Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG POOT NI SATANAS SA HULING MGA ARAW

THE WRATH OF SATAN IN THE LAST DAYS
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoong, Ika-8 ng Disyembre taon 2013

“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).


Oo, naniniwala ako sa Diablo. Siya ay binigyan ng 12 sa pinaka kaunti, na mga pangalan sa Bibliya. Siya ay tinatawag na Satanas, ang Diablo, ang Dragon, ang Serpyente, Beelzebub, Belial, Lusiper, and Malupit, ang Tagapagtukso, ang Diyos ng Mundong ito, ang Prinsipe ng Kapangyarihan ng Hangin, at ang Prinsipe ng Mundong ito. Hindi tayo dapat kailan man magbibiro tungkol sa Diablo, o tukuyin siyang wala lang. Mayroon siyang matinding kapangyarihan, mas matindi kaysa sa kahit anong bansa, mas matindi kaysa kahit anong sandata na nilikha ng tao. Pinamumunuan ang hangin, ang atmospera sa paligid ng lupa. Ang kanyang layunin ay ang hadlangin ang gawain ng Diyos, upang panatilihin ang mga panalangin mula sa pagkakasagot, upang iantala ang Pangalawang Pagdating ni Kristo, upang tutulan ang Banal na Espiritu, upang pahintuhin ang muling pagkabuhay, upang sirain ang buhay ng tao, at upang sirain ang sangkatauhan – ang pinaka mataas na likha ng Diyos. Ang Diablo ay isang terible, laban, mapagmuhing halimaw. Binabago niya ang kanyang sarili sa isang maganda at kaakit-akit na nilalang. Ngunit kapag kanyang dinadakip ang kanyang mga biktima, siya ay nababago sa isang kahindik-hindik na dragon.

Ang ating teksto ay tumutukoy sa isang panahon, malapit sa katapusan ng panahong ito, kapag si Satanas ay di na makakapunta sa piling ng Diyos, gaya ng ginawa niya sa unang kapitulo ng Job. Hanggang sap unto ito siya’y nakakapunta ang nakakaalis mula sa piling ng Diyos sa Langit. Ngunit kapag siya ay itatapong magpakailan man sa piling ng Diyos, alam niya na ang kanyang wakas ay malapit na. Ibinibigay ni J. A. Seiss sa kanyang tandang kumentaryo sa Aklat ng Apocalipsis, ang larawang ito,

Iisipin natin na isang [napaka tinding] pagkatalo sa langit ay magpapagaling sa kanya nitong kasamaang ito, o mahikayat man lang na iwasang ang kahit anong tangka laban sa Diyos ang Kanyang mga tao. Ngunit siya ay walang pag-asang mahalay, at walang lubusang puwersa ang [maka- susupil] ng kanyang diablong kalikasan. Walang gamut para sa pagiging lubusang kasamaan. At ang kanyang pagkapalayas mula sa langit at pagkakulong sa lupa ay nagpapagalit lang sa kanya ng mas higit, at tumatawag ng mas matinding karahasan, inuudyok ang isang kalagayan ng mga bagay na ang pinaka malubhang naranasan ng mundong ito kailan man (Isinalin mula kay J. A. Seiss, Ang Apocalipsis – Mga Panayam sa Aklat ng Apocalipsis [The Apocalypse – Lectures on the Book of Revelation, Zondervan Publishing House, walang petsa, pah. 313).

Karamihan sa natutunan ko tungkol sa Diablo ay dumating noong nag-aral ako na isang binata sa ilalim ng isang dakilang eskolar ng Bibliya at teyolohiyanong, si Dr. Timothy Lin. Si Dr. Lin ay mayroong dalawang masters mula sa Faith Teyolohikal na Seminaryo. Humawak siya ng isang Ph.D. sa isang Lumang Tipang Hebreo at kaugnay na mga wika mula sa Kolehiyo ng Hebreo at Magkaugnay na mga Wika [College of Hebrew and Cognate Languages] sa Unibersidad ng Dropsie. Siyan gayon ay nagturo sa pagtatapos na departamento ng Unibersidad ng Bob Jones, sa Teyolohikal na Seminaryo ng Talbot, at sa Trinidad na Ebanghelikal na Seminaryo [Trinity Evangelical Seminary], sa Deerfield Illinois. Siya ay isa sa mga tagapagsalin ng Bagong Amerikanong Batayang Bibliya [New American Standard Bible], at mula sa taon 1980 hanggang sa 1990 siya ang president ng Tsinang Ebanghelikal na Seminaryo sa Taiwan – sumusunod sa pagkapangulo ni Dr. James Hudson Taylor III. Siya ang aking pastor at guro ng higit sa 23 taon, noong ako ay miyembro ng Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles. Bininyagan niya ako, at pinamunuhan ang aking ordinasyong komite noong ika-2 ng Hulyo taon 1972.

Ngunit si Dr. Lin ay hindi kasing tuyo ng alikabok na propesor. Ang kanyang mga aral at kanyang mga sermon ay nangangalisag ng kapangyarihan ng nabubuhay na teyolohiya. Halimbawa, matatag na pinaniwalaan ni Dr. Lin na tayo ay nabubuhay sa huling mga araw – malapit sa katapusan ng mundong kilala natin. Hindi mo kailangang basahin masyado ang isinulat niya upang makita iyan. Halimbawa, sa kanyang aklat na paglago ng simbahan, paulit-ulit niya ibinibigay ang mga pariralang tulad ng “Ang Simbahan ng huling mg araw ay mayroong parehong maling kuro-kuro…” (pah. 6); “ang pulpit sa huling mga araw” (pah.11), “Maraming mga Kristiyano ng huling mga araw ay…mahiyain, takot, at walang pananampalataya sa salita ng Diyos” (pah.17); “Ang lagim sa Simbahan ng huling mga araw ay hindi dahil sa pagkakulang nga mga pastor…” (pah. 21); “Naway ang Simbahan ng huling mga araw ay mag-isip ng maraming beses tungkol rito” (pah. 29); “Ang ilang mga simbahan ng huling mga araw ay hindi nag-aalala…basta mayroong paraan upang makakuha ng pera” (mga pah. 48, 49); “Hindi pinapansin ng Simbahan ng huling mga araw ang pagkakaiba sa pagitan ng tama at mali” (pah. 50); “Mayroong dalawang mga dahilan kung bakit ang mga simbahan ng huling mga araw ay nagpapakita ng ganoong lubos na kawalang ng pagpapahalaga sa panalanging pagpupulong” (pah. 95). (Lahat ng mga sipi mula kay Timothy Lin, Ph.D., isinalin mula sa Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], FCBC, 1992).

Masasabi mo na si madalas naisip ni Dr. Lin ang tungkol sa katotohanan na tayo ay nabubuhay sa pinaka katapusan ng panahon ng Kristiyano, malapit sa pinaka katapusan ng huling mga araw. Isa pang punto na madalas idiin ni Dr. Lin ay ang katotohanan ni Satanas at ang kanyang mga demonyo. Ang dalawang mga temang ito ay binibigyang diin ng paulit-ulit sa kanyang mga sermon at pag-aaral ng Bibliya – tayo ay nabubuhay sa huling mga araw, at si Satanas at ang kanyang mga demonyo ay tumututol sa atin. Maari mong isipin na ang dalawang mga negatibong mga temang iyon ay magpapahinang loob at magpapalungkot sa isang simbahan. Ngunit ang saktong kabaligtaran ang totoo! Ang kanyang simbahan ay nakaranas isang phenomenal na muling pagkabuhay. Ang kanyang simbahan ay nagdagdag ng mga 2,000 mga tao sa maikling panahon.

At madalas isipi ni Dr. Lin ang ating teksto sa kanyang pangangaral at pagtuturo,

“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).

Nagkukumtento sa bersong iyan, sinabi ni Dr. Lin,

Lubos na naiintindihan ni Satanas na ang nag-iisang paraan ng pagpapatagal ng kanyang masamang buhay ay sa pamamagitan ng pagpapatagal ng pangalawang pagdating ni Kristo…Dahil sa dahilang ito, inihahatid niya ang kanyang masasamang mga plano ng lahat ng kanyang lakas patungo sa pamimigil ng mga mga taong maniwala kay Hesus – sa gayong paraan pinipigilan ang mga tauhan ng kaharian ng Diyos mula sa pagkakabuo…inuumpisahan gayon ni Satanas ang pangalawang hakbang ng kanyang sabotahe sa mga Kristiyano, iyan ay sa pamimigil sa kanila mula sa pag-uukot ng oras at lakas sa panalangin… Kung gayon, mas malapit ito sa bisperas ng pangalawang pagdating ng Panginoon, mas matindi ang pwersa ni Satanas laban sa panalangin! (Isinalin mula kay, Lin ibid., mga pah. 95, 96).

Maraming mga mangangaral ay hindi nakikita o naiintindihan ang mga “tanda” ng pangalawang pagdating ni Kristo. Ngunit ang Diablo ay mas madunong kaysa sa kanila. Nakikita niya na ang mga bansa ng Israel ay muling naitatag. Nakikita niya ang apostasiya ng mga simbahan. Nakikita niya ang mga araw ni Noah ay nauulit. “Alam niya na kaunting panahon na lamang ang mayroon siya” upang gawin ang kanyang masamang gawain ng pagtututol at paghahadlang sa gawain ng Diyos sa lupa!

“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).

Isa sa mga pangalan ng Diablo ay “Satanas.” Ibig nitong sabihin ay “kalaban” o “tagatutol.” Kung gayon, tinututulan ni Satanas ang gawain ng Diyos. Sa huling mga araw, kung saan tayo ay nabubuhay, tinututulan ni Satanas ang parehong ligtas at nawawala.

I. Una, tinututulan ni Satanas ang mga panalangin noong mga ligtas.

Ang pangunahing pakay ni Satans sa pagtututol ng gawain ng Diyos ay ang pigilan ang mga Kristiyano mula sa pananalangin. Sinabi ni Dr. Lin, “alam ni Satanas (kahit na hindi maaring alam ng mga Kristiyano) na ang panalangin ay isang pamamaraan para sa paglalakom ng mga yaman ng Diyos…Kung hindi lalakumin ng mga Kristiyanong ang mga yaman na ito, sila’y magiging pagod sa espirituwal at mapapahina ng maaga… Kung gayon, mas malapit ito sa bisperas ng pangalawang pagdating ng Panginoon, mas matindi ang puwersa ni Satanas laban sa panalangin” (Isinalin mula sa Lin, ibid., pah. 96).

Madalas nalilimutan ng mga Kristiyanong manalangin kapag sila’y gumigising sa umaga. Hindi ito matagal upang dasalin ang panalangin ng Panginoon at hingin ang Diyos ng Kanyang tulong sa loob ng buong araw. Na wala ang tulong ng Diyos wala tayo masyadong magagawang mabuti. Alam ni Satanas ito. Kaya tinututulan niya ang iyong pang-umagang panalangin. Natutuwa siyang makita kung gaano ka walang kapangyarihan sa araw na iyon!

Tinututulan rin ni Satanas ang “pananalangin ng puspusan” – iyan ay, pananalangin para sa isang bagay hanggang sa makuha mo ito. Ang parabula ng mapilit na balo ay nagtuturo ng pangangailangn upang “manalangin ng puspusan” hanggang sa makuha mo ang kailangan mo. Ibinigay ni Hesus ang layunin ng parabula sa Lucas 18:1, na ang mga tao ay “dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay” – o gaya ng maari nitong pagkakasalin, “…dapat silang laging manalangin at huwag sumuko.” Itinuturo ng parabula na dapat mong patuloy ng hingan ang Diyos para sa bagay na kailangn mo hangang sa ibigay Niya ito. Ang parabula ay simple. Isang balong babae ay dumating at hiniling ang isang tagahatol na ipaghiganti siya laban sa isang kalaban. Walang ginawa ang tagahatol ng ilang sandali. Ngunit sa wakas ibinigay niya ang sa kanya ang gusto niya dahil pagod na siya sa pang-iistorbo niya. Natatapos ang parabula sa pagsasabi na “igaganti ng Dios ang kaniyang mga hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y may pagpapahinuhod sa kanila” (Lucas 18:7). Ngunit sinasabi ng pinaka huling berso ng parabula,

“Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:8).

Hindi nito ibig sabihin na hindi magkakaroon ng kahit anong pananampalataya kapag si Kristo ay darating. Ibig nitong sabihin na karamihan sa mga Kristiyano ay susuko ng madali kapag sila’y nananalangin para sa isang pangangailangan. Hindi sila makikipaglaban sa panalangin hanggang sa makuha nila ang hinihingi nila! “Nananalangin ng puspusan” sa pananampalataya ay higit na kakaunti sa huling mga araw. Habang ang panahong ito ay papalapit sa isang pagsasara pinalalakas ni Satanas ang puwersa laban sa pananalanging puspusan. Ginagawa niya ito upang pahinain ang mga simbahan at magsanhi ng pag-aantala sa buong bilang ng mga nahirang na naliligtas. Kung gayon, hinahanap ni Satanas na mapatagal ang kanyang masamang buhay sa lupang ito sa pamamagitan ng pagtututol sa walang lubay na panalangin sa huling mga araw!

Hinahadlangan ni Satanas ang ating mga panalangin, at pinipigilan ang marami sa atin mula sa pananalangin ng puspusan, sa pagsasabi sa atin, “Ang panalangin ay hindi ganoon ka-importante. Sinasabi sa iyo ng pastor na manalangin, manalangin, – ngunit inaaksaya mo ang iyong panahon. Ang iyong mga panalangin ay walang ginagawang kahit ano. Sumuko na! Huwag mong aksayahin ang iyong oras sa pananalangin.” Naramdaman mo nab a iyan? Naisip mo na ba na ang pananalangin ay wala talagang ginagawa – na ito’y aksaya lamang ng panahon? Kung nagkaroon ka kailan man ng pag-iisip na tulad niyan, matitiyak mo na ang Diablo ang naglalagay ng kaisipan sa iyong isipan. Gagamitin ni Satanas ang lahat ng uri ng paglilinlang upang makuha kang huminto sa pananalangin para sa isang tiyak na pangangailangan. Gumugugol si Satanas ng maraming oras at lakas nililinlang ka sa paghahayang ang iyong mga panalangin ay dumulas. Nagtratrabaho siyang lubos upang pigilan ka mula sa pananalangin bago mo makuha ang iyong pangangailangan mula sa Diyos! Sa isa pang konteksto, sinabi ng Apostol Pablo na ito’y –

“Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka't kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang” (II Mga Taga Corinto 2:11).

Satanas ay tiyak “makakakuha ng lamang” sa iyo maliban na lang na ika’y napaka maingat na hindi sumuko kapag ika’y nananalangin para sa isang pangangailangan. Sinasabi ng Apostol Santiago,

“Kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi” (Santiago 4:2).

At madalas, ika’y “wala” pa rin dahil nilinlang ka ng Diablo gamit ng isa sa kanyang mga paraan. Ika’y kanyang isinanhing maramdaman na walang pag-asa o malungkot. Tinukso ka niya hanggang sa ika’y huminto sa pananalangin, o pinahihina ang iyong mga panalangin. Tandaan, ang Kristiyanong – panalangin ay ang pangunahing bagay na ginagawa natin upang mawagi ang laban sa Satanas. Tandaan – ang panalangin ay isang laban! Sinasabi ng lumang ebanghelyong kanta ang lahat nito,

Ipinalangin mo ba itong puspusan hanggang sa ang sagot ay dumating?
   Mayroong isang pangako totoo para sa iyong kaluluwang angkinin;
Sa lugar ng panalangin si Hesus ay nag-aantay sa iyo,
   Nasalubong mo ba Siya roon, Ipinalangin mo ba itong puspusan?
Nanalangin ka ba hanggang sa ang sagot ay dumating,
   Nagmakaawa ka ba sa pangalan ng Tagapagligtas?
Nanalangin ka ba at nakipaglaban [hanggang sa gabing-gabi na],
   Nananlangin ka ba hanggang sa ang sagot ay dumating?
(“Ipinalangin Mo ba Itong Puspusan.” Isinalin mula sa
      “Have You Prayed It Through?” ni W. C. Poole, 1875-1949; binago ng Pastor).

Narinig mo na ba iyang nakanta sa mga simbahan? Hindi pa! Madalas itong kantahin ng mga Kristiyano, ngunit wala na ito sa istilo. “Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:8).

Ngayon panoorin ito! Sa ika sampung kapitulo ng Daniel mababasa natin na ang panalangin ni Daniel ay narinig ng Diyos sa pinaka unang beses na siya’y nanalangin (Daniel 10:12). Ngunit ang sagot ay di dumating ng “dalawampu’t isang araw” dahil ang mga demonyo mula kay Satanas ay tinutulan ang sagot (Daniel 10:13). Tayo ay nagpapasalamat na hindi hinayaan ni Daniel na pigilan siya ng Diablo mula sa pananalangin hanggang sa nakuha niya ang hiniggi niya mula sa Diyos! Sa kanyang dakilang aklat sa panalangin ibinigay ni Dr. John R. Rice ang mainam korong ito,

Magpatuloy manalangin,
   Hanggang sa ito’y maipanalangin mong puspusan,
Magpatuloy manalangin
   Hanggang sa ito’y maipanalangin mong puspusan.
Ang dakilang mga pangako ng Diyos
   Ay laging totoo,
Magpatuloy sa pananalangin
   Hanggang sa ito’y maipanalangin mong puspusan.

II. Pangalawa, tinututulan ni Satanas ang kaligtasan noong mga nawawala.

“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).

Tinututulan ka ni Satanas habang iyong hanaping maligtas. Ayaw niyang ika’y maging isang Kristiyano. Gagawin niya ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang panatilihin kang maligtas. Bakit niya ginagawa iyan? Isang dahilan ay dahil siya ay isang mamamatay tao. Sinabi ni Hesus na ang Diablo “Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una” (Juan 8:44). Kalikasan ni Satanas na pumatay ng tao. Pinatay niya ang ating unang mga magulang sa Hardin ng Eden, sa pagtutukso sa kanilang kainin ang ipinagbabawal na prutas. Mamamatay siya ng mga kaluluwa – gusto ka rin niyang patayin. Gusto ka niyang mamatay at magpunta sa Impiyerno.

Ngunit may isa pang dahilan. Sa Mga Taga Roma 11:25 mababasa natin,

“...na ang [pagkabulag] ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil” (Mga Taga Roma 11:25) – [KJV].

Ang Griyegong salitang isinalin na “kapunuan” ay “plērōma.” Ibig nitong sabihin ay ang “buong bilang.” Kinamumuhian ng Diablo ang Israel, at alam niya na ang kanilang espiritwal na pagkabulag ay hindi maalis hanggang sa ang “buong bilang” ng mga Gentil ay ligtas. Ngunit ayaw ni Satanas na ang Israel ay maligtas. Iyan ang dahilan na ayaw ka niyang maligtas.

Isang tiyak na bilang ng mga Gentil ay dapat maligtas bago ang kabulagan ng Israel ay maalis at ang katapusan ng panahong ito. Ika’y isang Gentil. Ika’y nabubuhay malapit sa katapusan ng panahong ito. Alam ng Diablo na siya’y huhusgahan ng Diyos at gagapusin ng “isang libong taon” kapag bumalik si Kristo (Apocalipsis 20:2). Iyan ag dahilan na,

“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).

Si Satanas ay nagagalit ng labis sa pamamagitan ng mundo ngayon dahil alam niya na ang kanyang panahon ay maikli. Higit sa kailan pa man, ginagawa niya ang lahat ng magagawa niya upang maantala ang “punong bilang” ng mga Gentil mula sa pagpapasok at pagiging ligtas. Ako’y kumbinsido na iyan ang isa sa mga dahilan na ito’y nagiging mas mahirap para sa taong maligtas sa ating panahon. Gagawin ng Diablo ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang pigilan ka mula sa pagtitiwala kay Hesus at pagiging isang tunay na Kristiyano. Sa ganyang paraan mapananatili niya ang Israel sa pagkabulag ng mas matagal pa.

Isa sa mga paraan na ginagamit ng Diablo upang pigilan ka mula sa pagkakaligtas ay ang alisin ang Salita ng Diyos mula sa iyong puso. Sa Parabula ng Maghahasik, sinabi ni Hesus,

“...magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas” (Lucas 8:12).

Dalawang Tsinong kalalakihan ang nagpunta sa aming simbahan noong huling Linggo. Pareho silang pinamumunuan ng Diablo. Ang isa sa kanila ay nasa ilalim ng Satanikong kontrol sa pamamagitan ng Budistang mga idolo at pagsasamba ng idolo ng kanyang mga magulang sa tahanan. Hindi ko alam kung paano ang isa pa ay naging nademonyo. Ngunit sinabi niya sa akin na siya’y pinahihirapan ni Satanas at mukhang malinaw na siya nga.

Isa sa dalawang Tsinong lalakeng iyon ay naligtas noong huling Linggo, ngunit ang isa pa ay hindi. Narito ang pagkakaiba – ang binatang naligtas ay patuloy na nagpupunta sa simbahan ang nakikita sa Salita ng Diyos habang ipinapangaral ko ang Ebanghelyo. Siya ay matinding natuksong sumuko at iwanan ang simbahan. Ngunit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos nanatili siya, at dumating upang marinig ang Ebanghelyo bawat umaga ng Linggo at bawat gabi ng Linggo. Sa wakas, noong nangaral si Dr. Chan noong huling umaga ng Lingg, ang unang batang lalake ay nagtiwala kay Hesus at naligtas!

Ngunit ang pangalawang Tsinong binata ay tumangging makinig. Kinausap ko siya mismo pagkatapos ng paglilingkod noong huling umaga ng Linggo. Nagmaka-awa ako sa kanyang manatili sa simbahan at pakinggan ang pangangaral ng Salita ng Diyos. Ngunit matigas ang ulo niyang tumanggi. Nangalisag siya sag alit ag nagsabi na maari niyang basahin ang Bibliya sa mag-isa. Siya’y naging napaka galit na kinailangan namin siyang iuwi agad-agad. Naawa ako sa kanya habang siya’y papalayo.

Ngayon ganito ito maisasagawa sa iyo, kung ika’y hindi pa ligtas. Kailangan mong ipakumbaba ang iyong sarili. Kung gusto mong malaman ang dapat gawin, o anong kailangan mong isipin, o maramdaman – masyadong madali para kay Satanas upang kunin ang Ebanghelyo mula sa iyong puso! Sinasabi ng Bibliya,

“Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo” (Santiago 4:10).

Ang ilan sa inyo ay nagpapatuloy-tuloy sa di ligtas na kondisyon. Ika’y napaka yabang na iniisip mo na alam mo ang gagawin. Ngunit hindi ka madunong! Hindi mo alam ang gagawin. Iyan ang dahiln na ika’y nasa ilalim ng kontrol pa rin ni Satanas. Nagmamaka-awa ako sa iyo ngayong umaga,

“Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo” (Santiago 4:10).

Sinasabi itong mahusay ng lumang himno,

“Isinusuko ko ang aking sarili, at anumang alam ko,
   Ngayon hugasan ako at ako’y magiging
Mas maputi kaysa niyebe.”
   (“Mas Maputi Kaysa Niyebe.” Isinalin mula sa
     “Whiter Than Snow” ni James Nicholson, 1828-1896).

Namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Ngayon – ipakumbaba mo ang iyong sarili sa paningin ng Panginoon, at itataas ka Niya! Ngayon – isuko ang iyong sarili, at anumang nalalaman mo – at lilinisin ka ni Hesus mula sa lahat ng kasalanan gamit ng Kanyang Dugo sa pamamagitan ng simpleng pananampalataya sa Kanya!

Kung gusto mo kaming kausapin tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano, iwanan ang iyong upuan na at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makakapag-uusap tayo at makapananalangin tungkol sa bagay na ito. Magpunta ngayon na. Dr. Chan manalangin ka para sa isang taong magtiwala kay Hesns ngayon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Apocalipsis 12:7-12.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tapos si Hesus ay Dumating.” Isinalin mula sa
“Then Jesus Came” (ni Homer Rodeheaver, 1880-1955).


ANG BALANGKAS NG

ANG POOT NI SATANAS SA HULING MGA ARAW

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).

I.   Una, tinututulan ni Satanas ang mga panalangin noong mga ligtas,
Lucas 18:1, 7, 8; II Mga Taga Corinto 2:11; Santigao 4:2;
Daniel 10:12, 13.

II.  Pangalawa, tinututulan ni Satanas ang kaligtasan noong mga
nawawala, Juan 8:44; Mga Taga Roma 11:25; Apocalipsis 20:2;
Lucas 8:12; Santigao 4:10

.