Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGKUKUPKOP! ADOPTION! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama” (Mga Taga Galacias 4:6). |
Ang doktrina ng Trinidad ay mahalaga. Ang mga tunay na mga Kristiyano ay tinatanggihan ang mga pagtuturo na nagtatanggi nito. Ang doktrina ng Trinidad ay ang pundasyon ng Kristiyanismo. At dito, sa ating teksto, mayroong tayong tatlong mga Tauhan ng Trinidad sa isang berso. Tayo ay sinabihan na ang Diyos ang Ama ay ang may-akda ng kaligtasan. Tayo ay sinabihan na ipinapadala Niya ang Banal na Espiritu ng Kanyang Anak sa ating mga puso kapag tayo ay napagbagong loob. Hindi natin maaring maintindihan ang May Tatlong Pagkakaisang Punong Diyos. Ngunit nakikita natin Siyan nilalantad sa mga Kasulatan. Kaya tinatanggap natin ang Trinidad ng pananampalataya.
Ipinapakita ng teksto na ang lahat ng tatlong mga Tauhan ay Diyos. Dalawang beses na ang Ama ay binanggit sa teksto – minsan bilang “Diyos” at muli bilang “Ama.” Ipinahihiwatig ng teksto na si Kristo ay Diyos. Siya ay ipinanganak na pisikal ng isang babae. Ngunit Siya ay inilarawan bilang “sinugo” – at kung gayon Siya nabubuhay bago pa Siya ipinanganak. Siya rin ay tinatawag na “Anak” – alin ay sa Kasulatan ang ibig sabihin ay mayroon Siyang parehong buhay (o kahalagahan) gaya ng Ama. Ipinapatunay nito ang kabanalan ni Kristo. Tapos, ang Banal na Espiritu ay gumagawa ng isang bagay na ang Diyos lamang ang makagagawa. Nabubuhay Siya sa mga puso ng Kanyang mga anak. Kaya mayroon tayo ng tatlong pangalan ng mga Tauhan ng Trinidad – “Diyos Ama,” “ang Espiritu,” at “kanyang Anak.”
Alam ng mga tunay na mga Kristiyano na ang lahat ng tatlong mga Tauhan ay kinakailangan para sa ating kaligtasan. Iniibig natin ang Ama dahil pinili Niya tayong maging Kanyang mga anak. Iniibig natin ang Anak dahil ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo sa Krus upang linisin ang ating mga kasalanan. Iniibig natin ang Banal na Espiritu dahil kinukumbinsi Niya tayo ng kasalanan, at dinadala tayo kay Kristo. Iyan ang dahilan na ating kinakanta ang dalawang maikling kanta sa bawat paglilingkod. Una, kinakantan natin ang Doksolohiya, na isinulat ni Thomas Ken sa ika-17 na siglo.
Papuri ang Diyos kung saan umaagos mula ang mga pagpapala;
Papuri sa Kanya sa lahat ng mga nilalang rito sa ibaba;
Papuri sa Kanya sa itaas, kayong makalangit na karamihan;
Papuri Ama, Ana, at Banal na Espiritu. Amen.
(“Ang Doksolohiya.” Isinalin mula sa “The Doxology”
ni Thomas Ken, 1637-1711).
At atin ding kinakanta ang “Gloria Patri,” na isinulat ng di kilalang may-akda mas maaga sa pangalawang siglo.
Luwalhati sa Ama, sa Anak,
At sa Espiritu Santo;
Gaya nito sa simula, ngayon
At magpakailan man,
Mundong walang hangaan. Amen, Amen.
(“Gloria Patri,” pinagmulan di kilala, mas maagang pangalawang siglo).
Ang dalawang maiikling mga himnong ito ay kinakanta natin sa bawat paglilingkod tuwing Lingg – dahil ang mga ito’y nagpupuri, nagpapaitaas at nanluluwalhati ang Banal na Trinidad, dahil Siya ay ating Diyos!
Sinasabi ng mga Mormon mayroong tatlong hiwahiwalay na mga diyos. Ngunit nagkakamali sila. Mayroon lamang isang Diyos, sa tatlong Pagkatao. Itinatanggi ng mga Saksi ni Jehova ang pagka banal ni Hesus. Ngunit mali sila. Si Hesus ay Diyos, ang Pangalawang Tauhan ng Trinidad. Itinatanggi ng mga Muslin na ang Anak at ang Espiritu ay Diyos. Ngunit nagkakamali sila. Mayroong tatlng Tauhan, sa Punong Diyos. Sa ganoong epekto ang mga teyolohikal na liberal na mga Protestante ay itinatanggi ang tatlong Tauhan, gaya ng mga makabagong Unitaryano – ginagawa ang dalawang mga grupong iyon na mga agnostiko sa pinaka mahusay, at madalas mga ateyista. Ang teyolohikal ang liberalism, ang mas malambot mang uri ng Fuller na Seminaryo, o ang mas matigas ang ulong Pagtatapos na Paaralan ng Claremont na uri, ay trinatrato ang Trinidad bilang isang banal na alaala ng nakaraan, o isang teyolohikal na kasinungalingan. Ito’y siyempre, ay nagpahiwatig na ang ganoong liberal na mga pananaw ng Diyos ay laging nagdala pababa sa Unitariyanismo – at, sa wakas, sa ateyistisismo, kung saan ang Diyos ay walang pagpipigil na tinatanggihan ang Diyos.
Ngunit ang Bibliya mismo ay nagtuturo na ang Diyos ay isang Trinidad – at na dapat tayong yumuko sa harap ng isang Diyos – Ama, Anak, at Banal na Espiritu. Dapat tayong maging totoo sa ating Bautista at Protestanteng tradisyon. Ang malaking karamihan noong mga tumatawag sa kanilang mga sariling “Kristiyano, “ kasama ang mga Katoliko at ang Ortodoks, ay nagturo na ang Diyos ay isang Trinidad. Sa kasaysayan ang mga Bautista at mga ebanghelikal ay hinawakan ang doktrina ng Trinidad.
“At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama” (Mga Taga Galacias 4:6).
Nakita natin ang Trinidad sa teksto. Ngayon makikita natin kung anong sinasabi nito sa atin. Ito’y isang magandang teksto, at isa na malalim, at mayaman sa kabuluhan.
I. Una, ang teksto ay nagsasalita patungkol sa doktrina ng pagkukupkop.
Sinasabi ng berso, “kayo’y mga anak.” At ito’y tumutukoy pabalik sa dating berso, na nagsasabing, “…upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.” Kinakailangan na makupkop ng Diyos dahil hindi tayo Kanyang mga natural na mga anak. Sinasabi ng Bibliy na tayo ay mga “tayo nga'y lahi ng Dios” (Mga Gawa 17:29). Ngunit iyan ay tumutukoy lamang sa ating pisikal na mga katawan, na nilikha ng Diyos. Ngunit iyan ay iba mula sa “pagkukupkop [ng] mga anak” na tinukoy sa Mga Taga Galacias 4:5. Ang pagbabagong buhay, kilala bilang bagong pagkapanganak, ay nagbibigay sa atin ng kalikasan ng mga anak ng Diyos. Ngunit ang pagkukupkop, na nagaganap kapag tayo’y muling naipapanganak muli, ay nagbibigay sa atin ng mga karapatan ng mga anak ng Diyos.
Ang tatay ko ay umalis noong ako ay dalawang taong gulang. Noong ako’y labin tatlo hindi ako makatira kasama ng aking nanay dahil walang lugar para sa akin. Kaya nagpunta ako upang makitira sa ibang mga kamag-anak noong ako’y labin tatlong taon. Ngunit napakaraming pag-iinom at pag-aaway doon na ako’y magpupunta sa likuran pintuan huli na ng hapon, lalakad sa bakuran, at aakyatin ang lumang, sira-sira nang bakod, at magpunta sa tahanan nina Dr. at Gng. McGowan. Tapos ako’y makikipaglaro at manonood ng telebisyon kasama ng kanilang anak na lalake at anak na babae.
Lagi akong kakatok sa likurang pintuan ng kanilang bahay, at mag-aantay para sa isang magpapasok sa akin. Ngunit isang araw sinabi ni Gng. McGowan, “Robert, hindi mo na kailangang kumatok. Pumasok ka na lang pagkarating mo rito.” Mula noon pumapasok na ako na parang isang kapamilya. At maraming mga gabi sa isang linggo hihilingin ako ni Gng. McGowan na magpunta sa kusina at maghapunan kasama nila. Ginawa akong napaka saya nito, na halos isa ako sa kanilang mga anak. Sinabi ko “halos” tulad ng isa sa kanilang mga anak. Sa loob ng apat na taon, mula sa panahon na ako’y 13 hanggang sa mga 17, dinala nila ako pati kasama nila sa bakasyon. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa kanila, at madalas na sinabi ito sa kanila. Lagi ko siyang pinadalhan ng tarheta tuwing Araw ng mga Ina, at si Dr. McGowan tuwing Araw ng mga Ama – hanggang sila’y nabubuhay. Lagi ko silang pinadalhan ng mga regalo tuwing Pasko. Noong siya’y matandang-matanda na, binigyan ko si Dr. McGowan ng mamahaling pares ng salamin upang ayusin ang pagkasira ng kaniyang makular sa mata. Nasa kabaong niya ang salaming iyon sa kanyang kabaong noong nagsalita ako sa kanyang libing. Madalas niyang sabihin sa akin na ako’y parang isang anak sa kanya. Sa palagay ko alam niya na iyon ay mahalaga para sa kin, dahil ang kanyang sariling ama ay namatay noong siya’y maliit pa lamang, at nagkaroon siya ng amain na masama sa kanya. Oo, ako’y halos parang isa sa kanilang mga anak – halos – ngunit hindi lubusan.
Ganyan ito sa ilan sa inyo. Pumasok kayo sa simbahan. Halos nararamdaman mo na ika’y kasapi sa pamilya ng simbahan – halos. Ngunit mayroong nawawala. Nararamdaman mo na hindi ka talaga kasapi. Ang pagkukupkop ang nawawala! Dapat kang makupkop ng Diyos bilang isa sa Kanyang mga anak, o ika’y hindi tunay na magiging bahagi ng ating simbahan. Kahit na ika’y naipanganak at pinalaki sa simbahang ito, ika’y di kailan man lubos na masisiyahan hanggang sa ika’y makupkop sa pamilya ng Diyos. Sinabi ni Spurgeon na ang isang taong di napagbagong loob “ay tumatayo sa kondisyon ng isang kriminal, hindi bilang isang anak…isang rebelda laban sa [Diyos], at hindi isang anak na tinatamasa ang pag-ibig ng kanyang Ama.” Dapat kang mapagbagong loob upang maging anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagkukupkop, at matamasa ang pribilehiyo ng pagkaanak. Isang di kilalang himno na naisulat noong 1777 ay nagsabi,
Mga anak tayo sa pamamagitan ng eleksyon ng Diyos,
Sino ay kay Hesu-Kristo naniniwala;
Sa pamamagitan ng walang hanggang destinasyon,
Pinakadakilang biyaya atin rito natatanggap.
(Bilang 221 sa “Ang Ating Sariling Aklat ng Himno”
[“Our Own Hymn Book”], ipinagsama-sama ni
C. H. Spurgeon, 1834-1892).
II. Pangalawa, ang teksto ay tumutukoy sa paninirahan ng Banal na Espiritu doon sa mga napagbagong loob.
“At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso…” (Mga Taga Galacias 4:6).
Ang Banal na Espiritu ay tumutuloy sa atin mula sa Ama. At ipinapadala ng Diyos ang Banal na Espiritu sa ating mga puso kapag tayo ay naligtas.
Pansinin na sinasabi ng teksto na ipinapadala ng Diyos ang Banal na Espiritu “sa ating mga puso.” Hindi nito sinasabi na ipinapadala Niya ang Espiritu sa ating mga utak. Ang Espiritu ay nagpupunta sa iyong puso. Ang iyong puso ay ang sentro ng iyong pagkatao. Sinasabi ng Bibliya, “ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid” (Mga Taga Roma 10:10).
Kapag ika’y nagiging anak ng Diyos ika’y sineselyuhan ng Banal na Espiritu, na nagdadala ng kapayapaan at pagkalapit sa Diyos, at pakikisama sa Kanya. Imbes na tumatayo sa labas, tulad ng mas matandang anak, ika’y nagpupunta sa pakikisama sa Diyos, tulad ng mapaglustay na anak na napagbagong loob. Mayroon iyong mga nagdedeklarang mga Kristiyano, ngunit hindi kailan man naranasan ito. Ang mga hindi mga anak, ay walang alam patungkol sa paninirahan ng Espiritu. Nagtataka sila kung anong ibig sabihin niyan. Minsan nagagalit pa sila sa amin, para sa pagsasabi na mayroong kaming wala sila. Sa palagay ko iyan ang dahilan na pinatay ni Cain si Abel. Sa palagay ko iyan ang dahilan na ang mas matandang anak ay nagalit noong ang kanyang mapaglustay na kapatid ay tinamasa ang pagtanggap ng kanyang ama sa pista na ibinigay niya sa kanyang anak. “Datapuwa't nagalit siya, at ayaw pumasok” (Lucas 15:28). Kaya ang ama ay lumabas at “siya’y namanhik sa kanya” – at nagmaka-awa sa kanya (Lucas 15:28). Ang Diyos ay nagmamakaawa sa kanya na magpunta kay Kristo, at itamasa ang pribilehiyo ng pagiging Kanyang nakupkop na anak! Makinig sa lumang himnong ito,
“Ibigay sa akin ang iyong puso,” ang sabi ng Ama sa itaas,
Walang regalong napaka mahal sa Kanya tulad ng ating pag-ibig;
Mahinang binubulong Niya, saan ka man,
“Nagpapasalamat mo Akong pagkatiwalaan,
At ibigay sa akin ang iyong puso.”
“Ibigay sa akin ang iyong puso, ibigay sa akin ang iyong puso,”
Pakinggan ang mahinang bulong, saan ka man:
Mula sa madilim na mundong ito ika’y Kanyang ihihiwalay;
Nagsasalitang napakalambot, “Ibigay sa Akin ang iyong puso.”
(“Ibigay sa Akin ang Iyong Puso.” Isinalin mula sa
“Give Me Thy Heart” ni Eliza E. Hewitt, 1851-1920).
Kapag iyong isusuko ang iyong puso kay Hesus, iyong makakanta,
Ako’y anak ng Hari, isang anak ng Hari;
Kasama si Hesus na aking Tagapagligtas, Ako’y anak ng Hari.
(“Isang Anak ng Hari.” Isinalin mula sa “A Child of the King”
ni Harriet E. Buell, 1834-1910).
III. Pangatlo, ang teksto ay tumutukoy patungkol sa isang bagong pagkalapit at pag-ibig para sa Diyos.
“At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama” (Mga Taga Galacias 4:6).
Pansinin ang huling tatlong mga salita ng teksto, “sumisigaw, Abba, Ama.” Pansinin na ito’y ang Espiritu na sumisigaw, “Abba, Ama.” Iyan ay kawili-wili. Tinukoy rin ito ng Apostol Pablo sa Aklat ng mga Taga Roma. Sinabi niya,
“Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama” (Mga Taga Roma 8:15).
Una ang Espiritu Mismo ay sumisigaw, “Abba, Ama.” Tapos tayo mismo ay nakapagsisigaw, “Abba, Ama.” Ang Banal na Espiritu ay sumisigaw, at tapos tayo’y sumisigaw – “Abba, Ama.” Pinupukaw tayo ng Banal na Espiritu na sumigaw tulad niyan kapag tayo’y maging anak ng Diyos sa pagbabagong loob!
Ang “Abba” ay isang salita ng bata para sa “Ama.” Ang salitang “Abba” ay isang munting Aramaik na salita para sa ama. Ito’y isang salita ng pagmamahal gamit ng mga bata sa kanilang mga ama. Maari itong masalin na “papa” o kaya “dadi.” Sinabi ni Spurgeon na ang Abba “ay isang mainit, natural, mapag-ibig na salita, na nararapat para sa isang maliit na anak ng Diyos.” Noong si Hesus ay nagdurusa sa Hardin ng Gethsemani, Siya’y bumagsak sa lupa at sumigaw, “Abba, Ama… ilayo mo sa akin ang sarong ito” (Marcos 14:36). Siya ay natatakot na Siya’y mamamatay doon sa Hardin bago Siya makapunta sa Krus – kaya sumigaw Siya sa Kanyang makalangit na Ama – “Abba, Ama...ilayo mo sa akin ang sarong ito.” Ang sigaw na iyan ay nagpapakita kung gaano ka lapit ni Hesus ang Anak sa Diyos ang Ama!
At kapag ika’y napagbagong loob, gaya ng isang nakupkop na anak ng Diyos, maaring kang manalangin gaya ni Hesus, “Abba, Ama!”
Tumalikod mula sa iyong kasalanan at magtiwala kay Hesus. Sa sandaling iyon ang Kanyang Dugo ay maglilinis sa iyong kasalanan, at ang Kanyang muling pagkabuhay na kapangyarihan ay bubukas sa iyong puso, at ika’y makukupkop ng Diyos! Ika’y magiging Kanyang anak magpakailan man! Tapos ika’y makakapagkanta ng “Isang Anak ng Hari” [“A Child of the King”] –
Ako’y minsang isang tagalabas na estranghero sa lupa,
Isang makasalanan sa pagpipili, at isang dayuhan sa pagkapanganak;
Ngunit ako’y nakupkop, ang aking pangalan ay nakasulat,
Isang tagapagmana ng isang mansion, isang balabal at isang korona.
Ako’y isang anak ng Hari, isang anak ng Hari:
Kasama si Hesus na aking Tagapagligtas, ako’y isang anak ng Hari.
(“Isang Anak ng Hari” [“A Child of the King”] ni Harriet E. Buell, 1834-1910).
At ika’y magagawang makanta kasama ni Charles Wesley,
Ang aking Diyos ay napagkasundo, ang
Kanyang nagpapatawad na tinig aking naririnig;
Pinag-aari Niya ako para sa Kanyang anak, hindi na ako natatakot;
Na may pananalig ako na ngayon ay lumalapit, at
“Ama, Abba, Ama!” sumigaw,
At “Ama, Abba, Ama!” sumigaw.
(“Arise! My Soul, Arise!” by Charles Wesley, 1707-1788).
Magpunta kay Hesus, ngayon, sa pamamagitan ng pananampalataya. Magtiwala sa Kanya at ika’y agad-agad na magiging anak ng Diyos! Lilinisin ni Kristo ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang Dugo at bibigyan ka ng buhay sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano, iwanan ang iyong upusan ngayon ang lumakad sa likuran ng awditoriyum na ito. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan masasagot namin ang iyong mga tanong at manalangin. Magpunta ngayon na. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Galacias 4:3-7.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Anak ng Hari.” Isinalin mula sa
“A Child of the King” (ni Harriet E. Buell, 1834-1910).
ANG BALANGKAS NG PAGKUKUPKOP! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama” (Mga Taga Galacias 4:6). I. Una, ang teksto ay nagsasalita patungkol sa doktrina ng pagkukupkop, Acts 17:29; Mga Taga Galacias 4:5. II. Pangalawa, ang teksto ay tumutukoy sa paninirahan ng Banal na Espiritu doon sa mga napagbagong loob, III. Pangatlo, ang teksto ay tumutukoy patungkol sa isang bagong pagkalapit at pag-ibig para sa Diyos, Mga Taga Roma 8:15; Marcos 14:36. |