Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
KALIGTASAN SA PAMAMAGITAN NG TRINIDAD –
|
Noong huling gabi ng Martes nagpunta ako sa aking dyim upang mag-ehersisyo at lumangoy. Sa oras na nakapunta na ako sa pool madilim na. Tapos nakakita ako ng isang lalakeng kilala ko na papunta sa jakusi. Siya’y nakatinging diretso at hindi ako napansin. Pagkatapos ng ilang minuto iniwanan ko ang pool at nagpunta sa jakusi kasama niya. Dalawa lang kami doon dahil malamig noong gabing iyon. Habang kami’y nag-usap nadamang kong lubha ang kanyang pagkalungkot. Siya ay retirado, at may maraming pera sa bangko. Siya’y nasa kanyang ika-siyam na pung taong gulang at hindi kailan man ikinasal. Dumating siya rito maraming dekada ang naka lipas mula sa Silangang bahagi, kaya wala siyang pamilya rito. Wala siyang mga kaibigan rin. Nakita ko ang sakit sa kanyang mukha habang kanyang sinabi sa akin na siya’y magiging mag-isa sa Pasko. Desperado niyang sinusubukang punuin ang kanyang oras sa pamamagitan ng pagkukuha ng mga kolehiyong klase. Nag-aaral siyang makakuha ng Masters digri, na tiyak na hindi niya kailangan. Iniwanan niya ang kanyang simbahan apat na pung taon noon. Siya’y lubos na nagdaramdam at galit sa Kristiyanismo. Siya’y lubos na nag-iisa sa mundo – walang biyaya, walang pag-ibig, walang komunyon – sa Diyos, o kahit kaninong ibang tao. Habang nakinig ako sa kanya, sinabi niya sa akin na hindi niya alam kung kanino niya iiwan ang lahat ng kanyang pera kapag siya’y namatay. Nalungkot ako para sa kanya. Inimbita ko na siya sa ating simbahan ng maraming beses, at nagpunta siya isang beses, sa kasal ng aking anak. Ngunit umalis siya agad pagkatapos na ang kasal ay tapos na. Hindi ko na siya makuhang bumalik. Anong malamig, nakakatakot na paraan upang mabuhay – lalo na sa Pasko!
Diyan natatapos ang bawat buhay sa ating matigas na mapagsariling kultura. Bawat buhay ay hindi naka sentro kay Kristo at ang simbahan ay natatapos sa walang pag-asang kalungkutan. Iyan ay dahil sa ang alternatibo kay Kristo at ang simbahan ay kawalan lamang. Maaring hindi ito mukha sa simula ng buhay, ngunit ito gayon lagi sa katapusan. Pinag-iisipan ko ang tungkol rito ng higit sa limam pung taon. Alam ko sa obserbasyon na ito’y totoo.
Isa sa aking mga tiyo ay nagtrabaho para sa Chrysler, nagbubuo ng mga sasakyan. Naka-ipon siya ng maraming pera at bumili ng isang bahay sa San Clemente, isang mamahaling labas ng lungsod sa baybayinm malapit sa San Diego. Namatay siyang mag-isa sa isang silid tulugan ng bahay na iyon. Hindi nila nahanap ang kanyang katawan ng isang linggo – hanggang sa isang kapit bahay ay nakita ang kanyang hulugan ng sulat na punong-puno na at amoy mabaho ng isang nabubulok na laman. Isa pang tiyo, na ang kanyang asawa ay namatay, ay nagka-atake sa kanyang silid tulugan at nahigang paralisado sa loob ng isang linggo bago isang tao sa kanyang Masonikong lohiya ay napansin na hindi siya nakapunta sa isang pagpupulong na lagi niyang pinupuntahan. Kinailangan nilang sirain ang pintuan sa kanyang silid tulugan, dahil ito’y nakakandado mula sa loob. Naroon siya sa isang tambak ng ihi at tae na may baril sa kanyang kamay – dahil takot siya sa mga magnanakaw. Isang malapit na kapit bahay na babae ay mayroong anak na babae na nagsabi sa kanila sa ospital na ihinto ang pagpapakain sa kanyang ina at hayaan siyang mamatay. Ang kwento ay nagpapatuloy. Ang lahat ng tao na ang kanyang buhay ay nakasentro sa mundong ito ay nabubuhay at namamatay na walang pag-asa at walang Diyos!
Huwag mo akong sabihan tungkol kay Scrooge. Iyan ay di kailan man nangyayari. Wala nagbabago kailan man tulad ni Scrooge sa “Isang Paskong Masayang Awitin” [“A Christmas Carol”] ni Dickens. Wala kailan man ang nagbabago na tulad niyan na hiwalay mula kay Kristo at simbahan. Wala!
Natatandaan kong nakakita ng isang pelikula, mga anim na pung taon noon, kung saan isang tao ay dahan-dahang lumubog sa isang butas ng kuminoy. Mas higit na siya’y nakipaglaban mas higit na ang lalo siyang hinigop ng malambot na basang buhangin pababa. Sumigaw siya, ngunit walang dumating. Sa wakas ang ulo na lamang niya ang nakalitaw sa kuminoy. Huminga pa siyang ng huling beses. Tapos hinatak siya nito sa ilalim. Bata pa lang ako noong nakita ko ang pelikulang iyan. Tumibok ng matindi ang aking puso. Hinawakan ko ang aking lalamunan. Ang aking mga kamay ay nagpawis na para bang ako’y nalulunod sa isang butas ng kuminoy!
Ikaw ba’y mahihigop sa ilalim, at malunod, sa isang walang pag-asang buhay? O makatatakas ka? Gaya ng madalas kong sinasabi, halos walang nakakatakas pagkatapos ng edad ng tatlom pu – halos wala! Ang aking ina ay nakatakas sa edad na 80 – ngunit iyan ay napaka di pangkaraniwan na ito’y gaya ng paghihiwalay ng Pulang Dagat – o ibang lubos na imposibleng himala!
Kung makakatakas ka nga sa kuminoy ng buhay mayoon lamang isang posibleng paraan. Tandaan ang sasabihin ko! Mayroong isang paraan lamang upang makatakas mula sa kuminoy ng buhay – isang paraan lamang! At walang iba! Narito ito –
“Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat.” (II Mga Taga Corinto 13:14).
Ang simbahan ng Corinto ay nasa masamang kalagayan. Mayroong malaking paghihiwalay ng simbahan, pag-aaway at paghihiwalay, huwad na doktrina, sekswal na kasalanan, at maraming nawawalang mga miyembro ng simbahan (13:5, 6). Ibinigay ni Pablo ang nakamamanghang benediksyon sa kanilang lahat, dahil ang teksto ay nagtatapos, “sumainyo nawang lahat.” Ito’y isang panalangin para sa kanilang lahat dahil alam niya na walang ibang makahahatak sa kanila palabas ng kuminoy ng isang walang pag-asang buhay. Ito ang kailangan mo rin.
I. Una, kailangan mo ng biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo.
“Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo … ay sumainyo nawang lahat.” (II Mga Taga Corinto 13:14).
Siya’y nagsasalita tungkol sa Trinidad rito. Tinutukoy niya si Hesu-Kristo, at Diyos ang Ama, at ang Banal na Espiritu. At siya’y nananalangin na “Ang biyaya ng Panginoong Jesucirsto” ay mapasakanilang lahat. Iyan ang unang bagay na ipinagdarasal ng Apostol, dahil iyan ang unang bagay na kailangan natin. Ito ay isang panalangin para sa kaligtasan sa pamamagitan ng Trinidad.
Pansinin na ibinigay ng Apostol ang “biyaya” ni Kristo bago ng “pag-ibig ng Diyos.” Pansinin rin na ang buong titulo ni Kristo at pangalan ay ibinigay, “ang Panginoong Hesu-Kristo.” Ipinapakita nito ang Kanyang banal na kalikasan, dahil Siya ang ating Panginoon. Ipinapakita nito ang Kanyang pagkatao, dahil Siya ay si Hesus. Tumuturo ito sa Kanyang katungkulan, bilang ang taong kailangan natin. At ito ay ang taong ito, ang Panginoong Hesu-Kristo, na nagbibigay ng biyaya sa atin. Ang lahat na ligtas ay alam ng lubos na siya’y naligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo.
Yoong mga nawawala ay di nakikita ang pangangailangan sa Panginoong Hesu-Kristo. Tinatapakan nila Siya sa kanilang paa (Mga Taga Hebreo 10:29). Hinamak at itinakwil Siya, at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha sa Kanya (Isaias 53:3). Tumatanggi silang magpunta sa Kanya (Juan 5:40). Kinamumuhian nila Siya at kinapopootan (Isaias 49:7).
Mabuti ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Gandhi at John Kennedy, na parehong mga adultero. Mabuti ang sinasabi nila patungkol kay Mohammed, na isang sinapian ng demonyong pedopilya at mamamatay tao. Mabuti ang sinasabi nila patungkol kay Che Guevara, na isang mamamatay tao at magnanakaw. Ngunit pagpunta nila kay Hesus, kinamumuhian nila Siya. Kung ika’y nasa kolehiyo alam mo na tama ako. Ang mga kolehiyong propesor ay literal na kinamumuhian ang Anak ng Diyos, ang Panginoong Hesu Kristo!
Hindi nila ipinagbabawal ang mga kalansay at mga mangkukulam at itim na mga pusa tuwing ika-31 ng Oktubre. Hindi nila ipinagbabawal ang salitang “Halloween” mula sa mga tindahan at mga paaralan. Ngunit ipinagbabawal nila ang salitang “Christmas” mula sa bawat paaralan sa Amerika, at mula sa maraming mga tindahan, dahil mayroon nito ang salitang “Kristo.” Iniibig nila ang mga mangkukulam at mga kalansay tuwing Halloween – ngunit kinamumuhian nila ang pangalan ni Kristo. At kinamumuhian ang pangalan na “Christmas.” Sa taong ito nakita ko lamang ang pangalang “Christmas” isang beses lamang. Isang beses lamang sa buong siyudad ng Los Angeles! Sinasabi nitong “Merry Christmas” sa gilid ng “The Pantry,” isang lumang restorant na pag-aari ng dating Mayor na si Richard Riordan, isa sa kaunting publikong tao na nagpupunta pa rin sa simbahan tuwing Linggo. Dati’y nakapapainit ng pusong makita ang mga bintanang nailawan sa Siyudad Bulwagan ng Los Angeles na nakabuo na isang krus sa panahon ng Pasko. Ngunit hindi na. Isang maliit na grupo ng militanteng ateyista ang nag-alis nito, at walang Kristiyano ang may sapat na lakas ng loob upang pigilan sila! Ngayon si Hesu-Kristo ay hinahamak, kinukutya, at kinamumuhian – pati sa panahon ng Paskoa! Isang malaking niyon na tanda sa Times Square sa New York ay binayaran ng mga “Amerikanong Ateyista.” Sinasabi nito, “Sinong may kailangan kay Kristo tuwing Pasko? Wala!” Sila’y sasalakayin kung ilalagay nilang, “Sinong may kailangan kay Mohammed tuwing Ramadan? Wala!? Sila’y tatawaging mga anti-Semetiko kung ilalagay nila, “Sinong may kailangan ng Isarael tuwing Hanukkah? Wala!” Ngunit OK lang para sa mga politikal na mga tamang hipokritang punahin si Kristo sa Kanyang kaarawan tuwing Pasko! Tama si Bill O’ Reilly, ng Fox News! Mayroong “digmaan sa Pasko”! Mayroon talagang digmaan laban sa Kristiyanismo! Ang tao sa kasalanan ay kinamumuhian si Hesu-Kristo!
“Tao ng mga pagdurusa,” anong pangalan
Para sa Anak ng Diyos na dumating
Nasirang mga makasalanan upang angkinin muli!
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
Nagdadala ng kahihiyan at kinukutyang walang galang,
Sa aking lugar nahatulan Siya nakatayo;
Sinelyuhan ang aking kapatawaran gamit ng Kanyan dugo,
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya! Anong Tagapagligtas!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
O, anong matinding dusa ang nararamdaman ko kapag naiisip ko na mayroong ilang mga kabataan, na nagpupunta sa sarili nating simbahan bawat Linggo, ngunit hindi iniibig si Hesus ng sapat upang magtiwala sa Kanya! O, paano mo kailan man mararanasan ang biyaya ng Diyos kung ika’y nasa panig ng Diablo? Paano ka kailan man maliligtas kung ika’y magpapatuloy sa paghahamak kay Hesus, kung hindi mo Siya iniibig ng sapat upang pagkatiwalaan Siya! Paano mo kailan man mararanasan ang biyaya at pabor ng Diyos kung magpapatuloy ka sa pagtatanggi sa Panginoong Hesu-Kristo? Balang araw ika’y magiging tulad ng matandang lalake sa jakusi – mag-isa, at walang pag-asa, sa Pasko.
Biyaya ang kailangan ng bawat nagkakasala, narumihan, walang pag-asang makasalanan! At wala kundi si Hesus ang may biyaya na kailangan mo. Magpunta sa Kanya ngayon, bago ito huli na! Tapos masasabi mo kasama ng Apostol Pedro,
“Datapuwa't naniniwala tayo na tayo'y mangaliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, na gaya rin naman nila” (Mga Gawa 15:11).
II. Pangalawa, kailangan mo ang pag-ibig ng Diyos.
“Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios... ay sumainyo nawang lahat” (II Mga Taga Corinto 13:14).
Sinabi ni Dr. Charles Hodge, isang dakilang teyolohiyano ng ika-19 na siglo, ay nagsabi, “Sa isang pananw [isang paraan upang tignan ito] ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinanggalingan ng kaligtasan. Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa pagbibigay ng kanyang Anak para sa atin,
‘Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin’ (Mga Taga Roma 5:8).
Ngunit sa isa pang pananaw [isa pang paran upang tignan ito] ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay dahil sa biyaya at gawain ni Kristo. Iyan ay, ang pagpapakita ng pag-ibig sa kapatawaran, sangktikpikasyon at kaligtasan ng tao, ay kondisyonal sa gawain ni KRisto. Tayo ay napagkakasundo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak. Ang Kanyang kamatayan ay bilang isang pagpapalugod para sa ating mga kasalanan ay kinakailangan para sa atin atwal na maipakilala sa samahan ng Diyos at gawing tagasalo ng kanyang pag-ibig. Kung gayon inilalagay ng Apostol ang biyaya ni Kristo bago ng pag-ibig ng Diyos, bilang, sa diwa ng pagkabanggit, ang kinakailangang kondisyon ng pagpapakita nito” (isinalin mula kay Charles Hodge, Ph.D., 1 and 2 Mga Taga Corinto, The Banner of Truth Trust, 2000 inilimbag muli, p. 689; sulat sa II Mga Taga Corinto 13:14).
Gaya ng paglagay ni William R. Newell,
O, ang pag-ibig na nagdala sa plano ng kaligtasan!
O, ang biyaya na nagdala nito pababa sa tao!
O, ang makapangyarihan agwat na idinangkal ng Diyos sa Kalbaryo!
(“Sa Kalbaryo.” Isinalin mula sa “At Calvary”
ni William R. Newell, 1868-1956).
Hindi ba iyan ang paraan na ating nararanasan ang pag-ibig ng Diyos? Ipinunto ni Dr. Lenski na ang “pagkakasunod-sunod ng mga tao gayon din ang pagkakasunod-sunod ng mga regalo ay mahalaga.” Una natatanggap natin ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, at tapos nararanasan natin ang pag-ibig ng Diyos. Natatanggap natin ang biyaya ni Kristo mun, tapos nalalaman natin ang pag-ibig ng Diyos (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Ph.D., Ang Interpretasyon ng Una at Pangalawang Sulat sa mga Taga Corinto ni Santo [Pablo The Interpretation of St. Paul’s First and Second Epistles to the Corinthians], Augsburg Publishing House, 1969 edisiyon, pah. 1339; sulat sa II Mga Taga Corinto 13:14).
Iyan ang sarili kong karanasan, at ito’y iyo rin (o magiging) sa iyo rin. Ako’y dinala muna kay Hesus. Pagkatapos lamang na aking naransan ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, na aking nasimulang makilala at maintindihan ang pag-ibig ng Diyos. Kung ika’y nawawala, dapat kang magpunta kay Hesus muna. Pagkatapos mong magpunta kay Kristo iyong masisimulang makilala ang pag-ibig ng Diyos! Sinabi ni Dr. Lenski, “Ang pag-ibig ng Diyos tamang-tamang sinasakop ang pangalawang lugar sa benediksyong ito” (Isinalin ibid.). Una, dapat kang magpunta kay Kristo. Tapos makikilala mo ang pag-ibig ng Diyos! Iyan ang paraan na ang mga makasalnan ay naligtas! Magpunta kay Hesus, at tapos masisimulan mong malaman kung gaano ka kamahal ng Diyos!
Iniisip ko na naman ang matandang lalakeng iyon sa gym. Maraming taon noong lumayo siya mula kay Kristo at kanyang simbahan – at ngayon nag-iisa na lang siya sa mundo sa panahon ng Pasko – na wala ang pag-ibig ng Diyos! Huwag mo itong hayaang mangyari sa iyo! Magpunta kay Kristo ngayon, at masisimulan mong maranasan ang pag-ibig ng Diyos!
III. Pangatlo, kailangan mo ng komunyon ng Banal na Espiritu.
“Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat” (II Mga Taga Corinto 13:14).
Ang Griyegong salitang isinalin na “komunyon” rito ay isang mainit at mapagkaibigang salitang koinonia. Ibig nitong sabihin ay “pagkakasama” o “pakikisama.” Dapat kong isipi si Dr. Lenski dito muli, dahil sinabi niya itong napagka ganda at napaka husay. Sinabi niya,
Ang Banal na Espiritu ay yumuyuko sa atin at yinayakap tayo ng kanyang komunyon kung saan ay mahahanap sa lahat ng biyaya at pag-ibig. Hindi mula sa malayo na ang mga ito ay iniaabot sa atin kundi sa isang pagsasama alin ay lampas sa ating pagkakaintindi (isinalin mula sa ibid., pah. 1341).
Nagsalita si Elisha Hoffman patungkol sa komunyon o pagkikisama sa Banal na Espiritu bilang “Pagsasandal sa Walang Katapusang mga Braso,” Makinig,
Anong pakikisama, anong magalak na banal,
Sumasandal sa walang katapusang mga braso;
Anong pagkapala, anong payapa ang akin,
Sumasandal sa walang katapusang mga braso.
Sumasandal, sumasandal, ligtas at tiyak mula sa lahat ng mga alarma;
Sumasandal, sumasandal, sumasandal sa walang katapusang mga braso.
(“Sumasandal sa Walang Katapusang mga Braso.” Isinalin mula sa
“Leaning on the Everlasting Arms” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
Inibig ng aking ina ang lumang kantang iyan. Kinanta namin iyan maraming beses pagkatapos niyang maligtas. Iyan ang komunyon, iyan ang samahan, mayroon tayo ng Banal na Espiritu kapag tayo ay naligtas ni Hesus! Anong pakikisama, anong galak na banal, sumasandal sa walang katapusang mga braso!
“Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat” (II Mga Taga Corinto 13:14).
Sinabi ni Dr. Hodge, “Ang pasaheng ito ay isang malinaw na pagkakakilala ng doktrina ng Trinidad, alin ay ang pundamental na doktrina ng Kristiyanismo. Dahil ang isang Kristiyano ay isang naghahanap at tinatamasa ang biyaya ng Panginoong Hesus, ang pag-ibig ng Diyos, at ang komunyon ng Banal na Espiritu” (isinalin mula sa ibid., pah. 690).
Naawa akong lubos para sa matandang lalake sa aking gym noong umalis siya mula sa jakusi at lumakad papalayo sa kadiliman. Nakaligtaan niya ang galak ng pagkakakilala ng Pinagpalang Trinidad. Sinabi itong mahusay ng mangangaral na si Dr. W. A. Criswell.
Kapag ang isang tao ay sinasamba ang tunay na Diyos, kapag yumuyuko siya sa harap ng Panginoong Hesu-Kristo, kapag tinatanggap niya sa kanyang puso ang testimony ng Banal na Espiritu na tumuturo sa nagliligtas na biyaya ni Hesus, ang tao ay ipinagbubunyi, siya ay itinataas, siya ay napaliliwanagan. Lahat ng bagay na patungkol sa kanyang buhay ay ginagawang banal at ginagawang makalangit at banal. Mayroong isang Diyos at ang pangalan Niya ay Diyos ating Ama, at Diyos ating Tagapagligtas, at Diyos sa ating mga kaluluwa – ang kumikilos na biyaya at saksi ng Banal na Espiritu. Amen. (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Ang Dakilang mga Doktrina ng Bibliya – Kabuuan 2, [Great Doctrines of the Bible – Volume 2], Zondervan Publishing House, 1982, pah. 77).
Panalangin ko na ika’y magpunta kay Hesus ngayong gabi. Ililigtas ka Niya mula sa naaksayang buhay ng pagkamakasarili at kasalanan. Lilinisin ka Niya gamit ng Dugo na ibinuhos Niya sa Krus. Magpunta kay Hesus at malalaman mo ang pag-ibig ng Diyos, at ang naka-iinit ng pusong pakikisama ng Banal na Espiritu.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagpupunta kay Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon na at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan tayo’y makakapag-usap at makakapagdasal. Dr. Chan pumarito ka at manalangin para sa isang magtiwala kay Hesus ngayong gabi. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme:
II Mga Taga Corinto 13:11-14.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Maliit na Bayab ng Bethlehem” [“O Little Town of Bethlehem”]
(ni Phillips Brooks, 1835-1893).
ANG BALANGKAS NG KALIGTASAN SA PAMAMAGITAN NG TRINIDAD – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat” (II Mga Taga Corinto 13:14). I. Una, kailangan mo ng biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, II. Pangalawa, kailangan mo ang pag-ibig ng Diyos, III. Pangatlo, kailangan mo ng komunyon ng Banal na Espiritu, |