Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BANTAY, ANONG NANGYARI SA GABI? WATCHMAN, WHAT OF THE NIGHT? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang hula tungkol sa Duma. May tumatawag sa akin mula sa Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi? Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo” (Isaias 21:11, 12). |
Ang salitang “Duma” ay isang anyo ng Edom. Ang mga tao ng Edom ay nagpapasan ng mga takot at gulo. Sumigaw sila sa propetang Isaias, “Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay anong nangyari sa gabi?” Sinabi ni W. E. Vine na “Ang bantay ay isang tumatayo sa pagpapayo ng Diyos, alam ano ang padating at tumitingin para sa pangyayari…tumatayo Siya sa tore ng bantay sa pakikisama sa Diyos” (isinalin mula sa Isaias: Mga Propesiya, Mga Pangako, Mga Babala [Isaiah: Prophecies, Promises, Warnings] pahina 14).
Isa sa mga problema na mayroon tayo ay na mayroon kaunting mga “bantay” ngayon. Nakita ko ang isang tanyag na “dalubhasa ng propesiya,” si Hal Lindsey, sa telebisyon ilang gabi ng nakaraan. Isang bisita sa kanyang palabas ay nagsabi na kailangan nating pag-aralan ang Aklat ng Apocalipsis imbes na ang Mga Taga Roma upang maintindihan ang ating mga problema ngayon. Sumang-ayon si Hal Lindsey sa kanila. Para sa akin ito’y isang napka mababaw at di totoong paghuhusga ng mga problema ng mga simbahan, at sa ating kultura. Ang saktong kabaligtaran ay totoo. Habang ang Apocalipisis ay napaka mahalagang aklat, ang Aklat ng Mga Taga Roma ay dapat ang pangunahing aklat ng Bibliya sa oras na tio! Na libo-libong mga di napag-uusapan, pati milyong-milyon ng mga di ligtas na mga tao sa ating mga simbahan – dapat tayong magdiin sa Mga Taga Roma, o di natin kailan man maiintindihan kung paano sila tutulungan mahanap ang tunay na kaligtasan! Maraming mga “dalubhasa ng propesiya” ay tunay na inalis ang karapatng maging mga “bantay” – inalis ang karapatan dahil wala silang malay sa pagkasira at kapanglawan na nadadala sa ating mga simbahan ng mga Satanikong doktrina ng “desisyonismo.”
Ngunit ang mga pinuno ng Edom ay mas madunong kaysa maraming mga Kristiyano ngayon. Sila’y “napasanan” ng bigat ng kanilang kasalanan. Naramdaman nila na ang paghahatol ay malapit na bumagsak. Kaya tumawag sila sa tunay na propeta at bantay, na si Isaias. Sumigaw sila,
“Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?” (Isaias 21:11).
Sumigaw sila tulad ng isang taong nasasaktan at may sakit. Sa mahabang na nagtatagal na mga oras ng gabi, ang naghihirap na pasyente ay sumisigaw, “Anong natitira sa gabi? Anong natitira sa gabi?” (isinalin mula sa NIV). Sumagot ang propetang bantay, “Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi.”
Bakit sila nagpunt kay Isaias? Hindi ba mayroong mga mang-huhula, astroloho, at mga salamangkero sa Edom? Bakit sila nagpunta sa Jerusalem dala ang kanilang nagdurusang sigaw? Ang mga tao ay nagpupunta sa mga manghuhula kapag ang mga bagay ang mabuti. Ngunit kapag ang pagdurusa at kamatayan ay dumarating sa atin, sinong may gusto ng isang manghuhula, isang astroloho o salamangkero? Sa mukha ng kamatayan, ayaw natin ng makamundong karunungan. Gusto nating malaman ang sinasabi ng Diyos! Ang mga manghuhula at mga astroloho ay maaring magkaroon ng mga nakaakit na mga bagay na sasabihin kapag ang mga bagay ay mabuti. Ngunit sa oras ng takot at pagdurusa, ang mga tao ay madalas naghahanap ng tao ng Diyos. At sila’y sumisigaw,
“Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?” (Isaias 21:11).
Isipin kung paano iyan nagsasalita sa atin ngayong umaga!
I. Una, ang teksto ay maisasagawa sa mga bansa.
Sa 1914, habang ang Unang Makamundong Digmaan ay nagsimula, si Panginoong Edward Grey ay lumabas mula sa isang buong gabing pagpupulong ng Kabinete. Siya ang Banyagang Ministor ng Dakilang Britanya. Sa mas maagang mga oras ng umaga, ang Panginoon Edward ay lumabas mula sa pagpupulong kasama ang isa pang miyembro ng Kabinete. Gumugol sila ng buong gabing pinag-uusapan ang digmaan. Wala pa ring mga dekuryenteng mga ilaw sa kalye noon, mga lamaparang gas lamang. Habang si Panginoong Edward ay lumabas ng gusali isang taga ilaw ng lampara ay nagpupunta mula sa isang lampara ng kalye patungo sa isa pa pinapatay ang gas. Tumingin si Panginoong Edward Grey sa kanyang kaibigan at nagsabi, “Ang mga lamparay ay namamatay sa buong Europa. Hindi natin makikita ang mga itong nailawang muli sa panahon ng ating buhay.” Tamang-tama siya! Sa padating na mga taon ang Russo ay bumagsak sa Komunismo, ang Alemanya ay napunta sa isang nakapipilay na depresyon at bumagsak kay Hitler, ang Italia ay bumagsak kay Mussolini, Pransya at Ingletera ay napaka napahina ng Ikalawang Makamundong Digmaan, na hindi na sila kailan man makababangon muli sa kanilang matandang ningning.
Ang mga lampara ay napapatay ng lubusan ngayon na ang mga kawan ay nasa kapangyarihan. Ang Amerika ay namamatay rin. Ang malupit na taong iyan sa White House ay mukhang lubos na nawalan ng direksyon. Gayon din ang mga Republikano. Narinig ng asawa ko at ako si Ann Coulter na nagsalita sa Librerya ng Nixon at Lugar ng Pagkapanganak noong huling linggo. Ang masang dumating upang pakinggan siya ay mas mukha pang Hiping mga beterano ng Woodstock kaysa ang “Tahimik na Karamihan” [“Silent Majority”] ni Nixon. Sinabi ko sa aking asawa, “Kung ang mga ito ang mga konserbatibo, tulungan tayo nawa ng Diyos!”
Sa palagay mo ba ang Amerika ay mabubuhay at sasagana? Pagkatapos ng nakita ko sa Demokratikong Nasyonal na Kumbensyon noong 2012, wala akong nakikitang kahit anong pag-asa para sa atin! Pagkatapos makita ang nalito at inutil na mensahe ni Billy Graham, sa kanyang “Ang Aking Pag-asa” [“My Hope”] na ipinasahimpapawid noong huling linggo, wala akong makitang kahit anong pag-asa para sa atin. Ito’y di dahil matanda na siya. Ito’y dahil ang kanyang mensahe ay masyadong magulo upang matulungang mailabas ang isang namamatay na bansa mula sa espiritwal na pagkalito. Maraming taon noon ang kanyang mga sermon ay mas nakapokus. Noon sinabi ni Gg. Graham, “Kung hindi huhusgahan ng Diyos ang Amerika kailangan Niyang humingi ng tawad sa Sodom at Gomorrah.” Sinasabi ng Bibliya,
“Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios” (Mga Awit 9:17).
Isang lalake mula sa Kansas noong huling linggo ay tumawag sa akin upang umorder ng isang kopya ng aking aklat na, Pangangaral sa isang Namamatay na Bansa [Preaching to a Dying Nation]. Sinabi niya, “Tama ka. Ang ating bansa ay namamatay na.” Sinabi niya sa akin na naninirahan siya sa isang maliit na bayan sa Kansas na mayroong lamang 250 na mga tao. Sinabi niya na wala pa nga silang puwersa ng pulis, napaka liit nito. Ngunit sinabi niya hindi hanggang sa sampung taon noon na ang pulis ay dumating mula sa isang mas malaking malapit na bayan 2 o 3 beses kada linggo. “Ngayon,” sabi niya, “dumarating sila 2 o 3 beses kada araw!” At sinabi niya sa akin kung ilan sa mga miyembro ng simbahan sa bayan na iyon ay nagsisilasing at nagdrodroga. Sinabi niya na sinabihan niya ang isa sa kanila na kailangan niyang maligtas. Sinabi niya na tinignan siya ng taong iyon at nagmaktol na nagsabing, “Ako’y ligtas!” Sinabi niya para bang isang demonyo ay nandidilat sa kanya sa mga mata ng gumagamit ng drogang miyembrong ito ng isang ebanghelikal na simbahan! Na mayroong mga ebanghelikal na tulad niyan na nagpupuno ng ating mga simbahan buong kontinente, ang mga araw ng Amerika ay nabibilang na! Gaya nito sa mga araw ni Daniel,
“Binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan. Ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang” (Daniel 5:26, 27).
Anong pakiramdam na mabuhay sa isang bansa na malapit nang mahatulan ng poot ng Diyos? Ito ang pakiramdam! Ito ang pakiramdam na mabuhay sa isang wala nang pag-asang bansa! Ang pakiramdam ay para bang pinapanood mo ang mga taong nagsisi-inuman at nagsisisayaw – sa Titanic, bago lang ito natamaan ng malaking yelo! Ganyan ang pakiramdam nito sa abominasyon ng Obamang-nasyon!
Walang may oras para sa simbahan kada Linggo. Walang nakukumbinsi ng kasalanan. Walang buong pusong naghahanap kay Kristo. Walang natatakot sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:18). Sinasabi ng Bibliya, “Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios” (Mga Taga Roma 3:11).
“Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?” (Isaias 21:11).
“Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila... sila'y hindi mangakatatanan” (I Mga Taga Tesalonica 5:3).
Ang Amerika ay wala nang pag-asa, at marami sa inyo rito ngayong umaga ay makikita ito sa mga lugar ng pagkasira at sa pagkahamak na kalagayan! Sinabi ng makatang si James Russell Lowell (1819-1891),
Minsan sa bawat tao at bansa,
Darating ang sandaling magpasiya,
Sa pakikipaglaban ng katotohanan sa kasinungalingan
Para sa mabuti o masamang panig.
(“Minsan sa Bawat Tao at Bansa” Isinalin mula sa
“Once to Every Man and Nation” ni James Russell Lowell, 1819-1891).
Ang Amerika ay minsang pinili ang panig ng masama at ipinagbawal ang panalangin mula sa ating mga paaralan. Piniling minsan ng Amerika ang panig ng masama at pinayagan ang X-ang grading pelikula sa ating mga teyatro. Piniling minsan ng Amerika ang masamang panig at pinayagan ang milyong-milyong di mabilang milyong mga sanggol na mapunit-punit sa pira-piraso at makulo sa kamatyaan sa tubig na may asin sa ika-siyam na buwan ng pagkabuntis. Maari itong napigilan sa loob ng isa o dalawang taon – ngunit pinili ng Amerika na hayaan ang pagpapatay na magpatuloy. Ngayon ang bansang ito ay basang-basa sa dugo – basang-basa ng dugo ng sanggol. Ikaw ba’y kailan man nagtaka kung bakit ang telebisyon ay puno ng mga bampira at mga naputol-putol na katawang bangkay? Ikaw ba’y kailan man nagtaka bakit ang mga maramihang pagpapatay na ito ay nagpapatuloy? Hindi mga baril ang gumagawa ng pagpapatay! Hindi! Ito’y ang mga tao – ang mga tao ng Amerika – puno ng droga at alkohol, namamanhid dahili sa mga laro sa videyo at mga pelikulang paglalaslas. Iyan ang dahilan na kanilang sinasamba ang Halloween at nakakaligtaang magpunta sa simbahan sa Linggo! Sinabi ng Pranses na pilosopong si Blaise Pascal, “Ang katahimikan ng daigdig ay nakapananakot sa akin.” Gaano pa kaya tayong matakot kapag italikod ng Diyos ang Kanyang mukha, at isang bansa at isang masa ng mga tao ay mamatay?
“Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?” (Isaias 21:11).
II. Pangalawa, ang teksto ay magagamit sa kamatayan at Impiyerno – ang walang hanggang gabi ng nawawalang mga kaluluwa.
Ang gabi ng kamatayan at Impiyerno ay parating. Sinasabi ng Bibliya, “Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya” (Mga Taga Galacias 6:7). Sinasabi ng Bibliya, “Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay. Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw” (Mga Taga Hebreo 10:31; 12:29).
Sa gabi ng kamatayan at ang Impiyerno ay nag-aantay sa bawat lalake at babae na tumatalikod mula sa Diyos, ang simbahan, at ang Tagapagligtas! Na wala ang Tagapagligtas na si Hesu-Kristo ika’y nawawala sa iyong mga kasalanan, at sasabihin Niya sa iyo, “Magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan…kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala” (Mateo 7:23). At sila’y “itatapon sa kadiliman sa labas” (Mateo 8:12; 22:13; 25:30).
Sinasabi ko ito sa iyo na may mabigat na puso. Panalangin ko sa iyong maligtas. Ngunit alam ko na kung hindi ka magsisisi, at ibaling ang buong puso kay Hesu-Kristo, walang pag-asa para sa iyo – isa lamang kadiliman sa labas sa walang hanggang Impiyerno.
Sinasabi mo, “Hindi ba ako mahal ng Diyos Pastor?” Oo, siyempre mahal ka Niya. Ngunit paano ka Niya matutulungan, paano Niya mapapatawad ang iyong kasalanan, paano Niya maliligtas ang iyong kaluluwa – kung magpatuloy kung paano ka – na hindi nagsisisi, na hindi itinatapon ang iyong sarili sa awa ni Kristo? Sinasabi ng Bibliya,
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Ito ang sagot! Maniwala kay Hesus ng iyong buong puso! At magpunta sa simbahan sa bawat pagkakataon na ang mga pinto nito’y bukas!
Itapon ang iyong sarili sa Kanyang awa! Tumingin kay Kristo nang lahat ng nasa loob mo! Iyan ang daan ng kaligtasan – at iyan ang nag-iisang daan! Pag-isipan ng huling beses ang teksto. Isaalang=alang lalo na ang huling dalawang mga salita, “magsipihit […]”, parito […].”
“Ang hula tungkol sa Duma. May tumatawag sa akin mula sa Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi? Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo” (Isaias 21:11, 12).
Ang teksto ay nagtatapos sa mga salitang “magsipihit […], parito […]” (Isaias 21:12). Magsiparito kay Kristo! Pumarito kay Kristo! Mahugasang malinis sa Kanyang Dugong ibinuhos sa Krus! Gaya ng paglagay ng lumang himno,
Anong makahuhugas ng aking kasalanan?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
Anong makagagawang buo sa akin muli?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
O! mahal ang agos ng dugo
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe,
Walang ibang bukal ang alam ko,
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
(“Wala Kundi ang Dugo.” Isinalin mula sa
“Nothing But the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).
Dapat kong isara ang sermon ito na hindi sinasabi na ang saligang sanaysay nito ay maluwag na base sa isang ibinigay ng kilalang pastor na si Dr. W. A. Criswell. (W. A. Criswell, Ph.D., Isaias: Isang Pagpapaliwanag [Isaiah: An Exposition], Zondervan Publishing House, 1977, pp. 129-134).
Sa isa pang sermon, sinabi ito ni Dr. Criswell:
Ang aking hinahalinahan na si Dr. George We. Truett, sa Unang Bautistang Simabahan, ng Dallas, sa isang maliit na pasahe sa isa sa kanyang mga sermon ay [nagsabi] ng kanyang pagbabagong loob: “Umupo sa mga tagapanoon isang gabi at nakinig sa mangangaral habang siya’y nagmaka-awa na si Kristo ay magkaroon ng Kanyang sariling daan at magligtas ng isang kaluluwa. Sinabi ko, ‘Panginoong Hesus, lahat ay madilim na; hindi ko maintindihan, ngunit madilim o may ilaw, mabuhay o mamatay, anong mang mangyari, sumusuko na ako ngayon sa Iyo.’ [At sinabi ni Dr. Truett] iniligtas Niya ako noon.” (Isinalin mula kay Criswell, ibid., p. 217).
Ganyan naligtas ang tanyag na si Dr. Truett, At iyan ang paraan na ika’y dapat maligtas. Dapat kang magpunta kay Hesus at sabihin sa iyong puso, “madilim o liwanag, mabuhay o mamatay, ano mang manyari, sumusuko ako ngayon sa Iyo.” Ikumpisal ang iyong kasalanan at itapon ang iyong sarili sa awa ni Hesus. Mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Banal na Dugo na Kanyang ibinuhos sa krus ng Kalbaryo!
Anong makahuhugas ng aking kasalanan?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
Anong makagagawang buo sa akin muli?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging nahugasang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likod ng awditoriyum na ito. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan makapag-uusap tayo at makadarasal. Magpunta na ngayon. Dr. Chan paki panalangin na mayroong isang magtiwala kay Hesus ngayon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Isaias 21:11-12.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, Lamang Hesus.” Isinalin mula sa
“Jesus, Only Jesus” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG BANTAY, ANONG NANGYARI SA GABI? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang hula tungkol sa Duma. May tumatawag sa akin mula sa Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi? Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo” (Isaias 21:11, 12). I. Una, ang teksto ay maisasagawa sa mga bansa, Mga Awit 9:17; II. Pangalawa, ang teksto ay magagamit sa kamatayan at Impiyerno – |