Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
EMANUEL – SUMASA ATIN ANG DIOS! EMMANUEL – GOD WITH US! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23). |
Minsan kinukutya ako ng mga tao dahil sa pangangaral na mayroong dalawang tagapagsalin. Isang tao ay nagsabing, “Mahirap para sa aking magtuon ng pansin sa iyong sermon dahil bawat Ingles na pangungusap ay nakasalin sa Tsino at Espanyol.” Sumagot ako sa kanya sa pagsasabing hindi lamang ako nangangaral sa mga Amerikano na alam ang Ingles. Sa aming websayt, at sa YouTube, ako’y nangangaral sa libo-libong mga tao na alam lamang ang Tsino o Espanyol. Ang pagbibigay ng mga sermon sa tatlong mga wika ay gumagawa sa mga videyo ng aking mga sermon na mas maiintindihan sa mas higit na kalahati ng mundo. Mayroon kami ng mga manuskrito sa 28 mga wika, kaya mas marami pang mga tao ang maka-iintindi ng mga sermon. Hindi ito ang aking layunin upang magsalita lamang sa aking kaparehong mga Amerikano. Gusto kong mangaral ng Ebanghelyo sa mga tao sa buong mundo.
Noong huling linggo isang lalake mula sa Honduras ang tumawag sa aking bahay sa telepono. Wala ako sa oras na iyon, ngunit ang aking asawa ay naka-usap niya sa Espanyol ng halos kalahating oras. Sinabi niya sa kanya na kinukuha niya ang aking mga sermon sa Espanyol at binabasa ito sa 20 mga tao na nagpupunta sa kanyang bagay kada linggo upang marinig ang Ebanghelyo. Sinabi nya sa kanya na ang mga pastor sa kanyang bayan ay tinuturo ang lahat na para bang sila’y mga Kristiyano na. Sinabi niya na siya at ang kanyang mga kaibigan ay kinailangang marinig ang aking mga sermon upang sila’y maligtas! Iyan ay nangyayari sa bahay ng isang lalake sa isang bayan sa Honduras, sa Sentral Ameika! Ang lalake ay nanonood din ng mga videyo. Sinabi niya na gustong-gusto niyang marinig si Gg. Mencia na ibigay ang sermon sa Espanyol, at iniibig niyang marinig si Gg. Griffith na kumanta! Hindi iyan mangyayari kung ang aking mga sermon ay hindi naisalin sa Espanyol sa mga videyo na ito, at naisalin sa 28 mga wika sa manuskrito! Nagdadala tayo nito sa teksto,
“Ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23).
Sinabi ng dakilang si Spurgeon, “Ang mga salitang iyon, ‘na kung liliwanagin,’ ay sumasaludo sa aking tainga nang may higit na pagkatamis. Bakit na ang salitang ‘Emmanuel’ sa Hebreo, ay liliwanagain sa anumang paraan? Iyan ba ay upang ipakita na ito’y may pagtutukoy sa ating mga Gentil, at kung gayon dapat itong isalin sa isang pangunahing wika ng noong namamalaging Gentil na mundo, ang Griyego… ‘Lilinwanagin’ ay ibig sabihin na iba’t-ibang mga bansa ay kinakausap. Mayroong tayo nang teksto na inilagay muna sa Hebreo ‘Emmanuel,’ pagkatapos ito’y isinalin sa Gentil na wika, ‘sumasa atin ang Dios;’ ‘liliwanagin,’ upang ating malaman na tayo ay [lahat] imbitado, na tayo ay [lahat] malugod na ibinabati, na nakita ng Diyos ang ating mga [pangangailangan] at nagbigay sa atin, at ngayon tayo ay maaring malayang makapupunta, pati tayong mga makasalanan ng mga Gentil, at malayo mula sa Diyos. Ating preserbahin na may taimtim na pag-ibig ang parehong anyo ng mahal na pangalan at hintayin ang masayang araw kapag ang ating Hebreong kapatid ay magtatagpo sa atin sa kanilang ‘Emmanuel’ kasama ng ating ‘sumasa ating [..] Dios’” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Sumasa Atin ang Dios,” Ang Metropolitannong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1971 inilimbag muli, kabuuan XXI, p. 709).
“Ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23).
Hindi namin tinatawag ang ating mga anak ng mga pangalan na mayroong partikular na ibig sabihin ngayon. Ang aking pangalan ay “Robert.” Ibig sabihin nito’y “pulang balbas.” Wala akong pulang balbas. Ang aking balbas dati ay madilim na kayumanggi, ngunit ang aking balbas ay puti. Wala ako kailan man pulang balbas, kaya ang aking pangalan ay walang partikular na ibig sabihin. Siguro maraming siglo noong mayroong isang lalake na mayroong pulang balbas na pinangalanang Robert, ngunit wala siyang kinalaman sa akin. Ang pangalang “Hesus” ay nangangahulugang “nagliligtas na Jehovah” o, mas literal, “Nagpapalaya si Jehovah.” Ang pangalang “Emmanuel” ay nangangahulugang “sumasa atin ang Dios.” Sa Bagong Tipan di kailan man tinawag si Hesus na “Emmanuel.” Ngunit inilarawan siya ng Apostol na Pablong bilang “[Ang Diyos na] nahayag sa laman” (I Ni Timoteo 3:16) [KJV]. Ang pangalang “Emmanuel” ay isang naglalarawang pangalan kaysa isang ibinigay na pangalan. Dahil si Kristo ay ipinanganak sa mundo ang Diyos ay sumasa atin. Kung gayon ang pangalang “Emmanuel” ay nagsasabi sa atin ng dalawang pangunahing mga bagay tungkol sa Panginoong Hesu-Kristo.
I. Una, Emmanuel ay nagpapakita na Siya ay bumaba mula sa Langit sa lamang tao.
Sinabi ni Charles Wesley (1707-1788), sa isa sa kanyang mga Paskong himno,
Natalukban ng laman ang punong Diyos ay nakita;
Batiin ang naglamang taong Diyos,
Nalulugod bilang tao manirahan kasama ng mga tao,
Si Hesus, ating Emmanuel.
Makinig! ang tagabalitang mga anghel ay kumanta,
“Glory to the new born King.” “Luwalhati sa bagong panganak na Hari.”
(“Makinig, ang Tagapagbalitang Anghel Kumanta.” Isinalin mula sa
“Hark, the Herald Angels Sing” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Iyan ay isang nakamamanghang katunayan. Ang Diyos ng Israel ay minsan nabuhay sa maliit na katawan ng isang maliit na sanggol. Ang Diyos ay minsan nanirahan sa katawan ng isang tao na nagdusa at namatay sa isang krus upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
Ang himala ng pagkalamang tao ay nakasalalay sa katunayan na ang Diyos ng daigdig ay ibinaba ang Kanyang sarili sa katawan ng tao. Siya’y naging isang ginugutom, nagdurusa, at namamatay na laman at dugong tao. Hindi ko naiisip na ang kahit sino sa atin ay lubos na natatanto kung gaano kamamangha ito para sa Diyos upang bumaba at mabuhay sa taong laman – at maging “sumasa ating Dios” – Hesus ating Emmanuek! Sinasabi ng Bibliya Siya ay,
“...hinubad niya [ang reputasyon], at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao” (Mga Taga Filipo 2:7) [KJV]
Ngunit ang mas nakamamangha ay ang katunayan na si Kristo ay bumaba sa laman ng isang makasalanang lahi. Kahit na hindi Siya kailan man nagkasala, isinali Niya ang Kanyang sarili sa isang lahi na nagrerebelde laban sa Diyos. Isinalin Niya ang Kanyang sarili sa atin upang maitaas Niya tayo mula sa kasalanan at dalita! Sinasabi ng Kasulatan,
“Sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan” (Mga Taga Roma 8:3).
Tayo ay nagugulat kapag ating naiisip ang pag-ibig ng Diyos na naipakita sa pamamagitan ng pagbaba upang iligtas tayong mga makasalanan! Tayo ay bumagsak na lahi. Tayo ay mga taong naalipin sa kasalanan. Tayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ngunit ang Diyos ay bumaba sa atin, kay Kristo, upang palayain tayo. Mayroon tayong pag-asa dahil kay “sumasa atin ang Dios” – dahil kay Hesus, ang ating Emmanuel!
Mayroong isang panahon noong ang Diyos ay laban sa atin. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay “galit [sa malupit] araw-araw” (Mga Awit 7:11). Ngunit ngayon mapapatawad tayo ng Diyos at matatawag tayong Kanyang mga anak. Ngayon, “mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo: Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios” (Mga Taga Roma 5:1, 2). Ngayon si Jehovah ay hindi laban sa atin, ngunit “sumasa atin ang Dios”! “Pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak” (Mga Taga Roma 5:10).
Noong ako’y isang maliit na batang lalake hindi ko alam ang mga bagay na ito. Hindi ako pinalaki sa isang Kristiyanong tahanan. Hindi ako kailan man nagpunta sa isang nangangaral ng Ebanghelyong simbahan hanggang sa ako’y isang binata. Kahit noon pa man hindi ako nakinig ng mabuti. Noon pa man hindi ko alam kung paano magkaroon ng kapayapaan kasama ng Diyos – hindi sa hanggang sa ako’y dalawampung taong gulang. Biglang ipinakita sa akin ng Banal na Espiritu na si Hesus ay dumating at namatay sa Krus upang bigyan ako ng kapayapaan sa Diyos. Tapos alam ko na si Hesus ay bumaba mula sa langit upang iligtas ako! Tapos Siya ay Diyos sa akin – Hesus, aking Emmanuel! Ako’y naligtas sa sandaling nagtiwala ako kay Hesus!
“Ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23).
II. Pangalawa, ang ibig sabihin ng Emmanuel ay na siya ay nariyan para sa iyo.
Habang aking isinusalat ito, tumawag muli ang lalake sa Honduras. Kinausap ko siya sa Ingles. Ang aking asawa ay nagsalin sa kabilang telepono. Sinabi niya nagsimula niyang ipangaral ang aking mga sermon sa kanyang bayan, ngunit lahat ng mga pastor ay nagalit sa kanya. Ipinapangaral niya ang aking mga sermon sa isang programa sa radyo, at ang ipinasara ng lahat ng mga pastor ang kanyang programa. Tinanong ko kung anong ipinangangaral ng mga simbahan. Sinasabi niya na ipinangangaral lamang nila ang tungkol sa prosperidad – kung paano makakuha ng mas maraming pera mula sa Diyos. Tinanong ko siya tungkol sa Bautistang simbahan. Sinabi niya, “Ang mga Bautista ay mas malubha sa lahat.”
Mayroon siyang dalawampung mga tao na nagpupunta sa kanyang tahanan upang makinig sa kanyang basahin ang mga sermon. Sinabi ko sa kanya magsimula ka ng sarili mong simbahan – at ipangaral ang aking mga sermon sa kanyang tao. Gusto kong ipagdasal ninyo siya. Ang kanyang pangalan ay Nestor.
Ang kaganapang ito ay nagpapakita na mayroong matinding pangangailangan ng Ebanghelyong pangangaral sa Internet at sa YouTube. Noong isang araw narinig ko si Jimmy Swaggart na nagsabi na ang mga Pentekostal ay di na nangangaral ng Ebanghelyo. Mukhang maraming mga pastor ay ngayon natatakot na ang mga nawawalang mga tao sa kanilang mga simbahan ay aalis kung ipangangaral nila ang Ebanghelyo sa kanila! Anong kahihiyan! Sa tingin ko ito’y isang paghahatol mula sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan” (II Mga Taga Tesalonica 2:11). Naniniawala ako na ang pagkakulang ng pangangaral ng Ebanghelyo ngayon ay ang simula ng katapusan ng panahong paghahatol sa huwaad na Kristiyanismo.
Ngayon, higit sa kailan pa man, mas mahalaga para sa ating mangaral ng Ebanghelyo sa Internet at YouTube. Sa huling mga linggo nakarinig na tayo mula sa dalawang kalalakihan na nangangaral ng mga sermon ito mula sa aking mga manuskrito sa kanilang mga tao – isa sa Cuba at isa pa ngayon sa Honduras. Isang doktor sa Indiya ay nagpadala ng isang email kay Dr. Cagan noong huling lingo. Sinabi niya, “Aming nasaksihan ang diretso, matatag at matapang na pangangaral ni Dr. Hymers, na laging nagpapala ng marming [mga tao] sa buong mundo. Sinasabi ko sa maraming mga Hindi na [mga tao] na bisitahin ang iyong websayt at mapagpala sa kanyang mga sermon.” Manalanging matindi para sa ating mga Ebanghelyong mensahe bahang sila’y papalabas sa 177 na mga bansa sa 28 na mga wika. Ito ay isa sa pinaka mahalagang mga bagay na ginagawa ng ating simbahan!
Kahit sa huling mga araw na ito si Hesus ang ating Emmanuel! Sinabi Niya, “Ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:20). Si Hesus ay nariyan para sa iyo ngayong umaga. Hindi siya galit sa iyo – hindi sa anumang paraan! Sinasabi ng Bibliya,
“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).
Bumaba Siya mula sa Langit sa sinapupunan ng Birheng Maria. Nagpunta Siya sa Krus, kung saan Siya’y namatay upang bayaran gn buong multa ng iyong kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Tumalikod mula sa iyong makasalanang buhay at magtiwala sa Kanya. Siya ay kasama natin. Siya ay ang ating Emmanuel. Patatawarin Niya ang iyong mga kasalanan at lilinisin ka gamit ng Kanyang mahal na Dugo. Iyan ang pinakamahusay na bagay na masasabi ko sa iyo sa Pasko, at sa buong taon!
Naririnig ko ang Iyong nagbabating tinig,
Na tumatawag sa akin,Panginoon, sa Iyo
Para sa paglilinis ng Iyong mahal na dugo Na umaagos sa Kalbaryo.
Ako’y papunta na Panginoon! Papunta na ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, linisan ako sa dugo
Na umaagos sa Kalbaryo.
Kahit na nagpupuntang mahina at masama,
Iyong isinisigurado ang aking lakas;
Iyong lubos na nililinis ang aking kasamaan,
Hanggang sa ito’y wala nang bahid at puro.
Ako’y papunta na Panginoon! Papunta na ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, linisin ako sa dugo
Na umaagos sa Kalbaryo.
(“Ako’y Padating Panginoon.” Isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
Kung gusto mong kaming kausapin tungkol sa pagiging ligtas – at pagiging isang tunay na Kristiyano – iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdadasal at makapag-uusap tayo. Dr. Chan, paki panalangin na mayroong magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mateo 1:18-23.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Halina, O Halina Emmanuel.” Isinalin mula sa “O Come, O Come, Emmanuel”
(may-akda di kilala; isinalin mula sa Latin ni John M. Neale, 1818-1866).
ANG BALANGKAS NG EMANUEL – SUMASA ATIN ANG DIOS! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23). (I Ni Timoteo 3:16) I. Una, Emmanuel ay nagpapakita na Siya ay bumaba mula sa Langit sa II. Pangalawa, ang ibig sabihin ng Emmanuel ay na siya ay |