.
I. Una, ang mapagpananampalatayang mangangaral ay natututo mula sa propeta na siya ay ipinadalang magsalita sa isang mapaghimagsik na mga tao.
Sinasabi ng ating teksto,
“At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito” (Ezekiel 2:3).
Hindi dapat natin kailan man isipin na ang mga Hudyo sa Babyloniyang pagkabihag ay ang nag-iisang mapagrebeldeng bansa. Tiyak na hindi dapat natin isipin iyan! Ang salitang isinalin na “bansa” sa teksto ay hindi ang Hebreong salitang karaniwang ginagamit para sa mga napiling mga tao ng Diyos. Ang Hebreong salita rito ay “goi.” Ito’y ang salita na ginamit ng mga Hudyo upang ilarawan ang mga Gentil, mga pagano, at mga hetano. Ibig nitong sabihin na ang Israel ay kasing sama ng mga hetano sa Babyloniya!
Anong larawan ng sangkatauhan iyan! Tayo ay isang mapagrebeldeng lahi! Anong lahi? Ang lahi ng tao! Sinasabi ng Diyos tayo ay isang mapaghimagsik na mga tao, “mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin” (Ezekiel 2:3). Sinasabi ng Bibliya, “Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw” (Isaias 53:6). Sinasabi ng Bibliya, “ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso” (Jeremias 5:23). Ang buong lahi ng tao ay naligaw, naghihimagsik at nanggugulo laban sa Diyos! Sinasabi ng Bibliya, “Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa” (Mga Taga Roma 3:12). Sinasabi ng Bibliya, “sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan” (Mga Taga Roma 5:19). Si Adam ay nagrebelde laban s autos ng Diyos. Lahat ng sangkatauhan ay nagmana ng rebelyon laban sa Diyos sa kalikasan. Tayo ay naging “katutubong mga anak ng kagalitan” (Mga Taga Efeso 2:3). Sinasabi ng Bibliya,
“Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan; Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa: Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan: Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo: Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan: At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala: Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:9-18).
Ang lahat ng ito ay bumababa sa atin mula kay Adam. Namana natin ang paghihimagsik laban sa Diyos mula sa kanya sa ating pinaka katutubo. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,
Ang paglalarawang ito ng tao sa kasalanan ay ang simpleng katotohanan, ang teribleng katotohanan. Iyan ang dinala ng kasalanan sa atin…Naway kumbinsihin ka ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu kung hind tayo kailan man na kumbinsi noon upang makita kung ano tayo sa katutubo – mga anak ng kagalitan, tulad pati ng iba (isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Mga Taga Roma, Kapitulo 2:1-3:20 Ang Makatuwirang Paghahatol ng Diyos [Romans, Chapter 2:1-3:20, The Righteous Judgment of God] , The Banner of Truth Trust, 2005 inilimbag muli, p. 214).
Iyan ang paghuhusga ng Diyos ng tao sa kasalanan. Hindi ito isang magandang larawan, ngunit ito’y isang saktong paglalarawan. Nagsimula ako ng 17 taong gulang na nag-iisip na ang mga tao ay madaling maliligtas. Ngunit mali ako. Ang aking pinaka-unang sermon ay tinanggihan, at ako’y sinabihan na huwag kailan man mangaral ng ganoong paraan muli. Ngunit ang “kabataang pinuno” na nagsabi sa akin niyan ay isang masamang tao, nagmomoleste ng mga bata sa simbahan. Kaya sinabi sa akin ng Diyos, “Huwag kang makinig sa kanyan, Robert.” Sa seminary ang propesor ng pangangaral ay nagsabi, “Ika’y isang mainam na mangangaral, ngunit ika’y nagkakaroon ng isang masamang reputasyon bilang tagapaggulo.” Sinabi niya iyan dahil sinasagot ko ang mga propesor na sumasalakay sa Bibliya. Tapos nagtrabaho ako kasama ang isang mangangaral umaabot sa mga Hipi malapit sa San Francisco. Ang mangangaral na iyon ay patuloy na pinupuna ang aking mga sermon – lubos-lubos na sa wakas ay nagbitiw na ako mula sa simbahan na iyon at umuwi sa Los Angeles. Pagkatapos natagpuan ko na ang mangangaral na ito ay nakikipagtalik sa maraming mga babae sa simbahan. Tapos alam ko kung bakit niya pinuna ang aking mga sermon. Hindi niya nagustuhang nakukumbinsi ng kasalanan.
Maraming mga mangangaral ay di kailan man nakukuha ang mensahe. Nagpapatuloy sila sa pagtataka bakit hindi nakikinig ang mga tao sa kanila. Ngunit ang sagot ay naroon, sa pahina ng ating mga Bibliya. Ipinapadala tayo “sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa [Kanya]” (Ezekial 2:3). At sumasang-ayon ako kumento ni Dr. McGee sa bersong ito. Sinabi niya,
Ang pinaka mahihirap na mga taong maabot ng Ebanghelyo ay ang mga miyembro ng simbahan…Kahit na sila’y nasa simbahan, sila talaga ay laban sa Diyos…Ayaw nila ang kahit sinong pumapasok at sinasabi sa kanila na sila’y nawawalang mga makasalanan…Sila’y mahirap maabot, at ang aking, nakikisimpatiya ako sa aking mga kapatid na nasa ministro ngayon – sila’y nasa mainit na kalagayan. At aking papayuhan ang kahit sinong pinag-iisipan ang ministro na maging tiyak sa kanyang pagkatawag. Dapat siya sigurong magtinda ng insyurans o ng ibang bagay kaysa magpunta sa ministro. Pagiging nasa ministro ngayon ay hindi madali kung ika’y tatayo para sa salita ng Diyos (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan III, p. 444; sulat Ezekiel 2:3-4).
Anong inilarawan ni Dr. McGee? Inilarawan niya ang mga simbahan na puno ng mga nawawalang mga tao. Lahat sila’y gumawa ng “desisyon” – ngunit sila talaga “ay naghihimagsik laban sa Diyos.” Iyan ang kalagayan sa mga simbahan sa buong Amerika!
Ngayon nagpupunta ako sa iyo, at sinasabi ko sa iyong personal. Ikaw ay mapaghimagsik laban sa Diyos. Iyan ang dahilan na ika’y nananatiling di ligtas. Gumagawa ka ng maraming uri ng pagdadahilan, ngunit ang iyong puso ay nasa paghihimagsik laban sa Diyos. Naaawa ka sa iyong sarili, ngunit ang iyong puso ay lubos na naghihimagsik laban sa Diyos. Hindi ka nahahapis para sa iyong kasalanan. Hindi ka napighati dahil sa iyong paghihimagsik. Nagpapatuloy ka na may isang mapangahas na mukha, sumusuway sa nabubuhay na Diyos! At sasabihin ko sa iyo sakto kung saan ka mapupunta. Mayroong lamang isang lugar na maari kang mapunta – at iyan ay Impiyerno! Kung hindi ka kailan man mapupunta sa ilalim ng kumbiksyon, kung hindi ka kailan man magdurusa dahil sa iyong mga kasalanan, hindi mo kailan man mararamdaman ang pangangailangan para kay Kristo – at ika’y magpapatuloy sa iyong paghihimagsik hanggang sa tatapusin na ito ng Diyos – at ika’y babagsak – sa apoy na hindi kailan man mapapawi!
II. Pangalawa, natututunan ng mapagpananampalatayang mangangaral mula sa propeta na magpatuloy ipangaral ang Salita ng Diyos.
Sinabi ng Diyos kay Ezekiel,
“Ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios. At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila...” (Ezekiel 2:4-5a).
Nagsasalita ang Diyos sa akin sa isang nakamamanghang paraan mula sa Bibliya. Sa araw ni Ezekial nagsalita siyang direkta sa kanya, sa pamamagitan ng agad-agad na paglalantad. Ngayon ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng nakasulat na Salita, ang Bibliya – kahit na naka-iisip ako ng dalawang magkahiwalay na pagkakataon kung saan ang Diyos ay tiyak na nagsalita sa akin sa pamamagitan ng mga panaginip. Kakabasa ko lang ang tesimonyo ng isang kabataang Muslim na napagbagong loob kay Kristo sa pamamagitan ng tatlong mga panaginip (isinalin mula sa Kristiyanismo Ngayon [Christianity Today], Enero/Pebrero 2014, mga pah. 95, 96). Ngunit madalas ginagawa iyan ng Diyos sa mga Muslim na mga lupain, at sa ibang mga bahagi ng Ikatlong Mundo. Ngunit halos laging ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng nakasulat na Salita – ang Bibliya.
Mula sa propeta, natututunan nating masabi, “Ganito ang sabi ng Panginoon.” Sinasabi natin iyan sa kapangyarihan ng Bibliya. “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” (II Ni Timoteo 3:16). Ipinakita ng Diyos sa akin ang katotohanan sa pinaka araw na ako’y naligtas, ika-28 ng Setyembre taon 1961. Matapat kong masasabi na hindi ko kailan man pinagdudahan na ibinigay ng Diyos ang pinaka Hebreo at Griyegong mga salita mula sa araw na iyon hanggang ngayon! Kapag ako’y tumatayo upang mangaral nakapagsasalita ako na may malakas, dinamikang tinig dahil hindi ko ipinangangaral ang sarili kong mga salita. Ipinangangaral ko ang pinaka sa lita ng Diyos – “ Ganit ang sabi ng Panginoon” (Ezekiel 2:4).
Hindi ko kayo binibigyan ng isang teorya kapag sinasabi ko na ang iyong mga kasalanan ay magpapadala sa iyo sa Impiyerno. Sinasabi ko sa iyo ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Na may lubos na kapangyarihan, at wala ni kaunting pagdududa, masasabi ko sa iyo, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46). Hindi ako mapipigilan mula sa pagsasabi niyan ng Seminaryo ng Fuller, ni Rob Bell, Joel Osteen, o ang Papa ng Roma. Mayroon ako ng Salita ng Diyos sa aking kamay. At tulad ng propetang Ezekial, tinawag ako ng Diyos upang iproklama ito sa iyo – salita kada salita! “Ganito ang sabi ng Panginoon” – “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan.”
Sinasabi mo, “hindi ako naniniwala diyan!” Hindi ako nababago niyan ni katiting! Tulad ng propeta, ako’y tinawag upang ipanganral na, “sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila” (Ezekiel 2:5). Sa makabagong Ingles – “sila man ay makinig o hindi.” Hindi ako umuupo upang maghanda ng isang sermon at isipin kung anong gusto mong madinig! Hindi ko kailan man gjnagawa iyan – at hindi ko ito kailan man gagawin! Hinihingi ko sa Diyos kung anong kailangan mong madinig. Tapos hinahanap ko ang tamang pasahe sa Bibliya, at ipinangangaral ko ito sa iyo. Tanggapin mo man ito o hindi! Sila sa didinggin man nila o hindi! “sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila.” Amen! Ika’y makasalanan. Ika’y nawawala, nakagapos, isang alipin sa kasalanan. Hindi ka makalaya! Ika’y nakondena sa look ng apoy! Sinasabi ko sa iyo, sa didinggin mo man, o sa itatakuwil mo man, gusto mo man ito o hindi, paniwalaan mo man ito o hindi, may gawin ka man o wala, purihin mo man ako o isumpa. Bakit? Upang “matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila” – iyan ang dahilan! Ipinadala ako ng Diyos upang sabihin ang mga bagay na iyon upang wala kang pagdadahilan. Ang aking mga kamay ay malinis. Sinabi ko na sa iyo ang sinabi ng Diyos. Tanggapin mo man ito o hindi. Ngunit sa Impiyerno hindi ka na makapagdadahilan o makapagrereklamo. Malalaman mo na mayroong propeta sa ginta ninyo – isang tao na nagsabi sa iyo ng katotohanan mula sa Salita ng Diyos.
Kailan mong maging matapang upang mangaral ng ganyan. Walang may gustong mahanapan ng pagkakasala. Walang may gustong makutya o malibak. Dapat kong malayang matanggap na madalas kong nadamang wasak dahil sa nakalalantang pangungutya. Minsan naramdaman ko ng gumapang papalayo sa isang taguan sa isang kweba tulad ni Elias. Ngunit “isang marahang bulong na tinig” ay tumawag kay Elias, at nagsabing, “Ano ang ginagawa mo rito Elias?” (I Mga Hari 19:12, 13). Tapos kinakaladkad ko ang aking sarili papalabas, at nagsisimulang mangaral muli. At sa mga panahong iyon mukhang sinasabi sa aking ng Diyos, gaya ng ginawa Niya kay Ezekial,
“Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo. Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan” (Ezekiel 3:8, 9).
Lahat ng bawat tunay na mangangaral ay kinailangang dumaan sa ilan sa mga nakapagtatatag na karanasang iyan. Kung hindi, at sumusuko, siya’y nagiging isang huwad ng propeta.
III. Pangatlo, natututunan ng mapagpananampalatayang mangangaral na, sa kabila ng mga pagkasira ng loob, ang ilang mga kaluluwa ay maliligtas.
Kung tayo’y mangangaral kung paano dapat makatatagpo natin ang maraming mga pagkasira ng loob sa masamang panahong ito. Sinabi ng Diyos kay Ezekiel,
“At ikaw, anak ng tao, huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. At iyong sasalitain ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik” (Ezekiel 2:6-7).
Kahit na mabuhay siya sa gitna ng mga dawag at mga tinik at mga alakdan, wala dapat ang magpapa-usog sa isang tunay na mangangaral mula sa kanyang banal na gawain. Oo, pagproproklama ng Salita ng Diyos ay sa katunayan isang banal na gawain. At mayroong iyong ilan na ang mga puso ay binubuksan ng Panginoon upang marinig ang ipinangangaral namin at maligtas (Mga Gawa 16:14, 15). Sinabi ng Diyos kay Ezekial na isang taong nakarinig sa kanya “walang pagsalang mabubuhay sapagka’t siya’y nahikayat” (Ezekiel 3:21).
Nangaral akong matindi sa kalye ng lungsod ng Los Angeles noong mga maagang taon ng 1960. Ang mga tao ay nagsisigaw sa akin, nagbato ng mga bagay sa akin, at tinawag ako baliw. Ngunit isang nakatatandang lalakeng nakasuot ng itim na terno at kurbata ay narinig akong mangaral ng maraming mga araw, at inimbita akong maghapunan sa kanyang magandang apartment. Ang kanyang asawa ay naroon. Siya ang principal ng isa sa mga hay skul natin. Ang mainam na mag-asawang ito ay nagbigay sa aking ng isang nakamamanghang hapunan, habang ang matandang lalake ay nagsabi sa kanyang asawang narinig niya akong mangaral sa kalye. Inilabas nila ang kanilang mga album ng mga letrato at ipinakita ang mga letrato ng kanyang ama, na isang lumang istilong Presbyteriyanong pastor. Sa pagtatapos ng gabi sinabi sa akin ng matandang lalake na parehong siya at ang kanyang asawa ay pinag-uusapan ang aking mga sermon sa kalye. Sinabi niya na inimbita nila ako sa kanilang tahanan dahil pareho nilang gustong maligtas – at gusto nila akong gabayan sila kay Kristo! 22 taong gulang lamang ako. Hindi pa ako kailan man gumabay ng mas nakatatandang tao na magtiwala kay Hesus. Lahat kami ay lumuhod, at ginabay ko sila kay Hesus. Noong tumayo kami mayroon silang mga luha na umaagos sa kanilang mga mukha. Sila’y mga miyembro ng Immanuel Presbyteriyanong Simbahan sa Wilshire Blvd., ngunit hindi sila kailan pa man naligtas. Isang karanasang tulad niyan ay gumagawa sa lahat ng mga pangungutya at abuso ng nawawalang mundo na mukhang wala – para sa ligaya ng nakakikita ng isang taong magpunta sa Tagapagligtas! Ibinigay ng Diyos sa akin ang dalawang kaluluwang iyon, si Gg. at Gng. Alan Black. Ginawa nito ang pangangaral sa mga kalye ng Los Angeles na mukhang ang pinaka nakamamanghang bagay na magagawa ng isang batang lalake sa kanyang buhay!
Tapos nagpunta ako sa liberal na Bautistang seminary, hilaga ng San Francisco. Ang tatlong taon na ginugol ko doon ay tunay na terible. Literal na kinamuhian kong maging naroon, nadirinig silang sirain ang Bibliya ng pira-piraso araw araw. Tumayo ako para sa Salita ng Diyos, at trinato nila ako na ako’y nagugulo sa isipan. Ito’y sumamang higit sa huling taon na akala ko ay hindi ako makapagtatapos. Ngunit nakapagtapos ako. Maya, maya lumilingon sa masamng panahong iyon, natanto ko na dalawang mga kalalakihan ay naligtas sa pamamagitan ng aking saksi. Isa ay isang Koreano, at ang isa ay isang lalake mula sa pinaka ibabang katimugan, na naging mga Bautista sa kanyang buong buhay na hindi naliligtas. Pareho silang nagpunta sa akin na may mga luhang umaagos sa kanilang mga pisngi, nagpapasalamat sa akin para sa pagtayo sa tunay na Ebanghelyo at pagsasabi sa kanila ng pangangailang nila para sa kaligtasan. Ang kanilang mga pangalan ay Gil at Moon. Hindi ko sila kailan man makakalimutan! Ang kanilang kaligtasan ay gumawa sa lahat ng sakit sa puso ng liberal na seminaryong iyon na mahalaga!
Noong naroon ako doon sa Marin County, nagdadala ako ng ilang karga ng mga kabataan sa Tulay ng Golden Gate sa lungsod ng San Francisco kada Biyernes ng gabi. Mangangaral ako sa kalye habang nagpapasa sila ng mga polyeto at nakipag-usap sa mga tao. Isang gabi nagdala sila ng isang batang lalake sa akin. Sinabi niya sa akin na siya’y nagdrodroga, herowin, maraming daang dolyares araw-araw. Kinailangan niyang makipagtulakan at magnakaw upang masuportahan ang kanyang kagawian sa droga. Sinabi niya, “Mangangaral, tulungan mo ako. Gusto kong maisaayos.” Iniuwi ko siya sa aking sasakyan. Takot na siguro akong gawin iyan ngayon, ngunit inilagay ko siya sa kusina ng aking apartement. Nagsisisigaw siya at nagpapapadyak at nagsusuka sa buong sahig ng maraming mga araw habang siya’y paalis mula sa droga. Sa wakas siya’y tahimik. Nagpunta siya sa aming simbahan. Noong umalis ako ng San Francisco nawalan ako ng koneksyon sa kanya. Dalawampu’t limang taon ang lumipas. Isang gabi ang telepono ay kumililing sa opisina ko dito sa simbahan. Siya iyon! Tinanong ko siya kung nasaan siya. Sinabi niya sa akin na siya’y kasal at nakatira sa Florida. Mayroon siyang dalawang mga anak at nagturo siya ng Linggong Paaralan sa kanyang simbahan. Umuwi ako sa simbahan sa gabing iyon na tuwang-tuwa! O, anong ligaya ang nararamdaman ng isang mangangaral kapag ang isang tao ay nabubuhay dahil “siya’y nahikayat” ng tao ng Diyos (Ezekiel 3:21).
Paano ikaw? Ibinigay ko sa inyo ang kwento ko bilang isang mangangaral. Ang dalawang kapitulong ito mula sa Ezekiel lubos ang halaga sa akin nitong lumipas na limampung taon, simula noong unang beses kong narinig si Dr. J. Vernon McGee na itinuro ang pasaheng ito ng Kasulatan sa radyo. Ang mga bersong ito ay laging nasa likuran ng aking isipan sa lahat ng mga dekadang ito ng pangangaral ng Ebanghelyo – ng pagsasabi sa mga makasalanan na si Hesus ay namatay sa Krus upang magbayad para sa kanilang mga kasalanan; ng pagsasabi sa kanila kung paano Siya’y bumangon mula sa pagkamatay, ay ngayon nabubuhay sa Langit; na tumatawag sa kanila upang magsisi ng kanilang kasalanan at magtiwala sa Tagapagligtas. Magtitiwala ka ba kay Hesus ngayong gabi? Kung magtitiwala ka mapaliligaya mo akong lubos – at mapaliligaya ka rin nito – sa lahat ng panahon at sa buong walang hanggan!
Kung gusto mong makipag-usap sa aming tungkol sa pagiging ligtas ni Hesus, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likursan ng awditoriyunm ngayon. Dadalhin kayo ni Gg. John Samuel Cagan sa isa pang silid kung saan tayo’y makagpagdarasal at makapag-uusap. Dr. Chan paki panalangin na may isang magpunta kay Hesus ngayong gabi. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Ezekiel 2:3-7.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Nabibigatan ng Puso.” Isinalin mula sa
“Oh Heavy Hearted” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG PANGANGARAL SA ISANG MAPAHIMAGSIK NA MGA TAO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito. At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios. At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila” (Ezekiel 2:3-5). (II Ni Pedro 2:5; Mga Awit 2:2, 3; Mateo 3:7) I. Una, ang mapagpananampalatayang mangangaral ay natututo mula sa propeta na siya ay ipinadalang magsalita sa isang mapaghimagsik na mga tao, Ezekiel 2:3; Isaias 53:6; Jeremias 5:23; Mga Taga Roma 3:12; 5:19; Mga Taga Efeso 2:3; Mga Taga Roma 3:9-18. II. Pangalawa, natututunan ng mapagpananampalatayang mangangaral mula sa propeta na magpatuloy ipangaral ang Salita ng Diyos; Ezekiel 2:4-5a; II Timoteo 3:16; Mateo 25:46; I Mga Hari 19:12, 13; Ezekiel 3:8, 9. III. Pangatlo, natututunan ng mapagpananampalatayang mangangaral na, sa kabila ng mga pagkasira ng loob, ang ilang mga kaluluwa ay maliligtas, Ezekiel 2:6-7; Mga Gawa 16:14, 15; Ezekiel 3:21. |