Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




NAGBUBUKAS NG DAAN

THE BREAKER

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-5 ng Enero taon 2014

“Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon sa unahan nila” (Micah 2:13).


Ang propetang si Micah ay nagbigay ng tatlong propesiya ng Diyos muling ipinagpupulong ang mga Hudyong mga tao. Sa ating teksto mayroon tayo ng unang paglalarawan ng muling pagpupulong ng Israel sa ipinangakong lupain.

Isa sa mga dakilang propesiya na ating nakita sa sarili nating mga mata ay ang simula ng muling pagpupulong. Ang bansa ng Israel ay muling naipanganak noong ika-14 ng Mayo taon 1948. Idineklara ni David Ben-Gurion ang pagtatayo ng Hudyong bansa, na makikilala bilang Bansa ng Israel. Simula noon, libo-libong mga Hudyong mga tao ay bumalik sa kanilang lupaing tahanan. Ito ay ang simula lamang ng kung ano sa huli ay ang pagbalik ng lahat ng mga Hudyo sa Israel. Ang ika-12 na berso ng Micah ay nagsasabing,

“Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel...” (Micah 2:12).

Ang dakilang Mesiyanikong Hudyong eskolar na si Dr. Charles Lee Feinberg ay nagsabi, “Ang panunumbalik mula sa Babylonia sa pamamagitan ng Cyrus ay hindi makasisira sa pangako, dahil ito’y pumapanig at isinasama ni [Micah] ‘ang lahat ng iyo.’ Ang muling nagpulong na bansa ay madadala sa isang lugar [sa Israel]… Ang pangako ng berso 12 ay nakaiinit ng puso talaga, ngunit ang pinaka mahusay na prediksyon ay darating pa lang. Ang mga tao ng Diyos ay magsasamasama muli bilang tupa…Ang tagabukas ng daan, ang naglilinis ng daan at inaalis ang lahat ng sagabal, ay mauuna sa kanila. Ito’y wala kundi ang Mesiyas ng Israel na sumisira sa lahat ng sagabal sa daanan ng Kanyang mga tao…Kapag lilinisin ng Mesiyas ang daanan makabubukas sila ng daanan mula sa mga lungsod ng mga kalaban kung saan sila’y nadakip at makadaan sa mga tarangkahan. Walan [makapipigil] sa kanilang panunumbalik, dahil ang gawain ng kanilang ipinangakong Mesiyas ay magiging epektibo para sa kanila [sa pamamagitan] ng pinagpalang Isa ng Panginoon, ang Panginoong Kristo” (Isinalin mula kay Charles L. Feinberg, Th.D., Ph.D., Ang Menor ng mga Propeta [The Minor Prophets], Moody Press, 1982 edisiyon, p. 162).

Sinabi ni Dr. Feinberg kung sino ang “Tagabukas ng daan.” Siya ay si Kristo – na sa wakas ay wawasak ng lahat ng mga sagabal at mga hadlang, at dadalhin ang buong tao ng Israel pabalik sa kanilang lupaing tahanan! Oo, si Hesus ang “Tagabukas ng daan” sa araw ng iyon! Lilinis Niya ang daan para sa lahat ng mga Hudyo, mula sa bawat bahagi ng mundo, upang bumalik sa Israel sa milenyal na Kaharian ni Kristo.

“Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon sa unahan nila” (Micah 2:13).

Ang isang sumisira ng bukas ng daan ay magdadala sa kanila sa milenyal na Kaharian – at ang pangalan Niya ay ang Panginoong Hesu-Kristo! Amen! Nakita ni Apostol Juan si Hesus sa kanyang pangitain, dumarating bilang “ang Tagabukas ng daan” sa araw na iyon,

“At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka. At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin. At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON” (Apocalysis 19:11-16).

Sa pagtutukoy ng araw ng iyon, sinabi ni Dr. John R. Rice,

Mga kaharian ay babagsak, at ang matandang si Satanas ay maghahari
   Ay matatapos kasama ng lahat ng mga luha nito,
Katuwiran ay magpupuno sa lahat ng lupa, at kapayapaan
Maghahari ng libo-libong taon!
Pagdurusa at paghihinagpis ay lalayo!
Lalayo sa maluwalhating araw na iyon!
Hardin ng Eden ay nanumbalik sa araw na iyon!
Kapag si Hesus ay darating upang maghari.
(“Kapag si Hesus ay Darating upang Maghari.” Isinalin mula sa
“When Jesus Comes to Reign” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Si Hesus, ang Tagabukas ng daan, ay wawasak sa Diablo! Sisirain Niya ang bawat demonyo, ang bawat kalaban ng Israel, at bawat kalaban ng Kristiyanismo rin! Aleluya!

Pagdurusa at paghihinagpis ay lalayo!
   Lalayo sa maluwalhating araw na iyon!
Hardin ng Eden ay nanumbalik sa araw na iyon!
   Kapag si Hesus ay darating upang maghari.

Ngunit sa isang tunay na diwa si Hesus ay ang “Tagabukas ng daan” kahit ngayon! Sumama sa akin ng ilang minuto habang ating isipin ang paksang ito, at ang dahilan na si Kristo ay tinawag na “Tagabukas ng daan.”

Si Hesus ay mayroong maraming mga korona – at marami rin siyang maraming mga pamagat at maraming mga pangalan. Ang pamagat na ibinigay sa ating teksto ay marahil ang pinaka di masyadong kilala – “Ang Tagabukas ng daan.” Madalas nating naisip si Hesus bilang “ang Kordero” ng Diyos. Minsan naisip natin siya bilang ang ating dakilang “Mataas na Saserdote.” Madalas Siya ay tinawag na “propeta”, at mas madalas pa bilang “ang Hari.” Ngunit mas bihira na ating narinig ang kahit sinong tawagin si Kristong “ang Tagabukas.” At gayon man Siya ay kahit sa pinaka katiting ay isang “Tagabukas ng daan” ngayong umaga gayon din kapag Siya’y babalik upang gabayin ang mga Hudyong mga tao (lahat sila) pabalik sa kanilang matandang tahanang lupain – alin ay walang pasubaling ibinigay sa kanila ng Diyos sa panahon ni Abraham (cf. Genesis 12:1; Genesis 15:18; etc.). Sisirain ni Hesus ang bawat kadena na pipigil sa kanila; Sisirain NIya ang bawat bansa na susubok na pumigil sa kanila; at. oo. Sisirain Niya magpakailanman ang layunin ni Satanas upang sirain ang mga Hudyo!

Ngunit si Hesus ang “Tagabukas ng daan” kahit ngayon – kaya ito’y tamang tawagin Siyang “ang Tagabukas ng daan” pati tawagin Siyang “ang Tagapaglitas”! Amen! At Amen! Mag-isip tayo ng ilang paraan na si Hesus ay ang “Tagabukas ng daan” ngayon – sa kasalukuyang panahon.

I. Una, sinira ni Hesus ang kapangyarihan ni Satanas.

Sa mahabang panahon si Satanas ay nagrebelde laban sa Makapangyarihang Diyos at itinapon mula sa Langit sa lupa. Pumasok siya sa anyo ng isang serpiyente at nilinlang ang ating unang ina, at sa kapalit kanyang nilinlang si Adan, na kinain ang ipinagbabawal na prutas. Kung gayon hinawakan ni Satanas ang buong lahi ng tao sa kanyang nakamamatay na kapangyarihan. Mukhang walang pag-asa para sa kaligtasan. Ngunit ang Diyos ay nagbigay ng isang pangako sa sangkatauhan kapag sinabi Niya sa isang matandang serpiyente, “Papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong” (Genesis 3:15).

Maraming panahon ay lumipas, at tapos, sa wakas, na ang Binhi ng isang babae ay ipinanganak kay Maria sa Bethlehem, at di nagtagal si Hesus ay nagsimula sa Kanyang kaguluhan sa Diablo. Agad-agad si Haring Herodes, ay napakilos ni Satanas, ay sinubukang patayin Siya! Tapos, tatlong beses sa kagubatan, sinubukang itapon ng Diablo ang Tagapagligtas sa lupa. Ngunit tatlong beses itinaboy siya ni Hesus, sumisigaw ng, “Ito’y naisulat” – “Ito’y naisulat muli” – “Dahil ito’y naisulat.” Ito’y isang mahirap na laban – ngunit sa wakas si Hesus, ang Tagabukas ng daan, ay nagwagi sa labanan. “Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran” (Mateo 4:11).

Noong si Hesus ay dumating sa Jerusalem sa huling pagkakataon, pinalaka ng Diablo ang lahat ng kanyang puwersa laban sa Tagapagligtas. Ang punong saserdote at mga eskribe ay nagbalak na patayin si Hesus, “Tapos pumasok si Satanas kay Hudas” at nagpunta sa punong saserdote upang pag-usapan kung paano niya ipakanunulo ang Tagapagligtas. Maya-maya ng gabing iyon, si Hesus ay nagpunta sa Hardin ng Gethsemani.

Madalas kong isipin na sinubukang patayin ng Diablo si Hesus sa Hardin. Gayon lagi akong nagtaka bakit si Satanas ay di kailan man nabanggit pagkatapos niyang pumasok kay Hudas. Hindi siya maririnig muli sa apat na mga Ebanghelyo. Sa palagay ko ito ang maaring dahilan: Noong inilagay ng Diyos ang mga kasalanan ng mundo sa katawan ni Hesus, ang Tagapagligtas ay nagsimulang magpawis na “naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Hindi matiis ng Diablo na tignan ang Dugo ni Kristo, kaya iniwana niya Siyang mag-isa, “At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya” (Lucas 22:43). Noong sinalakay ng Diablo, sa Aklat ng Apocalypsis, ang mga naniniwala ng Tribulasyon ay “siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero” (Apocalypsis 12:11). Sa palagay ko ito’y maaring ang kalagayan sa Hardin ng Gethsemani. Ginagawa ng Diablo ang pinaka malubha niya sa pagsubok patayin si Hesus. Ngunit noong nakita niya ang Dugo ni Hesus nabuhos, napaliit siya pabalik sa kadiliman. Tandaan iyan kapag ika’y lubhang natutukso. Ipagmaka-awa ang Dugo! Ipagmaka-awa ang Dugo! Ipagmaka-awa ang Dugo ni Hesu-Kristo!

Ang gulo ay tapos na sa Hardin. Si Hesus ay nagpunta sa harap mula doon sa Krus na may matinding karangalan at tindig. Dinurog ni Satanas ang sakong ni Kristo, ngunit ngayon dinurog ni Kristo ang ulo ni Satanas. Sa Krus, yinukod ng Tagapagligtas ang kanyang ulo at sumigaw, “Tapos na” (Juan 19:30). Ang ulo ni Satanas ay nadurog. Siya na ngayon ay isang natalong kalaban. Maari niya nang gawin ang kasamaan sa lupa, ngunit hindi na mauulit na kanyang matatalo si Kristo. Sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kanyang Dugo, at sa pamamgitan ng Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay, nasira ni Hesus ang kapangyarihan ni Satanas. Noong Kanyang ibinuhos ang Kanyang mahal na Dugo mula sa Krus at bumangon sa katawan, laman at buto, mula sa pagkamatay, nadurog Niya ang ulo ng Diablo, nawasak Niya ang kapangyarihan ng Diablo noong Siya’y nagwagi laban sa kasalanan, Impiyerno, at hukay! Kapag ika’y tinatakot at sinusubok ng kapangyarihan ni Satanas, huwag mawalan ng pag-asa, ang aking Kristiyanong kaibigan, ang iyong kalaban ay isang nawasak na kalaban, at isang nalilito at natalong kalaban!

Sinisira ni Hesus ang bawat kadena,
   Sinisira ni Hesus ang bawat kadena,
Sinisira ni Hesus ang bawat kadena,
   At pinapalaya Niya ako!
(“Sinisira ni Hesus ang Bawat Kadena.” Isinalin mula sa
      “Jesus Breaks Every Fetter” ni Janie West Metzgar, 1927).

Kung ika’y isang Kristiyano, hindi mo kailangang katakutan si Satanas. Siya’y isang sirang kalaban, isang nahatulan at sirang kalaban! Maari ka niyang pangambahin, at guluhin, ngunit hindi ka niya masisira! Si Kristo, ang Tagabukas ng daan ay nagpunta sa harap mo. Ngayon kailangan mo lamang makipaglaban laban sa isang kalaban na natalo na. Iyan ay para sa mga Kristiyano. Ang natira ay para sa iyo na nawawala pa din.

II. Pangalawa, sinisira ni Hesus ang mga puso ng mga makasalanan.

Ang mga puso ng mga nawawalang makasalanan ay napaka tigas. Nangaral ako sa kasalanan, at Impiyerno, at ang Huling Paghahatol. Ang mga makasalanan ay nanginig ng isang sandali – ngunit pinunasan niya ang kanyang mga luha bago siya umalis ng gusali ng simbahan. Nakangiti at tumatawa sa oras na narrating niya ang lote ng paradahan ng kotse, nagmamadali siyang magkamit ng mga bagong mga kasalanan isang oras o dalawa mayamaya! Ang batas at ang mga sindak ng Impiyerno ay nagpapatigas lamang ng kanyang puso.

Sa isa pang pagkakataon nangaral ako sa pag-ibig ng Diyos, o pagpapatawad sa pamamagitan ng pakikipagpalit ng Tagapagligtas para sa ating mga kasalanan. Minsan ako’y nangangaral hanggang sa ang sarili kong mga mata ay puno na ng mga luha. Nangaral ako sa pagdurusa ni Hesus sa Krus, o sa Kanyang mahal na Dugo sa Langit. Muli, ang iyong puso ay naapektuhan. Ngunit agad-agad ito’y di maapektuhan tulad ng dati, at ika’y kumakanta ng isang masayang kanta, at tumatawa kasama ng iyong mga kaibigan, habang ika’y papalakad papalayo mula sa ating simbahan!

Ang ilan sa inyo ay mayroong mga ina na umiiyak kapag sila’y nananalangin, at gayon man ang iyong puso ay di naapektuhan. Ang ilan ay mayroong mga ama na nagbibigay babala sa kanila, ngunit hindi nito nababago ang iyong puso. Ang ilan sa inyo ay umupo sa harap ng pangalawang pastor na si Dr. Cagan, ng maraming beses. Tinignan ka niya doon sa nakatutusok na asul na mga mata at nagmaka-awa sa iyo na magtiwala kay Hesus. Ngunit tumanggi ka. Umalis ka mula sa iyong upuan at lumakad papalayo na para bang siya’y isang ignorante at di mahalagang tao! Ang tao ay may dalawang Ph.D., isa sa matematika at ang isa sa apolohetiko at relihiyon. Mayroong siyang Masters digri mula sa Teyolohikal na Seminaryo ng Talbot din! Mayroon siyang halos 40 na taong karanasan sa pagpapayo ng mga nawawalang mga makasalanan. Gayon man nadarama mo na wala siyang mahalagang bagay na masasabi sa iyo! Tumatayo ka umaalis mula sa silid ng pagsisiyasat agad-agad – at kakalimutan ang lahat ng sinabi niya sa iyo!

Kapag tumatayo ako upang mangaral ng isang sermon, alam ko na mayroong mga maghahagihik at magtatawanan tungkol sa sasabihin ko – hindi na masyado ngayon na mas matanda na ako. Ngunit noong ako’y mas bata madalas nila akong kutyain, at tawanan. Mayroon pa rin mga nagpupunta na mayroong di pangkaraniwang singa sa kanilang mata, nag-iisip, “Sino ang tao iyan? Ang lakas ng loob niyang suriin ako ng ganyan?” Nadarama nila na ang sinasabi ko ay totoo, ngunit hindi nila ipakukumbaba ang kanilang sarili upang hayaan na baguhin sila ng katotohanan, at dalhin sila kay Hesus.

Gumugol ako ng lampas sa tatlong kapat ng aking buhay sa malalim na pag-aaral ng Kristiyanismo at pagbabagong loob. Mayroong akong nakuhang tatlong doktor na digri, at sumulat ng maramin mga aklat sa pagbabagong loob, ngunit tinitignana mo ako at nag-iisip, “Anong alam niya tungkol rito?”

Ngunit noong si Hesus ang “Tagabukas ng daan” ay darating sa iyo, sa harap ni Dr. Cagan at ako, gayon ang gawain ng pagbibiyak ng puso ng makasalanan ay madali! Hindi namin mabiyak ang kanilang mga puso, ngunit nabiyak ni Hesus ang kanilang mga puso! Naiisip ko na ngayon ang isang magandang batang babae na laging nagpupunta sa silid ng pagsisiyasat na mayroong napaka pangit, matigas na tingin sa kanyang mukha. Ngunit isang gabi, nagpunta siya na mayroong isang malambot at nasirang tingin. Si Hesus, ang taga bukas ng daan ng mga napatigas na mga puso, at nagpunta sa kanya. Kinailangan lamang ng isang sandali upang magabay siya sa Tagapagligtas! Si Hesus, ang “Tagabukas ng daan,” ay nagpalambot sa kanyang puso bago ako nagsalita sa kanya sa gabing iyon!

Sinisira ni Hesus ang bawat kadena,
   Sinisira ni Hesus ang bawat kadena,
Sinisira ni Hesus ang bawat kadena,
   At pinapalaya Niya ako.

III. Pangatlo, sinisira ni Hesus ang mga kadena ng kasalanan.

Mayroong isang nakaupo rito sa simbahan ngayong umaga na nakadena. Hindi niya alam ito. Iniisip niya na siya ay malaya. Ngunit siya ay isang bilanggo. Iniisip niya na makapupunta siya kahit saan na gusto niya. Ngunit wala siyang kalayaan kaysa isang hinatulang bilanggo. Makalalakad lamang siya paikot-ikot sa kanyang bilangguan, at tumingin sa mga rehas sa bintana. Kaya, ang ilan sa inyo ay naka-upo rito ngayong umaga na nahatulan na, dahil tumatanggi kayong magpunta kay Kristo.

Sa pamamagitan ng mabahang panahong karanasan, madalas masasabi ng isang mangangaral iyong mga nakagapos sa pornograpiya. Mayroon isang palihim, patagong tingin sa kanila na tumataksil sa mabahong gawain na nakagapos sa kanila sa kadena. Madalas ang isang mangangaral ay madalas masasabi iyong mga naalipin dahil sa alkohol o droga, o ibang mga bisyo. Masasabi niya iyon mga napaka mayabang, at matigas ang leeg sa kahambungan. At napaka dalas, sa pamamagitan ng mahabang karansanan, masasabi niya iyong nakagapos sa kadena na kawalang pag-asa. Hindi niya kailangang tanungin. Alam niya – tulad ng isang matandang doktor, na madalas ay nasasabi kung anong mali sa isang pasyente sa patingin lamang sa kanya.

Ngunit si Hesus ay ang “Tagabukas ng daan.” Sinabi ni Charles Wesley,

Sinisira niya ang kapangyarihan ng nakanselang kasalanan,
   Pinapalaya niya ang bilanggo malaya;
Ang kanyang dugo ay magagawa ang pinakamabahong malinis;
   Nakinabang ako sa Kanyang dugo!
(“O Para sa Isang Libong mga Dila.” Isinalin mula sa
      “O For a Thousand Tongues” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Mga alipin! Mga Alipin! MGA ALIPIN! Sinabi sa akin ni Kristo na sabihin na kaya ka Niyang mapalaya! Siya’y dumarating, Siya’y dumarating, ang Tagabukas ng daan ng mga kadena ay darating sa mga makasalanan! Mapalalaya ka Niya mula sa kasalanan na nagsisisi lagi sa iyo. Mapalalaya ka niya mula sa kaugalian na nag-aalipin sa iyo! Mapalalaya ka niya mula sa mga duda at mga takot na nagbibilanggo sa iyo!

Ilan panahon noon isang matandang babae ang nagsabi, “Hindi niyo ako kailan man makukuhang magpunta sa simbahan ng dalawang beses kada Linggo!” Ngunit agad si Hesus, ang Tagabukas ng daan, ay nagpalaya sa kanya mula doon sa matitigas ang ulong mga kadena, at siya ay narito sa simbahan, hindi lamang dawalang beses sa Linggo, kundi sa karamihan ng Sabado rin. Siya gayon ay laging nagproprotesta ng paulit-ulit na siya ay ligtas na, kahit na hindi naman talaga. Ngunit agad si Hesus ang Tagabukas ng daan, ay dumating at pinalaya ang kanyang isipan mula mga kadenang iyon ni Satanas. Tapos nakita natin kung paano kadali at gaano kabilis niyang nagpunta kay Hesus at siya ay naligtas.

Ang Kanyang Dugo, nabuhos sa Krus, ay makalilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamataya upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Magpunta sa Kanyang ngayon! Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging ligtas ni Hesus, iwanan ang iyong upuan at magpunta sa silid ng pagsisiyasat ngayon. Dr. Chan manalangin ka para sa isang taong maligtas ngayong umaga! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Micah 2:12-13.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Para sa Isang Libong Mga Dila.” Isinalin mula sa
“O For a Thousand Tongues” (ni Charles Wesley, 1707-1788)/
“Sinisira ni Hesus ang Bawat Kadena” Isinalin mula sa
“Jesus Breaks Every Fetter” (ni Janie West Metzgar, 1927).


ANG BALANGKAS NG

NAGBUBUKAS NG DAAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon sa unahan nila” (Micah 2:13).

(Micah 2:12; Apocalipsis 19:11-16)

I.   Una, sinira ni Hesus ang kapangyarihan ni Satanas, Genesis 3:15;
Mate 4:11; Lucas 22:44, 43; Apocalipsis 12:11; Juan 19:30.

II.  Pangalawa, sinisira ni Hesus ang mga puso ng mga makasalanan.

III. Pangatlo, sinisira ni Hesus ang mga kadena ng kasalanan.