Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
KUNG SAAN DINADALA NG DIYOS ANG MGA MAKASALANAN WHERE GOD DRAWS SINNERS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Nakatanggap ako ng isang email mula sa isang ginagalang na propesor ng kasaysayan ng simbahan sa isang tanyag na Kristiyanong unibersidad noong huling linggo. Sinabi niya, “Nalugod akong pakinggan ang iyong sermon, na ‘Pasko sa Cyberspace!’ Hindi katagalan, bumili ako ng isang dami ng bago at gamit na mga kopya [mula sa Amazon] ng [iyong aklat] na Isang Puritanong Nagsasalita sa Ating namamatay na Bansa. Ibinibigay ko ang mga ito sa mga pastor at inaanyaya silang basahin ito.”
Iyan ay isang mataas na papuri mula sa isang tao, na lampas ng apat na pung taon, ay nagturo ng kasaysayan ng Kristiyanismo sa mga ministerial na mga mag-aaral!
Mga kaibigan, ito ay isang napaka kakaibang websayt. Ang mga sermong ito ay lumalabas sa 28 mga wika sa lampas na 170 na mga bansa ng mundo. Alam mo ban a isang buong ikatlo ng mundong ito ay wala ni isang misiyonaryo mula sa U.S.? Hindi sila makapasok sa 1/3 ng mundo! Ngunit ang Internet ay nagpupunta sa lahat ng lugar – pati sa isang Komunistang Tsina, Cuba, Afganistan, at Iran! Ang mga sermon ito ay nagpupunta sa lahat ng lugar. At ang mga katutubong mga mangangaral sa mga saradong mga bansang ito ay inililimbag ang aking mga sermon sa sarili nilang mga wika, at ipinangagaral ang mga ito sa kanilang mga tao. Mayroong silang napaka kaunting ibang mga kagamitan na magagamit nila upang makapaghanda ng mga sermon. Ginagamit nila ang aking mga sermon at lubos na pinagpapala dahil rito. Masisimulan mo kayang magpadala ng $25.00 o $50.00 bawat buwan upang makapagdaragdag pa kami ng mas marami pang wika? Makinig sa katapusan ng sermon ito, pagbalik koat maririnig mo kung paano makapagpapadala ng isang buwan-buwanang donasyon upang makapagdaragdag pa kami ng mas marami pang mga wika!
Ngayon lumipat sa Jeremias 31:3.
“Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
Sumang-ayon si Martin Luther sa Haring Santiagong Bibliya na ang Hebreong pandiwang “mâshak” ay nangangahulugang “dalhin” o “hatakin.” Ang mga tagapagsalin ng NASV inirepresenta ang Hebreong salitang ito bilang “hinatak” sa Jeremias 38:13. Maari nating maisalin ang berso na tulad nito:
“Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't [ika’y hinatak ko] na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
Iniibig ka ng Diyos, kung gayon hinahatak ka niya!
“Akin silang [hinatak] ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig” (Hosea 11:4).
Ang mga bersong ito ay tumutukoy sa Diyos na “dinadala” lumang Israel palabas ng Egipto at sa isang ipinangakong lupain. Ipinapakita nila sa atin kung paano dinadala ng Diyos ang mga makasalanan palabas ng isang buhay ng kasalanan – sa kaligtasan kay Kristo Hesus!
Ito’y malinaw mula sa mga bersong ito sa Hosea 11:4 at Jeremias 31:3 na “hinahatak” ng Diyos ang mga makasalanan sa isang lugar upang iligtas sila. Ngunit ang mga bersong ito sa Jeremias at Hosea ay nagpapahiwatig lamang kung saan ka Niya dinadala. Sa ibang lugar sa Bibliya, tayo ay sinabihang tahasan kung saan tayo dinadala ng Diyos, kailan Niya tayo inililigtas sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.
I. Una, dinadala ka ng Diyos sa lokal na simbahan.
Pumasok ako sa simbahan noong ako’y isang binatilyo dahil may nagdala sa akin. Nabasa ako kamakailan lang na ipinapakita na 82% ng lahat ng mga tao na nanggagaling mula sa nawawalang mundo na pumapasok sa simbahan ay pumapasok dahil sila ay dinala ng isang kaibigan. Maliit lang na pursyento ng mga natitirang bilang ay nagpupunta sa simbahan dahil nakabasa sila ng isang nailimbag na patalastas. At iyan ang paraan na ako’y pumasok sa simbahan. Mayroong nagdala sa akin sa simbahan at patuloy na nagdala sa akin. Isang diakono sa simbahang iyon na nagngangalang Gg. Bean ay nagpunta upang bisitahin ako noong ako’y naliban. Hinikayat niya akong bumalik. Nakikita ko si Gg. Bean at kanyang asawang nakatayo sa harapan ng pintuan ng bahay ng aking Tiya Myrtle ngayon, sa aking memoriya. Salamat sa Diyos para sa nakatatandang lalakeng ito at babae. Siya’y nakadamit sa isang madilim na asul na terno at kurbata, at ang babae ay mayroong isang sombrero, nakadamit ng mainam, sa paraan kung paano magdamit ang mga kababaihan noon para sa simbahan noong sila’y mas sibilisado pa. At sila’y nagpunta upang bisitahin ang isang labin limang taong gulang na batang lalake, upang siguraduhin na ako’y bumalik sa simbahan. Hindi ko kailan man iyan makalilimutan hanggang sa ako’y nabubuhay. Salamat sa Diyos para sa matandang diakonong iyan at ang kanyang asawa!
Gumagamit ang Diyos ng mga tao tulad ni Gg. at Gng. Bean upang dalhin ka sa simbahan. Dinala ako ni Dr. at Gng. McGowan sa simbahan kasama ng kanilang mga anak noong ako’y isang maliit na bata. Hindi ako naging isang Kristiyano hanggang sa ako’y dalawampung taong gulang, ngunit ako’y naakit sa simbahan sa pamamagitan ng gawain nina Dr. at Gng. McGowan. Ako’y naakot pabalik sa simbahan sa pamamagitan ng pagbisitang iyon nina Gg. at Gng. Bean. Sinasabi ng Bibliya,
“At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).
Muli, sinasabi ng Bibliya:
“Kaya nga, ang mga iglesia'y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw” (Mga Gawa 16:5).
Ito’y sa simbahan na madirinig mo ang ebanghelyo ni Kristo at maligtas. At 82% ng mga iyong nagpupunta sa simbahan tulad nito, kung saan ang ebanghelyo ay ipinapangaral, ay dinala roon ng isang tao. Kaya, ito’y malinaw, mula sa pol na ito, mula sa Bibliya, na halos laging ginagamit ng Diyos ang mga tao upang dalhin ka sa simbahan!
Tapos, sa simbahan, ang ebanghelyo ay ipinangaral. Sinabi ni Pablo sa mga tao ng simbahan na nabubuhay sa lungsod ng Corinto:
“Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral… Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap, na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:1-4).
Ipinaalala ni Pablo sa mga tao sa simbahang iyon na nangaral siya sa kanila ng ebanghleyo ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo para sa kanilang mga kasalanan.
Mayroong mga liberal na mga tumatanggi ng Bibliyang mga simbahan ngayon – at maraming mga kulto, at huwad na mga relihiyon. Paano mo masasabi na ang isa ay tama? Ang sagot ay simple: sinasabi ba nila sa iyo kung paano maging ligtas mula sa multa ng kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa Krus! Inuulit ba nila iyan ng paulit-ulit sa lahat ng kanilang mga sermon? Sa bawat paglilingkod, kami sa simbahang ito ay nagsasabi sa iyo kung paano maligtas. Ito ay isang nangangaral ng ebanghelyong simbahan, tulad lamang ng mga simbahan na tinukoy sa Bagong Tipan, sa mga panahon ng Bibliya.
Inilagay ako ng Diyos dito upang mangaral sa iyo kung paano maligtas sa pamamagitan ni Hesu-Kristo! Inilagay ng Diyos si Pablo sa simbahan ng Corinto upang “ipinatatalastas […] sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral” (I Mga Taga Corinto 15:1). At inilagay ako ng Diyos sa simbahang ito upang gawain ang parehong bagay – ang mangaral sa iyo at sabihin sa iyo kung paano maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala kay Hesus.
Isa pang dahilan na inilalagay ka ng Diyos sa isang lokal na simbahan ay upang ika’y mapayuhan at mapalakas ang loob:
“Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw” (Mga Taga Hebreo 10:25).
Ang ilang mga tao ay nagsasabi na maari kang maging isang Kristiyano na hindi nagpupunta sa simbahan. Ngunit mali sila. Hindi mo maririnig ang ebanghelyong ipinangangaral sa iyo sa isang nakapagbabagong loob na paraan hangga’t ika’y nasa simbahan. Hindi ka mapapayuhan at mapalalakas ang loob sa Kristiyanong buhay kung ika’y wala sa simbahan. Ang Bibliya ay tumutukoy sa “iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan” (I Ni Timoteo 3:15). Inilagay ng Diyos ang katotohanan sa Bagong Tipang simbahan – kaya kailangan kang nasa simbahan kada Linggo upang mahanap ang katotohanan, at maging isang tunay na Kristiyano, at matutunan kung paano mabuhay ng Kristiyanong buhay.
Hindi ko natutunan kung paano mabuhay ng Kristiyanong buhay sa isang paaralan. Ako’y nagtapos mula sa dalawang mga kolehiyo at tatlong teyolohikal na mga serminaryo. Ngunit hindi ko natutunanang mabuhay ng Kristiyanong buhay sa kahit ano sa mga ito. Talagang lahat ng alam ko tungkol sa panalangin, pangangaral, at pamumuhay ng Kristiyanong buhay ay natututnan sa aking lokal na simbahan, mula sa aking pastor at ibang mga Kristiyanong mga pinuno sa simbahang iyon. Pinasasalamatan ko ang Diyos na nagkaroon ako ng isang nananapalatayang Tsinong pastor na nagturo sa akin kung paano mabuhay ng Kristiyanong buhay! Ang kanyang pangalan ay Dr. Timothy Lin. Nagpunta ako sa kanyang ika siyam na pung kaarawan. Nangaral ako ng isang sermon sa kanyang libing! Tinuro sa akin ng aking pastor ang karamihan na alam ko, at pinasasalamatan ko ang Diyos para sa kanya. Sinabi ng Diyos:
“Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
Dinala ka ng Diyos sa simbahang ito ngayong umaga. Sana ay mayroon kang sapat na pag-iisip upang manatili, tulad ng ginawa ko noong ako’y isang binata. Manatili rito at maligtas! Manatili rito at aralin ang Bibliya! Manatili rito at alamin kung paano mabuhay ng Kristiyanong buhay!
Isang binata ay nagpupunta sa simbahan bawat Linggo sa aming simbahan. Siya ay nakikinig sa aking mangaral at siya ay papunta gising ng kalagayan. Tapos isang nobya ang nagsabi sa kanya mga salitang tulad nito, “Ang isang simbahan ay kasing buti lang ng isa pa. Sumama ka sa akin sa aking simbahan sa sunod na Linggo.” Nakinig siya sa kanya nang Linggong iyon. Wala siya rito, kung saan narito dapat siya, magpakailan man muli! Nagpunta siya sa isang simbahan na hindi nangaral ng ebanghelyo kasama ang babae. Tapos nakita ko siya ilang gabi maya maya. Alam mo ba? Nawala na niya ang lahat ng pagkagising na mayroon siya. Siya ay natutulog sa kasalanan gaya niya noon bago pa man siya nagpunta rito. Alam mo ba kung bakit? Dahil hindi sila nangangaral ng mga bagay sa simbahan ng nobya na makapagpapabagong loob sa iyo – iyan ang dahilan! Nagsalita si Satanas sa pamamagitan ng bibig ng babaeng iyon noong sinabi niyang, “Ang isang simbahan ay kasing buti lang ng isa pa. Sumama ka sa akin sa aking simbahan!”
Inaakit ng Diyos ang binatang iyon sa ating simbahan, ngunit hinatak siya ni Satanas sa ibang daan – palabas ng simbahan – upang marinig ang huwad na ebanghelyo ng kaligtasan ng gawain ng tao – imbes na purong, Protestanteng, mensahe ng Bibliya ng pagbabagong loob sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo lamang. Sinabi ng Diyos:
“Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo (o hinahatak) na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
Huwag mong tutulan ang Diyos habang ika’y Kanyang dinadala sa simbahang ito. Magpatuloy bumalik sa amin upang marinig ang tunay na ebanghelyo at maligtas. Huwag kang tututol o magrebelde laban sa Diyos habang Kanyang nilalayong dalhin ka pabalik rito. Huwag mong hayaan na gamitin ni Satanas ang isang tao, o isang kaibigan o kamag-anak, nahatakin ka papalayo mula sa simbahang ito, alin ay ang “haligi at suhay ng katotohanan” (I Ni Timoteo 3:15).
Sinasabi ng Bibliya, “Gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan” (II Ni Timoteo 3:8). Kung ang mga taong iyon ay matututulan ang katotohanan, ikaw rin. Sabi ni Stephen, “Kayo’y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo” (Mga Gawa 7:51). Kung ang mga taong iyon na tinutukoy niya ay matututulan ang pagdadala ng Diyos, ikaw rin. Iyan ang paksa na hindi ko tunay na naiintindihan. Kaya intindihin ang Bibliya sa kung anong halaga nito. Sabi ni Luther mayroon tayong kapangyarihang magsabi ng “hindi.” ngunit walang kapangyarihang magsabi ng “oo.” Mayroong tatlo o apat na mga kabataan na naipanganaka sa simbahang ito na tinututulan ang paghahatak ng Diyos linggo linggo. Nagpupunta sila sa simbahang ito, ngunit tinatanggihan pa rin ang Diyos.
At ikaw, rin, ay maaring tutulan ang Diyos habang hinahatak ka Niya sa simbahang ito. Kapag isa sa mga diakono o pinuno ng ating simbahan ay tumatawag sa iyo, maari mong sabihin, “Hindi na ako babalik.” O, mas malubha pa, maari mong ipakiusap ang iyong ina o ibang miyembro ng iyong pamilya at magsinungaling para sa iyo, nagsasabi na wala ka roon. Sa ganitong paraan maari mong tutulan ang Diyos at tumangging bumalik sa simbahang ito at mapakinggan kung paano maligtas. Ang sabi ng Diyos:
“Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo (o hinahatak) na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
Kung tututulan mo at lalabanan laban sa paghahatak ng Diyos, huwag ka nang bumalik, ika’y siguro’u di kailan man maliligtas. Maaring di ka na kailan man maging isang tunay na Kristiyano.
II. Pangalawa, hinahatak ka ng Diyos kay Hesu-Kristo. Dinadala ka Niya hanggang kay Kristo at inililigtas ka.
“Akin silang pinatnubayan (o hinatak) ng mga tali ng tao, ng mga panali (o lubid) ng pag-ibig” (Hosea 11:4).
Ang gawain ng paniniwala kay Hesus ay lubos na simple, gayon kinakailangan ng isang malaking himala ng biyaya para ito’y mangyari sa iyo. Kailangan kang “mahatak” kay Kristo o hindi ka maniniwala sa Kanya, kahit na ito’y nakatatawang madali para sa iyong gawin.
Sinabi ni Hesus, “Magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin” (Juan 14:1). Iyan ang ibig sabihin na pananampalataya kay Hesus. Dapat kang mananampalataya sa Kanya sa parehong paraan na ika’y nananampalataya sa Diyos. At sa parehong simpleng paniniwala na mayroon ka na sa Diyos, kapag ika’y mananampalataya sa parehong paraan kay Hesus ang Anak ng Diyos, ang lahat na kailangan para sa iyong maligtas. Sinasabi ng Bibliya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31). Gusto kong maniwala ka kay Hesus sa parehong paraan na ika’y naniniwala sa Diyos. “Magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin” (Juan 14:1).
Mukhang nakakatawang madali, hindi ba? At gayon man halos lahat ng tao ay hindi mausig na gawin ito. Sila’y madadapa 100% ng pagkakataon. Ang mga mangangaral na nagtatanong ng simpleng mga tanong noong mga nagpupunta para sa kaligtasan, mga mgangangaral na nagtatanong noong mga tao ng simpleng mga katanungan at tapos ay nakikinig sa mga sagot – iyong mga mangangaral na matatagpuan na tama ako. Ang pangulo ng isang tanyag na aklat ng isang kolehiyo ng Bibliya ay kamakailan lang nagsabi sa akin na iniisip niya na isa mula sa 100 na gumagawa ng propesyon ay ligtas!
Maryoong nagsabi, “Ginagawa mo itong napakakomplikado.” Ang ibig sabihin ng taong ito ay na ang “mga desisiyonistang” iyon ay tatanggapin ang kahit ano bilang isang karanasan ng kaligtasan. Ang mga tinatawag na mga “napagbagong loob” ay maaring paniwalaan ang kahit anong gusto nila, at ang mga mangangaral ay tatanggapin siya at tatawagin siyang “ligtas.” Ngunit hindi tatanggapin ng Diyos ang kahit anong lumang bagay. Ipinipilit ng Diyos na gawin mo ang isang bagay: dapat kang maniwala kay Hesus (Mga Gawa 16:31). Kung gagawin mo ang ibang bagay, hindi ka maliligtas. Kaya, mga madudunong na mga mangangaral makinig upang makita kung ginawa ng mga tao ang isang kinakailangan bagay na iyon. At ang mga mangangaral na mayroong walang ganoong uri ng pag-iisip ay magproprotesta kapag tayo’y magpipilit, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31). Madalas ang mga ganoong mga hangal na mga mangangaral ay nagproprotesta dahil sila mismo ay hindi ginagawa iyong isang bagay na kinakailangan – at kaya, sila mismo ay nawawala.
O, mukhang ito’y napaka simple upang maniwala kay Hesus! Sinabi ni Hesus, “Magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin” (Juan 14:1). At gayon milyon milyong mga nag-iisip na sila’y ligtas ay hindi ginawa ito. Hindi sila naniwala “sa Panginoong Hesu-Kristo.” Gumawa sila ng ibang bagay at nawawala pa rin (hal. Mateo 7:21-23).
Kinakailangan ng biyaya ng Diyos upang dalhin ang isang tao kay Hesus sa simpleng pananampalataya. Dinadala ng Diyos ang mga tao kay Hesus sa pamamagitan ng ebanghelyo. Sinasabi ng Bibliya,
“Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa” (Mga Taga Hebreo 10:38).
Kung ika’y uurong o babalik kapag dinadala ka ng Diyos kay Hesus, ang Diyos ay malapit na o maya maya’y susuko sa iyo, at magiging masyado ng huli para sa iyong maligtas kailan man. Iyan ang di napapatawad na kasalanan. Sinabi ni Hesus,
“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44).
Anong ibig sabihin ng “makalalapit” sa Kanya? Anong ibig sabihing ng “mananampalataya” sa Kanya. Mayroong tatlong mga berso maya maya, sinabi ni Hesus:
“Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan” (Juan 6:47).
Ngunit hindi ka makapananampalataya kay Hesus hangga’t dadalhin ka ng Diyos (cf. Juan 6:44).
Ang simpleng pananampalataya sa Diyos ay imposible na walang pagdadala ng Diyos.
“Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
Iniibig ka ng Diyos ng lubod na dinala ka Niya sa simbahang ito. Ika’y nadala rito sa pamamagitan ng pagpaplano ng Diyos na maipanganak ka rito, upang dalhin ka ng iyong ina rito sa kanyang sinapupunan. O, isang kaibigan ang nagdala sa iyo rito sa simbahan. Ginagamit ng Diyos ang mga tao upang dalhin ka sa simbahang ito. Dinadala ka Niya ritosa sinapupunan ng iyong ina, o dinadala ka Niya rito sa pamamagitan ng isang tao na tumawag sa iyo at sumundo sa iyo at dinala ka rito. Oo, bawat isang sa amin, pati ako, ay dinala sa simbahan ng Diyos
.Ngunit ngayon dinadala ka ng Diyos kay Hesus, upang maligtas sa pamamagitan ng simpleng pagtitiwala sa Kanya. “At kung siya ay umurong [sabi ng Diyos], ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa” (Mga Hebreo 10:38). Dapat kang magtiwala kay Hesus ngayon, habang dinadala ka ng Diyos. Malapit nang maging huli na! O, maniwala kay Hesus ngayon – habang dinadala ka ng Diyos!
“Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
III. Ngunit, pangatlo, dinadala ka ng Diyos sa Langit.
Dinadala ka ng Diyos muna sa lokal na simbahan. Pangalawa, dinadala ka ng Diyos kay Hesu-Kristo, ang Kanyang Anak. Ngunit, pangatlo, dinadala ka ng Diyos sa Langit. Kung ika’y isang tunay na Kristiyano dadalhin ka ng Diyos pataas sa Langit! Sinabi ni Hesus:
“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw” (Juan 6:44).
Ang pagdadala sa iyo ng Diyos ay magdadala sa iyo kay Hesus. Ang parehong pagdadalang ito ay hahatak sa iyo palabas ng libingan at hahatakin ka papataas sa Langit sa Pagdadaigt! Dinadala ka ng Diyos sa simbahan. Dinadala ka ng Diyos kay Hesus. Dinadala ka ng Diyos palabas ng libingan at papunta sa Langit!
“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw” (Juan 6:44).
O, anong dakilang pag-asa ito! Naniniwala kami na ang Diyos, na nagdala sa atin ng ganito kalayo, ay dadalhin tayo pauwi sa ating tahanan – sa Langit! Dadalhin tayo ng Diyos sa Langit mismos!
“Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).
“Aagawin…sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin!” (I Mga Taga Tesalonica 4:17). Aagawin sa hangin!
“Kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
Aagawin sa hangin! Aagawin patungo kay Hesus! Aagawin patungo sa Langit mismo, magpakailan man!
“Kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3).
Dinala ka ng Diyos sa simbahang ito. Huwag mo Siyang tutulan. Bumalik kada Linggo. Dinadala ka ng Diyos kay Hesus. Huwag makipaglaban laban sa Kanya. Maniwala kay Hesus. “Magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.” At dadalhin ka ng Diyos paitaas sa Langit mismos isang araw malapit na.
O, kagalakan! o, ligaya! na tayo’y magpunta na di namamatay,
Walang sakit, walang kalungkutan, walang pangamba at walang pag-iiyak,
Naagaw sa mga alapaap kasama ang Panginoong sa luwalhati,
Kapag tatanggapin ni Hesus ang “Kanyang kanya.”
O Panginoong Hesus, gaano katagal, gaano katagal
Bago namin masigaw ang masayang kanta,
Si Kristo’y babalik! Aleluya!
Aleluya! Amen, Aleluya! Amen.
(“Si Kristo’y Babalik.” Isinalin mula sa
“Christ Returneth” ni H. L. Turner, 1878).
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging ligtas, iwanan ang iyong upuan at magpunta sa silid ng pagsisiyasat ngayon. Dr. Chan manalangin ka para sa isang taong maligtas ngayong umaga. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Juan 6:37-44.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Panginoon ay Dumating.” Isinalin mula sa
“The Master Hath Come” (ni Sarah Doudney, 1841-1926).
ANG BALANGKAS NG KUNG SAAN DINADALA NG DIYOS ANG MGA MAKASALANAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob” (Jeremias 31:3). I. Una, dinadala ka ng Diyos sa lokal na simbahan, II. Pangalawa, hinahatak ka ng Diyos kay Hesu-Kristo, III. Pangatlo, dinadala ka ng Diyos sa Langit, John 6:44; |