Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGHAHATOL NG DIYOS – GOD’S JUDGMENT – A FEARFUL THING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Ang kantang kinanta lang ni Gg. Griffith kanina ay isinulat ni Dr. John R. Rice. Ito’y isang kanta na kinakailangan sa ating mga simbahan. Ngayon wala na halos kahit anong kanta na tungkol sa paghahatol, at wala na alam ko ang tungkol sa Impiyerno. Ang mga Puritano ay kumanta tungkol sa Impiyerno. Ngunit ang mga ebanghelikal ngayon ay nag-iisip na masyado silang matalino at masyadong marunong upang gawin iyan. Sinabi ng Puck ni Shakespeare, “Anong mga hanggal ang mga mortal na ito.” Maari niya itong nasabi patungkol sa mga progresibo at mga bagong ebanghelikal ngayon. Sila’y madalas na 40 taong huli sa mga pauso ng nawawalang mundo. Ang mga nawawalang mga tao ay mayroong mga Van Dyke na istilong bigote apat na pung taon noon. Ngayon maraming mga “progresibong” ebanghelikal na mga mangangaral ay mayroon ganoong mga bigote – hindi nga lang sila matalinong sapat upang tawagin itong mga “Van Dyke.” Sa kanilang pekeng-pagkamarunong ignorante nilang tinatawag ang kanilang mga bigote mga “goatee.”
Mga apat na pung taon noon ang mundo ay nagsimula ng laban sa pagninigarilyong kampanya. Ang mga matatalinong mga tao ay hindi na naninigarilyo. Tiyak nga, ang bagong ebanghelikal na mga “progresibo” ay ngayon palang nagsisimula nang manigarilyo, para bang ang paninigarilyo ay isang tanda ng pagkamatalino at pagka marunong. Ang Kolehiyo ng Wheaton, kung saan si Billy Graham at nagtapos at ang lahat ng anim na mga anak na babae ni Dr. John R. Rice ay nagtapos, ngayon ay pumapayag na ang mga propesor at mga mag-aaral na manigarilyo. At alam mo ba na sa huling buwan ang Moody Bibliyang Instituto ng Chicago ay sumunod, at ibinagsak ang pagbabawal sa paninigarilyo? At sa kamakailan na isyu ng Kristiyanismo Ngayon [Christianity Today] ay mayroong malaking, umuusok na pipa sa pangharap na takip nito – isang senyales na ang paninigarilyo ay uso at intelektwal – tulad ni C. S. Lewis, na nanigarilyo ng pipa. Sa ngalan ng pagkaka marunong ang mga bagong ebanghelikal ay ikinakaugali ang paninigarilyo – apat na taon pagkatapos na nagsimulang isuko ito ng mundo!
Ito’y wala na sa usong kumanta ng mga himno ngayon sa simbahan. Kumakanta sila ng isang mababaw na koro ng paulit-ulit – hanggang sa halos ang lahat ay halos nahipnotismong nawalan ng malay. Iyan ay dapat “maghanda” sa kanila para sa sermon. Ito’y mas posibleng maghahanda para sa kanila para sa tulog, na ginagawa ng karamihan sa kanila sa loob ng kanilang maliit na “pag-aaral na Bibliya” na susunod. At kaya walang kumakanta tungkol sa Impiyerno sa ating mga simbahan ngayon. Mga pagbabala tungkol sa Impiyerno ay nasa buong Bibliya – ngunit ang mga makamundong ebanghelikal ay ayaw kumanta tungkol sa mga pagbabalang iyon – at tiyak na ayaw nilang mangaral patungkol sa mga ito! Kaya si Dr. Rice ay gumagawa ng matinding serbisyo sa pagsusulat ng kantang iyon sa Huling Paghahatol,
Anong sasabihin mo kay Hesus, doon,
Kapag makaharap mo ang lahat na maari ka sanang maging,
At ang Tagapagligtas ay matagal nang tinatanggihan ng maraming taon?
Paano ka sasagot sa oras na iyon,
Kapag sa Tagapaghusga sa Kanyang lahat ng kapangyarihan,
Haharapin mo ang iyong talaan at dapat kang sumagot sa iyong mga luha?
Anong sasabihin mo? Anong sasabihin mo?
Kung di napatawad haharapin mo ang [Diyos] sa araw na iyon?
Anong sasabihin mo? Anong sasabihin mo?
Kaharap ang Panginoon na iyong kinauuyam sa araw na iyon?
(“Anong Sasabihin Mo Gayon?” Isinalin mula sa
“What Will You Say Then?” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Tumingin sa akin sa iyong Bibliya sa Mga Taga Hebreo 10:31 – at tumayo para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
Maari nang maupo.
Iyan ay isang mahalagang teksto, lalo na para sa ating panahon. Sinasabi ng Bibliya, “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:18). Hindi pa kami nakatatagpo ng kahit sinong takot sa Diyos! Di kailan man! Walang eksepsyon! “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.” Ngunit, gayon, sinasabi ng ating teksto, “Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31). Gayon kinokontra ng Bibliya ang makabagong tao, at kanyang kunwaring-pagkamarunong, ignoranteng pananaw ng Diyos. Sinasabi ng Bibliya, malakas at malinaw,
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
Kahit na ang makabagong tao ay “walang pagkatakot sa Dios sa harap ng [kanyang] mata,” siya ay mali – maling- mali. At kukuha ako ng ilang minuto ngayong gabi upang patunayan sa kahit kanino na mayroong may katuriwang isipan na ito’y sa katunayan, isang “kakilakilabot na bagay [na] mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.” Hindi ako aapela sa iyong emosyon. Ang sermon ito ay magbibigay ng lohikal, resonableng argument para sa katunayan na “kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.”
I. Una, ito’y pinatutunayan ng kung sino ang Diyos.
Pansinin na sinasabi ng teksto na ito’y “kakilakilabot” na mahulog sa mga kamay ng “Dios na buhay.” Alam natin na mayroong mga “patay” na mga diyos. Ang asawa ko at ako ay naglakad sa mga Templo ng Karnak sa Egipto. Ito’y isang mainam na na gusali hangang sa araw na ito. Ngunit alam ng lahat na ang mga larawan ng mga diyos sa mga pader ng lumang templong iyon ay mga patay na mga diyos. Ang “diyos” ng liberal na Protestanismo ay isa ring patay na diyos. Si Dr. Edward John Carnell ay isang tanyag na propesor sa Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller. Siya ay ang president ng Fuller, at tapos ay naging isang propesor doon. Noong 1959 sumulat si Dr. Carnell ng isang aklat na pinamagatang “Ang Kaso para sa Ortodoksiyang Teyolohiya” [“The Case for Orthodox Theology”]. Ipinapakita ng kanyang aklat na ang Fuller na Seminaryo ay nasira na sa taon ng 1959. Ang kanyang aklat ay nagturo ng ebolusyon ng isang uri sa isa pang uri; itinuro nito na ang lahat ng mga bahagi ng Bibliya ay hindi pantay na napukaw; sinalakay nito ang nauna sa milenyal na Pangalawang Pagdating ni Kristo; at itinaguyod nito ang naputol-putol, maling pagkasalin na liberal na RSV ng Bibliya. Isang taon at kalahati maya-maya narinig ko si Dr. Charles Woodbridge mangaral. Kaalis lang ni Dr. Woodbridge ng pakultad sa Seminaryo ng Fuller dahil sa mga pagsalakay ni Carnell sa Bibliya. Ipinangaral ni Dr. Woodbridge ang laban sa mga liberal na pananaw ni Carnell. Naligtas ako noong si Dr. Woodbridge ay nangaral ng sermon iyan. Alam ko noon na ang “diyos” ni Edward John Carnell ay hindi aking Diyos. Pinatay ni Dr. Carnell ang kanyang sarili ilang taon maya-maya sa isang silid sa hotel sa Oakland, California. Ang kanyang “diyos” ay hindi aking Diyos! Ang aking Diyos ay isang “nabubuhay na Diyos.”
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
Hindi ito isang kakilakilabot na bagay na bumagsak sa mga kamay ng patay na diyos ng Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller! O, hindi! Si Rob Bell ay nagtapos mula sa Fuller – at siya ay ang taong sumulat ng ng Ang Pag-ibig ay Nagwawagi [Love Wins] (isinalin mula sa HarperOne, 2011). Sa aklat na iyan sina bi ni Rob Bell na ang Biblikal na doktrina ng walang hanggang “kaparusahan sa impiyerno” ay “mali ang gagabay at nakamamatay” (isinalin mula sap ah. viii). Natutunan niya iyan sa Fuller. Siya ay hinidi aking Diyos! Ang kanyang Diyos ay hindi ang “nabubuhay na Diyos.”
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
II. Pangalawa, ito’y pinatunayan ng anong ginawa ng Diyos sa nakaraaan.
Ang katangian g nabubuhay na Diyos ay inilantad ng Kanyang mga paghahatol sa nakaraan. Sinabi ni Spurgeon, “Ang Diyos ni Abraham, na inilantad sa Lumang Tipan ay isang ibang uri ng pandaigdigang Ama ng makabagong mga panaginip [ng mga liberal] dahil Siya ay mula kay Apollo o Bacchus” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Hinaharap na Kaparusahan isang Nakakatakot na Bagay” [“Future Punishment a Fearful Thing”).
Ang “Dios na buhay” ng Bibliya ay sumira sa buong makasalanang sangkatauhan sa Matinding Baha. Sinasabi ni Bibliya,
“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. … Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa” (Genesis 6:5, 7).
Muli, sinabi sa atin ng Apostol Pedro na sinira ng Diyos ang Sodom at Gomorrah. Muli, pinatay ng Diyos ang lahat ng mga unang anak sa Egipto sa isang gabi. Muli, sinira ng Diyos ang Paraon at lahat ng kanyang hukbo sa gitna ng Red Sea. Muli, ang mga Heveo, Jebuseo, at ibang mga nasayon ay bumagsak sa dulo ng espada s autos ng Diyos. At sinabi ni Moses,
“[Kanyan] pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha” (Deuteronimio 7:10).
Muli’t muli itinuturo ng Bibliya,
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
III. Pangatlo, ito’y pinapatunayan ng sinabi Mismo ni Hesus.
Itinuturo ng Bibliya na si Hesu-Kristo ay ang Diyos sa lamang taong, Diyos na nagkalamang tao. Ito’y isang katunayan na walang ibang tao sa Bibliya ay nagsabi kailan man ng ganoong mga teribleng mga bagay tungkol sa Impiyerno gaya ng Panginoong Hesu-Kristo. Narito ay ilan sa mga bagay na sinabi ni Hesus tungkol sa walang hanggang kaparusahan.
“Katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno” (Mateo 10:28).
Muli, sinabi ni Hesus,
“Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 13:49-50).
Muli sa ika dalawampu’t dalawang kapitulo ng Mateo, sinabi sa atin ni Hesus ang Diyos [ang Hari] ay magsasabing,
“Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 22:13).
Tapos, sa Marcos, kapitulo 9, sinabi ni Hesus ng tatlong beses na ang Impiyerno ay ang lugar,
“Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:44).
Muli,
“Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:46).
At gayon muli,
“Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:48).
Nagbibigay lamang ako ng ilang mga berso kung saan nagsalita si Hesus patungkol sa Impiyerno, kinukumpirma ang katunayan na,
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
Ginagawa iyan ni Hesus na napaka malinaw noong ibinigay Niya ang paliwanag ng mayaman na tao at ni Lazaro sa ika-labing anim na kapitulo ng Lucas. Ang mayamang tao ay namatay,
“At sa Hades [Impiyerno] na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata” (Lucas 16:23).
At muli, sinabi ni Hesus ang mayamang tao ay sumigaw,
“Naghihirap ako sa alab na ito” (Lucas 16:24).
Sana ay matanto mo na si Hesus ay isang mabait at maamo at mapagmahal. Iyan ang dahilan na nagbigay Siya ng ganoong malakas na pagbabala tungkol sa Impiyerno. Ito’y dahil sa awa at pagmamahal na binalaan tayo ni Hesus patungkol sa paghahatol na darating, dahil,
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
IV. Pang-apat, ito’y pinatunayan sa konsensya ng nagising na makasalanan.
Upang maging tiyak, ang malaking karamihan ng mga tao ay tinatanggihan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghahatol ng Diyos. Tinatanggihan rin nila ang paliwanag ng Bibliya ng paghahatol ng Diyos sa nakaraan. At tinatanggihan nila ang mga bagay na sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo tungkol sa paghahatol ng Diyos.
Ito’y totoo na ang kanilang natural na kalagayan ay tumatanggi sa lahat ng mga patunay na ito at pagbabala. Hindi ito magbabago hangga’t ang Espiritu ng Diyos ay darating at magsisimulang gisingin ang kanilang mga konsensya! Hangga’t ang konsensya ng makasalanan ay hindi gagawa ng mahusay. Ang Bibliya ay nagsasalita tungkol sa
“...na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:2).
Naherohan ang kanilang konsensya ng paulit-ulit. Ito na ngayon ay naherohan ng napakaraming beses na ito’y natakpan, ng peklat at hindi na makagawa ng mahusay.
Kung gayon, gumagawa sila ng mga pahintulot para sa kanilang kasalanan. Nagtatago sila sa likuran ng psikolohikal at sosiyolohikal na mga pahintulot para sa kanilang kasalanan. Sinisisi nila ang kanilang mga magulang para sa kanilang pagka makasalanan. Sinisisi nila ang kanilang paligid para sa kanilang kasalanan. Kumakapit sila sa kahit anong pahintulot na kanilang maisip upang mapahintulutan ang teribleng mga kasalanan sa kanilang talaan sa mga aklat ng paghahatol ng Diyos.
Ngunit kung napili sila ng Diyos, ipadadala Niya ang Kanyang Espiritu upang makumbinsi sila ng kanilang kasalanan. Tapos ang Espiritu ng Diyos ay “susumbatan [sila] tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8). Tapos magsisimula sila makadama tulad ng dalagang isinipi ko kaninang umaga. Tandaan noong sinabi niya na ang kanyang mga kasalanan
…nagmulto sa akin at hindi ako makatakas mula sa mga ito. Nagsimula akong magtaka, “Paano ko nakamit ang mga kasalanang iyon?”…ang mga kasalanang ito ay lumabas mula sa aking malupit, at mapaglinlang na puso…Naramdaman kong tulad ng isang napakasamang nilalang sa harap ng isang nakakakita ng lahat ng Diyos; isang Diyos na alam ang lahat ng aking ginawa, pati ang gawain sa simbahan ay nakaugat sa makasariling kasalanan. Tuwaing nagpupunta ako sa simbahan, nadama ko na parang isang leproso...Nagkaroon ako ng mala metal ang lamig [na pagkamuhi] kay Kristo.
Alam ko na ang mga nawawalang mga tao sa mundo ay iniisip na iyan na ang mga napaka lungkot na mga kaisipan ay di normal at di natural. Sa isang diwa, tama sila. Sa isang “natural” at “normal” na kalagayan ng isipan ang mga tao ay di kailan man nakararamdam ng ganyan. Sinasabi ng Bibliya, “ang natural na tao” ay hindi nagkamamalay ng kanyang kasalanan. Kinakailangan ng higit sa karaniwang gawain ng Diyos upang magising ang ganoong tao! Nagkukumbinsing mga isipan ay dumarating lamang kapag ang biyaya ng Diyos ay nagbubukas sa iyong puso upang makita kung gaano ka makasalanan ka talaga. Sa kanyang himno na, “Nakamamanghang Biyaya,” sinabi ni John Newton ‘“Ito’y biyaya ang nagturo sa aking puso na matakot.” Ang mga Kristiyano sa panahon ng muling pagkbuhay ay tinawag itong “pagkagising.” Kapag ika’y nagising sa pagkamakasalanan ng iyong puso, ang iyong konsensya ay sasang-ayon na,
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
V. Panlima, ito’y napatutunayan ng paghihirap ni Kristo upang maligtas tayo mula sa multa ng kasalanan.
Sinabi ng Dakilang si Spurgeon, “Na ang mga paghihirap ng Tagapagligtas ay malubha ng lampas sa lahat ng ideya, ang [kasalanan] ay siguro isang teribleng…kasamaan kung saan walang ibang paraan para sa ating makatakas maliban nalang sa pagdurugo at pagkamatay ng mahal na Anak ng Diyos. Kung magaan lang ang pag-iisip mo sa impiyerno, magaan ang pag-iisip mo sa krus. Kung nag-iisip ka ng kaunti patungkol sa paghihirap ng mga nawawalang kaluluwa, kaunti ang pag-iisip mo sa Tagapagligtas na nagliligtas sa iyo mula sa mga ito” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Hinaharap na Kaparushan isang Kakilakilabot na Bagay,” [“Future Punishment a Fearful Thing”] Metropolitan Tabernacle Pulpit, bilang 682).
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
Hindi ba iyan mismo ang ginawa ni Hesus upang iligtas ka mula sa walang hanggang kaparusahan? Hindi ba nahulog si Hesus sa mga kamay ng nabubuhay na Diyos? Hindi ba binuhat ni Hesus ang kakilakilabot na paghahatol sa Krus bilang iyong kapalit? Hindi ba pinarusahan ng Diyos si Hesus sa iyong lugar, para sa iyong kasalanan? Pag-isipan ang dakilang bersong ito patungkol kay Kristo bilang isang kapalit ng makasalanan.
“Kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).
Ito’y ang kagustuhan ng Diyos upang “durugin” si Hesus “at magsanhi sa kanyang pagdusa” (makabagong pagsasalin) upang gawin Siyang isang pag-aalay upang magbayad para sa ating kasalanan.
Iyan ang doktrina ng “propisiyasyon.” Sinasabi ng Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible], “Nagpaamo sa Diyos ang krus. Pinawi nito ang Kanyang poot…sa Kanyang pagdurusa ginampanan ni Kristo ang ating pagkakakilanlan at tiniis ang paghahatol na para sa atin” (Isinalin mula sap ah. 1617). Sinabi ni John Piper “hinigop ni [Kristo] ang poot ng Diyos” laban sa ating mga kasalanan. Ipinapakita nitong, mas malakas kay sa sa kahit iba pa, na
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
Si Hesus ay nagsimulang bumagsak sa mga kamay ng Diyos sa Hardin ng Gethsemani. Dinurog ng Diyos si Hesus gamit ng bigat ng iyong kasalanan – at ang mga kasalaan ng lahat ng Kanyang mga tao. Si Hesus ay nadurog ng lubos na Siya’y nagpawis “na para bang” matinding mga patak ng dugo. Pinarusahan ng Diyos si Hesus ng napaka tindi na muntik na Siyang namatay sa Hardin ng Gethsemani. Tapos, sa pamamagitan ng “tiyak na plano at kaalaman ng Diyos” (Mga Gawa 2:23), si Hesus ay nahampas na halos sa kamatayan at napakuan ng mga pako sa Kanyang mga kamay at paa – pinahirapan ng Diyos – upang mapaamo ang Kanyang poot, at iligtas ka mula sa pagbabagsak sa kakilakilabot na mga kamay ng Diyos! “Ibinigay” ng Diyos si Hesus upang mamatay sa iyong lugar. Sinasabi ng Bibliya,
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Kinailangang gawin iyan ng Diyos dahil walang ibang paraan upang bayaran ang multa para sa mga makasalanan.
Ang bawat sakit na naramdaman ni Hesus – noong binugbog Siya sa mukha, noong kanilang hinatak ang mga piraso ng Kanyang balbas sa mga ugat nito, noong kanilang binugbog ang Kanyang likuran hanggang ito’y isang madugong masa, noong kanilang pinakuan ng pako ang Kanyang mga kamay at paa – bawat sakit na naramdaman ni Kristo ay ang poot ng Diyos na nabuhos sa Kanya, imbes na nabuhos sa iyo! Iyan ang propisiyasyon! Gaya ng paglaga ng kanta rito,
Hanggang sa krus na iyan habang si Hesus ay namatay,
Ang poot ng Diyos ay napasiya;
Dahil bawat kasalanan sa Kanya ay nailagay –
Dito sa kamatayan ni Kristo ako nabuhay.
(“Kay Kristo Lamang.” Isinalin mula sa “In Christ Alone”
ni Keith Getty at Stewart Townend, 2001).
Pagkatapos makita ng isag babae “Ang Pasyon ni Kristo” [“The Passion of Christ”] narinig ko siyang nagsabi, “O, terible ang ginawa nila kay Hesus!” Ngunit hindi ito masyadong tama. Sa katunayan, terible ang ginawa ng Diyos kay Hesus! Teribleng pinarusahan ng Diyos si Hesus – dahil walang ibang paraan para ang Kanyang poot ay “mahigop” – mapaamo – maituro laban kay Hesus imbes na sa iyo. Oo,
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
Iyan ay pinatunayan ng kaparushan na ibinuhos ng Diyos kay Hesus upang mabayaran ang ating mga kasalanan. Ang dalagang aking sinisipi ay inilagay ito ng ganito,
[Imbes] na tumigin sa loob ko, tinitignan ang aking mga kasalanan… gaya ng dati, tumingin ako kay Kristo sa pananampalataya. Naroon Siya! Ang nabubuhay na Kristo! Iniligtas Niya ako; binasang basa niya ang aking mga kasalanan sa Kanyang mahal na Dugo. Kinuha Niya ang mabigat na karga ng aking kasalanan papalayo! Hinigop Niya ang poot ng Diyos na naibuhos sa akin, sa buhay, sa kamatayan, at sa Huling Paghahatol at sa Impiyerno… Ang aking talaan ay natatakang “Hindi Nagkasala” gamit ng Kanyang sariling Dugo! Siya ang aking tagapagtanggol, ang aking Tagapamagitan, ang aking bayani, ang aking Panginoon!...Sana iyong lahat na nakipaglaban tulad ko ay maranasan ang kapatawaran mula kay Hesis! Tinanggap Niya ang sisi para sa aking mga kasalanan. Binayaran niya ang lahat
!Oo! Amen! Gaya ng paglagay ng lumang himno nito,
Dahil wala akong kabutihan Kaya ang Iyong biyaya ay aangkinin –
Huhugasan ko ang aking mga damit na maputi sa
Dugo ng Kalbaryo ng Kordero.
Binayaran lahat ni Hesus, Lahat sa Kanya utang ko;
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa.
Hinugasan Niya itong puti tulad ng niyebe.
At kapag sa harap ng trono, tumayo ako sa Kanyang ganap,
“Namatay si Hesus aking kaluluwa upang iligtas,”
Ang aking mga labi ay mag-uulit.
Binayaran lahat ni Hesus, Lahat sa Kanya utang ko;
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa.
Hinugasan Niya itong puti tulad ng niyebe.
(“Binayaran Lahat ni Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus Paid It All”
ni Elvina M. Hall, 1820-1899).
Interesado ka bang maging isang tunay na Kristiyano? Kung gusto mong makipag-usap sa amin at manalangin kasama namin ngayon, iwanan ang iyong upuan ngayon at maglakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid para sa pagpapayo at panalangin. Magpunta na ngayon. Dr. Chan, manalangin para sa isang taong magtiwala kay Hesus. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Hebreo 10:28-31.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Anong Sasabihin Mo Gayon.” Isinalin mula sa
“What Will You Say Then?” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGHAHATOL NG DIYOS – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31). (Mga Taga Roma 3:18) I. Una, ito’y pinatutunayan ng kung sino ang Diyos, II. Pangalawa, ito’y pinatunayan ng anong ginawa ng Diyos sa nakaraaan, Genesis 6:5, 7; Deuteronomio 7:10. III. Pangatlo, ito’y pinapatunayan ng sinabi Mismo ni Hesus, IV. Pang-apat, ito’y pinatunayan sa konsensya ng nagising na makasalanan,
V. Panlima, ito’y napatutunayan ng paghihirap ni Kristo upang maligtas tayo mula sa multa ng kasalanan, Isaias 53:10; Mga Gawa 2:23; Juan 3:16. |