Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DUGO – KARANIWAN O MAHALAGA? THE BLOOD – COMMON OR PRECIOUS? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Ngayong umaga gusto kong tignan ang dalawang parirala sa Bagong Tipan na naglarawan ng Dugo ni Kristo. Tumingin muna sa Mga Taga Hebreo 10:29. Ang parirala na naglalarawan sa Dugo ay nasa gitna ng berso,
“Di banal [na bagay]” (Mga Taga Hebreo 10:29) – [KJV].
Ngayon tumingin sa I Ni Pedro 1:19. Dito ang Dugo ay inilarawan bilang,
“Mahalagang dugo [ni Kristo]” (I Ni Pedro 1:19) – [KJV].
Iwanang naka bukas rito ang iyong Bibliya.
Iniiisip ko ang mga pariralang iyan ilang gabi lang ang nakaraan. Sa aking pag-iisip sa mga pariralang iyan tinamaan ako na ang buong mundo ay maaring maihiwalay sa dalawang grupo: (1) Yoong mga nag-iisip sa Dugo ni Kristo bilag “di banal [na bagay],” at (2) iyong mga nag-iisip sa “mahalagang dugo [ni Kristo].” Alin sa mga ito ay naglalarawan sa iyong pananaw ng Dugo ni Hesus?
I. Una, iniisip mo ba ang Dugo ni Hesus bilang isang “di banal [na bagay]”?
Kung babasahin mo ang buong pasahe ng Mga Taga Hebreo 10:26-31 na binasa ni Gg. Prudhomme ilang sandali lamang kanina, makikita mo na tumutukoy ito doon sa mga “sadyang nagkakasala” at nasasalilalim ng paghahatol ng Diyo, gaya ng nakikita natin sa teksto ngayong umaga, na dumarating dalawang berso pagkatapos ng pariralang, “di banal [na bagay].” Tignan ang Mga Taga Hebreo 10:31.
“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31).
Maari nang magsi-upo.
Sinabi ni Dr. J Vernon McGee patungkol sa bersong iyan,
…ang paghahatol ng Diyos ay nasa harap [para] sa lahat “…umaring di banal sa dugo…” Aking kaibigan, kung kinasusuklam mo ang ginawa ni Kristo para sa iyo sa krus, walang nasa harap mo kundi ang paghahatol. Wala kang pag-asang anuman (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, Kabuuan V, p. 578; sulat sa Mga Taga Hebreo 10:31).
Maari mong sabihin, “Hindi ko naiisip na ang dugo ni Hesus ay di banal. Naiisip ko lang na ito’y tulad lamang ng dugo ng lahat ng ibang tao. Wala anumang espesyal patungkol sa dugo ni Hesus.” Kung iniisip mo iyan ika’y nagkakasala – dahil ang Griyegong salitang isinalin ng “di banal” ay “koinos,” at ibig sabihin nito’y “karaniwan” (Isinalin mula kay Stroing bilang 2839). Sinasabi ni George Ricker Berry na ibig sabihin nito ay “karaniwan, i.e., ipinaghati-hatian ng marami.” Iyan ang ibig sabihin ng “di banal.” Ibig sabihin nito na ang Dugo ni Hesus ay karaniwan – pareho lang ng dugo ng kahit sino, “pinaghati-hatian ng marami,” gaya ng paglagay nito ni George Ricker Berry.
Para sa akin mukhang delikado nang malapit si Dr. John MacArthur sa pagtatawag ng Dugo ni Kristo na “isang karaniwang bagay” kapag sinasabi niya na, “Ang kanyang Dugo ay nakaliligtas na halaga” (Isinalin mula sa MacArthur Study Bible, sulat sa Mga Taga Hebreo 9:7). Sa kanyang sulat sa mga salitang “ang dugo ni Kristo” sa Mga Taga Hebreo 9:14, sinasabi ni Dr. MacArthur, “ Ang dugo ay ginagamit na kapalit na salita ng kamatyaan” (isinalin mula sa ibid., sulat sa Mga Taga Hebreo 9:14). Sa kanyang pangkalahatang ideya ng teyolohiyo (ibid., pah. 2191) sinasabi ni Dr. MacArthur na ang Bibliya ay “sa salitang nagpakilos sa bawat salita.” Kapag sinasabi ni Dr. MacArthur, “Ang Kanyang dugo ay walang nakaliligtas na halaga,” ito’y mukha para sa akin nagiging napaka lapit sa pagtatawag ng Dugo ni Kristo na “isang karaniwang bagay” (Mga Taga Hebreo 10:29). At ang Mga Taga Hebreo 10:29 ay nagbibigay ng isang malakas na babala laban sa paggawa niyan! Walang buhay sa ganoong pagtuturo. Iniisip ko na ito’y tuyo at nakamamatay. Sinasabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,
Matatagpuan mo na bawat panahon ng muling pagkabuhay, na walang eksepsyon, mayroong isang matinding pagdidiin sa dugo ni Kristo. Ang mga himno na kinanta sa karamihan sa lahat ng mga panahon ng muling pagkabuhay, ay mga himno patungkol sa dugo. Maari akong isipi ang mga ito sa iyo sa maraming wika. Walang mas nakakatangi kaysa rito. Matatagpuan natin ang mga Apostol ay naglagay nito para sa atin sa Mga Taga Colosas 1 – “Pinapayapa niya…” – paano siya gumawa ng kapayapaan? “…sa pamamagitan ng dugo ng krus” (b. 20).
Siyempre alam kong mabuti na kapag nagsasabi ako ng isang bagay na tulad niyan na nagsasabi ako ng isang bagay na di pangkaraniwan at lubos na di popular sa karaniwang panahon. Mayroong mga Kristiyanong mangangaral na iniisip na sila’y tuso sa pagbubuhos ng pagkukutya sa teyolohiyong ito ng dugo. Pinapasalawang bahala nila ito na may paghahamak…At iyan ang dahilan na ang Simbahan ay kung paano ito. Ngunit sa panahon ng muling pagkabuhay, siya ay lumaluwalhati sa krus, ginagawa niya ang kanyang pagyayabang sa dugo. Dahil gaya ng paglagay nito ng may-akda ng sulat sa Mga Taga Hebreo, mayroon lamang isang paraan kung saan tayo’y makapapasok na may pangangahas sa pinakabanal ng lahat, at iyan ay ang dugo ni Hesus, tignan ang Mga Taga Hebreo 10:19 (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1994 edisiyon, pahina 48).
Kailangan kong sabihin sa iyo ang totoo. Kung ang Dugo ni Hesus ay hindi mukhang mahalaga sa iyo, ika’y isang nawawalang tao, papunta sa lugar ng walang hanggang pagdurusa. Ika’y di isang tunay na Kristiyano sa kahit anong tunay na diwa.
Narito ay bahagi ng isang testimony mula sa isang dalaga sa kanyang ika-dalawam pun a nagpupunta sa ating simbahan. Sinabi niya,
Ako’y nalublob sa kawalan ng pag-asa at desperasyon. Sa isipan ko alam ko na ako’y isang makasalanan, ngunit ako’y nabalot sa pagka-awa sa sarili upang mag-alala sa aking mga kasalanan. Sa wakas kinumbinsi ako ng Banal na Espiritu ng aking mga kasalanan sa nakaraan. Minulto ako ng mga ito at hindi ako makatakas mula sa mga ito. Nagsimula akong magtaka, “Paano ko nakamit ang mga kasalanang iyon? Paano ako lumubog ng napaka baba sa kasalanan?” Inilantad sa akin ng Banal na Espiritu na ang mga kasalanang ito ay lumabas mula sa isang malupit, malihis na puso, at ang lubos na ganap na kahayupan ng aking kalikasan. Hindi ko lubos na mailarawan kung paano ang pakiramdam ng mabigyan ng ganitong pananaw sa kadiliman at katakot-takot ng iyong puso. Ako’y nandiri at napak nahiya sa alam ko na nakita ng Diyos. Naramdaman ko na parang isang napakasamang nilalang sa harap ng nakakakita ng lahat na Diyos; isang Diyos na naka-aalam ng aking pag-iisip at mga balak; isang Diyos na alam ang lahat ng ginawa ko, pati gawain sa simbahan, ay naka-ugat sa makasariling kasalanan. Bawat beses na ako’y nagpunta sa simbahan naramdaman ko na parang isang leproso sa gitna ng mga malilinis na mga Kristiyano. Ngunit gayon pa man hindi ako nagtiwala kay Kristo. Ang “Hesus” ay isa lamang salita, isang doktrina, o isang tao na alam ko ay nabubuhay ngunit napaka layo. Mayroon akong mala metal na lamig na pag-ayaw kay Kristo [hindi ko gusto si Kristo]. Imbes na magsikap [na mahanap] si Kristo, masyado akong naghahanap ng isang pakiramdam ng kaligtasan, o isang uri ng “karanasan” upang [patunayan] ang aking pananampalataya.
Ang dalagang iyon ay miserable. Tinakpan niya itong mahusay. Karamihan sa mga tao ay di alam ang teribleng pakikipaglaban na nangyayari sa loob niya. Ngunit sa loob siya’y nasa matinding paghihirap, tulad ni John Bunyan.
Ako’y nagpapayo ng mga hay skul at kolehiyong mga kabtaan sa loob ng lampas sa limampung taon. Natagpuan ko na marami sa kanila – napaka rami sa kanila – ay mayroong mga tension at takot at pagkalito – tulad ng dalagang iyon. Marami sa kanila ay tumitingin sa droga o alkohol upang mamanhid ang kanilang panloob na sakit. Ang iba ay naglalaro ng walang katapusang videyong laro upang gawing blangko ang kanilang mga isipan. Ang ilan ay naadik sa pornograpiya. Kung ang kanilang isipan ay napupuno ng seks, napananatili nila nito mula sa pag-iisip kung gaano ka teribleng miserable nila. Nabasa ko kamakailan lang na ang pagpapatay sa sarili ay tumaas mula sa bilang dalawa sa bilang isang sanhi ng kamatayan sa mga kolehiyong mag-aaral. Sila’y nagiging lubos na nagugulo, at lubos na di masaya, na pinapatay nila ang kanilang sarili. Isang kabataan ay nag-iwan sa akin ng isang sulat na pagpapatay sa sarili na nagsabing, “Hindi ako maka-isip ng ibang paraan upang patayin ang aking isipan at magawa akong makalimot.”
Natagpuan ko na ang mga taon na 15 hanggang 25 ay ang pinaka mahirap sa lahat para sa karamihan sa mga tao sa mundo ngayon. Ang mga kaibigan ay lumalayo mula sa iyo. Mga nobyo at nobya ay inilalaglag ka at iniiwan kang nag-iisa. Ang gawain sa eskwela ay mahirap, at ika’y nahihirapang mag-isip ng mabuti. Mukhang walang daan palabas!
Ang Diyos ay nagbigay ng daan upang maalis ang iyong mga kasalanan – ngunit hindi ito’y magulo sa iyo. Ipinadala ng Diyos ang Kanyang nag-iisang Anak upang mamatay sa Krus at ibuhos ang Kanyang Dugo upang hugasan ang iyong mga kasalanan. Ngunit ito’y magulo para sa iyo. Ang ilan sa inyo ay nag-iisip, “Paano na ang Dugo ng isang taong nabuhay 2,000 taon noon ay makaaalis ng aking mga kasalanan ngayon?” Kaya nagpapatuloy ka sa sakit, nagdurusa tulad ng dalagang binanggit ko lang kanina.
Isang dalaga sa aming simbahan ay nagtuturo ng apat na kurso sa kolehiyo. Sinabi niya sa kanyang ama na ang mga kabataan sa kanyang klase ay alam na mayroong mali. Sinabi niya na alam nila na hindi ito maaayos ng mga politiko. Alam nila na ang mundo ay magulo – at walang tunay na pag-asa. Ngunit anong ginagawa nila? Naglalaro ng mga videyo game, o pinapamanhid ang kanilang mga utak sa droga at mariwana. Ang ilan sa kanila ay nagiging adik sa trabaho, nilulubog ang kanilang sarili sa walang katpusang mga oras ng trabaho upang malimutan ang kanilang mga problema. Isang lumalaganap na bilang sa kanila ay nagpapatay sa kanilang sarili. Anong teribleng aksaya! Kung makita lang sana nila na ito’y isang kasalanan na sinisira sila nito! Kung maniwala lamang sila na nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Ngunit tulad ng karamihang mga tao sa makasalanang mundong ito, iniisip nila na ang Dugo ni Hesus ay isa lamang karaniwang bagay – hindi mahalagang sapat upang pag-isipan pati. At dinadala tayo niyan sa pangalawang punto.
II. Pangalawa, iniisip mo ba na ang Dugo ni Hesus ay “mahalaga”?
Naisip ng Apostol Pedro na ang Dugo ni Hesus ay mahalaga. Sinabi niya, “kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira… Kundi ng mahalagang dugo [ni Kristo]” (I Ni Pedro 1:18, 19) [KJV]. Alam niya ang pakiramdam ng maging isang makasalanan. Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng lahat ng kanyang mga kaibigan. Alam niya ang pakiramdam na maging nag-iisa na mayroong naguguluhang konsensya. Alam niya ang pakiramdam upang mawalang ng pananampalataya sa Diyos. Alam niya ang pakiramdam na matakwil ng isang kaibigan, ang maging nag-iisa sa dilim, ang umiyak ng lubos dahil hindi niya matiis ang kanyang sarili. Alam Niya ang pakiramdam na maging isang makasalanan!
Iyan ang dahilan na alam niya na maliligtas ka lamang, ika’y maliligtas laman mula sa sakit sa puso ng kasalanan – sa pamamagitan ng “mahal na dugo [ni Kristo]” (I Ni Pedro 1:19) [KJV]. “Mahal” ibig sabihin nito ay mayroong matindig halaga! “Mahal” ibig sabihin ito’y mas mahalaga kaysa pilak o ginto! Mayroong isang koro na nagsasabi nitong lahat,
Ektarya ng diamante, mga bundok ng ginto,
Mga ilog ng pilak, mga batong hiyas na napakarami;
Ang lahat ng mga ito ay hindi mabibilang ikaw o ako
Kapayapaan kapag tayo’y natutulog o isang konsensyang malaya.
Isang puso na kontento, isang nasisiyahang isipan,
Ang mga ito’y mga kayamanan na hindi mabibili ng pera.
Kung mayroon ka si Hesus, mayroong
Mas higit na kayamanan sa iyong kaluluwa
Kaysa mga ektarya ng diamante o mga bundok ng ginto.
(“Mga Ektarya ng Diamante.” Isinalin mula sa
“Acres of Diamonds” ni Arthur Smith, 1959).
O, gaya ng kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali lang kanina,
Magpunta mga makasalanan, nawawala at walang pag-asa,
Ang dugo ni Hesus ay makagagawa sa iyong malaya;
Dahil iniligtas Niya ang pinaka malubha sa inyo,
Noong iniligtas Niya ang isang napakasamang taong tulad ko.
At alam ko, oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ay makagagawa sa pinaka
Masamang makasalanang malinis.
At alam ko, oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ay makagagawa sa pinaka
Masamang makasalanang malinis.
At alam ko, oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ay makagagawa sa pinaka
Masamang makasalanang malinis.
At alam ko, oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ay makagagawa sa pinaka
Masamang makasalanang malinis.
(“Oo, Alam ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!” ni Anna W. Waterman, 1920).
Ang dalagang isinipi ko kanina ay nagpatuloy na nagsabi nito,
Ang aking kasalanan ay kumalat katulad ng walang malalim na karagatan. Hind ko na ito matiis. Kinailagan kong magkaroon si Kristo! Kinailangan kong magkaroon ng Kanyang Dugo! Lumuhod ako at…nagtiwala kay Hesus, Mismo. [Ako’y] malaya mula sa mga idolo ng pakiramdam, psikoanalysis, at paghangad para sa kasiguraduhan…pinakawalan ko ang mga ito at bumagsak sa Tagapagligtas…binasang-basa Niya ang aking mga ksalanan sa Kanyang mahal na Dugo; kinuha Niya ang mabigat na karga ng aking kasalanan papalayo!...Ang aking talaan ay natatakan “Hindi Nagkasala” gamit ng Kanyang sariling Dugo!...Hindi ko lubos maipahiwatig ang kasiyahan at kapayapaan na dumarating mula sa pagkakapatawad ng mga kasalanan at ang poot ng Diyos na napalamig. Sana lahat noong mga lalo na na nakikipaglaban tulad ko, ay maranasan ang kapatawarn mula kay Hesus! Tinanggap Niya ang sisi para sa aking kasalanan. Binayaran Niya ang lahat ng ito! Ang Ebanghelyo, ang “Mabuting Salita,” na napakapagbubugnot at walang buhay noon, ay nakatutuwa at ang aking puso ay tumataba sa galak at pasasalamat kapag aking naririnig ang mga pangaral tungkol kay Hesus.
Ano pang masasabi ko? Kung magpupunta ka kay Hesus, hindi mo na maiisip ang Kanyang Dugo na isang “karaniwang bagay.” O, hindi! Magsasalita ka na may matinding kagalakan at sigasig patungkol sa “mahal na dugo [ni Kristo]” (I Ni Pedro 1:19).
Kung gusto mong makipag-usap sa amin patungkol sa pagkakahugas na malinis mula sa iyong kasalanan sa Dugo ni Hesus, iwanan ang iyong upuan at maglakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapag-uusap tayo at makapagdarasal. Magpunta sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dr. Chan, magdasal ka na mayroong magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme:Mga Taga Hebreo 10:26-31.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!”
(ni Anna W. Waterman, 1920).
ANG BALANGKAS NG ANG DUGO – KARANIWAN O MAHALAGA? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “ Di banal [na bagay]” (Mga Taga Hebreo 10:29) – [KJV]. “Mahalagang dugo [ni Kristo]” (I Ni Pedro 1:19) – [KJV]. I. Una, iniisip mo ba ang Dugo ni Hesus bilang isang “di banal [na bagay]”? Mga Taga Hebreo 10:31; I Ni Juan 1:7. II. Pangalawa, iniisip mo ba na ang Dugo ni Hesus ay “mahalaga”?
|