Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
NAGLALAKAD SA GITNA NG APOY KASAMA
|
Sisimulan ko ang sermon ito sa maling paraan. Kami ay tinuturuan sa seminary na magbigay ng isang dramatiko, upang makuha ang atensyon ng mga tao, sa simula ng isang sermon. Ngunit lalabagin ko ang lahat ng mga alituntunin ng homiletiko at bibigyan kayo ng isang araw sa hermenutiko. Homiletiko at hermenutiko – hindi mo alam ang mga salitang iyan kaya sa panganib na mainip kayo, aking ipapaliwanag ang mga ito. Ang homiletiko ay tumutukoy sa pag-aaral ng pangangaral. Ito’y ang pag-aaral ng paghahanda ng sermon at pabibigkas nito. Ang hermenutkiko ay ang pag-aaral kung paano ipaliwanag ang Bibliya – ang mga alituntunin ng pagpapaliwanag ng banal na mga Kasulatan. Ibinigay ni Dr. M. R. DeHaan (1891-1965) ang tatlong mga alituntunin ng hermenutiko:
(1) Lahat ng Kasulatan ay mayroong primerong interpretasyon.
(2) Ang lahat ng mga Kasulatan ay mayroong maraming praktikal na aplikasyon.
(3) Karamihan sa Kasulatan pasahe ay mayroon ring propetikong paglalantad.
(Isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., Si Daniel ang Propeta [Daniel the Prophet],
Kregel Publications, 1995 inilimbag muli, pah. 73).
Gagamitin ko ang tatlong hermenutikal na mga alituntunin ni Dr. DeHann ng interpretasyon ng Bibliya bilang balangkas para sa sermong ito.
I. Una, lahat ng Kasulatan ay mayroong primerong interpretasyon.
Si Nebuchadnezzar ay ang hari ng Babylonia. Noong ika-anim na pung siglo bago ng pagkapanganak ni Kristo, nagpadala si Nebuchadnezzar ng kanyang mga hukbo upang paligiran ang Jerusalem. Kinuha ng kanyang mga kawal ang hari ng Judang bihag at itinapon siya sa kanilang lupaing tahanan. Hinalungkat nila ang templo at kinuha ang mga lalagyan ng tahanan ng Diyos pabalik sa Babylonia. Iniutos rin ng hari ang kanyang mga hukbo upang kunin ang karamihan sa mga Hudyo at mga Babyloniyan na mga bihag bilang mga alipin. Ngunit iniiutos ni Nebuchadnezzar sa kanyang aliping si Ashpenaz na kunin ang pinaka matalino at pinaka mahusay na mga batang kalalakihan at turuan sila ng Chaldeyang wika at Babyloniyang siyensya, upang makatayo sila sa palasyo ng hari bilang kanyang mga espesyal na mga alipin. Ang apat na mga batang kalalakihang Hudyong mga ito ay nagngangalang Daniel, Shadrach, Meshach, at Abednego. Ipinagpala ng Diyos ang apat na mga batang Hudyong mga ito sa espesyal na paraan. Noong si Nebuchadnezzar ang hari, ay ikinuwestyun sila,
“nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian” (Daniel 1:20).
Natutunang pagkatiwalaan ng hari ang kanilang paghahatol at sumalalay sa kanila bilang kanilang mga tagapagpayo. Sa katunayan, ginawa ng hari si Daniel na kanyang biseng –rehente, isang pinuno sa buong Babylonia, pangalawa lamang sa hari mismo. Ibinigay rin ng hari kina Shadrach, Meshach, at Abednego ang pinaka matataas na mga trabahao sa gobyerno, sa ilalim ng pamumuno ni Daniel.
Ngayon ang hari ay gumawa ng isang malaking imahen ng ginto na siyam na pung talampakan ang taas, at itinayo ito upang sambahin ng mga tao. Lahat ng mga pinuno ng Babyloniya ay dumating doon sa isang tiyak na araw. Ang mensahero ng hari ay malakas na iprinoklama na ang lahat na mabigong yumukod at magsamba sa idolo “ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas” (Daniel 3:11). Sinamaba nina Shadrach, Meshach, at Abednego ang Panginoong Diyos, Jehova, ang Diyos ng Israel. Kaya hindi sila yumukod sa idolo ng hari.
Ang mga Chaldeyanong astronomo ay nainggit sa mga Hudyong ito. Kaya na nagpunta sila sa hari at nagsabi,
“Ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo” (Daniel 3:12).
Nagalit si Haring Nebuchadnezzar. Galit niyang ipinatawag sina Shadrach, Meshach, at Abednego. Sinabi niya sa kanila ng kung hindi sila yumukod sa kanyang idolo itatapon niya sila sa mabangis na umaapoy na hurno. Ang sagot nila sa hari ay isang klasiko. Ang aming diakonong si Gg. Mencia ay alam kung gaano ko kagusto ang kanilang sagot, kaya gumawa siya ng isang plake na mayroon ang mga salitang ito rito, na nasa aking mesa rito sa simbahan ng maraming taon. Sinabi nila,
“Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo” (Daniel 3:17, 18).
Maliligtas tayo ng Diyos, ngunit hindi pa rin namin sasabihin ang iyong idolo!
Ang hari ay galit sa kanila para sa pagsaogt sa kanya ng ganoon. Pinagawa niya ang sa kanyang mga alipin nag awing mas mainit ang hurno. Iniutos niya sa kanyang mga kawal na kunin ang tatlong mga Hudyong mga ito at itapon sila sa bumubugang apoy. Sa wakas tumingin ang hari sa hurno. Siya’y nagulat sa nakita niya! Sinabi niya,
“Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios” (Daniel 3:25).
Inalis sila ng hari mula sa hurno. Binasbasan niya ang kanilang Diyos, ang Diyos ng Israel. Sinabi niya na ipinadala ng Diyos ang “nagsugo ng kaniyang anghel, at nagligtas sa kaniyang mga lingkod na nagsitiwala sa kaniya” (Daniel 3:28). At saka, ipinanumbalik ni Nebuchadnezzar ang tatlong mga kalalakihang ito sa kanilang lumang trabaho. Gumawa rin ang hari ng isang kautusan na walang makapagsasalita laban sa Diyos ng Israel, at sinabi niya, “walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan” (Daniel 3:29). Iyan ang isang primerong interpretasyon ng mga bersong ito. Ngunit mayroon pa!
II. Ang lahat ng mga Kasulatan ay mayroong maraming praktikal na aplikasyon.
“Isang interpretasyon, ngunit maraming aplikasyon” – iyan ang alituntunin ng hermenutiko – ang siyensya ng pagpapaliwanag ng Bibliya. Makaiisip pa ako ng ilang mahalagang aplikasyon ng kaganapang ito
.Ang unang aplikasyon, siyempre ay sa ibang mga Hudyo na itinapon sa Babylonia. Sila’y natuksong umangkop, na maki halo sa paganong kultura sa paligid nila, at humintong makasama ng mga tao ng Diyos. Ang mga ulat ni Daniel sa yungib ng leyon, at ang tatlong mga Hebreo sa nagliliyab na hurno, ay ibinigay upang turuan ang mga Hudyo sa Babyloniyang pagkabihag na huwag dapat nilang isuko ang kanilang tradisyon at ang kanilang pananampalataya.
Ngunit ang ulat na ito ay maisasagawa rin sa mga Kristiyano. Tayo ay nabubuhay sa isang panahon ng lumalagong apostasiya sa ating mga ebanghelikal na mga simbahan. Napanood ko sa sarili kong buhay, habang ang ating mga simbahan ay isinuko ang kanilang gitnang linggong pagpupulong na panalangin, at isinara ang kanilang panggabing paglilingkod. Nakakita na ako ng ebanghelistikong pangangaral, sa katunayan kahit anong uri ng tunay na pangangaral, ay nawawala mula sa halos lahat ng ating mga simbahan. Napanood ko habang ang mga simbahan ay nagtapon ng kanilang mga aklat ng mga himno, at ang dakilang mga himno ng ating pananampalataya. Nakita ko silang magpasok ng mga mabababaw na mga koro na hindi nagpapakain ng kaluluwa.
Nakita ko ang mga pastor na itapon ang kanilang mga kurbata, magsuot ng kasuwal na pantaas sa pulpit, at hingin ang kanilang mga taong tawagin sila sa kanilang unang pangalan. Ang kapangyarihan at dignidad ng pulpit ay naging bagay na ng nakaraan. Nakita ko silang pabayaan ang kanilang mga kabataan na gumala sa simbahan, ang mga batang lalake na magsuot ng mga tshirt, at ang mga babae ng maiiksing mga palda. Ang mga kabataan sa ating mga simbahan ngayon ay nagmumukhang tulad ng mga bugaw, at mga prosti, at mga adik sa droga kaysa mga pundamental na mga Bautista! Tayo ay umaangko. Tayo ay nalalamon ng mundo. Tayo ay nagiging mas higit na tulad ng mundo na hindi mo na masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng isang ebanghelikal at isang pagano! Oo, iyan ay masama! Ang tatlong mga Hebreo sa Aklat ng Daniel ay nagsasabi sa atin, “Hindi kami aangkop. Magtratarabaho kami kasama ng mundo, at magpupunta sa paaralan kasama ng mundo, at magiging magalang sa mundo. Ngunit mayroong hangganan – at hindi lalampas rito – anoman ang halaga nito!”
“Ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin... Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo” (Daniel 3:17, 18).
Tatayo kami at ipagtatanggol ang Bibliya kapag ito’y sinasalakay. Sasagutin namin ang mga propesor sa kolehiyo na susubukang itulak ang ebolusyon at ateyismo sa aming mga lalamunan. Hindi kami magpupunta sa Parada ng mga Rosas, o panonoorin ito kahit 5 minuto lamang hangga’t sila’y maglalagay ng laban sa Kristiyanong propaganda sa isa sa mga karosa. Hindi namin kailan man panonoorin ang Parada ng mga Rosas hangga’t sila’y magtatangghal ng mga karosa na sumasalakay at tumatanggi sa Biblikal na basehan ng aming pananampalataya! At kung ito’y magdadala sa amin sa gulo – hayaan ito!
“Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo!” (Daniel 3:18).
At sasabihin namin sa nawawalang mundo, “Hindi kami sasali sa mga sayawan sa iyong mga paaralan! Hindi namin sisigarilyuhin ang iyong mariwana, kahit na ito’y legal! Hindi namin titignan ang inyong pornograpiya! Hindi namin susundan ang inyong halimbawa at ilaglag ang aming mga sanggol! Hindi kami liliban mula sa simbahan at magpunta sa inyong mga pista! Hindi kailan man! Hindi kailan man! Hindi kailan man! Hindi namin kailan man gagawain ang mga bagay na iyon!”
“Ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin... Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios!”
Hindi kailan man! Hindi kailan man! Hindi kailan man Hindi kailan man! Hindi kailan man! Hindi kailan man!
Pananampalataya ng aming mga ama! nabubuhay pa rin
Sa kabila ng piitan, apoy at espada:
O paano ang aming mga puso ay tumitikbok ng mataas sa galak
Tuwing maririnig namin ang maluwalahating salita!
Pananampalataya ng aming mga ama, banal na pananampalataya!
Kami’y magiging totoo sa iyo hanggang sa kamatayan!
(“Pananampalataya ng Aming Mga Ama.” Isinalin mula sa
“Faith of Our Fathers” ni Frederick W. Faber, 1814-1863).
Lalakad kami sa maapoy na hurno kasama ng Anak ng Diyos! Lalakad kami sa apoy na iyan kahit na hahayaan kami ng Diyos na masunog! Hindi kami yuyukod sa iyong mga diyos ng pagtatalik, pornograpiya, droga at materiyalismo. Lalakad kami sa maapoy na hurno kasama ng Anak ng Diyos!
Pananampalataya ng aming mga ama, banal na pananampalataya!
Kami’y magiging totoo sa iyo hanggang sa kamatayan!
Tapos, rin, mayroong isang aplikasyon doon sa mga Kristiyano na dumadaan sa mabibigat na pagsubok. Huwag hayaan na may magsabi sa iyo na ang buhay ng isang tunay na Kristiyano ay laging madali. Sinabi ni Kristo sa atin,
“Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).
At sinabi ng Apostol Pablo, “sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22). Kung ika’y isang tunay na disipolo ni Kristo, ika’y dadaan sa maraming pagsubok. Ngunit sinabi ni Hesus,
“Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo” (Mateo 5:11-12).
Anomang mga pagsubok at kapighatian ang iyong pagdadaanan, sinasabi ni Hesus, “Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan” (Mga Taga Hebreo 13:5). Tandaan na mayroong pang-apat na tao sa umaapoy na hurno kasama noong tatlong mga Hebreo, “ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios” (Daniel 3:25). Si Hesus, ang Anak ng Diyos, ay kasama nila sa hurno ng apoy! Si Hesus, sa Kanyang bago naglamang taong anyo, ay dinala sila sa gitna ng apoy na hindi nasasaktan. Magtiwala sa Kanya, at dadalhin ka Niyang ligtas sa gitna ng maapoy na pagsubok ng buhay na ito. Isang dakilang himno ng ating pananampalataya ay naglalagay ng mga salitang ito sa bibig ni Hesus, at nararapat lang!
Kapag sa gitna ng maapoy na mga pagsubok ang iyong daanan ay nakalatag,
Ang aking biyaya lahat nararapat ay maging aking panustos;
Hindi ka sasaktan ng apoy, Akin lamang dinesenyo
Ang iyong kalawang na maubos, at ang iyong gintong magawang dalisay.
(“Napaka Tatag na isang Pundasyon.” Isinalin mula sa “How Firm a Foundation” isang di kilalang may-akda).
Ngunit ibinigay nagbigay sa atin si Dr. DeHaan ng isa pang hermenutikal nap unto.
III. Pangatalo, karamihan sa Kasulatan pasahe ay mayroon ring propetikong paglalantad.
Sinabi tamang ni Dr. DeHaan na “Ang tatlong mga binatang mga Hebreo ay isang larawan ng Israel sa gitna ng mga Gentil. Itinapon sa hurno ng dalamhati at pag-uusig ay dapat silang mamatay sa lahat ng pamantayan ng tao, ngunit himalang napreserba, kahit na sa maapoy na hurno ng lahi pagkamuhi [laban sa Semitismo] at pag-uusig, dahil sila’y mga tinipang mga tao ng Diyos at sa wakas ay maging kamangha-manghang maligtas at maitatas sa lahat ng mga bansa” (Isinalin mula kay DeHaan, ibid., mga pah. 73-74).
Bawat Gentil na mga bansa ay sa isang punto ay inusig ng mga Hudyo. Egipto, Babylonya, Griyego, Roma, Espana, Pransya, Russo, at Aleman – bawat isa sa kanila ay inusig ang mga Hudyo, at sinubukang ubusin sila. Ngunit lahat sila’y nabigay dahil ang Israel ay ang walang hangganang bansa ng Diyos! Ngayon iniisip ng Iran na sirain ang Israel! Sinabi nila ito ng paulit-ulit. Ngunit sasabihin ko sa kanila, “Mas malalakas na mga bansa ay sinubukan ubusin ang mga Hudyo. Lahat sila ay nabigo – at kayo rin!” Laging kasama ng Diyos ang Israel sa apoy ng dalamhati, at ang Diyos ay di mabibigo ngayon! Kita mo, ang Diyos ay gumawa ng isang tipan kay Abraham na hindi masisira. Sinabi ng Diyos sa patriyarka na ang lupain ng Canaan ay ibinigay sa Hudyo magpakailan man!
“Nang araw na yaon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates” (Genesis 15:18).
“At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila” (Genesis 17:8).
Sa lahat ng mga panahon, ang mga Hudyo ay nausig – madalas ng mga huwad na mga Kristiyano, dahil walang tunay na Kristiyano ay kailan man pipinsalain ang mga tao ng tipan ng Diyos! Ngunit si Yeshua (Hesus) ay laging ang pang-apat na tao sa hurno, nagdurusa kasama ng mga Hudyong mga tao – at sa wakas binibigyan sila ng dakilang tagumpay sa Gentil na mga pagano! Sa katapusan, ang propesiya ng Apostol Pablo ay literal na magiging totoo. Dahil sinabi niya, “At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan” (Mga Taga Roma 11:26).
Sa pagtatapos, ating isipin ang tungkol sa pang-apat na tao sa hurno kasama ng ating tatlong mga Hebreong mga kaibigan. Sinabi ni Nebuchadnezzar siya ay isang “anghel” (Daniel 3:28). “Anghel” ibigsabihin “mensaher.” Ang “mensahero ng Panginoon” sa Lumang Tipan ay madalas isang pagpapakita ng naunang pagkalamang tao ni Hesus. Halimbawa, ang “anghel ng Panginoon” ay nagpakita sa Manoah, ang ama ni Samsom. Sinasabi ng Bibliya,
“Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon. At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios” (Mga Hukom 13:21, 22).
Kaya, ang anghel ng Panginoon ay ang Diyo, si Hesus ang Pangalawang Tao ng Trinidad, nagpapakita sa Lumang Tipan bago ng Kanyang paglalamang tao sa sinapupunan ni Maria.
Dito, rin sa Daniel 3:25, tinignan ng hari ang maapoy na hurni at nagsabi, “ang anyo ng pang-apat ay tulad ng Anak ng Diyos.” Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Naniniwala ako na ang pang-apat na tao ay ang Anak ng Diyos, ang bago ng nagkalamang taong Kristo” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan III, p,. 547; sulat sa Daniel 3:25).
Napaka katangian ni Hesus ang bumaba at pakibahagihan ang pagdurusa at pagkatanggi ng mga napiling mga tao – at sa katapusan upang iligtas sila! Bumaba Siya mula sa Langgit, sa sinapupunan ng Birheng Maria. Hindi siya “bumaba” bilang “Panginoon ng mga Panginoon at Hari ng mga Hari” noong Siya ay ipinanganak sa Bethlehem sa unang Pasko. Siya’y darating na Hari ng mga Hari sa hinaharap – sa Kanyang Pangalawang Pagdating. Ngunit bumaba Siya sa sinapupunan ni Maria upang iligtas tayo – gaya ng Kanyanag pagbaba sa maapoy na hurno upang iligtas iyong tatlong matapang na mga Hudyong bayani!
Si Hesus ay bumaba mula sa Langit upang magdusa sa mundong ito, upang iligtas ang Kanyang mga tao mula sa maapoy na hurno ng Impiyerno! Lahat tayo ay kailangang gumugol ng walang hanggan sa “apoy na di kailan man natitila.” Ngunit si Hesus ay bumaba upang magdusa at mamatay sa Krus upang magbayad ng multa para sa ating pagkakasala. Inilagay ng Diyos ang lahat ng ating mga kasalanan “sa kanyang sariling katawan sa kahoy” – sa Krus (I Ni Pedro 2:24). Sa kaya, nagbayad si Hesus para sa lahat ng kasalanan ng Kanyang mga tao.
Siya ay namatay, sa puntod, ng tatlong mga araw. Ngunit maaga sa unang Muling Pagkabuhay na Linggo, bumangon si Hesus na pisikal – laman at buto – mula sa pagkamatay. Pumaitaas Siya pabalik sa Langit, at ngayon ay nananalangin para sa iyo, naka-upo sa kanang kamay ng Diyos Ama.
Kapag ika’y magtiwala kay Hesus sa iyong puso, ipinapatawad Niya ang iyong mga kasalanan at nililinisan ang mga ito gamit ng Kanyang Dugo. Kapag ika’y magtiwala kay Hesus sa iyong puso, ililigtas ka Niya mula sa kasalanan, at itataas ka mula sa isang nawawala at walang pag-asang buhay – gaya ng pagkaligtas Niya sa tatlong mga Hebreo mula sa maapoy na hurno! Amen!
Kung gusto mong kaming kausapin tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdarasal tayo at masasagot ang kahit anong tanong mayroon ka. Dr. Chan manalangin ka para sa isang taong maligtas ni Hesus ngayon! Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Daniel 3:16-25.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pananampalataya ng Ating mga Ama.” Isinalin mula sa
“Faith of Our Fathers” (ni Frederick W. Faber, 1814-1863).
ANG BALANGKAS NG NAGLALAKAD SA GITNA NG APOY KASAMA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Siya'y sumagot, at nagsabi, Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang [Anak ng Dios]” (Daniel 3:25)” – KJV. I. Una, lahat ng Kasulatan ay mayroong primerong interpretasyon,
II. Ang lahat ng mga Kasulatan ay mayroong maraming praktikal na aplikasyon, Daniel 3:17, 18; Mateo 16:24; Acts 14:22; Mateo 5:11-12; Hebreo 13:5. III. Pangatalo, karamihan sa Kasulatan pasahe ay mayroon ring propetikong paglalantad, Genesis 15:18; 17:8; Mga Taga Roma 11:26; Daniel 3:28; Mga Hukom 13:21, 22; I Ni Pedro 2:24. |